I
Namumuhay sa lupaing ito ng karumihan,
tayo'y malabis na inuusig ng malaking pulang dragon.
At nakabuo tayo ng pagkapoot para dito.
Hinahadlangan nito ang pag-ibig natin sa Diyos
at hinihikayat ang ating kasakiman
Tinutukso tayo nito na maging negatibo, para labanan ang Diyos.
Tayo'y nalinlang, napasama't napinsala nito hanggang ngayon,
sa puntong di natin makayang
suklian ang pag-ibig ng Diyos ng ating puso.
Nawa'y paliwanagan tayo ng Diyos,
upang mabatid natin pagiging kaibig-ibig N'ya,
ibigin ang ating Diyos sa kaibuturan ng ating mga puso,
at ipakita ang pag-ibig natin para sa Kanya
sa iba't ibang tungkulin.
Nawa'y pagkalooban tayo ng Diyos
ng pusong walang-maliw ang pag-ibig sa Kanya.
Ito ang inaasahan ng Diyos.
Ito ang inaasahan ng Diyos.
Ito ang inaasahan ng Diyos.
II
Nais nating mahalin ang Diyos,
ngunit sa kabila nito, tayo'y walang kapangyarihan.
Lahat tayo'y biktima nito.
Sa kadahilanang ito,
poot tayo sa pulang dragon mula sa kaibuturan natin,
at ma'ari lamang tayong maghintay na malipol ito ng Diyos.
Dapat nating itakda ang ating puso sa
pagsasakatuparan ng kalooban ng Diyos na mahalin Siya.
Ito ang landas na dapat nating tahakin.
Ito ang pa'no natin dapat gugulin ang buhay natin.
Isagawa natin ang kalooban ng Diyos bilang ating layunin
at mamuhay ng buhay na puno ng kahulugan at karingalan.
III
Sa ganito, mamamatay tayo nang walang panghihinayang,
may pusong puno ng pasasalamat at aliw.
Nawa'y paliwanagan tayo ng Diyos,
upang mabatid natin pagiging kaibig-ibig N'ya,
ibigin ang ating Diyos sa kaibuturan ng ating mga puso,
at ipakita ang pag-ibig natin para sa Kanya
sa iba't ibang tungkulin.
Nawa'y pagkalooban tayo ng Diyos
ng pusong walang-maliw ang pag-ibig sa Kanya.
Ito ang inaasahan ng Diyos.
Ito ang inaasahan ng Diyos.
Ito ang inaasahan ng Diyos.
Ito ang inaasahan ng Diyos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento