Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

13 Pebrero 2019

Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos



Salita ng Buhay | "Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos"

      Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang disposisyon ng tao ay dapat magbago simula sa kaniyang likas na pagkatao at hanggang sa mga pagbabago sa kaniyang pag-iisip, kalikasan, at pangkaisipang pananaw—sa pamamagitan ng mga pangunahing pagbabago. Tanging sa ganitong paraan lamang makakamtan ang mga tunay na pagbabago sa disposisyon ng tao.

07 Hulyo 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | "Paghihintay" Sasalubungin ng mga Matatalinong Birhen ang Panginoon


Pastor si Hou'en sa isang bahay na iglesia sa Tsina. Kasama ang kanyang ama na si Yang Shoudao, naghintay sila na bumaba ang Panginoong Jesus mula sa mga ulap at dalhin sila sa kaharian ng langit. Dahil dito, masigasig silang nagtrabaho para sa Panginoon, pinanghawakan ang Kanyang pangalan, at naniwala na ang sinumang bumaba mula sa mga ulap na hindi ang Panginoong Jesus ay bulaang Cristo. At kaya, nang mabalitaan nila ang pangalawang pagbabalik ng Panginoon, hindi nila ito pinakinggan o tinanggap. Sa tingin nila ay mas mabuti ang magmasid at maghintay.... Habang sila’y naghihintay, tinanggap ng pinsan ni Yang Hou'en na si Li Jiayin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at ibinahagi ang ebanghelyo sa kanila. Matapos ang ilang matitinding talakayan, sa wakas ay naintindihan ni Yang Hou'en ang tunay na kahulugan ng “magmasid at maghintay,” at nakita na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, ang daan, ang buhay, at ang mga ito ay ang tinig ng Panginoon, at ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagbabalik ng Panginoong Jesus na kanilang hinintay sa loob ng maraming taon....

05 Hulyo 2018

Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Si Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng nananatili at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang landas na sa pamamagitan nito ay makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas sa pamamagitan niyao’y makikilala ng tao ang Diyos at upang masangayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, sa gayon, ikaw ay hindi kailanman makakakuha ng pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat ikaw ay kapwa sunud-sunuran at bilanggo ng kasaysayan. Silang mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga nasusulat, at nakagapos sa kasaysayan ay hindi kailanman makakamtan ang buhay, at hindi kailanman makakamtan ang walang hanggang daan ng buhay. Iyan ay dahil ang mayroon lang sila ay malabong tubig na nanatiling walang pag-unlad nang libu-libong mga taon, sa halip na ang tubig ng buhay na dumadaloy mula sa luklukan.”

23 Hunyo 2018

Best Christian Music Video 2018 "Ang Mga Salita ng Diyos ay ang Paraan na Dapat Panatilihin ng Tao"


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang Mga Salita ng Diyos ay ang Paraan na Dapat Panatilihin ng Tao

I
Sa lahat ng bawat edad,
kapag ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa lupa,
Siya'y laging nagbibigay ng ilang mga salita sa sangkatauhan,
Siya'y nagsasabi ng ilang mga katotohanan.
Ang mga katotohanang ito ay nagsisilbing paraan na
dapat sundin ng tao,
ang paraan na dapat panatilihin ng tao.

06 Pebrero 2018

Tagalog na Cristianong Papuring Kanta | Sundan ang Diyos sa Baku-bakong Daan


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog na Cristianong Papuring Kanta | Sundan ang Diyos sa Baku-bakong Daan

I
Ialay 'yong sarili sa Diyos, sarili'y ilaan sa Kanya,
Iniwan ng pamilya, sinira ng mundo.
Hindi patag ang daan pagsunod sa Diyos.
Puso't kaluluwa'y 'nilagak sa paglawak ng kaharian ng Diyos.
Nakita ko pagpapalit ng panahon.
Tanggap ko'ng pagsapit ng saya't lungkot.
Upang kamtin kailangan ng Diyos, pagsasaayos Niya'y sinusunod.
Magdurusa buong buhay. Pasasayahin ang puso ng Diyos!
Magdurusa buong buhay. Pasasayahin ang puso ng Diyos!

30 Disyembre 2017

Awit ng Pagsamba | Ang Makapangyarihang Diyos ay Nakaupo sa Maluwalhating Trono


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Awit  ng Pagsamba | Ang Makapangyarihang Diyos ay Nakaupo sa Maluwalhating Trono



Ang matagumpay na Hari 
ay nakaupo sa Kanyang maluwalhating trono.
Natapos na Niya ang pagtubos at napangunahan na 
ang lahat ng Kanyang bayan upang magpakita sa kaluwalhatian.
Tangan niya ang sansinukob sa Kanyang mga kamay 
at sa pamamagitan ng Kanyang dibinong karunungan at kapangyarihan
ay itinayo Niya at pinatatag ang Sion.
Sa Kanyang kamahalan 
hinahatulan Niya ang masamang sanlibutan; 
hinahatulan Niya ang lahat ng mga bansa 
at lahat ng mga tao, ang lupa at mga dagat 
at ang lahat ng nabubuhay na mga bagay na nasa kanila, 
gayon din sila na lasing sa alak ng kalaswaan.
Tiyak na hahatulan sila ng Diyos,
at tiyak na magagalit Siya sa kanila 
at sa ganito ay mahahayag ang kamahalan ng Diyos.
Ang ganitong paghatol ay magiging mabilis 
at ipatutupad nang walang pag-antala.
Susunugin silang lahat ng nagliliyab na galit ng Diyos 
dahil sa kanilang karumal-dumal na mga krimen
at sasapitin nila ang malaking kalamidad anumang oras;
wala silang malalalamang daan na matatakasan 
at walang dakong mapagtataguan,
sila ay tatangis at magngangalit ang kanilang mga ngipin 
dahil sa kapahamakan 
na kanilang dinala sa kanilang mga sarili.
wala silang malalalamang daan na matatakasan 
at walang dakong mapagtataguan,
sila ay tatangis at magngangalit ang kanilang mga ngipin 
dahil sa kapahamakan na kanilang dinala sa kanilang mga sarili.
Ang mananagumpay na minamahal na mga anak ng Diyos 
ay tiyak na lalagi sa Sion,
at hindi na lilisanin ito kailanman, 
at hindi na lilisanin ito kailanman.
Nagpakita na ang nag-iisang tunay na Diyos! 
Ang pagwawakas ng sanlibutan 
ay nagaganap sa ating harapan
Ang paghatol sa mga huling araw ay nagsimula na.
Ang sangkaramihan ay masusing makikinig sa tinig ng Diyos, 
maingat nilang bibigyang-pansin ang mga pagkilos ng Diyos,
at ang kanilang mga tinig ng pagpupuri sa Kanya 
ay hindi na kailanman mapaparam.
Ang sangkaramihan ay masusing makikinig sa tinig ng Diyos, 
maingat nilang bibigyang-pansin ang mga pagkilos ng Diyos,
at ang kanilang mga tinig ng pagpupuri sa Kanya 
ay hindi na kailanman mapaparam.
Ang kanilang mga tinig ng pagpupuri sa Kanya 
ay hindi na kailanman mapaparam.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

29 Disyembre 2017

Kanta ng Papuri (Tagalog) | Habang Daan Kasama Mo


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kanta ng Papuri (Tagalog) | Habang Daan Kasama Mo


I
Ako'y parang bangka, palutang-lutang sa dagat.
Pinili Mo ako, at sa isang kanlungan inakay Mo ako.
Ngayon sa'Yong pamilya, dama ang pag-ibig Mo, 
payapang-payapa ako.
Pinagpapala Mo ako, humahatol ay salita Mo.
Nguni't bigo pa rin akong pahalagahan biyaya Mo.
Malimit nagrerebelde, sa paanuma'y sinasaktan Iyong puso.
Nguni't 'di Mo alintana sala ko 
kundi gumagawa para sa 'king kaligtasan.
Pag ako'y malayo, pabalik mula sa panganib ay tinatawag Mo.
Pag nagrerebelde, mukha Mo'y itinatago, 
kadilima'y bumabalot sa akin.
Pagbalik ko sa 'Yo, naaawa Ka, ngumingiti upang yumakap.
Pag hinahagupit ni Satanas, 
hinihilom Mo aking sugat, puso'y nagagalak.
Pag sinasaktan ng diyablo, kasama kita pagdaan sa pagsubok.
Bukang-liwayway ay agad lilitaw,
at mga kalangita'y asul pa ring sisikat,
pag naro'n Kang kasama ko.
Bukang-liwayway ay agad lilitaw,
at mga kalangita'y asul pa ring sisikat,
pag naro'n Kang kasama ko.

27 Disyembre 2017

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Diyos Lamang ang May Landas ng Buhay

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Diyos Lamang ang May Landas ng Buhay


I
Ang landas ng buhay ay bagay na di-taglay ng sinuman;
bagay na di madaling kunin ng kahit na sino.
Dahil buhay ay sa Diyos lang nagmumula,
Diyos lang ang may diwa ng buhay,
Diyos lang ang may landas ng buhay.
Kaya Diyos lang pinagmumulan ng buhay, 
at ang laging dumadaloy na bukal ng buhay na tubig ng buhay. 
Mula sa paglikha ng mundo, maraming gawaing nagawa ang Diyos 
na kasama ang sigla, na nagbibigay ng buhay sa tao;
Nagbayad Siya nang mahal upang tao'y makatamo ng buhay.
Dahil ang Diyos Mismo ang walang hanggang buhay;
Siya ang daan upang tao'y muling mabuhay.

16 Disyembre 2017

Pelikulang Kristiano | Ang Paniniwala ba sa Biblia ay Kapareho sa Paniniwala sa Panginoon?




Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Pelikulang Kristiano | Ang Paniniwala ba sa Biblia ay Kapareho sa Paniniwala sa Panginoon?



Karamihan sa mga tao sa relihiyosong mundo ay naniniwala na ang Biblia ay ang panuntunan ng Cristianismo, na ang isang tao ay kailangang kumapit sa Biblia at ibatay ng buo ang paniniwala ng isang tao sa Panginoon sa Biblia, at ang isang tao ay hindi matatawag na mananampalataya kung ang isang tao ay humihiwalay sa Biblia. Kaya ang paniniwala ba sa Panginoon at paniniwala sa Biblia ay iisa at parehas? Ano ba ang eksaktong kaugnayan sa pagitan ng Biblia at ng Panginoon? Minsan nang pinagalitan ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo sa mga salitang ito, "Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay" (Juan 5:39-40). Patotoo lang sa Diyos ang Biblia, ngunit hindi ito naglalaman ng buhay na walang hanggan. Tanging Diyos ang katotohanan, ang daan at ang buhay. Sa sitwasyong iyon, paano natin titignan ang Biblia sa paraang naaayon sa kalooban ng Panginoon?

15 Disyembre 2017

Pananalig sa Diyos | Ano ang Dinadala ng Gawain at Pagpapakita ng Diyos sa Relihiyosong Komunidad?


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pananalig sa Diyos | Ano ang Dinadala ng Gawain at Pagpapakita ng Diyos sa Relihiyosong Komunidad?



Sa bawat panahon na nagkakatawang-tao ang Diyos at nagpapakita para gawin ang Kanyang gawain, malupit na sinusuway at binabatikos ng masasamang puwersa ni Satanas ang tunay na daan. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng digmaan sa loob ng espirituwal na mundo na humahati at naglalantad sa relihiyosong mundo. Sinabi ng Panginoong Jesus, "Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang magdala ng kapayapaan sa lupa: hindi ako naparito upang magdala ng kapayapaan, kundi tabak" (Mateo 10:34). Noong nagpakita ang Panginoong Jesus at nagtrabaho sa Kapanahunan ng Biyaya, nahati sa maraming pangkat ang Judaismo. Sa pagpapakita ngayon at gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ang relihiyosong mundo ay sumasailalim sa malaking paglalantad; ang trigo at ang mga damo, ang mga tupa at ang mga kambing, ang matatalinong birhen at ang mga hangal na birhen, at ang mga mabuting lingkod at ang mga masamang lingkod—ay lahat inilantad, ang bawat isa sa kanilang sariling uri. Tunay na hindi maarok ang karunungan at kamanghaan ng Diyos!

14 Disyembre 2017

Pananalig sa Diyos | Ang Landas bang Binabatikos ng CCP at ng Relihiyosong Samahan ay Hindi ang Tunay na Daan?


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pananalig sa Diyos | Ang Landas bang Binabatikos ng CCP at ng Relihiyosong Samahan ay Hindi ang Tunay na Daan?


Maraming tao ang naghahanap at nagsisiyasat sa tunay na daan nang hindi binabatay ang mga pagkilos na ito sa mga salita at gawain ng Diyos. Sa halip, sinusunod nila ang mga takbo ng relihiyosong mundo at naniniwala sila na ang binabatikos ng Komunistang gobyerno ng Tsina at ng relihiyosong mundo ay hindi ang tunay na daan—ito ba ang tamang daan para tahakin? Sinasabi ng Biblia, “ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama” (1 Juan 5:19). “Ang lahing ito'y isang masamang lahi” (Lucas 11:29). Kung kaya, makikita na ang mga ateistang politikal na rehimen at ang relihiyosong mundo ay tiyak na itatakwil at babatikusin ang tunay na daan. Noong ginawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain noong Kapanahunan ng Biyaya, gigil na gigil Siyang sinalungat at hinatulan ng mga Judio at ng gobyerno ng Roma, at sa huli, ipinako sa krus ang Panginoong Jesus. Hindi ba ito ang tunay na sitwasyon? Kapag dumating ang Makapangyarihang Diyos para gawin ang Kanyang gawain sa mga huling araw, magdudusa Siya sa mabagsik na pagsuway at pambabatikos ng gobyerno ng Tsina at ng relihiyosong mundo. Ano ang ipinapakita nito? Hindi ba karapat-dapat na pagnilayan natin ito?

30 Nobyembre 2017

Kristianong video | BABAGSAK ANG LUNGSOD

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Babagsak ang lungsod


      Cheng Huize is a co-worker at a house church in China. She has believed in the Lord for many years, and has worked for the Lord with unwavering enthusiasm. She takes on a lot of responsibilities for the church, and she has compassion for her brothers and sisters. As her church grew more and more desolate with each passing day, the wickedness in her church were more and more frequent. The pastor energetically proposed that the church should start a factory, and led the followers down the path to wealth, and also enticed them to join the Three-Self Church so they could rely on help from the Chinese Communist government. This caused a fierce debate to unfold. The pastor stubbornly acted in his own individual interests and did not hesitate to divide the church, leading the believers down the wrong path. Cheng Huize and a few others held fast to the way of the Lord, and fiercely opposed the church becoming a factory and joining the Three-Self Church. Although the elders at the church expressed that they were opposed to this, they only did so to protect their own status and livelihood. Even though the pastor and elders were all harboring secrets in their hearts, locked in constant strife for their own fame and profit, fighting out of envy, when they saw that most of the good sheep and leading sheep in the church had investigated the Eastern Lightning and turned to Almighty God one by one, they joined together with the Chinese Communist government and fought to repress the Eastern Lightning, blocking the believers from coming to study the Eastern Lightning, urging the followers to report them to the police. They set an example by reporting and arresting the brothers and sisters preaching the kingdom gospel. Cheng Huize and others saw that the pastor and the elders had deviated from the Lord's way a long time ago, and the church had already lost the work of the Holy Spirit and had degenerated into a religious place like Babylon the Great, cursed and reviled by the Lord. Because of this, they decided to investigate the Eastern Lightning to search for the manifestation and work of God. After intense debates with the preachers from the Church of Almighty God, Cheng Huize and the others finally began to see clearly that the leaders of the religious world opposed God in substance, and the reason why the religious world declined, day by day drawing nearer to its destruction: The pastors and elders of the religious world, although they could explain the Bible and hold the Bible in high esteem, they only do so for status and livelihood. They are confusing and ensnaring people. They don't hold God in high regard or bear witness for Him, they don't understand God at all. In the last days, when the incarnate Almighty God appears and does His work, they oppose Him without the slightest scruple, they condemn God's work, even to the point where they unite with the Chinese Communist government to arrest believers. This is enough to prove that they possess a satanic nature that hates the truth and hates God. They are modern-day Pharisees, impersonating virtuous people, antichrists who deny that God becomes flesh. The religious world has already completely become a stronghold for antichrists who are enemies of God. They will absolutely meet with God's curses and punishments. Cheng Huize and others were eventually able to differentiate the antichrist nature essence of the leaders of the religious world, and guided the believers to break away from the confusion and control of the Pharisees, to escape without hesitation from Babylon, the city that will be overthrown …

29 Nobyembre 2017

Is Obedience to Pastors and Elders the Same as Obedience to God?


Is Obedience to Pastors and Elders the Same as Obedience to God?


Some believers believe that the pastors and elders of the religious world have all been chosen and appointed by the Lord, and that they are all people who serve the Lord. So they believe that only obeying the pastors and elders is obeying the Lord, and that defying or condemning the pastors and elders is defying the Lord. They even believe that, in churches, only the pastors and elders understand the Bible and can explain the Bible, and so long as that which is preached or done by the pastors and elders accords with the Bible and is based on the Bible, then people should obey and follow them. So does this kind of obedience to pastors and elders accord with the truth? Does an understanding of Bible knowledge represent an understanding of the truth and knowledge of God? Exactly what approach should we take to the pastors and elders that conforms to God's will?

25 Nobyembre 2017

Ebangheliyong pelikula | When the Lord Returns, How Will He Appear to Mankind?


When the Lord Returns, How Will He Appear to Mankind?


The last days have already arrived, and many believers yearn for the Lord to return and take them up into the kingdom of heaven. But do you know how the Lord will appear to us when He returns? Will it really be as we imagine, that He will appear openly, directly descending upon a cloud? Almighty God says, "Do you wish to see Jesus? Do you wish to live with Jesus? Do you wish to hear the words spoken by Jesus? ... In what manner will Jesus return? You believe that Jesus will return upon a white cloud, but I ask you: To what does this white cloud refer? With so many followers of Jesus awaiting His return, among which people shall He descend?" "When you see Jesus descend from the heaven upon a white cloud with your own eyes, this will be the public appearance of the Sun of righteousness. ... It will herald the end of God's management plan, and will be when God rewards the good and punishes the wicked. For the judgment of God will have ended before man sees signs, when there is only the expression of truth" (The Word Appears in the Flesh).

24 Nobyembre 2017

Ebangheliyong pelikula | How Can We Welcome the Lord’s Return?


How Can We Welcome the Lord’s Return?


The four blood moons have already appeared. This means that the great disasters will soon befall us, just as prophesied in the book of Joel, "And also on the servants and on the handmaids in those days will I pour out my spirit. And I will show wonders in the heavens and in the earth, blood, and fire, and pillars of smoke. The sun shall be turned into darkness, and the moon into blood, before the great and terrible day of the LORD come" (Joel 2:29-31). Before the great disasters befall us, God's spirit will nourish His servants and handmaids, and He will make complete a group of overcomers. If we can't be raptured before the great disasters, we'll probably perish among these disasters. Now, the Eastern Lightning testifies that the Lord Jesus has returned, expressed the truth, and made complete a group of overcomers. Doesn't this fulfill the Biblical prophecies? Is the Eastern Lightning the manifestation of the Lord's work?

22 Nobyembre 2017

Paano Mo Dapat Lakaran Ang Huling Bahagi ng Landas

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Paano Mo Dapat Lakaran Ang Huling Bahagi ng Landas



Kayo ngayon ay nasa huling bahagi ng landas, at ito ay isang kritikal na bahagi nito. Marahil ay nabata mo ang di-kakaunting pagdurusa, gumawa ng napakaraming gawain, nilakbay ang maraming daan, at nakinig sa maraming mga sermon, at hindi naging madali na magawa ito hanggang sa ngayon. Kung hindi mo matiis ang pagdurusa na nasa harap mo at kung magpapatuloy ka kagaya nang ginawa mo noong nakaraan, kung gayon hindi ka maaaring gawing perpekto. Ito ay hindi para takutin ka—ito ay isang katunayan. Pagkatapos sumailalim ni Pedro sa di-kakaunting gawain ng Diyos, nagkamit siya ng ilang kabatiran at ng napakaraming pagkilatis. NaunawaanJesus. din niya ang di-kakaunting panuntunan ng paglilingkod, at kinalaunan ay nagawa niyang ganap na magtalaga sa kung ano ang ipinagkatiwala sa kanya ni Ang malaking pagpipino na kanyang tinanggap ay karamihan dahil sa mga bagay na kanyang ginawa, naramdaman niya na marami siyang pagkakautang sa Diyos at hindi niya kailanman magagawa na makabawi sa Kanya, at kinilala niya na ang sangkatauhan ay masyadong tiwali, kaya nagkaroon siya ng nababagabag na konsiyensya. Si Jesus ay maraming bagay na ang nasabi sa kanya at sa panahong iyon mayroon lamang siyang kaunting pagkaunawa. May mga pagkakataon na nakabuo pa rin siya ng paglaban at pagiging mapanghimagsik. Pagkatapos mapako si Jesus sa krus, nagkaroon din siya sa wakas ng kaunting pagkamulat at nadama na siya talaga ang dapat sisihin. Sa bandang huli umabot ito sa isang punto kung saan siya ay nagulumihanan kapag nagkaroon siya ng ideya na hindi tama. Alam na alam niya ang kanyang sariling katayuan, at alam na alam din niya ang kabanalan ng Panginoon. Bilang resulta, isang puso ng pag-ibig para sa Panginoon ang yumabong sa kanya nang higit pa, at lalong nagtuon pa siya ng pansin sa kanyang buhay. Dahil dito ay nagdanas siya ng malalaking paghihirap, at bagamat may mga pagkakataon na parang mayroon siyang malalang karamdaman at mistula pang nasa pintuan na ng kamatayan, pagkatapos pinuhin sa ganitong paraan nang maraming beses, nagkaroon siya ng mas maraming pagkaunawa sa kanyang sarili, at sa ganitong paraan lamang niya napaunlad ang tunay na pag-ibig para sa Panginoon. Maaaring sabihin na ang kanyang buong buhay ay ginugol sa pagpipino at higit sa rito, ay ginugol sa pagkastigo. Ang kanyang karanasan ay naiiba mula sa karanasan ng sinumang tao, at nilampasan ng kanyang pag-ibig ang sa sinuman na hindi naging perpekto. Ang dahilan kung bakit siya pinili bilang isang huwaran ay dahil sa naranasan niya ang pinakamatinding paghihirap sa kabuuang buhay niya at ang kanyang mga karanasan ay ang pinakamatagumpay. Kung nagagawa ninyo talagang lakaran ang huling bahagi ng landas kagaya lang ni Pedro, kung gayon walang sinumang nilalang ang makaaagaw sa inyong mga pagpapala.