Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos (Sipi)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pamamahala ng Diyos ay upang makamtan ang isang pangkat ng mga tao na sumasamba sa Diyos at nagpapasakop sa Kanya. Ang sangkatauhang ito ay ginawang tiwali na ni Satanas, nguni’t hindi na nakikita si Satanas bilang kanyang ama; nakikilala niya ang pangit na mukha ni Satanas, at tinatanggihan ito, at lumalapit sa harap ng Diyos upang tanggapin ang Kanyang paghatol at pagkastigo. Alam niya kung ano ang pangit, at kung gaano ito kasalungat ng kung ano ang banal, at kinikilala niya ang kadakilaan ng Diyos at ang kasamaan ni Satanas. Ang sangkatauhang tulad nito ay hindi na maglilingkod kay Satanas, o sasamba kay Satanas, o idadambana si Satanas. Iyon ay dahil sila ay isang pangkat ng mga tao na tunay nang nakamit ng Diyos. Ito ang kahalagahan ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan."