Salita ng Diyos|Isagawa ang Katotohanan Sa Sandaling Inyong Maunawaan Ito
Ang gawain at ang salita ng Diyos ay itinalaga upang maghatid ng pagbabago sa inyong disposisyon; ang Kanyang layunin ay hindi lamang basta ipaunawa o ipakilala sa inyo ito at iyon na lamang ang maging katapusan nito. Bilang isang may kakayahang makatanggap, hindi kayo dapat mahirapan sa pag-unawa sa salita ng Diyos, sapagkat karamihan sa salita ng Diyos ay nakasulat sa wika ng tao na napakadaling maintindihan. Gaya halimbawa, malalaman ninyo kung ano ang gusto ng Diyos na maintindihan ninyo at maisagawa; ito ay isang bagay na dapat gawin ng isang wastong taong may kakayahang makaunawa.
Ang sinasabi ng Diyos ngayon ay lalong maliwanag at malinaw, at nagsasabi ang Diyos ng maraming bagay na hindi naisaalang-alang ng mga tao o ang iba’t-ibang mga kalagayan ng mga tao. Ang Kanyang mga salita ay para sa lahat, kasinglinaw ng liwanag ng bilog na buwan. Kaya ngayon, naiintindihan ng mga tao ang maraming mga isyu; ang kulang sa kanila ay ang pagsasagawa sa Kanyang salita. Dapat maranasan ng mga tao ang lahat ng aspeto ng katotohanan nang detalyado, at tuklasin at hangarin pa ang higit na malawak na detalye, hindi basta na lamang maghintay na tanggapin kung ano ang nakahanda nang ibigay sa kanila; kung hindi sila ay magiging lampas ng kaunti sa mga manghuhuthot. Nalalaman nila ang salita ng Diyos, ngunit hindi ito isinasagawa. Ang ganitong uri ng tao ay walang pagmamahal sa katotohanan, at sa huli ay maaalis. Ang pagkakaroon ng istilo kagaya ng isang Pedro sa panahon ng dekada 90 ay nangangahulugan na ang bawat isa sa inyo ay dapat magsagawa ng salita ng Diyos, magkaroon ng tunay na pagpasok sa inyong mga karanasan at magkamit ng higit pa at lalong mas dakilang kaliwanagan sa inyong pakikipagtulungan sa Diyos, na magdadala ng higit pang Kanyang pagtulong sa inyong buhay. Kung nakabasa na kayo ng napakaraming salita ng Diyos ngunit naiintindihan lamang ang kahulugan ng teksto at wala kayong personal na kaalaman sa salita ng Diyos sa pamamagitan ng inyong praktikal na karanasan, hindi ninyo malalaman ang salita ng Diyos. Para sa iyo, ang salita ng Diyos ay hindi buhay, ngunit mga letra lamang na walang buhay. At kung panghahawakan mo lamang ang mga letrang walang buhay, hindi mo mauunawaan ang diwa ng salita ng Diyos, ni hindi mo mauunawaan ang Kanyang kalooban. Tanging kapag naranasan mo ang Kanyang salita sa iyong mga tunay na karanasan saka pa lamang magbubukas nang kusa ang espirituwal na kahulugan ng salita ng Diyos sa iyo, at sa karanasan mo lamang mauunawaan ang espirituwal na kahulugan ng maraming katotohanan, at tanging sa pamamagitan lamang ng karanasan mo matutuklasan ang mga hiwaga ng salita ng Diyos. Kung hindi mo ito isasagawa, kung gayon gaano man kalinaw ang Kanyang salita, ang tanging bagay mong nauunawaan ay hungkag na mga letra at mga doktrina, na naging mga relihiyosong tuntunin sa iyo. Hindi ba ito ang ginawa ng mga Fariseo? Kung inyong isinasagawa at nararanasan ang salita ng Diyos, ito ay nagiging praktikal sa inyo; kung hindi ninyo hahangarin na isagawa ito, kung gayon ang salita ng Diyos sa iyo ay higit lang ng kaunti sa alamat ng ikatlong langit. Sa katotohanan, ang proseso ng paniniwala sa Diyos ay ang proseso ng inyong pagdanas sa Kanyang salita gayundin ang makamit Niya, o upang mas maging maliwanag, ang maniwala sa Diyos ay ang magkaroon ng kaalaman at pagkaunawa sa Kanyang salita at maranasan at isabuhay ang Kanyang salita; iyan ang katotohanan sa inyong pananampalataya sa Diyos. Kung kayo ay naniniwala sa Diyos at umaasa para sa buhay na walang hanggan nang walang paghahangad na isagawa ang salita ng Diyos gaya ng isang bagay na mayroon kayo sa loob ninyo, kung gayon kayo ay hangal; kagaya lang ito ng pagpunta sa isang piging upang matandaan lamang kung ano ang makakain doon nang hindi man lamang titikman ito. Hindi ba hangal ang isang taong gayon?

Ang katotohanan na kailangang taglayin ng tao ay matatagpuan sa salita ng Diyos, isang katotohanan na pinakakapaki-pakinabang at nakatutulong sa sangkatauhan. Ito ang pampalakas at panustos na kinakailangan ng inyong katawan, isang bagay na makatutulong sa inyong mapanumbalik ang inyong normal na pagkatao, isang katotohanan na dapat mailakip sa inyo. Habang lalo ninyong isinasagawa ang salita ng Diyos, lalong mas mabilis na mamumukadkad ang inyong buhay; habang lalo ninyong isinasagawa ang salita ng Diyos, mas lalong magiging malinaw ang katotohanan. Habang lumalago ang inyong katayuan, makikita ninyo ang mga bagay sa espirituwal na mundo nang mas malinaw, at kayo ay lalong magiging mas makapangyarihan upang magtagumpay kay Satanas. Ang karamihan sa katotohanan na hindi ninyo naiintindihan ay palilinawin kapag isinasagawa ninyo ang salita ng Diyos. Ang karamihan sa mga tao ay nasisiyahan na basta na lamang maintindihan ang teksto ng salita ng Diyos at ituon ang isipan sa pagsasangkap sa kanilang mga sarili ng mga doktrina nang hindi nararanasan ang lalim nito sa pagsasagawa; hindi ba iyon ang paraan ng mga Fariseo? Paano magiging totoo ang pariralang “Ang salita ng Diyos ay buhay” sa kanila, kung gayon? Kapag isinasagawa na ng tao ang salita ng Diyos saka pa lamang tunay na mamumukadkad ang kanyang buhay; hindi ito lalago sa pamamagitan lamang ng pagbasa sa salita ng Diyos. Kung ito ang iyong sinasampalatayan na ang pagkaunawa sa salita ng Diyos ay ang tanging kailangan upang magkaroon ng buhay, upang magkaroon ng katayuan, kung gayon ang iyong pagkaunawa ay baluktot. Ang tunay na pagkaunawa sa salita ng Diyos ay nangyayari kapag isinasagawa mo ang katotohanan, at dapat mong maunawaan na “sa pagsasagawa lamang sa katotohanan ito kailanman maaaring maintindihan.” Sa araw na ito, matapos mabasa ang salita ng Diyos, masasabi mo lamang na nalalaman mo ang salita ng Diyos, ngunit hindi mo masasabi na naiintindihan mo ito. Sinasabi ng ilan na ang tanging paraan lamang upang isagawa ang katotohanan ay ang maunawaan muna ito, ngunit ito ay kalahating tama lamang at hindi ganap na tumpak. Bago ka magkaroon ng kaalaman sa isang katotohanan, hindi mo pa nararanasan ang katotohanang iyon. Ang pakiramdam na naiintindihan mo kung ano ang iyong naririnig ay hindi kaparehong bagay gaya ng tunay na pagkaunawa. Ang sangkapan ang iyong sarili ng katotohanan kagaya ng nakikita sa teksto ay hindi kagaya ng pagkaunawa sa tunay na kahulugan doon. Nang dahil lamang sa mayroon kang mababaw na kaalaman sa katotohanan ay hindi nangangahulugan na naiintindihan mo talaga ito o kinikilala ito; ang tunay na kahulugan ng katotohanan ay nanggagaling mula sa pagkakaranas nito. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi Ko na kapag naranasan mo na ang katotohanan saka mo pa lamang ito mauunawaan, at kapag naranasan mo na ang katotohanan saka mo pa lamang mauunawaan ang mga nakatagong bahagi nito. Ang maranasan ito nang husto ay ang tanging paraan upang maunawaan ang mga kahulugan ng katotohanan, na maintindihan ang diwa nito. Samakatuwid, makapupunta ka saanman kasama ang katotohanan, ngunit kung walang katotohanan sa iyo, huwag kang mag-isip kailanman na hikayatin ang mga relihiyosong tao, lalong hindi ang iyong pamilya. Para ka lamang nililipad-lipad na niyebe na walang katotohanan, ngunit sa katotohanan, maaari kang maging maligaya at malaya, kung saan walang makasasalakay sa iyo. Gaano man katibay ang isang teorya, hindi nito madaraig ang katotohanan. Sa pamamagitan ng katotohanan, ang mundo mismo ay maaaring igiwang at ang mga bundok at mga dagat ay mailipat, samantala, ang kakulangan ng katotohanan ay humahantong sa pagkawasak sa pamamagitan ng mga uod; ito ay katotohanan lamang.
Ang mahalaga ngayon ay malaman muna ang katotohanan, at pagkatapos ay isagawa ito, sangkapan pa ninyong lalo ang inyong mga sarili sa tunay na kahulugan ng katotohanan. Iyon ang dapat mong hangarin, hindi lamang basta pasunurin ang iba sa iyong mga salita sa halip ay pasunurin ang iba sa iyong mga pagkilos, at sa ganito mo lang magagawang mahanap ang isang bagay na makabuluhan. Maging anuman ang sumapit sa iyo, maging sinumang tao ang makita mo, makakapanindigan ka lamang sa katotohanan. Ang salita ng Diyos ang siyang nagdadala ng buhay sa tao, hindi ng kamatayan. Kung matapos mabasa ang salita ng Diyos hindi ka mabubuhay, ngunit patay ka pa rin pagkatapos mabasa ang Kanyang salita, kung gayon mayroong isang bagay na mali sa iyo. Kung pagkatapos ng ilang panahong nakabasa ka ng marami sa salita ng Diyos at nakarinig ng maraming mga praktikal na pangaral, ngunit nasa kalagayan ka pa rin ng kamatayan, pinatutunayan lang nito na ikaw ay hindi isang nagpapahalaga sa katotohanan, ni ikaw ay isang tao na naghahangad sa katotohanan. Kung kayo ay talagang naghahangad na makamit ng Diyos, hindi kayo magtutuon ng pansin sa pagsangkap sa inyong sarili ng mataas na mga doktrina at paggamit sa kanila upang hikayatin ang iba, ngunit sa halip ay pagtuunan na maranasan ang salita ng Diyos at pagsasagawa sa katotohanan; hindi ba iyan ang dapat ninyong pinapasok sa kasalukuyan?
Mayroong limitadong oras para gawin ng Diyos ang Kanyang gawain sa iyo, ngunit ano ang magiging kalalabasan kung hindi ka makikipagtulungan sa Kanya? Bakit gustong palagi ng Diyos na isagawa ninyo ang Kanyang salita sa sandaling maintindihan ninyo ito? Ito ay sapagkat ibinunyag ng Diyos ang Kanyang mga salita sa inyo, at ang inyong susunod na hakbang ay isagawa mismo ang mga ito, at ipatutupad ng Diyos ang gawain ng pagliliwanag at paggabay habang inyong isinasagawa ang mga salitang ito. Ganyan talaga ito. Ang salita ng Diyos ay inilaan upang tulutan ang tao na mamukadkad sa buhay nang hindi nagdudulot ng mga paglihis at pagiging negatibo. Sinasabi mo na nabasa mo na ang salita ng Diyos at isinagawa ito, ngunit hindi ka pa rin nakatatanggap ng anumang gawain ng Banal na Espiritu—ang iyong sinasabi ay makapanlilinlang lang sa isang paslit. Hindi nalalaman ng tao kung ang iyong mga layunin ay tama, ngunit iniisip mo ba na hindi malalaman ng Diyos? Paanong nangyari na ang iba ay isinasagawa ang salita ng Diyos at tinatanggap ang pagliliwanag ng Banal na Espiritu, ngunit ikaw kahit paano ay isinasagawa mo ang Kanyang salita at hindi natatanggap ang pagliliwanag ng Banal na Espiritu? Ang Diyos ba ay emosyonal? Kung ang iyong mga layunin ay talagang mabuti at ikaw ay nakikipagtulungan, kung gayon ang Espiritu ng Diyos ay sasaiyo. Bakit ang ilang mga tao ay gustong maging sentro ng atensyon palagi, gayunma’y hindi siya tinutulutan ng Diyos na tumindig at pangunahan ang iglesia? Bakit ang ilang mga tao ay basta na lang tinutupad ang kanilang pananagutan at hindi namamalayan, nakakamit nila ang pagsang-ayon ng Diyos? Paano nagkagayon? Sinisiyasat ng Diyos ang puso, at ang mga taong naghahangad sa katotohanan ay dapat gumawa nang may mabuting mga layunin—ang mga taong walang mabuting mga layunin ay hindi nagtatagal. Sa pinakapusod nito, ang inyong layunin ay upang hayaan ang salita ng Diyos na magkabisa sa loob ninyo. Sa madaling salita, ito ay upang magkaroon ng isang tunay na pagkaunawa sa salita ng Diyos sa inyong pagsasagawa nito. Marahil ang inyong kakayahan na makatanggap ng salita ng Diyos ay kapos, ngunit kapag inyong isasagawa ang salita ng Diyos, maaari Niyang dagdagan ang kakulangan ng inyong mahinang kakayahan na tumanggap, kaya hindi lamang kayo dapat makaalam ng maraming mga katotohanan, ngunit dapat din ninyong isagawa ang mga ito. Ito ang pinakadakilang pagtutuon na hindi maaaring balewalain. Si Jesus ay nagdusa nang husto sa Kanyang 33½ taon sapagkat isinagawa Niya ang katotohanan. Bakit palaging sinasabi sa mga tala na Siya ay pinag-usig? Ito ay upang ipaliwanag kung gaano ang Kanyang dinanas na hirap sapagkat isinagawa Niya ang katotohanan at isinakatuparan ang kalooban ng Diyos. Pagdurusa na hindi sana Niya dinanas kung nalaman Niya ang katotohanan at hindi Niya isinagawa ito. Kung sinunod ni Jesus ang mga pangaral ng mga Judio, sinunod ang mga Fariseo, kung gayon hindi sana Siya nagdusa. Matututo ka mula sa pagsasagawa ni Jesus na ang pagkakaroon ng bisa ng gawain ng Diyos sa tao ay mula sa Kanyang pakikipagtulungan, at ito ay isang bagay na dapat ninyong kilalanin. Daranasin ba ni Jesus ang kagaya ng dinanas Niya sa krus kung hindi Niya isinagawa ang katotohanan? Mananalangin ba Siya ng ganoong napakalungkot na panalangin kung hindi Siya kumilos alinsunod sa kalooban ng Diyos? Ito ay nangangahulugan kung gayon na ito ang uri ng pagdurusa na dapat tiisin ng isang tao.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento