Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

24 Agosto 2018

Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | "Paano Nakilala ni Pedro si Jesus" (Tagalog Dubbed)


Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | "Paano Nakilala ni Pedro si Jesus" (Tagalog Dubbed)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa loob ng panahong sinundan niya si Jesus, pinagmasdan at isinapuso ni Pedro ang lahat ng bagay tungkol sa Kanyang buhay: Ang Kanyang mga kilos, mga salita, mga galaw, at mga pagpapahayag. Natamo niya ang isang malalim na pagkaunawa na si Jesus ay hindi katulad ng mga karaniwang tao. Bagaman ang Kanyang itsura ay lubhang karaniwan, lipos Siya ng pag-ibig, malasakit, at pagpapaubaya sa tao. Lahat ng bagay na ginawa o sinabi Niya ay malaking tulong sa iba, at sa Kanyang tabi nakita at natuto ng mga bagay-bagay si Pedro na kailanman hindi pa niya nakita o nakamtan noong una. ... Hindi alintana kung paano man kumilos si Jesus, lumago ang walang-hangganang pag-ibig at paggalang ni Pedro para sa Kanya. Ang pagtawa ni Jesus ay nagdulot sa kanya ng labis na kaligayahan, ang Kanyang kalungkutan ay nagsadlak sa kanya sa pighati, ang Kanyang galit ay tumakot sa kanya, habang ang Kanyang habag, pagpapatawad, at pagiging-mahigpit ay nagsanhing mahalin niyang tunay si Jesus, nagkaroon ng totoong paggalang at pananabik sa Kanya. Siyempre, unti-unting natanto lamang ni Pedro ang lahat ng ito nang namuhay siyang kasama ni Jesus sa loob ng ilang taon."

21 Agosto 2018

Tungkulin ng Tao ang Sumaksi para sa Diyos

Mga Himno,MP3,




Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Tungkulin ng Tao ang Sumaksi para sa Diyos


I
Yaong ipinagkakaloob sa'yo ng Diyos ngayon
lumalampas kay Moises
at mas mahigit pa kaysa kay David,
kaya naman hinihiling Niya na
ang iyong patotoo ay malampasan ang kay Moises
at ang iyong mga salita ay higit sa kay David.

15 Agosto 2018

Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain (Ikalimang Bahagi)

Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao." Ang nilalaman ng video na ito:

Ang Kapalaran ng Tao ay Itinatakda sa Pamamagitan ng Kanyang Saloobin sa Diyos

Ang Umpisa ng Pagkatakot sa Diyos ay ang Pagturing sa Kanya Bilang Isang Diyos

Ang mga Tao na Hindi Kinikilala ng Diyos

Mga Salitang Pagpapayo


🍀 🍀🍀 🍀 🍀🍀🍀🍀 🍀🍀 🍀 🍀🍀🍀🍀 🍀🍀 🍀 🍀🍀🍀🍀 🍀🍀 🍀 🍀


🍀 🍀🍀 🍀 🍀🍀🍀🍀 🍀🍀 🍀 🍀🍀🍀🍀 🍀🍀 🍀 🍀🍀🍀🍀 🍀🍀 🍀 🍀



31 Hulyo 2018

Tagalog Christian Movie | Revealing the Mystery of God's Name | "Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?!"



Ang pangalan niya ay Wang Hua, at siya ay mangangaral sa isang bahay iglesia sa Katimugang Tsina. Matapos siyang maniwala sa Panginoon, natuklasan niya sa Biblia na Jehova ang tawag sa Diyos sa Lumang Tipan, at tinawag na Jesus sa Bagong Tipan. Bakit may iba’t ibang pangalan ang Diyos? Talagang nalito si Wang Hua tungkol dito. Sinikap niyang hanapin ang sagot sa Biblia, pero nabigong maunawaan ang hiwaga…. Ngunit matatag siyang naniwala na walang ibang pangalan sa silong ng langit na ibinigay sa mga tao, kaya’t si Jesus lamang ang Tagapagligtas, at basta nakakapit tayo sa pangalan ni Jesus, tiyak na madadala tayo sa kaharian ng langit. Ngunit isang araw, narinig ni Wang Hua ang nakakagulat na balita: Nagbago na ang pangalan ng Diyos! Pagkatapos niyon, hindi na napanatag ang kanyang puso …

28 Hulyo 2018

Christian Music Video | Ang Lahat ng Nilikha ng Diyos ay Dapat Mapasailalim sa Kanyang Kapamahalaan


I
Lahat ng bagay nilikha ng Diyos,
kaya ginagawa Niya lahat ng nilalang
mapasailalim ng Kanyang paghahari,
at pasakop sa Kanyang kapamahalaan. 
Inuutusan N'ya lahat ng bagay,
kinokontrol sila sa mga kamay N'ya.
Mga buhay na nilalang, kabundukan,
mga ilog at tao dapat sumailalim sa Kanyang paghahari.
Lahat ng bagay sa himpapawid at sa lupa
dapat sumailalim sa Kanyang kapamahalaan. 
Lahat kailangan magpailalim na walang pagpili.
Ito ang atas ng Diyos at Kanyang awtoridad, awtoridad.

19 Hulyo 2018

Best Christian Movie | "Masasakit na Alaala" 
The Repentance of a Christian (Trailer)


.•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸.*¨*•.¸¸.



ღ .•*¨*•.¸¸ ღ.•*¨*•.¸¸ღ.•*¨*•.¸¸ღ.•*¨*•.¸¸ღ.•*¨*•.¸¸ ღ.•*¨*•.¸¸ღ.•*¨*•.¸¸ღ.*¨*•.¸¸*¨*•.¸¸.

Si Fan Guoyi ay isang elder ng isang bahay-iglesia sa China. Sa mahigit dalawampung taon ng paglilingkod, lagi niyang ginagaya si Pablo, at nagsumikap at nagpakahirap para sa Panginoon nang may malaking kasigasigan. Bukod dito, matibay ang paniniwala niya na sa patuloy na pagsampalataya sa ganitong paraan, isinasakatuparan niya ang kalooban ng Ama sa langit, at na kapag nagbalik ang Panginoon, siguradong mara-rapture siya sa kaharian ng langit. Gayunman, nang sumapit sa kanya ang pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, kumapit siya sa kanyang mga pagkaunawa. Paulit-ulit niyang tinanggihan, kinontra, at tinuligsa ang gawain ng Diyos sa mga huling araw…. Kalaunan, matapos makipagtalo nang ilang beses sa mga pastor ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nagising din sa katotohanan si Fan Guoyi, at tunay na naunawaan ang kahulugan ng isakatuparan ang kalooban ng Ama sa langit, gayundin kung paano patuloy na sumampalataya sa paraan na magtatamo siya ng kaligtasan at makakapasok sa kaharian ng langit ….
Tuwing iisipin niya kung sino siya noong araw, dinuduro ng mga alaala ang puso niya  na para bagang mga tinik …




25 Hunyo 2018

Christian Full Movie 2018 | "Sino ang Aking Panginoon" God is My Savior (Tagalog Dubbed)


Christian Full Movie 2018 | "Sino ang Aking Panginoon" God is My Savior (Tagalog Dubbed)


Isang pastor si Liu Zhizhong sa isang lokal na bahay iglesia sa Tsina. Naging isa siyang mananampalataya sa mahigit 30 taon, at patuloy na pinananatili na "Ang Banal na Biblia  ay kinasihan ng Diyos," "Kumakatawan sa Diyos ang Banal na Biblia, ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia, ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Diyos." Sa kanyang puso, ang Biblia ay napakahalaga. Dahil sa kanyang pagsamba at bulag na pananampalataya sa Biblia , hindi niya kailanman napag-aralan o natingnan ang gawain ng  Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Hanggang sa isang araw, nang hinarangan niya ang mga mananampalataya mula sa online na pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nagkaroon siya ng pagkakataong makaharap ang mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matapos sumailalim sa mga matinding debate tungkol sa katotohanan, nagawa ba niyang makita nang malinaw sa huli ang relasyon sa pagitan ng Banal na Biblia at Diyos? Nagawa ba niyang lumayo mula sa Biblia upang maunawaan na si Cristo ay ang katotohanan, daan, at buhay? Siya ba ay dadalhin sa harapan ng Diyos?

20 Hunyo 2018

Full Tagalog Christian Movie 2018 | “Huwag Kang Makialam” | God With Us (Tagalog Dubbed)



Si Li Qingxin ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia sa China na naging tapat sa Panginoon nang maraming taon. Palagi niyang masiglang ginagawa ang gawain ng Panginoon na ipangaral ang ebanghelyo, maingat niyang hinihintay ang pagdating ng Panginoon para dalhin siya sa kaharian sa langit. Nitong huling mga taon, nakita ni Li Qingxin na naging mas mapanglaw ang iba’t ibang sekta at iglesia. Gayunman, ang Kidlat ng Silanganan ay naging mas masigla, sa kabila ng galit na galit na pagtuligsa at pagpapahirap ng gobyernong Chinese Communist government at iba’t ibang relihiyon. Parami nang parami ang mabubuting tupa at namumunong tupa ng iba’t ibang denominasyon at sekta na tumanggap na sa Kidlat ng Silanganan. Dahil dito, nag-isip-isip si Li Qingxin. Lalo na, nakita niya na hindi nag-aatubili ang mga pastor at elder ng iba’t ibang relihiyon na mag-imbento ng mga tsismis at walang-kabuluhang mga bagay para tuligsain at sirain ang pangalan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nakikipag-ugnayan pa sila sa gobyernong Chinese Communist para arestuhin ang mga mangangaral ng Kidlat ng Silanganan. Dama niya na ang mga gawa at kilos ng pastor at elder ay lihis sa paraan ng Panginoon, at alam niya na mabangis na kinakalaban at tinutuligsa ng Chinese Communist Party at iba’t ibang relihiyon ay maaaring ang tunay na daan, at ang pagpapakita at gawain ng Panginoon. Noon din ay nagpasiya sila ng ilang katrabaho niya na hanapin at siyasatin ang Kidlat ng Silanganan, pero naharap sila sa lahat ng uwi ng sagabal at problema mula sa pastor at elder. Sa pamamagitan ng pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pakikinig sa patotoo ng mga mangangaral ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nahiwatigan ni Li Qingxin at ng iba pa ang mga tsismis at kamalian ng pastor at elder. Dahil dito ay naunawaan nila ang napakasamang layunin at lalang sa kanilang mga alagad na humahadlang sa pagsusuri sa tunay na daan, at malinaw nilang nakita ang talagang mapagpaimbabaw ang pastor at elder. Malakas na sinabi ni Li Qingxin at ng iba sa pastor at elder ng relihiyon, “Wala n’yo kaming pakialaman!” Sa huli ay lubos silang nakaalis sa pambibitag at pang-aalipin ng pastor at elder, at nagbalik sa harapan ng luklukan ng Diyos.

Rekomendasyon:

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

03 Hunyo 2018

Ebangheliyong pelikula | Saan Mismo Naroon ang Kaharian sa Langit?


       Ang pinakadakilang pangarap natin na nananalig sa Panginoon ay sumalubong sa pagbalik ng Panginoon, madala sa kaharian sa langit, at matanggap ang pangako at mga pagpapala ng Diyos. Naniniwala ang karamihan sa mga tao na pagbalik ng Panginoon, itataas tayo sa hangin para salubungin ang Panginoon. Pero sa Biblia, sinasabi na ang Bagong Jerusalem ay bababa mula sa langit. “Ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao,” “Ang mga kaharian ng mundong ito ay nagiging mga kaharian ng ating Panginoon, at ng Kanyang Cristo.” Nasa alapaap ba o nasa lupa ang kaharian sa langit? Paano dadalhin ng Panginoon ang mga banal patungo sa kaharian sa langit pagbalik Niya?
Rekomendasyon:
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

05 Mayo 2018

Tagalog Christian Movie | Ang Misteryo ng Kabanalan (Trailer)


Si Lin Bo’en ay isang elder noon sa isang bahay na iglesia sa China. Sa lahat ng kanyang mga taon bilang isang mananampalataya, ikinarangal niya ang magdusa para sa Panginoon, at pinahalagahan ang kaalaman at pagkakamit ng Panginoong Jesucristo nang higit sa anupaman sa mundo. Isang nakatadhanang araw, lumabas siya upang mangaral at may narinig na nakabibiglang balita: Ang Panginoong Jesus ay nagbalik na sa katawang-tao, at Siya ang Cristo ng mga huling araw—Makapangyarihang Diyos! Naguluhan si Lin Bo’en. Sa pagbabalik ng Panginoon, Siya ay dapat bumaba sa mga ulap, kaya bakit Siya magkakatawang-tao Mismo at lihim na gagawin ang Kanyang gawain? Anong mga hiwaga ang nakatago sa likod ng pagkakatawang-tao ng Diyos? Kung totoong nagbalik na ang Panginoon, bakit hindi pa tayo dinala? … Nagkaroon ng isang matinding debate sa pagitan ni Lin Bo’en at ng kanyang mga kasamahang manggagawa at mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos … Mauunawaan ba nila sa wakas na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao?

Rekomendasyon:

Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan



18 Abril 2018

Ebangheliyong pelikula | Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit (Trailer)


Si Song Ruiming ay pastor ng isang iglesia sa South Korea. Bilang isang tapat na alagad ng Panginoon sa loob ng maraming taon, masigla siyang sumasampalataya at naglilingkod sa Panginoon habang naghihintay na maitaas sa kaharian sa langit pagbalik ng Panginoon. Nitong nakaraang mga taon, litung-lito siya at nawawalan ng lakas kapag nakikita na wala sa iglesia ang gawain ng Banal na Espiritu at nagiging lubhang malungkot. Noon niya narinig ang tungkol sa isang sektang tinatawag na Kidlat ng Silanganan na lumalabas sa China na nagpapatotoo sa pagbalik ng Panginoong JesusMakapangyarihang Diyos, na gumagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan. Kaya nga nagpunta si Song Ruiming at ang mangangaral na si Cui Cheng’en sa China para pag-aralan ang Kidlat ng Silanganan, kung saan binasa nila sa wakas ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nalaman nila na lahat ng salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, ang tinig ng Diyos! Malamang na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus! Gayunman, nang pinag-aaralan na nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ibinenta sila ng mga elder ng relihiyon na nagsuplong sa kanila sa mga pulis. Inaresto ang dalawa at ipinatapon ng mga pulis ng Chinese Communist. Sa South Korea naman, nasaktan at nalito si Song Ruiming. Patuloy siyang nag-isip ng mga paraan para makontak ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Isang araw, bigla niyang natuklasan ang Korean website ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Internet, batid na lumaganap na ang Kidlat ng Silanganan sa South Korea at nagtatag ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos! Masayang-masaya at tuwang-tuwa, hinikayat ni Song Ruiming na pag-aralan ng mga kapatid sa kanyang iglesia ang tunay na daan sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matibay ang paniniwala nila na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Masaya nilang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at natagpuan nila ang landas patungo sa kaharian ng langit. Sa huli ay may pagkakataon na rin siyang tuparin ang kanyang pinapangarap na kaharian sa langit.

15 Abril 2018

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Movie Clip (6) | Ang Pagsunod ba sa mga Pastor at Elder ay Tulad ng Pagsunod sa Diyos?

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Movie Clip (6) | Ang Pagsunod ba sa mga Pastor at Elder ay Tulad ng Pagsunod sa Diyos?


Naniniwala ang ilang mga mananampalataya na pinili at hinirang ng Panginoon ang mga pastor at elder ng relihiyosong mundo, at lahat sila’y mga taong naninilbihan sa Panginoon. Kaya naniniwala sila na ang pagsunod lamang sa mga pastor at elder ay pagsunod sa Panginoon, at ang pagsalungat o paghatol sa mga pastor at elder ay pagsalungat sa Panginoon. Naniniwala pati sila na, sa mga iglesia, tanging mga pastor at elder lamang ang nakakaunawa sa Biblia at kayang ipaliwanag ang Biblia, at basta't naaayon sa Biblia at batay sa Biblia ang ipinapangaral o ginagawa ng mga pastor at elder, dapat silang talimahin at sundin ng mga tao kung gayon. Naaayon ba sa katotohanan ang ganitong uri ng pagsunod sa mga pastor at elder? Kinakatawan ba ng pag-unawa sa kaalaman sa Biblia ang pag-unawa sa katotohanan at kaalaman sa Diyos? Anong pamamaraan ba talaga ang dapat nating gamitin sa mga pastor at elder na tumatalima sa kalooban ng Diyos?

13 Abril 2018

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Movie Clip (5) | Tunay bang Hinirang ng Panginoon ang mga Pastor at Elder ng Relihiyosong Mundo?


Personal na nagbibigay ng patotoo ang Diyos sa lahat ng Kanyang hinihirang at ginagamit. Sa pinakamababa man lang, lahat sila ay tumatanggap ng kumpirmasyon ng gawain ng Banal na Espiritu, ipinapakita ang mga bunga ng gawain ng Banal na Espiritu, at natutulungan ang mga napiling tao ng Diyos na tumanggap ng pagkakaloob ng buhay at tunay na pagpapastol. Dahil makatuwiran at banal ang Diyos, ang lahat ng Kanyang hinihirang at ginagamit ay kailangang sumunod sa Kanyang kalooban. Ang mga pastor at elder mula sa relihiyosong mundo ay nagkukulang lahat sa salita ng Diyos bilang patotoo, at wala ring kumpirmasyon ng gawain ng Banal na Espiritu. Kaya paanong personal na hihirangin at gagamitin ng Diyos ang mga pastor at elder na nasa relihiyosong mundo?


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Movie Clip (5) | Tunay bang Hinirang ng Panginoon ang mga Pastor at Elder ng Relihiyosong Mundo?


Rekomendasyon:
Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Kidlat ng Silanganan —Ang Liwanag ng Kaligtasan

12 Abril 2018

Mga Movie Clip (4) | Ang Pananampalataya ba sa Biblia ay Katumbas ng Pananampalataya sa Panginoon? | Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Mga Movie Clip (4) | Ang Pananampalataya ba sa Biblia ay Katumbas ng Pananampalataya sa Panginoon

Naniniwala ang karamihan sa mga pastor at elder ng relihiyosong mundo na kinakatawan ng Biblia ang Panginoon, at ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, at ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Panginoon. Naniniwala sila na kung aalis ang isa mula sa Biblia, hindi siya matatawag na mananampalayata kung gayon, at maaaring maligtas at makapasok ang isang tao sa kaharian ng langit hangga’t kumakapit siya sa Biblia. Kaya ba talagang katawanin ng Biblia ang Panginoon? Ano ba talaga ang relasyon sa pagitan ng Biblia at ng Panginoon? Sabi ng Panginoong Jesus, “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39-40). Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Matapos ang lahat, alin ang mas dakila: Ang Diyos o ang Biblia? Bakit kailangan ang gawain ng Diyos ay kaayon sa Biblia? Maaari kayana ang Diyos ay walang karapatan na higitan ang Biblia? Hindi ba maaaaringlisanin ng Diyos ang Biblia at gumawa ng iba pang gawain? Bakit si Jesus at ang Kanyang mga alagad ay hindi sumusunod sa Araw ng Pamamahinga? … Dapat mong malaman kung alin ang nauna, ang Diyos o ang Biblia! Dahil Panginoong ng Araw ng Pamamahinga, Siya ba’y maaaring ding maging Diyos ng Biblia?” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

10 Abril 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Movie Clip (2) | Kapag Nagbalik ang Panginoon, Paano Siya Magpapakita sa Sangkatauhan?



Dumating na ang mga huling araw, at marami sa mga mananampalataya ang naghahangad sa pagbabalik ng Panginoon at dalhin sila sa kaharian ng langit. Ngunit alam ba ninyo kung papaano magpapakita ang Panginoon sa atin kapag Siya ay bumalik? Magiging ganoon ba gaya ng iniisip natin, na magpapakita Siya nang bukas, direktang bumababa sakay ng ulap? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Nais mo bang makita si Jesus? Nais mo bang mabuhay kasama si Jesus? Nais mo bang marinig ang mga salitang sinambit ni Jesus? ... Sa anong paraan babalik si Jesus? Naniniwala kayo na si Jesus ay babalik na nasa ibabaw ng puting ulap, ngunit ito ang tanong Ko sa inyo: Ano ang tinutukoy ng puting ulap na ito? Sa napakaraming alagad ni Jesus na naghihintay sa Kanyang pagbalik, kanino Siya bababa?" "Kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng pagkamatuwid. ... Ibabadya nito ang pagtatapos ng plano sa pamamahala ng Diyos, at mangyayari kapag ginantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarusahan ang masasama. Sapagkat nagwakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kapag pagpapahayag lamang ng katotohanan ang naroon" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

08 Abril 2018

Mga Movie Clip (1) | Paano Natin Masasalubong ang Pagbabalik ng Panginoon?


Lumitaw na ang apat na kulay dugong buwan. Nangangahulugan ito na sasapit na sa atin ang mga malalaking sakuna, tulad ng napropesiya sa libro ni Joel, "At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu. At ako'y magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa, dugo, at apoy, at mga haliging usok" (Joel 2:29-31). Bago sumapit sa atin ang mga malalaking sakuna, tutustusan ng Espiritu ng Diyos ang Kanyang mga tagasilbi at utusang babae, at kukumpletuhin Niya ang isang grupo ng mga mananagumpay. Kung hindi tayo madadala bago ang mga malalaking sakuna, marahil ay mamamatay tayo sa mga sakunang ito. Ngayon, nagpapatotoo ang Kidlat ng Silanganan na nagbalik na ang Panginoong Jesus, inihayag ang katotohanan, at kinumpleto ang isang grupo ng mga mananagumpay. Hindi ba nito tinutupad ang mga propesiya ng Biblia? Hindi ba't pagpapahayag ng gawain ng Panginoon ang Kidlat ng Silanganan?


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ebangheliyong pelikula

Rekomendasyon:

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos

07 Abril 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Ang Diyos ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa totoo lang, ang Diyos ay ang Panginoon ng lahat ng mga bagay. Siya ang Diyos ng lahat ng nilalang. Hindi lamang Siya ang Diyos ng mga Israelita, at hindi lamang Siya ang Diyos ng mga Judio; Siya ang Diyos ng lahat ng nilalang. ...Isinagawa sa Judea ang Kanyang unang gawain, sa loob ng saklaw ng Israel; sa mga bansang Gentil wala Siyang ginawang kahit anupamang panahong naglulunsad ng gawain. Ang huling yugto ng Kanyang gawain ay hindi lamang natupad sa mga tao ng mga bansang Gentil; higit pa, isinagawa ito sa mga sinumpang taong iyon. Ang isang puntong ito ay ang katibayan na may pinaka-kakayahang magpahiya kay Satanas; kaya, ang Diyos “ay naging” ang Diyos ng lahat ng nilalang sa sansinukob at naging Panginoon ng lahat ng bagay, ang layon ng pagsamba para sa lahat ng bagay na may buhay."


Rekomendasyon:



Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan



Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan






25 Marso 2018

Kristianong video | Ang Sandali ng Pagbabago (1) | Paano Nadadala ang mga Matatalinong Birhen?



Sumusunod ang ilang tao sa salita ni Pablo tungkol sa paghihintay sa Panginoon para madala sa kaharian ng langit: "Sa isang sandali, sa isang kisap-mata: sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka’t tutunog ang papakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin." (1Co 15:52). Naniniwala sila na kahit patuloy pa rin tayong nagkakasala nang hindi umaalpas sa pang-aalipin ng pagiging likas na makasalanan, agad babaguhin ng Panginoon ang ating imahe at dadalhin tayo sa kaharian ng langit pagdating Niya. May mga tao ring sumusunod sa salita ng Diyos na: "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit " (Mat 7:21). "… Kayo’y mangagpakabanal; sapagka’t ako’y banal" (1Pe 1:16). Naniniwala sila na ang mga taong patuloy pa ring nagkakasala ay malayo sa pagtatamo ng kabanalan at lubos na hindi nararapat na madala sa kaharian ng langit. Sa gayo’y isang kamangha-manghang pagtatalo ang nagsimula …. Kaya, anong klase ng mga tao ang nararapat iangat sa kaharian ng langit? Iniimbitahan ka naming panoorin ang maikling video na ito.

28 Pebrero 2018

Clip ng Pelikulang | "Paano Mapagsisikapang Makapasok sa Kaharian sa Langit (2)"

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (2)


Nadarama ng karamihan sa mga nananalig sa Panginoon na basta’t sinusunod natin ang mga salita ng Panginoon, nagpapakumbaba tayo at nagtitiyaga, at sinusunod natin ang halimbawa ni Pablo sa pagsasakripisyo, paggugol at pagsisikap para sa Panginoon, mabibigyang-kasiyahan natin ang kalooban ng Diyos. At dadalhin tayo sa kaharian sa langit pagbalik ng Panginoon. Gayunman, napag-isip-isip na ba natin kung talagang makakamit ng paghahanap na ito aAng Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (1)ng papuri at pagtanggap ng Panginoon sa kaharian sa langit? Kung hindi, paano natin dapat pagsikapang matamo ang papuri ng Panginoon at madala sa kaharian sa langit?
Rekomendasyon:
Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

 Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan






26 Pebrero 2018

Clip ng Pelikulang | "Paano Mapagsisikapang Makapasok sa Kaharian sa Langit (1)"


Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosAng Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (1)


    Nadarama ng karamihan sa mga nananalig sa Panginoon na basta’t sinusunod natin ang mga salita ng Panginoon, nagpapakumbaba tayo at nagtitiyaga, at sinusunod natin ang halimbawa ni Pablo sa pagsasakripisyo, paggugol at pagsisikap para sa Panginoon, mabibigyang-kasiyahan natin ang kalooban ng Diyos. At dadalhin tayo sa kaharian sa langit pagbalik ng Panginoon. Gayunman, napag-isip-isip na ba natin kung talagang makakamit ng paghahanap na ito ang papuri at pagtanggap ng Panginoon sa kaharian sa langit? Kung hindi, paano natin dapat pagsikapang matamo ang papuri ng Panginoon at madala sa kaharian sa langit?
Rekomendasyon:
Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos
Ang Kidlat ng Silanganan —Ang Liwanag ng Kaligtasan