Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

26 Oktubre 2019

"Awit ng Kaharian: Bumababa ang Kaharian sa Mundo" | Pinahabang Preview


"Awit ng Kaharian: Bumababa ang Kaharian sa Mundo" | Pinahabang Preview


Narinig na ang nakakaantig na awit ng kaharian, na ipinababatid ang pagdating ng Diyos sa piling ng mga tao sa buong sansinukob! Dumating na ang kaharian ng Diyos! Nagbubunyi ang lahat ng tao, nagagalak ang lahat ng bagay! Lahat ng bagay sa buong kalangitan ay puspos ng kasayahan. Anong kabigha-bighaning mga tagpo ng kagalakan ang mga ito?

Sa mga tao, na nabubuhay sa pasakit at nagtiis na ng libu-libong taon ng katiwalian ni Satanas, sino ang hindi umaasam—hindi nananabik—sa pagdating ng Diyos? Ilang mananampalataya at alagad ng Diyos sa paglipas ng mga panahon ang nagtiis, sa ilalim ng impluwensya ni Satanas, ng pagdurusa at paghihirap,

16 Mayo 2019

Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nanghuhula Na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob

Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nanghuhula Na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob

Pinalalaganap Ko ang Aking gawain sa gitna ng mga bansang Gentil. Ang Aking kaluwalhatian ay kumikislap sa buong sansinukob; ang Aking kalooban ay nakapaloob sa mga taong nakakalat dito at doon, lahat ay pinakikilos ng Aking kamay at inilalatag ang mga tungkulin na Aking naiatas. Magmula ngayon, nakápások Ako sa isang bagong kapanahunan, dinadala ang lahat ng tao sa ibang mundo.

20 Enero 2019

Isang Planong "Mangisda"



Tagalog Gospel Crosstalk | Isang Planong "Mangisda" | CCP's Persecution of Christians by Evil Means

    Si Zhou Zhiyong ay isang Kristiyanong inaresto ng pulisyang CCP dahil sa pangangaral ng ebanghelyo. Pagkaraan ng kalahating buwan ng malupit na pagpapahirap na walang ibinunga ang kanilang interogasyon, bigla siyang pinalaya ng gobyernong CCP. Lihim na natuwa si Zhou Zhiyong na makaalis sa masamang lugar na iyon. Pero nang naghahanda na siyang makipagkita sa kanyang mga kapatid, nagkasunud-sunod ang mga kakatwang pangyayari…. Sa huli isang araw ay muli siyang inaresto ng mga pulis at noon lang niya lubos na naunawaan ang katotohanan. Ginamit pala siyang pain ng CCP sa isang napakahabang pisi para hulihin ang malaking isda! Sa tatlong taong sentensya kay Zhou Zhiyong, mas naunawaan niya ang kasamaan ng CCP sa pagkalaban sa Diyos, at natutuhan niya na talagang kamuhian iyon. Nauhaw siya sa katotohanan at mas naghangad pa ng liwanag at nagpasiya: Gaano man kahirap ang daranasin ko, susundan ko ang Diyos hanggang wakas!

19 Enero 2019

2. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nagbalik na Jesus.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Nagkatawang-tao ang Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, na ang tawag ng mga kababayan sa Hong Kong at Taiwan ay panloob-na-lupain. Nang dumating ang Diyos mula sa itaas tungo sa lupa, walang sinuman sa langit at lupa ang nakaalam tungkol dito, sapagka’t ito ang tunay na kahulugan ng pagbabalik ng Diyos sa isang lingid na paraan. Mahabang panahon na Siyang gumagawa at namumuhay sa katawang-tao, datapwa’t walang sinuman ang nakaalam nito. Hanggang sa araw na ito, walang sinuman ang nakakakilala rito.

15 Enero 2019

Tagalog Full Christian Movie | "Mabuting Tao Ako!" | How to Be Good People in the Eyes of God


Tagalog Full Christian Movie | "Mabuting Tao Ako!" | How to Be Good People in the Eyes of God


Nagustuhan na ni Yang Huixin, isang Kristiyano, na maging mabuting tao noong bata pa siya. Ayaw niyang makasakit ng iba. Naniniwala siya na mabuti siyang tao dahil siya ay mabait at kaaya-aya sa iba.

14 Enero 2019

Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia (2) "Natuklasan: Ang Kaugnayan ng Diyos sa Biblia"


Clip ng Pelikulang Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia (2) "Natuklasan: Ang Kaugnayan ng Diyos sa Biblia"

Naniniwala ang mga pastor at elder ng mga relihiyon na lahat ng salita at gawain ng Diyos ay nasa loob ng Biblia, na kumpleto na ang pagliligtas ng Diyos at basta’t ibinabase ng mga tao sa Biblia ang kanilang paniniwala sa Panginoon at nananangan sila sa Biblia,

13 Enero 2019

Ang Pagpapakumbaba ng Diyos ay Kaibig-ibig

Panimula

Tagalog Christian Music Video | "Ang Pagpapakumbaba ng Diyos ay Kaibig-ibig" (Tagalog Song)


I

Nagpapakumbaba ang Diyos at gumagawa sa mga
marurumi't tiwaling tao para sila'y gawing perpekto.
Naging tao ang Diyos.
S’ya’y nag-aalaga’t nagpapastol sa kanila,
lumalapit sa puso ng malaking pulang dragon
upang mailigtas at malupig ang mga tiwali,
ginagawa ang tungkulin ng pag-iiba’t pagbabago nila.

01 Enero 2019

45. Ano ang mga pangako ng Diyos sa mga naligtas at nagawang perpekto?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

  Lumalakad Ako ngayon sa kalagitnaan ng Aking bayan, naninirahan Ako sa kalagitnaan ng aking bayan. Ngayon, yaong may tunay na pag-ibig sa Akin, ang taong gaya nito ay mapalad; mapalad yaong mga nagpapasakop sa Akin, sila ay tiyak na mananatili sa Aking kaharian; mapalad yaong mga nakakakilala sa Akin, sila ay tiyak na hahawak ng kapangyarihan sa Aking kaharian; mapalad ang mga yaong naghahangad sa Akin, tiyak na makaliligtas sila mula sa mga gapos ni Satanas at matatamasa nila ang pagpapala sa Akin; mapalad ang mga yaong kayang talikuran ang kanilang mga sarili, tiyak na papasok sila sa Aking pag-aari, at mamanahin ang gantimpala ng Aking kaharian.

30 Disyembre 2018

Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao

  Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang walang materyal na katawan, kundi ang tao, na may katawan at ginawang tiwali ni Satanas. Ito ay tiyak na dahil ang laman ng tao ay naging tiwali kaya ginawa ng Diyos ang taong maka-laman na pakay ng Kanyang gawain; bukod dito, sapagka’t ang tao ay ang pakay ng katiwalian, ginawa Niya ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng mga yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang nilalang na may kamatayan, na may katawan at dugo, at ang Diyos lamang ang tanging Isa na maaaring magligtas sa tao. 

29 Disyembre 2018

Tagalog Christian Crosstalk | "Mga Mata sa Lahat ng Dako" | The Status Quo of Christians in China

Tagalog Christian Crosstalk | "Mga Mata sa Lahat ng Dako" | The Status Quo of Christians in China

  Inilalarawan ng crosstalk na Mga Mata Sa Lahat ng Dako kung paano tinatangka ng Partido Komunista ng Tsina na itaboy ang relihiyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng malawakang paghahanap sa buong bansa, pati na rin ang paggamit sa mga tao mula sa bawat uri at antas ng buhay bilang mga mata para mag-imbestiga, magbantay, at magmanman sa mga Kristiyano.

21 Disyembre 2018

Tagalog Christian Movie | "Ang Sugo ng Ebanghelyo" | Bear the Cross and Preach the Gospel of Kingdom


Tagalog Christian Movies | "Ang Sugo ng Ebanghelyo" | Bear the Cross and Preach the Gospel of Kingdom


Maraming taon nang naniwala ang Kristiyanong si Chen Yixin sa Panginoon, at naging mapalad na sumalubong sa pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw—Makapangyarihang Diyos! Naintindihan niya ang agarang kalooban ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos pati na ang misyon at tungkulin na dapat gawin ng isang nilikhang nilalang, kaya sinimulan niyang ibahagi ang ebanghelyo at sumaksi sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Habang ginagawa ito naglalakbay siya sa maraming lungsod at lalawigan at nagdurusa ng pagpigil at pagtanggi mula sa mga relihiyosong grupo nang paulit-ulit pati na rin ng pagtugis at pang-uusig ng pamahalaang CCP. Tinitiis niya ang maraming pagdurusa. Gayunpaman, sa ilalim ng pamamatnubay ng mga salita ng Diyos, nananatili siya sa kanyang misyon, hindi natatakot sa panganib, matapang na sumusulong …

19 Disyembre 2018

Ano ang kaibhan sa pagitan ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao at ng gawain ng Espiritu?

Pagkakatawang-tao ng Diyos | Ano ang kaibhan sa pagitan ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao at ng gawain ng Espiritu?

Ebanghelyo|Ano ang kaibhan sa pagitan ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao at ng gawain ng Espiritu?
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“At sinabi ni Moises, Ipakita mo sa akin, idinadalangin ko sa iyo, ang iyong kaluwalhatian. At kaniyang sinabi, … Hindi mo makikita ang aking mukha: sapagka't hindi maaaring makita ako ng tao at mabuhay” (Exodo 33:18-20).

“At ang Panginoon ay bumaba sa ibabaw ng bundok ng Sinai, sa taluktok ng bundok; at tinawag ng Panginoon si Moises sa taluktok ng bundok; at si Moises ay sumampa. At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bumaba ka, pagbilinan mo ang bayan, baka sila'y lumagpas upang makita ang Panginoon, at mamatay ang karamihan sa kanila” (Exodo 19:20-21).

14 Disyembre 2018

Tanong 3: Sa ngayon, laganap ang mapapanglaw na simbahan sa lahat ng relihiyon, pero hindi pa namin lubos na nauunawaan ang pangunahing dahilan. Kaya nga masigasig naming binabasa ang Lumang Tipan at pinagtutuunan namin kung paano humantong sa kapanglawang iyon sa relihiyon ang mga ikinilos ng mga punong saserdote, eskriba at Fariseong Judio noong mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan. Bagama’t may natuklasan na ang ilang problema, hindi naging malinaw ang kabuuan nito. Nagpunta na rin kami sa mga simbahan sa maraming iba’t ibang lugar at mula sa iba’t ibang sekta, pero hindi pa namin nakikita ang gawain ng Banal na Espiritu. Hindi gaanong malinaw sa amin kung bakit napakapanglaw ng lahat ng relihiyon. Ano ang tunay na dahilan nito?

Ang Kalungkutan ng mga Iglesia | Tanong 3: Sa ngayon, laganap ang mapapanglaw na simbahan sa lahat ng relihiyon, pero hindi pa namin lubos na nauunawaan ang pangunahing dahilan. Kaya nga masigasig naming binabasa ang Lumang Tipan at pinagtutuunan namin kung paano humantong sa kapanglawang iyon sa relihiyon ang mga ikinilos ng mga punong saserdote, eskriba at Fariseong Judio noong mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan. Bagama’t may natuklasan na ang ilang problema, hindi naging malinaw ang kabuuan nito. Nagpunta na rin kami sa mga simbahan sa maraming iba’t ibang lugar at mula sa iba’t ibang sekta, pero hindi pa namin nakikita ang gawain ng Banal na Espiritu. Hindi gaanong malinaw sa amin kung bakit napakapanglaw ng lahat ng relihiyon. Ano ang tunay na dahilan nito?

Ebanghelyo|Tanong 3: Sa ngayon, laganap ang mapapanglaw na simbahan sa lahat ng relihiyon, pero hindi pa namin lubos na nauunawaan ang pangunahing dahilan. Kaya nga masigasig naming binabasa ang Lumang Tipan at pinagtutuunan namin kung paano humantong sa kapanglawang iyon sa relihiyon ang mga ikinilos ng mga punong saserdote, eskriba at Fariseong Judio noong mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan. Bagama’t may natuklasan na ang ilang problema, hindi naging malinaw ang kabuuan nito. Nagpunta na rin kami sa mga simbahan sa maraming iba’t ibang lugar at mula sa iba’t ibang sekta, pero hindi pa namin nakikita ang gawain ng Banal na Espiritu. Hindi gaanong malinaw sa amin kung bakit napakapanglaw ng lahat ng relihiyon. Ano ang tunay na dahilan nito?

Sagot: Ngayon, laganap ang kapanglawan sa lahat ng relihiyon, wala roon ang gawain ng Banal na Espiritu, at nanlamig na ang pananampalataya at pagmamahal ng maraming tao—tanggap na ang katotohanang ito. Anuman ang eksaktong pangunahing dahilan ng kapanglawan ng lahat ng relihiyon ay isang tanong na kailangang maunawaan nating lahat nang lubusan. Gunitain muna natin sandali kung bakit naging mapanglaw ang templo sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, at saka natin mauunawaan nang lubusan ang dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon sa mga huling araw. Sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, hindi sinunod ng mga pinunong Judio ang mga utos ng Diyos, tinahak nila ang sarili nilang landas at kinalaban ang Diyos; ito ang pangunahing dahilan na tuwirang nagresulta sa kapanglawan ng templo. Inilantad at kinagalitan ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo, na nagsasabing: “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa’t sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal. Gayon din naman kayo, sa labas ay nangagaanyong matuwid sa mga tao, datapuwa’t sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan” (Mateo 23:27-28).

“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t itinatayo ninyo ang mga libingan ng mga propeta, at inyong ginayakan ang mga libingan ng mga matuwid, At sinasabi ninyo, Kung kami sana ang nangabubuhay nang mga kaarawan ng aming mga magulang disi’y hindi kami nangakaramay nila sa dugo ng mga propeta. Kaya’t kayo’y nangagpapatotoo sa inyong sarili, na kayo’y mga anak niyaong mga nagsipatay ng mga propeta. Punuin nga ninyo ang takalan ng inyong mga magulang. Kayong mga ahas, kayong mga lahi ng mga ulupong, paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno? Kaya’t, narito, sinusugo ko sa inyo ang mga propeta, at mga pantas na lalake, at mga eskriba: ang mga iba sa kanila’y inyong papatayin at ipapako sa krus; at ang mga iba sa kanila’y inyong hahampasin sa inyong mga sinagoga, at sila’y inyong paguusigin sa bayan-bayan: Upang mabubo sa inyo ang lahat na matuwid na dugo na nabuhos sa ibabaw ng lupa, buhat sa dugo ng matuwid na si Abel hanggang sa dugo ni Zacarias na anak ni Baraquias na pinatay ninyo sa pagitan ng santuario at ng dambana. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang lahat ng mga bagay na ito ay darating sa lahing ito” (Mateo 23:29-36).

“Mabuti ang pagkahula ni Isaias tungkol sa inyong mga mapagpaimbabaw, ayon sa nasusulat, Ang bayang ito’y iginagalang ako ng kaniyang mga labi, Datapuwa’t ang kanilang puso ay malayo sa akin. Datapuwa’t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao. Nilisan ninyo ang utos ng Dios, at inyong pinanghahawakan ang Sali’t-saling sabi ng mga tao. At sinabi niya sa kanila, Totoong itinatakuwil ninyo ang utos ng Dios, upang mangaganap ninyo ang inyong mga sali't-saling sabi” (Marcos 7:6-9).

Malinaw na makikita sa mga salita ng Panginoong Jesus na naglantad sa mga Fariseo, na ang mga gawain ng mga punong saserdote, eskriba at Fariseong Judio ay sumuway sa Diyos at kinalaban Siya. Nilabag nila ang mga kautusan at utos ng Diyos at sinunod lang nila ang mga tradisyon ng relihiyon. Sapat nang patunay ito na ang paglilingkod nila sa Diyos ay talagang pagsuway sa Kanya, at na ipinagkanulo nito ang kalooban ng Diyos. Lalo na noong panahon ng pagpapakita at gawain ng Panginoong Jesus, mabangis nila Siyang tinuligsa at sinuway, at ang kanilang likas na pagkatao at diwa ay inilantad nang lubusan. Samakatwid ay makikita na ang pangunahing dahilan na humantong sa kapanglawan ng Judaismo ay sinuway at kinalaban ng mga punong saserdote, eskriba at Fariseong Judio ang Diyos. Ang isa pa ay na nalipat na ang gawain ng Diyos. Lampas pa sa templo, inilunsad na ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Ibig sabihin, isinulong ng gawain ng Diyos ang pundasyon ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, at ang buod ng gawain ng Diyos ay nagpatuloy sa gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Nang masimulan na ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain ng pagtubos, nagsimula ang Kapanahunan ng Biyaya at nagwakas ang Kapanahunan ng Kautusan. Yaon lamang mga tumanggap sa Panginoong Jesus ang naimpluwensyahan ng Banal na Espiritu at pinatnubayan ng Panginoon, samantalang natural na yaong mga nanatili sa templo, na nagwaksi, sumuway at tumuligsa sa Panginoong Jesus, ay pinabayaan sa gawain ng Diyos, nasadlak sa kadiliman at dumanas ng mga sumpa at parusa ng Diyos. Samakatwid, masasabi natin nang may katiyakan na ang kapanglawan ng lahat ng relihiyon noong Kapanahunan ng Kautusan ay talagang idinulot ng tao at iyon ay dahil napalayo ang mga lider ng mga relihiyon sa landas ng Panginoon, hindi sila sumunod sa mga utos ng Panginoon, ipinagkanulo nila ang kalooban ng Diyos at kinalaban ang Diyos. Kung nagpatuloy ang mga pinunong Judio sa landas ng Panginoon at sumunod sa mga utos ng Panginoon, nagpunta pa kaya ang Panginoong Jesus sa ilang para mangaral at gumawa? Nagpunta pa kaya Siya sa mga walang pananalig para hanapin yaong mga susunod sa Diyos? Talagang hindi. Tiyak na pumasok muna ang Panginoong Jesus sa templo at sa mga sinagoga para mangaral, na nagpapakita sa tao at ginagawa ang Kanyang gawain. Kaya bakit hindi ito ginawa ng Panginoong Jesus? Maliwanag na ito ay dahil hindi tinanggap ng mga nasa loob ng templo at mga sinagoga ang Panginoong Jesus, kundi sa halip ay tinuligsa at sinuway Siya, at nagpunta sa lahat ng dako para subukang arestuhin Siya. Dahil dito, wala nang ibang nagawa ang Panginoong Jesus kundi magtungo sa ilang para mangaral at gumawa at makihalubilo sa mga walang pananalig para hanapin ang mga susunod sa Kanya. Malinaw na nakikita ng lahat ng matalinong tao ang katotohanang ito. Ngayon, nauunawaan natin ang dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, kaya tingnan natin ang dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon sa mga huling araw. Nakikita nating lahat na inuuna ng mga pastor at elder ng mga relihiyon sa mga huling araw ang pangangaral ng kaalaman sa Biblia at mga teolohikong teorya sa loob ng mga simbahan. Madalas nilang gamitin ang kanilang mga paliwanag tungkol sa Biblia para magpasikat at magyabang para sambahin sila ng iba, at hindi nila sinusunod ang mga salita o kautusan ng Panginoong Jesus at hindi tumatahak sa landas ng Panginoon. Bihira silang mangaral tungkol sa pagpasok sa buhay at hindi nila inaakay ang mga tao kailanman na ipamuhay o danasin ang mga salita ng Panginoon sa paraan na mauunawaan nila ang katotohanan at magkakaroon sila ng kaalaman tungkol sa Panginoon, para lumayo sa landas ng Panginoon ang lahat ng nananalig sa relihiyon. Maaari pa nga na maraming taon na silang nananalig sa Panginoon, subalit ang nauunawaan lang nila ay ang kaalaman sa Biblia at mga teolohikong teorya, wala man lang kaalaman tungkol sa Panginoon, walang pagpipitagan sa Kanya, walang pagsunod, dahil lubos na napalayo sa mga salita ng Panginoon at naging mga tao na nananalig sa Kanya pero hindi Siya kilala, at may kakayahang suwayin at ipagkanulo ang Panginoon. Mula rito makikita na ang mga lider ng mga relihiyon ay lubos nang napalayo sa landas ng Panginoon, na nagresulta sa pagkawala ng gawain ng Banal na Espiritu at mga pagpapala ng Diyos; masasabi na ito ang pangunahing dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon. Ang isa pang dahilan ay na nalipat na ang gawain ng Diyos at nagbalik na ang Panginoong Jesus bilang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao na gumagawa ng gawain ng paghatol na nagsisimula sa tahanan ng Diyos, at base sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, at itinatag na Niya ang Kapanahunan ng Kaharian at winakasan ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang buod ng gawain ng Banal na Espiritu ay nalipat na sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, at yaon lamang mga tumatanggap sa Makapangyarihang Diyos ang magkakaroon ng gawain ng Banal na Espiritu at magtatamasa ng tubig ng buhay na dumadaloy mula sa luklukan. Yaong mga hindi nakakasunod sa kasalukuyang gawain ng Diyos at ayaw tanggapin ang Makapangyarihang Diyos ay nawalan na ng gawain ng Banal na Espiritu at nasadlak sa kadiliman. Ang mga pastor at elder ng mga relihiyon lalo na, na nahaharap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ay hindi lang ito hindi hinahanap o sinisiyasat, kundi mabangis din nilang sinusuway at tinutuligsa ang Diyos, ikinakalat ang lahat ng uri ng tsismis at kasinungalingan para linlangin at kontrolin ang mga nananalig, at hinahadlangan nila ang mga tao sa paghahanap at pagsisiyasat sa tunay na daan. Matagal na nilang pinalubha ang disposisyon ng Diyos at kinamuhian at isinumpa sila ng Diyos, kaya paano bang hindi sila pababayaan at pupuksain ng Diyos? Nakita na natin ngayon na mula nang lumitaw ang “Apat na Buwan na Naging Dugo” hindi magtatagal ay magsisimula na ang malalaking kalamidad. Lahat ng hindi pa tumatanggap sa Makapangyarihang Diyos ay tiyak na daranas ng mga kalamidad at doon ay daranas ng pagkastigo at pagpipino, samantalang yaong mga tumatanggap sa Makapangyarihang Diyos ay yaong mga nadala bago sumapit ang mga kalamidad. Yaong mga hindi pa tumatanggap sa Makapangyarihang Diyos ay daranas lamang ng mga kalamidad at maghihintay na madala pagkaraan ng mga kalamidad. Hindi ba pababayaan at pupuksain ng Panginoon ang gayong mga tao? Pagkaraan ng kalamidad, ilang tao ang matitira para madala? Ngayon, halos lahat ng relihiyon ay kontrolado ng grupong ito ng mga pastor at lider na namumuhi sa katotohanan at lumalaban sa Diyos, kaya paano nito matatamo ang gawain ng Banal na Espiritu sa sitwasyong ito? At paano sana nito naiwasang maging mapanglaw? Ito ang pangunahing dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon.

Nauunawaan na namin ngayon na ang pangunahing dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon ay ang mga lider ng mga relihiyon na hindi sumusunod sa mga salita ng Panginoon, kundi bagkus ay napalayo sila sa Kanyang landas, hindi nila sinusunod ang Kanyang mga utos, lubos nilang nilabag ang kalooban ng Diyos at naging suwail sila sa Kanya. Pangalawa, dahil ang mga lider ng mga relihiyon ay naging mga suwail sa Diyos at wala ni isa sa kanila ang gustong tumanggap o sumunod sa Kanyang gawain, sa gayo’y nalipat ang Kanyang gawain, at nawala sa mga relihiyon ang gawain ng Banal na Espiritu at nasadlak sila sa kadiliman. Nang gawin ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain noon, bakit hindi Siya nangaral sa templo? Kasi lahat ng punong saserdote at elder sa templo ay mga taong sumuway sa Panginoon. Kung ginawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain sa templo, palalayasin lang Siya at tutuligsain, o agad aarestuhin at ipapako sa krus—hindi ba totoo iyan? Ito ang pangunahing dahilan kaya nalipat ang gawain ng Diyos. kung tumalima ang mga punong saserdote at elder sa templo sa mga salita ng Panginoon at naglingkod sa Diyos alinsunod sa Kanyang kalooban, paano naging mapanglaw ang templo? At paano nalipat ang gawain ng Diyos? Sabihin mo sa akin, hindi ba ganito ang nangyari? Tinutupad din nang lubusan ng kapanglawan ng mga relihiyon ang propesiya sa Biblia: “At akin namang pinigil ang ulan sa inyo, nang tatlong buwan na lamang at pagaani na; at aking pinaulan sa isang bayan, at hindi ko pinaulan sa kabilang bayan: isang bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo. Sa gayo’y dalawa o tatlong bayan ay nagsigala sa isang bayan upang magsiinom ng tubig, at hindi nangapawi ang uhaw: gayon ma’y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon” (Amo 4:7-8). “Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoong Dios, na ako’y magpapasapit ng kagutom sa lupain, hindi kagutom sa tinapay, o kauhawan man dahil sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ng Panginoon” (Amo 8:11). Mula sa dalawang talatang ito ng banal na kasulatan mauunawaan natin na ang “isang bayan” sa “pinaulan sa isang bayan” ay tumutukoy sa simbahan kung saan nagpapakita ang Diyos na nagkatawang-tao at ginagawa ang Kanyang gawain, at ang “kabilang bayan” sa “hindi ko pinaulan sa kabilang bayan” ay natural na tumutukoy sa mga relihiyon na hindi nakikinig sa mga salita ng Diyos, hindi sumusunod sa Kanyang mga utos at tinatanggihan, sinusuway at tinutuligsa ang pagpapakita at gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Nagpasapit ng taggutom ang Diyos sa mga relihiyon para pilitin ang mga miyembro doon na tunay na nananalig sa Kanya at nagmamahal sa katotohanan na talikuran ang relihiyon, hanapin ang mga yapak ng gawain ng Diyos, hanapin ang sinasabi ng Banal na Espiritu sa lahat ng simbahan at hangarin ang pagpapakita at gawain ng Diyos. Lahat ng nakikinig sa tinig ng Diyos at tumatanggap at sumusunod sa gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay ang matatalinong birhen at yaong mga nadala sa harap ng luklukan ng Diyos. Ang mga taong ito ay pawang dumadalo sa piging ng kasal ng Kordero at nagtatamasa ng pagtustos ng tubig na buhay ng buhay na dumadaloy mula sa luklukan; ang kanilang orihinal na pananampalataya at pagmamahal ay naibalik na at nagsasanay silang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, sinusunod at dinaranas ang mga salita ng Diyos, at magkakaroon ng pang-unawa tungkol sa katotohanan at makakapasok sa realidad. Kapag naunawaan ng mga taong ito ang katotohanan at nagkaroon sila ng tunay na kaalaman tungkol sa Diyos, magagawa nilang magpitagan at sumunod sa Diyos, at sa ganitong paraan ay magtatamo ng bagong buhay mula sa Diyos! Lahat ng relihiyon o taong iyon na hindi tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ay kinamumuhian, iwinawaksi at pinupuksa ng Diyos, at wala sa kanila ang gawain ng Banal na Espiritu—walang kaduda-duda iyan! Basahin natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Tutuparin ng Panginoon ang katotohanang ito: Gagawin Niya na ang lahat ng sangkatauhan sa buong sansinukob ay magtutungo sa Kanya, at sasamba sa Diyos sa lupa, at ang Kanyang gawa sa ibang lugar ay titigil, at mapipilitan ang mga tao na hanapin ang tunay na landas. Ito ay magiging kahalintulad ni Jose: Ang lahat ay nagsilapit sa kanya para sa pagkain, at yumuko sa Kanya, sapagka’t siya’y mayroong mga pagkain. Upang maiwasan ang tag-gutom, ang mga tao ay mapipilitang hanapin ang tunay na landas. Ang buong relihiyosong pamayanan ay dumaranas ng matinding gutom, at ang tanging ang Diyos ng ngayon ang Siyang bukal ng buhay na tubig, na may taglay ng patuloy na umaagos na bukal na inilaan para sa kasiyahan ng tao, at darating ang mga tao at aasa sa Kanya” (“umating na ang Milenyong Kaharian” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Ang lahat ng gawa ng Diyos sa buong sansinukob ay nakatutok sa kalipunang ito ng mga tao. Inilaan Niya ang lahat ng Kanyang pagsisikap para sa inyo at inihandog ang lahat para sa inyo; Kanyang tinubos at ibinigay sa inyo ang lahat ng gawain ng Espiritu sa buong sansinukob. Iyan ang dahilan kung bakit ko sinasabing, kayo ang mapalad. Higit pa rito, inilipat Niya ang Kanyang kaluwalhatian mula sa Israel, ang Kanyang piniling mga tao, sa inyo, nang sa gayon ay matupad ang layunin ng Kanyang plano na lubusang maihayag sa pamamagitan ninyong mga kalipunan ng tao. Samakatwid, kayo ang yaong makatatanggap ng pamana ng Diyos, at higit pa, ang mga tagapagmana ng kaluwalhatian ng Diyos” (“Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Malinaw nating nakikita mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na hindi iwinaksi ng Diyos kailanman ang mga taos na nananalig sa Kanya at nananabik sa Kanyang pagpapakita. Sa pamamagitan ng Kanyang pagiging makapangyarihan at karunungan, inililigtas ng Diyos ang mga taos na nananalig sa Kanya kaya lumalayo sila sa gapos at kontrol ng mga anticristo at masasamang tao ng mga relihiyon, at pinapangyari Niya na maiangat sila sa harap ng luklukan ng Diyos at mahatulan, mapadalisay at magawang perpekto ng mga salita ng Diyos. Ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ng mga mga huling araw ang Kanyang gawain ng paghatol at ipinapahayag ang buong katotohanang nagpapadalisay at nagliligtas sa sangkatauhan, para makagawa ng isang grupo ng mga mananagumpay bago sumapit ang mga kalamidad, dahil ang mga ito ang Kanyang mga unang bunga, at tinutupad nito ang propesiya sa Aklat ng Pahayag na: “Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka’t sila'y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero” (Pahayag 14:4). Matapos gawin ng Diyos ang grupong ito ng mga mananagumpay, pansamantalang tatapusin ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos na ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao, pagkatapos ay magpapababa ng malalaking kalamidad ang Diyos para gantimpalaan ang mabubuti at parusahan ang masasama. Sa panahong iyon, lahat ng hindi pa tumatanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw at tumutuligsa at sumusuway sa Makapangyarihang Diyos ay pawang daranas ng kalamidad at dahil doon ay magdurusa sa pagpipino na mahatulan at makastigo. Magagawa lang tayong perpekto at mananagumpay ng Diyos kapag tinalikuran natin ang relihiyon, sinabayan ang mga yapak ng Kordero, tinanggap at sinunod ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at nahatulan at napadalisay sa harap ng luklukan ni Cristo, at doon lang tayo hindi magdaranas ng mga pagsubok samantalang lahat ng nasa lupa ay kailangang magdanas niyon. Ang mga mananagumpay lang na ito na nagawa ng Diyos—ang mga unang bungang ito—ang karapat-dapat na magmana ng pangako at mga pagpapala ng Diyos! Nakagawa na ngayon ang Diyos ng isang grupo ng mga mananagumpay sa mainland China, at sa papalapit na malalaking kalamidad, lahat ng mga tumutuligsa at sumusuway sa Makapangyarihang Diyos ay daranas ng mga kalamidad at mapaparusahan, at mawawalan ng pagkakataong maligtas magpakailanman.

mula sa iskrip ng pelikulang Babagsak ang Lungsod

12 Disyembre 2018

Ano ang Pagkakatawang-tao? Ano ang Sangkap ng Pagkakatawang-tao?

Pagkakatawang-tao ng Diyos | Ano ang Pagkakatawang-tao? Ano ang Sangkap ng Pagkakatawang-tao?


Pananampalataya sa Diyos|Ano ang Pagkakatawang-tao? Ano ang Sangkap ng Pagkakatawang-tao?
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).

“Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6).

“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako’y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama? Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo’y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa. Magsisampalataya kayo sa akin na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin: o kungdi kaya’y magsisampalataya kayo sa akin dahil sa mga gawa rin” (Juan 14:9-11).

Ipinropesiya ng Panginoong Jesus Mismo na magkakatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw at magpapakita bilang Anak ng tao para gumawa ng gawain.

Pagkakatawang-tao ng Diyos | Ipinropesiya ng Panginoong Jesus Mismo na magkakatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw at magpapakita bilang Anak ng tao para gumawa ng gawain.



Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40).

“Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan” (Lucas 17:24-25).

11 Disyembre 2018

Tanong 2: Kababanggit lang ang tungkol sa ilang labag sa batas na gawain, kaya anong mga partikular na gawain ang ibig mong sabihin kapag sinasabi mong lumalala ang katampalasanan?

Ang Kalungkutan ng mga Iglesia | Tanong 2: Kababanggit lang ang tungkol sa ilang labag sa batas na gawain, kaya anong mga partikular na gawain ang ibig mong sabihin kapag sinasabi mong lumalala ang katampalasanan?

Pananampalataya sa Diyos|Tanong 2: Kababanggit lang ang tungkol sa ilang labag sa batas na gawain, kaya anong mga partikular na gawain ang ibig mong sabihin kapag sinasabi mong lumalala ang katampalasanan?

Sagot: Ang pangunahing ibig sabihin ng paglala ng katampalasanan ay ang pagsuway ng mga pinuno at pastor ng relihiyon, at mga elder sa kalooban ng Diyos at sa halip ay pagtahak sa sarili nilang daan. Hindi nila sinusunod ang mga utos ng Diyos, at binibigyan nila ng maling kahulugan ang Biblia para igapos, kontrolin, at linlangin ang mga tao, nilulunod sila sa teolohiya ng biblia, at inilalayo sila sa Diyos, ginagawa ang mga iglesia na mga lugar ng ritwal panrelihiyon, at itinuturing nila ang kanilang mga responsibilidad at tungkulin bilang paraan tungo sa katayuan at kita, na dahilan para gumawa ang marami ng mga mapagpaimbabaw na gawaing tumututol sa Diyos sa iglesia.

06 Disyembre 2018

Tanong 1: Naramdaman ko ang kalungkutan sa ating iglesia nitong mga nakaraang taon. Nawala natin ang pananampalataya at pagmamahal na taglay natin noong simula, at naging mas mahina at mas negatibo. Kahit ang mga nangangaral, hindi alam ang gagawin kung minsan, at hindi alam kung ano ang pag-uusapan. Pakiramdam nami’y nawala namin ang gawain ng Banal na Espiritu. Naghanap din kami sa lahat ng dako ng iglesia na nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu, pero bawat iglesiang makita nami’y kasinglungkot ng sa amin. Bakit napakaraming iglesia ang nagugutom at nalulungkot?

Tanong 1: Naramdaman ko ang kalungkutan sa ating iglesia nitong mga nakaraang taon. Nawala natin ang pananampalataya at pagmamahal na taglay natin noong simula, at naging mas mahina at mas negatibo. Kahit ang mga nangangaral, hindi alam ang gagawin kung minsan, at hindi alam kung ano ang pag-uusapan. Pakiramdam nami’y nawala namin ang gawain ng Banal na Espiritu. Naghanap din kami sa lahat ng dako ng iglesia na nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu, pero bawat iglesiang makita nami’y kasinglungkot ng sa amin. Bakit napakaraming iglesia ang nagugutom at nalulungkot?

Ebanghelyo|Tanong 1: Naramdaman ko ang kalungkutan sa ating iglesia nitong mga nakaraang taon. Nawala natin ang pananampalataya at pagmamahal na taglay natin noong simula, at naging mas mahina at mas negatibo. Kahit ang mga nangangaral, hindi alam ang gagawin kung minsan, at hindi alam kung ano ang pag-uusapan. Pakiramdam nami’y nawala namin ang gawain ng Banal na Espiritu. Naghanap din kami sa lahat ng dako ng iglesia na nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu, pero bawat iglesiang makita nami’y kasinglungkot ng sa amin. Bakit napakaraming iglesia ang nagugutom at nalulungkot?

Sagot: Mahalaga ang tinanong ninyo. Alam nating lahat na nabubuhay tayo sa dulong yugto ng mga huling araw. Iprinopesiya noon ng Panginoong Jesus: “At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig (Mateo 24:12). Dumarami ang katampalasanan sa mundo ng relihiyon.

23 Nobyembre 2018

Naniniwala ang iba’t ibang relihiyon na lahat ng banal na kasulatan ay ibinigay sa inspirasyon ng Diyos at ito ay pawang mga salita ng Diyos; paano dapat mahiwatigan ng isang tao ang pahayag na ito?

Naniniwala ang iba’t ibang relihiyon na lahat ng banal na kasulatan ay ibinigay sa inspirasyon ng Diyos at ito ay pawang mga salita ng Diyos; paano dapat mahiwatigan ng isang tao ang pahayag na ito?

Ebanghelyo|Naniniwala ang iba’t ibang relihiyon na lahat ng banal na kasulatan ay ibinigay sa inspirasyon ng Diyos at ito ay pawang mga salita ng Diyos; paano dapat mahiwatigan ng isang tao ang pahayag na ito?


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Hindi lahat ng nasa Biblia ay isang talaan ng mga salitang personal na binigkas ng Diyos. Dinodokumento lang ng Biblia ang naunang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, kung saan ang isang bahagi ay isang talaan ng mga hula ng mga propeta, at ang isang bahagi ay mga karanasan at kaalamang isinulat ng mga taong ginamit ng Diyos sa buong panahon. Ang mga karanasan ng tao ay nabahiran ng mga opinyon at kaalaman ng tao, na hindi maiiwasan. Nasa marami sa mga aklat ng Biblia ang mga pagkaintindi ng tao, mga pagkiling ng tao, at walang katotohanang mga interpretasyon ng tao.

28 Agosto 2018

Tagalog Gospel Videos | "Ang mga Araw ni Noe ay Dumating Na" | God’s Warning in the Last Days


Gunitain natin ang sangkatauhan sa kapanahunan ni Noe. Abala ang tao sa lahat ng uri ng masasamang gawain nang hindi iniisip ang pagsisisi. Walang nakinig sa salita ng Diyos. Ang kanilang katigasan ng ulo at kasamaan ay pumukaw sa galit ng Diyos at sa huli, nilamon sila ng sakunang dulot ng malaking baha. Tanging si Noe at ang kanyang pamilyang may walong miyembro ang nakinig sa salita ng Diyos at nakaligtas. Ngayon, sumapit na ang mga huling araw. Palala nang palala ang katiwalian ng sangkatauhan. Lahat ay sumasamba sa kasamaan. Ang buong mundo ng mga relihiyoso ay nagpapatangay sa agos ng mundo. Ni katiting ay hindi nila gusto ang katotohanan. Dumating na ang mga araw ni Noe! Para mailigtas ang sangkatauhan, nagbalik na muli ang Diyos upang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw sa sangkatauhan. Ito ang huling beses na inililigtas ng Diyos ang tao! Ano ang dapat piliin ng sangkatauhan?

25 Agosto 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa”

💎💎💎💎💎♡♡♡💎💎💎💎💎

Ebanghelyo, Katapatan, pananampalataya sa diyos, relihiyon, salita ng Diyos

    ════ ♡♡♡ ════════ ♡♡♡ ════
    1. Ang sangkatauhan, lubusang ginawang masama ni Satanas, ay hindi alam na mayroong Diyos at huminto na sa pag-samba sa Diyos. Sa panimula, nang si Adan at Eba ay nilikha, ang kaluwalhatian ni Jehova at ang patotoo ni Jehova ay laging nariyan. Ngunit matapos ginawang masama, ang tao ay nawalan ng kaluwalhatian at patotoo sapagkat ang lahat ay naghimagsik laban sa Diyos at tuluyang huminto sa paggalang sa Kanya. Ang gawaing panlulupig ngayon ay upang mabawi ang lahat ng patotoo at kaluwalhatian, at ang lahat ng tao ay pasambahin sa Diyos, upang mayroong patotoo sa mga nilikha. Ito ang dapat na matapos sa hakbang na ito ng gawain. Paano ba talaga malulupig ang sangkatauhan? Ito ay magagawa sa paggamit nitong gawa ng mga salita upang lubos na mahikayat ang tao; sa paggamit ng pagsisiwalat, paghatol, pagkastigo, at walang-awang sumpa upang siya ay lubos na masupil; at sa pagsisiwalat ng pagka-mapaghimagsik ng tao at paghatol sa kanyang paglaban upang malaman niya ang di-pagkamatuwid at karumihan ng sangkatauhan, na gagamitin upang itampok ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Higit sa lahat, itong mga paggamit ng mga salitang ito ang lumulupig sa tao at lubos na humihikayat sa kanya. Ang mga salita ay ang paraan sa kahuli-hulihang panlulupig sa sangkatauhan, at silang lahat na tumatanggap ng pag-lupig ay dapat tanggapin ang pananakit at paghatol ng mga salita. Ang kasalukuyang proseso ng pagsasalita ay ang proseso ng panlulupig. Paano ba talaga dapat makipagtulungan ang mga tao? Sa pamamagitan ng mabisang pagkain at pag inom ng mga salitang ito at pag-unawa sa mga ito. Hindi maaaring malupig ang mga tao ng kanilang mga sarili. Dapat, mula sa pagkain at pag-inom ng mga salitang ito, ay makilala nila ang kanilang kasamaan at karumihan, ang ka-nilang pagka-mapaghimagsik at di-pagkamatuwid, at magpatirapa sa harap ng Diyos. Kung kaya mong unawain ang kalooban ng Diyos at pagkatapos ay isagawa ito at, bukod diyan, magkaroon ng pangitain, at kung kaya mong lubos na sundin ang mga salitang ito at hindi tutuparin ang kahit na alin sa iyong mga sariling pagpili, saka ka nalulupig. At itong mga sali-tang ito ang nakalupig sa iyo. Bakit nawala ng sangkatauhan ang patotoo? Dahil walang sinuman ang may pananampalataya sa Diyos o tangan sa paanuman ang Diyos sa kanyang puso. Ang panlulupig sa sangkatauhan ay nangangahulugan ng panunumbalik ng tao sa pananampalatayang ito. Ang mga tao ay laging nakahilig sa kamunduhan, nagkikimkim ng napakaraming inaasahan, nagnanasa nang sobra-sobra para sa kanilang kinabukasan, at may napakaraming maluhong pangangailangan. Lagi nilang iniisip ang patungkol sa at pagplano para sa kanilang laman at hindi kailanman interesado sa paghahanap ng daan sa paniniwala sa Diyos. Ang kanilang mga puso ay nabihag na ni Satanas, nawala na nila ang kanilang paggalang sa Diyos, at itinatalaga nila ang kanilang puso kay Satanas. Ngunit ang tao ay nilikha ng Diyos. Gayon, nawala ng tao ang kanyang patotoo, ibig sabihin ay nawala na niya ang kaluwalhatian ng Diyos. Ang layunin ng panlulupig sa tao ay upang mabawi ang kaluwalhatian ng paggalang ng tao sa Diyos.