Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

21 Hulyo 2020

Kilalanin ang Diyos sa Pamamagitan ng Kanyang Kapangyarihan sa Lahat ng Bagay

Kung gaano karami ang pagkaunawa
ukol sa Diyos ang mayroon sa puso ng mga tao
ang nagpapasya kung gaanong kalagayan
ang Kanyang hinahawakan sa kanilang mga puso.
Kung gaano kadakila ang antas ng kaalaman
ukol sa Diyos ang nasa kanilang mga puso
ay kung gaano kadakila ang Diyos sa kanilang mga puso.
Kung ang Diyos na kilala mo ay walang laman at malabo,
kung gayon ang Diyos na pinaniniwalaan mo ay wala ring laman at malabo.
Kung ang Diyos na kilala mo ay limitado lang sa loob ng iyong sariling saklaw,
kung gayon ang iyong Diyos ay isang sobrang liit na Diyos
at walang kinalaman sa tunay na Diyos.
Kaya, ang pagkilala sa praktikal na mga pagkilos ng Diyos,
ang pagkilala sa realidad ng Diyos at Kanyang kapangyarihang walang hanggan,
ang pagkilala sa tunay na pagkakakilanlan ng Diyos Mismo,
ang pagkilala sa kung anong mayroon at kung ano Siya,
ang pagkilala sa lahat ng Kanyang ipinakita sa gitna ng lahat ng bagay—
ang mga ito ay napakahalaga sa bawat isang tao
na naghahanap ng kaalaman ukol sa Diyos.
Ang mga ito ay may direktang kinalaman sa kung makapapasok
o hindi ang tao sa realidad ng katotohanan.

Kung iyong lilimitahan ang iyong pagkaunawa sa Diyos sa mga salita lamang,
kung lilimitahan mo ito sa kakaunti mong karanasan,
sa mga biyaya ng Diyos na iyong binibilang,
o sa kakaunti mong patotoo sa Diyos,
kung gayon sasabihin Ko na ang iyong Diyos na pinaniniwalaan
ay tiyak na hindi ang tunay na Diyos Mismo,
at maaari ding sabihin na ang Diyos na pinaniniwalaan mo
ay isang guni-guning Diyos,
hindi ang tunay na Diyos.
Ito ay dahil sa ang tunay na Diyos ay ang Siyang namumuno sa lahat,
na lumalakad sa gitna ng lahat,
na namamahala sa lahat.
Siya ang Siyang humahawak sa kapalaran ng buong sangkatauhan—
ang Siyang humahawak sa kapalaran ng lahat.
Ang mga gawain at mga pagkilos ng Diyos na Aking sinasabi
ay hindi limitado lamang sa maliit na bahagi ng mga tao.

07 Disyembre 2019

Tagalog Praise Songs | Gumagawang Tahimik ang Diyos sa Katawang-tao Upang Iligtas ang Sangkatauhan


Tagalog Praise Songs | Gumagawang Tahimik ang Diyos sa Katawang-tao Upang Iligtas ang Sangkatauhan

I
Ang D'yos naging katawang-tao,
nanatiling nakatago sa tao
upang gawin ang bagong gawain,
iligtas tayo sa kasamaan.
'Di Siya nagbibigay ng paliwanag.
Sa mga planong nagawa N'ya,
ginagawa Kanyang gawain paisa-isang hakbang.
Mga salita N'ya'y nadaragdagan araw-araw,
umaaliw, nagpapaalala, sumasaway, at nagbababala.
Mula sa mahinahon at mabait sa mabangis at makahari,
mga salita N'ya'y ikinikintal kahabaga't takot.
Lahat ng sinasabi N'ya'y inihahayag malalalim nating lihim.
Mga salita Niya'y tagos sa'tin at napapahiya tayo.
Mayroong walang katapusang tustos
ng Kanyang buhay na tubig.

11 Agosto 2019

Tagalog Worship Songs | "Ang Resultang Nakamit ng Pagkilala sa Diyos"

Tagalog Worship Songs| " Ang Resultang Nakamit ng Pagkilala sa Diyos" Isang araw,

Isang araw, mararamdaman mo na ang Maylalang ay hindi na isang palaisipan, na ang Maylalang ay hindi kailanman nagtago sa iyo, na ang Maylalang ay hindi kailanman ikinubli ang Kanyang mukha sa iyo, na ang Maylalang ay hindi kailanman malayo sa iyo, na ang Maylalang ay hindi na ang Isa na walang tigil mong inaasam sa iyong mga kaisipan ngunit hindi mo maaaring abutin ng iyong mga damdamin, na Siya ay talagang at tunay na nagbabantay sa iyong kaliwa at kanan, nagtutustos ng iyong buhay, at tumatangan ng iyong tadhana, tumatangan ng iyong tadhana.

05 Agosto 2019

Tagalog Praise Songs | "Purihin ang Bagong Buhay" | Christians Worship the Practical God



Tagalog Praise Songs | "Purihin ang Bagong Buhay" | Christians Worship the Practical God

Aleluya! Salamat at papuri sa ‘Yo! Aleluya! Salamat at papuri sa Iyo, Makapangyarihang D’yos! I Kristo ng huling mga araw ay nagpakita, gumagawa at nangungusap sa tao. Salita N’ya’y humahatol, dumadalisay, umaakay sa tamang pamumuhay. Salita ng D’yos sa’ki’y bumago, kaya ako ay may bagong buhay ng pagpupuri sa D’yos. (Aleluya!) Sakit at kalituha’y wala na; pinalaya ang espiritu at umaawit. (Aleluya!) Kaybuting maunawaan ang katotohanan. Daíg ang laman, kaylaya ko! (D’yos ay purihin!) Mga paniwala’t ‘di pagkaunawa ay wala na, masuwaying disposisyon ko ay nabago. Lumalakad ako sa daang maliwanag ng pantaong buhay; Pag-ibig ng D’yos ay napakahalaga at tunay na tunay! (D’yos ay purihin!) D’yos ay ‘tinataas pag lasap pag-ibig N’ya. Natikman ko na pag-ibig ng D’yos at kailanman ay ‘di na muling iiwan ang D’yos.

01 Agosto 2019

Tagalog praise and worship Songs-"Bayan ng Diyos sa Lahat ng Bansa Ipinahahayag Bilang Isa Kanilang Damdamin"




Tagalog praise and worship Songs-"Bayan ng Diyos sa Lahat ng Bansa Ipinahahayag Bilang Isa Kanilang Damdamin"

I
Pagmasdan ang kaharian ng Diyos, kung saan naghahari ang Diyos sa lahat.
Mula noong nagsimula ang paglikha hanggang sa kasalukuyan,
mga anak ng Diyos na ginabayan sa pagdaranas ng mga paghihirap.
Dumaan sa hirap at ginhawa.
Pero ngayo'y naninirahan sa liwanag N'ya. 
Sinong hindi umiiyak sa kawalan ng katarungan sa panahong lumipas?
Sinong hindi lumuluha sa hirap ng buhay ngayon?
Sinong hindi nagsasamantala sa pagkakataong ito na ilaan ang kanilang puso sa Diyos? 

30 Hunyo 2019

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Tagalog Christian Songs-Tapat Na Tao Lamang Ang Mayroong Pagkahawig Sa Tao



I
Minsan kong hinabol ang yaman at katanyagan.
Mga prinsipyo ko'y itinakwil;
nagsinungaling ako para kumita.
Aking budhi'y nawala,
binale wala ang moralidad.
Integridad, dignidad, lahat ng mga ito
walang kahulugan sa akin.

18 Hunyo 2019

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Tagalog Worship Songs| "Kaharian ng Diyos ay Lumitaw na sa Lupa" (Tagalog Dubbed)

  


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Tagalog Worship Songs | "Kaharian ng Diyos ay Lumitaw na sa Lupa" (Tagalog Dubbed)

A ... a ... a ... a ... a ... a ... a ... a …

I
Ang makapangyarihang tunay na D'yos,
buong sansinukob, nakaharap sa lahat ng bansa't mga tao.
hari sa trono naghahari sa buong sansinukob,
lahat ng buhay dapat makita.
Nagniningning l'walhati ng D'yos sa buong mundo.

10 Hunyo 2019

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-tagalog praise songs- Ang Sansinukob at Kalawakan Nagpupuri sa Diyos



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-tagalog praise songs- Ang Sansinukob at Kalawakan Nagpupuri sa Diyos


I
Ay ... mga awiting kayrami, mga sayaw kay ganda;
sansinukob at dulo ng lupa, naging kumukulong dagat.
Ay ... langit ay bago, lupa ay bago.
Sansinukob nagpupuri; tayo'y sumisigaw, tumatalon sa tuwà.
Bundok sama-sama, tubig sama-sama, kapatiran puso sa puso.

08 Mayo 2019

Tagalog Christian Songs-Patotoo ng Buhay



I
Balang araw maaari akong mahuli
dahil sa pagpapatotoo sa Diyos,
alam ko sa puso ko na ang pagdurusang ito'y
alang-alang sa katuwiran.
Kung mamatay ako sa isang kisapmata,
ipagmamalaki ko pa rin na kaya kong sundan
si Cristo at patotohanan Siya sa buhay na ito.

28 Abril 2019

Tagalog Worship Songs "Lahat ng Hiwaga ay Nailantad Na" | God Has Come Back and Revealed All Mysteries




Tagalog Worship Songs "Lahat ng Hiwaga ay Nailantad Na" | God Has Come Back and Revealed All Mysteries


Makapangyarihang Diyos ng pagkamatuwid—
ang Makapangyarihan!
Sa Iyo'y, walang natatago.
Bawat hiwaga, sa kawalang-hanggan,
na 'di naibunyag ng sinumang tao,
sa 'Yo'y hayag at malinaw.

21 Abril 2019

Tagalog Worship Songs| "Ang Diyos ay Tahimik na Nagbibigay sa Lahat"



Tagalog Worship Songs- Ang Diyos ay Tahimik na Nagbibigay sa Lahat



I
Ang Diyos ay nagbibigay ng
mga pangangailangan ng lahat ng tao,
sa bawat lugar, sa lahat ng oras.
Pinagmamasdan Niya’ng lahat ng kanilang iniisip,
kung paano dumaan sa pagbabago ang kanilang mga puso.
At binibigyan Niya sila ng kaginhawaan na kailangan nila,
pinasisigla at ginagabayan sila.

06 Abril 2019

Tagalog Christian Music | Ang Katotohanan ng Bunga ng Kasamaan ng Tao na gawa ni Satanas



Tagalog Christian Music | Ang Katotohanan ng Bunga ng Kasamaan ng Tao na gawa ni Satanas


I
Sa maraming taon ang mga kaisipan ng mga tao
ang inasahan nila para mabuhay 
ang sumira sa kanilang mga puso
at ginawa silang mga duwag, 
mapanlinlang at karumal-dumal.

05 Abril 2019

Tagalog Worship Songs-Inaakay ng Diyos ang mga Tao sa Tamang Landas ng Buhay

Tagalog Worship Songs-Inaakay ng Diyos ang mga Tao sa Tamang Landas ng Buhay


I
Ngayon, alam ng bawat isa sa inyo
na inaakay ng Diyos ang tao,
inaakay sila sa tamang landas ng buhay.
Pinangungunahan Niya ang tao upang humakbang
tungo sa isa pang panahon,
iniiwan itong lumang, madilim na panahon.

31 Marso 2019

mga awit ng papuri-Tagalog Christian Song | "Dumako sa Sion na may pagpupuri"




mga awit ng papuri | "Dumako sa Sion na may pagpupuri"

I
Dumako sa Sion na may pagpupuri.
Nagpakita na ang tahanan ng Diyos.
Inaawitan ng lahat banal Niyang pangalan; ito'y lumalaganap.
Dumako sa Sion na may pagpupuri. Makapangyarihang Diyos!

30 Marso 2019

Tagalog Worship Songs-Nagpapakasakit ang Diyos para Iligtas ang Tao




  • Tagalog Worship Songs-Nagpapakasakit ang Diyos para Iligtas ang Tao
  • I
  • Sa katawang-tao, Diyos ay gumawa nang maraming taon,
  • marami na Siyang sinabi.
  • Nagsisimula Siya sa "pagsubok sa taga-serbisyo,"
  • at nagpopropesiya at nagsisimulang humatol,
  • gumagamit ng pagsubok ng kamatayan para magpadalisay.

08 Enero 2019

Ang Kabuluhan ng Pagpapakita ng Diyos

Ang Kabuluhan ng Pagpapakita ng Diyos

I

Ang pagpapakita ng Diyos ay nangangahulugang

Siya'y gumagawa sa lupa sa Kanyang sarili.

Taglay ang Kanyang pagkakilanlan, disposisyon at sa sarili Niyang paraan,

sa tao Siya’y bumaba upang simulan at tapusin ang isang kapanahunan.

29 Disyembre 2018

Christian Musical Drama 2018 "Sinasamba ng Bawat Bansa Ang Makapangyarihang Diyos" (Tagalog Dubbed)

  Christian Musical Drama 2018 "Sinasamba ng Bawat Bansa Ang Makapangyarihang Diyos
  Sa ilalim ng isang maningning, tahimik, at mapayapang gabi ng kalangitan, isang grupo ng mga Kristiyano na masigasig na naghihintay sa pagbabalik ng Tagapagligtas ang nagkakantahan at nagsasayawan sa masayang tugtugin.

04 Marso 2018

Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos (A Cappella)


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos (A Cappella)

I
Ngayon ako’y muling humaharap sa aking Diyos.
Puso ko’y mangungusap
pag makita ang mukha Niyang kalugod-lugod.
Iniwan ko na ang halaghag na nakaraan.
Biyaya Niyang Salita’y pinupuno ako ng kalugura’t kaligayahan.
Mahabaging salita ng Diyos
ang kumandili’t dumilig sa’king pagsibol.
Kanyang mahigpit na Salita
ang nagpalakas sa’kin upang muling bumangon.
Diyos, kami ngayo’y umaawit sa Iyo
nang dahil sa’Yong pagpapala.
Kami ngayo’y nagpupuri sa’Yo sapagkat kami’y iyong inangat.
Makapangyarihang tunay na Diyos na umibig sa amin!
Iniibig Ka namin! O Diyos! Talagang iniibig ka namin!

08 Pebrero 2018

Tagalog na Cristianong Papuring Kanta | Panalangin ng Bayan ng Diyos | Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Cristianong Papuring Kanta | Panalangin ng Bayan ng Diyos 



Bayan ng Diyos itinanyag sa Kanyang trono, 
puno ng dalangin sa puso.
Pinagpapala ng Diyos lahat ng nagbabalik-loob sa Kanya; 
sila'y buhay sa liwanag.
Hilingin sa Banal na Espiritu na salita ng Diyos liwanagin 
nang lubos nating malaman ang kalooban ng Diyos.
Nawa'y buong baya'y mahalin ang salita ng Diyos 
at sikaping kilalanin ang Diyos.
Nawa'y bigyan tayo ng Diyos ng higit na biyaya, 
nang ating disposisyo'y mabago.
Nawa'y gawin tayong perpekto 
upang lubos na isa sa Kanya sa puso't isipan.
Nawa'y disiplinahin tayo ng Diyos 
upang tungkulin sa Kanya'y ating matugunan.
Nawa'y bawat araw gabayan tayo ng Banal na Espiritu 
sa pangangaral at pagsaksi sa Diyos araw-araw.

18 Disyembre 2017

Awit ng Papuri | Lahat ng Tao’y Nabubuhay sa Liwanag ng Diyos


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Awit  ng Papuri | Lahat ng Tao’y Nabubuhay sa Liwanag ng Diyos


Ngayon, sa tuwa, kabanalan at pagkamatuwid ng Diyos
ay lumalaganap sa sansinukob
at dinadakila sa gitna ng lahat ng sangkatauhan.
Siyudad ng kalangita’y tumatawa,
sumasayaw kaharian sa lupa.
Sinong di magagalak? Sinong di maluluha?
Mga tao'y walang alitan;
hindi nila ipinapahiya ang pangalan ng Diyos,
nabubuhay nang payapa sa liwanag Niya.