Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

18 Pebrero 2018

Debosyonal na Assistant ng Cristiano | Ang Panimulang App ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Debosyonal na Assistant ng Cristiano | Ang Panimulang App ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos! Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

09 Pebrero 2018

Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (2)


 Ang tinig ng Diyos | Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (2) | Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung ang nagkatawang-taong Diyos man ay nagsasalita, gumagawa, o naghahayag ng mga himala, Siya ay gumagawa ng dakilang gawain sa loob ng Kanyang pamamahala, at ang ganoong gawain ay hindi maaaring magawa ng tao bilang kahalili Niya. Ang gawain ng tao ay ang gawin lamang ang kanyang tungkulin bilang isang taong nilalang sa isang partikular na yugto ng gawaing pamamahala ng Diyos. Kung wala ang ganoong pamamahala, iyon ay, kung ang ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao ay nawala, gayundin ang tungkulin ng isang taong nilalang. Ang gawain ng Diyos sa pagsasakatuparan ng Kanyang ministeryo ay ang pamahalaan ang tao, samantalang ang paggawa ng tao sa kanyang tungkulin ay ang pagganap sa kanyang sariling mga pananagutan upang matugunan ang mga hinihingi ng Maylalang at sa anumang paraan ay hindi maituturing na pagsasakatuparan ng ministeryo ninuman. Sa likas na esensya ng Diyos, iyon ay, Espiritu, ang gawain ng Diyos ay ang Kanyang pamamahala, nguni’t sa Diyos na nagkatawang-tao na nasa panlabas na anyo ng isang taong nilalang, ang Kanyang gawain ay ang pagsasakatuparan ng Kanyang ministeryo. Anumang gawain ang Kanyang ginagawa ay upang isakatuparan ang Kanyang ministeryo, at maaari lamang magawa ng tao ang kanyang makakaya sa loob ng Kanyang sakop ng pamamahala at sa ilalim ng Kanyang pangunguna."

Rekomendasyon:

Ang  Ebanghelyo  ay lumalaganap!

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus






25 Enero 2018

Salita ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-apat na Pagbigkas

buhay, liwanag, sangkatauhan, tinig, Diyos

Salita ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-apat na Pagbigkas | Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos




Dumarating ang Aking pagkastigo sa lahat ng mga tao, gayon pa man ay nananatili rin itong malayo mula sa lahat ng mga tao. Ang buong buhay ng bawat tao ay puno ng pag-ibig at pagkamuhi sa Akin, at wala kahit isa ang kailanma’y nakakilala sa Akin—kung kaya sala sa lamig at sala sa init ang saloobin ng tao sa Akin, at wala itong kakayahan sa pagiging-normal. Gayunman ay parati Kong inalagaan at iningatan ang tao, at mapurol lamang ang kanyang isipan kaya wala siyang kakayahang makita ang lahat ng Aking mga gawa at maunawaan ang masigasig Kong mga hangarin. Ako ang nangungunang Isa sa gitna ng lahat ng mga bansa, at ang pinakamataas sa gitna ng lahat ng mga tao; hindi lamang talaga Ako kilala ng tao. Sa maraming taon, nanirahan Ako sa kalagitnaan ng tao at naranasan ang buhay sa mundo ng tao, gayon pa man lagi niya Akong ipinagsawalang-bahala at itinuring Akong katulad ng isang nilalang na nagmula sa kalawakan. Bunga nito, itinuturing Ako ng mga tao na katulad ng isang banyaga sa daan dahil sa mga pagkakaiba sa disposisyon at wika. Ang damit Ko rin ay tila masyadong kakaiba, at bilang resulta, walang lakas ng loob ang tao para lapitan Ako. Diyan Ko lamang nararamdaman ang kalungkutan ng buhay sa kalagitnaan ng tao, at diyan Ko rin lamang nararamdaman ang kawalan-ng-hustisya sa mundo ng tao. Lumalakad Ako sa kalagitnaan ng mga dumadaan, pinagmamasdan ang lahat ng kanilang mga mukha. Ito ay parang nabubuhay sila sa kalagitnaan ng isang karamdaman, bagay na nagpupuno ng kalungkutan sa kanilang mga mukha, at sa gitna ng pagkastigo, na pumipigil sa kanilang paglaya. Iginagapos ng tao ang kanyang sarili, at ibinababa ang kanyang sarili. Sa harapan Ko, karamihan sa mga tao ay lumilikha ng maling palagay tungkol sa kanilang mga sarili sa gayon ay maaring mapuri Ko sila, sadyang nag-aanyong kahabag-habag sa harap Ko ang karamihan sa mga tao sa gayon ay maaring makakuha sila ng tulong mula sa Akin. Sa Aking likuran, nililinlang at sinusuway Ako ng lahat ng mga tao. Hindi ba tama Ako? Hindi ba ito ang diskarte ng tao para manatiling buhay? Sino na ang kahit kailan ay nabuhay ng mas matagal kaysa sa Akin? Sino na ang kahit kailan ay nagtaas sa Akin sa gitna ng iba? Sino na ang kahit kailan ay nagapos sa harapan ng Espiritu? Sino na ang kahit kailan ay naging matatag sa kanilang patotoo sa Akin sa harapan ni Satanas? Sino na ang kahit kailan ay nagdagdag ng pagiging-totoo sa “katapatan” nila sa Akin? Sino na ang kahit kailan ay inalis ng malaking pulang dragon dahil sa Akin? Sumapi na ang mga tao kay Satanas, mga bihasa sila sa pagsuway sa Akin, sila ang mga may-likha ng pagsalungat sa Akin, at sila ay mga nagsipagtapos sa pakikipagtawaran sa Akin. Para sa kapakanan ng sarili niyang tadhana, naghahanap ang tao dito at doon sa lupa; kapag kinakawayan Ko siya, nananatili siyang walang-pandama sa Aking pagiging-napakahalaga at patuloy siya sa pananampalataya sa kanyang pagsandig sa kanyang sarili, ayaw niyang maging isang pasanin sa iba. Mahalaga ang mga hangarin ng tao, gayunman walang kaninumang mga hangarin ang kailanman ay ganap na nakamit: Gumuguho silang lahat sa harapan Ko, bumabagsak nang tahimik.

Tagalog na Cristianong Kanta | Ang Ating Diyos ay Makapangyayari Bilang Hari


Tagalog na Cristianong Kanta | Ang Ating Diyos ay Makapangyayari Bilang Hari | Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos



I
Amang walang hanggang,
Prinsipe ng Kapayapaan Diyos na Hari nating lahat!
Kanyang mga yapak sa Bundok ng Olibo, sa Bundok ng Olibo.
O kay ganda! Makinig! Tayong mga bantay itaas mga tinig,
Itaas ating mga tinig, tayo’y umawit,
pagka’t sa Sion Diyos ay nagbalik.
Nasaksihan ng aming mga mata ang kapanglawan ng Jerusalem!
Sabay tayong umawit ng buong galak, pagkat tayo’y inaliw N’ya,
Tinubos N’ya ang Jerusalem.
Sa mga bansa’y pinamalas, ng Diyos ang bisig N’yang banal,
pinakita ang tunay na Siya.
Makikita’ng pagligtas Niya hanggang sa dulo ng mundo.

24 Enero 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas

 buhay, liwanag, sangkatauhan, Diyos,  tinig

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas



    Sa pagtawag ng Aking tinig, sa pagsiklab ng apoy mula sa Aking mga mata, sinusubaybayan Ko ang buong mundo, inoobserbahan Ko ang buong sansinukob. Nananalangin sa Akin ang buong sangkatauhan tumitingala sila sa Akin, nagmamakaawang itigil Ko ang Aking galit, at isinusumpang hindi na kailanman sila magrerebelde laban sa Akin. Ngunit hindi na ito ang nakaraan; ito ay kasalukuyan. Sino ang makapapanumbalik sa Aking kalooban? Tiyak na hindi ang panalangin sa loob ng puso ng mga tao, ni hindi ang mga salita sa kanilang mga bibig? Kung hindi dahil sa Akin, sino ang makaliligtas hanggang sa kasalukuyan? Sino ang mabubuhay maliban sa pamamagitan ng mga salita ng Aking bibig? Sino ang hindi nagsisinungaling sa ilalim ng mapagmatyag Kong mga mata? Sa patuloy Kong paggawa ng bago Kong gawain sa buong mundo, sino na ang may kakayahang makatakas mula dito? Maaari kayang iwasan ito ng mga bundok sa pamamagitan ng kanilang taas? Maaari kayang itaboy ito ng mga tubig, sa pamamagitan ng kanilang pagkarami-raming kalakhan? Sa Aking plano, kailanma’y walang anumang bagay ang basta-basta Kong hinahayaang lumisan, kaya wala kailanman kahit sinong tao, o anumang bagay, ang nakatakas mula sa pagdakma ng Aking mga kamay. Naitatanghal ngayon ang banal Kong pangalan sa buong sangkatauhan, at muli, umaangat sa buong sangkatauhan ang mga salitang may pagsalungat laban sa Akin, at laganap sa buong sangkatauhan ang mga alamat tungkol sa Aking pagiging. Hindi Ko hinahayaang gumagawa ang tao ng kanilang mga paghatol tungkol sa Akin, ni hindi Ko rin hinahayaang paghati-hatian nila ang Aking katawan, mas lalong hindi Ko hinahayaan ang kanilang mga panlalait laban sa Akin. Dahil kailanman ay hindi niya Ako ganap na nakilala, palagi nila Akong sinusuway at nililinlang, nabibigo silang mahalin ang Aking Espiritu o pahalagahan ang mga salita Ko. Mula sa bawat gawa at pagkilos niya, at mula sa saloobin niya tungo sa Akin, ibinibigay Ko sa tao ang “gantimpala” na nararapat sa kanya. Kaya, gumagawa lahat ang mga tao nakamasid sa kanilang gantimpala, at wala kahit isa ang gumawa kailanman nang may pagsasakripisyo. Ayaw ng mga tao ang gumawa ng walang pag-iimbot na pagtatalaga, ngunit nagagalak sila sa mga gantimpala na maaaring makuha ng walang kapalit. Kahit inilaan ni Pedro ang sarili niya sa harapan Ko, hindi ito para sa kapakanan ng gantimpala sa hinaharap, ngunit para ito sa kapakanan ng kasalukuyang kaalaman. Kailanman ay hindi pumasok sa tunay na pakikipag-ugnayan ang sangkatauhan sa Akin, ngunit paulit-uliti siyang nakikitungo sa Akin sa isang mababaw na paraan, sa gayo’y iniisip na makukuha niya ang pagsang-ayon Ko ng walang kahirap-hirap. Tumingin Ako sa kaibuturan ng puso ng tao, kaya natuklasan Ko sa kanyang kaloob-looban ang “isang mina ng maraming kayamanan,” isang bagay na kahit ang tao mismo ay walang kamalayan ngunit natuklasan Ko ito. At dahil dito, ititigil lamang ng mga tao ang banal-banalang pagpaparusa sa sarili kapag makakita sila ng “materyal na katibayan” at, nakaunat ang mga palad, inaamin ang maruming estado ng kanilang mga sarili. Sa gitna ng mga tao, marami pang mga bago at sariwang bagay ang naghihintay na “ilalabas” Ko para sa kasiyahan ng buong sangkatauhan. Hindi Ako titigil sa Aking gawain dahil sa kawalan ng kakayahan ng tao, ipagpapatuloy Ko siyang kukumpuniin at pananatilihin alinsunod sa Aking orihinal na plano. Ang tao ay parang isang puno ng prutas: Kung walang pagputol at pagpupungos, mabibigong mamunga ang puno at, sa katapusan, ang tanging makikita ninuman ay mga lantang sanga at nahuhulog na mga dahon, wala man lang itong prutas na mahuhulog sa lupa.

07 Enero 2018

Ebangheliyong musika | Ang Diyos ay Nagpakita sa Silangan ng Mundo Nang May Kaluwalhatian





Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ebangheliyong musika | Ang Diyos ay Nagpakita sa Silangan ng Mundo Nang May Kaluwalhatian



I
Diyos ay gumagawa sa buong sansinukob.
Dagundong ng ingay sa Silanganang 'di tumitigil,
nililiglig lahat ng denominasyo't lahat ng sekta.
Ito'y tinig ng Diyos, lahat dinala sa kasalukuyan.
Ito'y Kanyang tinig na sa lahat ay lulupig.
Sila'y nahuhulog sa agos nito, at nagpapasakop sa Kanya.
Matagal nang nabawi ng Diyos sa lupa ang luwalhati,
at mula Silangan ay inilabas Niyang muli.
Sinong 'di sabik makita ang luwalhati ng Diyos?
Sinong 'di naghihintay at nananabik Sa Kanyang pagbabalik?
Sinong hindi nauuhaw na Siya'y magpakitang muli?
Sinong 'di nangungulila sa Kanyang kariktan?
Sinong 'di lalapit tungo sa liwanag?
Sinong di nais makita yaman ng Canaan?
Sinong 'di nananabik sa pagbalik ng Manunubos?
Sinong 'di hanga sa Makapangyarihan-sa-lahat?

29 Disyembre 2017

Kanta ng Papuri (Tagalog) | Habang Daan Kasama Mo


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kanta ng Papuri (Tagalog) | Habang Daan Kasama Mo


I
Ako'y parang bangka, palutang-lutang sa dagat.
Pinili Mo ako, at sa isang kanlungan inakay Mo ako.
Ngayon sa'Yong pamilya, dama ang pag-ibig Mo, 
payapang-payapa ako.
Pinagpapala Mo ako, humahatol ay salita Mo.
Nguni't bigo pa rin akong pahalagahan biyaya Mo.
Malimit nagrerebelde, sa paanuma'y sinasaktan Iyong puso.
Nguni't 'di Mo alintana sala ko 
kundi gumagawa para sa 'king kaligtasan.
Pag ako'y malayo, pabalik mula sa panganib ay tinatawag Mo.
Pag nagrerebelde, mukha Mo'y itinatago, 
kadilima'y bumabalot sa akin.
Pagbalik ko sa 'Yo, naaawa Ka, ngumingiti upang yumakap.
Pag hinahagupit ni Satanas, 
hinihilom Mo aking sugat, puso'y nagagalak.
Pag sinasaktan ng diyablo, kasama kita pagdaan sa pagsubok.
Bukang-liwayway ay agad lilitaw,
at mga kalangita'y asul pa ring sisikat,
pag naro'n Kang kasama ko.
Bukang-liwayway ay agad lilitaw,
at mga kalangita'y asul pa ring sisikat,
pag naro'n Kang kasama ko.

17 Nobyembre 2017

Paano Hahanapin mga Bakás ng Diyos


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Paano Hahanapin mga Bakás ng Diyos


Yamang hinahanap natin bakás ng Diyos,
dapat hanapin kalooban N'ya,
hanapin mga salita at pagbigkas ng Diyos,
hanapin mga salita at pagbigkas ng Diyos.
Dahil kung nasa'n bagong salita N'ya,
naroon din ang tinig, ang tinig ng Diyos;
kung nasaan bakás ng Diyos,
naro'n gawa N'ya, naro'n gawa N'ya.
Kung nasaan pahayag ng Diyos,
naro'n pagpapakita, pagpapakita ng Diyos,
at kung nasaan pagpapakita ng Diyos,
naroon ang katotohanan, daan, buhay.

04 Oktubre 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang mga Kautusan ng Bagong Kapanahunan

Iglesia, Jesus, tinig, maghanap, katotohanan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang mga Kautusan ng Bagong Kapanahunan

Nasabihan na kayo na sangkapan ang inyong sarili sa pamamagitan ng salita ng Diyos, na hindi alintana kung ano ang inaayos para sa inyo, ang lahat ay binabalangkas ng sariling kamay ng Diyos, at hindi na kailangan ang inyong masigasig na pananalangin at pagmamakaawa—walang silbi ang mga ito. Subali’t sa mga panahon ng kasalukuyang kalagayan, ang mga praktikal na suliraning inyong kinakaharap ay di-maubos maiisip para sa inyo. Kapag hinihintay ninyo lamang ang pagbabalangkas ng Diyos, ang inyong pagsulong ay magiging labis na mabagal, at sa mga hindi alam kung paano makaranas magkakaroon ng pagsasakawalang-kibo. Kaya, kung hindi mo kayang lubos na maaninag ang mga bagay na ito, ikaw ay nalalabuan at hangal sa iyong dinaranas. Kung ikaw ay walang katunayan at puro mga salita lamang, hindi ba’t ito ay tanda ng kalisyaan? Maraming kalisyaan ang nakikita sa inyo, sa kalipunang ito. Ngayon, wala kayong kakayanang makamit ang gayong mga pagsubok na katulad ng “mga taga-serbisyo”, o kung hindi man ay walang kakayahang maisip o makamit ang ibang pagpipino na may kaugnayan sa mga salita ng Diyos. Kailangan niyong umayon sa maraming bagay na hinihingi sa inyong isagawa. Ibig sabihin, ang mga tao ay dapat umayon sa mga tungkulin na kailangan nilang gampanan. Ito ang dapat sang-ayunan ng mga tao, at kung ano ang dapat nilang tuparin. Hayaang gawin ng Banal na Espiritu ang kailangang gawin ng Banal na Espiritu: walang bahagi ang tao rito. Ang tao ay dapat umayon sa kung ano ang kailangang gawin ng tao, na walang kaugnayan sa Banal na Espiritu. Wala ito kundi isang kailangang gawin ng tao, at dapat sang-ayunan dahil ito ay iniutos, katulad ng pagsang-ayon sa kautusan ng Lumang Tipan. Bagaman hindi na ngayon ang Kapanahunan ng Kautusan, mayroon pa ring mga salita sa Kapanahunan ng Kautusan na kailangang sang-ayunan, at ang mga ito ay hindi lamang naisasakatuparan sa pamamagitan ng pag-asa sa paghipo ng Banal na Espiritu, ngunit kailangang sang-ayunan ng tao. Halimbawa: Huwag mong hatulan ang gawain ng praktikal na Diyos. Huwag mong labanan ang taong pinatotohanan ng Diyos. Sa harapan ng Diyos, panatilihin mo ang iyong kinalalagyan at huwag maging talipandas. Maging mahinahon sa iyong pananalita, at ang iyong mga salita at kilos ay dapat sinusunod ang pagsasaayos ng taong pinatotohanan ng Diyos. Igalang mo ang patotoo ng Diyos. Huwag mong bale-walain ang gawain ng Diyos at ang mga salita na nagmumula sa Kanyang labi. Huwag mong gayahin ang tono at mga hangad ng pagbigkas ng Diyos. Sa panlabas, huwag kang gumawa ng kahit na anumang hayagang pagsalungat sa taong pinatotohanan ng Diyos. Ito, at ang marami pang iba, ay mga dapat sang-ayunan ng bawat tao. Sa bawat panahon, maraming tuntunin ang tinutukoy ng Diyos na katulad ng mga kautusan na kailangang sang-ayunan ng tao. Sa pamamagitan nito, pinaghihigpitan Niya ang disposisyon ng tao, at inaalam ang kanyang katapatan. Ang mga salitang “Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina” sa Lumang Tipan, halimbawa. Ang mga salitang ito ay hindi na akma ngayon; sa panahong iyon, pinaghigpitan lamang nila ang ilan sa mga panlabas na disposisyon ng tao, ginamit ang mga ito upang ipakita ang katapatan ng paniniwala ng tao sa Diyos, at tanda ng mga naniniwala sa Diyos. Bagaman ngayon sa Kapanahunan ng Kaharian, mayroon pa ring mga tuntunin na dapat sang-ayunan ang tao. Ang mga tuntunin ng nakaraan ay hindi na akma; ngayon, marami, ang mas angkop na pagsasagawa para tuparin ng tao, at mga kinakailangan. Hindi nito isinasangkot ang gawain ng Banal na Espiritu at kailangang gawin ng tao.

Sa Kapanahunan ng Biyaya, marami sa mga pagsasagawa sa Kapanahunan ng Kautusan ang iniwaksi dahil ang mga kautusang ito ay hindi sadyang mabisa para sa gawain sa panahong iyon. Matapos iwaksi ang mga ito, maraming mga pagsasagawa ang itinakda na mas angkop sa panahon, at naging mga tuntunin sa ngayon. Nang ang Diyos ng panahong ito ay dumating, ang mga tuntuning ito ay itiniwalag, at hindi na kailangang sang-ayunan, at may mga itinalagang maraming pagsasagawa na mas angkop sa gawain ngayon. Ngayon, ang mga pagsasagawang ito ay hindi mga tuntunin, ngunit para magkamit ng bunga; mas angkop ang mga ito sa ngayon—at bukas, marahil, magiging mga tuntunin ang mga ito. Bilang buod, nararapat mong sundin yaong mas mabunga para sa gawain ngayon. Huwag ninyong intindihan ang bukas: Kung ano ang magagawa ngayon ay para sa kapakanan ng ngayon. Maaaring bukas ay magkakaroon ng mga mas mabuting pagsasagawa na kakailanganin mong tuparin—nguni’t huwag ninyong masyadong bigyang-pansin ito, sumunod sa kung ano ang nararapat sundin sa ngayon upang hindi salungatin ang Diyos. Ngayon, walang mas mahalaga na dapat sundin ng tao kaysa sa mga sumusunod: Huwag kang manlinlang o magtago ng kahit na ano mula sa Diyos na nakatayo sa iyong harapan. Huwag kang magbigkas ng mga marurumi at mayayabang na salita sa harap ng Diyos. Huwag mong linlangin ang Diyos sa iyong harapan sa pamamagitan ng maiinam na mga salita at maririkit na mga talumpati upang makamit ang Kanyang tiwala. Huwag kang umasta nang walang paggalang sa harap ng Diyos. Sundin mo ang lahat ng lumalabas sa bibig ng Diyos, at huwag pigilan, labanan, o makipagtalo sa Kanyang mga salita. Huwag mong ipakahulugan, sa inaakala mong angkop, ang mga salita na nanggaling sa bibig ng Diyos. Dapat bantayan mo ang iyong dila upang maiwasan mong mahulog sa bitag ng mga mapanlinlang na balak ng balakyot. Dapat bantayan mo ang iyong mga hakbang upang maiwasan ang pagsuway sa mga hangganang itinalaga ng Diyos para sa iyo. Ang paggawa nito ay magiging sanhi upang ikaw ay magsalita ng mapagmataas at mapagmalaking mga salita ayon sa pananaw ng Diyos, at sa gayon kamuhian ng Diyos. Huwag kang padalus-dalos na inuulit ang mga salitang nanggagaling sa bibig ng Diyos, baka makutya ka ng iba at gawing hangal ng diyablo. Sundin mo ang lahat ng gawain ng Diyos sa ngayon. Kahit na ito’y hindi mo nauunawaan, huwag mo itong bigyan ng paghatol; ang iyo lamang magagawa ay ang maghanap at pagsasamahan. Walang tao ang dapat lumabag sa orihinal na kinalalagyan ng Diyos. Wala kang ibang magagawa kundi ang paglingkuran ang Diyos ng ngayon mula sa posisyon ng tao. Hindi mo tuturuan ang Diyos ng ngayon mula sa posisyon ng tao—ang gawin ito ay lisya. Walang maaaring pumalit sa kalagayan ng taong itinalaga ng Diyos; sa iyong mga salita, kilos, at mga saloobin, ikaw ay nakatayo sa posisyon ng tao. Dapat itong sundin, responsibilidad ito ng tao, hindi ito maaaring baguhin ninuman, at ang gawin iyon ay isang paglabag sa kautusan ng pamamahala. Dapat itong tandaan ng lahat.

Ang matagal na panahong iginugol ng Diyos sa pagsasalita at pagbibigkas ay naging sanhi upang isaalang-alang ng tao na ang pagbasa at pagsaulo sa mga salita ng Diyos ay ang kanyang pangunahing tungkulin. Walang nagbibigay-pansin sa pagsasagawa, at maging ang mga kailangang sundin na hindi ninyo sinusunod, kaya’t ito ay nagdala ng maraming paghihirap at suliranin sa inyong paglilingkod. Kung, bago ang pagsasagawa sa mga salita ng Diyos, hindi mo nasang-ayunan ang mga dapat sang-ayunan, isa ka sa mga kinamumuhian at tinatanggihan ng Diyos. Sa pagsang-ayon sa mga pagsasagawang ito, dapat kang maging masigasig at tapat. Huwag mo itong tratuhin na mga kadena, sa halip ay sang-ayunan ang mga ito bilang mga utos. Ngayon, hindi mo dapat iukol ang sarili mo sa kung anong mga epektong makakamit; sa madaling salita, ganito kumilos ang Banal na Espiritu, at kung sino man ang makagawa ng pagkakasala ay nararapat mamatay. Ang Banal na Espiritu ay walang emosyon, at walang pakialam sa iyong pag-unawa. Kapag ikaw ay nagkasala sa Kanya ngayon, ikaw ay Kanyang parurusahan. Kapag ikaw ay nagkasala sa Kanya sa saklaw ng Kanyang sakop, hindi ka Niya patatawarin. Wala Siyang pakialam kung gaano ka katapat sa iyong pagsang-ayon sa salita ni Jesus. Ngayon, kapag ikaw ay gumawa ng masama ikaw ay papatawan ng parusang kamatayan. Paano mo matatanggap na hindi sumang-ayon? Nararapat kang sumang-ayon—kahit na ito ay nangangahulugan ng pagdurusa ng kaunting sakit! Kahit na anong denominasyon, kalipunan, bansa, o sekta man ito, sa hinaharap sila ay nararapat na sumang-ayon sa mga pagsasagawang ito. Walang di-sakop, at walang patatawarin! Dahil ang mga iyon ang gagawin ng Banal na Espiritu ngayon, at ang mga iyon ay di-makapananakit sa lahat. Kahit na hindi ito malalaking bagay, dapat gawin ito ng bawat tao, at ito ang mga utos na itinalaga para sa tao ni Jesus, na nabuhay at umakyat sa langit. Hindi ba’t sinasabi ng “Ang Landas … (7)” na ang pagpapakahulugan ni Jesus kung matuwid o makasalanan ka ay alinsunod sa iyong saloobin sa Diyos ngayon? Walang sinuman ang maaaring makaligtaan ang puntong ito. Sa Lumang Tipan, bawa’t salinlahi ng mga Fariseo ay naniwala sa Diyos, ngunit sa pagdating ng Kapanahunan ng Biyaya, hindi nila nakilala si Jesus, at kinalaban Siya. Kaya ang lahat ng kanilang ginawa ay nawalan ng saysay, at nawalang kabuluhan, at hindi ito tinanggap ng Diyos. Kung maaaninag mo ito, hindi ka madaling magkakasala. Maraming tao, marahil, ang nasukat ang kanilang sarili laban sa Diyos. Ano ang lasa kapag kinalaban ang Diyos, ito ba ay mapait o matamis? Kailangan mo itong maintindihan—huwag kang magpanggap na hindi mo alam. Sa kanilang mga puso, marahil, ang ilang tao ay nananatiling di-naniniwala. Gayunman, pinapayuhan Kita na iyong subukin at nang iyong makita—tingnan mo kung ano ang lasa. Mapipigilan nito ang maraming tao sa pagiging-mapaghinala tungkol dito. Maraming tao ang nagbabasa ng mga salita ng Diyos ngunit palihim Siyang sinasalungat sa kanilang mga puso. Matapos Siyang kalabanin nang ganito, hindi mo ba nararamdaman na tila may patalim na tumutusok sa iyong puso? Kung hindi kawalang-pagkakaisa ng pamilya, ito ay kawalang-ginhawa ng katawan, o kahapisan ng mga anak na lalaki at babae. Kahit na ang iyong laman ay nakatakas sa kamatayan, ang kamay ng Diyos ay hindi ka kailanman lulubayan. Akala mo ba ay magiging ganoon lamang ka-simple? Partikular na, mas kailangan sa maraming mga malapit sa Diyos na magtuon dito. Sa paglipas ng panahon, makakalimutan mo ito, at, walang kamalay-malay, ikaw ay mahuhulog sa tukso, hindi ka na makatutugon sa lahat, at ito ang magiging simula ng iyong pagkakasala. Ito ba’y mukhang napakababaw para sa iyo? Kung kaya mo itong gawin nang maayos, mayroon kang pagkakataon na gawing perpekto—ang makatanggap ng patnubay mula sa sariling bibig ng Diyos sa harapan ng Diyos. Kung ito ay hindi mahalaga para sa iyo, ikaw ay magkakaroon ng suliranin—ikaw ay magiging palaban sa Diyos, ang iyong salita at kilos ay talipandas, at sa huli ikaw ay matatangay ng malalaking unos at malalakas na alon. Ang mga bagay na ito ay dapat isaalang-alang ng lahat. Hindi ka man husgahan ng taong pinatotohanan ng Diyos, ngunit ang Espiritu ng Diyos ay hindi pa tapos sa iyo, hindi ka Niya palalagpasin. Sa tingin mo ba ay nasa iyo ang pagsalangsang upang makagawa ng pagkakasala? Kaya, kahit na ano ang sabihin ng Diyos, dapat isagawa ang Kanyang mga salita sa anumang paraang kaya mo. Ito ay hindi simpleng bagay!
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Rekomendasyon:
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.