Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

04 Enero 2019

agalog Christian Crosstalk "Mga Mapagpanggap" | Ripping Off the Mask of China's "Religious Freedom"

agalog Christian Crosstalk "Mga Mapagpanggap" | Ripping Off the Mask of China's "Religious Freedom"
  Upang ganap na maipagbawal ang paniniwala sa relihiyon at magawang isang bansang walang Diyos ang Tsina, ginagawa ng CCP, isang ateista at naghaharing rehimen, ang bawat pamamaraan, pakana, at bitag, at gumagamit ng iba't ibang masasamang pamamaraan para arestuhin at pagmalupitan ang mga Kristiyano. Inilalantad ng crosstalk na Mga Mapagpanggap ang isa na namang pakana na ginagamit ng CCP para arestuhin ang mga Kristiyano—itinatago ang kanilang pagkakakilanlan para mapasok ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ipinakikita nito ang mga taktikang ginagamit ng CCP upang mahuli sa bitag ang mga Kristiyano, at maalis ang maskara ng "kalayaan sa relihiyon" ng Tsina.

24 Agosto 2018

Cristianong Papuring Kanta | "Ang Resulta ng Pagkakakilala sa Diyos" (Tagalog Dubbed)


I

Isang araw, madarama mong ang Maylalang ay 'di palaisipan,

S'ya ay di itinago, 'di tinakpan ang mukha sa iyo;

S'ya ay 'di naging malayo sa iyo;

Di na S'ya ang 'yong hangad araw at gabi

ngunit 'di maabot ng damdamin mo.

S'yang tunay mong tagapagbantay sa iyong tabi,

buhay mo'y tinustustusan, at hawak ang 'yong kapalaran.

S'ya'y wala sa malayong abot-tanaw, at 'di nakatago sa ulap.

S'ya'y sa tabi mo, naghahari sa lahat sa'yo.

Siya ay 'yong lahat at 'yong nag-iisa.


09 Marso 2018

Kanta ng Papuri (Tagalog) | Maghandog ng Pag-ibig sa Diyos


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kanta ng Papuri (Tagalog) | Maghandog ng Pag-ibig sa Diyos 



Diyos nagkatawang-tao upang mamuhay sa gitna natin.
Sa kababaa't kahihiyan, inalay sa'tin kaligtasan.
Nguni't 'di ko S'ya kilala o naunawaan, panay karaingan.
Anong dalamhati ng puso N'ya sa pagrebelde ko't paglaban!
Mahal na Makapangyarihang Diyos, sala ko'y nilimot Mo na.
Natiis Mo na lahat ng pagkarebelde ko
nguni't biyaya muli'y alay.
Batid na itinataas Mo, ako'y puno ng kahihiyan.
Lubhang 'di 'ko karapat-dapat sa'Yong pagmamahal!

11 Disyembre 2017

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Nagkatawang-taong Diyos ay Napakahalaga sa Sangkatauhan


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Nagkatawang-taong Diyos ay Napakahalaga sa Sangkatauhan



Diyos na nagkatawang-tao, kaya Niya di kaya ng tao,
dahil diwa Niya'y walang kahalintulad sa tao.
Tao ay maililigtas Niya, dahil pagkakakilanlan Niya'y naiiba.
Ang katawang taong ito ay napakahalaga sa sangkatauhan sapagkat Siya ay tao at higit pa Diyos,
dahil nagagawa N'ya ang hindi nagagawa ng isang ordinaryong tao,
at dahil kaya N'ya iligtas tiwaling tao, na namumuhay kasama N'ya sa lupa.
Bagamat Siya ay magkahawig sa tao, D'yos ay napakahalaga
sa sangkatauhan higit sa sinumang taong may halaga,
dahil nagagawa N'ya ang hindi nagagawa ng Espiritu ng D'yos,
mas may kaya Siyang patotohanan ang Diyos Mismo,
at matamo ang sangkatauhan kaysa sa Espiritu.
Bilang bunga, bagamat itong katawang-tao ay normal at karaniwan,
ang ambag at kabuluhan N'ya sa buong sangkatauhan ay napakahalaga,
at ang tunay na kabuluhan ng katawang-taong ito ay 'di masusukat ninuman.
Bagamat ang katawang-taong ito ay 'di kayang direktang sirain si Satanas,
Magagamit N'ya Kanyang gawain upang lupigin ang sangkatauhan at talunin si Satanas,
at gawing ganap na mapasailalim si Satanas sa Kanyang dominyon.
Ito ay dahil nagkatawang-tao ang D'yos 
upang matalo Niya si Satanas at magawang iligtas ang sangkatauhan.
Hindi N'ya direktang ginigiba si Satanas,
pero nagiging katawang-tao at sinasakop N'ya ang buong sangkatauhan,
na tiniwali ni Satanas.
Sa pamamagitan nito, mas mahusay Niyang patotohanan ang Sarili sa mga nilikha,
at mailigtas ang tiniwaling sangkatauhan.
Ang paglupig ng nagkatawang-taong D'yos kay Satanas ay mas dakilang patotoo,
at mas mapanghikayat,
kaysa tahasang pagsira kay Satanas sa pamamagitan ng Espiritu ng D'yos.
Ang Diyos na nagkatawang-tao ay mas nakakatulong na makilala ng tao ang buong Maykapal,
at mas masaksihan N'ya Mismo kasama ang mga nilalang.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao