Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

12 Pebrero 2019

Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan (Unang bahagi)



Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan" (Unang Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kinatawan ni Jesus ang Espiritu ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos na direktang gumagawa. Ginawa Niya ang gawain sa bagong panahon, ang gawain na walang pang nakagagawa. Nagbukas Siya ng bagong daan, kinatawan Niya si Jehova, at kinatawan Niya ang Diyos Mismo. Samantalang sina Pedro, Pablo at David, anuman ang tawag sa kanila, kinatawan lang nila ang pagkakakilanlan ng nilalang ng Diyos, o ipinadala ni Jesus o Jehova.

04 Pebrero 2019

Pag-alam sa Layunin at Kahalagahan ng Bawat Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos.



Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain na ginawa ni Jehova sa mga Israelita ay itinatag sa gitna ng sangkatauhan ang lugar na pinagmulan ng Diyos, na siya ring banal na lugar kung saan Siya naroon. Nilimitahan Niya ang Kanyang gawain sa bayan ng Israel. Noong una, hindi Siya gumawa sa labas ng Israel; sa halip, pinili Niya ang isang bayan na natagpuan Niyang angkop upang itakda ang sakop ng Kanyang gawain.

01 Pebrero 2019

Clip 3 - Paano Itinuturing ng mga Pastor at Elder ang Pagbabalik ng Panginoon (Tagalog)



"Ang Sugo ng Ebanghelyo" Clip 3 - Paano Itinuturing ng mga Pastor at Elder ang Pagbabalik ng Panginoon


    Nagbalik na ang Panginoon sa mga huling araw, bumibigkas ng maraming katotohanan at ginagawa ang gawain na paghatol. Makatwiran lang na dahil naglilingkod ang mga pastor at elder sa Panginoon, napakarunong tungkol sa Biblia, at madalas na binibigyang-kahulugan ito para sa iba, dapat nilang makilala ang pagdating ng Panginoon at magawang pamunuan ang mga mananampalataya sa pagsalubong sa Kanya. Ngunit paano ba talaga itinuturing ng mga pastor at elder na ito ang pagbabalik ng Panginoon?

19 Enero 2019

2. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nagbalik na Jesus.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Nagkatawang-tao ang Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, na ang tawag ng mga kababayan sa Hong Kong at Taiwan ay panloob-na-lupain. Nang dumating ang Diyos mula sa itaas tungo sa lupa, walang sinuman sa langit at lupa ang nakaalam tungkol dito, sapagka’t ito ang tunay na kahulugan ng pagbabalik ng Diyos sa isang lingid na paraan. Mahabang panahon na Siyang gumagawa at namumuhay sa katawang-tao, datapwa’t walang sinuman ang nakaalam nito. Hanggang sa araw na ito, walang sinuman ang nakakakilala rito.

30 Disyembre 2018

Sinabi ng Panginoong Jesus na Siya ay babalik, at ano ang paraan ng Kanyang pagbabalik?

Ang Sagot mula sa Salita ng Diyos:

  Sa loob ng libong mga taon, inasam ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Inasam ng tao na makita si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, sa Kanyang pagkatao, sa mga taong nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libong mga taon. 

28 Disyembre 2018

The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (4)


  Mula noong naluklok ito sa kapangyarihan sa kalakhang lupain ng China noong 1949, walang-humpay na ang Chinese Communist Party sa pang-uusig nito sa pananampalatayang panrelihiyon. Parang baliw nitong inaresto at pinatay ang mga Kristiyano, pinatalsik at inabuso ang mga misyonerong nagtatrabaho sa China, kinumpiska at sinira ang hindi mabilang na mga kopya ng Biblia, ipinasara at sinira ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang lipulin ang lahat ng tahanang iglesia.

27 Disyembre 2018

The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (3)


  Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Ipinapakita sa dokumentaryong ito ang biglaan at di-inaasahang pagkamatay ng Kristiyanong Chinese na si Song Xiaolan-isang pagkamatay na binigyan ng CCP police ng paiba-iba at magkakasalungat na paliwanag. Matapos imbestigahan, natuklasan ng pamilya Song na noon pa pala nagsisinungaling ang mga pulis. Nalaman ng isang kamag-anak ng pamilya mula sa isang kakilala sa Public Security Bureau na lihim na sinubaybayan ng CCP police si Xiaolan dahil sa kanyang pananalig sa Diyos at pagtupad sa kanyang mga tungkulin. Nang arestuhin siya ng mga pulis, binugbog siya ng mga ito hanggang sa mamatay. Para hindi masisi, pinagtakpan ng pulisya ang katotohanan sa pag-iimbento ng tagpo ng pagkamatay ni Song Xiaolan….

The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (1)


  Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga patakarang nakatutok sa "Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han" ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China …

26 Disyembre 2018

Full Tagalog Gospel Movie "Paggising Mula sa Panaginip" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven

Full Tagalog Gospel Movie "Paggising Mula sa Panaginip" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven

  Si Yu Fan ay kagaya lang ng maraming iba na nananalig sa Panginoong Jesus—ipinalagay niya na nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, pinatawad na Niya ang sangkatauhan sa kanilang mga kasalanan, na nagtamo na siya ng katuwiran sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya, at na basta’t isuko lang niya ang lahat at naglingkod siya nang husto sa Panginoon, pagbalik ng Panginoong Jesus tiyak na papasok siya sa kaharian ng langit. Pero nagduda ang kanyang mga kapanalig: Napatawad na tayo sa pananalig sa Panginoon at makapagsasakripisyo tayo at makapaglilingkod sa Panginoon, pero madalas tayong magkasala at nilalabanan natin ang Panginoon. 

29 Agosto 2018

Tagalog Christian Music Video | "Ipapanumbalik ng Diyos ang Kahulugan ng Kanyang Paglikha ng Tao"


Tagalog Christian Music Video | "Ipapanumbalik ng Diyos ang Kahulugan ng Kanyang Paglikha ng Tao"  


I
Sangkatauha'y nilikha ng Diyos,
nilagay sa lupa't pinangunahan hanggang kasalukuyan.
Nagsilbi S'yang handog sa kasalanan
at dahil dito niligtas N'ya ang tao.
Sa huli'y dapat pa rin N'yang lupigin,
ipanumbalik sa dating kalagayan ang tao. 
Mula sa simula ito ang gawaing ginagawa Niya.
Kaharian N'ya'y Kanyang itatatag,
ipanunumbalik awtoridad N'ya sa lupa
pati kalagayan ng tao.
Ipanunumbalik N'ya awtoridad N'ya
sa lahat ng nilalang N'ya. 

28 Agosto 2018

Tagalog Gospel Videos | "Ang mga Araw ni Noe ay Dumating Na" | God’s Warning in the Last Days


Gunitain natin ang sangkatauhan sa kapanahunan ni Noe. Abala ang tao sa lahat ng uri ng masasamang gawain nang hindi iniisip ang pagsisisi. Walang nakinig sa salita ng Diyos. Ang kanilang katigasan ng ulo at kasamaan ay pumukaw sa galit ng Diyos at sa huli, nilamon sila ng sakunang dulot ng malaking baha. Tanging si Noe at ang kanyang pamilyang may walong miyembro ang nakinig sa salita ng Diyos at nakaligtas. Ngayon, sumapit na ang mga huling araw. Palala nang palala ang katiwalian ng sangkatauhan. Lahat ay sumasamba sa kasamaan. Ang buong mundo ng mga relihiyoso ay nagpapatangay sa agos ng mundo. Ni katiting ay hindi nila gusto ang katotohanan. Dumating na ang mga araw ni Noe! Para mailigtas ang sangkatauhan, nagbalik na muli ang Diyos upang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw sa sangkatauhan. Ito ang huling beses na inililigtas ng Diyos ang tao! Ano ang dapat piliin ng sangkatauhan?

27 Agosto 2018

Tagalog Christian Music Video "Sa Kapanahunan ng Kaharian, Ginaganap ng Salita ang Lahat ng Bagay"


Tagalog Christian Music Video "Sa Kapanahunan ng Kaharian, Ginaganap ng Salita ang Lahat ng Bagay"


I
Sa Kapanahunan ng Kaharian,
naghahatid ang Diyos sa isang bagong kapanahunan ng salita.
Binabago Niya ang paraan ng Kanyang gawain,
ginagawa ang gawain ng buong kapanahunan gamit ang salita. 
Ito'y panuntunan ng paggawa ng Diyos
sa Kapanahunan ng Salita.
Siya'y nagkat'wang-tao
upang magsalita mula sa iba't-ibang posisyon,
upang tunay na makita ng tao ang Diyos, 
ang Salitang nagpapakita sa katawang-tao,
makita Kanyang himala't makita Kanyang karunungan.
Ang gayong gawai'y upang mas makamit mga layunin
ng paglupig sa tao, pagperpekto sa tao, pag-alis sa tao.

24 Agosto 2018

Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain (Ikatlong Bahagi)

Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain (Ikatlong Bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao." Ang nilalaman ng video na ito:
Paano Itinatatag ng Diyos ang Kalalabasan ng Tao at ang Pamantayan ng Pagtatatag Niya sa Kalalabasan ng Tao
Isang Praktikal na Tanong na Nagdadala ng Lahat ng Uri ng Kahihiyan sa mga Tao

Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | "Paano Nakilala ni Pedro si Jesus" (Tagalog Dubbed)


Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | "Paano Nakilala ni Pedro si Jesus" (Tagalog Dubbed)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa loob ng panahong sinundan niya si Jesus, pinagmasdan at isinapuso ni Pedro ang lahat ng bagay tungkol sa Kanyang buhay: Ang Kanyang mga kilos, mga salita, mga galaw, at mga pagpapahayag. Natamo niya ang isang malalim na pagkaunawa na si Jesus ay hindi katulad ng mga karaniwang tao. Bagaman ang Kanyang itsura ay lubhang karaniwan, lipos Siya ng pag-ibig, malasakit, at pagpapaubaya sa tao. Lahat ng bagay na ginawa o sinabi Niya ay malaking tulong sa iba, at sa Kanyang tabi nakita at natuto ng mga bagay-bagay si Pedro na kailanman hindi pa niya nakita o nakamtan noong una. ... Hindi alintana kung paano man kumilos si Jesus, lumago ang walang-hangganang pag-ibig at paggalang ni Pedro para sa Kanya. Ang pagtawa ni Jesus ay nagdulot sa kanya ng labis na kaligayahan, ang Kanyang kalungkutan ay nagsadlak sa kanya sa pighati, ang Kanyang galit ay tumakot sa kanya, habang ang Kanyang habag, pagpapatawad, at pagiging-mahigpit ay nagsanhing mahalin niyang tunay si Jesus, nagkaroon ng totoong paggalang at pananabik sa Kanya. Siyempre, unti-unting natanto lamang ni Pedro ang lahat ng ito nang namuhay siyang kasama ni Jesus sa loob ng ilang taon."

20 Agosto 2018

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ano ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao

═══════♡♡♡════════♡♡♡════════

katapatan, Jehova, Jesus, buhay,


    Ang pamamahala sa tao ang Aking gawain, at ang siya ay malupig Ko ay isang bagay na tunay na naitakda noong likhain Ko ang mundo. Maaring hindi alam ng mga tao na ganap Ko silang lulupigin sa mga huling araw at maaari ding walang kamalay-malay na ang katibayan ng Aking pagtalo kay Satanas ay ang paglupig sa mga mapaghimagsik sa gitna ng sangkatauhan. Ngunit, nang ang Aking kaaway ay nakipaglaban sa Akin, napagsabihan Ko na ito na Ako ang magiging tagalupig nilang nabihag na ni Satanas at ginawang mga anak nito at mga tapat nitong tagapaglingkod na nagbabantay ng bahay nito. Ang orihinal na kahulugan ng lupigin ay talunin, upang isailalim sa kahihiyan. Kasama sa wika ng mga Israelita, ito ay upang ganap na talunin, sirain, at alisan ng kakayahan sa higit pang paglaban sa Akin. Nguni’t ngayon, gaya ng paggamit sa gitna ninyong mga tao, ang kahulugan nito ay lupigin. Dapat ninyong malaman na ang Aking hangarin ay ganap na patayin at pasukuin ang masama sa sangkatauhan, upang hindi na ito makapaghimagsik laban sa Akin, lalong hindi magkaroon ng pagkakataon upang guluhin o gambalain ang Aking gawain. Sa gayon, sa kaalaman ng tao, nagkaroon ito ng kahulugan na paglupig. Anuman ang mga ipinahihiwatig ng salita, ang Aking gawain ay talunin ang sangkatauhan. Sapagka’t, magkagayunman na ang sangkatauhan ay kasama sa Aking pamamahala, sa higit na eksaktong pananalita, ang sangkatauhan ay walang iba kundi Aking kaaway. Ang sangkatauhan ay ang masama na sumasalungat at sumusuway sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang anak ng masama na Aking isinumpa. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang inapo ng arkanghel na nagkanulo sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang pamana ng diyablo na, tinanggihan Ko nang matagal na, ay naging Aking hindi muling-makakasundong kaaway mula noon. Sa ibabaw ng sangkatauhan, ang papawirin ay bumababa, madilim at malungkot, walang anumang banaag ng kalinawan, at ang mundo ng tao ay nalubog sa lubhang kadiliman, upang ang isa na nabubuhay dito ay hindi man lamang makita ang kanyang nakaunat na kamay sa harap ng kanyang mukha o ang araw kapag siya ay tumitingala. Ang daan sa ilalim ng kanyang mga paa, maputik at puno ng lubak, ay paliku-liko; ang buong lupain ay nakakalatan ng mga bangkay. Ang madidilim na mga sulok ay puno ng mga labi ng patay, at sa malamig at madidilim na mga sulok ay naninirahan ang mga pulutong ng mga demonyo. At saanman sa mundo ng mga tao ang mga demonyo ay umaalis at dumarating nang sama-sama. Ang mga anak ng lahat ng klase ng mga ganid, puno ng putik, ay subsob sa matinding paglalaban-laban, na ang ingay ay nakasisindak sa puso. Sa gayong mga pagkakataon, sa gayong mundo, gayong “makalupang paraiso,” Saan tutungo ang isa upang maghanap ng kagalakan ng buhay? Saan pupunta ang isa upang masumpungan ang hantungan ng kanyang buhay? Ang sangkatauhan, niyurakan sa ilalim ng mga paa ni Satanas matagal nang nakalipas, mula pa sa simula ay naging artistang tinataglay ang larawan ni Satanas–lalong-lalo na, ang pagsasakatawan ni Satanas, nagsisilbing katibayan na sumasaksi kay Satanas, malinaw na malinaw. Paanong ang ganyang lahi ng tao, ang gayong pangkat na masama't kasuklam-suklam, at ang ganyang supling ng masamang pamilyang ito ng tao ay sasaksi sa Diyos? Saan nagmumula ang Aking luwalhati? Saan ang isa ay maaaring mag-umpisang magsalita ng Aking pagsaksi? Dahil ang kaaway na, nagawang masama ang sangkatauhan, naninindigan laban sa Akin, ay nakuha na ang sangkatauhan—ang sangkatauhang nilikha Ko noong sinaunang panahon at napuspos ng Aking luwalhati at Aking pagsasabuhay—at dinumihan sila. Naagaw na nito ang Aking luwalhati, at ang tanging inilipos nito sa tao ay lasong labis na hinaluan ng kapangitan ni Satanas, at katas mula sa bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama. Sa pasimula, Aking nilikha ang sangkatauhan, ibig sabihin, Aking nilikha ang ninuno ng sangkatauhan, si Adan. Siya ay binigyan ng anyo at larawan, puno ng kalakasan, puno ng buhay, at, higit pa rito, nasa piling ng Aking luwalhati. Iyan ang maluwalhating araw nang Aking nilikha ang tao. Pagkatapos niyan, si Eba ay ibinunga mula sa katawan ni Adan, at siya rin ay ang ninuno ng tao, kaya’t ang mga taong Aking nilalang ay puno ng Aking hininga at puno ng Aking luwalhati. Si Adan ay orihinal na isinilang mula sa Aking kamay at ang pagkakatawan ng Aking larawan. Sa gayon ang orihinal na kahulugan ng “Adan” ay isang katauhan na nilikha Ko, sinamahan ng Aking buhay na lakas, sinamahan ng Aking luwalhati, nagtataglay ng anyo at larawan, nagtataglay ng diwa at hininga. Siya ang nag-iisang nilalang, may angking espiritu, na may kakayahan ng pagkatawan sa Akin, ng pagtataglay ng Aking larawan, at pagtanggap ng Aking hininga. Sa pasimula, si Eba ang ikalawang taong pinagkalooban ng hininga na ang paglikha ay Aking naitalaga, kaya ang orihinal na kahulugan ng “Eba” ay isang nilikhang magpapatuloy sa Aking luwalhati, puno ng Aking sigla at lalo pang masaganang pinagkalooban ng Aking luwalhati. Si Eba ay nagmula kay Adan, kaya taglay rin niya ang Aking larawan, sapagka’t siya ang ikalawang taong nilalang sa Aking larawan. Ang orihinal na kahulugan ng “Eba” ay isang buhay na tao, may espiritu, laman, at buto, ang Aking ikalawang patotoo gayundin ang Aking ikalawang larawan sa gitna ng sangkatauhan. Sila ang mga ninuno ng sangkatauhan, ang dalisay at mahalagang kayamanan ng tao, at, mula sa nauna, ay buhay na mga nilalang na pinagkalooban ng espiritu. Subali’t kinuha ng masama ang mga anak ng mga ninuno ng sangkatauhan at niyurakan sila at binihag sila, inilulubog ang mundo ng tao sa ganap na kadiliman, at ginagawa ito upang ang mga anak ay hindi na maniniwala sa Aking pag-iral. Lalo pang higit na kasuklam-suklam na, habang ang siyang masama ay pinasasama ang mga tao at niyuyurakan sila, malupit nitong inaagaw ang Aking luwalhati, ang Aking patotoo, ang siglang ipinagkaloob Ko sa kanila, ang hininga at ang buhay na iniihip Ko tungo sa kanila, ang buo Kong luwalhati sa mundo ng tao, at ang lahat ng dugo ng puso na Aking nagugol sa sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay wala na sa liwanag, at naiwala na ang lahat ng Aking naipagkaloob sa kanila, tinatanggal ang luwalhating Aking naipagkaloob. Paano nila maaaring kilalanin na Ako ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang? Paano sila makapagpapatuloy na maniwala sa Aking pag-iral sa langit? Paano nila matutuklasan ang mga pagpapamalas ng Aking luwalhati sa ibabaw ng lupa? Paano maipapalagay ng mga apong lalaki at babaeng ito ang Diyos na iginalang ng kanilang sariling mga ninuno bilang ang Panginoon na lumikha sa kanila? Malugod na "iniharap" nitong mga kawawang apong lalaki at babae sa masama ang luwalhati, ang larawan, gayundin ang patotoo na ipinagkaloob Ko kina Adan at Eba, gayundin ang buhay na ipinagkaloob Ko sa sangkatauhan at kung saan sila ay umaasa upang umiral, at, nang wala ni katiting na pag-aalala sa presensya ng masama, ay naibigay ang Aking buong luwalhati dito. Hindi ba’t ito ang pinagmulan ng paggamit ng “linab”? Paanong maaangkin ng gayong sangkatauhan, gayong kasamang mga demonyo, gayong lumalakad na mga bangkay, gayong mga anyo ni Satanas, at gayong Aking mga kaaway ang Aking kaluwalhatian? Aangkinin Kong muli ang Aking kaluwalhatian, aangkinin ang Aking patotoo na umiiral sa gitna ng mga tao, at lahat ng dating pag-aari Ko na ibinigay Ko sa sangkatauhan noong unang panahon—lulupigin Kong ganap ang sangkatauhan. Gayunman, dapat mong malaman, ang mga taong nilikha Ko ay mga banal na tao na taglay ang Aking larawan at Aking luwalhati. Hindi sila pag-aari ni Satanas, ni sakop sila ng pagyurak nito, kundi Aking kahayagan lamang, malaya sa katiting na bahid ng lason ni Satanas. At gayon nga, hinahayaan Ko ang sangkatauhan na malaman na ang tanging nais Ko ay yaong nilikha ng Aking kamay, ang mga banal na Aking minamahal at hindi pag-aari ng iba pang kalikhaan. Bukod diyan, masisiyahan Ako sa kanila at ituturing silang Aking luwalhati. Datapwa’t, ang nais Ko ay Hindi ang sangkatauhan na nagawang masama ni Satanas, na pag-aari ni Satanas ngayon, at hindi na ang Aking orihinal na likha. Dahil layunin Kong angkining muli ang Aking luwalhati na umiiral sa mundo ng tao, kakamtin Ko ang ganap na paglupig sa mga natitirang nakaligtas sa gitna ng sangkatauhan, bilang patunay ng Aking luwalhati sa pagtalo kay Satanas. Tanging ang Aking patotoo ang tinatanggap Ko bilang pagliliwanag ng Aking sarili, bilang layon ng Aking kasiyahan. Ito ang Aking kalooban.

19 Agosto 2018

Kristianong video | Mapanganib ang Landas Papunta sa Kaharian ng Langit (Trailer)

Si Zhong Xin ay pastor sa isang bahay-iglesia sa Chinese mainland. Matagal na siyang nananalig sa Panginoon at palaging naaaresto at pinahihirapan ng CCP.Napakatindi ng galit niya sa CCP, at matagal na niyang naliwanan na napakasama ng rehimen ng CCP na kumakalaban sa Diyos. Nitong nakaraang mga taon, nakita niya ang matinding pagtuligsa, pag-aresto at pagpapahirap ng gobyernong CCP at ng mga relihiyoso sa iglesia ng Kidlat ng Silanganan.


Gayunman, ang nakita niyang di-kapani-paniwala ay na hindi lang hindi natalo ang Kidlat ng Silanganan, kundi mas lalo pa itong lumago, kaya muling nag-isip-isip si Zhong Xin: Ang Kidlat ng Silanganan ba ang pagpapakita at gawain ng Panginoon? Natuklasan din niya na lahat ng salitang ginamit ng CCP at mga relihiyoso para tuligsain ang Kidlat ng Silanganan ay mga tsismis at kasinungalingan kaya, para malaman ang katotohanan, siniyasat nila ng kanyang mga kapatid ang Kidlat ng Silanganan. Sa pakikinig sa mga paliwanag ng mga nagpapatotoo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, napagtibay ng karamihan na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, na ang mga salitang ito ang tinig ng Diyos at na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Ngunit sa harap ng malupit na panunupil at pagpapahirap ng gobyernong CCP sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, gayundin sa mabangis na pagsuway at pagtuligsa ng mga pastor at elder ng mga relihiyon, nagtaka ang ilan: Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ang tunay na daan, kaya bakit ito mabangis na sinusuway at tinutuligsa ng mga makapangyarihan sa pulitika at mga relihiyon? Sa pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at pakikinig sa mga paliwanag ng mga nagpapatotoo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nauunawaan ng mga kapatid ang tunay na dahilan ng pagsuway ng sangkatauhan sa Diyos, malinaw nilang nakikita kung bakit lubhang mapanganib ang daan patungo sa langit, at naunawaan nila ang tunay na dahilan ng pagkamuhi sa katotohanan at pagkontra sa Diyos ng napakasamang rehimen ng CCP at mga pinuno ng relihiyon. Matatag na iwinaksi ng mga taong katulad ni Zhong Xin ang mga pagbabawal at paghihigpit ng impluwensya ni Satanas, tinanggap na nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at talagang nagbalik na sila sa harap ng luklukan ng Diyos.

18 Agosto 2018

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | Ano ba talaga ang pagkilala sa Diyos? Maituturing bang pagkilala sa Diyos ang pag-unawa sa kaalaman at teolohikal na teorya ng Biblia?

✿▄─▄❀▄─▄✿▄─▄❀▄─▄✿▄─▄❀▄─▄✿▄─▄❀▄─▄✿

 Biblia, ebanghelyo, Jehova, Jesus, karanasan


════════════❀.❋.❀═════════════ 


Nauugnay sa pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos

    Kabilang sa kaalaman sa praktikal na Diyos ang pag-kilala at pagdanas ng Kanyang mga salita, at pagunawa sa mga patakaran at prinsipyo ng gawa ng Banal na Espiritu, at kung paano gumagawa ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao. Samakatuwid, pati, kabilang ba rito ang pagkilala sa bawa't pagkilos ng Diyos sa katawang-tao ay pinamumunuan ng Espiritu, at ang mga salita na Kanyang binibigkas ay direktang pahayag ng Espiritu. Kaya, kung nais mong makilala ang praktikal na Diyos, una mo dapat malaman kung paano gumagawa ang Diyos sa pagka-tao at sa pagka-Diyos; dito, naman, patungkol sa mga pahayag ng Espiritu, na pinagkakaabalahan ng lahat.

mula sa “Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

    Ang pagkilala sa tunay na mga pagkilos ng Diyos, ang pagkilala sa realidad ng Diyos at Kanyang pagiging makapangyarihan, ang pagkilala sa tunay na pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, ang pagkilala sa kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, ang pagkilala sa lahat ng Kanyang ipinakita sa gitna ng lahat ng mga bagay-ang mga ito ay napakahalaga sa bawat isang tao na naghahanap ng kaalaman ukol sa Diyos. Ang mga ito ay hindi maihihiwalay sa bawat buhay ng tao, mula sa bawat praktikal na buhay ng tao ng paghahanap sa katotohanan. Kung iyong lilimitahan ang iyong pagkaunawa sa Diyos sa mga salita lamang, kung lilimitahan mo ito sa iyong sariling konting mga karanasan, sa mga biyaya ng Diyos na iyong binibilang, o sa iyong konting mga pagpapatotoo sa Diyos, kung gayon sasabihin ko na ang iyong Diyos ay tiyak na hindi ang tunay na Diyos. Tiyak na hindi Siya ang tunay na Diyos Mismo, at maaari ding sabihin na ang Diyos na pinaniniwalaan mo ay hindi Diyos. Ito ay dahil sa ang Diyos na Aking tinutukoy ay ang Siyang namumuno sa lahat, na lumalakad sa gitna ng lahat, na namamahala sa lahat. Siya ang Siyang humahawak sa kapalaran ng buong sangkatauhan-ang Siyang humahawak sa kapalaran ng lahat. Ang mga gawain at mga pagkilos ng Diyos na aking sinasabi ay hindi limitado lamang sa maliit na bahagi ng mga tao. Iyon ay, hindi ito limitado lamang sa mga tao na sumusunod sa Kanya sa kasalukuyan. Ang Kanyang mga pagkilos ay nakikita sa lahat ng mga bagay, sa kakayahang mabuhay ng lahat ng mga bagay, at sa mga kautusang ng pagbabago sa lahat ng mga bagay. Kung hindi mo nakikita o kinikilala ang alinman sa mga pagkilos ng Diyos sa gitna ng lahat ng mga bagay, kung gayon hindi ka maaaring sumaksi sa alinman sa Kanyang mga pagkilos. Kung hindi ka maaaring sumaksi para sa Diyos, kapag nagpatuloy kang nagsalita tungkol sa maliit na kung tawagi'y Diyos na kilala mo, ang Diyos na iyon na limitado sa iyong sariling mga palagay, at nasa loob ng iyong makitid na pag-iisip, kapag nagpatuloy kang nagsalita sa gayong uri ng Diyos, kung gayon hindi kailanman pupurihin ng Diyos ang iyong pananampalataya. Kapag sumaksi ka para sa Diyos, kung gagamitin mo lamang kung paano mo tinatamasa ang biyaya ng Diyos, tanggapin ang disiplina ng Diyos at Kanyang pagtutuwid, at tanggapin ang Kanyang mga biyaya sa iyong pagsasaksi para sa Kanya, iyon ay lubhang hindi sapat, at malayo sa pagbibigay ng kasiyahan sa Kanya. Kung gusto mong sumaksi para sa Diyos sa paraan na nakaayon sa Kanyang kalooban, sumaksi para sa tunay na Diyos Mismo, kung gayon kailangan mong makita kung anong mayroon ang at kung anong mayroon at kung ano ang Diyos sa Kanyang mga pagkilos. Kailangan mong makita ang awtoridad ng Diyos sa Kanyang pamamahala sa lahat, at makita ang katotohanan kung paano Siya naglalaan para sa buong sangkatauhan. Kung kinikilala mo lamang na ang iyong pang-araw-araw na pagkain at inumin at ang iyong pangangailangan sa buhay ay nagmumula sa Diyos, ngunit hindi mo nakikita ang Diyos ang naglalaan para sa buong sangkatauhan sa pamamagitan ng lahat ng mga bagay, na pinangungunahan Niya ang buong sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang pamamahala sa lahat ng mga bagay, kung gayon hindi mo kailanman magagawang sumasaksi para sa Diyos.

06 Agosto 2018

Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang kabuuang gawain sa loob ng 6,000 taon ay unti-unting nagbago kasabay ng panahon. Ang mga pagbabago sa gawaing ito ay naganap ayon sa kalagayan ng buong mundo. Ang gawaing pamamahala ng Diyos ay nagbago lang nang unti-unti ayon sa pagsulong ng sangkatauhan sa kabuuan; hindi pa ito binalak sa simula ng paglikha......Ang lahat ng Kanyang gawain ay ang pinaka-aktwal na gawain. Isinasagawa Niya ang Kanyang gawain ayon sa pagsulong ng panahon, at isinasagawa Niya ang karamihan sa Kanyang pinaka-aktwal na gawain ayon sa mga pagbabago ng mga bagay. Para sa Kanya, ang pagsasagawa ng gawain ay tulad ng pangangasiwa ng gamot sa isang sakit; Siya’y nagmamasid habang ginagawa ang Kanyang gawain; Siya ay gumagawa ayon sa mga nasubaybayan Niya. Sa bawat yugto ng Kanyang gawain, Siya ay may kakayahang magpahayag ng Kanyang sapat na karunungan at magpahayag ng Kanyang sapat na kasanayan; ibinubunyag Niya ang Kanyang sapat na karunungan at sapat na awtoridad ayon sa gawain ng bukod-tanging kapanahunan na iyon at hinahayaan ang alinman sa mga tao na Kanyang ibinalik sa mga kapanahunang iyon na makita ang Kanyang buong disposisyon. Tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao at isinasagawa ang gawain na kailangan Niyang gawin ayon sa mga kailangang isagawa sa bawat kapanahunan; tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao ayon sa antas kung saan sila ay ginawang tiwali ni Satanas."

04 Agosto 2018

Best Christian Full Movie HD | Mapanganib Ang Landas Papunta sa Kaharian Ng Langit (Tagalog dubbed)


Si Zhong Xin ay pastor sa isang bahay-iglesia sa Chinese mainland. Matagal na siyang nananalig sa Panginoon at palaging naaaresto at pinahihirapan ng CCP. Napakatindi ng galit niya sa CCP, at matagal na niyang naliwanan na napakasama ng rehimen ng CCP na kumakalaban sa Diyos. Nitong nakaraang mga taon, nakita niya ang matinding pagtuligsa, pag-aresto at pagpapahirap ng gobyernong CCP at ng mga relihiyoso sa iglesia ng Kidlat ng Silanganan. Gayunman, ang nakita niyang di-kapani-paniwala ay na hindi lang hindi natalo ang Kidlat ng Silanganan, kundi mas lalo pa itong lumago, kaya muling nag-isip-isip si Zhong Xin: Ang Kidlat ng Silanganan ba ang pagpapakita at gawain ng Panginoon? Natuklasan din niya na lahat ng salitang ginamit ng CCP at mga relihiyoso para tuligsain ang Kidlat ng Silanganan ay mga tsismis at kasinungalingan kaya, para malaman ang katotohanan, siniyasat nila ng kanyang mga kapatid ang Kidlat ng Silanganan. Sa pakikinig sa mga paliwanag ng mga nagpapatotoo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, napagtibay ng karamihan na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, na ang mga salitang ito ang tinig ng Diyos at na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Ngunit sa harap ng malupit na panunupil at pagpapahirap ng gobyernong CCP sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, gayundin sa mabangis na pagsuway at pagtuligsa ng mga pastor at elder ng mga relihiyon, nagtaka ang ilan: Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ang tunay na daan, kaya bakit ito mabangis na sinusuway at tinutuligsa ng mga makapangyarihan sa pulitika at mga relihiyon? Sa pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at pakikinig sa mga paliwanag ng mga nagpapatotoo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nauunawaan ng mga kapatid ang tunay na dahilan ng pagsuway ng sangkatauhan sa Diyos, malinaw nilang nakikita kung bakit lubhang mapanganib ang daan patungo sa langit, at naunawaan nila ang tunay na dahilan ng pagkamuhi sa katotohanan at pagkontra sa Diyos ng napakasamang rehimen ng CCP at mga pinuno ng relihiyon. Matatag na iwinaksi ng mga taong katulad ni Zhong Xin ang mga pagbabawal at paghihigpit ng impluwensya ni Satanas, tinanggap na nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at talagang nagbalik na sila sa harap ng luklukan ng Diyos.

05 Hulyo 2018

Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Si Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng nananatili at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang landas na sa pamamagitan nito ay makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas sa pamamagitan niyao’y makikilala ng tao ang Diyos at upang masangayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, sa gayon, ikaw ay hindi kailanman makakakuha ng pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat ikaw ay kapwa sunud-sunuran at bilanggo ng kasaysayan. Silang mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga nasusulat, at nakagapos sa kasaysayan ay hindi kailanman makakamtan ang buhay, at hindi kailanman makakamtan ang walang hanggang daan ng buhay. Iyan ay dahil ang mayroon lang sila ay malabong tubig na nanatiling walang pag-unlad nang libu-libong mga taon, sa halip na ang tubig ng buhay na dumadaloy mula sa luklukan.”