Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

25 Disyembre 2019

Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos (Sipi)


Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos (Sipi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pamamahala ng Diyos ay upang makamtan ang isang pangkat ng mga tao na sumasamba sa Diyos at nagpapasakop sa Kanya. Ang sangkatauhang ito ay ginawang tiwali na ni Satanas, nguni’t hindi na nakikita si Satanas bilang kanyang ama; nakikilala niya ang pangit na mukha ni Satanas, at tinatanggihan ito, at lumalapit sa harap ng Diyos upang tanggapin ang Kanyang paghatol at pagkastigo. Alam niya kung ano ang pangit, at kung gaano ito kasalungat ng kung ano ang banal, at kinikilala niya ang kadakilaan ng Diyos at ang kasamaan ni Satanas. Ang sangkatauhang tulad nito ay hindi na maglilingkod kay Satanas, o sasamba kay Satanas, o idadambana si Satanas. Iyon ay dahil sila ay isang pangkat ng mga tao na tunay nang nakamit ng Diyos. Ito ang kahalagahan ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan."

19 Nobyembre 2019

Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas (Sipi)


Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas (Sipi)


Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

13 Oktubre 2019

Tagalog Christian Songs | "Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan"


Tagalog Christian Songs | "Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan"


I
Ibinigay ng Diyos luwalhati Niya sa Israel
at inalis ito mula roon,
dala ang mga Israelita't lahat ng tao sa Silangan.
Lahat sila'y inakay ng D'yos sa liwanag
nang sila'y muling magkasama't makisama sa liwanag,
 'di na kailangang hanapin, 
hanapin ang liwanag.
Hahayaan ng Diyos ang lahat ng naghahanap 
na makitang muli ang liwanag
at ang kaluwalhatian Niya sa Israel,
makita ang Diyos na bumaba sa puting ulap
sa gitna ng mga tao,
makita ang mga puting ulap, 
makita ang mga kumpol ng prutas,
makita si Jehova Diyos ng Israel, Diyos ng Israel,

03 Setyembre 2019

Kidlat ng Silanganan—Pagbigkas ng Diyos | Nakarating na ang Milenyong Kaharian


Kidlat ng Silanganan—Pagbigkas ng Diyos | Nakarating na ang Milenyong Kaharian

Nakita na ba ninyo kung anong gawain ang tutuparin ng Diyos sa grupong ito ng mga tao? Sinabi ng Diyos, kahit na sa Milenyong Kaharian ay dapat sundin pa rin ng mga tao ang Kanyang mga pagbigkas at tuluy-tuloy, at sa hinaharap ang mga pagbigkas ng Diyos ay direkta pang gagabay sa buhay ng tao sa mabuting lupain ng Canaan. Noong si Moises ay nasa kagubatan, direktang nagtagubilin at nagsalita sa kanya ang Diyos.

10 Hulyo 2019

Ang Kaugnayan sa Pag-itan ng Bawa’t Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos.


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Mula sa gawain ni Jehova hanggang kay Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa kasalukuyang yugtong ito, sinasakop nitong tatlong yugto sa patuloy na hanay ang buong lawak ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ay gawa ng isang Espiritu. Mula sa paglikha ng mundo, ang Diyos ay palaging gumagawa sa pamamahala ng sangkatauhan.

04 Hulyo 2019

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Dapat Mong Malaman ang Adhikain ng Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang layunin ng tatlong mga yugto ng gawain ay ang kaligtasan ng buong sangkatauhan—na nangangahulugang ang ganap na kaligtasan ng tao mula sa sakop ni Satanas. Bagaman ang bawa’t isa sa tatlong mga yugto ng gawain ay may ibang layunin at kabuluhan, ang bawa’t isa ay bahagi ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at ito ay naiibang gawain ng pagliligtas na isinasakatuparan ayon sa mga pangangailangan ng sangkatauhan. ...

30 Mayo 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo-Kapag Namamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus ay Magiging Kung Kailan Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa

Inaasam mo bang makita si Jesus? Inaasam mo bang mabuhay kasama si Jesus? Inaasam mo bang marinig ang mga salitang sinasambit ni Jesus? Kung gayon, paano mo naman sasalubungin ang pagbabalik ni Jesus? Handang-handa ka na ba? Sa anong paraan mo sasalubungin ang pagbabalik ni Jesus? Sa palagay Ko bawa’t kapatid na lalaki at babae na sumusunod kay Jesus ay gugustuhing malugod na salubungin si Jesus.

29 Mayo 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo-Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao

Ang gawain ng Diyos sa gitna ng mga tao ay hindi maihihiwalay mula sa tao, dahil ang tao ay ang layon ng gawaing ito, at ang tanging nilikha ng Diyos na kayang magpatotoo sa Diyos. Ang buhay ng tao at lahat ng kanyang mga gawain ay hindi maihihiwalay mula sa Diyos, at lahat ay pinipigilan ng mga kamay ng Diyos, at maaari pang masabi na walang tao ang maaaring mag-isang umiral nang hiwalay sa Diyos.

27 Mayo 2019

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos-Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan

Ang anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ng Diyos ay malapit na ang pagtatapos, at ang pintuang-daan ng kaharian ay ibinukas na para sa kanilang mga nagnanais makita ang pagpapakita ng Diyos. Mga mahal na kapatid, ano pa ang hinihintay ninyo? Ano ang hinahanap ninyo? Kayo ba ay hinihintay ang pagpapakita ang Diyos? Kayo ba ay hinahanap ng mga yapak ng Diyos?

24 Mayo 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo-Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain


Una, umawit tayo ng isang himno: Ang Awit ng Kaharian (I) Ang Kaharian ay Bumaba sa Mundo.

I. Ang kaharian ng Diyos ay nakarating na sa lupa; ang persona ng Diyos ay ganap at sagana. Sino’ng makakahinto sa pagbubunyi? Sino’ng makakahinto sa pagsayaw? O Sion, itaas ang ‘yong bandila ng tagumpay upang magdiwang para sa Diyos. Awitin ang ‘yong awit ng tagumpay upang ikalat ang banal N’yang ngalan sa buong mundo. Di-mabilang na mga tao’y nagagalak na nagpupuri sa D’yos, di-mabilang na tinig ‘tinataas ngalan N’ya. Masdan kamangha-mangha N’yang mga gawa; ngayo’y kaharian N’ya’y nakarating na sa lupa.

06 Mayo 2019

Tanong 2: Hindi pa natin nasisiguro kung nasa lupa o nasa langit ang kaharian ng Diyos. Maraming beses nang nagsalita ang Panginoong Jesus ng “malapit na ang kaharian ng langit” at “Dumarating ang kaharian ng langit.” Kung “kaharian ng langit,” ibig sabihin nasa langit ‘yon. Pa’no ‘yon napunta sa lupa?

Sagot: Kailangang maging malinaw sa ‘ting lahat na ang “langit” ay laging tumutukoy sa Diyos. Ang “kaharian ng langit” ay malinaw na tumutukoy sa kaharian ng Diyos. Inihahayag din sa Pahayag, “ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao,” “Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo.” Ibig sabihin no’n, itatatag sa lupa ang kaharian ng Diyos.

03 Mayo 2019

Mga Klasikong Salita tungkol sa Paghahayag ng Diyos sa Gawain ng Kapanahunan ng Biyaya

32. Pagkatapos nito, noong Kapanahunan ng Biyaya, dumating si Jesus upang tubusin ang buong natisod na sangkatauhan (at hindi lamang ang mga Israelita). Nagpakita Siya ng awa at mapagmahal-na-kabaitan sa tao. Ang Jesus na nakita ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya ay puno ng mapagmahal-na-kabaitan at laging mapagmahal sa tao, sapagka’t naparito Siya upang iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan.

02 Mayo 2019

Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo-Mga Klasikong Salita tungkol sa Paghahayag ng Diyos sa Gawain ng Kapanahunan ng Kautusan


22. Noong Kapanahunan ng Kautusan, naglatag si Jehova ng maraming mga utos kay Moises upang ipasa sa mga Israelitang sumunod sa kanya palabas ng Egipto. Ang mga utos na ito ay ibinigay ni Jehovah sa mga Israelita, at walang kaugnayan sa mga Egipcio; ang mga ito ay nilayon upang higpitan ang mga Israelita. Ginamit ng Diyos ang mga utos upang hingan sila.

29 Abril 2019

Tagalog Christian Songs | "Ang mga Taong Natamo ng Diyos ay Nagtataglay ng Realidad"




Tagalog Christian Songs-Ang mga Taong Natamo ng Diyos ay Nagtataglay ng Realidad

I Ang Diyos ay praktikal na Diyos. Lahat ng Kanyang gawain, Kanyang bawat salita, mga katotohanang Kanyang ipinahayag ay praktikal. Lahat ng iba pa'y hungkag at hindi tama. Gagabay sa tao Banal na Espiritu tungo sa mga salita ng Diyos. Para makapasok sa realidad, kailangan ng taong hanapin, alamin, at maranasan ito. Sila na taglay at alam ang realidad ay ang mga natamo ng Diyos. Alam nila ang Kanyang mga gawain sa pamamagitan ng pagdanas sa realidad. Mas nakikipagtulungan ka sa Diyos at lalo mong dinidisiplina ang iyong laman, lalong gagawa ang Diyos at magliliwanag sa iyo, at iyong matatamo ang realidad at malalaman ang mga gawain ng Diyos. II Siya na mas nakakaalam ng realidad ay kayang makita kung kaninong mga salita ang totoo, at mas kaunti ang mga akala. Mas maraming karanasan, mas lalong malalaman ng tao ang mga gawain ng Diyos at iwawaksi ang kanilang mga kasamaan. Mas marami silang taglay na realidad, mas makikilala nila ang Diyos, kamumuhian ang laman at mamahalin ang katotohanan, mas malapit sa mga pamantayan ng Diyos. Sila na taglay at alam ang realidad ay ang mga natamo ng Diyos. Alam nila ang Kanyang mga gawain sa pamamagitan ng pagdanas sa realidad. Mas nakikipagtulungan ka sa Diyos at lalo mong dinidisiplina ang iyong laman, lalong gagawa ang Diyos at magliliwanag sa iyo, at iyong matatamo ang realidad at malalaman ang mga gawain ng Diyos. III Mamuhay sa liwanag ng Diyos ngayon, lilinaw ang iyong landas ng pagsasagawa. Mapapalaya mo ang iyong sarili sa dating gawain at lumang relihiyosong pag-iisip. Ngayon ang pansin ay sa realidad. Kapag mas taglay ito ng tao, mas malinaw ang kanilang kaalaman sa katotohanan at pag-unawa sa kalooban ng Diyos. Sila na taglay at alam ang realidad ay ang mga natamo ng Diyos. Alam nila ang Kanyang mga gawain sa pamamagitan ng pagdanas sa realidad. Mas nakikipagtulungan ka sa Diyos at lalo mong dinidisiplina ang iyong laman, lalong gagawa ang Diyos at magliliwanag sa iyo, at iyong matatamo ang realidad at malalaman ang mga gawain ng Diyos. mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin


27 Abril 2019

Tagalog Christian Songs-Nagpapasiya ang Diyos sa Kalalabasan ng Tao Ayon sa Kanilang Diwa




I
Kung makaligtas ang isang tao sa huli,
iyo'y dahil nagawa niya ang mga ipinagagawa ng Diyos.
Ngunit kung 'di siya makakaligtas sa huli,
ito'y dahil sumusuway sila't di mapapalugod nais ng Diyos.
Di puwedeng ipasa ang masasamang gawa
ni ang katuwiran ng isang bata
sa kanyang mga magulang.

19 Abril 2019

Ang Paniniwala sa Tsismis ay Pagkawala sa Pagliligtas ng Diyos sa mga Huling Araw

Tuwing may naririnig silang nagsasalita tungkol sa ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, maraming kapatid sa loob ng iglesia ang hindi nakakarinig at ayaw mangahas na tanggapin ang sinabi dahil nagulat sila sa kagila-gilalas na tsismis.

23 Marso 2019

Tagalog Christian Music | "Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan"



Tagalog Christian Music| "Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan"

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pagpapakita ng Diyos ay tumutukoy sa Kanyang personal na pagdating sa lupa upang gampanan ang Kanyang gawain. Dala ang Kanyang pagkakakilanlan at disposisyon, at ang Kanyang likas na pamamaraan, Siya ay bumababa sa sangkatauhan upang isakatuparan ang gawain ng pag-uumpisa ng isang panahon at pagtatapos ng isang panahon.

21 Marso 2019

Tagalog Christian Movies | "Pagkamulat" | The Call of God's Love (Tagalog Dubbed)



Tagalog Christian Movies | "Pagkamulat" | The Call of God's Love (Tagalog Dubbed)

Isang tagapangaral si Lu Xiu'en sa isang bahay-iglesia sa Tsina. Sa paniniwala niya sa mga maling pananaw na ikinakalat ng mga relihiyosong pastor at elder, nagpatuloy siya sa pagpilit na "pinatawad na ng Panginoong Jesus ang kasalanan ng tao, at palaging maliligtas ang mga naniniwala sa Panginoon. Hindi na nila kailangang tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw." 

20 Marso 2019

Paano winawakasan ng pagkakatawang-tao ng Diyos para gawin ang gawain ng paghatol ang pananalig ng sangkatauhan sa malabong Diyos at ang madilim na kapanahunan ng dominyon ni Satanas?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“At mangyayari sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at magiging mataas sa mga burol; at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon. At maraming bayan ay magsisiyaon at mangagsasabi, Halina kayo, at tayo'y magsiahon sa bundok ng Panginoon, sa bahay ng Dios ni Jacob; at tuturuan niya tayo ng kaniyang mga daan, at tayo'y magsisilakad sa kaniyang mga landas: sapagka't mula sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem.

16 Marso 2019

Ang Kaligtasan ay Maaari Lamang Makamtan sa Pamamagitan ng Pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Nang si Jesus ay naparito sa mundo ng tao, dinala Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahon ng mga huling araw, ang Diyos ay muling naging katawang-tao, at nang Siya’s naging katawang-tao sa panahong ito, tinapos Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at dinala ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang lahat ng mga tumatanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay madadala tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at personal na makakatanggap ng paggabay ng Diyos.