Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

13 Setyembre 2019

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos

Binibigkas ng Diyos ang Kanyang mga salita at ginagawa ang Kanyang gawain ayon sa iba’t ibang mga kapanahunan, at sa iba’t ibang kapanahunan, bumibigkas Siya ng iba’t ibang mga salita. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alituntunin, o nag-uulit ng parehong gawain, o nangungulila para sa mga bagay ng nakaraan; Siya ay isang Diyos na palaging bago at kailanma’y hindi naluluma, at bawat araw ay bumibigkas Siya ng bagong mga salita. Ikaw ay dapat sumunod doon sa dapat sundin ngayon; ito ay ang pananagutan at tungkulin ng tao. Napakahalaga na ang pagsasagawa ay maisentro sa liwanag at mga salita ng Diyos sa kasalukuyan.

07 Setyembre 2019

Salita ng Diyos | Yaong mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos

Salita ng Diyos | Yaong mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos

Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagbabago bawat araw, pataas nang pataas sa bawat hakbang; ang pahayag ng bukas ay mas mataas pa kaysa sa ngayon, isa-isang hakbang ay umaakyat nang lalo pang mataas. Ganyan ang gawain kung saan ay ginagawang perpekto ng Diyos ang tao. Kung hindi makakasabay ang tao, siya ay maaaring maiwan sa anumang sandali. Kung ang tao ay hindi nagtataglay ng masunuring puso, hindi siya makakasunod hanggang katapusan. Ang dating kapanahunan ay nakalipas na; ito ay isang bagong kapanahunan.

30 Agosto 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayahang Kumatawan sa Diyos


Mga Pagbigkas ni Cristo | Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayahang Kumatawan sa Diyos


Ang tao ay nabubuhay sa ilalim ng pagkabalot sa impluwensya ng kadiliman, nakagapos sa impluwensya ni Satanas nang walang matatakasan. At ang disposisyon ng tao, pagkatapos nitong napasailalim na sa pagpoproseso ni Satanas, ay nagiging lalo pang tiwali. Masasabi ng isa na ang tao ay noon pa namumuhay kasama ang kanyang tiwali at malasatanas na disposisyon, walang kakayahang tunay na ibigin ang Diyos. Yamang ganito, kung nais ng tao na ibigin ang Diyos, kailangan niyang mahubaran ng kanyang pagmamagaling, labis na pagpapahalaga sa sarili, pagmamataas, pagkamakasarili, at mga gaya nito, na kabilang lahat sa disposisyon ni Satanas.

12 Hulyo 2019

Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos


Ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto, na nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto. Hindi kabilang sa tatlong mga yugtong ito ang gawain ng paglikha ng mundo, kundi ang tatlong mga yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian.

10 Hulyo 2019

Ang Kaugnayan sa Pag-itan ng Bawa’t Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos.


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Mula sa gawain ni Jehova hanggang kay Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa kasalukuyang yugtong ito, sinasakop nitong tatlong yugto sa patuloy na hanay ang buong lawak ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ay gawa ng isang Espiritu. Mula sa paglikha ng mundo, ang Diyos ay palaging gumagawa sa pamamahala ng sangkatauhan.

06 Hulyo 2019

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Ang Pag-alam sa Layunin at Kabuluhan ng Bawa’t Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Sa panahong ito, ang kabuluhan, layunin, at mga yugto ng gawain ni Jehova sa Israel ay upang simulan ang Kanyang gawain sa buong lupa, na, mula sa Israel bilang sentro, ay unti-unting lumaganap sa mga bansang Gentil. Ito ang prinsipyong batayan ng Kanyang mga ginagawa sa buong sansinukob—ang magtatag ng modelo at pagkatapos ay palawakin ito hanggang sa ang lahat ng tao sa sansinukob ay tumanggap ng Kanyang ebanghelyo.

04 Hulyo 2019

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Dapat Mong Malaman ang Adhikain ng Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang layunin ng tatlong mga yugto ng gawain ay ang kaligtasan ng buong sangkatauhan—na nangangahulugang ang ganap na kaligtasan ng tao mula sa sakop ni Satanas. Bagaman ang bawa’t isa sa tatlong mga yugto ng gawain ay may ibang layunin at kabuluhan, ang bawa’t isa ay bahagi ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at ito ay naiibang gawain ng pagliligtas na isinasakatuparan ayon sa mga pangangailangan ng sangkatauhan. ...

24 Mayo 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo-Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain


Una, umawit tayo ng isang himno: Ang Awit ng Kaharian (I) Ang Kaharian ay Bumaba sa Mundo.

I. Ang kaharian ng Diyos ay nakarating na sa lupa; ang persona ng Diyos ay ganap at sagana. Sino’ng makakahinto sa pagbubunyi? Sino’ng makakahinto sa pagsayaw? O Sion, itaas ang ‘yong bandila ng tagumpay upang magdiwang para sa Diyos. Awitin ang ‘yong awit ng tagumpay upang ikalat ang banal N’yang ngalan sa buong mundo. Di-mabilang na mga tao’y nagagalak na nagpupuri sa D’yos, di-mabilang na tinig ‘tinataas ngalan N’ya. Masdan kamangha-mangha N’yang mga gawa; ngayo’y kaharian N’ya’y nakarating na sa lupa.

23 Mayo 2019

Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo-Ang Pagkilala sa Diyos ang Daan sa Pagkatakot sa Diyos at Pag-iwas sa Masama


Bawa’t isa sa inyo ay dapat magsuring muli ng inyong buhay-pananampalataya sa Diyos para makita kung, sa paghahabol sa Diyos, ay tunay na naunawaan mo, tunay na naintindihan, at tunay na nakilala mo ang Diyos, kung tunay na alam mo kung anong saloobin ang tinitiis ng Diyos sa iba’t ibang uri ng tao, at kung tunay na nauunawaan mo kung ano ang ginagawa ng Diyos sa iyo at ano ang pakahulugan ng Diyos sa bawa’t kilos mo.

10 Mayo 2019

Tagalog Gospel Songs-Nawa'y Mabatid Natin ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos



I
Namumuhay sa lupaing ito ng karumihan,
tayo'y malabis na inuusig ng malaking pulang dragon.
At nakabuo tayo ng pagkapoot para dito.
Hinahadlangan nito ang pag-ibig natin sa Diyos
at hinihikayat ang ating kasakiman
para sa 'ting mga pagkakataon sa hinaharap.

29 Abril 2019

Tagalog Christian Songs | "Ang mga Taong Natamo ng Diyos ay Nagtataglay ng Realidad"




Tagalog Christian Songs-Ang mga Taong Natamo ng Diyos ay Nagtataglay ng Realidad

I Ang Diyos ay praktikal na Diyos. Lahat ng Kanyang gawain, Kanyang bawat salita, mga katotohanang Kanyang ipinahayag ay praktikal. Lahat ng iba pa'y hungkag at hindi tama. Gagabay sa tao Banal na Espiritu tungo sa mga salita ng Diyos. Para makapasok sa realidad, kailangan ng taong hanapin, alamin, at maranasan ito. Sila na taglay at alam ang realidad ay ang mga natamo ng Diyos. Alam nila ang Kanyang mga gawain sa pamamagitan ng pagdanas sa realidad. Mas nakikipagtulungan ka sa Diyos at lalo mong dinidisiplina ang iyong laman, lalong gagawa ang Diyos at magliliwanag sa iyo, at iyong matatamo ang realidad at malalaman ang mga gawain ng Diyos. II Siya na mas nakakaalam ng realidad ay kayang makita kung kaninong mga salita ang totoo, at mas kaunti ang mga akala. Mas maraming karanasan, mas lalong malalaman ng tao ang mga gawain ng Diyos at iwawaksi ang kanilang mga kasamaan. Mas marami silang taglay na realidad, mas makikilala nila ang Diyos, kamumuhian ang laman at mamahalin ang katotohanan, mas malapit sa mga pamantayan ng Diyos. Sila na taglay at alam ang realidad ay ang mga natamo ng Diyos. Alam nila ang Kanyang mga gawain sa pamamagitan ng pagdanas sa realidad. Mas nakikipagtulungan ka sa Diyos at lalo mong dinidisiplina ang iyong laman, lalong gagawa ang Diyos at magliliwanag sa iyo, at iyong matatamo ang realidad at malalaman ang mga gawain ng Diyos. III Mamuhay sa liwanag ng Diyos ngayon, lilinaw ang iyong landas ng pagsasagawa. Mapapalaya mo ang iyong sarili sa dating gawain at lumang relihiyosong pag-iisip. Ngayon ang pansin ay sa realidad. Kapag mas taglay ito ng tao, mas malinaw ang kanilang kaalaman sa katotohanan at pag-unawa sa kalooban ng Diyos. Sila na taglay at alam ang realidad ay ang mga natamo ng Diyos. Alam nila ang Kanyang mga gawain sa pamamagitan ng pagdanas sa realidad. Mas nakikipagtulungan ka sa Diyos at lalo mong dinidisiplina ang iyong laman, lalong gagawa ang Diyos at magliliwanag sa iyo, at iyong matatamo ang realidad at malalaman ang mga gawain ng Diyos. mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin


12 Marso 2019

Tanging ang Salita ng Diyos ang Makapagbibigay ng Buhay sa Tao



Tagalog Christian Movies"Sino Siya na Nagbalik" Clip 6 - Tanging ang Salita ng Diyos ang Makapagbibigay ng Buhay sa Tao

Maraming tao ang naniwala sa Diyos sa loob ng isang libong taon, ngunit napakakaunti ang nakaintindi kung ano ang katotohanan, at mas kaunti pa ang nakaintindi kung bakit nagagawa ng katotohanan na maging mga buhay natin,

11 Marso 2019

Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng mga Salita ng Diyos at mga Salita na Umaayon Sa Katotohanan



Tagalog Christian Movies"Sino Siya na Nagbalik" Clip 5 - Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng mga Salita ng Diyos at mga Salita na Umaayon Sa Katotohanan


Alam mo ba ang pagkakaiba sa pagitan ng mga salita ng Diyos na katotohanan mismo, at ang mga salita ng mga espiritwal na tao na umaayon lamang sa katotohanan?

10 Marso 2019

Tanging ang Diyos ang Makagagawa ng Paghatol



Tagalog Christian Movies-"Sino Siya na Nagbalik" Clip 4 - Tanging ang Diyos ang Makagagawa ng Paghatol


     Alam mo ba kung bakit personal na ginagawa ng Diyos ang Kanyang paghatol sa mga huling araw sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, sa halip na gumamit ng tao para gawin ito? Ipapakita sa iyo ng maikling video na ito ang tamang landas.

09 Marso 2019

Paano Malalaman ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao



Tagalog Christian Movies-"Sino Siya na Nagbalik" Clip 3 - Paano Malalaman ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao

Ang Diyos ay nagkatawang-tao bilang isang ordinaryong tao para gumawa at iligtas ang tao, ngunit dahil hindi natin kilala ang Diyos na nagkatawang-tao, madalas nating itinuturing ang gawain ng Diyos bilang gawain ng tao.

08 Marso 2019

Paano Malalaman ang Pagkakaiba ng Tunay na Cristo at mga Huwad na Cristo 2



"Sino Siya na Nagbalik" - Paano Malalaman ang Pagkakaiba ng Tunay na Cristo at mga Huwad na Cristo 2

Maraming tao na ang nagpapatotoo ngayon na nagbalik na ang Panginoong Jesus bilang ang Makapangyarihang Diyos at kasalukuyang ginagawa ang Kanyang paghatol simula sa pamilya ng Diyos.

07 Marso 2019



"Sino Siya na Nagbalik" Clip 1 - Paano Malalaman ang Pagkakaiba ng Tunay na Cristo at mga Huwad na Cristo 1

Narito tayo ngayon sa huling yugto ng mga huling araw at natupad na lahat ng hula hinggil sa pagbabalik ng Panginoon.

05 Marso 2019

Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap”


Sa loob ng libong mga taon, pinananabikan ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Pinananabikan ng tao na makita si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, sa Kanyang pagkatao, sa mga taong nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libong mga taon.

02 Marso 2019

Ang Disposisyon ng Diyos Ay Mataas at Dakila



Tagalog Worship Songs | "Ang Disposisyon ng Diyos Ay Mataas at Dakila"

I
Galit ang Diyos dahil ang mga bagay na di matuwid
ay nandito upang guluhin ang sangkatauhan,
at ang kadiliman at kasamaa'y umiiral,
gaya ng mga bagay na nagtataboy sa katotohanan,
at may mga bagay na laban sa kabutihan.

27 Pebrero 2019

Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabintatlong Pagbigkas



Salita ng Buhay | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabintatlong Pagbigkas

    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung walang aktuwal na karanasan, hindi Ako kailanman makikilala ng isang tao, hindi niya kailanman magagawang makilala Ako sa pamamagitan ng Aking mga salita.