Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

21 Agosto 2018

Tungkulin ng Tao ang Sumaksi para sa Diyos

Mga Himno,MP3,




Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Tungkulin ng Tao ang Sumaksi para sa Diyos


I
Yaong ipinagkakaloob sa'yo ng Diyos ngayon
lumalampas kay Moises
at mas mahigit pa kaysa kay David,
kaya naman hinihiling Niya na
ang iyong patotoo ay malampasan ang kay Moises
at ang iyong mga salita ay higit sa kay David.

10 Agosto 2018

Ang tinig ng Diyos | Pakahulugan sa Ikalabing-pitong Pagbigkas

      Ang totoo, lahat ng mga salita na galing sa bibig ng Diyos ay mga bagay na hindi alam ng mga tao; lahat ng mga ito ang wika na hindi napakinggan ng mga tao, kaya puwedeng ipalagay nang ganito: hiwaga ang mga salita ng Diyos sa sarili ng mga ito. Nagkakamaling naniniwala ang karamihan ng mga tao na ang mga bagay lang na hindi kayang matamo nang pangmalas, ang mga usapin ng langit na hinahayaan ng Diyos na malaman ng tao tungkol sa kasalukuyan, o ang katotohanan tungkol sa ginagawa ng Diyos sa espirituwal na mundo ay mga hiwaga. Ipinapakita nito na hindi itinuturing ng mga tao ang lahat ng mga salita ng Diyos nang pantay, ni pinahahalagahan ang mga ito, pero nakatuon sila sa pinaniniwalaan nilang mga “hiwaga.” Pinatutunayan nito na hindi alam ng mga tao kung ano ang mga salita ng Diyos o kung ano ang mga hiwaga—binabasa lang nila ang mga salita ng Diyos mula sa loob ng kanilang sariling mga pagkaunawa. Na wala kahit isang tao na tunay na nagmamahal sa salita ng Diyos ang realidad—ang ugat kung bakit nasasabi na “ang mga tao ay mga eksperto sa pandaraya sa Akin” ay naririto mismo. Tiyak na hindi dahil sinasabi ng Diyos na walang anumang halaga ang mga tao, o na talagang magugulo sila. Ito ang aktuwal na kalagayan ng sangkatauhan. Ang mga tao mismo ay hindi malinaw kung gaano kalaking puwang ang talagang nasasakop ng Diyos sa kanilang mga puso—tanging ang Diyos lang Mismo ang lubusang nakakaalam. Kaya ngayon mismo parang mga sumususong mga sanggol ang mga tao—ganap silang walang kamalay-malay kung bakit umiinom sila ng gatas at para saan sila nananatiling buhay. Tanging kanilang ina ang nakauunawa ng kanilang pangangailangan, hindi hahayaang mamatay sila sa gutom, at hindi hahayaang mamatay sa labis na pagkain. Alam ng Diyos ang pinakamabuti na mga kinakailangan ng mga tao, kaya kung minsan nakapaloob sa Kanyang mga salita ang Kanyang pag-ibig, kung minsan ibinubunyag ang Kanyang paghatol sa mga ito, kung minsan nakakasakit ng mga kaloob-loobang puso ng mga tao, at kung minsan napakataimtim at marubdob ng Kanyang mga salita. Hinahayaan nito ang mga tao na maramdaman ang Kanyang kabaitan at Kanyang pagiging madaling malapitan, at na hindi Siya ang “maringal na anyo” na inaakala, isang hindi puwedeng salingin, ni hindi Siya ang “Anak ng Langit” sa mga isip ng mga tao, isang hindi tuwirang matitingnan sa mukha, at hindi Siya ang partikular na “berdugo” na inaakala ng mga tao na pumapatay ng walang kasalanan. Ang buong disposisyon ng Diyos ay nabubunyag sa Kanyang gawain, ang disposisyon ng Diyos sa katawang tao ngayon ay kinakatawan pa rin sa pamamagitan ng Kanyang gawain, kaya ang ministeryong isinasakatuparan ng Diyos ay ang ministeryo ng mga salita, hindi kung ano ang ginagawa Niya o paano Siya nagpapakita sa panlabas. Sa dakong huli makakamtan ng lahat ng tao ang pagpapalakas mula sa salita ng Diyos at ginagawang ganap dahil sa mga ito. Sa kanuilang mga karanasan, dahil sa paggabay ng mga salita ng Diyos, makakamtan nila ang isang landas para sa pagsasagawa, at sa pamamagitan ng mga salitang galing sa bibig ng Diyos malalaman ng mga tao ang Kanyang buong disposisyon. Matutupad ang buong gawain ng Diyos dahil sa salita ng Diyos, magiging buhay ang mga tao, at matatalo ang lahat ng kaaway. Ito ang pangunahing gawain, at walang sinumang maaring magwalang-bahala dito. Makabubuting tingnan natin nang maigi ang Kanyang mga salita: “Umaalingawngaw ang Aking tinig tulad ng kulog na tumatanglaw sa apat na kwandrante at sa buong mundo, at sa kalagitnaan ng kulog at kidlat, pinababagsak ang sangkatauhan. Walang taong kailanman ang nanatiling matatag sa gitna ng kulog at kidlat: Karamihan ng mga tao ay nasisindak na halos mawalan ng isip sa pagdating ng Aking liwanag, hindi nila malaman kung ano ang gagawin.” Basta lang lumalabas ang mga salita kapag ibinubukas ng Diyos ng Kanyang bibig. Isinasakatuparan ng Diyos ang lahat sa pamamagutan ng mga salita, at binabago ang lahat ng Kanyang mga salita, pinaninibago ang lahat ng mga tao sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Ano ang tinutukoy na “kulog at kidlat”? At ano ang tinutukoy ng “liwanag”? Walang kahit isang bagay ang makakatakas mula sa salita ng Diyos. Ginagamit Niya ang Kanyang mga salita upang ilantad ang mga kaisipan ng mga tao at upang ilarawan ang kanilang kapangitan; gumagamit Siya ng mga salita upang pakitunguhan ang lumang kalikasan ng mga tao at upang gawing ganap ang Kanyang buong bayan. Hindi ba ito ang kahalagahan ng mga salita ng Diyos? Sa buong sansinukob, kung wala ang suporta at pagpapalakas ng mga salita ng Diyos, malamang nawasak na ang buong sanglibutan sa punto ng di-pagiral noon pa. Ito ang isang prinsipiyo kung ano ang ginagawa ng Diyos, at ito ang paraan ng paggawa ng Kanyang anim na libong taong planong pamamalakad. Malinaw na makikita ang kahalagahan ng Kanyang mga salita sa pamamagitan nito. Tuwirang lumalagos ang mga salita ng Diyos sa kalaliman ng mga kaluluwa ng sangkatauhan. Sa sandaling makita nila Kanyang mga salita ay nagugulantang sila at nahihintakutan at nagmamadaling tumatalilis. Nais nilang takasan ang katunayan ng Kanyang mga salita, kaya nga makikita sa lahat ng dako ang mga “lumikas” na ito. Pagkatapos na pagkatapos mabigkas ang mga salita ng Diyos tumatakas palayo ang mga tao. Ito ang isang aspeto ng imahe ng kapangitan ng sanglibutan na isinasalarawan ng Diyos. Ngayon mismo, unti-unting nagigising mula sa kanilang pagkatuliro ang lahat ng tao. Para bang nagkaroon dati ng kalagayan ng pagkasintu-sinto ang lahat ng tao, at ngayong nakikita nila ang mga salita ng Diyos at parang mayroon pa silang nananatiling mga epekto matapos ang sakit at hindi kayang makabawi sa kanilang dating kalagayan. Ito ang aktuwal na kalagayan ng lahat ng mga tao, at ito rin ang tunay na paglalarawan ng pangungusap na ito: “maraming tao ang biglaang napukaw mula sa kanilang mga ilusyon nang naantig sila ng bahagyang liwanag na ito. Ngunit wala ni isa na kailanma’y nakaunawa na dumating na ang araw na bumababa sa mundo ang Aking liwanag.” Ito ang dahilan kaya sinabi ng Diyos: “Karamihan sa mga tao ay natulala sa biglaang pagdating ng liwanag.” Lubusang angkop na ganito ang pagkakasabi. Walang dako kahit para sa dulo ng karayom ang paglalarawan ng Diyos sa sangkatauhan—talagang nagawa Niya ito nang may katumpakan at walang kamalian, na ito ang dahilan kung bakit lubusang kumbinsido ang lahat ng tao at nang hindi namamalayan ito, naguumpisang maitatag mula sa kalaliman ng kaloob-looban ng kanilang mga puso ang kanilang pag-ibig para sa Diyos. Tanging sa paraang ito lang nagiging higit at higit pang tunay ang posisyon ng Diyos sa puso ng mga tao, at ito rin ang isang paraan na gumagawa ang Diyos.

09 Agosto 2018

Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus | "Paano Maglingkod Ayon sa Kalooban ng Diyos"



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung nais ninyong maglingkod sa kalooban ng Diyos, dapat muna ninyong maunawaan kung anong uri ng mga tao ang minamahal ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang kinamumuhian ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang ginagawang perpekto ng Diyos, at kung anong uri ng mga tao ang karapat-dapat maglingkod sa Diyos. Ito man lang ang dapat na mayroon kayo. Dagdag pa rito, dapat ninyong malaman ang mga hangarin ng gawa ng Diyos, at ang gawa ng Diyos na gagawin dito at ngayon. Matapos unawain ito, at sa pamamagitan ng paggabay ng mga  mga mga salita ng Diyos, kailangan muna ninyong pumasok, at unang tumanggap ng komisyon ng Diyos. Kapag aktwal kayong dumanas batay sa mga salita ng Diyos, at kapag tunay ninyong alam ang gawa ng Diyos, kayo ay magiging karapat-dapat sa paglilingkod sa Diyos. At kapag kayo ay naglilingkod sa Kanya, iminumulat ng Diyos ang inyong mga mata, at nagpapahintulot sa inyo na magkaroon ng isang mas higit na pang-unawa ng Kanyang gawa at mas malinaw itong makikita. Kapag pumasok ka sa katotohanan, ang iyong mga karanasan ay mas magiging malalim at tunay, at ang lahat sa inyo nagkaroon ng ganoong karanasan ay maaaring maglakad kabilang ang mga iglesia at maglaan sa inyong mga kapatid, ang bawat isa ay pinagmumulan ng lakas ng iba upang punan ang inyong sariling kakulangan, at nagkakaroon ng isang mas mayamang kaalaman sa inyong mga espiritu. Matapos makamit ang epektong ito, saka lamang kayo maaaring maglingkod sa kalooban ng Diyos at gawing perpekto ng Diyos sa kurso ng inyong serbisyo."

05 Agosto 2018

Pakahulugan sa Ikasampung Pagbigkas | Ang tinig ng Diyos

      Sa panahon ng pagtatayo ng iglesia, halos hindi nabanggit ng Diyos ang pagtatayo ng kaharian. Kahit na nang banggitin Niya, ginawa Niya sa pananalita ng panahon ng pagtatayo ng iglesia. Nang dumating ang Kapanahunan ng Kaharian, tinanggal ng Diyos ang ilang pamamaraan at mga kapakanan sa panahon ng pagtatayo ng iglesia sa isang kampay at hindi na kailanman nagsabi kahit isang salita tungkol dito. Ito mismo ang pangunahing kahulugan ng “Diyos Mismo” na laging bago at hindi luma kailanman. Gaano man kagaling maaaring nagawa ang mga bagay-bagay sa nakalipas, kung tungkol sa pagiging bahagi ang mga ito ng isang nakalipas na panahon, pinagsasama ng Diyos ang gayong mga bagay-bagay bilang dumarating sa panahon bago ang Cristo, samantalang kinikilala ang kasalukuyang panahon bilang “pagkatapos ng Cristo.”[a] Hinggil dito, maituturing na ang pagtatayo ng iglesia bilang kinakailangang nauna sa pagtatayo ng kaharian. Naglatag ito ng pundasyon para gamitin ng Diyos ang Kanyang pinakamataas na kapangyarihan sa kaharian. Ngayon, anino na lang ang gawain ng pagtatayo ng iglesia sa harap ng pagtatayo ng kaharian, na ito ang pangunahing pinagtutuunan ng gawain ng Diyos sa lupa. Inihanda ng Diyos ang lahat ng detalye ng Kanyang gawain bago natapos ang gawain ng pagtatayo ng iglesia, and at nang dumating ang tamang panahon, inilagak Niya mismo sa Kanyang gawain. Sa gayon, nagsalita ang Diyos nang ganito, “Ang Kapanahunan ng Kaharian ay, kung iisipin, naiiba mula sa nakaraan. Hindi ito kaugnay sa kung ano ang ginagawa ng tao. Sa halip, personal Kong isinasakatuparan ang Aking gawain pagkababa sa lupa—gawaing kahit ang mga tao ay hindi maaaring maisip ni matupad.” Tunay nga, dapat isakatuparan ng Diyos nang personal ang gawaing ito—walang tao ang kaya ang gayong gawain, talagang hindi nila kaya ito. Maliban sa Diyos, sino ang makapagsasakatuparan ng gayong kadakilang gawain sa tao? Sino pa ang kayang pahirapan ang buong sangkatauhan ng halos kamatayan? Maaari bang maisaayos ng mga tao ang gayong gawain? Bakit Niya sinasabi ito, “personal Kong isinasakatuparan ang Aking gawain pagkababa sa lupa”? Maari bang talagang naglaho ang Espiritu ng Diyos mula sa buong kalawakan? Tinutukoy ng “personal Kong isinasakatuparan ang Aking gawain pagkababa sa lupa,” kapwa ang katunayang ang Espiritu ng Diyos ay nagkatawang-tao para gawin ang gawain. at sa katunayang malinaw na gumagawa ang Espiritu ng Diyos sa pamamagitan ng sangkatauhan. Sa personal na pagsasakatuparan ng Kanyang gawain, hinahayaan ng Diyos ang maraming tao na makita ang Diyos Mismo sa mismong mga mata nila, upang hindi na nila kailangang maingat ng maghanap sa kanilang mga espiritu. Bukod diyan, hinahayaan nito ang lahat ng tao na makita ang pagkilos ng Espiritu sa kanilang sariling mga mata at ipinapakita sa kanila na may mahalagang pagkakaiba ang laman ng tao at ng Diyos. Sabay-sabay, sa buong kalawakan at sansinukob, gumagawa pa rin ang Espiritu ng Diyos. Lahat yaong mga taong naliwanagan, nakatanggap ng pangalan ng Diyos, ay nakikita paanong gumagawa ang Espiritu ng Diyos at, sa gayon, nagiging mas higit pang nakikilala ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Sa gayon, kapag lang gumagawa nang tuwiran ang pagka-Diyos ng Diyos, na nakagagawa ang Espiritu ng Diyos na walang kahit katiting na paggambala, makikilala ng tao ang praktikal na Diyos Mismo. Ito ang pinakadiwa ng pagtatayo ng kaharian.

02 Agosto 2018

Christian Songs | Ang Awtoridad at Kapangyarihan na Ipinapakita ng Diyos Nang Nagkatawang-tao


I
D’yos ay dumating sa lupa upang katunaya’y tuparin,
katunayan ng “pagkakatawang-tao ng Salita.”
Ang mga salita ng D’yos nagmumula sa katawang-tao
(di tulad Sa Lumang Tipan,
tuwirang nagsalita ang D’yos mula langit).
Lahat sila’y matutupad sa Milenyong Kaharian
upang maging katunayang nakikita ng tao,
para katupara’y tiyak na makita ng lahat.
Ito ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ng D’yos.
Naganap ang gawain ng Espiritu
sa pamamagitan ng katawang-tao at salita.
Ito ang kahulugan ng “Salitang nagkatawang-tao,
ang pagpapakita ng Salita sa katawang-tao.”

01 Agosto 2018

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo"

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao ay nangangahulugang lahat ng gawain at mga salita ng Espiritu ng Diyos ay isinagawa sa pamamagitan ng Kanyang normal na pagkatao, at sa pamamagitan ng Kanyang pagka-katawang-tao. Sa ibang salita, ang Espiritu ng Diyos ay parehong pinamamahalaan ang Kanyang gawaing pantao at ipinapatupad ang gawain ng pagka-Diyos sa katawang-tao, at sa pagkakatawang-tao ng Diyos iyong makikita ang parehong gawain ng Diyos sa pagkatao at ang ganap na gawain sa pagka-Diyos; ito ay ang tunay na kabuluhan ng pagpapakita ng praktikal na Diyos sa katawang-tao. Kung nakikita mo ito nang malinaw, maaari mong pagdugtungin ang lahat ng iba’t-ibang bahagi ng Diyos, at titigil upang mailagay sa mataas na pagpapahalaga sa Kanyang gawain sa pagka-Diyos, at maging sobrang mapagmaliit sa Kanyang gawain sa pagkatao, at hindi ka tutungo sa mga sukdulan, o kahit na ano mang likuan. Sa pangkalahatan, ang kahulugan ng praktikal na Diyos ay ang gawain ng Kanyang pagkatao at ng Kanyang pagka-Diyos, ayon sa pamamahala ng Espiritu, ay ipinahahayag sa pamamagitan ng Kanyang katawang-tao, kaya’t maaaring makita ng mga tao na Siya ay buhay na buhay at makatotohanan, at tunay at aktwal.



22 Hulyo 2018

ANG BUMALIK NA MGA SALITA NG PANGINOONG JESUS | Pagsasagawa (3)

      Dapat kayong magkaroon ng kakayahan na mabuhay nang mag-isa, nagagawang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos sa inyong mga sarili, upang maranasan ang mga salita ng Diyos nang sarilinan, at upang mamuhay ng isang normal na buhay espirituwal nang walang pangunguna ng iba; dapat ninyong magawang umasa sa mga salita ng Diyos sa kasalukuyan upang mabuhay, makapasok sa tunay na karanasan, at tunay na pagkakita. Sa gayon pa lamang kayo makapaninindigan. Sa kasalukuyan, marami sa mga tao ang hindi ganap na nauunawaan ang hinaharap na mga kapighatian at mga pagsubok. Sa hinaharap, ang ilang mga tao ay makakaranas ng mga kapighatian, at ang ilan ay makakaranas ng kaparusahan. Ang kaparusahang ito ay magiging lalong matindi; ito ay magiging ang pagdating ng mga katotohanan. Sa kasalukuyan, ang lahat ng iyong nararanasan, ginagawa, at ipinahahayag ay inilalatag ang saligan para sa mga pagsubok sa hinaharap, at kahit papaano, dapat mong magawa na mabuhay nang mag-isa. Ngayon, ang sitwasyon tungkol sa marami sa iglesia sa pangkalahatan ay ang mga sumusunod: Kung may mga manggagawa na gagawa ng gawain ng iglesia,[a] sila ay masaya, at kung sila ay hindi, sila ay hindi masaya; at hindi nila pinagtutuunan ng pansin ang gawain sa iglesia, ni hindi sa kanilang sariling pagkain at pag-inom, at wala ni kakatiting na pasan—sila ay kagaya ng ardilya na sumisigaw sa lamig.[b] Sa tapat na pagsasalita, sa maraming mga tao ang gawain na Aking ginawa ay gawain lamang ng paglupig, sapagkat marami ang pangunahin nang hindi karapat-dapat na gawing perpekto. Isang maliit na bahagi lamang ng mga tao ang maaaring gawing perpekto. Kung, sa pagkarinig sa mga salitang ito, naniniwala ka na ang gawain na ginagawa ng Diyos ay para lamang lupigin ang mga tao, at kaya susunod ka na lamang nang walang interes, papaano magiging katanggap-tanggap ang gayong ugali? Kung ikaw ay tunay na nagtataglay ng konsiyensya, kung gayon kailangan mong magkaroon ng isang pasan, at isang pagkadama ng pananagutan. Dapat mong sabihin: Hindi ko alintana kung ako man ay lulupigin o gagawing perpekto, ngunit dapat kong taglayin nang maayos ang hakbang na ito ng patotoo. Bilang isang nilikha ng Diyos, ang isa ay maaring ganap na lupigin ng Diyos, at sa huli, nagagawa nilang mapalugod ang Diyos, tinutumbasan ang pag-ibig ng Diyos ng pag-ibig sa kanilang puso at sa ganap na paglalaan ng kanilang mga sarili sa Diyos. Ito ang pananagutan ng tao, ito ang tungkulin na dapat gampanan ng tao, at ang pasan na dapat batahin ng tao, at dapat matapos ng tao ang komisyon na ito. Sa gayon lamang sila tunay na naniniwala sa Diyos. Sa kasalukuyan, ang ginagawa mo ba sa iglesia ay ang katuparan ng iyong pananagutan? Ito ay nakasalalay sa kung ikaw ay nabibigatan, at sa sarili mong kaalaman. Sa pagdanas sa gawaing ito, kung ang tao ay nilupig at mayroong tunay na kaalaman, kung gayon may kakayahan ka sa pagsunod maging anuman ang iyong sariling mga inaasahan o kapalaran. Sa ganitong paraan, ang dakilang gawain ng Diyos ay magkakatotoo sa kabuuan nito, sapagkat ang mga taong ito ay may kakayahang hindi hihigit dito, at hindi magagawang matupad ang anumang mas mataas na mga pangangailangan. Gayunman sa hinaharap, ang ilang mga tao ay gagawing perpekto. Ang kanilang kakayahan ay mapapabuti, sa kanilang espiritu sila ay magkakaroon ng isang mas malalim na pagkaunawa, ang kanilang mga buhay ay lalago…. Ngunit ang ilan ay ganap na walang kakayahan na makamit ito, at kaya hindi maliligtas. Mayroong isang dahilan kung bakit sinasabi Kong hindi sila maliligtas. Sa hinaharap, ang ilan ay lulupigin, ang ilan ay aalisin, ang ilan ay gagawing perpekto, at ang ilan ay kakasangkapanin—at kaya ang ilan ay makakaranas ng mga kapighatian, ang ilan ay makakaranas ng kaparusahan (kapwa ng mga natural na kalamidad at mga kasawiang gawa ng tao), ang ilan ay maaalis, at ang ilan ay makaliligtas. Sa ganito, ang bawat isa ay pagbubukud-bukurin ayon sa uri, na ang bawat grupo ay kakatawan sa isang uri ng tao. Hindi lahat ng tao ay aalisin, ni ang lahat ng tao ay gagawing perpekto. Ito ay dahil ang kakayahan ng mga taong Tsino ay napakababa, at mayroon lamang maliit na bilang sa kanila ang nagtataglay ng uri ng kamalayang pansarili na mayroon si Pablo. Sa mga taong ito, kaunti ang mayroong pagpapasya na ibigin ang Diyos katulad ni Pedro, o kagaya ng uri ng pananampalataya ni Job. Halos wala sa sinuman sa kanila ang mayroong katulad na antas ng paggalang para kay Jehovah, o kaparehong antas ng katapatan sa paglilingkod kay Jehovah kagaya ng kay David. Kahabag-habag kayo!

21 Hunyo 2018

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap”



  Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga santo na naligtas salamat sa Kanyang pangalan, ay desperadong nalulumbay sa Kanya at hinihintay Siya. Lahat ng mga taong naligtas ng biyaya ni Jesucristo sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya ay nananabik sa nakakagalak na araw sa panahon ng mga huling araw, kapag si Jesus ang Tagapagligtas ay dumating sa isang puting ulap at magpakita sa tao. …At iba pa. Datapwat si Jesus na Tagapagligtas ay hindi ganito ang ginawa; ginawa Niya ang kabaliktaran nang iniisip ng tao. Hindi Siya dumating doon sa mga taong naghahangad sa Kanyang pagbabalik at hindi nagpakita sa lahat ng mga tao habang nakasakay sa puting ulap. Siya ay nakarating na, subalit hindi Siya kilala ng tao, at nananatiling walang-alam sa Kanyang pagdating. Ang tao ay walang layon na naghihintay lamang sa Kanya, walang malay na nakababa na Siya sakay sa isang puting ulap (ang ulap na siyang Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, at Kanyang buong disposisyon at lahat ng Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mananagumpay na Kanyang gagawin sa panahon ng mga huling araw.”
Rekomendasyon:
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

19 Hunyo 2018

Awit ng Papuri | D'yos Nagkatawang-tao upang Iligtas ang Sangkatauhan


I
Ngayon ang araw, kita mo ba?
'Di simpleng bagay Diyos dumating sa gitna ng tao
upang tao'y iligtas, talunin si Satanas,
kaya Diyos nagkatawang-tao.
Kung di rito, di S'ya gagawa sa Sarili N'ya.
D'yos nagkatawang-tao upang si Satanas ay labanan
at akayin ang tao,
na lama'y naging tiwali't nais iligtas ng D'yos.
D'yos muling nagkatawang-tao
upang talunin si Satanas, at tao'y iligtas.
D'yos lang makalalaban kay Satanas sa Espiritu
o sa katawang-tao.

17 Hunyo 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (3)

 Espiritu, Jesus, landas, Langit, Kaharian

      Kapag ipinatutupad ng Diyos ang Kanyang gawain, Siya ay dumarating hindi upang makibahagi sa anumang pagtatayo o mga pagkilos; Siya ay dumarating upang tuparin ang kanyang ministeryo. Sa bawat pagkakataon na Siya ay nagiging katawang-tao, ito ay para lamang maisakatuparan ang isang yugto ng gawain at magbukas ng isang bagong kapanahunan. Ngayon ay Kapanahunan ng Kaharian, at ang tao ay pumasok sa pagsasanay ng kaharian. Ang yugtong ito ng gawain ay hindi gawain ng tao o para gawing ganap ang tao sa isang partikular na antas; ito ay para buuin ang isang bahagi ng gawain ng Diyos. Ang Kanyang gawain ay hindi ang gawain ng tao at hindi upang gawing ganap ang tao sa isang partikular na antas bago Niya lisanin ang lupa; ito ay upang lubos na tuparin ang Kanyang ministeryo at tapusin ang gawain na kailangan Niyang gawin, na gumawa ng angkop na pagsasaayos para sa Kanyang gawain sa lupa, sa gayon ay magiging maluwalhati. Ang gawain ng nagkatawang-tao na Diyos ay hindi tulad ng mga ginamit ng Banal na Espiritu. Kapag ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa lupa, ang pananagutan Niya lamang ay sa katuparan ng Kanyang ministeryo. Patungkol naman sa lahat ng iba pang mga bagay na walang kinalaman sa Kanyang ministeryo, sadyang hindi Siya nakikibahagi, maging hanggang sa puntong nagwawalang-bahala siya. Isinasagawa lamang Niya ang gawaing dapat Niyang gawin, at pinakahuli sa Kanyang pananagutan ay ang tungkol sa gawaing dapat gawin ng tao. Ang gawain na ginagawa Niya ay kaugnay lamang sa kapanahunang kinapapalooban Niya at ang ministeryo na dapat Niyang tuparin, na para bagang ang iba pang bagay ay hindi Niya tungkulin. Hindi Niya binibigyan ang Kanyang sarili ng mas maraming payak na kaalaman sa pamumuhay bilang tao, at hindi Niya inaaral ang ibang kasanayang pakikipagkapwa o ano man na naiintindihan ng tao. Hindi Siya nagpapakita ng pag-aalala sa lahat ng dapat ibigay sa tao at ang tanging ginagawa ay ang gawain na Kanyang tungkulin. At kaya, sa paningin ng tao, ang nagkatawang-tao na Diyos ay lubhang “kulang”, na maging hanggang sa puntong pinagwawalang-bahala Niya ang maraming bagay na dapat mayroon ang tao, at wala Siyang pang-unawa sa mga ganitong bagay. Ang mga bagay tulad ng pangkalahatang kaalaman sa buhay, pati na rin ang mga prinsipyo ng pag-uugali at pakikipag-ugnayan sa iba ay nagmumukhang hindi mahalaga para sa Kanya. Sa kabila nito, hindi mo mararamdaman mula sa nagkatawang-tao na Diyos ang kahit na kaunting di normal na pag-uugali. Ibig sabihin, pinananatili lamang ng Kanyang pagkatao ang Kanyang buhay bilang isang karaniwang tao na may karaniwang pangangatwiran ng Kanyang pag-iisip, na nagbibigay sa Kanya ng kakayahang kumilala ng kaibahan ng tama at mali. Gayunman, hindi Siya binigyan ng anumang bagay, na para sa tao (mga nilikhang tao) lamang. Ang Diyos ay naging tao lamang upang matupad ang Kanyang ministeryo. Ang Kanyang gawain ay nakadirekta para sa isang buong kapanahunan at hindi sa anumang partikular na tao o lugar. Ang Kanyang gawain ay nakadirekta para sa buong sansinukob. Ito ang direksyon ng Kanyang gawain at sa pamamagitan ng prinsipyong ito Siya ay gumagawa. Walang makakapagpabago nito, at hindi maaaring makibahagi ang tao. Sa bawat pagkakataong ang Diyos ay nagiging katawang-tao, dinadala Niya sa Kanya ang gawain ng gayong kapanahunan, at hindi ang layunin na mamuhay kasama ng tao sa loob ng dalawampu, tatlumpu, apatnapu, o kahit pitumpu, walumpu upang mas mahusay nilang maunawaan at makamit ang kabatiran sa Kanya. Walang pangangailangan para sa ganyan! Gawin man iyon hindi nito mapapalalim ang kaalamang taglay ng tao ukol sa likas na disposisyon ng Diyos; sa halip, makakadagdag lang ito sa kanilang mga paniwala at gagawing makaluma ang mga paniwala at mga saloobin ng tao. At dapat ninyong maintindihang lahat kung ano talaga ang gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Posible kaya na hindi ninyo nauunawaan ang Aking mga salita: “Ako ay dumating hindi upang maranasan ang buhay ng isang karaniwang tao”? Nalimutan ba ninyo ang mga salitang: “Ang Diyos ay dumating sa lupa hindi upang isabuhay ang buhay ng isang karaniwang tao”? Hindi ninyo nauunawaan ang layunin ng Diyos sa pagiging tao, ni nalalaman ninyo ang kahulugan ng “Paanong ang Diyos ay dumating sa lupa sa layuning maranasan ang buhay ng isang nilalang”? Dumating ang Diyos sa mundo para ganapin lamang ang Kanyang gawain, at kaya ang Kanyang gawain sa mundo ay hindi nagtagal. Dumating Siya sa mundo na walang layunin na linangin ng Espiritu ng Diyos ang Kanyang laman tungo sa isang pambihirang lider ng iglesia. Kapag dumating ang Diyos sa mundo, ito ay ang Salita na naging tao; gayunman, ang tao, ay hindi nakakakilala ng Kanyang gawain at ipinipilit ang nasabing layunin sa Kanya. Ngunit dapat ninyong maunawaang lahat na ang Diyos ay ang Salita na nagkatawang- tao, hindi laman na nilinang ng Espiritu ng Diyos upang pansamantalang panindigan ang tungkulin ng Diyos. Ang Diyos Mismo ay hindi nilinang, ngunit ang Salita na nagkatawang-tao, at ngayon opisyal Niyang isinasagawa ang Kanyang gawain sa inyong lahat. Nalalaman ninyong lahat at kinikilala na ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay isang katotohanan, ngunit nagkukunwari kayo sa isang pagkaunawa na sa totoo lang ay hindi ninyo taglay. Hindi ninyo lahat pinahahalagahan ang gawain ng nagkatawang-taong Diyos o ang kahalagahan at ang katuturan ng kanyang pagiging katawang-tao, at basta na lamang ninyo binibigkas ang mga salitang sinasabi ng iba. Naniniwala ka ba na ang nagkatawang-taong Diyos ay gaya ng iyong inaakala?

09 Hunyo 2018

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (2)

Jesus, krus, Espiritu, landas, Diyos


Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (2)

Sa panahong iyon, nang si Jesus ay gumawa sa Judea, gumawa Siya nang lantaran, ngunit ngayon, gumagawa Ako at nagsasalita sa inyo nang lihim. Ganap na hindi ito alam ng mga hindi mananampalataya. Ang Aking gawain sa inyo ay hiwalay sa iba. Ang mga salitang ito, ang mga pagkastigong ito at mga paghatol, ay hayag lamang sa inyong lahat at wala nang iba. Lahat ng mga gawaing ito ay isinasagawa sa inyo at binuksan lamang sa inyo; wala sa mga hindi mananampalataya ang nakakaalam nito, dahil hindi pa dumarating ang oras. Malapit nang maging ganap ang mga taong ito matapos na tiisin ang mga pagkastigo, ngunit walang alam ang mga nasa labas tungkol dito. Masyadong nakatago ang gawaing ito! Para sa kanila, malihim ang pagkakatawang-tao ng Diyos, ngunit sa mga nasa daluyang ito, maaari Siyang ituring na hindi lihim. Kahit na ang lahat ay bukas sa Diyos, naihahayag ang lahat at inilalabas ang lahat, totoo lamang ito sa mga taong naniniwala sa Kanya, at walang ipinaaalam sa mga hindi mananampalataya. Ang gawaing isinasagawa dito ngayon ay mahigpit na nakahiwalay upang hindi nila malaman. Kung malaman man nila, paghatol at pag-uusig lamang ang naghihintay. Hindi sila maniniwala. Ang gumawa sa bansa ng malaking pulang dragon, ang pinakapaurong na lugar, ay hindi madaling gawain. Kung ang gawaing ito ay ihahayag, samakatwid magiging imposibleng magpatuloy. Ang yugtong ito ng gawain ay hindi basta maaaring sumulong sa lugar na ito. Paano nila pahihintulutan ito kung ang ganitong gawain ay natupad nang lantaran? Hindi ba ito magdadala ng mas malaking panganib? Kung hindi naitago ang gawaing ito, at sa halip ay ipinagpatuloy tulad sa panahon ni Jesus nang kamangha-mangha Siyang nagpagaling ng maysakit at nagpalayas ng mga demonyo, kung ganoon hindi ba matagal na sana itong “sinunggaban” ng mga demonyo? Kaya ba nilang tiisin ang pag-iral ng Diyos? Kung papasok Ako ngayon sa mga bulwagan upang mangaral at magbigay ng panayam sa tao, hindi ba matagal na sana Akong nagkadurug-durog? At kung gayon, paanong patuloy na matutupad ang Aking gawain? Ang dahilan kung bakit ang mga tanda at kababalaghan ay hindi nahahayag nang lantaran ay para sa kapakanan ng pagkatago. Upang ang Aking gawain ay hindi makita, makilala o matuklasan ng mga hindi mananampalataya. Kung ang yugtong ito ng gawain ay gagawin sa parehong paraan tulad ng kay Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi ito magiging matatag. Kaya, ang gawain na itatago sa paraang ito ay may benepisyo sa inyo at sa lahat ng gawain. Kapag ang gawain ng Diyos sa lupa ay dumating na sa katapusan, iyon ay, kapag ang lihim na gawaing ito ay natapos, ang yugtong ito ng gawain ay mahahayag. Malalaman ng lahat na may mga grupo ng mga mananagumpay sa Tsina; malalaman ng lahat na nasa Tsina ang Diyos na nagkatawang-tao at dumating na sa pagtatapos ang Kanyang gawain. Doon lamang ito magliliwanag sa tao: Bakit hindi pa nagpapakita ang Tsina ng paghina o pagbagsak? Lumalabas na ang Diyos ay personal na nagsasagawa ng Kanyang gawain sa Tsina at ginawang ganap ang isang grupo ng mga tao bilang mga mananagumpay.

Inihahayag lamang ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang sarili sa ilang mga tao na sumusunod sa Kanya habang personal Niyang isinasagawa ang Kanyang gawain, at hindi sa lahat ng nilalang. Naging katawang-tao lamang Siya upang makumpleto ang isang yugto ng gawain, hindi upang ipakita sa tao ang Kanyang larawan. Gayunpaman, dapat na tuparin Niya mismo ang Kanyang gawain, kaya kinakailangan Niya itong gawin sa katawang-tao. Kapag natapos ang gawaing ito, aalis Siya mula sa daigdig; hindi Siya maaaring manatili sa mahabang panahon sa sangkatauhan dahil sa takot na maharangan ang darating na gawain. Ang inihahayag Niya sa karamihan ay ang Kanya lamang matuwid na disposisyon at ang lahat ng Kanyang mga gawa, at hindi ang larawan ng Kanyang katawan nang dalawang beses Siyang naging katawang-tao, dahil ang larawan ng Diyos ay maaari lamang na makita sa Kanyang disposisyon, at hindi pinalitan ng larawan ng Kanyang naging-taong katawan. Ipinapakita lamang sa limitadong bilang ng mga tao ang larawan ng Kanyang katawang-tao, tanging sa mga taong sumusunod sa Kanya habang gumagawa Siya sa katawang-tao. Ito ang dahilan kung bakit ang gawaing ipinapatupad ngayon ay ginagawa nang lihim. Tulad ni Jesus na ipinakita lamang ang Kanyang sarili sa mga Hudyo noong ginawa Niya ang Kanyang gawain, at hindi kailanman hayagan na ipinakita sa ibang bansa. Kaya, sa sandaling nakumpleto Niya ang Kanyang gawain, kaagad Niyang nilisan ang tao at hindi nanatili; sa sumunod na panahon, hindi Niya ipinahayag ang larawan ng Kanyang sarili sa tao, ngunit sa halip ang gawain ay isinakatuparan nang direkta ng Banal na Espiritu. Kapag ganap nang natapos ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, umaalis na Siya mula sa mortal na mundo, at hindi na kailanman pang muling gagawa ng gawain na katulad ng Kanyang ginawa noong panahong Siya ay nagkatawang-tao. Ang gawain na sumunod ay direktang ginagawa lahat ng Banal na Espiritu. Sa panahong ito, mahirap makita ng tao ang Kanyang larawan sa katawang-tao; hindi Niya ipinapakita ang Kanyang sarili sa tao sa anumang paraan, at nananatiling nakatago magpakailanman. May limitadong oras para sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, na dapat matupad sa isang tiyak na kapanahunan, oras, bansa at sa mga partikular na tao. Ang ganitong gawain ay kumakatawan lamang sa gawain sa panahong ang Diyos ay nagkatawang-tao, at ito ay partikular sa kapanahunan, na kumakatawan sa gawain ng Espiritu ng Diyos sa isang partikular na kapanahunan, at hindi ang kabuuan ng Kanyang gawain. Samakatuwid, hindi ipapakita sa lahat ng mga tao ang imahe ng Diyos na nagkatawang-tao. Ang ipinapakita sa karamihan ay ang pagkamatuwid ng Diyos at ang Kanyang disposisyon sa kabuuan nito, sa halip na ang Kanyang larawan nang dalawang beses Siyang naging tao. Hindi ito ang nag-iisang larawan na ipinapakita sa tao, o ang dalawang imaheng pinagsama. Samakatuwid, kinakailangang umalis ang katawan ng naging-taong Diyos sa daigdig kapag nakumpleto ang gawain na kailangan Niyang gawin, sapagkat dumarating lamang Siya upang gawin ang gawain na dapat Niyang gawin, at hindi upang ipakita sa mga tao ang Kanyang larawan. Kahit na ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ay natupad na ng Diyos nang dalawang beses na maging tao, hindi pa rin Niya lantarang ipapakilala ang Kanyang sarili sa anumang bansa na kailanman ay hindi pa Siya nakita. Hindi na kailanman muling ipapakita ni Jesus ang Kanyang Sarili sa mga Judio bilang Araw ng katuwiran, ni aakyatin Niya ang Bundok ng mga Olibo at magpapakita sa lahat ng mga tao; nakikita ng lahat ng mga Judio ang Kanyang larawan sa Kanyang panahon sa Judea. Sapagkat ang gawain ni Jesus na nagkatawang-tao ay matagal nang natapos dalawang libong taon na ang nakakaraan; hindi Siya babalik sa Judea sa Kanyang dating anyo, lalong hindi ipapakita ang kanyang anyo sa panahong iyon sa alinmang mga bansa ng Gentil, sapagkat ang anyo ni Jesus na nagkatawang-tao ay ang anyo lamang ng isang Judio, at hindi ang anyo ng Anak ng tao na nakita ni Juan. Bagamat ipinangako ni Jesus sa Kanyang mga tagasunod na Siya ay muling darating, hindi Niya basta ipapakita ang Kanyang Sarili sa anyo ng isang Judio sa lahat niyaong nasa mga bansa ng Gentil. Dapat ninyong malaman na ang gawain ng Diyos na naging tao ay para magbukas ng bagong kapanahunan. Ang gawaing ito ay limitado sa iilang mga taon, at hindi Niya matutupad ang lahat ng gawain ng Espiritu ng Diyos. Ito ay kapareho ng kung paano ang larawan ni Jesus bilang Judio ay maaaring kumatawan lamang sa larawan ng Diyos habang gumagawa Siya sa Judea, at ang maaari lamang Niyang gawin ay ang gawain ng pagpapako sa krus. Noong panahon na si Jesus ay nagkatawang-tao, hindi Niya maaaring gawin ang gawain ng paghahatid ng kapanahunan sa isang katapusan o pagsira ng sangkatauhan. Samakatwid, pagkatapos na Siya ay ipinako sa krus at natapos ang Kanyang gawain, umakyat Siya sa itaas at magpakailanmang ikinubli ng Kanyang sarili mula sa tao. Mula noon, ang mga tapat na mananampalataya sa mga bansang Hentil ay maaaring makita lamang ang larawan Niya na inilagay nila sa mga pader, at hindi ang pagpapakita ng Panginoong Jesus. Ang larawan na ito ay isa lamang guhit ng tao, at hindi ang larawan na ipinakita ng Diyos Mismo sa tao. Hindi lantarang magpapakita ng Sarili ang Diyos sa maraming tao sa larawang mula nang Siya’y dalawang beses na nagkatawang-tao. Ang gawaing ginagawa Niya sa sangkatauhan ay upang hayaan silang maunawaan ang Kanyang disposisyon. Itong lahat ay tinupad sa pamamagitan ng pagpapakita sa tao sa pamamagitan ng gawain ng iba’t ibang kapanahunan, pati na rin ang disposisyon na ipinakilala Niya at ang gawaing Kanyang ginawa, sa halip na sa pamamagitan ng pagpapakita ni Jesus. Ibig sabihin, ang larawan ng Diyos ay hindi ipinakilala sa tao sa pamamagitan ng nagkatawang-taong larawan, ngunit sa halip ay sa pamamagitan ng gawain na natupad ng Diyos na nagkatawang-tao sa larawan at anyo; at sa pamamagitan ng Kanyang gawain, ang Kanyang larawan ay ipinapakita at ang Kanyang disposisyon ay ipinapaalam. Ito ang kahalagahan ng gawain na nais Niyang gawin sa katawang-tao.

Sa sandaling ang gawain nang Siya’y dalawang beses na naging tao ay dumating sa katapusan, magsisimula Siyang magpakita ng Kanyang matuwid na disposisyon sa ibayong mga bansang Hentil, na magpapahintulot sa maraming tao na makita ang Kanyang larawan. Nais Niyang ipahayag ang Kanyang disposisyon, at sa pamamagitan nito ay gawing malinaw ang katapusan ng iba’t ibang uri ng tao, dahil doon madadala ang lumang kapanahunan sa ganap na katapusan. Ang Kanyang gawain sa katawang-tao ay hindi umaabot sa napakalaking kalawakan (gaya ng paggawa lamang ni Jesus sa Judea, at ngayon ay gumagawa lamang Ako kasama ninyo) dahil ang Kanyang gawain sa katawang-tao ay may mga hangganan at limitasyon. Isinasagawa lamang Niya ang isang maikling panahon ng gawain sa larawan ng isang karaniwan at normal na katawang-tao, sa halip na gawin ang gawain ng walang-hanggan o gawin ang gawain ng pagpapakita sa lahat ng tao ng mga bansang Henti sa pamamagitan nitong naging-tao na katawan. Itong gawain sa katawang-tao ay dapat na limitado sa saklaw (gaya ng paggawa lamang sa Judea o sa inyo lamang), pagkatapos ay pinalaki sa pamamagitan ng gawain na natupad sa loob ng mga hangganan na ito. Siyempre, ang gawain ng ganitong pagpapalawak ay direktang tinutupad ng Kanyang Espiritu at hindi magiging gawain ng Kanyang katawang-tao. Sapagkat ang gawain sa katawang-tao ay may mga hangganan at hindi abot sa lahat ng mga sulok ng sandaigdig. Ito, hindi ito maaaring magawa. Sa pamamagitan ng gawain sa katawang-tao, tinutupad ng Kanyang Espiritu ang gawaing sumusunod. Kaya, ang gawain na ginawa sa katawang-tao ay isa sa simulaing ipinatupad sa loob ng mga hangganan; ang Kanyang Espiritu sa dakong huli ang magpapatuloy sa gawaing ito, at magpapalawak nito.

Dumarating ang Diyos dito sa mundo para gawin lamang ang gawain ng pamumuno sa kapanahunan; para magbukas ng isang bagong kapanahunan at dalhin ang luma sa katapusan. Hindi Siya naparito upang isabuhay ang kurso ng buhay ng tao sa lupa, upang maranasan Niya mismo ang mga kasiyahan at kalungkutan ng buhay bilang isang tao, o upang gawing perpekto ang isang tao sa pamamagitan ng Kanyang kamay o personal na panoorin ang isang tao habang siya ay lumalaki. Hindi Niya ito gawain; ang Kanyang gawain lamang ay buksan ang bagong kapanahunan at tapusin ang luma. Iyon ay, magbubukas Siya ng isang kapanahunan, dadalhin ang isa sa katapusan, at tatalunin si Satanas sa pamamagitan ng personal na pagtupad ng gawain. Tuwing tinutupad Niya ang gawain nang personal, tila inilalagay Niya ang isang paa sa lugar ng digmaan. Sa katawang-tao, uunahin muna Niyang talunin ang sanglibutan at magwawagi laban kay Satanas; tinatamo Niya ang lahat ng kaluwalhatian at itinataas ang mga kurtina sa gawain ng lahat ng dalawang libong taon, at ito’y nagbibigay sa lahat ng tao sa mundo ng tamang landas na susundin, at isang buhay na payapa at masaya. Subalit, ang Diyos ay hindi maaaring makipamuhay kasama ang tao sa mundo nang matagal, dahil ang Diyos ay Diyos, at hindi tulad ng tao matapos ang lahat. Hindi Niya maaaring isabuhay ang habang-buhay ng normal na tao, iyon ay, hindi Siya maaaring tumira sa mundo bilang isang taong hindi ordinaryo, dahil mayroon lamang Siyang napakaliit na bahagi ng normal na pagkatao ng mga ordinaryong tao para ipagpatuloy ang Kanyang buhay nang ganoon. Sa madaling salita, paano makakapagsimula ang Diyos ng pamilya at magpapalaki ng mga anak sa mundo? Hindi ba ito magiging isang kahihiyan? Siya’y nagtataglay ng normal na pagkatao para lamang sa layunin na isakatuparan ang gawain sa isang normal na paraan, hindi upang pahintulutan Siyang magsimula ng isang pamilya tulad ng ginagawa ng isang karaniwang tao. Ang Kanyang normal na katinuan, normal na pag-iisip, at ang normal na pagpapakain at gayak ng Kanyang katawang-tao ay sapat upang patunayang mayroon Siyang normal na pagkatao; hindi na Niya kailangang magsimula ng pamilya upang patunayang Siya’y pinagkalooban ng normal na pagkatao. Ito ay ganap na hindi kinakailangan! Ang Diyos ay dumarating sa lupa, ibig sabihin ang Salita ay nagiging tao; pinahihintulutan lamang Niya ang tao na maintindihan ang Kanyang salita at makita ang Kanyang salita, iyon ay, pinapahintulutan ang tao na makita ang gawaing tinupad sa pamamagitan ng katawang-tao. Ang Kanyang layunin ay hindi para tratuhin ng mga tao ang Kanyang katawang-tao sa isang tiyak na paraan, kundi para lamang ang tao ay maging masunurin hanggang sa katapusan, iyon ay, upang sundin ang lahat ng salita na lumalabas mula sa Kanyang bibig, at para magpasakop sa lahat ng gawain na Kanyang ginagawa. Siya lamang ay gumagawa sa katawang-tao, hindi sadyang humihingi sa tao na purihin ang kadakilaan at kabanalan ng Kanyang katawang-tao. Ipinapakita lamang Niya sa tao ang karunungan ng Kanyang gawain at lahat ng kapangyarihan na Kanyang hawak. Samakatuwid, kahit na Siya ay may katangi-tanging pagkatao, hindi Siya gumagawa ng mga anunsyo, at nakatuon lamang sa gawain na dapat niyang gawin. Dapat ninyong malaman kung bakit ang Diyos ay naging tao subalit hindi ipinagyayabang o pinapatunayan ang Kanyang normal na pagkatao, at sa halip ay ipinapatupad lamang ang gawain na nais Niyang gawin. Ito ang dahilan kung bakit ang nakikita lamang ninyo ay ang persona na pagka-Diyos sa Diyos na naging tao, dahil sa simpleng kadahilanan na hindi Niya inihahayag ang Kanyang persona na pagkatao upang tularan ng tao. Tanging kapag pinamumunuan ng tao ang tao saka siya nagsasalita tungkol sa kanyang pagkatao, upang makamit niya ang pamumuno sa iba sa pamamagitan ng pagpapakitang-gilas at pagkumbinsi sa kanila. Sa kabaligtaran, nilulupig ng Diyos ang tao sa pamamagitan lamang ng Kanyang gawain (iyon ay, gawaing hindi natatamo ng tao). Hindi niya pinahahanga ang tao o pinasasamba ang lahat ng sangkatauhan sa Kanya, ngunit itinatanim lamang sa tao ang damdamin ng paggalang sa Kanya o ipinapaalam sa tao ang Kanyang kahiwagaan. Hindi na kailangan ng Diyos na magpahanga sa tao. Ang kailangan lang Niya ay ang gumalang ka sa Kanya kapag nasaksihan mo ang Kanyang disposisyon. Ang gawain na ginagawa ng Diyos ay sariling Kanya; hindi ito maaaring gawin ng tao kahalili Niya, ni hindi ito maisasakatuparan ng tao. Tanging ang Diyos Mismo ang makakagawa ng Kanyang sariling gawain at maghahatid sa isang bagong kapanahunan upang pangunahan ang tao sa bagong mga buhay. Ang gawain na Kanyangg inagawa ay upang magawang tanggapin ng tao ang isang bagong buhay at pumasok sa isang bagong kapanahunan. Ang lahat ng iba pang gawain ay ipinasa sa mga lalaki na mayroong normal na pagkatao at mga hinahangaan ng iba pa. Kung gayon, sa Kapanahunan ng Biyaya, tinapos Niya ang dalawang libong taon na gawain sa loob lamang ng tatlo at kalahating taon sa Kanyang tatlumpu’t tatlong taon na nasa katawang-tao. Nang ang Diyos ay dumating sa lupa na ipinatutupad ang anyang gawain, palagi Niyang tinatapos ang dalawang libong taon na gawain o ang isang kabuuang kapanahunan sa loob ng ilang maigsing mga taon.

Hindi Siya nagsasayang ng oras, at hindi Siya nagpapaliban; pinaiikli lamang Niya ang gawain ng maraming mga taon upang ito ay matapos sa loob lamang ng ilang maigsing mga taon. Ito ay dahil sa ang gawain na Kanyang personal na ginagawa ay upang buksan lamang ang isang daan palabas at upang pangunahan ang bagong kapanahunan.

02 Mayo 2018

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang lahat ng mga kilos at mga gawa ni Satanas ay nakikita sa tao. Ngayon ang lahat ng mga kilos at mga gawa ng tao ay pagpapahayag ni Satanas at samakatuwid ay hindi maaaring kumatawan sa Diyos. Ang tao ang sagisag ni Satanas, at ang disposisyon ng tao ay hindi kayang kumatawan sa disposisyon ng Diyos. Ang ilang mga tao ay may mabuting karakter; ang Diyos ay maaaring gumawa ng ilang gawain sa pamamagitan ng naturang karakter ng mga tao at ang gawain na kanilang ginagawa ay ginabayan ng Banal na Espiritu. Ngunit ang kanilang disposisyon ay hindi kayang kumatawan sa Diyos. Ang gawain ng Diyos na ginagawa Niya sa kanila ay kumikilos lamang at lumalawak sa kung ano na ang umiiral sa loob. Maging sa mga propeta o ang mga taong ginamit ng Diyos mula sa mga nakaraang panahon, walang sinuman ang maaaring direktang kumatawan sa Kanya."


Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos

Rekomendasyon:
Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan


25 Abril 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kanta ng Papuri | Ang Nagkatawang-taong Diyos Inaakay ang Tao sa Isang Bagong Kapanahunan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kanta ng Papuri | Ang Nagkatawang-taong Diyos Inaakay ang Tao sa Isang Bagong Kapanahunan


Winak'san ng nagkatawang-taong D'yos ang panahon
nang "ang likod lang ni Jehova ang nagpakita sa tao,"
at tinatapos ang kapanahunan ng paniniwala 
sa malabong D'yos.
Gawain ng huling nagkatawang-taong D'yos
dalhin lahat ng sangkatauhan,
dalhin ang tao sa mas totoo, 
mas praktikal, at mas mabuting panahon.

22 Abril 2018

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Umiiral ba ang Trinidad? (Ikalawang bahagi)




Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang konseptong ito ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu ay masyadong katawa-tawa! Pinagpira-piraso nito ang Diyos at pinagbaha-bahagi sa tatlong persona, bawat isa ay may kalagayan at Espiritu; paano kung gayon na Siya ay isang Diyos at isang Espiritu pa rin? Sabihin ninyo sa Akin, ang  langit at lupa, at ang lahat ng mga bagay na nakapaloob dito ay nilikha ba ng Ama, ng Anak, o ng Banal na Espiritu? Sinasabi ng ilan na nilikha Nila ito nang magkakasama. Kung gayon sino ang tumubos sa sangkatauhan? Ito ba ang Banal na Espiritu, ang Anak, o ang Ama? Sinasabi ng ilan na ang Anak ang tumubos sa sangkatauhan. Kung gayon ay sino ang Anak sa kaanyuan? Hindi ba Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos? Tinatawag ng nagkatawang-tao ang Diyos sa langit sa pangalang Ama mula sa pananaw ng isang taong nilikha. Hindi mo ba alam na si Jesus ay ipinanganak mula sa paglilihi ng Banal na Espiritu? Sa loob Niya ay ang Banal na Espiritu; anuman ang iyong sabihin, Siya ay kaisa ng Diyos sa langit, sapagkat Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos. Ang ideyang ito tungkol sa Anak ay tunay na hindi totoo. Ito ay ang isang Espiritu na ipinatutupad ang lahat ng gawain; tanging ang Diyos Mismo, iyon ay, ang Espiritu ng Diyos ang nagpapatupad ng Kanyang gawain."

Ang pinagmulan:

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos



20 Abril 2018

Ebangheliyong musika | Tanging Kung ang Diyos ay Naging Katawang-tao sa mga Huling Araw Maaring Iligtas Niya ang Sangkatauhan


Tanging Kung ang Diyos ay Naging Katawang-tao sa mga Huling Araw Maaring Iligtas Niya ang Sangkatauhan


Ebangheliyong musika | Tanging Kung ang Diyos ay Naging Katawang-tao sa mga Huling Araw Maaring Iligtas Niya ang Sangkatauhan


I
Dumarating ang D’yos upang iligtas ang sangkatauhan
‘di sa Espiritu o bilang Espiritu,
na ‘di nakikita o nahahawakan ninuman,
na ‘di malalapitan ng tao.
Kung nililigtas ng D’yos ang tao bilang Espiritu’t
hindi isang tao ng paglikha,
walang makakakuha ng kaligtasan N’ya.
Oo, walang sinumang maliligtas.
Nagiging ‘sang nilikhang tao ang D’yos,
nilalagay N’ya salita N’ya sa katawang-tao.
Para Kanyang maibibigay ang Kanyang salita
sa lahat ng sumusunod sa Kanya.
Kaya’t makaririnig at makakakita’t
makakatanggap ang tao ng salita N’ya.
Sa pamamagitan nito tao’y
tunay na maliligtas sa kasalanan n’ya.

17 Abril 2018

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Umiiral ba ang Trinidad? (Unang Bahagi)



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang konseptong ito ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu ay masyadong katawa-tawa! Pinagpira-piraso nito ang Diyos at pinagbaha-bahagi sa tatlong persona, bawat isa ay may kalagayan at Espiritu; paano kung gayon na Siya ay isang Diyos at isang Espiritu pa rin? Sabihin ninyo sa Akin, ang langit at lupa, at ang lahat ng mga bagay na nakapaloob dito ay nilikha ba ng Ama, ng Anak, o ng Banal na Espiritu? Sinasabi ng ilan na nilikha Nila ito nang magkakasama. Kung gayon sino ang tumubos sa sangkatauhan? Ito ba ang Banal na Espiritu, ang Anak, o ang Ama? Sinasabi ng ilan na ang Anak ang tumubos sa sangkatauhan. Kung gayon ay sino ang Anak sa kaanyuan? Hindi ba Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos? Tinatawag ng nagkatawang-tao ang Diyos sa langit sa pangalang Ama mula sa pananaw ng isang taong nilikha. Hindi mo ba alam na si Jesus ay ipinanganak mula sa paglilihi ng Banal na Espiritu? Sa loob Niya ay ang Banal na Espiritu; anuman ang iyong sabihin, Siya ay kaisa ng Diyos sa langit, sapagkat Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos. Ang ideyang ito tungkol sa Anak ay tunay na hindi totoo. Ito ay ang isang Espiritu na ipinatutupad ang lahat ng gawain; tanging ang Diyos Mismo, iyon ay, ang Espiritu ng Diyos ang nagpapatupad ng Kanyang gawain.”
Rekomendasyon:
Ang Kidlat ng Silanganan — Ang Liwanag ng Kaligtasan

13 Abril 2018

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Movie Clip (5) | Tunay bang Hinirang ng Panginoon ang mga Pastor at Elder ng Relihiyosong Mundo?


Personal na nagbibigay ng patotoo ang Diyos sa lahat ng Kanyang hinihirang at ginagamit. Sa pinakamababa man lang, lahat sila ay tumatanggap ng kumpirmasyon ng gawain ng Banal na Espiritu, ipinapakita ang mga bunga ng gawain ng Banal na Espiritu, at natutulungan ang mga napiling tao ng Diyos na tumanggap ng pagkakaloob ng buhay at tunay na pagpapastol. Dahil makatuwiran at banal ang Diyos, ang lahat ng Kanyang hinihirang at ginagamit ay kailangang sumunod sa Kanyang kalooban. Ang mga pastor at elder mula sa relihiyosong mundo ay nagkukulang lahat sa salita ng Diyos bilang patotoo, at wala ring kumpirmasyon ng gawain ng Banal na Espiritu. Kaya paanong personal na hihirangin at gagamitin ng Diyos ang mga pastor at elder na nasa relihiyosong mundo?


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Movie Clip (5) | Tunay bang Hinirang ng Panginoon ang mga Pastor at Elder ng Relihiyosong Mundo?


Rekomendasyon:
Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Kidlat ng Silanganan —Ang Liwanag ng Kaligtasan

08 Abril 2018

Mga Movie Clip (1) | Paano Natin Masasalubong ang Pagbabalik ng Panginoon?


Lumitaw na ang apat na kulay dugong buwan. Nangangahulugan ito na sasapit na sa atin ang mga malalaking sakuna, tulad ng napropesiya sa libro ni Joel, "At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu. At ako'y magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa, dugo, at apoy, at mga haliging usok" (Joel 2:29-31). Bago sumapit sa atin ang mga malalaking sakuna, tutustusan ng Espiritu ng Diyos ang Kanyang mga tagasilbi at utusang babae, at kukumpletuhin Niya ang isang grupo ng mga mananagumpay. Kung hindi tayo madadala bago ang mga malalaking sakuna, marahil ay mamamatay tayo sa mga sakunang ito. Ngayon, nagpapatotoo ang Kidlat ng Silanganan na nagbalik na ang Panginoong Jesus, inihayag ang katotohanan, at kinumpleto ang isang grupo ng mga mananagumpay. Hindi ba nito tinutupad ang mga propesiya ng Biblia? Hindi ba't pagpapahayag ng gawain ng Panginoon ang Kidlat ng Silanganan?


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ebangheliyong pelikula

Rekomendasyon:

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos

28 Marso 2018

Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi? | Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi?

    Patuloy na sumusulong ang gawain ng Diyos, at kahit na ang layunin ng Kanyang gawain ay nananatiling di-nagbabago, ang paraan kung paano Siya gumagawa ay palaging nagbabago, at sa gayon pati na rin ang mga tagasunod ng Diyos. Mas marami ang gawain ng Diyos, mas lubusang nakikilala ng tao ang Diyos, at ang disposisyon ng tao ay nagbabago ayon sa Kanyang gawa. Gayon pa man, dahil sa ang gawain ng Diyos ay palaging nagbabago ang mga hindi nakakakilala sa gawa ng Banal na Espiritu at ang yaong mga balintunang tao na hindi nakakaalam sa katotohanan ay nagiging kalaban ng Diyos. Hindi kailanman nakiayon ang gawain ng Diyos sa mga pagkaintindi ng tao, dahil ang Kanyang gawain ay laging bago at hindi kailanman luma. Hindi Niya kailanman inuulit ang gawaing luma sa halip ay sumusulong sa gawaing kailanman ay hindi pa nagawa. Dahil ang Diyos ay hindi nag-uulit ng Kanyang gawain at ang tao ay karaniwang nanghuhusga sa gawain ng Diyos ngayon batay sa Kanyang gawain sa nakaraan, lubhang mahirap para sa Diyos na ipagpatuloy ang bawat yugto ng gawain sa bagong kapanahunan. Nagpapakita ang tao ng napakaraming balakid! Ang pag-iisip ng tao ay masyadong makitid! Walang tao ang may alam sa gawain ng Diyos, gayon pa man lahat sila ay nagpapakahulugan sa ganoong gawain. Malayo sa Diyos, nawawalan ang tao ng buhay, katotohanan, at mga biyaya ng Diyos, gayon man ni hindi rin tanggap ng tao ang buhay o katotohanan, mas lalo na ang mas malaking biyaya na ipinagkaloob ng Diyos sa sangkatauhan. Ninanais ng lahat ng tao na makamit ang Diyos ngunit hindi kayang payagan ang anumang pagbabago sa gawain ng Diyos. Yaong mga hindi tumanggap sa bagong gawain ng Diyos ay naniniwala na ang gawain ng Diyos ay hindi nagbabago, at na ang gawain ng Diyos ay magpakailanmang nananatiling nakapirmi. Sa kanilang paniniwala, ang tangi lamang kailangan upang makamit ang walang-hanggang kaligtasan mula sa Diyos ay sa pagsunod sa kautusan, at habang sila ay nagsisisi at nangungumpisal ng kanilang kasalanan, ang puso ng Diyos ay masisiyahan magpakailanman. Sila ay nasa opinyon na ang Diyos ay maaari lamang na Diyos sa ilalim ng kautusan at ang Diyos na ipinako sa krus para sa tao; kanila ring opinyon na ang Diyos ay hindi dapat at hindi maaaring humigit sa Biblia. Tiyak na ang mga opinyong ito ang mahigpit na nagtatanikala sa kanila sa kautusan ng nakaraan at pinanatili silang nakakadena sa mahigpit na mga tuntunin. Mas marami ang naniniwala na anuman ang bagong gawain ng Diyos, ito ay kailangang mapatunayan ng mga hula, at sa bawat yugto ng gayong gawain, ang lahat ng sumusunod sa Kanya nang may katapatan ng puso ay dapat mapakitaan ng mga pahayag, kung hindi ang gawaing iyon ay hindi sa Diyos. Hindi na madaling gawain para sa tao na makilala ang Diyos. Bilang karagdagan sa kakatwang puso ng tao at ng kanyang mapanghimagsik na kalikasan ng malaking pagpapahalaga sa sarili at kayabangan, sa gayon mas higit na mahirap para sa tao na tanggapin ang bagong gawain ng Diyos. Hindi pinag-aaralan ng tao ang bagong gawain ng Diyos nang maingat ni tinatanggap ito nang may pagpapakumbaba; sa halip, ang tao ay pumapanig sa asal na pag-aalipusta, naghihintay sa mga pagbubunyag at paggabay ng Diyos. Hindi ba ito ang asal ng tao na naghihimagsik at tumututol sa Diyos? Paano makakamit ng ganoong mga tao ang pagsang-ayon ng Diyos?