Nasa mga huling araw na tayo at maraming tao ang maingat na naghihintay sa pagbabalik ng Panginoon. Karamihan sa mga kapatid ay binibigyang pansin ang pagdarasal, pagbabasa ng Bibliya, pagtulong sa mga mahihirap, paggawa ng maraming mabubuting bagay, at pagpapalaganap ng ebanghelyo, sapagkat naniniwala sila na hangga't ginagawa nila ang lahat ng mga bagay na ito, maaari nilang masalubong ang Panginoon. Ngunit naaayon ba ang pananaw na ito sa kalooban ng Panginoon? Bakit wala pang maraming tao ang sumasalubong sa Panginoon? Napabayaan ba nila ang isang mahalagang bagay sa pagsalubong sa pagbalik ng Panginoon? Sinabi ng Panginoong Jesus, "Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila'y Aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa Akin" (Juan 10:27). Mula sa mga salita ng Panginoon, makikita natin na gagamitin ng Panginoon ang Kanyang mga pananalita upang hanapin ang Kanyang mga tupa sa mga huling araw. Ibig sabihin, ang susi sa pagtanggap sa pagbabalik ng Panginoon ay ang pakinggan ang tinig ng Diyos. Kung gayon, paano natin makikilala ang tinig ng Diyos? Sasabihin sa atin ng 22-minutong video na ito ang sagot.
————————————————————
Ang mga kalamidad sa buong mundo ay madalas na nangyayari at ang mga propesiya ng Panginoon ay karaniwang natutupad. Maraming tao ang natanto na ang Panginoon ay dumating na, kaya paano natin sasalubungin ang pagdating ni Jesus?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento