═══════♡♡♡════════♡♡♡════════
Ang pamamahala sa tao ang Aking gawain, at ang siya ay malupig Ko ay isang bagay na tunay na naitakda noong likhain Ko ang mundo. Maaring hindi alam ng mga tao na ganap Ko silang lulupigin sa mga huling araw at maaari ding walang kamalay-malay na ang katibayan ng Aking pagtalo kay Satanas ay ang paglupig sa mga mapaghimagsik sa gitna ng sangkatauhan. Ngunit, nang ang Aking kaaway ay nakipaglaban sa Akin, napagsabihan Ko na ito na Ako ang magiging tagalupig nilang nabihag na ni Satanas at ginawang mga anak nito at mga tapat nitong tagapaglingkod na nagbabantay ng bahay nito. Ang orihinal na kahulugan ng lupigin ay talunin, upang isailalim sa kahihiyan. Kasama sa wika ng mga Israelita, ito ay upang ganap na talunin, sirain, at alisan ng kakayahan sa higit pang paglaban sa Akin. Nguni’t ngayon, gaya ng paggamit sa gitna ninyong mga tao, ang kahulugan nito ay lupigin. Dapat ninyong malaman na ang Aking hangarin ay ganap na patayin at pasukuin ang masama sa sangkatauhan, upang hindi na ito makapaghimagsik laban sa Akin, lalong hindi magkaroon ng pagkakataon upang guluhin o gambalain ang Aking gawain. Sa gayon, sa kaalaman ng tao, nagkaroon ito ng kahulugan na paglupig. Anuman ang mga ipinahihiwatig ng salita, ang Aking gawain ay talunin ang sangkatauhan. Sapagka’t, magkagayunman na ang sangkatauhan ay kasama sa Aking pamamahala, sa higit na eksaktong pananalita, ang sangkatauhan ay walang iba kundi Aking kaaway. Ang sangkatauhan ay ang masama na sumasalungat at sumusuway sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang anak ng masama na Aking isinumpa. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang inapo ng arkanghel na nagkanulo sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang pamana ng diyablo na, tinanggihan Ko nang matagal na, ay naging Aking hindi muling-makakasundong kaaway mula noon. Sa ibabaw ng sangkatauhan, ang papawirin ay bumababa, madilim at malungkot, walang anumang banaag ng kalinawan, at ang mundo ng tao ay nalubog sa lubhang kadiliman, upang ang isa na nabubuhay dito ay hindi man lamang makita ang kanyang nakaunat na kamay sa harap ng kanyang mukha o ang araw kapag siya ay tumitingala. Ang daan sa ilalim ng kanyang mga paa, maputik at puno ng lubak, ay paliku-liko; ang buong lupain ay nakakalatan ng mga bangkay. Ang madidilim na mga sulok ay puno ng mga labi ng patay, at sa malamig at madidilim na mga sulok ay naninirahan ang mga pulutong ng mga demonyo. At saanman sa mundo ng mga tao ang mga demonyo ay umaalis at dumarating nang sama-sama. Ang mga anak ng lahat ng klase ng mga ganid, puno ng putik, ay subsob sa matinding paglalaban-laban, na ang ingay ay nakasisindak sa puso. Sa gayong mga pagkakataon, sa gayong mundo, gayong “makalupang paraiso,” Saan tutungo ang isa upang maghanap ng kagalakan ng buhay? Saan pupunta ang isa upang masumpungan ang hantungan ng kanyang buhay? Ang sangkatauhan, niyurakan sa ilalim ng mga paa ni Satanas matagal nang nakalipas, mula pa sa simula ay naging artistang tinataglay ang larawan ni Satanas–lalong-lalo na, ang pagsasakatawan ni Satanas, nagsisilbing katibayan na sumasaksi kay Satanas, malinaw na malinaw. Paanong ang ganyang lahi ng tao, ang gayong pangkat na masama't kasuklam-suklam, at ang ganyang supling ng masamang pamilyang ito ng tao ay sasaksi sa Diyos? Saan nagmumula ang Aking luwalhati? Saan ang isa ay maaaring mag-umpisang magsalita ng Aking pagsaksi? Dahil ang kaaway na, nagawang masama ang sangkatauhan, naninindigan laban sa Akin, ay nakuha na ang sangkatauhan—ang sangkatauhang nilikha Ko noong sinaunang panahon at napuspos ng Aking luwalhati at Aking pagsasabuhay—at dinumihan sila. Naagaw na nito ang Aking luwalhati, at ang tanging inilipos nito sa tao ay lasong labis na hinaluan ng kapangitan ni Satanas, at katas mula sa bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama. Sa pasimula, Aking nilikha ang sangkatauhan, ibig sabihin, Aking nilikha ang ninuno ng sangkatauhan, si Adan. Siya ay binigyan ng anyo at larawan, puno ng kalakasan, puno ng buhay, at, higit pa rito, nasa piling ng Aking luwalhati. Iyan ang maluwalhating araw nang Aking nilikha ang tao. Pagkatapos niyan, si Eba ay ibinunga mula sa katawan ni Adan, at siya rin ay ang ninuno ng tao, kaya’t ang mga taong Aking nilalang ay puno ng Aking hininga at puno ng Aking luwalhati. Si Adan ay orihinal na isinilang mula sa Aking kamay at ang pagkakatawan ng Aking larawan. Sa gayon ang orihinal na kahulugan ng “Adan” ay isang katauhan na nilikha Ko, sinamahan ng Aking buhay na lakas, sinamahan ng Aking luwalhati, nagtataglay ng anyo at larawan, nagtataglay ng diwa at hininga. Siya ang nag-iisang nilalang, may angking espiritu, na may kakayahan ng pagkatawan sa Akin, ng pagtataglay ng Aking larawan, at pagtanggap ng Aking hininga. Sa pasimula, si Eba ang ikalawang taong pinagkalooban ng hininga na ang paglikha ay Aking naitalaga, kaya ang orihinal na kahulugan ng “Eba” ay isang nilikhang magpapatuloy sa Aking luwalhati, puno ng Aking sigla at lalo pang masaganang pinagkalooban ng Aking luwalhati. Si Eba ay nagmula kay Adan, kaya taglay rin niya ang Aking larawan, sapagka’t siya ang ikalawang taong nilalang sa Aking larawan. Ang orihinal na kahulugan ng “Eba” ay isang buhay na tao, may espiritu, laman, at buto, ang Aking ikalawang patotoo gayundin ang Aking ikalawang larawan sa gitna ng sangkatauhan. Sila ang mga ninuno ng sangkatauhan, ang dalisay at mahalagang kayamanan ng tao, at, mula sa nauna, ay buhay na mga nilalang na pinagkalooban ng espiritu. Subali’t kinuha ng masama ang mga anak ng mga ninuno ng sangkatauhan at niyurakan sila at binihag sila, inilulubog ang mundo ng tao sa ganap na kadiliman, at ginagawa ito upang ang mga anak ay hindi na maniniwala sa Aking pag-iral. Lalo pang higit na kasuklam-suklam na, habang ang siyang masama ay pinasasama ang mga tao at niyuyurakan sila, malupit nitong inaagaw ang Aking luwalhati, ang Aking patotoo, ang siglang ipinagkaloob Ko sa kanila, ang hininga at ang buhay na iniihip Ko tungo sa kanila, ang buo Kong luwalhati sa mundo ng tao, at ang lahat ng dugo ng puso na Aking nagugol sa sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay wala na sa liwanag, at naiwala na ang lahat ng Aking naipagkaloob sa kanila, tinatanggal ang luwalhating Aking naipagkaloob. Paano nila maaaring kilalanin na Ako ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang? Paano sila makapagpapatuloy na maniwala sa Aking pag-iral sa langit? Paano nila matutuklasan ang mga pagpapamalas ng Aking luwalhati sa ibabaw ng lupa? Paano maipapalagay ng mga apong lalaki at babaeng ito ang Diyos na iginalang ng kanilang sariling mga ninuno bilang ang Panginoon na lumikha sa kanila? Malugod na "iniharap" nitong mga kawawang apong lalaki at babae sa masama ang luwalhati, ang larawan, gayundin ang patotoo na ipinagkaloob Ko kina Adan at Eba, gayundin ang buhay na ipinagkaloob Ko sa sangkatauhan at kung saan sila ay umaasa upang umiral, at, nang wala ni katiting na pag-aalala sa presensya ng masama, ay naibigay ang Aking buong luwalhati dito. Hindi ba’t ito ang pinagmulan ng paggamit ng “linab”? Paanong maaangkin ng gayong sangkatauhan, gayong kasamang mga demonyo, gayong lumalakad na mga bangkay, gayong mga anyo ni Satanas, at gayong Aking mga kaaway ang Aking kaluwalhatian? Aangkinin Kong muli ang Aking kaluwalhatian, aangkinin ang Aking patotoo na umiiral sa gitna ng mga tao, at lahat ng dating pag-aari Ko na ibinigay Ko sa sangkatauhan noong unang panahon—lulupigin Kong ganap ang sangkatauhan. Gayunman, dapat mong malaman, ang mga taong nilikha Ko ay mga banal na tao na taglay ang Aking larawan at Aking luwalhati. Hindi sila pag-aari ni Satanas, ni sakop sila ng pagyurak nito, kundi Aking kahayagan lamang, malaya sa katiting na bahid ng lason ni Satanas. At gayon nga, hinahayaan Ko ang sangkatauhan na malaman na ang tanging nais Ko ay yaong nilikha ng Aking kamay, ang mga banal na Aking minamahal at hindi pag-aari ng iba pang kalikhaan. Bukod diyan, masisiyahan Ako sa kanila at ituturing silang Aking luwalhati. Datapwa’t, ang nais Ko ay Hindi ang sangkatauhan na nagawang masama ni Satanas, na pag-aari ni Satanas ngayon, at hindi na ang Aking orihinal na likha. Dahil layunin Kong angkining muli ang Aking luwalhati na umiiral sa mundo ng tao, kakamtin Ko ang ganap na paglupig sa mga natitirang nakaligtas sa gitna ng sangkatauhan, bilang patunay ng Aking luwalhati sa pagtalo kay Satanas. Tanging ang Aking patotoo ang tinatanggap Ko bilang pagliliwanag ng Aking sarili, bilang layon ng Aking kasiyahan. Ito ang Aking kalooban.
Ang sangkatauhan ay napaunlad sa loob ng libo-libong taon upang makarating sa kinalalagyan nila ngayon. Subali’t, ang sangkatauhan ng orihinal Kong paglikha ay matagal nang nabaon tungo sa pagkahamak. Sila'y tumigil na sa pagiging siyang nais Ko, at sa gayon ang sangkatauhan, sa Aking paningin, ay hindi na karapat-dapat sa pangalang sangkatauhan. Bagkus sila ay ang linab ng sangkatauhan na binihag ni Satanas, ang bulok na naglalakad na mga bangkay na tinitirhan ni Satanas at nakasuot nito. Kahit kaunti ay hindi naniniwala ang mga tao sa Aking pag-iral, ni nagagalak sila sa Aking pagdating. Napipilitan lamang ang sangkatauhang tumugon sa Aking mga kahilingan, pansamantalang sumasang-ayon sa mga iyon, at hindi taos-pusong nakikibahagi sa Akin sa mga kagalakan at kalungkutan ng buhay. Dahil ang tingin sa Akin ng mga tao ay hindi kayang mapasok, napipilitan silang magkunwaring nakangiti sa Akin, nagpapakita ng ugaling nasisiyahan sa isang nasa kapangyarihan. Ito ay dahil walang kaalaman ang mga tao tungkol sa Aking gawain, lalo na ang tungkol sa Aking kalooban sa kasalukuyan. Magiging tapat Ako sa inyo: Kapag dumating ang araw, ang paghihirap ng sinumang sumasamba sa Akin ay magiging mas madaling tiisin kaysa sa inyo. Ang antas ng inyong pananampalataya sa Akin ay hindi, sa katunayan, nakahihigit kaysa roon kay Job—kahit ang pananampalataya ng mga Judiong Fariseo ay nakahihigit roon sa inyo—at kaya, kung ang araw ng apoy ay bumaba, ang inyong paghihirap ay magiging higit na matindi kaysa roon sa mga Fariseo kapag sinaway ni Jesus, kaysa roon sa 250 na mga pinunong sumalungat kay Moises, at kaysa roon sa Sodoma sa ilalim ng nakapapasong mga lagablab ng pagkawasak nito. Nang hinampas ni Moises ang bato, at ang tubig na ibinigay ni Jehova ay bumukal, ito ay dahil sa kanyang pananampalataya. Nang tinugtog ni David ang lira sa pagpupuri sa Akin, si Jehova—na ang kanyang puso ay puno ng kagalakan—ito ay dahil sa kanyang pananampalataya. Nang naiwala ni Job ang kanyang kawan na pumupuno sa mga bundok at di-masukat na karamihan ng kayamanan, at ang kanyang katawan ay napuno ng masasakit na pigsa, ito ay dahil sa kanyang pananampalataya. Kapag naririnig niya ang Aking tinig, si Jehova, at nakikita ang Aking luwalhati, si Jehova, ito ay dahil sa kanyang pananampalataya. Na nakakasunod si Pedro kay Jesus Cristo, ito ay sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya. Na maari siyang mapako sa krus alang-alang sa Akin at magbigay ng maluwalhating patotoo, ito ay sa pamamagitan din ng kanyang pananampalataya. Nang nakita ni Juan ang maluwalhating larawan ng Anak ng tao, ito ay sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya. Nang nakita niya ang pangitain ng mga huling araw, lalo nang lahat ito ay sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya. Ang dahilan kung bakit ang sinasabing karamihan ng mga bansang Gentil ay nakatamo ng Aking pagbubunyag, at nakaalam na nakabalik na Ako sa katawang-tao upang gawin ang Aking gawain sa gitna ng tao, ito ay dahil din sa kanilang pananampalataya. Lahat niyaong hinahagupit ng Aking masasakit na salita at gayunman ay naaaliw ng mga iyon, at naliligtas—hindi ba nagawa nila ang gayon dahil sa kanilang pananampalataya? Yaong naniniwala sa Akin nguni’t gayunman ay siyang nagdurusa ng mga kahirapan, hindi ba’t sila ay naitakwil din ng sanlibutan? Yaong namumuhay sa labas ng Aking salita, tumatakas sa pagdurusa ng pagsubok, hindi ba’t silang lahat ay palutang-lutang sa sanlibutan? Sila ay katulad ng mga dahon ng taglagas na naglalaglagan dito at doon, walang dakong mapagpahingahan, lalong wala ng Aking mga salitang umaaliw. Kahit na ang Aking pagkastigo at pagpipino ay hindi sumusunod sa kanila, hindi ba’t sila ay mga pulubing palutang-lutang saanmang dako, pagala-gala sa mga daan sa labas ng kaharian ng langit? Talaga bang ang mundo ang iyong dakong pahingahan? Maaari mo ba talagang, sa pag-iwas sa Aking pagkastigo, matamo ang pinaka-bahagyang ngiti ng pagpapasalamat mula sa mundo? Maaari mo bang tunay na gamitin ang iyong panandaliang kasiyahan upang takpan ang kahungkagan sa iyong puso na hindi maitago? Maaari mong dayain ang sinuman sa iyong pamilya, nguni’t hindi mo Ako kailanman madadaya. Dahil ang iyong pananampalataya ay napakaliit, hanggang sa araw na ito ikaw ay walang kapangyarihang masumpungan ang anuman sa mga kalugurang maiaalok ng buhay. Ikaw ay Aking hinihimok: mas mabuti pang taos-pusong gugulin ang kalahati ng iyong buhay para sa Aking kapakanan kaysa ang iyong buong buhay sa kababaan at kaabalahan para sa laman, tinitiis ang lahat ng paghihirap na halos hindi makayang tiisin ng isang tao. Ano ang katuturan ng masyadong pagpapahalaga sa iyong sarili at tumakas mula sa Aking pagkastigo? Ano ang katuturan ng pagkukubli ng iyong sarili mula sa Aking panandaliang pagkastigo para lamang umani ng walang-hanggang kahihiyan, ng walang-hanggang pagkastigo? Hindi Ko, sa katunayan, pinasusunod ang sinuman sa Aking kalooban. Kung ang isang tao ay talagang handang magpasakop sa lahat ng Aking mga plano, hindi Ko siya tatratuhin nang masama. Nguni’t hinihingi Ko na ang lahat ng mga tao ay maniwala sa Akin, gaya ng paniniwala ni Job sa Akin, si Jehova. Kung ang inyong pananampalataya ay nakakahigit kaysa roon kay Tomas, kung gayon ang inyong pananampalataya ay magtatamo ng Aking pagpuri, sa inyong katapatan inyong matatagpuan ang Aking kaligayahan, at tiyak ninyong matatagpuan ang Aking luwalhati sa inyong mga araw. Subali’t, ang mga tao, na naniniwala sa mundo at naniniwala sa diyablo, ay pinatigas ang kanilang mga puso, gaya lamang ng karamihan sa lungsod ng Sodoma, na may mga butil ng buhanging dala ng hangin sa kanilang mga mata at mga handog mula sa diyablo sa kanilang mga bibig, na ang kanilang mga nadirimlang mga isipan ay matagal nang naangkin ng masamang isa na umangkin sa mundo. Ang kanilang mga kaisipan ay halos buong nabihag ng diyablo ng sinaunang panahon. At kaya, ang pananampalataya ng sangkatauhan ay nawala nang kasama ng hangin, at hindi nila mapansin man lamang ang Aking gawain. Ang maaari lamang nilang gawin ay magtangkang makayanan o pag-aralan nang maigi, dahil sila ay matagal nang napuno ng lason ni Satanas.
Aking lulupigin ang sangkatauhan sapagka’t ang sangkatauhan ay minsan Kong nilalang at nagawang, higit pa rito, matamasa ang lahat ng masaganang mga layon ng Aking paglikha. Nguni’t natanggihan din Ako ng mga tao, at wala Ako sa kanilang mga puso, at nakikita nila Ako bilang isang pabigat sa kanilang pag-iral, kahit hanggang sa punto kung saan, dahil tunay nang nakita Ako, tinatanggihan pa rin Ako ng mga tao, at pinapuputok ang kanilang mga utak sa pag-iisip ng bawa’t posibleng paraan upang talunin Ako. Hindi Ako hinahayaan ng mga tao na tratuhin sila nang seryoso o magpataw ng mahigpit na mga hinihingi sa kanila, ni pinahihintulutan nila Akong hatulan o kastiguhin ang kanilang kabuktutan. Malayo sa pagkakaroon ng interes dito, sila ay naiinis. Kaya’t ang Aking gawain ay kuhanin ang sangkatauhang kumakain, umiinom, at natutuwa sa Akin nguni’t hindi Ako nakikilala, at talunin sila. Aking aalisan ng sandata ang sangkatauhan, at pagkatapos, dala ang Aking mga anghel, dala ang Aking luwalhati, babalik Ako sa Aking dakong tahanan. Sapagka’t kung ano ang nagawa ng mga tao ay ganap na dumurog sa Aking puso at dinurog nang pira-piraso ang Aking gawain nang matagal na. Hinahangad Kong muling maangkin ang kaluwalhatian na inagaw ng masama bago lumayo nang masaya, hinahayaan ang sangkatauhang magpatuloy sa kanilang mga buhay, magpatuloy na “namumuhay at gumagawa sa kapayapaan at katiwasayan,” magpatuloy sa “paglilinang ng kanilang sariling mga bukirin,” at hindi na Ako makikialam sa kanilang mga buhay. Nguni’t ngayon hinahangad Kong lubusang muling maangkin ang Aking luwalhati mula sa kamay ng masama, muling kunin ang kabuuan ng luwalhati na inilakip Ko sa tao sa paglikha ng mundo, at hindi na kailanman muling ipagkaloob ito sa sangkatauhan sa lupa. Sapagka’t ang mga tao ay hindi lamang nabigong panatilihin ang Aking luwalhati, sa halip ay ipinagpalit nila ito sa larawan ni Satanas. Hindi pinahahalagahan ng mga tao ang Aking pagdating, ni inaasam nila ang araw ng Aking luwalhati. Hindi sila nagagalak na tanggapin ang Aking pagkastigo, lalong hindi sila handang ibalik ang Aking luwalhati sa Akin. Ni hindi nila handang iwaksi ang lason ng masama. Patuloy Akong dinadaya ng sangkatauhan sa parehong lumang paraan, nagtataglay pa rin ng masasayang mga ngiti at masasayang mga mukha sa parehong lumang paraan. Hindi nila namamalayan ang kalaliman ng dalamhati na sasapit sa sangkatauhan pagkatapos na sila ay lisanin ng Aking luwalhati, at lalong hindi namamalayan na kapag ang Aking araw ay sumapit sa buong sangkatauhan, mahaharap sila sa higit pang mahirap na panahon kaysa sa mga tao sa panahon ni Noe. Sapagka’t hindi nila nalalaman kung gaano kadilim ang Israel nang lumisan dito ang Aking luwalhati, sapagka’t nakakalimutan ng tao sa madaling-araw kung gaano kahirap tiisin ang napakadilim na gabi. Kapag ang araw ay bumalik sa pagtatago at ang karimlan ay bumaba sa tao, siya ay muling mananaghoy at pagngangalitin ang kanyang mga ngipin sa karimlan. Nalimot na ba ninyo, nang lumisan ang Aking luwalhati mula sa Israel, kung gaano kahirap para sa mga tao nito na pagtiisan ang kanilang mga araw ng paghihirap? Ngayon ang panahon kung kalian nakikita ninyo ang Aking kaluwalhatian, at ito rin ang panahon kung kailan nakikibahagi kayo sa araw ng Aking luwalhati. Ang tao ay mananaghoy sa kalagitnaan ng kadiliman kapag nilisan ng Aking luwalhati ang maruming lupain. Ngayon ang araw ng luwalhati kung kailan Aking ginagawa ang Aking gawain, at ito rin ang araw kung kailan hindi Ko pinadadaan ang sangkatauhan sa pagdurusa, sapagka’t hindi Ko ibabahagi ang mga panahon ng pagpapahirap at paghihirap sa kanila. Nais Ko lamang na lupigin nang ganap ang sangkatauhan, at ganap na talunin ang masama sa sangkatauhan.
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento