Nasa mga huling araw na tayo at maraming tao ang maingat na naghihintay sa pagbabalik ng Panginoon. Karamihan sa mga kapatid ay binibigyang pansin ang pagdarasal, pagbabasa ng Bibliya, pagtulong sa mga mahihirap, paggawa ng maraming mabubuting bagay, at pagpapalaganap ng ebanghelyo, sapagkat naniniwala sila na hangga't ginagawa nila ang lahat ng mga bagay na ito, maaari nilang masalubong ang Panginoon.
Karamihan sa mga tao sa relihiyosong mundo ay naniniwala na ang Biblia ay ang panuntunan ng Cristianismo, na ang isang tao ay kailangang kumapit sa Biblia at ibatay ng buo ang paniniwala ng isang tao sa Panginoon sa Biblia, at ang isang tao ay hindi matatawag na mananampalataya kung ang isang tao ay humihiwalay sa Biblia.
Wang Xinyu and her husband run a clothing shop, and though at first they try to operate their store with integrity and conscience, they don't earn much money, and their lives are very difficult. But when they see their peers who rely on lying and deception to do business buying cars and houses and living lavish lives, they decide they don't want to be left behind.
Mula nang maging makapangyarihan ang Chinese Communist Party, patuloy na nitong sinugpo at inusig ang Kristiyanismo at Katolisismo upang lubos na mapawi ang lahat ng paniniwala sa relihiyon at maitatag ang China bilang lugar ng ateismo. Lalo na nang maging Pangulo si Xi Jinping umabot na sa sukdulan ang mga pag-atake ng CCP sa pananampalataya, at pati na ang Three-Self Church na opisyal na pinahintulutan ay winawasak at binabaklas ang mga krus.
Upang mapilit ang mga Kristiyano na ipagkanulo ang iglesia, traydurin ang Diyos at sirain ang pagkakataon nila na mailigtas ng Diyos, walang pakundangang pinagbabantaan ng Partido Komunista ng Tsina ang mga kapamilya ng mga Kristiyano at ginagamit nila ang emosyon ng pamilya ng mga Kristiyano para mapilit sila na ipagkanulo ang Diyos. Magtagumpay kaya ang mga pakana ng Partido Komunista ng Tsina? Sa digmaang ito ng kabutihan at kasamaan, paano mananalig ang mga Kristiyano sa Diyos para malagpasan ang mga temtasyon ni Satanas at manindigan at makapagpatotoo para sa Diyos?
-------------------------------------
Ang seksyon ng mga Halimbawa ng Pananampalataya ay may kasamang mga libreng artikulo at video. Tutulungan tayo nito na magkaroon ng pananalig sa Diyos at matamo ang Kanyang paggabay sa mga suliranin.
May Iba pa Bang mga Salita ang Diyos Maliban sa Nasa Biblia?
Sinasabi sa Biblia, "At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak" (Pahayag 5:1). "
Madalas ipangaral ng mga pastor at elder ng mga relihiyon sa mga mananampalataya na ang pangalan ng Panginoong Jesus ay hindi maaaring magbago kailanman at na tanging sa pag-asa sa pangalan ng Panginoong Jesus tayo maaaring maligtas.
Ang mga pastor at elder ng mga relihiyon kadalasan ay itinuturo sa mga tao na walang mga salita at gawain ng Diyos sa labas ng Biblia, kaya maling maniwala sa anumang wala sa Biblia. Tama kaya ang ideyang ito kung sisiyasatin?
Naniniwala ang kabuuan ng relihiyosong mundo na ang gawain at mga salita ng Diyos ay nasa Biblia lahat, at sa pagbubukod ng Biblia, walang mga salitang binanggit ang Diyos at Kanyang gawain. Samakatuwid, hangga't kayo ay tapat sa Biblia, sisiguruhin nito na kayo ay makakapasok sa kaharian ng langit. Sumasang-ayon ba ang mga ideyang ito sa katunayan ng gawain ng Diyos? Mayroon bang mga salita ng Diyos sa labas ng Biblia? Ano ba talaga iyon na maggagabay sa tao upang makapasok sa kaharian ng langit? Iyon ba ay ang panghawakan ang Biblia, o ang pagsunod sa mga yapak ng Kordero? Ibubunyag sa inyo ng clip na ito ang lahat ng sagot!
-----------------------------------
Ano ang tunay na paniniwala sa Diyos? Paano dapat manalig sa Diyos ang isang tao para matamo ang Kanyang papuri?
Tagalog Christian Movies | "Basagin Ang Sumpa" - Tunay bang Hinirang ng Panginoon ang mga Pastor at Elder ng Relihiyosong Mundo? (Clip 5/6)
Personal na nagbibigay ng patotoo ang Diyos sa lahat ng Kanyang hinihirang at ginagamit. Sa pinakamababa man lang, lahat sila ay tumatanggap ng kumpirmasyon ng gawain ng Banal na Espiritu, ipinapakita ang mga bunga ng gawain ng Banal na Espiritu, at natutulungan ang mga napiling tao ng Diyos na tumanggap ng pagkakaloob ng buhay at tunay na pagpapastol. Dahil makatuwiran at banal ang Diyos, ang lahat ng Kanyang hinihirang at ginagamit ay kailangang sumunod sa Kanyang kalooban. Ang mga pastor at elder mula sa relihiyosong mundo ay nagkukulang lahat sa salita ng Diyos bilang patotoo, at wala ring kumpirmasyon ng gawain ng Banal na Espiritu. Kaya paanong personal na hihirangin at gagamitin ng Diyos ang mga pastor at elder na nasa relihiyosong mundo?
Clip ng Pelikulang Ang Misteryo ng Kabanalan (5) | "Paano Malalaman na si Cristo ang Katotohanan, ang Daan at ang Buhay"
Ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay kapwa nagpapatotoo na si "Cristo ang katotohanan, ang daan at ang buhay." Bakit sinasabi na si Cristo ay ang katotohanan, ang daan at ang buhay? At ang mga apostol na iyon at mga dakilang espirituwal na mga tao na sumunod sa Panginoong Jesus ay nagsabi rin ng maraming bagay, mga bagay na kapaki-pakinabang sa tao, kaya bakit ang mga ito ay hindi ang katotohanan, ang daan at ang buhay? Paano natin dapat maunawaan ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang aspetong ito?
Tagalog Christian Movies | "May Iba pa Bang mga Salita ang Diyos Maliban sa Nasa Biblia?"
Sinasabi sa Biblia, "At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak" (Pahayag 5:1). "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.
"Tagalog Christian Movies" Clip 1 - Nakumpleto ba ang Gawain na Pagliligtas Noong Ipinako sa Krus ang Panginoon?
Maraming tao sa relihiyosong mundo ang nag-iisip: “Ang pagsasabi ng Panginoong Jesus sa krus na 'Naganap na' ay nagpapatunay na tapos na ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan. Sa paniniwala lamang sa Panginoon, napatawad ang ating kasalanan, inaaring ganap sa pananampalataya, at iniligtas ng biyaya. Kapag darating ang Panginoon, dadalhin Niya tayo sa kaharian ng langit. Hindi na Siya posibleng gumawa ng iba pang gawain ng pagliligtas.” Naaayon ba ang pananaw na ito sa mga katunayan ng gawain ng Diyos? Manood ng higit pa : ang panginoon ay darating
The bible tagalog movies | "Nakagawa ng Grupo ng mga Mananagumpay ang Gawaing Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw" (Mga Movie Clip)
Hinulaan ng Libro ng Pahayag, "At sa anghel ng iglesia sa Filadelfia ay isulat mo; ... Sapagka't tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanlibutan, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa. Ako'y dumarating na madali: panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang huwag kunin ng sinoman ang iyong putong. Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon ... " (Pahayag 3: 7, 10-12). Hinulaan ng Libro ng Pahayag na gagawing ganap ang isang pangkat ng mga mananagumpay bago ang mga kalamidad. Ang gawaing ito ng pagperpekto sa mga mananagumpay ay ang sariling gawain ng Diyos. Isang bagay ba ito na kayang gawin ng tao? Paano ginagawang perpekto ng Diyos ang pangkat na ito ng mga mananagumpay sa Kanyang gawain sa mga huling araw?
Nanganganib na Pagdala | Inilalantad ang Maling Ideya "Ang Nananahanan na Banal na Espiritu, Dalawang Espiritung Naghahalo" (Mga Movie Clip)
Iniisip ng ibang tao na nang muling nabuhay ang nagkatawang-taong Panginoong Jesus matapos Siyang pakuin, naging Espiritu Siyang nagbibigay-buhay. At sa gayon, ang Espiritung nagbibigay-buhay na nananahan sa loob natin, ay humahalo sa ating espiritu, at nagiging isa ang dalawang espiritu. Sa gayon ay magiging Diyos tayo sa huli. Wasto ba ang ideyang ito? Sa katunayan, ang sangkap ng Banal na Espiritu ay hindi nagbabago, kaya paano Siya magiging Espiritung nagbibigay-buhay? Ipinapatupad ng Banal na Espiritu ang gawain ng pagliligtas sa tao, kaya paano Siyang mananahan sa atin bilang buhay ng tao?
Tagalog Christian Movie | "Nanganganib na Pagdala" (Clips 2/8) Paghihimay sa Kahangalan ng “Ang Taong Isinasabuhay ang Imahe ng Diyos ay Maaaring Maging Diyos”
Mayroong maliit na bilang ng mga tao sa relihiyosong mundo na naniniwalang dahil nasa imahen ng Diyos ang tao, maaari siyang maging Diyos, dahil sinasabi nito sa Biblia, "Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis." Ngunit hindi mabatid ng karamihan sa mga tao ang tanong na ito. Ano sa palagay ninyo ang tungkol sa orihinal na imahen ng Diyos kumpara sa imahen ng Diyos na isinabuhay ng tao? Ano ang pagkakaiba sa dalawa?
Nanganganib na Pagdala | Inilalantad ang Kamalian ng "Teoriyang Diyos-tao" (Mga Movie Clip)
Sa relihiyosong mundo, may ilang mga denominasyon na naniniwalang naging tao ang Diyos na maaaring maging Diyos ang tao. Umaayon ba ang teoriyang ito sa intensyon ng Diyos nang nilikha Niya ang tao? Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang ating Diyos ay tunay ngang Diyos, at ang tao ay tao lang. Ang Diyos ay may sangkap ng Diyos, at ang tao'y may sangkap ng tao" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang Diyos ang Manlilikha. Bilang mga tao, mga nilikhang nilalang lang tayo. Hindi natin maaaring banggitin na ang sangkap ng tao at ang sangkap ng Diyos ay magkatulad, kaya paano magiging Diyos ang tao?
Tagalog Christian Movie Clips | Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo | "Naiintindihan Mo Ba Talaga ang Katotohanan sa Likod ng Insidente sa Shandong Zhaoyuan?"
Alam ng maraming tao ang tungkol sa insidente ng Zhaoyuan sa Shandong ng gumulantang sa Tsina at sa buong mundo, at nagbunga ng maraming hinala tungkol sa insidente. Gusto rin talaga nilang maintindihan ang katotohanan at ang mga tunay na nangyari sa likod ng insidente ng Zhaoyuan sa Shandong. Ngayon, ang maikling video na ito ang sasagot sa inyong mga katanungan at bubura sa inyong pagdududa.
Tagalog Christian Movie Clips | Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo | "Sa Huli Sino Ba ang Sumisira sa mga Pamilya ng mga Kristiyano?"
Sinabi ng Panginoong Jesus, “Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal” (Mark16:15). Ayon sa mga kailangan ng Diyos, ipinalalaganap ng mga Kristiyano ang ebanghelyo at nagpapatotoo sa Diyos ng sa ganun ay maraming tao ang makatanggap ng pagliligtas Niya. Ang ginagawa nila ay mabuti at marangal. Ngunit walang-awang inaaresto at pinahihirapan ng Partidong Komunista ng Tsina ang mga taong naniniwala sa Diyos, na dahilan para hindi makabalik ang mga Kristiyano sa kanilang mga tahanan. Nagkawatak-watak ang kanilang pamilya, nawasak ang mga tahanan, at nawalan ng buhay ang mga tao. Ganunman, sinasabi ng Partidong Komunista ng Tsina na ang lahat ng ito ay bunga ng pag-iwan ng mga Kristiyano sa mga tahanan nila at propesyon para ipalaganap ang ebanghelyo. Tumutugma ba sa katotohanan ang salaysay na ito ng Partidong Komunista ng Tsina? Sa huli, sino ba talaga ang dahilan ng pagkasira ng pamilya ng mga Krisityano?
Tagalog Christian Movie Clips | Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo | "Paglalantad sa Kamalian ng Partido Komunista ng Tsina na Tumatawag Kay Cristo Bilang Karaniwang Tao"
Sa Kapanahunan ng Biyaya, nagpakita ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao bilang karaniwan, at normal na tao sa panlabas, ngunit dinala Niya ang landas ng pagsisisi, “Magsisi: sapagkat malapit na ang kaharian ng langit,” at ginawa ang gawain ng pagtubos sa tao sa pamamagitan ng pagpapako sa krus. Sapat na ito upang patunayan na ang Panginoong Jesus ang Diyos na nagkatawang-tao. Si Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, gaya ng Panginoong Jesus, ay nagpapakita mula sa panlabas bilang isang karaniwang tao. Ganunman, kaya Niyang ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng pagdadalisay at pagliligtas sa sangkatauhan. Pinatutunayan nito na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao. Sa kabilang dako, ang Partido Komunista ng Tsina ay ginagawa ang lahat upang itakwil si Cristo at kalabanin Siya, sa pagsasabing si Cristong nagkatawang-tao ay isa lamang karaniwang tao. Bakit napakasama ng Partido Komunista ng Tsina at salungat sa katwiran?