Ang Dagundong ng Pitong Kulog— Nangangahula Na ang Kaharian ng Ebanghelyo ay Lalaganap sa Buong Sansinukob
Pinapalaganap Ko ang Aking gawa sa mga bansang Gentil. Sa buong sansinukob ay kumikislap ang Aking kaluwalhatian; ang Aking kalooban ay nasa pagpapakalat ng mga tao, lahat ay pinakikilos ng Aking kamay at isinasagawa ang kilos na Aking pinapalaganap. Magmula ngayon, pumasok Ako sa isang makabagong panahon at dadalhin ang lahat ng tao sa ibang mundo. Kapag bumalik Ako sa Aking “lupang tinubuan,” magsisimula Ako ng isa pang bahagi ng gawa na nasa orihinal Kong plano, upang ang tao ay humayo nang higit pang malaman ang tungkol sa Akin. Isinasaalang-alang Ko ang sansinukob sa kabuuan nito at nakikita na[a] ito ay isang magandang pagkakataon para sa Aking gawa, kaya’t naglalakbay Ako paroon at parito upang gawin ang Aking bagong tungkulin sa tao. Tutal naman, ito ay isang bagong panahon, at nagdudulot Ako ng bagong gawa upang dalhin ang maraming tao na bago sa panibagong panahon at upang palayasin ang marami sa mga dapat Kong alisin. Sa bayan ng malaking pulang dragon, nagsasagawa Ako ng isang yugto ng Aking gawa na hindi maarok ng tao at magdudulot sa kanila na manginig sa hangin, pagkatapos noon ay marami ang tahimik na maaanod paalis sa pag-ihip ng hangin. Ito ay ang “giikan” na nais Kong linisin; ito ay ang Aking hangad at ito rin ay Aking plano. Ito ay dahil maraming masasamang nilalang ang tahimik na lumipat habang Ako ay kumikilos, ngunit hindi Ako nagmamadali na sila ay palayasin. Bagkus, marapat Ko silang hawiin sa tamang panahon. Pagkatapos lang noon Ako ay magiging bukal ng buhay, upang ang mga tunay na nagmamahal sa Akin ay makatanggap mula sa Akin ng bunga ng puno ng igos at ang samyo ng lila. Sa lupain kung saan naninirahan nang panandalian si Satanas, ang disyerto, ay walang purong ginto, kundi buhangin lamang. Sa harap nito, nagsasagawa Ako ng nasabing yugto ng Aking gawa. Dapat mong malaman na ang Aking nakukuha ay puro, pinong ginto, at hindi buhangin. Paanong mananatili ang mga masasama sa Aking pamamahay? Paano Kong pahihintulutan ang mga soro na maging peste sa Aking paraiso? Gumagamit Ako ng lahat ng posibleng paraan upang sila ay mapaalis. Bago mabunyag ang Aking kalooban, walang sinuman ang nakakaalam kung ano ang Aking nais gawin. Gamit ang oportunidad na ito, iwinawaksi Ko ang mga masasama, at napilitan silang Ako ay iwan. Ito ang Aking ginagawa sa mga masama, ngunit mayroon pa ring araw para sa kanila na maghandog ng kanilang serbisyo para sa Akin. Ang pagnanais ng tao para sa mga pagpapala ay malabis; sa gayon ay iginagalaw ko ang Aking katawan at ipinapakita ang Aking maluwalhating mukha sa mga Gentil upang ang mga tao ay manirahan sa isang mundo nang sila lang at hatulan ang kanilang mga sarili, habang winiwika Ko ang mga salita na dapat Kong sabihin at binibigyan ang mga tao ng kanilang pangangailangan. Kapag ang mga tao ay natauhan na, matagal Ko nang naisakatuparan at naipalaganap ang Aking gawa. Pagkatapos, dapat Kong ipahayag ang Aking kalooban sa mga tao, at simulan ang pangalawang bahagi ng Aking gawa para sa tao, hinahayaan ang lahat ng tao na sundan Ako nang malapitan upang makiisa sa Aking gawa, at hinahayaan silang gawin sa abot ng kanilang makakaya ang gawain kasama Ako na marapat kong isakatuparan.