Naglalaman ng isang bahagi ng Kanyang disposisyon ang lahat ng
salita ng Diyos; hindi lubusang maihahayag sa mga salita ang Kanyang disposiyon, kaya ipinakikita nito kung gaano ang kasaganaan na nasa Kanya. Kung ano ang maaaring makita at mahipo ng mga tao ay, tutal, limitado, gaya ng kakayahan ng mga tao. Bagaman malinaw ang mga salita ng Diyos, hindi kayang lubusang nauunawaan ng mga tao. Katulad ng mga salitang ito: “Sa isang siklab ng kidlat, naibubunyag ang bawat hayop sa tunay na anyo nito. Gayundin naman, dahil sa paglilinaw ng Aking liwanag, nabawi ng sangkatauhan ang kabanalang dati minsan nilang tinaglay. O, na sa wakas ang tiwaling mundo ng nakaraan ay nabuwal tungo sa maruming tubig at, habang lumulubog pailalim, naglaho sa putikan!” Naglalaman ng Kanyang pagiging Diyos ang lahat ng mga salita ng Diyos, at kahit na batid lahat ng mga tao ang mga salitang ito, hindi nila kailanman nalalaman ang mga kahulugan nito. Sa mga mata ng Diyos, lahat yaong mga lumalaban sa Kanya ang kaaway Niya, iyan ay, mga hayop ang mga nabibilang sa masasamang espiritu. Mamamasdan mula rito ang aktuwal na situwasyon ng iglesia. Nang hindi sumasailalim sa mga pangangaral o pagkastigo ng mga tao, nang hindi dumaraan sa tuwirang pagtitiwalag o isang bahagi ng mga pamamaraan ng tao o itinatawag-pansin ng mga tao, sinusuri ng lahat ng tao ang kanilang mga sarili sa ilalim ng pagpapalinaw ng mga salita ng Diyos, at napakalinaw na nakikita sa ilalim ng pangmalas ng isang “mikroskopyo” gaano kalala ang sakit na talagang nasa loob nila. Sa mga salita ng Diyos, pinag-uri-uri ang bawat uri ng espiritu at ibinubunyag ang orihinal na anyo ng bawat espiritu. Nagiging higit at higit na napalinawan at naliwanagan ang mga espiritu ng anghel, kaya ang sinabi ng Diyos, na silang “nabawi ng sangkatauhan ang kabanalang dati minsan nilang tinaglay have regained the sanctity they once possessed,” ay nakabatay sa mga pinakahuling resulta na natamo ng Diyos. Siyempre pa ngayon hindi pa ito lubusang matatamo—isang patikim lang ito. Nakikita ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan nito at ipinapakita nito na babagsak sa mga salita ng Diyos ang isang malaking bahagi ng tao at tatalunin sa pamamaraan ng unti-unting pagiging banal ng lahat ng tao. Ang “naglaho sa putikan” na binanggit dito ay hindi nagkakasalungat sa pagwasak ng Diyos sa mundo ng apoy, at ang “kidlat” ay tumutukoy sa poot ng Diyos. Kapag inilalabas ng Diyos ang Kanyang malaking poot, mararanasan ng buong mundo ang lahat ng uri ng sakuna bunga nito, tulad ng pagputok ng isang bulkan. Nakatayo sa ibabaw ng himpapawid, makikita na sa daigdig papalapit na ang lahat ng uri ng kapahamakan sa buong sangkatauhan, araw-araw. Pinagmamasdan mula sa itaas, parang isang sari-saring mga tanawin ang daigdig bago ang isang lindol. Rumaragasa sa lahat ng dako ang nag-aapoy na tubig, umaagos ang kumukulong putik sa lahat ng paligid, lumilipat ang mga bundok, at kumikislap sa lahat ng dako ang malamig na liwanag. Napapasadlak sa apoy ang buong mundo. Ito ang tanawin na inilalabas ng Diyos ang Kanyang poot, at ito ang panahon ng Kanyang
paghatol. Hindi makakatakas ang lahat ng mga nasa laman. Kaya hindi kakailanganin ang mga digmaan sa pagitan ng mga bayan at mga alitan sa pagitan ng mga tao para wasakin ang buong mundo, pero “may kamalayang matatamasa” nito ang duyan ng pagkastigo ng Diyos. Walang sinumang makakatakas dito at daraan silang paisa-isa rito. Pagkatapos niyon muling manginginang sa banal na kaningningan ang buong sansinukob at magsisimula muli ng isang bagong buhay ang buong sangkatauhan. At magiging nasa kapahingahan ang Diyos sa ibabaw ng sansinukob at pagpapalain ang buong sangkatauhan bawat araw. Hindi magiging di-nakakayanang mapanglaw ang langit, pero mapapanumbalik ang sigla na hindi ito nagkaroon simula noong paglikha ng mundo, at ang “ikaanim na araw” ay kung kailan magsisimula ng isang bagong buhay ang Diyos. Ang Diyos at tao ay lahat papasok sa kapahingahan at hindi na magiging mabaho o marumi ang sansinukob, pero matatamo nito ang pagpapanibago. Kaya nga sinabi ng Diyos: “Hindi na payapa at tahimik ang mundo, hindi na mapanglaw at malungkot ang langit.” Hindi kailanman nagkaroon ng di-pagkamatuwid o mga damdamin ng tao sa kaharian ng langit, o anuman sa mga masasamang disposisyon ng sangkatauhan dahil wala ang panggugulo ni Satanas. Kayang maunawaan lahat ng mga tao ang mga salita ng Diyos, at isang buhay na puno ng kaligayahan ang
buhay sa langit. May karunungan at ang dignidad ng Diyos ang lahat yaong nasa langit. Dahil sa mga pagkakaiba sa pagitan ng langit at daigdig, hindi tinatawag ang mga mamamayan ng langit na “mga tao,” pero tinatawag silang “mga espiritu” ng Diyos. Mayroong mga pangunahing pagkakaiba ang dalawang salitang ito, at ngayon ang mga tinutukoy na “mga tao” ay lahat napasama ni Satanas, habang ang “mga espiritu” ay hindi. Sa katapusan, babaguhin ng Diyos ang lahat ng mga tao sa daigdig para magkaroon ng mga katangian ng mga espiritu sa langit at hindi na pasasailalim sa panggugulo ni Satanas. Ito ang tunay na kahulugan ng mga salitang “ang Aking kabanalan ay umabot sa buong sansinukob My holiness has gone abroad throughout the universe.” “Ang mundo sa una nitong kalagayan ay kabilang sa langit, at nakaugnay ang langit sa lupa. Ang tao ang nag-uugnay sa langit at lupa, at salamat sa kanyang kabanalan, salamat sa kanyang pagpapanibago, hindi na lingid sa lupa ang langit, at hindi na nananatiling tahimik ang lupa sa langit.” Ito ang sinasabi sa pagtukoy sa mga taong mayroong mga espiritu ng anghel, at sa pagkakataong iyon muling makakayang magkakasamang mamumuhay nang mapayapa ang mga anghel at mapanunumbalik ang kanilang orihinal na katayuan, at hindi na mahahati sa pagitan ng dalawang kaharian ng langit at daigdig dahil sa katawang-tao. Makakayang makipagtalastasan ng mga anghel sa daigdig sa mga anghel sa langit, malalaman ng mga tao sa daigdig ang mga hiwaga ng langit, at malalaman ng mga anghel sa langit ang mga lihim ng mundo ng tao. Magkakaisa ang langit at daigdig na walang agwat sa pagitan ng mga ito. Ito ang kagandahan ng pagsasakatuparan ng kaharian. Ito ang nais ng Diyos na gawing ganap, at ito rin ang isang bagay na inaasam ng lahat ng mga tao at mga espiritu. Pero walang alam dito ang mga nasa relihiyosong mundo. Naghihintay lang sila kay Jesus na Tagapagligtas sa isang puting ulap upang kunin ang kanilang mga kaluluwa, iniiwan ang “basura” sa lahat ng dako sa daigdig (mga bangkay ang tinutukoy na basura). Hindi ba ito isang pagkaunawa ng lahat ng mga tao? Kaya nga sinabi ng Diyos: “Ang mundong relihiyoso—paano ito hindi wawasakin ng Aking awtoridad sa lupa?” Dahil sa pagiging ganap ng bayan ng Diyos sa daigdig babaligtarin ang relihiyosong mundo. Ito ang tunay na kahulugan ng “awtoridad” na sinabi ng Diyos. Sinabi ng Diyos: “Sa Aking panahon, mayroon bang nagbibigay ng kahihiyan sa pangalan Ko? Nakatuon sa Akin ang magalang na pagtingin ng buong sangkatauhan, at lihim silang tumatawag sa Akin sa kanilang mga puso.” Ito ang Kanyang sinabi tungkol sa kahihinatnan ng pagwasak sa relihiyosong mundo, na magpapasakop lahat sa harap ng trono ng Diyos dahil sa Kanyang mga salita at hindi na maghihintay para bumaba ang puting ulap o panoorin ang kalangitan, pero malulupig sa harap ng trono ng Diyos. Kaya, “lihim silang tumatawag sa Akin sa kanilang mga puso”—ito ang kalalabasan ng relihiyosong mundo, na malulupig lahat ng Diyos, at ito lang ang tinatawag na pagka-makapangyarihan ng Diyos—pinababagsak ang mga relihiyosong mga tao, ang pinaka-mapanghimagsik sa sangkatauhan, upang hindi na sila kailanman manghawak sa kanilang sariling mga pagkaunawa, pero makikilala nila ang Diyos.