Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

14 Enero 2019

Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia (2) "Natuklasan: Ang Kaugnayan ng Diyos sa Biblia"


Clip ng Pelikulang Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia (2) "Natuklasan: Ang Kaugnayan ng Diyos sa Biblia"

Naniniwala ang mga pastor at elder ng mga relihiyon na lahat ng salita at gawain ng Diyos ay nasa loob ng Biblia, na kumpleto na ang pagliligtas ng Diyos at basta’t ibinabase ng mga tao sa Biblia ang kanilang paniniwala sa Panginoon at nananangan sila sa Biblia,

27 Disyembre 2018

The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (3)


  Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Ipinapakita sa dokumentaryong ito ang biglaan at di-inaasahang pagkamatay ng Kristiyanong Chinese na si Song Xiaolan-isang pagkamatay na binigyan ng CCP police ng paiba-iba at magkakasalungat na paliwanag. Matapos imbestigahan, natuklasan ng pamilya Song na noon pa pala nagsisinungaling ang mga pulis. Nalaman ng isang kamag-anak ng pamilya mula sa isang kakilala sa Public Security Bureau na lihim na sinubaybayan ng CCP police si Xiaolan dahil sa kanyang pananalig sa Diyos at pagtupad sa kanyang mga tungkulin. Nang arestuhin siya ng mga pulis, binugbog siya ng mga ito hanggang sa mamatay. Para hindi masisi, pinagtakpan ng pulisya ang katotohanan sa pag-iimbento ng tagpo ng pagkamatay ni Song Xiaolan….

The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (1)


  Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga patakarang nakatutok sa "Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han" ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China …

29 Agosto 2018

Tagalog Christian Music Video | "Ipapanumbalik ng Diyos ang Kahulugan ng Kanyang Paglikha ng Tao"


Tagalog Christian Music Video | "Ipapanumbalik ng Diyos ang Kahulugan ng Kanyang Paglikha ng Tao"  


I
Sangkatauha'y nilikha ng Diyos,
nilagay sa lupa't pinangunahan hanggang kasalukuyan.
Nagsilbi S'yang handog sa kasalanan
at dahil dito niligtas N'ya ang tao.
Sa huli'y dapat pa rin N'yang lupigin,
ipanumbalik sa dating kalagayan ang tao. 
Mula sa simula ito ang gawaing ginagawa Niya.
Kaharian N'ya'y Kanyang itatatag,
ipanunumbalik awtoridad N'ya sa lupa
pati kalagayan ng tao.
Ipanunumbalik N'ya awtoridad N'ya
sa lahat ng nilalang N'ya. 

28 Agosto 2018

Tagalog Gospel Videos | "Ang mga Araw ni Noe ay Dumating Na" | God’s Warning in the Last Days


Gunitain natin ang sangkatauhan sa kapanahunan ni Noe. Abala ang tao sa lahat ng uri ng masasamang gawain nang hindi iniisip ang pagsisisi. Walang nakinig sa salita ng Diyos. Ang kanilang katigasan ng ulo at kasamaan ay pumukaw sa galit ng Diyos at sa huli, nilamon sila ng sakunang dulot ng malaking baha. Tanging si Noe at ang kanyang pamilyang may walong miyembro ang nakinig sa salita ng Diyos at nakaligtas. Ngayon, sumapit na ang mga huling araw. Palala nang palala ang katiwalian ng sangkatauhan. Lahat ay sumasamba sa kasamaan. Ang buong mundo ng mga relihiyoso ay nagpapatangay sa agos ng mundo. Ni katiting ay hindi nila gusto ang katotohanan. Dumating na ang mga araw ni Noe! Para mailigtas ang sangkatauhan, nagbalik na muli ang Diyos upang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw sa sangkatauhan. Ito ang huling beses na inililigtas ng Diyos ang tao! Ano ang dapat piliin ng sangkatauhan?

27 Agosto 2018

Tagalog Christian Movie | "Kaligtasan" (Tagalog Dubbed Movie Trailer)


Tagalog Christian Movie | "Kaligtasan" (Tagalog Dubbed Movie Trailer)


Ano ang kaligtasan? Iniisip ng mga nananalig sa Panginoong Jesus na kung taos-puso silang magdarasal sa Panginoon, magtatapat ng kanilang mga kasalanan, at magsisisi, mapapatawad ang kanilang mga kasalanan, at pagkakalooban sila ng kaligtasan, at pagdating ng Panginoon, diretso silang iaakyat sa kaharian ng langit. Pero gayon ba talaga kasimple ang kaligtasan?

24 Agosto 2018

Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | "Paano Nakilala ni Pedro si Jesus" (Tagalog Dubbed)


Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | "Paano Nakilala ni Pedro si Jesus" (Tagalog Dubbed)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa loob ng panahong sinundan niya si Jesus, pinagmasdan at isinapuso ni Pedro ang lahat ng bagay tungkol sa Kanyang buhay: Ang Kanyang mga kilos, mga salita, mga galaw, at mga pagpapahayag. Natamo niya ang isang malalim na pagkaunawa na si Jesus ay hindi katulad ng mga karaniwang tao. Bagaman ang Kanyang itsura ay lubhang karaniwan, lipos Siya ng pag-ibig, malasakit, at pagpapaubaya sa tao. Lahat ng bagay na ginawa o sinabi Niya ay malaking tulong sa iba, at sa Kanyang tabi nakita at natuto ng mga bagay-bagay si Pedro na kailanman hindi pa niya nakita o nakamtan noong una. ... Hindi alintana kung paano man kumilos si Jesus, lumago ang walang-hangganang pag-ibig at paggalang ni Pedro para sa Kanya. Ang pagtawa ni Jesus ay nagdulot sa kanya ng labis na kaligayahan, ang Kanyang kalungkutan ay nagsadlak sa kanya sa pighati, ang Kanyang galit ay tumakot sa kanya, habang ang Kanyang habag, pagpapatawad, at pagiging-mahigpit ay nagsanhing mahalin niyang tunay si Jesus, nagkaroon ng totoong paggalang at pananabik sa Kanya. Siyempre, unti-unting natanto lamang ni Pedro ang lahat ng ito nang namuhay siyang kasama ni Jesus sa loob ng ilang taon."

18 Agosto 2018

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | Ano ba talaga ang pagkilala sa Diyos? Maituturing bang pagkilala sa Diyos ang pag-unawa sa kaalaman at teolohikal na teorya ng Biblia?

✿▄─▄❀▄─▄✿▄─▄❀▄─▄✿▄─▄❀▄─▄✿▄─▄❀▄─▄✿

 Biblia, ebanghelyo, Jehova, Jesus, karanasan


════════════❀.❋.❀═════════════ 


Nauugnay sa pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos

    Kabilang sa kaalaman sa praktikal na Diyos ang pag-kilala at pagdanas ng Kanyang mga salita, at pagunawa sa mga patakaran at prinsipyo ng gawa ng Banal na Espiritu, at kung paano gumagawa ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao. Samakatuwid, pati, kabilang ba rito ang pagkilala sa bawa't pagkilos ng Diyos sa katawang-tao ay pinamumunuan ng Espiritu, at ang mga salita na Kanyang binibigkas ay direktang pahayag ng Espiritu. Kaya, kung nais mong makilala ang praktikal na Diyos, una mo dapat malaman kung paano gumagawa ang Diyos sa pagka-tao at sa pagka-Diyos; dito, naman, patungkol sa mga pahayag ng Espiritu, na pinagkakaabalahan ng lahat.

mula sa “Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

    Ang pagkilala sa tunay na mga pagkilos ng Diyos, ang pagkilala sa realidad ng Diyos at Kanyang pagiging makapangyarihan, ang pagkilala sa tunay na pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, ang pagkilala sa kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, ang pagkilala sa lahat ng Kanyang ipinakita sa gitna ng lahat ng mga bagay-ang mga ito ay napakahalaga sa bawat isang tao na naghahanap ng kaalaman ukol sa Diyos. Ang mga ito ay hindi maihihiwalay sa bawat buhay ng tao, mula sa bawat praktikal na buhay ng tao ng paghahanap sa katotohanan. Kung iyong lilimitahan ang iyong pagkaunawa sa Diyos sa mga salita lamang, kung lilimitahan mo ito sa iyong sariling konting mga karanasan, sa mga biyaya ng Diyos na iyong binibilang, o sa iyong konting mga pagpapatotoo sa Diyos, kung gayon sasabihin ko na ang iyong Diyos ay tiyak na hindi ang tunay na Diyos. Tiyak na hindi Siya ang tunay na Diyos Mismo, at maaari ding sabihin na ang Diyos na pinaniniwalaan mo ay hindi Diyos. Ito ay dahil sa ang Diyos na Aking tinutukoy ay ang Siyang namumuno sa lahat, na lumalakad sa gitna ng lahat, na namamahala sa lahat. Siya ang Siyang humahawak sa kapalaran ng buong sangkatauhan-ang Siyang humahawak sa kapalaran ng lahat. Ang mga gawain at mga pagkilos ng Diyos na aking sinasabi ay hindi limitado lamang sa maliit na bahagi ng mga tao. Iyon ay, hindi ito limitado lamang sa mga tao na sumusunod sa Kanya sa kasalukuyan. Ang Kanyang mga pagkilos ay nakikita sa lahat ng mga bagay, sa kakayahang mabuhay ng lahat ng mga bagay, at sa mga kautusang ng pagbabago sa lahat ng mga bagay. Kung hindi mo nakikita o kinikilala ang alinman sa mga pagkilos ng Diyos sa gitna ng lahat ng mga bagay, kung gayon hindi ka maaaring sumaksi sa alinman sa Kanyang mga pagkilos. Kung hindi ka maaaring sumaksi para sa Diyos, kapag nagpatuloy kang nagsalita tungkol sa maliit na kung tawagi'y Diyos na kilala mo, ang Diyos na iyon na limitado sa iyong sariling mga palagay, at nasa loob ng iyong makitid na pag-iisip, kapag nagpatuloy kang nagsalita sa gayong uri ng Diyos, kung gayon hindi kailanman pupurihin ng Diyos ang iyong pananampalataya. Kapag sumaksi ka para sa Diyos, kung gagamitin mo lamang kung paano mo tinatamasa ang biyaya ng Diyos, tanggapin ang disiplina ng Diyos at Kanyang pagtutuwid, at tanggapin ang Kanyang mga biyaya sa iyong pagsasaksi para sa Kanya, iyon ay lubhang hindi sapat, at malayo sa pagbibigay ng kasiyahan sa Kanya. Kung gusto mong sumaksi para sa Diyos sa paraan na nakaayon sa Kanyang kalooban, sumaksi para sa tunay na Diyos Mismo, kung gayon kailangan mong makita kung anong mayroon ang at kung anong mayroon at kung ano ang Diyos sa Kanyang mga pagkilos. Kailangan mong makita ang awtoridad ng Diyos sa Kanyang pamamahala sa lahat, at makita ang katotohanan kung paano Siya naglalaan para sa buong sangkatauhan. Kung kinikilala mo lamang na ang iyong pang-araw-araw na pagkain at inumin at ang iyong pangangailangan sa buhay ay nagmumula sa Diyos, ngunit hindi mo nakikita ang Diyos ang naglalaan para sa buong sangkatauhan sa pamamagitan ng lahat ng mga bagay, na pinangungunahan Niya ang buong sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang pamamahala sa lahat ng mga bagay, kung gayon hindi mo kailanman magagawang sumasaksi para sa Diyos.

31 Hulyo 2018

Tagalog Christian Movie | Revealing the Mystery of God's Name | "Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?!"



Ang pangalan niya ay Wang Hua, at siya ay mangangaral sa isang bahay iglesia sa Katimugang Tsina. Matapos siyang maniwala sa Panginoon, natuklasan niya sa Biblia na Jehova ang tawag sa Diyos sa Lumang Tipan, at tinawag na Jesus sa Bagong Tipan. Bakit may iba’t ibang pangalan ang Diyos? Talagang nalito si Wang Hua tungkol dito. Sinikap niyang hanapin ang sagot sa Biblia, pero nabigong maunawaan ang hiwaga…. Ngunit matatag siyang naniwala na walang ibang pangalan sa silong ng langit na ibinigay sa mga tao, kaya’t si Jesus lamang ang Tagapagligtas, at basta nakakapit tayo sa pangalan ni Jesus, tiyak na madadala tayo sa kaharian ng langit. Ngunit isang araw, narinig ni Wang Hua ang nakakagulat na balita: Nagbago na ang pangalan ng Diyos! Pagkatapos niyon, hindi na napanatag ang kanyang puso …

23 Hulyo 2018

Christian Full Movie 2018 | "Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo!" (Tagalog dubbed)


Si Lee Chungmin ay elder sa isang iglesia sa Seoul, South Korea. Sa loob ng mahigit dalawampung taon, masigasig siyang naglingkod sa Panginoon, na lubos na nakatuon sa pag-aaral ng Biblia. Sa pagsunod sa halimbawa ng mga pinuno ng kanilang relihiyon, inakala niya na ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, at na ang pagsampalataya sa Biblia ay kaparehong-kapareho ng pagsampalataya sa Panginoon. Naniwala siya na basta’t sumunod siya sa Biblia, madadala siya sa kaharian ng langit. Ang mga ideyang ito ang pumigil sa kanya na gaya ng isang pares ng mga kadena, na pumipigil sa kanya na sundan ang mga yapak ng Diyos at manalig sa Kanya. Dahil dito, hindi naisip ni Lee Chungmin kailanman na siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw …
Isang araw, nagkataon lang na nanood siya ng ilang video ng mga himno sa website ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Lubha siyang naantig sa kanilang nakakapukaw na mga titik at magagandang himig, na nagbigay-inspirasyon sa kanya na siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Matapos makipagtalo nang ilang beses tungkol sa katotohanan, naunawaan na niya ang kuwento sa likod ng Biblia sa pamamagitan ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Malinaw na niyang naunawaan ang mga tunay na pangyayari: Kinokontra at tinutuligsa ng mga Fariseo ng mga relihiyon ang pagpapakita at gawain ng Diyos na nagkukunwaring pinupuri ang Biblia. Kalaunan, hindi niya pinansin ang pagkontrol at pagpigil ng mga relihiyong Fariseo at sumunod siya sa mga yapak ng Diyos …

04 Hulyo 2018

Tagalog Christian Musical Drama 2018 "Sinasamba ng Bawat Bansa Ang Makapangyarihang Diyos" (Trailer)



Sa ilalim ng isang maningning, tahimik, at mapayapang gabi ng kalangitan, isang grupo ng mga Kristiyano na masigasig na naghihintay sa pagbabalik ng Tagapagligtas ang nagkakantahan at nagsasayawan sa masayang tugtugin. Noong narinig nila ang masayang balita “Nagbalik na ang Diyos” at “Nagbigkas ang Diyos ng mga bagong salita”, nagulat sila at nasabik. Iniisip nila: “Nagbalik na ang Diyos? Nagpakita na ba Siya?!” Taglay ang pagkamausisa at kawalang-katiyakan, isa-isang, humakbang sila papunta sa paglalakbay tungo sa paghahanap sa mga bagong salita ng Diyos. Sa kanilang nakakapagod na paghahanap, ilang mga tao ang nagtatanong samantalang basta na lamang tinanggap ito ng iba. Tinitingnan lamang ito ng ilang tao nang walang imik, samantalang nagbibigay ng suhestiyon ang iba at naghahanap ng mga sagot sa Biblia—naghahanap sila ngunit sa huli, wala itong bunga …. Kung kailan pinanghihinaan sila ng loob, isang saksi ang nagdadala sa kanila ng isang kopya ng Biblia ng Kapanahunan ng Kaharian, at malalim silang nahumaling sa mga salita sa aklat. Anong uring aklat talaga ito? Nakita na ba talaga nila ang mga bagong salita na binigkas ng Diyos sa aklat na iyon? Tinanggap na ba nila ang pagpapakita ng Diyos?
Rekomendasyon:
Paano Dapat Unawain ang Kristiyanismo?

27 Hunyo 2018

Christian Musical Drama 2018 "Sinasamba ng Bawat Bansa Ang Makapangyarihang Diyos" (Tagalog Dubbed)

★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★

Sa ilalim ng isang maningning, tahimik, at mapayapang gabi ng kalangitan, isang grupo ng mga Kristiyano na masigasig na naghihintay sa pagbabalik ng Tagapagligtas ang nagkakantahan at nagsasayawan sa masayang tugtugin. Noong narinig nila ang masayang balita “Nagbalik na ang Diyos” at “Nagbigkas ang Diyos ng mga bagong salita”, nagulat sila at nasabik. Iniisip nila: “Nagbalik na ang Diyos? Nagpakita na ba Siya?!” Taglay ang pagkamausisa at kawalang-katiyakan, isa-isang, humakbang sila papunta sa paglalakbay tungo sa paghahanap sa mga bagong salita ng Diyos. Sa kanilang nakakapagod na paghahanap, ilang mga tao ang nagtatanong samantalang basta na lamang tinanggap ito ng iba. Tinitingnan lamang ito ng ilang tao nang walang imik, samantalang nagbibigay ng suhestiyon ang iba at naghahanap ng mga sagot sa Biblia—naghahanap sila ngunit sa huli, wala itong bunga …. Kung kailan pinanghihinaan sila ng loob, isang saksi ang nagdadala sa kanila ng isang kopya ng Biblia ng Kapanahunan ng Kaharian, at malalim silang nahumaling sa mga salita sa aklat. Anong uring aklat talaga ito? Nakita na ba talaga nila ang mga bagong salita na binigkas ng Diyos sa aklat na iyon? Tinanggap na ba nila ang pagpapakita ng Diyos?


25 Hunyo 2018

Christian Full Movie 2018 | "Sino ang Aking Panginoon" God is My Savior (Tagalog Dubbed)


Christian Full Movie 2018 | "Sino ang Aking Panginoon" God is My Savior (Tagalog Dubbed)


Isang pastor si Liu Zhizhong sa isang lokal na bahay iglesia sa Tsina. Naging isa siyang mananampalataya sa mahigit 30 taon, at patuloy na pinananatili na "Ang Banal na Biblia  ay kinasihan ng Diyos," "Kumakatawan sa Diyos ang Banal na Biblia, ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia, ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Diyos." Sa kanyang puso, ang Biblia ay napakahalaga. Dahil sa kanyang pagsamba at bulag na pananampalataya sa Biblia , hindi niya kailanman napag-aralan o natingnan ang gawain ng  Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Hanggang sa isang araw, nang hinarangan niya ang mga mananampalataya mula sa online na pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nagkaroon siya ng pagkakataong makaharap ang mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matapos sumailalim sa mga matinding debate tungkol sa katotohanan, nagawa ba niyang makita nang malinaw sa huli ang relasyon sa pagitan ng Banal na Biblia at Diyos? Nagawa ba niyang lumayo mula sa Biblia upang maunawaan na si Cristo ay ang katotohanan, daan, at buhay? Siya ba ay dadalhin sa harapan ng Diyos?

03 Hunyo 2018

Ebangheliyong pelikula | Saan Mismo Naroon ang Kaharian sa Langit?


       Ang pinakadakilang pangarap natin na nananalig sa Panginoon ay sumalubong sa pagbalik ng Panginoon, madala sa kaharian sa langit, at matanggap ang pangako at mga pagpapala ng Diyos. Naniniwala ang karamihan sa mga tao na pagbalik ng Panginoon, itataas tayo sa hangin para salubungin ang Panginoon. Pero sa Biblia, sinasabi na ang Bagong Jerusalem ay bababa mula sa langit. “Ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao,” “Ang mga kaharian ng mundong ito ay nagiging mga kaharian ng ating Panginoon, at ng Kanyang Cristo.” Nasa alapaap ba o nasa lupa ang kaharian sa langit? Paano dadalhin ng Panginoon ang mga banal patungo sa kaharian sa langit pagbalik Niya?
Rekomendasyon:
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

14 Mayo 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | "Red Re-Education sa Bahay" | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (1)


Mula nang magkaroon ng kapangyarihan, walang-tigil nang sinugpo at pinagmalupitan ng Chinese Communist Party ang mga paniniwala sa relihiyon, at hayagan pang binansagan ang Kristiyanismo at Katolisismo na mga kulto at tinawag na babasahing pangkulto ang Biblia. Sa pagdaan ng mga taon, nagpapatotoo na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyossa pagbalik ng Panginoong Jesus, at hinatulan din ito ng CCP na isang kulto. Ang CCP ay isang ateistang partido. Isa itong napakasamang rehimen na kaaway ng Diyos, kaya paano ito nagkaroon ng karapatang magsabi na ang anumang partikular na relihiyon ang tunay na daan, o isang kulto? Paano maiintindihan ng isang tao kung ano talaga ang kulto?
`•.¸ ¸.•``•.¸ ¸.•` `•.¸ ¸.•``•.¸ ¸.•` `•.¸ ¸.•``•.¸ ¸.•`  `•.¸ ¸.•``•.¸ ¸.•` 
Rekomendasyon:
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal
Ang maikling panimula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

01 Mayo 2018

🌳 Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China [Trailer] 🌳

Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga patakarang nakatutok sa "Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han" ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China …



Ang dokumentaryong ito ay matapat at inilalarawan nang walang pinapanigan ang tunay na mga karanasan sa pang-uusig na dinanas ng mga Kristiyanong Chinese sa mga kamay ng pamahalaang CCP. Ang mga Kristiyanong inusig sa pelikula ay mga tao mula sa iba’t ibang sekta at denominasyon na naghanap sa katotohanan, at narinig ang tinig ng Diyos at sa gayo’y nagsibalik sa Makapangyarihang Diyos. Tumahak sila sa tamang landas ng buhay, subalit galit na galit na pinag-aaresto sila ng pamahalaang CCP. Ang ilan sa kanila ay ibinilanggo, ang ilan ay pinahirapan sa anumang paraan, ang ilan ay namuhay bilang pugante na nahiwalay sa kanilang asawa’t mga anak, at ang ilan ay nalumpo o napatay pa dahil sa pang-aabuso. Ang dokumentaryong ito na napakaganda ng pagkakuha ay nagtatangkang muling isadula ang tunay na nangyari noong panahong iyon, at naglalaan ng malalim na pagninilay-nilay tungkol sa garapal na panghihimasok sa mga pananalig sa relihiyon at karapatang-pantao ng mga Kristiyanong Chinese. Ipinapakita sa atin nito ang tunay na buhay ng mga Kristiyanong Chinese at mga Kristiyanong pamilya upang mas maunawaan natin, gayundin bilang pagninilay-nilay—na bihirang makita nitong nakaraang mga taon—tungkol sa mga karanasan at damdamin ng mga Kristiyanong Chinese na inusig dahil sa kanilang pananampalataya.

     🌳  Rekomendasyon:🌳
Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal





20 Abril 2018

Ebangheliyong pelikula | The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (2)


The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (2)


Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga patakarang nakatutok sa “Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han” ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China …


Rekomendasyon:


Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan





15 Abril 2018

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Movie Clip (6) | Ang Pagsunod ba sa mga Pastor at Elder ay Tulad ng Pagsunod sa Diyos?

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Movie Clip (6) | Ang Pagsunod ba sa mga Pastor at Elder ay Tulad ng Pagsunod sa Diyos?


Naniniwala ang ilang mga mananampalataya na pinili at hinirang ng Panginoon ang mga pastor at elder ng relihiyosong mundo, at lahat sila’y mga taong naninilbihan sa Panginoon. Kaya naniniwala sila na ang pagsunod lamang sa mga pastor at elder ay pagsunod sa Panginoon, at ang pagsalungat o paghatol sa mga pastor at elder ay pagsalungat sa Panginoon. Naniniwala pati sila na, sa mga iglesia, tanging mga pastor at elder lamang ang nakakaunawa sa Biblia at kayang ipaliwanag ang Biblia, at basta't naaayon sa Biblia at batay sa Biblia ang ipinapangaral o ginagawa ng mga pastor at elder, dapat silang talimahin at sundin ng mga tao kung gayon. Naaayon ba sa katotohanan ang ganitong uri ng pagsunod sa mga pastor at elder? Kinakatawan ba ng pag-unawa sa kaalaman sa Biblia ang pag-unawa sa katotohanan at kaalaman sa Diyos? Anong pamamaraan ba talaga ang dapat nating gamitin sa mga pastor at elder na tumatalima sa kalooban ng Diyos?

12 Abril 2018

Mga Movie Clip (4) | Ang Pananampalataya ba sa Biblia ay Katumbas ng Pananampalataya sa Panginoon? | Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Mga Movie Clip (4) | Ang Pananampalataya ba sa Biblia ay Katumbas ng Pananampalataya sa Panginoon

Naniniwala ang karamihan sa mga pastor at elder ng relihiyosong mundo na kinakatawan ng Biblia ang Panginoon, at ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, at ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Panginoon. Naniniwala sila na kung aalis ang isa mula sa Biblia, hindi siya matatawag na mananampalayata kung gayon, at maaaring maligtas at makapasok ang isang tao sa kaharian ng langit hangga’t kumakapit siya sa Biblia. Kaya ba talagang katawanin ng Biblia ang Panginoon? Ano ba talaga ang relasyon sa pagitan ng Biblia at ng Panginoon? Sabi ng Panginoong Jesus, “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39-40). Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Matapos ang lahat, alin ang mas dakila: Ang Diyos o ang Biblia? Bakit kailangan ang gawain ng Diyos ay kaayon sa Biblia? Maaari kayana ang Diyos ay walang karapatan na higitan ang Biblia? Hindi ba maaaaringlisanin ng Diyos ang Biblia at gumawa ng iba pang gawain? Bakit si Jesus at ang Kanyang mga alagad ay hindi sumusunod sa Araw ng Pamamahinga? … Dapat mong malaman kung alin ang nauna, ang Diyos o ang Biblia! Dahil Panginoong ng Araw ng Pamamahinga, Siya ba’y maaaring ding maging Diyos ng Biblia?” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

11 Abril 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan

Mga Pagbigkas ni Cristo, Biblia, krus, Jesus, Langit

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan


      Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at tapat na mga Kristiyano, pananagutan at obligasyon nating lahat na ialay ang ating mga isipan at katawan para sa katuparan ng kautusan ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral salamat sa kapangyarihan ng Diyos. Kung ang ating mga isip at katawan ay hindi para sa kautusan ng Diyos at hindi para sa matuwid na dahilan ng sangkatauhan, sa gayon ang ating mga kaluluwa’y hindi magiging karapat-dapat sa mga taong naging martir para sa kautusan ng Diyos, mas hindi karapat-dapat sa Diyos, na naglaan sa atin ng lahat ng bagay.