Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

30 Setyembre 2019

Tagalog Christian Movie Clips | "Pananabik" Alam Mo Ba ang Misteryo ng Pagpapakita ng Diyos?


Tagalog Christian Movie Clips | "Pananabik" Alam Mo Ba ang Misteryo ng Pagpapakita ng Diyos?


Naniniwala ang maraming nananalig sa Panginoon na babalik ang Panginoon sa kaluwalhatian, bababa sakay ng ulap at magpapakita sa lahat ng tao, kaya lagi silang nakatingala sa mga ulap sa kalangitan, naghihintay na bumaba ang Panginoon sakay ng ulap, at madala sa kalangitan at masalubong Siya. Naaayon ba ang paniniwalang ito sa katotohanan? Paano dapat maunawaan ng isang tao ang pagpapakita at gawain ng Diyos? Anong klaseng mga hiwaga ang nilalaman ng pagpapakita ng Diyos?

07 Pebrero 2019

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Tularan ang Panginoong Jesus"



Tagalog Worship Songs
Tularan ang Panginoong Jesus

I

Tinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,
ang pagtubos sa lahat ng tao
sa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N'ya,
nang walang pansariling layunin o plano.
Nakasentro Siya sa plano ng Diyos.
Sa Ama sa langit, S'ya'y nanalangin,
hinahanap ang kalooban Niya.
S'ya'y naghahanap at laging nananalangin.

02 Pebrero 2019

7. Bakit sinasabi na kinukumpleto ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao?



        Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa'y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya” (Mga Hebreo 9:28).

“Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios” (Juan 1:1).

12 Enero 2019

Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos




Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos.

13 Hunyo 2018

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya


Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Sa mga panahong nakaraan, maraming nagpatuloy sa ambisyon at mga paniwala ng tao at alang-alang sa mga pag-asa ng tao. Ang mga bagay na ito ay hindi tatalakayin ngayon. Ang susi ay upang maghanap ng isang paraan ng pagsasagawa na magbibigay-daan sa bawat isa sa inyo upang mapanatili ang isang karaniwang kalagayan sa harap ng Diyos at upang unti-unting makawala sa mga kadena ng impluwensya ni Satanas, upang kayo ay maaaring makamit ng Diyos, at isabuhay sa mundo kung ano ang hinihiling sa inyo ng Diyos. Tanging ito ang maaaring makatupad sa hangad ng Diyos."

Rekomendasyon:

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

14 Mayo 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | "Red Re-Education sa Bahay" | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (1)


Mula nang magkaroon ng kapangyarihan, walang-tigil nang sinugpo at pinagmalupitan ng Chinese Communist Party ang mga paniniwala sa relihiyon, at hayagan pang binansagan ang Kristiyanismo at Katolisismo na mga kulto at tinawag na babasahing pangkulto ang Biblia. Sa pagdaan ng mga taon, nagpapatotoo na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyossa pagbalik ng Panginoong Jesus, at hinatulan din ito ng CCP na isang kulto. Ang CCP ay isang ateistang partido. Isa itong napakasamang rehimen na kaaway ng Diyos, kaya paano ito nagkaroon ng karapatang magsabi na ang anumang partikular na relihiyon ang tunay na daan, o isang kulto? Paano maiintindihan ng isang tao kung ano talaga ang kulto?
`•.¸ ¸.•``•.¸ ¸.•` `•.¸ ¸.•``•.¸ ¸.•` `•.¸ ¸.•``•.¸ ¸.•`  `•.¸ ¸.•``•.¸ ¸.•` 
Rekomendasyon:
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal
Ang maikling panimula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

29 Abril 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis

Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis


Ang pag-ibig ay isang dalisay na damdamin,

dalisay na walang dungis.
Gamitin ang iyong puso,
sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga.
Ang pag-ibig ay 'di nagtatakda ng mga kondisyon
o mga hadlang o agwat.
Gamitin ang 'yong puso,
sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga.
Kung ikaw ay nagmamahal, 'di ka manlilinlang,
magrereklamo at tatalikod,
naghihintay ng kapalit.
Kung ikaw ay umiibig magpapakasakit ka,
tinatanggap ang hirap at makaisa ng Diyos sa pagkaayon.


24 Marso 2018

Tagalog Cristianong Papuring Kanta | Ang Pag-ibig at Kakanyahan ng Diyos ay Palaging Walang Pag-iimbot




Tagalog Cristianong Papuring Kanta | Ang Pag-ibig at Kakanyahan ng Diyos ay Palaging Walang Pag-iimbot


Hindi ibinubunyag o ipinapakita ang Kanyang pagdurusa.

Ang Diyos ay nagtitiis at naghihintay ng tahimik.
Hindi kalamigan o manhid, ni isang tanda ng kahinaan.
Ang kakanyahan at pagmamahal ng Diyos
ay palaging walang pag-iimbot.
Ibinibigay ng Diyos ang Kanyang pinakamahusay,
Kanyang pinakamahusay na panig.
Pinakamabubuting mga bagay ay Kanyang ibinibigay.
Naghihirap Siya para sa sangkatauhan;
tahimik na nadadala ang Kanyang pagdurusa.
Tahimik Siyang nagbibigay ng Kanyang pinakamahusay.

08 Marso 2018

Tagalog Christian Song | Hanap ng Diyos ang Mga Uhaw sa Kanyang Pagpapakita


Tagalog Christian Song | Hanap ng Diyos ang Mga Uhaw sa Kanyang Pagpapakita | Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

I
Hanap ng Diyos yaong mga uhaw sa Kanyang pagpapakita.
Yaong mga di tumututol, masunuring tulad ng mga paslit.
Hanap ng Diyos ang may kaya, 
kayang dinggin ang Kanyang mga salita,
wag limutin Kanyang habilin, ialay katawan at puso sa Kanya.
Kung walang makakayanig, 
walang makakayanig sa'yong panata sa Diyos,
mamasdan ka Niya, mamasdan ka Niya nang may pabor, oh …
Igagawad Niya pagpapalang dapat sa 'yo, sa 'yo,
igagawad Niya pagpapalang dapat sa 'yo!

04 Marso 2018

Clip ng Pelikulang Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit (4)


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ebangheliyong pelikula | Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (4)


Naniniwala ang ilang tao na matapos mabuhay na mag-uli ang Panginoong Jesus at umakyat sa langit, bumaba ang Banal na Espiritu para gumawa sa tao sa araw ng Pentecostes. Sinaway Niya ang mundo ng kasalanan, at ng pagkamatuwid, at ng paghatol. Kapag tinanggap natin ang gawain ng Banal na Espiritu at nagsisi tayo sa Panginoon para sa ating mga kasalanan, dumaranas tayo ng paghatol ng Panginoon. Ang gawaing ginawa ng Banal na Espiritu sa araw ng Pentecostes ay dapat maging gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Tama ba tayo sa paraan ng pagtanggap natin dito? Ano ang kaibhan sa pagitan ng gawain ng Panginoong Jesus at ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw?

Rekomendasyon:

Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan



09 Pebrero 2018

Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (2)


 Ang tinig ng Diyos | Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (2) | Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung ang nagkatawang-taong Diyos man ay nagsasalita, gumagawa, o naghahayag ng mga himala, Siya ay gumagawa ng dakilang gawain sa loob ng Kanyang pamamahala, at ang ganoong gawain ay hindi maaaring magawa ng tao bilang kahalili Niya. Ang gawain ng tao ay ang gawin lamang ang kanyang tungkulin bilang isang taong nilalang sa isang partikular na yugto ng gawaing pamamahala ng Diyos. Kung wala ang ganoong pamamahala, iyon ay, kung ang ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao ay nawala, gayundin ang tungkulin ng isang taong nilalang. Ang gawain ng Diyos sa pagsasakatuparan ng Kanyang ministeryo ay ang pamahalaan ang tao, samantalang ang paggawa ng tao sa kanyang tungkulin ay ang pagganap sa kanyang sariling mga pananagutan upang matugunan ang mga hinihingi ng Maylalang at sa anumang paraan ay hindi maituturing na pagsasakatuparan ng ministeryo ninuman. Sa likas na esensya ng Diyos, iyon ay, Espiritu, ang gawain ng Diyos ay ang Kanyang pamamahala, nguni’t sa Diyos na nagkatawang-tao na nasa panlabas na anyo ng isang taong nilalang, ang Kanyang gawain ay ang pagsasakatuparan ng Kanyang ministeryo. Anumang gawain ang Kanyang ginagawa ay upang isakatuparan ang Kanyang ministeryo, at maaari lamang magawa ng tao ang kanyang makakaya sa loob ng Kanyang sakop ng pamamahala at sa ilalim ng Kanyang pangunguna."

Rekomendasyon:

Ang  Ebanghelyo  ay lumalaganap!

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus






07 Pebrero 2018

Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (1)




Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (1)



    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung ang nagkatawang-taong Diyos man ay nagsasalita, gumagawa, o naghahayag ng mga himala, Siya ay gumagawa ng dakilang gawain sa loob ng Kanyang pamamahala, at ang ganoong gawain ay hindi maaaring magawa ng tao bilang kahalili Niya. Ang gawain ng tao ay ang gawin lamang ang kanyang tungkulin bilang isang taong nilalang sa isang partikular na yugto ng gawaing pamamahala ng Diyos. Kung wala ang ganoong pamamahala, iyon ay, kung ang ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao ay nawala, gayundin ang tungkulin ng isang taong nilalang. Ang gawain ng Diyos sa pagsasakatuparan ng Kanyang ministeryo ay ang pamahalaan ang tao, samantalang ang paggawa ng tao sa kanyang tungkulin ay ang pagganap sa kanyang sariling mga pananagutan upang matugunan ang mga hinihingi ng Maylalang at sa anumang paraan ay hindi maituturing na pagsasakatuparan ng ministeryo ninuman. Sa likas na esensya ng Diyos, iyon ay, Espiritu, ang gawain ng Diyos ay ang Kanyang pamamahala, nguni’t sa Diyos na nagkatawang-tao na nasa panlabas na anyo ng isang taong nilalang, ang Kanyang gawain ay ang pagsasakatuparan ng Kanyang ministeryo. Anumang gawain ang Kanyang ginagawa ay upang isakatuparan ang Kanyang ministeryo, at maaari lamang magawa ng tao ang kanyang makakaya sa loob ng Kanyang sakop ng pamamahala at sa ilalim ng Kanyang pangunguna.”

Rekomendasyon:

Ang  Ebanghelyo  ay lumalaganap!
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus