Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas
Namumuhay ang tao sa gitna ng liwanag, ngunit hindi niya batid ang kahalagahan ng liwanag. Siya ay ignorante sa substansya ng liwanag, at sa pinagmumulan ng liwanag, at, higit pa rito, kung sino ang nagmamay-ari nito. Nang ipinagkaloob Ko ang liwanag sa tao, Aking agarang sinusuri ang mga kondisyon sa gitna ng tao: Dahil sa liwanag, nagbabago ang lahat ng tao, at dumarami, at nakaalis sa kadiliman. Tinitingnan Ko ang bawat kanto ng sansinukob, at nakikita na ang mga bundok ay binabalot sa hamog, na ang tubig ay nagyeyelo sa gitna ng lamig, at iyon, ay dahil sa pagdating ng liwanag, tumitingin ang mga tao sa Silangan upang makadiskubre pa sila nang mas makahulugan—ngunit, ang mga tao ay nananatiling hindi maka-unawa ng malinaw na direksyon sa gitna ng maninipis na ulap. Dahil ang buong mundo ay nalulukuban ng hamog, kapag Ako ay tumitingin sa gitna ng mga ulap, ang Aking pag-iral ay hindi kailanman natutuklasan ng tao; naghahanap ang tao sa daigdig ng isang bagay, mukha siyang nangangalap, tila ninanais niya, na maghintay sa Aking pagdating—ngunit hindi niya alam ang Aking araw, at maaari lamang madalas tumingin sa kislap ng liwanag sa Silangan. Sa lahat ng sangkatauhan, hinahanap Ko ang mga tunay na nagnanais ng Aking sariling puso. Lumalakad Ako kasama ng lahat ng tao, at naninirahan sa lahat ng tao, ngunit ang tao ay ligtas at matiwasay sa lupa, at kaya’t walang tunay na nagnanais sa Aking puso. Hindi alam ng mga tao kung paano magmalasakit sa Aking nais, hindi nila nakikita ang Aking mga pagkilos, at hindi sila makihalubilo sa liwanag at mailawan ng liwanag. Kahit na palaging pinapahalagahan ng tao ang Aking mga salita, siya ay walang kakayahang mabatid ang panglilinlang ni Satanas; dahil ang tayog ng tao ay masyadong maliit, hindi niya kayang gawin kung ano ang nais ng kanyang puso. Hindi Ako kailanman tunay na minahal ng tao. Kapag itinataas Ko siya, pakiramdam niya ay hindi siya karapat-dapat, ngunit hindi nito nagawa na subukin niyang pasayahin Ako. Basta hinahawakan lang niya ang katayuan na Aking ibinigay sa kanyang mga kamay at sinusuri ito; walang pakiramdam sa Aking pagkamasuyuin, sa halip nagpupumilit siyang nagpapakabundat sa kanyang sarili sa mga pagpapala ng kanyang katayuan. Ito ba ay hindi kakulangan ng tao? Kapag gumalaw ang mga bundok, maaari bang umiwas ang mga ito para sa kapakanan ng iyong katayuan? Kapag umagos ang tubig, maaari bang huminto ang mga ito sa harap ng iyong katayuan? Mababaligtad ba ang langit at lupa ng iyong katayuan? Ako ay minsang naging maawain sa tao, paulit-ulit—ngunit walang sinumang nagmamahal o nagpapahalaga rito, pinakinggan lang nila ito bilang isang kuwento, o binasa ito bilang isang nobela. Ang Aking bang mga salita ay hindi talaga nakakaantig sa puso ng tao? Ang Aking bang mga binibigkas ay tunay na walang epekto? Maaari bang walang sinuman ang naniniwala sa Aking pag-iral? Hindi mahal ng tao ang kanyang sarili; sa halip, siya ay nakikiisa kay Satanas upang lumaban sa Akin, at ginagamit si Satanas bilang isang “kapakinabangan” upang paglingkuran Ako. Ako ay susuong sa lahat ng mga mapanlinlang na balak ni Satanas, at pipigilan ang mga tao sa lupa na tanggapin ang panlilinlang ni Satanas, upang hindi sila manlaban sa Akin dahil sa pag-iral ni Satanas.
Sa kaharian, Ako ang Hari—ngunit sa halip na ituring Ako bilang kanyang Hari, tinatrato Ako ng tao bilang Tagapagligtas na bumaba mula sa langit. Bilang resulta, umaasa siya na magbibigay Ako sa kanya ng limos, at hindi naghahangad na Ako’y makilala. Napakarami na ang napaiyak sa Aking harapan tulad ng isang pulubi; napakaraming nagbukas ng kanilang mga “sako” sa Akin at nakiusap sa Akin na bigyan sila ng pagkain upang mabuhay; napakaraming itinuon ang kanilang pagkagahaman sa Akin, tulad ng mga gutom na lobo, nagnanais na Ako’y lamunin at punan ang kanilang mga tiyan; napakaraming nagyuko ng kanilang mga ulo nang tahimik dahil sa kanilang pagsuway at nakaramdam ng hiya, nagdarasal para sa Aking kaawaan, o kusang-loob na tinatanggap ang Aking pagkastigo. Kapag Ako ay nagsalita, lumilitaw na kabaliwan ang iba’t-ibang kahibangan ng tao, at lumalabas ang kanyang tunay na anyo sa gitna ng liwanag, at sa makinang na liwanag, hindi magawang mapatawad ng tao ang kanyang sarili. Kaya, siya ay nagmamadaling humarap sa Akin upang lumuhod at ikumpisal ang kanyang mga kasalanan. Dahil sa “katapatan” ng tao, siya ay muli kong inakay sa karo ng kaligtasan, at samakatuwid nagpapasalamat sa Akin ang tao, at pinupukol Ako ng kaibig-ibig na sulyap. Ngunit ayaw pa rin niyang tunay na magkubli sa Akin, at hindi pa niya ganap na naibibigay ang kanyang buong puso sa Akin. Ipinagmamalaki niya lang Ako, ngunit hindi niya Ako tunay na minamahal, dahil hindi pa niya ibinabaling ang kanyang isipan sa Akin; ang kanyang katawan ay nasa Aking harapan, ngunit ang kanyang puso ay nasa Aking likuran. Dahil ang pang-unawa ng tao sa mga panuntunan ay masyadong kulang at wala siyang interes na humarap sa Akin, nagbigay Ako sa kanya ng angkop na tulong, upang magawa niyang tumungo sa Akin mula sa gitna ng kanyang naninindigang kamangmangan. Ito ang tiyak na awa na Aking ibinibigay sa tao, at ito ang paraan ng Aking pagsusumikap upang iligtas ang tao.
Ang tao sa buong sansinukob ay ipinagdiriwang ang araw ng Aking pagdating, at ang mga anghel ay makikiisa sa hanay ng masa. Kapag si Satanas ay lumilikha ng kaguluhan, ang mga anghel, dahil sa kanilang paglilingkod sa langit, ay laging tumutulong sa Aking bayan. Hindi sila nalilinlang ng diyablo bunga ng kahinaan ng tao, ngunit nakakakuha ng higit na karanasan sa binalot ng hamog na buhay ng tao bilang isang resulta ng mabangis na pagsalakay ng puwersa ng kadiliman. Nagpapasakop ang lahat ng tao sa ilalim ng Aking pangalan, at walang sinumang nag-aaklas upang lantarang sumalungat sa Akin. Dahil sa pagpapagal ng mga anghel, tinatanggap ng tao ang Aking pangalan at ang lahat ay nasa gitna ng agos ng Aking gawa. Bumabagsak ang mundo! Paralisado ang Babilonia! Ang mundong relihiyoso—paano ito hindi wawasakin ng Aking awtoridad sa lupa? Sino pa ang mangangahas na sumuway at tumutol sa Akin? Ang mga eskriba? Lahat ng relihiyosong opisyal? Ang mga pinuno at mga awtoridad sa lupa? Ang mga anghel? Sino ang hindi makikipagdiwang sa pagka-perpekto at kapuspusan ng Aking katawan? Sa mga tao, sino ang hindi kumakanta ng mga papuri sa Akin nang walang tigil, sino ang hindi masayang walang maliw? Naninirahan Ako sa lupain ng pugad ng malaking pulang dragon, ngunit hindi ito nagdudulot sa Akin nang panginginig sa takot o pagtakbo palayo, dahil ang lahat ng mga tao nito ay nagsisimulang masuklam dito. Hindi kailanman nagawa ang “tungkulin” sa anumang bagay sa harap ng dragon; sa halip, ang lahat ng bagay ay patuloy sa sarili nitong gawain, pinipili ang landas na mainam para sa mga ito. Paanong ang mga bansa sa mundo ay hindi malilipol? Paanong ang mga bansa sa lupa ay hindi babagsak? Paanong ang Aking bayan ay hindi magdiriwang? Paanong hindi sila aawit nang may kagalakan? Ito ba ang gawain ng tao? Ito ba ay gawa ng mga kamay ng tao? Binigyan Ko ang tao ng ugat ng kanyang pag-iral, at naglaan sa kanya ng mga materyal na bagay, ngunit ang tao ay hindi kuntento sa kanyang kasalukuyag kalagayan at humihiling na siya’y makapasok sa Aking kaharian. Ngunit paano siya madaling makakapasok sa Aking kaharian, na walang napagbabayarang halaga, at hindi nais na maghandog ng kanyang walang pag-iimbot na debosyon? Sa halip na humiling ng anuman sa tao, nagbigay Ako ng mga pangangailangan mula sa kanya, upang ang Aking kaharian sa lupa ay mapunan ng kaluwalhatian. Aking ginabayan ang tao patungo sa kasalukuyang panahon, siya ay umiiral sa kalagayang ito, at siya ay nakatira sa gitna ng paggabay ng Aking liwanag. Kung ito ay hindi ganoon, sino sa mga tao sa mundo ang makakaalam ng kanilang mga inaasam-asam? Sino ang makakaunawa ng Aking kalooban? Idinadagdag Ko ang Aking mga probisyon sa mga pangangailangan ng tao; hindi ba ito alinsunod sa mga batas ng kalikasan?
Kahapon kayo ay nanirahan sa gitna ng hangin at ulan, ngayon nakapasok kayo sa Aking kaharian at naging mga tao nito, at inyong matatamasa bukas ang Aking mga pagpapala. Sino kailanman ang nag-akala ng mga ganoong bagay? Gaano karaming kagipitan at paghihirap ang inyong mararanasan sa inyong buhay, alam ninyo ba? Ako’y nagpapauna sa gitna ng hangin at ulan, at nakikisalamuha ng taun-taon sa tao, at iyon ay sinundan hanggang sa kasalukuyan. Hindi ba ito ang mga hakbang ng Aking plano ng pamamahala? Sino kailanman ang nagdagdag sa Aking plano? Sino ang maaaring humiwalay mula sa mga hakbang sa Aking plano? Ako ay naninirahan sa puso ng daang-milyong mga tao, Ako ay Hari sa daang-milyong mga tao, at Ako ay natanggihan at naalipusta na ng daang-milyong mga tao. Ang Aking imahe ay hindi tunay na nasa loob ng puso ng tao. Ang tao ay bahagya lang nahiwatigan ang Aking maluwalhating anyo sa Aking mga salita, ngunit dahil sa panghihimasok sa kanyang mga kaisipan, wala siyang tiwala sa kanyang sariling damdamin; mayroon lang isang malabong Ako sa kanyang puso, ngunit hindi ito nagtatagal doon. At kaya, ang kanyang pagmamahal sa Akin ay: Ang kanyang pagmamahal sa Akin ay mukhang pasumpong-sumpong, na para bang ang kayang pagmamahal sa Akin ay kung kailan naisin, na parang ang kanyang pagmamahal ay pagkindat labas-pasok sa paningin sa ilalim ng malabong liwanag ng buwan. Ngayon, dahil lang sa Aking pagmamahal na ang tao ay nananatili at nagkakaroon ng mabuting kapalaran upang mabuhay. Kung hindi ganito, sino sa sangkatauhan ang hindi, bilang isang resulta ng kanilang mga patpating pangangatawan, puputulin ng liwanag ng laser? Hindi pa rin kilala ng tao ang kanyang sarili. Nagyayabang siya sa Akin, at nagmamalaki tungkol sa kanyang sarili sa Aking likuran, ngunit walang sinuman ang “sumasalungat” sa Akin sa Aking harapan. Gayunman, hindi alam ng tao ang kahulugan ng pagsalungat na Aking binabanggit; sa halip, patuloy niya Akong sinusubukang linlangin, at patuloy sa pagtataas ng kanyang sarili—at dito, hindi ba siya lantarang sumasalungat sa Akin? Nagpaparaya Ako sa kahinaan ng tao, ngunit wala Akong kahit na katiting na pagkaawa sa pagsalungat ng tao ayon sa sariling gawa. Kahit alam niya ang kahulugan nito, ayaw niyang kumilos alinsunod sa kahulugang ito at nililinlang lang Ako na angkop sa kanyang mga sariling pagpili. Ginawa Kong malinaw ang Aking disposisyon sa Aking mga salita sa lahat ng oras, ngunit ang tao ay hindi tumanggap ng pagkatalo—at sa gayunding oras, siya ay nagbubunyag ng kanyang disposisyon. Sa gitna ng Aking paghatol ang tao ay lubos na mahihikayat, at sa gitna ng Aking pagkastigo isasabuhay niya sa wakas ang Aking imahe at magiging Aking pagpapakita sa lupa!
Marso 22, 1992
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Ang pinagmulan:Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas
Rekomendasyon:
Ano ang Ebanghelyo ?
Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos
Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento