Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

04 Agosto 2020

Pagkatapos ng mga kasinungalingan

Ang Pagkatapos ng mga Kasinungalingan ay ang patotoo ng isang Kristiyano na nakaranas ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nagawang maunawaan ng pangunahing tauhan na minamahal ng Diyos ang matapat at kinamumuhian ang mapanlinlang, at ang matapat lang ang ganap na maililigtas at makakapasok sa kaharian ng langit.

27 Hulyo 2020

Mga Araw ng Paghahangad ng Katanyagan at Pakinabang

Ang Mga Araw ng Paghahangad ng Katanyagan at Pakinabang ay ang pagpapatotoo ng isang Kristiyanong dumaranas ng paghatol at pagkastigo ng Diyos. Dahil sa pagnanais ng bida na maghangad ng katanyagan at katayuan habang tumutupad ng kanyang tungkulin, nang makita niyang si Brother Li ang napiling maging team leader sa halip na siya, nakaramdam siya ng sama ng loob, at nagsimulang palihim na makipagpaligsahan sa kanya.

17 Hulyo 2020

Pananalig sa Diyos

Si Yu Congguang ay nangangaral ng ebanghelyo para sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Habang nangangaral ng ebanghelyo, tinugis siya ng Komunistang gobyerno ng Tsina. Tumakas siya sa mga kabundukan, kung saan nakatanggap siya ng tulong mula kay Zheng Xun, isang katrabaho sa lokal na bahay iglesia. Nang una silang nagkita, pakiramdam nila ay matagal na nilang kilala ang bawat isa. Dinala ni Zheng Xun si Yu Congguang sa kubo kung saan siya at ng kanyang mga katrabaho ay nagtipon. Doon, nangyari ang isang debate kila Zheng Xun at ng kanyang mga katrabaho kung ang isang mananampalataya sa Diyos ay dapat bang sundin o hindi yaong mga nasa kapangyarihan.

17 Hunyo 2020

Paano Maging Tunay na Masunurin sa Diyos at Maligtas Niya


Sabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Paano ba talaga natin dapat pagsikapang maging mga tao na gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit at masunurin sa Diyos, para dalhin tayo ng Diyos sa kaharian ng langit?

04 Abril 2020

Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy


Patotoo ng Isang Kristiyano | Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy

Sabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Paano ba talaga natin dapat pagsikapang maging mga tao na gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit at masunurin sa Diyos, para dalhin tayo ng Diyos sa kaharian ng langit?

28 Enero 2020

Tagalog Christian Movies | "Isang Kaligayahang Pinakahihintay"


Tagalog Christian Movies | "Isang Kaligayahang Pinakahihintay"


Para kumita nang sapat para mabuhay nang maayos, talagang nagpursigi si Ding Ruilin at ang kanyang asawa na makapagbukas at magpatakbo ng isang negosyo. Ngunit, dahil sa pananamantala at pang-aabuso ng gobyernong CCP, nanatili silang lubog sa utang, at wala silang nagawa kundi mangibang-bansa para magtrabaho. Para kumita ng mas malaki, nagdalawang trabaho si Ding Ruilin.

13 Agosto 2019

Kristiyanismo tagalog| Sa Katindihan ng Taglamig | Ang Matagumpay na Patotoo ng isang Cristiano



Kristiyanismo tagalog | Sa Katindihan ng Taglamig | Ang Matagumpay na Patotoo ng isang Cristiano


     Ang pangalan niya ay Xiao Li. Naninwala siya sa Diyos nang mahigit sa isang dekada. Noong taglamig ng 2012, inaresto siya ng pulisya ng Komunistang Tsino sa isang kongregasyon. Sa panahon ng pagsisiyasat, paulit-ulit siyang hinikayat, binantaan, binugbog at pinahirapan ng pulisya sa kanilang pagtatangka na akitin siya na ipagkanulo ang Diyos sa pamamagitan ng pagbubunyag ng kinaroroonan ng mga lider at pera ng iglesia.

22 Mayo 2019

Tagalog Christian Movie | "Red Re-Education sa Bahay" | God Is My Savior (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Movie| "Red Re-Education sa Bahay" | God Is My Savior (Tagalog Dubbed)

Si Zheng Yi ay isang Kristiyano. Nang marinig niya ang tungkol sa malupit na pang-uusig ng pamahalaang CCP sa Kidlat ng Silanganan at ang pag-aresto sa mga Kristiyano noong nagtatrabaho siya sa Estados Unidos, nag-isip-isip siya, "Ang CCP ay isang partidong ateista, isang makademonyong rehimen na pinakamatinding kalaban ng Diyos. Sa kabila ng sumisiklab na pang-uusig at panunupil ng CCP, lalo pa ring naging maunlad ang Kidlat ng Silanganan.

21 Mayo 2019

Tagalog Christian Movie | "Seventeen? Ano Ngayon!" God is My Salvation (Tagalog Dubbed)




Tagalog Christian Movie | "Seventeen? Ano Ngayon!" God is My Salvation (Tagalog Dubbed)

"Bata! Alam mo ba'ng ang Partido Komunista ay ateista at tutol sa paniniwala sa Diyos? Sa China, Ano'ng Diyos ang naroon para sa iyo para paniwalaan mo? Nasaan ba ang Diyos mo?" "Huwag mo'ng ipalagay na dahil bata ka, magiging maluwag kami sa iyo! Kung patuloy ka'ng maniniwala sa Diyos, mamatay ka agad!" Hawak ang mga de-kuryenteng pamalo, sinugod ng mga pulis ng Komunistang Tsino ang binatilyo na puno ng mga pasa.

20 Mayo 2019

Tagalog Christian Movie | "Hindi Pa Tapos Ang Partido" A Christian's Experience of Being Persecuted



Tagalog Christian Movie | "Hindi Pa Tapos Ang Partido" A Christian's Experience of Being Persecuted

Si Li Ming’ai ay mula sa mainland China. Isa siyang babaing may mabuting pagkatao, na iginagalang ang kanyang mga biyenan niya, tinutulungan ang asawa niya, at tinuturuan ang kanyang anak at may masaya at mapayapang pamilya . Gayunman, sa China, kung saan ateismo ang may hawak ng kapangyarihan, laging marahas na inaaresto at inuusig ng pamahalaang komunista ang mga taong nananalig sa Diyos.

21 Marso 2019

Tagalog Christian Movies | "Pagkamulat" | The Call of God's Love (Tagalog Dubbed)



Tagalog Christian Movies | "Pagkamulat" | The Call of God's Love (Tagalog Dubbed)

Isang tagapangaral si Lu Xiu'en sa isang bahay-iglesia sa Tsina. Sa paniniwala niya sa mga maling pananaw na ikinakalat ng mga relihiyosong pastor at elder, nagpatuloy siya sa pagpilit na "pinatawad na ng Panginoong Jesus ang kasalanan ng tao, at palaging maliligtas ang mga naniniwala sa Panginoon. Hindi na nila kailangang tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw." 

14 Marso 2019

Tagalog Christian Movies | "Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit" (Tagalog Dubbed)



Tagalog Christian Movies | "Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit" (Tagalog Dubbed)


Si Song Ruiming ay pastor ng isang iglesia sa South Korea. Bilang isang tapat na alagad ng Panginoon sa loob ng maraming taon, masigla siyang sumasampalataya at naglilingkod sa Panginoon habang naghihintay na maitaas sa kaharian sa langit pagbalik ng Panginoon. Nitong nakaraang mga taon, litung-lito siya at nawawalan ng lakas kapag nakikita na wala sa iglesia ang gawain ng Banal na Espiritu at nagiging lubhang malungkot.

21 Disyembre 2018

Tagalog Christian Movie | "Ang Sugo ng Ebanghelyo" | Bear the Cross and Preach the Gospel of Kingdom


Tagalog Christian Movies | "Ang Sugo ng Ebanghelyo" | Bear the Cross and Preach the Gospel of Kingdom


Maraming taon nang naniwala ang Kristiyanong si Chen Yixin sa Panginoon, at naging mapalad na sumalubong sa pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw—Makapangyarihang Diyos! Naintindihan niya ang agarang kalooban ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos pati na ang misyon at tungkulin na dapat gawin ng isang nilikhang nilalang, kaya sinimulan niyang ibahagi ang ebanghelyo at sumaksi sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Habang ginagawa ito naglalakbay siya sa maraming lungsod at lalawigan at nagdurusa ng pagpigil at pagtanggi mula sa mga relihiyosong grupo nang paulit-ulit pati na rin ng pagtugis at pang-uusig ng pamahalaang CCP. Tinitiis niya ang maraming pagdurusa. Gayunpaman, sa ilalim ng pamamatnubay ng mga salita ng Diyos, nananatili siya sa kanyang misyon, hindi natatakot sa panganib, matapang na sumusulong …

04 Disyembre 2018

Best Tagalog Christian Movie | "Lumabas Sa Biblia" | Interpreting the Mysteries About the Bible


Best Tagalog Christian Movie | "Lumabas Sa Biblia" | Interpreting the Mysteries About the Bible


Si Wang Yue ay pastor sa isang bahay-iglesia sa China. Buong puso’t kaluluwa siyang nangaral at namuno sa iglesia para sa Panginoon. Pero nang mas lalong nawalan ng mga tao ang kanyang iglesia, lubha siyang nabalisa pero wala siyang nagawa tungkol doon. Habang nagdurusa at nalilito, sinuwerte siyang tanggapin ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos.

28 Nobyembre 2018

Tagalog Christian Testimony Video | "Ang Pag-Uusap" | God Is My Strength


Tagalog Christian Testimony Video | "Ang Pag-Uusap" | God Is My Strength


Inaresto ng CCP si Jiang Xinyi at ang iba pang mga Kristiyano; malupit nilang pinahirapan ang mga Kristiyano para kunin ang pondo ng iglesia at arestuhin ang iba pang mga lider ng iglesia. Pagkatapos, para mapilit nila ang mga ito na talikuran ang kanilang pananampalataya, naglunsad sila ng sunud-sunod na brainwashing, pero sa patnubay ng mga salita ng Diyos, nalagpasan nila ang pagpapahirap at lahat ng panloloko ni Satanas. Umasa sila sa katotohanan para sumali sa matinding pakikipaglaban sa CCP …

20 Nobyembre 2018

True Story "Mula sa mga Pangil ng Kamatayan" | Christian Experience of Wonderful Salvation of God


True Story "Mula sa mga Pangil ng Kamatayan" | Christian Experience of Wonderful Salvation of God


Si Liu Zhen, pitumpu't walong taong gulang, ay isang karaniwang maybahay sa probinsya. Pagkatapos manalig sa Diyos, nakadama siya ng walang katumbas na kaligayahan mula sa pagbabasa ng Kanyang mga salita at pagkanta ng mga awit ng papuri sa Diyos araw-araw, at madalas na nakikipagtipon sa mga kapatid sa pananalig para magbahagi ng katotohanan.

04 Nobyembre 2018

Tagalog Christian Movie | "Kumawala sa Bitag" | Attending the Wedding Feast With the Lord


Tagalog Christian Movie 2018 | "Kumawala sa Bitag" | Attending the Wedding Feast With the Lord


2,000 taon na ang nakararaan, nang gawin ng Panginoong Jesus ang pagtubos, siniraan at tinuligsa siya ng mga relihiyosong Judio. Nakipagtulungan ang mga pinunong Judio sa gobyernong Romano at ipinako Siya sa krus. Sa mga huling araw, dumating na sa China ang Makapangyarihang Diyos—ang Panginoong Jesus sa katawang-tao—para gawin ang paghatol. Muli, matindi Siyang tinuligsa, sinupil, at inaresto sa pagkakataong ito ng gobyernong Chinese Communist at mga relihiyon. Ang laganap na mga tsismis at maling pagkaunawa na nanghusga at nanira sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay parang di-nakikitang bitag, na bumabalot at kumokontrol sa napakaraming nananalig. Naulit ang trahedya ng kasaysayan …

Ang bida sa pelikulang ito ay isa sa napakaraming nananalig na iyon. Nang una niyang marinig ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nalito siya sa mga tsismis ng gobyernong CCP at mga pinuno ng mga relihiyon. Nasilo siya dahil sa pagkalito … Pagkaraan ng ilang matitinding debate, pinatanto sa kanya ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, at sa huli ay naunawaan niya ang mga tunay na pangyayari sa likod ng mga tsismis. Nalagpasan niya ang bitag at namasdan ang pagpapakita ng tunay na Diyos …

24 Oktubre 2018

Tagalog Bible Movie | "Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono" | God Is the Life Supply for Me


Tagalog Bible Movie | "Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono" | God Is the Life Supply for Me


Si Tao Wei ay isang mangangaral mula sa isang bahay-iglesia. Habang nagiging mas malungkot ang kanyang iglesia araw-araw, naging hindi aktibo at nanghina ang espiritu ng lahat ng kanyang tagasunod, at ngayon dumilim ang kanyang sariling espiritu. Hindi na niya maramdaman ang presensiya ng Panginoon, at nalito si Tao Wei, hindi alam ang gagawin. Paano nawala ng mundo ng relihiyon ang gawain ng Banal na Espiritu? Nagbalik na nga kaya ang Panginoon, at nagpakita para gumawa sa ibang lugar?

07 Oktubre 2018

Tagalog Christian Movie | "Kumakatok sa Pintuan" God Knocks at the Door of My Heart (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Movie | "Kumakatok sa Pintuan" God Knocks at the Door of My Heart (Tagalog Dubbed)


Dalawang libong taon na ang nakararaan, iprinoposiya ng Panginoong Jesus, "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). "Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko" (Pahayag 3:20). Sa loob ng huling dalawang libong taon, naging mapagmatyag ang mga nananampalataya sa Panginoon at hinihintay ang pagkatok Niya sa pintuan, kung ganon paano Siya tutuktok sa pintuan ng sangkatauhan sa Kanyang pagbabalik?

12 Setyembre 2018

Tagalog Christian Movie | "Nanganganib na Pagdala" (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Movie | "Nanganganib na Pagdala" (Tagalog Dubbed)


Isang elder si Zhao Zhigan sa Lokal na Iglesia sa Tsina. Tulad ng maraming Kristiyano, ang kanyang pinakadakilang pag-asa bilang mananampalataya sa Panginoon ay ang madala nang buhay, masalubong ang Panginoon at mamahala kasama Siya. Noong 1999, matapos ilabas ng pinuno ng iglesia ang mensaheng, "Sa taong 2000 ang Panginoon ay darating muli, at madadala nang buhay ang Kanyang mga mananampalataya," lalo pa siyang nasabik at naging masigasig kaysa dati.