Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

07 Hunyo 2018

Tagalog Christian Gospel Videos | “Suwerte at Kasawian” Christian Testimony


Dahil siya ay nagmula sa dukhang pamilya, mula pa sa pagkabata determinado na si Du Juan na yumaman at magkaroon ng mas magandang buhay. Para magkatotoo ang mithiing ito, tumigil siya sa pag-aaral para magtrabaho, anuman ang kaya niyang gawin para magkapera. Hindi siya nagreklamo kapag mahirap at nakakapagod ang trabaho. Gayunman, hindi niya nakuha ang hangad niyang resulta. Gaano man siya nagpakasipag, hindi niya natamo ang buhay na gusto niya para sa kanyang sarili. Noong 2008, kimkim ang pangarap na yumaman, nagpunta sila ng kanyang asawa sa Japan para magtrabaho. Pagkaraan ng ilang taon, hinimatay siya sa pagod dahil sa dami ng mabibigat na gawain at sobrang haba ng pagtatrabaho. Nalungkot siya nang husto dahil sa mga resulta ng mga imbestigasyon sa ospital, ngunit para makamit ang kanyang mga pangarap, hindi sumuko si Du Juan. Patuloy siyang nagtrabaho, sa kabila ng kanyang karamdaman, na determinadong magsikap. Kalaunan, napilitan siyang tumigil sa pagpapayaman dahil sa labis na paghihirap sa kanyang kalagayan. Sa gitna ng kanyang sakit, nagsimula siyang magnilay-nilay: Sa kabila ng lahat, bakit nabubuhay ang tao? Nararapat bang isapalaran ang buhay ng tao alang-alang sa pera? Masaya ba ang maging mayaman? Patuloy na naglaro sa kanyang isipan ang mga pagdududang ito. Di nagtagal, dumating sa kanya ang pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nalaman niya ang pinagmumulan ng pasakit sa buhay ng tao, at naunawaan din niya kung bakit nabubuhay ang tao, at paano mabuhay bago maging makabuluhan ang kanyang buhay …. Tuwing iisipin niya ang karanasang ito, napapabuntong-hininga si Du Juan: Ang karamdamang ito ay talagang nagbigay sa kanya ng pagpapala mula sa kapighatian!

Rekomendasyon:
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal



03 Hunyo 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Pinahahalagahan ng Diyos Yaong Nakikinig at Sumusunod sa Kanya

══════════════ ♡♡♡ ════════════
I
Di mahalaga sa Diyos
kung ang isa ay mapagkumbaba o dakila.
Hangga’t siya’y nakikinig sa Diyos,
sumusunod sa mga iniuutos at ipinagkakatiwala Niya,
makikipagtulungan sa Kanyang gawain,
sa Kanyang plano at kalooban,
upang ang Kanyang kalooban at plano
ay maaaring magpatuloy nang walang hadlang,
gayong pagkilos ay karapat-dapat sa pag-alala ng Diyos,
at karapat-dapat sa pagtanggap ng Kanyang pagpapala.
Pinahahalagahan ng Diyos ang gayong mga tao,
at ang kanilang mga kilos,
at ang kanilang puso at paggiliw sa Kanya.
Ito ang saloobin ng Diyos.

16 Mayo 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | "Red Re-Education sa Bahay" | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (2)

Pagkatapos ng nangyari sa Zhaoyuan noong Mayo 28 sa Shandong na nakagulat kapwa sa China at sa iba pang mga bansa, nang litisin ng CCP ang kaso, malinaw na ipinagtapat ng mga sangkot na hindi sila mga miyembro ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Gayunman, ipinilit pa rin ng CCP na tukuyin silang mga tao na kabilang sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ano ang motibo nila? Anong klaseng pakana ang nasa likod ng kasong ito?



★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★
Rekomendasyon:
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw


11 Mayo 2018

 Kristianong Awitin | Mapalad ang mga Nagmamahal sa Diyos



.•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸.•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kristianong Awitin | Mapalad ang mga Nagmamahal sa Diyos


I
Tanging mga nagmamahal sa Diyos  ay maaaring sumaksi sa Diyos,
tanggapin ang Kanyang mga pagpapala
at magdala sa Kanyang mga pangako.
Tanging nagmamahal sa D'yos Kanyang pinagtitiwalaan,
at maaaring ibahagi sa Kanyang mga pagpapala.
Tanging ang mga tao ay maaaring mabuhay
para sa kawalang-hanggan.
Tanging yaong mga tunay na nagmamahal sa Diyos
ang namumuhay nang may pinakamataas na halaga at kahulugan.
Tanging sila ay totoong may pananalig sa Diyos.
Mapalad ang mga nagmamahal sa Diyos.
Yaong mga umiibig sa Diyos ay malayang gumalaw sa buong mundo.
Mapalad ang mga nagmamahal sa Diyos.
Kanyang mga saksi gumagalaw sa buong sansinukob.
Mapalad ang mga nagmamahal sa D'yos.

30 Marso 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan | Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan


Ibinigay ng Diyos luwalhati Niya sa Israel
at inalis ito mula roon,
dala ang mga Israelita't lahat ng tao sa Silangan.
Lahat sila'y inakay ng D'yos sa liwanag
nang sila'y muling magkasama't makisama sa liwanag,
 'di na kailangang hanapin, hanapin ang liwanag.
Hahayaan ng Diyos ang lahat ng naghahanap na makitang muli ang liwanag
at ang kaluwalhatian Niya sa Israel,
makita ang Diyos na bumaba sa puting ulap
sa gitna ng mga tao,
makita ang mga puting ulap, makita ang mga kumpol ng prutas,
makita si Jehova Diyos ng Israel, Diyos ng Israel,

09 Pebrero 2018

Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (2)


 Ang tinig ng Diyos | Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (2) | Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung ang nagkatawang-taong Diyos man ay nagsasalita, gumagawa, o naghahayag ng mga himala, Siya ay gumagawa ng dakilang gawain sa loob ng Kanyang pamamahala, at ang ganoong gawain ay hindi maaaring magawa ng tao bilang kahalili Niya. Ang gawain ng tao ay ang gawin lamang ang kanyang tungkulin bilang isang taong nilalang sa isang partikular na yugto ng gawaing pamamahala ng Diyos. Kung wala ang ganoong pamamahala, iyon ay, kung ang ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao ay nawala, gayundin ang tungkulin ng isang taong nilalang. Ang gawain ng Diyos sa pagsasakatuparan ng Kanyang ministeryo ay ang pamahalaan ang tao, samantalang ang paggawa ng tao sa kanyang tungkulin ay ang pagganap sa kanyang sariling mga pananagutan upang matugunan ang mga hinihingi ng Maylalang at sa anumang paraan ay hindi maituturing na pagsasakatuparan ng ministeryo ninuman. Sa likas na esensya ng Diyos, iyon ay, Espiritu, ang gawain ng Diyos ay ang Kanyang pamamahala, nguni’t sa Diyos na nagkatawang-tao na nasa panlabas na anyo ng isang taong nilalang, ang Kanyang gawain ay ang pagsasakatuparan ng Kanyang ministeryo. Anumang gawain ang Kanyang ginagawa ay upang isakatuparan ang Kanyang ministeryo, at maaari lamang magawa ng tao ang kanyang makakaya sa loob ng Kanyang sakop ng pamamahala at sa ilalim ng Kanyang pangunguna."

Rekomendasyon:

Ang  Ebanghelyo  ay lumalaganap!

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus






03 Pebrero 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas

Kidlat ng Silanganan - Mga Aklat,Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos ,Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos ,papuri,buhay

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas


  Noong dumating Ako mula sa Sion, hinihintay Ako ng lahat ng mga bagay, at noong bumalik Ako sa Sion, binati Ako ng lahat ng mga tao. Sa pagdating at paglisan Ko, hindi kailanman nahadlangan ng mga may galit sa Akin ang Aking mga hakbang, kaya umusad nang maayos ang Aking gawain. Ngayon, kapag dumarating Ako sa kalagitnaan ng lahat ng mga nilalang, binabati Ako ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng katahimikan, napakalalim ang takot nila na Ako’y muling lilisan at aalisin ang kanilang suporta. Sinusunod ng lahat ng mga bagay ang Aking patnubay, at minamatyagan ng lahat ang direksyong ipinahihiwatig ng Aking kamay. Maraming mga nilalang ang ginawang perpekto ng mga salita na nagmumula sa Aking bibig at maraming mga suwail na anak ang nakastigo. Kaya, nakatitig ang lahat ng mga tao sa Aking mga salita, at maingat na nakikinig sa mga pagbigkas mula sa Aking bibig, at matindi ang takot na mapalampas nila ang magandang pagkakataon na ito. Sa kadahilanang ito kung bakit nagpatuloy Ako sa pagsasalita, upang matupad ang Aking gawain nang mas mabilis, at upang mas maaga ang paglitaw ng mga nakalulugod na kondisyon sa mundo at malunasan ang mga eksena ng pagkatiwangwang sa mundo. Kapag tumingin Ako sa kalangitan at kapag haharapin Ko muli ang sangkatauhan; agad na mapupuno ang mga lupain ng buhay, hindi na kakapit ang alikabok sa hangin, at hindi na mababalot ng putik ang lupa. Agad magliliwanag ang Aking mga mata, kaya titingala sa Akin ang mga tao mula sa lahat ng mga lupain at manganganlong sila sa Akin. Sa mga tao sa mundo ngayon—kabilang na ang lahat ng mga nasa Aking sambahayan—sino ang tunay na nanganganlong sa Akin? Sino ang nagbibigay ng kanilang puso bilang kapalit ng halaga na Aking binayaran? Sino na ang nanahan sa Aking sambahayan? Sino na ang tunay na naghandog ng kanilang mga sarili sa Aking harapan? Kapag gumawa Ako ng mga pangangailangan sa tao, kaagad niyang isinasara ang kanyang “maliit na kamalig.” Kapag nagbibigay Ako sa tao, agad niyang binubuksan ang kanyang bibig upang lihim na makuha ang Aking mga kayamanan, at madalas siyang nanginginig sa kanyang puso, sa lalim ng takot niyang “gagantihan” Ko siya. Kaya ang bibig ng tao ay “kalahating bukas at kalahating sarado,” at wala siyang kakayahang tunay na tamasahin ang mga kasaganaan na ipinagkakaloob Ko. Hindi Ko pinarurusahan agad ang tao, ngunit palagi niya Akong “kinokontrol” at hinihiling na ipagkaloob Ko ang “awa” sa kanya; ipinagkakaloob Ko lamang muli ang “awa” sa tao kapag nagsusumamo siya sa Akin, at ipinahahayag Ko sa kanya ang pinakamalupit na salita ng Aking bibig, para agad siyang makakaramdam ng hiya, at, dahil wala siyang kakayahang tanggapin nang direkta ang Aking “awa,” sa halip ay hinahayaan niya na lang na “ipasa ito” sa kanya ng iba. Kapag lubusan niyang naunawaan ang lahat ng Aking mga salita, nagiging akma ang tayog ng tao sa mga kagustuhan Ko, at ang mga pagsusumamo niya ay nagiging mabunga at hindi na walang kabuluhan o walang saysay; pinagpapala Ko ang mga taos-puso at hindi mapagkunwaring pagsusumamo ng sangkatauhan.

01 Pebrero 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos|Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas

Hindi kailanman nahipo ng pag-uugali ng tao ang Aking puso, ni hindi Ko kailanman naisip bilang mahalaga. Sa mata ng tao, laging mahigpit ang pagtrato Ko sa kanya, at lagi Kong pinapatupad ang awtoridad sa kanya. Sa lahat ng mga gawain ng tao, babahagyang bagay lamang ang nagawa para sa Akin, halos walang anumang nakatayong matatag sa Aking harapan. Sa huli, guguho sa harapan Ko nang hindi nahahalata ng lahat ng mga bagay na nauukol sa tao, at magiging maliwanag lamang sa ganoong panahon ang Aking mga gawain, makikilala Ako ng lahat ng tao dahil sa sarili nilang kabiguan. Ang kalikasan ng tao ay nananatiling hindi nagbabago. Kung ano ang nasa kaibuturan ng kanilang puso ay hindi alinsunod sa kalooban Ko— hindi ito ang kinakailangan Ko.

27 Enero 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-lima na Pagbigkas

buhay, Jesus, life,  truth,  liwanag

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang tinig ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-lima na Pagbigkas

       
      Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at tapat na mga Kristiyano, pananagutan at obligasyon nating lahat na ialay ang ating mga isipan at katawan para sa katuparan ng komisyon ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral salamat sa  kapangyarihan ng Diyos. Kung ang mga isipan at katawan natin ay hindi para sa komisyon ng Diyos at hindi para sa matuwid na dahilan ng sangkatauhan, sa gayon ang ating mga kaluluwa’y hindi magiging karapat-dapat sa mga taong naging martir para sa komisyon ng Diyos, mas hindi karapat-dapat sa Diyos, na naglaan sa atin ng lahat ng bagay.

25 Enero 2018

Salita ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-apat na Pagbigkas

buhay, liwanag, sangkatauhan, tinig, Diyos

Salita ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-apat na Pagbigkas | Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos




Dumarating ang Aking pagkastigo sa lahat ng mga tao, gayon pa man ay nananatili rin itong malayo mula sa lahat ng mga tao. Ang buong buhay ng bawat tao ay puno ng pag-ibig at pagkamuhi sa Akin, at wala kahit isa ang kailanma’y nakakilala sa Akin—kung kaya sala sa lamig at sala sa init ang saloobin ng tao sa Akin, at wala itong kakayahan sa pagiging-normal. Gayunman ay parati Kong inalagaan at iningatan ang tao, at mapurol lamang ang kanyang isipan kaya wala siyang kakayahang makita ang lahat ng Aking mga gawa at maunawaan ang masigasig Kong mga hangarin. Ako ang nangungunang Isa sa gitna ng lahat ng mga bansa, at ang pinakamataas sa gitna ng lahat ng mga tao; hindi lamang talaga Ako kilala ng tao. Sa maraming taon, nanirahan Ako sa kalagitnaan ng tao at naranasan ang buhay sa mundo ng tao, gayon pa man lagi niya Akong ipinagsawalang-bahala at itinuring Akong katulad ng isang nilalang na nagmula sa kalawakan. Bunga nito, itinuturing Ako ng mga tao na katulad ng isang banyaga sa daan dahil sa mga pagkakaiba sa disposisyon at wika. Ang damit Ko rin ay tila masyadong kakaiba, at bilang resulta, walang lakas ng loob ang tao para lapitan Ako. Diyan Ko lamang nararamdaman ang kalungkutan ng buhay sa kalagitnaan ng tao, at diyan Ko rin lamang nararamdaman ang kawalan-ng-hustisya sa mundo ng tao. Lumalakad Ako sa kalagitnaan ng mga dumadaan, pinagmamasdan ang lahat ng kanilang mga mukha. Ito ay parang nabubuhay sila sa kalagitnaan ng isang karamdaman, bagay na nagpupuno ng kalungkutan sa kanilang mga mukha, at sa gitna ng pagkastigo, na pumipigil sa kanilang paglaya. Iginagapos ng tao ang kanyang sarili, at ibinababa ang kanyang sarili. Sa harapan Ko, karamihan sa mga tao ay lumilikha ng maling palagay tungkol sa kanilang mga sarili sa gayon ay maaring mapuri Ko sila, sadyang nag-aanyong kahabag-habag sa harap Ko ang karamihan sa mga tao sa gayon ay maaring makakuha sila ng tulong mula sa Akin. Sa Aking likuran, nililinlang at sinusuway Ako ng lahat ng mga tao. Hindi ba tama Ako? Hindi ba ito ang diskarte ng tao para manatiling buhay? Sino na ang kahit kailan ay nabuhay ng mas matagal kaysa sa Akin? Sino na ang kahit kailan ay nagtaas sa Akin sa gitna ng iba? Sino na ang kahit kailan ay nagapos sa harapan ng Espiritu? Sino na ang kahit kailan ay naging matatag sa kanilang patotoo sa Akin sa harapan ni Satanas? Sino na ang kahit kailan ay nagdagdag ng pagiging-totoo sa “katapatan” nila sa Akin? Sino na ang kahit kailan ay inalis ng malaking pulang dragon dahil sa Akin? Sumapi na ang mga tao kay Satanas, mga bihasa sila sa pagsuway sa Akin, sila ang mga may-likha ng pagsalungat sa Akin, at sila ay mga nagsipagtapos sa pakikipagtawaran sa Akin. Para sa kapakanan ng sarili niyang tadhana, naghahanap ang tao dito at doon sa lupa; kapag kinakawayan Ko siya, nananatili siyang walang-pandama sa Aking pagiging-napakahalaga at patuloy siya sa pananampalataya sa kanyang pagsandig sa kanyang sarili, ayaw niyang maging isang pasanin sa iba. Mahalaga ang mga hangarin ng tao, gayunman walang kaninumang mga hangarin ang kailanman ay ganap na nakamit: Gumuguho silang lahat sa harapan Ko, bumabagsak nang tahimik.

24 Enero 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas

 buhay, liwanag, sangkatauhan, Diyos,  tinig

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas



    Sa pagtawag ng Aking tinig, sa pagsiklab ng apoy mula sa Aking mga mata, sinusubaybayan Ko ang buong mundo, inoobserbahan Ko ang buong sansinukob. Nananalangin sa Akin ang buong sangkatauhan tumitingala sila sa Akin, nagmamakaawang itigil Ko ang Aking galit, at isinusumpang hindi na kailanman sila magrerebelde laban sa Akin. Ngunit hindi na ito ang nakaraan; ito ay kasalukuyan. Sino ang makapapanumbalik sa Aking kalooban? Tiyak na hindi ang panalangin sa loob ng puso ng mga tao, ni hindi ang mga salita sa kanilang mga bibig? Kung hindi dahil sa Akin, sino ang makaliligtas hanggang sa kasalukuyan? Sino ang mabubuhay maliban sa pamamagitan ng mga salita ng Aking bibig? Sino ang hindi nagsisinungaling sa ilalim ng mapagmatyag Kong mga mata? Sa patuloy Kong paggawa ng bago Kong gawain sa buong mundo, sino na ang may kakayahang makatakas mula dito? Maaari kayang iwasan ito ng mga bundok sa pamamagitan ng kanilang taas? Maaari kayang itaboy ito ng mga tubig, sa pamamagitan ng kanilang pagkarami-raming kalakhan? Sa Aking plano, kailanma’y walang anumang bagay ang basta-basta Kong hinahayaang lumisan, kaya wala kailanman kahit sinong tao, o anumang bagay, ang nakatakas mula sa pagdakma ng Aking mga kamay. Naitatanghal ngayon ang banal Kong pangalan sa buong sangkatauhan, at muli, umaangat sa buong sangkatauhan ang mga salitang may pagsalungat laban sa Akin, at laganap sa buong sangkatauhan ang mga alamat tungkol sa Aking pagiging. Hindi Ko hinahayaang gumagawa ang tao ng kanilang mga paghatol tungkol sa Akin, ni hindi Ko rin hinahayaang paghati-hatian nila ang Aking katawan, mas lalong hindi Ko hinahayaan ang kanilang mga panlalait laban sa Akin. Dahil kailanman ay hindi niya Ako ganap na nakilala, palagi nila Akong sinusuway at nililinlang, nabibigo silang mahalin ang Aking Espiritu o pahalagahan ang mga salita Ko. Mula sa bawat gawa at pagkilos niya, at mula sa saloobin niya tungo sa Akin, ibinibigay Ko sa tao ang “gantimpala” na nararapat sa kanya. Kaya, gumagawa lahat ang mga tao nakamasid sa kanilang gantimpala, at wala kahit isa ang gumawa kailanman nang may pagsasakripisyo. Ayaw ng mga tao ang gumawa ng walang pag-iimbot na pagtatalaga, ngunit nagagalak sila sa mga gantimpala na maaaring makuha ng walang kapalit. Kahit inilaan ni Pedro ang sarili niya sa harapan Ko, hindi ito para sa kapakanan ng gantimpala sa hinaharap, ngunit para ito sa kapakanan ng kasalukuyang kaalaman. Kailanman ay hindi pumasok sa tunay na pakikipag-ugnayan ang sangkatauhan sa Akin, ngunit paulit-uliti siyang nakikitungo sa Akin sa isang mababaw na paraan, sa gayo’y iniisip na makukuha niya ang pagsang-ayon Ko ng walang kahirap-hirap. Tumingin Ako sa kaibuturan ng puso ng tao, kaya natuklasan Ko sa kanyang kaloob-looban ang “isang mina ng maraming kayamanan,” isang bagay na kahit ang tao mismo ay walang kamalayan ngunit natuklasan Ko ito. At dahil dito, ititigil lamang ng mga tao ang banal-banalang pagpaparusa sa sarili kapag makakita sila ng “materyal na katibayan” at, nakaunat ang mga palad, inaamin ang maruming estado ng kanilang mga sarili. Sa gitna ng mga tao, marami pang mga bago at sariwang bagay ang naghihintay na “ilalabas” Ko para sa kasiyahan ng buong sangkatauhan. Hindi Ako titigil sa Aking gawain dahil sa kawalan ng kakayahan ng tao, ipagpapatuloy Ko siyang kukumpuniin at pananatilihin alinsunod sa Aking orihinal na plano. Ang tao ay parang isang puno ng prutas: Kung walang pagputol at pagpupungos, mabibigong mamunga ang puno at, sa katapusan, ang tanging makikita ninuman ay mga lantang sanga at nahuhulog na mga dahon, wala man lang itong prutas na mahuhulog sa lupa.

21 Enero 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas

buhay, Kaligtasan, sangkatauhan, liwanag, Ebanghelyo

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas


    Namumuhay ang tao sa gitna ng liwanag, ngunit hindi niya batid ang kahalagahan ng liwanag. Siya ay ignorante sa substansya ng liwanag, at sa pinagmumulan ng liwanag, at, higit pa rito, kung sino ang nagmamay-ari nito. Nang ipinagkaloob Ko ang liwanag sa tao, Aking agarang sinusuri ang mga kondisyon sa gitna ng tao: Dahil sa liwanag, nagbabago ang lahat ng tao, at dumarami, at nakaalis sa kadiliman. Tinitingnan Ko ang bawat kanto ng sansinukob, at nakikita na ang mga bundok ay binabalot sa hamog, na ang tubig ay nagyeyelo sa gitna ng lamig, at iyon, ay dahil sa pagdating ng liwanag, tumitingin ang mga tao sa Silangan upang makadiskubre pa sila nang mas makahulugan—ngunit, ang mga tao ay nananatiling hindi maka-unawa ng malinaw na direksyon sa gitna ng maninipis na ulap. Dahil ang buong mundo ay nalulukuban ng hamog, kapag Ako ay tumitingin sa gitna ng mga ulap, ang Aking pag-iral ay hindi kailanman natutuklasan ng tao; naghahanap ang tao sa daigdig ng isang bagay, mukha siyang nangangalap, tila ninanais niya, na maghintay sa Aking pagdating—ngunit hindi niya alam ang Aking araw, at maaari lamang madalas tumingin sa kislap ng liwanag sa Silangan. Sa lahat ng sangkatauhan, hinahanap Ko ang mga tunay na nagnanais ng Aking sariling puso. Lumalakad Ako kasama ng lahat ng tao, at naninirahan sa lahat ng tao, ngunit ang tao ay ligtas at matiwasay sa lupa, at kaya’t walang tunay na nagnanais sa Aking puso. Hindi alam ng mga tao kung paano magmalasakit sa Aking nais, hindi nila nakikita ang Aking mga pagkilos, at hindi sila makihalubilo sa liwanag at mailawan ng liwanag. Kahit na palaging pinapahalagahan ng tao ang Aking mga salita, siya ay walang kakayahang mabatid ang panglilinlang ni Satanas; dahil ang tayog ng tao ay masyadong maliit, hindi niya kayang gawin kung ano ang nais ng kanyang puso. Hindi Ako kailanman tunay na minahal ng tao. Kapag itinataas Ko siya, pakiramdam niya ay hindi siya karapat-dapat, ngunit hindi nito nagawa na subukin niyang pasayahin Ako. Basta hinahawakan lang niya ang katayuan na Aking ibinigay sa kanyang mga kamay at sinusuri ito; walang pakiramdam sa Aking pagkamasuyuin, sa halip nagpupumilit siyang nagpapakabundat sa kanyang sarili sa mga pagpapala ng kanyang katayuan. Ito ba ay hindi kakulangan ng tao? Kapag gumalaw ang mga bundok, maaari bang umiwas ang mga ito para sa kapakanan ng iyong katayuan? Kapag umagos ang tubig, maaari bang huminto ang mga ito sa harap ng iyong katayuan? Mababaligtad ba ang langit at lupa ng iyong katayuan? Ako ay minsang naging maawain sa tao, paulit-ulit—ngunit walang sinumang nagmamahal o nagpapahalaga rito, pinakinggan lang nila ito bilang isang kuwento, o binasa ito bilang isang nobela. Ang Aking bang mga salita ay hindi talaga nakakaantig sa puso ng tao? Ang Aking bang mga binibigkas ay tunay na walang epekto? Maaari bang walang sinuman ang naniniwala sa Aking pag-iral? Hindi mahal ng tao ang kanyang sarili; sa halip, siya ay nakikiisa kay Satanas upang lumaban sa Akin, at ginagamit si Satanas bilang isang “kapakinabangan” upang paglingkuran Ako. Ako ay susuong sa lahat ng mga mapanlinlang na balak ni Satanas, at pipigilan ang mga tao sa lupa na tanggapin ang panlilinlang ni Satanas, upang hindi sila manlaban sa Akin dahil sa pag-iral ni Satanas.

10 Enero 2018

Salita ng Diyos | Ang Ikalabing-walong Pagbigkas

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Ang Ikalabing-walong Pagbigkas


      Sa isang siklab ng kidlat, naibubunyag ang bawat hayop sa tunay na anyo nito. Gayundin naman, dahil sa paglilinaw ng Aking liwanag, nabawi ng sangkatauhan ang kabanalang dati minsan nilang tinaglay. O, na sa wakas ang tiwaling mundo ng nakaraan ay nabuwal tungo sa maruming tubig at, habang lumulubog pailalim, naglaho sa putikan! O, na sa wakas muling nabuhay sa liwanag ang buong sangkatauhan na Aking nilikha, nahanap ang pundasyon ng pag-iral, at tumigil sa pakikibaka sa putikan! O, ang mga hindi mabilang na nilikhang hawak Ko sa Aking mga kamay! Paanong hindi sila mapaninibago sa pamamagitan ng Aking mga salita? Paanong hindi nila magagampanan sa liwanag ang kanilang mga layunin? Hindi na payapa at tahimik ang mundo, hindi na mapanglaw at malungkot ang langit. Hindi na pinaghihiwalay ng isang puwang ang langit at lupa, nagkaisa na sila, at kailanman hindi na muling paghihiwalayin pa. Sa napakasayang pangyayaring ito, sa sandali ng pagbubunyi, ang Aking pagkamatuwid at ang Aking kabanalan ay umabot sa buong sansinukob, at walang humpay na pinupuri iyon ng buong sangkatauhan. Tumatawang may kagalakan ang mga bayan ng langit, at nagsasayawan ang mga kaharian ng lupa nang may kagalakan. Sino ang hindi nagagalak sa sandaling ito? At sino ang hindi umiiyak sa sandaling ito? Ang mundo sa una nitong kalagayan ay kabilang sa langit, at nakaugnay ang langit sa lupa. Ang tao ang nag-uugnay sa langit at lupa, at salamat sa kanyang kabanalan, salamat sa kanyang pagpapanibago, hindi na lingid sa lupa ang langit, at hindi na nananatiling tahimik ang lupa sa langit. Nababalot sa ngiti ng kasiyahan ang mga mukha ng sangkatauhan, at naitago sa kanilang mga puso ang isang tamis na walang hangganan. Hindi nakikipag-away ang tao sa kapwa tao, at hindi rin sila nakikipagdagukan sa isa’t isa. Sa Aking liwanag, mayroon bang namumuhay nang hindi matiwasay kasama ang iba? Sa Aking panahon, mayroon bang nagbibigay ng kahihiyan sa pangalan Ko? Nakatuon sa Akin ang magalang na pagtingin ng buong sangkatauhan, at lihim silang tumatawag sa Akin sa kanilang mga puso. Sinaliksik Ko ang bawat pagkilos ng sangkatauhan: Sa mga taong nalinis, walang hindi masunurin sa Akin, walang makapagbibigay ng paghatol sa Akin. Napupuspos ang lahat ng sangkatauhan sa Aking disposisyon. Nakikilala na Ako ng bawat tao, mas lumalapit sila sa Akin, at sinasamba nila Ako. Tumindig Ako sa espiritu ng tao, dinadakila Ako sa mata ng tao sa pinakamataas na tugatog, at dumadaloy ito sa dugo sa kanyang mga ugat. Pinupuno ng masayang pagbubunyi sa puso ng mga tao ang bawat lugar sa balat ng lupa, masigla at sariwa ang hangin, hindi na tinatalukbungan ng hamog ang lupa, at maningning ang sikat ng araw.

09 Enero 2018

Salita ng Diyos| Ang Ikalabimpitong Pagbigkas

Diyos, karunungan, lightning, liwanag,  tinig

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos| Ang Ikalabimpitong Pagbigkas


      Umaalingawngaw ang Aking tinig tulad ng kulog na tumatanglaw sa apat na kwandrante at sa buong mundo, at sa kalagitnaan ng kulog at kidlat, pinababagsak ang sangkatauhan. Walang taong kailanman ang nanatiling matatag sa gitna ng kulog at kidlat: Karamihan ng mga tao ay nasisindak na halos mawalan ng isip sa pagdating ng Aking liwanag, hindi nila malaman kung ano ang gagawin. Nang nagsimulang magpakita ang bahagyang sinag ng liwanag sa Silangan, maraming tao ang biglaang napukaw mula sa kanilang mga ilusyon nang naantig sila ng bahagyang liwanag na ito. Ngunit wala ni isa na kailanma’y nakaunawa na dumating na ang araw na bumababa sa mundo ang Aking liwanag. Karamihan sa mga tao ay natulala sa biglaang pagdating ng liwanag; pinagmasdan ito nang mabuti ng ilan sa kanila na may pagtitig ng mausisang pagkabighani, at pinagmamasdan ang mga paggalaw ng liwanag at kung saang direksyon ito patungo; o ang iba ay nakatayong handa sa pagharap nila sa liwanag, upang baka sakaling mas malinaw nilang maunawaan ang pinagmulan kung saan nanggaling ang liwanag. Kung ganito man ang nangyari, may sinuman bang nakatuklas kung gaano kahalaga ang liwanag sa ngayon? May sinuman bang napukaw kailanman sa pagiging katangi-tangi ng liwanag? Karamihan sa mga tao ay naguguluhan lamang; nasusugatan sila sa mga mata at nasusubsob sila sa putik sa pamamagitan ng liwanag. Maaaring sabihin na, habang nasa ilalim ng malabong liwanag na ito, natatalukbungan sa ilalim ng kaguluhan ang daigdig, gumagawa ng nakalulungkot na tanawing hindi makayanang tingnan na, kung sinusuri nang malapitan, sinasalakay ang isang tao ng napakatinding kalungkutan. Mula dito malalaman na, kapag ang liwanag ay nasa pinakamalakas nito, hindi pahihintulutan sa gayong kalagayan ng mundo na tumayo ang sangkatauhan sa Aking harapan. Ang sangkatauhan ay nasa abot ng kaningningan ng liwanag; muli, ang sangkatauhan ay nasa abot ng pagliligtas ng liwanag ngunit kasabay nito, nasa abot din ng mga sugat na ipinataw ng liwanag: Mayroon bang sinuman na hindi abot sa ilalim ng nakamamatay na dagok ng liwanag? Mayroon bang sinuman na makatatakas sa pagsunog ng liwanag? Nakapaglakad na Ako sa buong ibabaw ng mundo, isinasabog ng Aking mga kamay ang mga binhi ng Aking Espiritu, upang ang buong sangkatauhan sa daigdig ay maaantig Ko dahil dito. Mula sa kataas-taasang tugatog sa kalangitan, tinatanaw Ko ang buong daigdig, pinagmamasdan ang kakatwa at kamangha-manghang kababalaghan ng mga nilikha sa mundo. Ang ibabaw ng dagat ay parang nagdurusa sa pagyanig ng lindol: Ang mga ibong-dagat ay lumilipad paroo’t parito, naghahanap ng isdang malululon. Samantala, lubusang hindi ito alam sa ilalim ng dagat, na kung saan ang kundisyon sa ibabaw ay hindi kayang pukawin upang mamalayan, dahil ang sahig ng karagatan ay kasing-payapa ng ikatlong langit: Ang nabubuhay dito malaki man o maliit ay sama-samang umiiral nang magkaayon, at hindi kailanman nasasangkot sa “mga pagtatalo ng bibig at dila.” Sa di-mabilang na kakaiba at nakakatuwang kababalaghan, ang sangkatauhan ang siyang pinaka-nahihirapang magbigay sa Akin ng kaluguran. Ito ay dahil masyadong mataas ang posisyong ibinigay Ko sa tao, at kaya ang kanyang ambisyon ay masyadong matayog, at sa kanyang mga mata ay palaging may sukat ng paghihimagsik. Napapaloob sa Aking pagdisiplina sa tao, napapaloob sa Aking paghatol sa kanya, nagkaroon na ng marami na pag-iingat, marami na kahabagan, ngunit sa mga bagay na ito wala ang sangkatauhan kahit na pinakakaunting kamalayan. Wala Akong napagmalupitan kailanman na kahit sinong tao: Ako ay nagpatupad lamang ng nararapat na pagtutuwid noong naging masuwayin ang sangkatauhan, at nang naging mahina ang tao, naghandog lamang ng nararapat na tulong. Ngunit, kapag ang sangkatauhan ay patuloy na lumalayo sa Akin at dagdag pa nito, ginagamit ang mapanlinlang na pakana ni Satanas upang maghimagsik laban sa Akin, kaagad Kong lilipulin ang sangkatauhan, hindi binigbigyan ng pagkakataon ang mga tao na makapagparangya ng kanilang mga kakayahan sa harap Ko, upang hindi na sila palalong lumakad na may karangyaan at katayugan, paghahari-harian sa iba, sa ibabaw ng mundo.