Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

25 Disyembre 2019

Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos (Sipi)


Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos (Sipi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pamamahala ng Diyos ay upang makamtan ang isang pangkat ng mga tao na sumasamba sa Diyos at nagpapasakop sa Kanya. Ang sangkatauhang ito ay ginawang tiwali na ni Satanas, nguni’t hindi na nakikita si Satanas bilang kanyang ama; nakikilala niya ang pangit na mukha ni Satanas, at tinatanggihan ito, at lumalapit sa harap ng Diyos upang tanggapin ang Kanyang paghatol at pagkastigo. Alam niya kung ano ang pangit, at kung gaano ito kasalungat ng kung ano ang banal, at kinikilala niya ang kadakilaan ng Diyos at ang kasamaan ni Satanas. Ang sangkatauhang tulad nito ay hindi na maglilingkod kay Satanas, o sasamba kay Satanas, o idadambana si Satanas. Iyon ay dahil sila ay isang pangkat ng mga tao na tunay nang nakamit ng Diyos. Ito ang kahalagahan ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan."

14 Oktubre 2019

Tagalog Gospel Songs | "Dapat Mong Makilala ang Diyos sa Pamamagitan ng Kanyang Gawain"


Tagalog Gospel Songs | "Dapat Mong Makilala ang Diyos sa Pamamagitan ng Kanyang Gawain"


I
Diyos ay naging tao, 
isang karaniwang tao,
na nagdala ng gawain at atas ng Diyos.
Ibig sabihi'y binalikat N'ya ang gawai't nagdusa
na 'di matitiis ng karaniwang tao.
Kita sa hirap Niyang tapat Siya sa tao,
na siyang kabayaran,
para mailigtas Niya ang tao,
tubusin sa sala nila't tapusin ang yugtong ito.
Ibig sabihi'y tutubusin ng D'yos 
ang tao mula sa krus.

Ito'y halagang binayaran ng buhay,
na 'di kayang bayaran ng mga nilalang.
Dahil taglay Niya ang diwa ng Diyos,
Kaya Niya ang gawain at pagdurusang ito.
Walang nilalang ang makakagawa 
ng ginagawa Niya.
Ito ang gawain ng Diyos
sa Kapanahunan ng Biyaya,
isang pagpapahayag ng Kanyang disposisyon.

19 Setyembre 2019


mga kwento ng bibliya | Magpatawad ng Makapitumpung Pito Ang Pag-ibig ng Panginoon


1. Magpatawad ng Makapitumpung Pito

(Mateo 18:21–22) Nang magkagayo’y lumapit si Pedro at sinabi sa kaniya, Panginoon, makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya’y aking patatawarin? hanggang sa makapito? Sinabi sa kaniya ni Jesus, Hindi ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; kundi, Hanggang sa makapitongpung pito.

2. Ang Pag-ibig ng Panginoon

(Mateo 22:37–39) At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.

Sa dalawang talatang ito, ang isa ay tumutukoy sa pagpapatawad at ang isa ay tumutukoy sa pag-ibig. Ang dalawang paksang ito ay talagang nagtatampok sa gawain na gustong ipatupad ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya.

14 Setyembre 2019

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag

Mga Salita ng na Makapangyarihang DiyosAng mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag


Ang substansya ng paniniwala sa Diyos ng karamihan ng tao ay ang paniniwala sa relihiyon: Sila ay hindi kayang umibig sa Diyos, at maaari lamang sundin ang Diyos tulad ng isang robot, hindi magawang tunay na maghangad para sa Diyos o sambahin Siya. Sila ay sumusunod lamang sa Kanya nang tahimik. Maraming tao ang naniniwala sa Diyos, ngunit kaunti lamang ang mga umiibig sa Diyos; “iginagalang” lamang nila ang Diyos dahil takot sila sa sakuna, o kaya “hinahangaan” nila ang Diyos dahil Siya ay mataas at makapangyarihan—ngunit sa kanilang paggalang at paghanga ay walang pag-ibig o tunay na matinding paghangad.

30 Hunyo 2019

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Tagalog Christian Songs-Tapat Na Tao Lamang Ang Mayroong Pagkahawig Sa Tao



I
Minsan kong hinabol ang yaman at katanyagan.
Mga prinsipyo ko'y itinakwil;
nagsinungaling ako para kumita.
Aking budhi'y nawala,
binale wala ang moralidad.
Integridad, dignidad, lahat ng mga ito
walang kahulugan sa akin.

12 Hunyo 2019

Tagalog Christian Songs | "Ang Diyos na Nagkatawang-tao ay Pinaka-kaibig-ibig"


Tagalog praise songs | "Ang Diyos na Nagkatawang-tao ay Pinaka-kaibig-ibig"


I
Matapos maging tao ang Diyos, at namuhay kasama ng tao,
nakita Niya kasamaan at kalagayan ng buhay nila.
Sa katawang-tao'y nadama Niya 
ang kawalang kakayahan ng tao,
na kaawa-awa, naramdaman Niya ang kanilang kalungkutan.
Mas lalong nahabag ang Diyos sa kalagayan ng tao,
at mas mapagmalasakit sa Kanyang 
mga taga-sunod dahil namuhay sa katawang-tao.

10 Mayo 2019

Tagalog Gospel Songs-Nawa'y Mabatid Natin ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos



I
Namumuhay sa lupaing ito ng karumihan,
tayo'y malabis na inuusig ng malaking pulang dragon.
At nakabuo tayo ng pagkapoot para dito.
Hinahadlangan nito ang pag-ibig natin sa Diyos
at hinihikayat ang ating kasakiman
para sa 'ting mga pagkakataon sa hinaharap.

15 Abril 2019

Patotoo ng Isang Kristiyano-Natagpuan Ko ang Tunay na Kaligayahan


Zhang Hua, Cambodia

Ipinanganak ako sa isang ordinaryong pamilya ng mga magsasaka. Kahit na hindi mayaman ang pamilya ko, mahal ng ama at ina ko ang isa’t isa at pinakitunguhan nila ako nang napakaayos. Naging lubos na masagana at pinagpala ang buhay pampamilya nam

09 Abril 2019

Kasisimula Ko pa Lamang Tahakin ang Tamang Landas ng Buhay

Shi Han    Hebei Province

Ipinanganak ako sa isang mahirap na pamilya ng magsasaka.Matino ako mula pagkabata, dahil hindi ako kailanman nakipag-away sa ibang bata at sinunod ang aking mga magulang, kaya ako ay naging isang karaniwang “mabaitna batang babae” sa mga mata ng mga matatanda.

05 Abril 2019

Tagalog Worship Songs-Inaakay ng Diyos ang mga Tao sa Tamang Landas ng Buhay

Tagalog Worship Songs-Inaakay ng Diyos ang mga Tao sa Tamang Landas ng Buhay


I
Ngayon, alam ng bawat isa sa inyo
na inaakay ng Diyos ang tao,
inaakay sila sa tamang landas ng buhay.
Pinangungunahan Niya ang tao upang humakbang
tungo sa isa pang panahon,
iniiwan itong lumang, madilim na panahon.

02 Abril 2019

Katanyagan at Pera-Ang Lihim na Payo Upang Lutasin ang Poot

Xiao Wu

Ako ay may sariling pinagkakakitaan. Pangunahing itininda ko ang lahat ng uri ng tela, at gumawa din ako ng mga damit para sa aking mga parokyano bilang pandagdag ng kita. Pagkalipas ng ilang taon, ang aking negosyo ay naging mas kilala at ang mga tao sa paligid ko ay naging lubhang maiingitin. Hindi nagtagal, isang kapitbahay ang nagbukas ng kaparehong uri ng tindahan kagaya ng sa akin at naging katunggali ko.

05 Marso 2019

Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao




Tagalog Christian Songs
Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao

I
Noo'y 'di malinaw sa layon ng buhay, ngayo'y alam ko na.
Hinanap ko'y estado at kasikatan.
Mag-isang tinahak ang pansariling landas, nabuhay para sa 'kin lamang.
Sa dasal sambit dati'y magagandang salita,
pero ang buhay ko ay hindi akma.

26 Enero 2019

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I Awtoridad ng Diyos (I) (Ikalawang bahagi)




Awtoridad ng Diyos (I)
Ikalawang bahagi


Sa Pang-apat na Araw, ang mga Panahon, mga Araw, at mga Taon ng Sangkatauhan ay Dumating habang Muling Ipinatupad ng Diyos ang Kanyang Awtoridad

05 Enero 2019

Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao

Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao


Noo'y 'di malinaw sa layon ng buhay, ngayo'y alam ko na.

Hinanap ko'y estado at kasikatan.

Mag-isang tinahak ang pansariling landas, nabuhay para sa 'kin lamang.

Sa dasal sambit dati'y magagandang salita,

pero ang buhay ko ay hindi akma.

01 Enero 2019

45. Ano ang mga pangako ng Diyos sa mga naligtas at nagawang perpekto?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

  Lumalakad Ako ngayon sa kalagitnaan ng Aking bayan, naninirahan Ako sa kalagitnaan ng aking bayan. Ngayon, yaong may tunay na pag-ibig sa Akin, ang taong gaya nito ay mapalad; mapalad yaong mga nagpapasakop sa Akin, sila ay tiyak na mananatili sa Aking kaharian; mapalad yaong mga nakakakilala sa Akin, sila ay tiyak na hahawak ng kapangyarihan sa Aking kaharian; mapalad ang mga yaong naghahangad sa Akin, tiyak na makaliligtas sila mula sa mga gapos ni Satanas at matatamasa nila ang pagpapala sa Akin; mapalad ang mga yaong kayang talikuran ang kanilang mga sarili, tiyak na papasok sila sa Aking pag-aari, at mamanahin ang gantimpala ng Aking kaharian.

12 Agosto 2018

Himno ng Karanasan ng Kristiyano | "Ang Langit Dito'y Bughaw na Bughaw" (Tagalog Subtitles)


I
Ay … Narito ang 'sang langit, 
Oh .... Isang langit na talagang ibang-iba!

Isang marikit na halimuyak ang pumupuspos sa buong lupain, 
at hangi'y malinis.
Nagkatawang-tao ang Makapangyarihang Diyos
at nabubuhay kapiling natin,
Nagpapahayag ng katotohanan
at sinisimulan ang paghatol ng mga huling araw.
Inilantad ng mga salita ng Diyos
ang katotohanan ng ating kasamaan,
nalinis tayo at naperpekto
ng bawat uri ng pagsubok at pagdadalisay.
Magpaalam na tayo sa masama nating buhay 
at baguhin ang dating itsura para sa bagong mukha.

01 Agosto 2018

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Pagsasagawa (6)

Sa kasalukuyan, maraming mga tao ang ni hindi taglay ang pagkamaykatwiran o ang pansariling kamalayan ni Pablo, na, bagamat siya ay pinabagsak ng Panginoong Jesus, tinaglay na ang paninindigan na gumawa at magdusa para sa Kanya. Binigyan siya ng karamdaman ni Jesus, at kalaunan, patuloy na tiniis ni Pablo ang karamdamang ito sa sandaling nagsimula siyang gumawa. Bakit niya sinabi na mayroon siyang tinik sa laman? Ang tinik, sa totoo lang, ay karamdaman, at para kay Pablo, ito ay isang nakamamatay na kahinaan. Gaano man siya kahusay gumawa o gaano man katindi ang kanyang paninindigang magtiis, palagi niyang tinaglay ang karamdamang ito. Si Pablo ay mayroong mas matatag na kakayahan kaysa sa inyong mga tao sa kasalukuyan; hindi lamang na siya ay mayroong mahusay na kakayahan, ngunit tinaglay din niya ang kamalayang pansarili at tinaglay niya ang higit na pagkamaykatwiran kaysa sa inyo. Sa kasalukuyan, huwag nang isipin kailanman ang pagtatamo sa pagkamaykatwiran ni Pedro—maraming mga tao ang ni hindi magagawang matamo ang pagkamaykatwiran ni Pablo. Matapos na si Pablo ay pabagsakin ni Jesus, siya ay tumigil sa pag-uusig sa mga disipulo, at nagsimulang mangaral at magdusa para kay Jesus. At ano ang gumabay sa kanyang pagdurusa? Pinaniniwalaan ni Pablo na, yamang nakita niya ang dakilang liwanag, kailangan niyang magpatotoo sa Panginoong Jesus, dapat hindi na usigin pa ang mga disipulo ng Panginoong Jesus, at hindi na dapat salungatin pa ang gawain ng Diyos. Pagkatapos niyang makita ang dakilang liwanag, sinimulan niyang magdusa para sa Diyos, at ialay ang sarili niya sa Diyos, at kanyang itinakda ang kanyang paninindigan. Pagkatapos na ang “dakilang liwanag” ay lumiwanag sa kanya, nagsimula siyang gumawa para sa Diyos, at nagawa niyang itakda ang kanyang paninindigan, na nagpapatunay na taglay niya ang pagkamaykatwiran. Sa relihiyon, si Pablo ay isang mataas-na-ranggong tao. Siya ay totoong maalam at likas na matalino, mababa ang tingin niya sa karamihan ng mga tao, at taglay ang isang higit na mas malakas na pagkatao kaysa sa karamihan. Ngunit pagkatapos na ang “dakilang liwanag” ay lumiwanag sa kanya, sinabi niya na dapat siyang gumawa para sa Panginoong Jesus—at ito ang kanyang pagkamaykatwiran. Nang inusig niya ang mga disipulo, si Jesus ay nagpakita sa kanya at sinabing: “Pablo, bakit mo ako inuusig?” Kaagad natumba si Pablo at sinabing: “Sino Ka?” Isang tinig mula sa langit ang nagsabing: “Ako ang Panginoong Jesus, na iyong inuusig.” Sa isang iglap, nagising si Pablo, kanyang naunawaan, at sa gayon lamang niya nalaman na si Jesus ay si Cristo, na Siya ay Diyos. Dapat akong sumunod, ibinigay sa akin ng Diyos ang biyayang ito, at inusig ko Siya sa halip, gayunman hindi Niya ako pinabagsak, ni hindi Niya ako sinumpa—dapat akong magdusa para sa Kanya. Kinilala ni Pablo na inusig niya ang Panginoong Jesuscristo at sa kasalukuyan ay pinapatay ang Kanyang mga disipulo, na hindi siya sinumpa ng Diyos, ngunit pinagliwanag ang ilaw sa kanya; ito ang gumabay sa kanya, at kanyang sinabi: “Bagamat hindi ako tumingin sa Kanyang mukha, narinig ko ang Kanyang tinig at nakita ang Kanyang dakilang liwanag. Ngayon ko pa lamang tunay na nakikita na iniibig talaga ako ng Diyos, at na ang Panginoong Jesus ay talagang ang Diyos na mayroong habag sa tao at pinatatawad Niya ang mga pagkakasala ng tao magpakailanman. Tunay kong nakikita na ako ay isang makasalanan.” Bagamat, pagkatapos, ginamit ng Diyos ang mga kaloob ni Pablo upang gumawa, kalimutan ito sumandali. Ang kanyang paninindigan sa panahong iyon, ang kanyang normal na pantaong pagkamaykatwiran, at ang kanyang pansariling kamalayan—wala kayong kakayahan na matamo ang mga bagay na ito. Sa kasalukuyan, hindi ba kayo nakakatanggap ng gaanong liwanag? Hindi ba nakikita ng maraming mga tao na ang disposisyon ng Diyos ay isa na kamahalan, poot, paghatol, at pagkastigo? Madalas mayroong mga sumpa, mga pagsubok, at pagpipino ang sumasapit sa mga tao—at ano ang kanilang natutunan? Nakapagkamit ba kayo ng anuman mula sa inyong displina at pakikitungo? Ang malabis na mga pananalita, paghampas, at paghatol ay sumapit sa inyo sa maraming mga pagkakataon, ngunit hindi ninyo pinag-ukulan ng pansin ang mga ito. Ni hindi ninyo taglay ang kaunting pagkamaykatwiran na taglay ni Pablo—hindi ba kayo masyadong paurong? Napakarami ang hindi nakita nang malinaw ni Pablo. Nalaman lamang niya na ang liwanag ay nagliwanag sa kanya, at hindi namalayang siya ay pinabagsak. Sa kanyang personal na paniniwala, pagkatapos na ang ilaw ay magliwanag sa kanya, dapat niyang gugulin ang sarili niya para sa Diyos, magdusa para sa Diyos, gawin ang lahat upang ihanda ang daan para sa Panginoong Jesucristo, at magtamo ng mas maraming makasalanan upang iligtas ng Panginoon. Ito ang kanyang paninindigan, at ang tanging layunin ng kanyang gawain—ngunit kapag siya ay gumawa, hindi pa rin siya iniwan ng karamdaman, hanggang sa kanyang kamatayan. Si Pablo ay gumawa nang mahigit sa dalawampung taon. Siya ay nagdusa nang husto, at nagdanas ng maraming mga pag-uusig at mga kapighatian, bagamat, mangyari pa, ang kanyang mga pagsubok ay higit na kaunti kaysa doon kay Pedro. Gaano pa ito kahabag-habag kung hindi pa ninyo taglay ang pagkamaykatwiran ni Pablo? Sa ganito, paano makapagsisimula ang Diyos sa mas higit na gawain sa inyo?

18 Hulyo 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Diyos Lamang ang Nagmamahal sa Tao Nang Higit"


I
Ang Diyos ay nagiging katawang tao sa mga huling araw
upang iligtas ang tao dahil mahal Niya ang tao.
Hinimok ng Kanyang pag-ibig,
ginagawa Niya ang gawain ngayon.
Ito'y nasa ilalim ng pundasyon ng pag-ibig.å
Ang Diyos ay nagkatawang-tao at nagdurusa sa kahihiyan
upang iligtas ang mga nabahiran at durog.
Tinitiis Niya ang gayong sakit.
Sapagkat muli at muli,
ipinakikita N'ya ang Kanyang 'di masukat na pagmamahal.
'Di nais ng Diyos na ang sinumang kaluluwa'y mawala.
Walang pakialam ang tao kung ano ang kanyang hinaharap.
'Di alam ng tao kung paano mahalin ang kanyang buhay.
Ngunit ang Diyos, oo. Siya lamang ang nagmamahal sa tao.

14 Hunyo 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Pagiging Totoo at Kaibig-ibig ng Diyos


I
Para kay Adan at Eva,
ang Panginoong Diyos ay gumawa ng mga damit sa mga balat,
at dinamitan sila.
Ang nakikita natin mula sa imaheng ito
ay lumilitaw ang Diyos
sa pagganap ng magulang nina Adan at Eva.
Ah … ah … ah … ah …