Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ika-anim na Bahagi)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pagtrato ng Diyos sa mga taong lumalapastangan o kumakalaban sa Kanya o maging yaong naninira sa Kanya—mga tao na sinasadyang atakihin, siraan, at sumpain Siya—hindi Siya nagbubulag-bulagan o nagbibingi-bingihan. Mayroon Siyang isang malinaw na saloobin tungo sa kanila. Hinahamak Niya ang mga taong ito, at sa Kanyang puso ay hinahatulan sila. Sinabi pa Niya nang hayagan ang kalalabasan para sa kanila, nang upang malaman ng mga tao na Siya ay mayroong malinaw na saloobin tungo sa kanila na lumalapastangan sa Kanya, at ang sa gayon ay kanilang malaman na pagpapasyahan Niya ang kanilang kalalabasan. Gayunman, pagkatapos sabihin ng Diyos ang mga ito, hindi pa rin halos makita ng mga tao ang ukol sa kung paano haharapin ng Diyos ang mga taong iyon, at hindi nila maiintindihan ang mga panuntunan sa likod ng kalalabasan ng Diyos, ang Kanyang hatol para sa kanila.