Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

16 Disyembre 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Nalulungkot ang Diyos sa Kinabukasan ng Sangkatauhan"



Tagalog Praise Songs | Nalulungkot ang Diyos sa Kinabukasan ng Sangkatauhan


I
Sa malawak na mundo na nagbago
nang 'di mabilang na beses mula pa noon,
walang sinuman ang nangunguna at gumagabay sa tao, 
walang sinuman kundi Siya na namamahala sa lahat.
Walang dakila na gumagawa at naghahanda
para sa kapakanan ng sangkatauhan.
Walang gagabay sa kanila tungo sa masiglang kinabukasan,
ni magpapalaya mula sa kawalang katarungan ng mundo.

02 Agosto 2018

Christian Songs | Ang Awtoridad at Kapangyarihan na Ipinapakita ng Diyos Nang Nagkatawang-tao


I
D’yos ay dumating sa lupa upang katunaya’y tuparin,
katunayan ng “pagkakatawang-tao ng Salita.”
Ang mga salita ng D’yos nagmumula sa katawang-tao
(di tulad Sa Lumang Tipan,
tuwirang nagsalita ang D’yos mula langit).
Lahat sila’y matutupad sa Milenyong Kaharian
upang maging katunayang nakikita ng tao,
para katupara’y tiyak na makita ng lahat.
Ito ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ng D’yos.
Naganap ang gawain ng Espiritu
sa pamamagitan ng katawang-tao at salita.
Ito ang kahulugan ng “Salitang nagkatawang-tao,
ang pagpapakita ng Salita sa katawang-tao.”

23 Hulyo 2018

Christian Full Movie 2018 | "Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo!" (Tagalog dubbed)


Si Lee Chungmin ay elder sa isang iglesia sa Seoul, South Korea. Sa loob ng mahigit dalawampung taon, masigasig siyang naglingkod sa Panginoon, na lubos na nakatuon sa pag-aaral ng Biblia. Sa pagsunod sa halimbawa ng mga pinuno ng kanilang relihiyon, inakala niya na ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, at na ang pagsampalataya sa Biblia ay kaparehong-kapareho ng pagsampalataya sa Panginoon. Naniwala siya na basta’t sumunod siya sa Biblia, madadala siya sa kaharian ng langit. Ang mga ideyang ito ang pumigil sa kanya na gaya ng isang pares ng mga kadena, na pumipigil sa kanya na sundan ang mga yapak ng Diyos at manalig sa Kanya. Dahil dito, hindi naisip ni Lee Chungmin kailanman na siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw …
Isang araw, nagkataon lang na nanood siya ng ilang video ng mga himno sa website ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Lubha siyang naantig sa kanilang nakakapukaw na mga titik at magagandang himig, na nagbigay-inspirasyon sa kanya na siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Matapos makipagtalo nang ilang beses tungkol sa katotohanan, naunawaan na niya ang kuwento sa likod ng Biblia sa pamamagitan ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Malinaw na niyang naunawaan ang mga tunay na pangyayari: Kinokontra at tinutuligsa ng mga Fariseo ng mga relihiyon ang pagpapakita at gawain ng Diyos na nagkukunwaring pinupuri ang Biblia. Kalaunan, hindi niya pinansin ang pagkontrol at pagpigil ng mga relihiyong Fariseo at sumunod siya sa mga yapak ng Diyos …

06 Hulyo 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang mga Nalinis lang ang Makakapasok sa Kapahingahan


I
Ang sangkatauhan ng hinaharap,
kahit nagmula kay Adan at Eba,
di na mabubuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas,
bagkus lahi ng nailigtas, ng nalinis.
Ito'y sangkatauhan na kinastigo't hinatulan,
sangkatauhan na pinabanal.
Iba sila sa sinaunang lahi, sa sinaunang lahi nina Adan at Eba,
ibang-iba na halos isang ganap na bagong lahi.
Pinili mula sa mga tiniwali ni Satanas,
nakatayo nang matatag sa huling paghatol,
itong nalalabing grupo,
kasama ng Diyos, ang makakapasok sa huling kapahingahan.

03 Hulyo 2018

Tagalog Christian Music Video 2018 | "Umaasa ang Diyos na Makilala at Maintindihan Siya ng Tao"



Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Umaasa ang Diyos na Makilala at Maintindihan Siya ng Tao I Mula sa unang ugnayan ng Diyos sa sangkatauhan, nagbubunyag na Siya sa kanila ang kakanyahan, ano Siya't anong mayro'n Siya, patuloy, walang tigil. Kung ang tao sa mga kapanahunan ay makakita o makaintindi, Diyos ay nangungusap at gumagawa upang ipakita Kanyang disposisyon at kakanyahan. Kailanma'y di kinubli, tinago, nilabas nang walang reserbasyon, diwa at disposisyon ng Diyos, Kanyang persona't pag-aari, ay bunyag sa Kanyang gawa at ugnayan sa sangkatauhan. II Umaasa ang Diyos na maunawaan Siya ng tao, malaman Kanyang diwa, disposisyon, Na ayaw Niyang isipin nila bilang lihim ng kawalang-hanggan. 'Di rin Niya nais na tingnan Siya bilang isang bugtong na walang sagot. Kailanma'y di kinubli, tinago, nilabas nang walang reserbasyon, diwa at disposisyon ng Diyos, Kanyang persona't pag-aari, ay bunyag sa Kanyang gawa at ugnayan sa sangkatauhan. III Sa pagkakilala lang ng sangkatauhan sa Diyos nila malaman ang daang pasulong, marapat na patnubayan ng Diyos. Sila'y mamumuhay sa Kanyang dominyon, liwanag at pagpapala. Kailanma'y di kinubli, tinago, nilabas nang walang reserbasyon, diwa at disposisyon ng Diyos, Kanyang persona't pag-aari, ay bunyag sa Kanyang gawa at ugnayan sa sangkatauhan. Ang diwa at disposisyon ng Diyos, ay bunyag sa Kanyang gawa at ugnayan sa sangkatauhan. mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan


29 Hunyo 2018

Tagalog Christian Music Video 2018 | Tanging Landas ng Sangkatauhan Upang Makapasok sa Kapahingahan



Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Tanging Landas ng Sangkatauhan Upang Makapasok sa Kapahingahan

I
Yaong tumatayong matatag sa huling paglilinis ng Diyos
sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol
ay makakapasok sa huling pahinga.
Yaong nakalaya mula sa impluwensiya ni Satanas
ay makukuha ng Diyos at papasok sa huling kapahingahan.
Ang diwa ng paghatol at pagkastigo
ay upang linisin ang tao para sa kanyang huling pahinga.
Kung wala ang gawaing ito, 
tao'y hindi magagawang sundin ang kanyang uri.
Ito ang tanging daan upang makapasok sa kapahingahan.

12 Mayo 2018

Gumagawang Tahimik ang Diyos sa Katawang-tao Upang Iligtas ang Sangkatauhan

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Gumagawang Tahimik ang Diyos sa Katawang-tao Upang Iligtas ang Sangkatauhan

I
Ang D'yos naging katawang-tao,
nanatiling nakatago sa tao
upang gawin ang bagong gawain,
iligtas tayo sa kasamaan.
'Di Siya nagbibigay ng paliwanag.
Sa mga planong nagawa N'ya,
ginagawa Kanyang gawain paisa-isang hakbang.
Mga salita N'ya'y nadaragdagan araw-araw,
umaaliw, nagpapaalala, sumasaway, at nagbababala.
Mula sa mahinahon at mabait sa mabangis at makahari,
mga salita N'ya'y ikinikintal kahabaga't takot.
Lahat ng sinasabi N'ya'y inihahayag malalalim nating lihim.
Mga salita Niya'y tagos sa'tin at napapahiya tayo.
Mayroong walang katapusang tustos
ng Kanyang buhay na tubig.
At salamat sa Kanya,
namumuhay tayong kasama ang D'yos nang harapan.
Ang D'yos naging katawang-tao,
nanatiling nakatago sa tao
upang gawin ang bagong gawain,
iligtas tayo sa kasamaan.
'Di Siya nagbibigay ng paliwanag.
Sa mga planong nagawa N'ya,
ginagawa Kanyang gawain paisa-isang hakbang.

03 Abril 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Yaong Tumatanggap ng Bagong Gawa ay Pinagpala

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Yaong Tumatanggap ng Bagong Gawa ay Pinagpala | Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


I
Mapalad ang mga yaong kayang sumunod
ang kasalukuyang mga pagbigkas ng Espiritu Santo.
Paano man sila dati, paano ang Espiritu Santo,
paano Siya gumawa dati sa loob nila,
yaong nakakamit ng pinakabagong gawain ang mga pinaka-mapalad.
Ngayon, yaong 'di kayang sumunod
sa pinakabagong gawain ay aalisin.
Nais ng Diyos ang mga yaong
ma'aring tumanggap ng bagong liwanag,
at yaong tanggap at alam pinakabagong gawain Niya.

30 Marso 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan | Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan


Ibinigay ng Diyos luwalhati Niya sa Israel
at inalis ito mula roon,
dala ang mga Israelita't lahat ng tao sa Silangan.
Lahat sila'y inakay ng D'yos sa liwanag
nang sila'y muling magkasama't makisama sa liwanag,
 'di na kailangang hanapin, hanapin ang liwanag.
Hahayaan ng Diyos ang lahat ng naghahanap na makitang muli ang liwanag
at ang kaluwalhatian Niya sa Israel,
makita ang Diyos na bumaba sa puting ulap
sa gitna ng mga tao,
makita ang mga puting ulap, makita ang mga kumpol ng prutas,
makita si Jehova Diyos ng Israel, Diyos ng Israel,

21 Marso 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Walang Makakagawa ng Gawain ng Diyos sa Lugar Niya



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Walang Makakagawa ng Gawain ng Diyos sa Lugar Niya

I
Gawain ng Diyos ginagawa N'ya Mismo.
Siya ang  nagsisimula't nagtatapos ng gawain.
S'ya'ng nagpaplano ng gawain.
S'ya'ng namamahala't nagdadala ng gawain sa katuparan.
Saad sa Biblia, "Diyos ang Pasimula at ang Katapusan;
Diyos ang Tagahasik at Tagaani rin."
"Diyos, ang Pasimula't Katapusan;
Diyos ang Tagahasik at Tagaani rin, ang Tagaani rin."
Lahat na ugnay sa gawang pamamahala ay gawa ng kamay N'ya,
gawa Niya.

20 Marso 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Gawain ng Katawang-tao at ng Espiritu ay may parehong Diwa



 Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Gawain ng Katawang-tao at ng Espiritu ay may parehong Diwa | Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


I
Ang Espiritu ng Diyos ay may awtoridad sa bawat bagay.
Kanyang katawang-tao kasama ang diwa Niya,
ang kapangyarihan ay pareho pa rin.
Maari pa ring isagawa ng nagkatawang-taong Diyos
ang marami Niyang gawain.
Ginagawa lamang Niya ang kalooban ng Kanyang Ama.
At ang Diyos ay Espiritu,
maaari N'yang iligtas lahat ng sangkatauhan,
at gayon din ang Diyos sa katawang-tao.
Ginagawa ng Diyos ang Kanyang sariling gawain.
Ito ay isang bagay na hindi kailanman maaaring pinangarap
o nakamit ng sinumang tao.
Ang Diyos ay, Siya ang awtoridad,
ngunit ang Kanyang katawang-tao ay maaaring magpasakop dito.
Ito ang tunay na kahulugan ng
"sinusunod ni Kristo ang kalooban ng Ama."

15 Marso 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Alam Mo Ba ang Pinagmumulan ng Buhay na Walang Hanggan?

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Alam Mo Ba ang Pinagmumulan ng Buhay na Walang Hanggan?


I
Diyos ang pinagmumulan ng buhay ng tao;
langit at mundo'y nabubuhay sa Kanyang kapangyarihan.
Walang nabubuhay ang makakapalaya sa sarili 
mula sa utos at awtoridad ng Diyos.
Di na mahalaga kung sino ka, lahat ay dapat sumunod sa Diyos,
magpaubaya sa Kanyang dominyon, kontrol at mga kautusan!
Siguro ikaw ay sabik na mahanap ang buhay at katotohonan,
hanapin ang Diyos na iyong mapagkakatiwalaan 
upang matanggap ang buhay na walang hanggan.

20 Pebrero 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Sangkatauhang Namumuhay sa Ilalim ng Awtoridad ng Diyos


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Sangkatauhang Namumuhay sa Ilalim ng Awtoridad ng Diyos | Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


I
Sangkatauhan, na namumuhay sa lahat ng bagay,
ay tiniwali at nalinlang ni Satanas,
ngunit di pa rin n'ya makakayang wala ang tubig na ginawa ng Diyos,
at ang hangin at lahat ng mga bagay na likha ng Diyos.
Ang sangkatauhan ay nabubuhay pa at nagpapalaganap
sa puwang na ito na nilikha ng Diyos.

14 Pebrero 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Bukas na Pangangasiwa ng Diyos sa Sansinukob


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Bukas na Pangangasiwa ng Diyos sa Sansinukob

I
Kung mga bansa’t tao’y babalik sa Diyos,
ibibigay Niya lahat ng yaman ng langit sa sangkatauhan,
at nang umapaw walang kapantay na yaman dahil sa Kanya,
walang kapantay na yaman dahil sa Kanya.
Hanggang ang dating mundo ay nananatili,
poot ng Diyos ay t’yak ipupukol sa mga bansa,
ipapaalam mga utos Niya sa sansinukob,
at dala’y pagkastigo sa lalabag nito.
Mga bituin, araw’t buwan sa langit,
babaguhin ng Diyos lahat ng ‘to.
Kalangitan ay ‘di na gaya ng dati.
Lahat ng bagay sa mundo’y mababago.
Lahat maging ganap sa mga salita ng Diyos.
Babaguhin ng Diyos sa Kanyang salita.

11 Disyembre 2017

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Nagkatawang-taong Diyos ay Napakahalaga sa Sangkatauhan


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Nagkatawang-taong Diyos ay Napakahalaga sa Sangkatauhan



Diyos na nagkatawang-tao, kaya Niya di kaya ng tao,
dahil diwa Niya'y walang kahalintulad sa tao.
Tao ay maililigtas Niya, dahil pagkakakilanlan Niya'y naiiba.
Ang katawang taong ito ay napakahalaga sa sangkatauhan sapagkat Siya ay tao at higit pa Diyos,
dahil nagagawa N'ya ang hindi nagagawa ng isang ordinaryong tao,
at dahil kaya N'ya iligtas tiwaling tao, na namumuhay kasama N'ya sa lupa.
Bagamat Siya ay magkahawig sa tao, D'yos ay napakahalaga
sa sangkatauhan higit sa sinumang taong may halaga,
dahil nagagawa N'ya ang hindi nagagawa ng Espiritu ng D'yos,
mas may kaya Siyang patotohanan ang Diyos Mismo,
at matamo ang sangkatauhan kaysa sa Espiritu.
Bilang bunga, bagamat itong katawang-tao ay normal at karaniwan,
ang ambag at kabuluhan N'ya sa buong sangkatauhan ay napakahalaga,
at ang tunay na kabuluhan ng katawang-taong ito ay 'di masusukat ninuman.
Bagamat ang katawang-taong ito ay 'di kayang direktang sirain si Satanas,
Magagamit N'ya Kanyang gawain upang lupigin ang sangkatauhan at talunin si Satanas,
at gawing ganap na mapasailalim si Satanas sa Kanyang dominyon.
Ito ay dahil nagkatawang-tao ang D'yos 
upang matalo Niya si Satanas at magawang iligtas ang sangkatauhan.
Hindi N'ya direktang ginigiba si Satanas,
pero nagiging katawang-tao at sinasakop N'ya ang buong sangkatauhan,
na tiniwali ni Satanas.
Sa pamamagitan nito, mas mahusay Niyang patotohanan ang Sarili sa mga nilikha,
at mailigtas ang tiniwaling sangkatauhan.
Ang paglupig ng nagkatawang-taong D'yos kay Satanas ay mas dakilang patotoo,
at mas mapanghikayat,
kaysa tahasang pagsira kay Satanas sa pamamagitan ng Espiritu ng D'yos.
Ang Diyos na nagkatawang-tao ay mas nakakatulong na makilala ng tao ang buong Maykapal,
at mas masaksihan N'ya Mismo kasama ang mga nilalang.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao