Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

21 Hulyo 2020

Kilalanin ang Diyos sa Pamamagitan ng Kanyang Kapangyarihan sa Lahat ng Bagay

Kung gaano karami ang pagkaunawa
ukol sa Diyos ang mayroon sa puso ng mga tao
ang nagpapasya kung gaanong kalagayan
ang Kanyang hinahawakan sa kanilang mga puso.
Kung gaano kadakila ang antas ng kaalaman
ukol sa Diyos ang nasa kanilang mga puso
ay kung gaano kadakila ang Diyos sa kanilang mga puso.
Kung ang Diyos na kilala mo ay walang laman at malabo,
kung gayon ang Diyos na pinaniniwalaan mo ay wala ring laman at malabo.
Kung ang Diyos na kilala mo ay limitado lang sa loob ng iyong sariling saklaw,
kung gayon ang iyong Diyos ay isang sobrang liit na Diyos
at walang kinalaman sa tunay na Diyos.
Kaya, ang pagkilala sa praktikal na mga pagkilos ng Diyos,
ang pagkilala sa realidad ng Diyos at Kanyang kapangyarihang walang hanggan,
ang pagkilala sa tunay na pagkakakilanlan ng Diyos Mismo,
ang pagkilala sa kung anong mayroon at kung ano Siya,
ang pagkilala sa lahat ng Kanyang ipinakita sa gitna ng lahat ng bagay—
ang mga ito ay napakahalaga sa bawat isang tao
na naghahanap ng kaalaman ukol sa Diyos.
Ang mga ito ay may direktang kinalaman sa kung makapapasok
o hindi ang tao sa realidad ng katotohanan.

Kung iyong lilimitahan ang iyong pagkaunawa sa Diyos sa mga salita lamang,
kung lilimitahan mo ito sa kakaunti mong karanasan,
sa mga biyaya ng Diyos na iyong binibilang,
o sa kakaunti mong patotoo sa Diyos,
kung gayon sasabihin Ko na ang iyong Diyos na pinaniniwalaan
ay tiyak na hindi ang tunay na Diyos Mismo,
at maaari ding sabihin na ang Diyos na pinaniniwalaan mo
ay isang guni-guning Diyos,
hindi ang tunay na Diyos.
Ito ay dahil sa ang tunay na Diyos ay ang Siyang namumuno sa lahat,
na lumalakad sa gitna ng lahat,
na namamahala sa lahat.
Siya ang Siyang humahawak sa kapalaran ng buong sangkatauhan—
ang Siyang humahawak sa kapalaran ng lahat.
Ang mga gawain at mga pagkilos ng Diyos na Aking sinasabi
ay hindi limitado lamang sa maliit na bahagi ng mga tao.

07 Disyembre 2019

Tagalog Praise Songs | Gumagawang Tahimik ang Diyos sa Katawang-tao Upang Iligtas ang Sangkatauhan


Tagalog Praise Songs | Gumagawang Tahimik ang Diyos sa Katawang-tao Upang Iligtas ang Sangkatauhan

I
Ang D'yos naging katawang-tao,
nanatiling nakatago sa tao
upang gawin ang bagong gawain,
iligtas tayo sa kasamaan.
'Di Siya nagbibigay ng paliwanag.
Sa mga planong nagawa N'ya,
ginagawa Kanyang gawain paisa-isang hakbang.
Mga salita N'ya'y nadaragdagan araw-araw,
umaaliw, nagpapaalala, sumasaway, at nagbababala.
Mula sa mahinahon at mabait sa mabangis at makahari,
mga salita N'ya'y ikinikintal kahabaga't takot.
Lahat ng sinasabi N'ya'y inihahayag malalalim nating lihim.
Mga salita Niya'y tagos sa'tin at napapahiya tayo.
Mayroong walang katapusang tustos
ng Kanyang buhay na tubig.

09 Mayo 2019

Tagalog Prayer Songs-Ang Panalangin ng Bayan ng Diyos



I
Nagbalik ang bayan ng Diyos sa harap ng Kanyang trono,
inaalay natin ang ating mga dalangin sa Diyos.
Nawa'y pagpalain ng Diyos
ang mga nananabik sa Kanyang pagpapakita,
na marinig nila ang Kanyang tinig sa lalong madaling panahon.
Nawa'y bigyang liwanag ng Diyos ang mga nagbabantay
at naghihintay na makita ang pagdating ng Manunubos.