Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

20 Abril 2018

Ebangheliyong musika | Tanging Kung ang Diyos ay Naging Katawang-tao sa mga Huling Araw Maaring Iligtas Niya ang Sangkatauhan


Tanging Kung ang Diyos ay Naging Katawang-tao sa mga Huling Araw Maaring Iligtas Niya ang Sangkatauhan


Ebangheliyong musika | Tanging Kung ang Diyos ay Naging Katawang-tao sa mga Huling Araw Maaring Iligtas Niya ang Sangkatauhan


I
Dumarating ang D’yos upang iligtas ang sangkatauhan
‘di sa Espiritu o bilang Espiritu,
na ‘di nakikita o nahahawakan ninuman,
na ‘di malalapitan ng tao.
Kung nililigtas ng D’yos ang tao bilang Espiritu’t
hindi isang tao ng paglikha,
walang makakakuha ng kaligtasan N’ya.
Oo, walang sinumang maliligtas.
Nagiging ‘sang nilikhang tao ang D’yos,
nilalagay N’ya salita N’ya sa katawang-tao.
Para Kanyang maibibigay ang Kanyang salita
sa lahat ng sumusunod sa Kanya.
Kaya’t makaririnig at makakakita’t
makakatanggap ang tao ng salita N’ya.
Sa pamamagitan nito tao’y
tunay na maliligtas sa kasalanan n’ya.

20 Pebrero 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Sangkatauhang Namumuhay sa Ilalim ng Awtoridad ng Diyos


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Sangkatauhang Namumuhay sa Ilalim ng Awtoridad ng Diyos | Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


I
Sangkatauhan, na namumuhay sa lahat ng bagay,
ay tiniwali at nalinlang ni Satanas,
ngunit di pa rin n'ya makakayang wala ang tubig na ginawa ng Diyos,
at ang hangin at lahat ng mga bagay na likha ng Diyos.
Ang sangkatauhan ay nabubuhay pa at nagpapalaganap
sa puwang na ito na nilikha ng Diyos.

04 Pebrero 2018

Tagalog na Cristianong Kanta | Ang Kahalagahan ng Pamamahala ng Diyos sa Sangkatauhan


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog na Cristianong Kanta | Ang Kahalagahan ng Pamamahala ng Diyos sa Sangkatauhan



Pamamahala ng Diyos ay upang makuha mga taong 
sumasamba't sumusunod sa Kanya.
Napatiwali man ni Satanas, hindi na nila ito tinatawag na ama.
I
Pamamahala ng Diyos ay upang makuha ang mga taong 
sumasamba't sumusunod sa Kanya.
Napatiwali man ni Satanas, hindi na nila ito tinatawag na ama;
Ang kapangitan ni Satanas, alam nila at tanggihan ito.
Humaharap sila sa D'yos, tinatanggap kastigo't hatol.
Batid nila ang kasamaan, alam rin nila kung anong banal.
Batid nila kadakilaan ng Diyos, at kasamaan ni Satanas.

01 Pebrero 2018

Ebangheliyong musika | Nagkatawang-tao ang Diyos Upang Talunin si Satanas at Iligtas ang Buong Sangkatauhan


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ebangheliyong musika | Nagkatawang-tao ang Diyos Upang Talunin si Satanas at Iligtas ang Buong Sangkatauhan 



 I
Sa pagkakatawang-tao ng Diyos sa lupa, 
gawain Niya'y sa tao. 
Gawaing ito'y may isang layunin—si Satanas ay talunin.
Si Satanas ay talo sa paglupig sa tao,
at sa pagkumpleto sa inyo.
Kapag kayo'y nagpatotoo,
ito'y tandang si Satanas talo.
Diyos ay nagiging tao lamang upang si Satanas ay talunin 
at iligtas lahat ng tao.

25 Enero 2018

Salita ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-apat na Pagbigkas

buhay, liwanag, sangkatauhan, tinig, Diyos

Salita ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-apat na Pagbigkas | Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos




Dumarating ang Aking pagkastigo sa lahat ng mga tao, gayon pa man ay nananatili rin itong malayo mula sa lahat ng mga tao. Ang buong buhay ng bawat tao ay puno ng pag-ibig at pagkamuhi sa Akin, at wala kahit isa ang kailanma’y nakakilala sa Akin—kung kaya sala sa lamig at sala sa init ang saloobin ng tao sa Akin, at wala itong kakayahan sa pagiging-normal. Gayunman ay parati Kong inalagaan at iningatan ang tao, at mapurol lamang ang kanyang isipan kaya wala siyang kakayahang makita ang lahat ng Aking mga gawa at maunawaan ang masigasig Kong mga hangarin. Ako ang nangungunang Isa sa gitna ng lahat ng mga bansa, at ang pinakamataas sa gitna ng lahat ng mga tao; hindi lamang talaga Ako kilala ng tao. Sa maraming taon, nanirahan Ako sa kalagitnaan ng tao at naranasan ang buhay sa mundo ng tao, gayon pa man lagi niya Akong ipinagsawalang-bahala at itinuring Akong katulad ng isang nilalang na nagmula sa kalawakan. Bunga nito, itinuturing Ako ng mga tao na katulad ng isang banyaga sa daan dahil sa mga pagkakaiba sa disposisyon at wika. Ang damit Ko rin ay tila masyadong kakaiba, at bilang resulta, walang lakas ng loob ang tao para lapitan Ako. Diyan Ko lamang nararamdaman ang kalungkutan ng buhay sa kalagitnaan ng tao, at diyan Ko rin lamang nararamdaman ang kawalan-ng-hustisya sa mundo ng tao. Lumalakad Ako sa kalagitnaan ng mga dumadaan, pinagmamasdan ang lahat ng kanilang mga mukha. Ito ay parang nabubuhay sila sa kalagitnaan ng isang karamdaman, bagay na nagpupuno ng kalungkutan sa kanilang mga mukha, at sa gitna ng pagkastigo, na pumipigil sa kanilang paglaya. Iginagapos ng tao ang kanyang sarili, at ibinababa ang kanyang sarili. Sa harapan Ko, karamihan sa mga tao ay lumilikha ng maling palagay tungkol sa kanilang mga sarili sa gayon ay maaring mapuri Ko sila, sadyang nag-aanyong kahabag-habag sa harap Ko ang karamihan sa mga tao sa gayon ay maaring makakuha sila ng tulong mula sa Akin. Sa Aking likuran, nililinlang at sinusuway Ako ng lahat ng mga tao. Hindi ba tama Ako? Hindi ba ito ang diskarte ng tao para manatiling buhay? Sino na ang kahit kailan ay nabuhay ng mas matagal kaysa sa Akin? Sino na ang kahit kailan ay nagtaas sa Akin sa gitna ng iba? Sino na ang kahit kailan ay nagapos sa harapan ng Espiritu? Sino na ang kahit kailan ay naging matatag sa kanilang patotoo sa Akin sa harapan ni Satanas? Sino na ang kahit kailan ay nagdagdag ng pagiging-totoo sa “katapatan” nila sa Akin? Sino na ang kahit kailan ay inalis ng malaking pulang dragon dahil sa Akin? Sumapi na ang mga tao kay Satanas, mga bihasa sila sa pagsuway sa Akin, sila ang mga may-likha ng pagsalungat sa Akin, at sila ay mga nagsipagtapos sa pakikipagtawaran sa Akin. Para sa kapakanan ng sarili niyang tadhana, naghahanap ang tao dito at doon sa lupa; kapag kinakawayan Ko siya, nananatili siyang walang-pandama sa Aking pagiging-napakahalaga at patuloy siya sa pananampalataya sa kanyang pagsandig sa kanyang sarili, ayaw niyang maging isang pasanin sa iba. Mahalaga ang mga hangarin ng tao, gayunman walang kaninumang mga hangarin ang kailanman ay ganap na nakamit: Gumuguho silang lahat sa harapan Ko, bumabagsak nang tahimik.

24 Enero 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas

 buhay, liwanag, sangkatauhan, Diyos,  tinig

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas



    Sa pagtawag ng Aking tinig, sa pagsiklab ng apoy mula sa Aking mga mata, sinusubaybayan Ko ang buong mundo, inoobserbahan Ko ang buong sansinukob. Nananalangin sa Akin ang buong sangkatauhan tumitingala sila sa Akin, nagmamakaawang itigil Ko ang Aking galit, at isinusumpang hindi na kailanman sila magrerebelde laban sa Akin. Ngunit hindi na ito ang nakaraan; ito ay kasalukuyan. Sino ang makapapanumbalik sa Aking kalooban? Tiyak na hindi ang panalangin sa loob ng puso ng mga tao, ni hindi ang mga salita sa kanilang mga bibig? Kung hindi dahil sa Akin, sino ang makaliligtas hanggang sa kasalukuyan? Sino ang mabubuhay maliban sa pamamagitan ng mga salita ng Aking bibig? Sino ang hindi nagsisinungaling sa ilalim ng mapagmatyag Kong mga mata? Sa patuloy Kong paggawa ng bago Kong gawain sa buong mundo, sino na ang may kakayahang makatakas mula dito? Maaari kayang iwasan ito ng mga bundok sa pamamagitan ng kanilang taas? Maaari kayang itaboy ito ng mga tubig, sa pamamagitan ng kanilang pagkarami-raming kalakhan? Sa Aking plano, kailanma’y walang anumang bagay ang basta-basta Kong hinahayaang lumisan, kaya wala kailanman kahit sinong tao, o anumang bagay, ang nakatakas mula sa pagdakma ng Aking mga kamay. Naitatanghal ngayon ang banal Kong pangalan sa buong sangkatauhan, at muli, umaangat sa buong sangkatauhan ang mga salitang may pagsalungat laban sa Akin, at laganap sa buong sangkatauhan ang mga alamat tungkol sa Aking pagiging. Hindi Ko hinahayaang gumagawa ang tao ng kanilang mga paghatol tungkol sa Akin, ni hindi Ko rin hinahayaang paghati-hatian nila ang Aking katawan, mas lalong hindi Ko hinahayaan ang kanilang mga panlalait laban sa Akin. Dahil kailanman ay hindi niya Ako ganap na nakilala, palagi nila Akong sinusuway at nililinlang, nabibigo silang mahalin ang Aking Espiritu o pahalagahan ang mga salita Ko. Mula sa bawat gawa at pagkilos niya, at mula sa saloobin niya tungo sa Akin, ibinibigay Ko sa tao ang “gantimpala” na nararapat sa kanya. Kaya, gumagawa lahat ang mga tao nakamasid sa kanilang gantimpala, at wala kahit isa ang gumawa kailanman nang may pagsasakripisyo. Ayaw ng mga tao ang gumawa ng walang pag-iimbot na pagtatalaga, ngunit nagagalak sila sa mga gantimpala na maaaring makuha ng walang kapalit. Kahit inilaan ni Pedro ang sarili niya sa harapan Ko, hindi ito para sa kapakanan ng gantimpala sa hinaharap, ngunit para ito sa kapakanan ng kasalukuyang kaalaman. Kailanman ay hindi pumasok sa tunay na pakikipag-ugnayan ang sangkatauhan sa Akin, ngunit paulit-uliti siyang nakikitungo sa Akin sa isang mababaw na paraan, sa gayo’y iniisip na makukuha niya ang pagsang-ayon Ko ng walang kahirap-hirap. Tumingin Ako sa kaibuturan ng puso ng tao, kaya natuklasan Ko sa kanyang kaloob-looban ang “isang mina ng maraming kayamanan,” isang bagay na kahit ang tao mismo ay walang kamalayan ngunit natuklasan Ko ito. At dahil dito, ititigil lamang ng mga tao ang banal-banalang pagpaparusa sa sarili kapag makakita sila ng “materyal na katibayan” at, nakaunat ang mga palad, inaamin ang maruming estado ng kanilang mga sarili. Sa gitna ng mga tao, marami pang mga bago at sariwang bagay ang naghihintay na “ilalabas” Ko para sa kasiyahan ng buong sangkatauhan. Hindi Ako titigil sa Aking gawain dahil sa kawalan ng kakayahan ng tao, ipagpapatuloy Ko siyang kukumpuniin at pananatilihin alinsunod sa Aking orihinal na plano. Ang tao ay parang isang puno ng prutas: Kung walang pagputol at pagpupungos, mabibigong mamunga ang puno at, sa katapusan, ang tanging makikita ninuman ay mga lantang sanga at nahuhulog na mga dahon, wala man lang itong prutas na mahuhulog sa lupa.

21 Enero 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas

buhay, Kaligtasan, sangkatauhan, liwanag, Ebanghelyo

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas


    Namumuhay ang tao sa gitna ng liwanag, ngunit hindi niya batid ang kahalagahan ng liwanag. Siya ay ignorante sa substansya ng liwanag, at sa pinagmumulan ng liwanag, at, higit pa rito, kung sino ang nagmamay-ari nito. Nang ipinagkaloob Ko ang liwanag sa tao, Aking agarang sinusuri ang mga kondisyon sa gitna ng tao: Dahil sa liwanag, nagbabago ang lahat ng tao, at dumarami, at nakaalis sa kadiliman. Tinitingnan Ko ang bawat kanto ng sansinukob, at nakikita na ang mga bundok ay binabalot sa hamog, na ang tubig ay nagyeyelo sa gitna ng lamig, at iyon, ay dahil sa pagdating ng liwanag, tumitingin ang mga tao sa Silangan upang makadiskubre pa sila nang mas makahulugan—ngunit, ang mga tao ay nananatiling hindi maka-unawa ng malinaw na direksyon sa gitna ng maninipis na ulap. Dahil ang buong mundo ay nalulukuban ng hamog, kapag Ako ay tumitingin sa gitna ng mga ulap, ang Aking pag-iral ay hindi kailanman natutuklasan ng tao; naghahanap ang tao sa daigdig ng isang bagay, mukha siyang nangangalap, tila ninanais niya, na maghintay sa Aking pagdating—ngunit hindi niya alam ang Aking araw, at maaari lamang madalas tumingin sa kislap ng liwanag sa Silangan. Sa lahat ng sangkatauhan, hinahanap Ko ang mga tunay na nagnanais ng Aking sariling puso. Lumalakad Ako kasama ng lahat ng tao, at naninirahan sa lahat ng tao, ngunit ang tao ay ligtas at matiwasay sa lupa, at kaya’t walang tunay na nagnanais sa Aking puso. Hindi alam ng mga tao kung paano magmalasakit sa Aking nais, hindi nila nakikita ang Aking mga pagkilos, at hindi sila makihalubilo sa liwanag at mailawan ng liwanag. Kahit na palaging pinapahalagahan ng tao ang Aking mga salita, siya ay walang kakayahang mabatid ang panglilinlang ni Satanas; dahil ang tayog ng tao ay masyadong maliit, hindi niya kayang gawin kung ano ang nais ng kanyang puso. Hindi Ako kailanman tunay na minahal ng tao. Kapag itinataas Ko siya, pakiramdam niya ay hindi siya karapat-dapat, ngunit hindi nito nagawa na subukin niyang pasayahin Ako. Basta hinahawakan lang niya ang katayuan na Aking ibinigay sa kanyang mga kamay at sinusuri ito; walang pakiramdam sa Aking pagkamasuyuin, sa halip nagpupumilit siyang nagpapakabundat sa kanyang sarili sa mga pagpapala ng kanyang katayuan. Ito ba ay hindi kakulangan ng tao? Kapag gumalaw ang mga bundok, maaari bang umiwas ang mga ito para sa kapakanan ng iyong katayuan? Kapag umagos ang tubig, maaari bang huminto ang mga ito sa harap ng iyong katayuan? Mababaligtad ba ang langit at lupa ng iyong katayuan? Ako ay minsang naging maawain sa tao, paulit-ulit—ngunit walang sinumang nagmamahal o nagpapahalaga rito, pinakinggan lang nila ito bilang isang kuwento, o binasa ito bilang isang nobela. Ang Aking bang mga salita ay hindi talaga nakakaantig sa puso ng tao? Ang Aking bang mga binibigkas ay tunay na walang epekto? Maaari bang walang sinuman ang naniniwala sa Aking pag-iral? Hindi mahal ng tao ang kanyang sarili; sa halip, siya ay nakikiisa kay Satanas upang lumaban sa Akin, at ginagamit si Satanas bilang isang “kapakinabangan” upang paglingkuran Ako. Ako ay susuong sa lahat ng mga mapanlinlang na balak ni Satanas, at pipigilan ang mga tao sa lupa na tanggapin ang panlilinlang ni Satanas, upang hindi sila manlaban sa Akin dahil sa pag-iral ni Satanas.

17 Enero 2018

Salita ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-isang Pagbigkas


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos |  Salita ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-isang Pagbigkas


  
Nahuhulog ang tao sa kalagitnaan ng Aking liwanag, at mabilis siyang nakakabangon dahil sa Aking kaligtasan. Noong dinala Ko ang kaligtasan sa buong sandaigdigan, sinusubukan ng tao na hanapin ang mga paraan upang makapasok sa daloy ng Aking pagpapanumbalik, ngunit marami ang mga natangay nang walang bakas sa malakas na agos ng panunumbalik na ito; marami ang mga nalunod at nilamon ng malakas na agos ng mga tubig; at marami rin ang nanatili sa gitna ng malakas na agos, na hindi kailanman nawalan ng kanilang diwa ng direksiyon, at sumunod sa malakas na agos hanggang ngayon. Humahakbang Ako kasabay ng tao, ngunit hindi pa rin niya Ako nakikilala; alam lamang niya ang mga panlabas Kong kasuotan, at wala siyang kaalam-alam sa mga kayamanan na nakatago sa Aking kaloob-looban. Kahit na tinutustusan Ko ang tao at nagbibigay Ako sa kanya sa bawat araw, hindi niya kaya ang tunay na pagtanggap, wala siyang kakayahang tanggapin ang lahat ng mga kayamanang ibinibigay Ko. Wala sa katiwalian ng tao ang nakakaiwas sa Aking paningin; para sa Akin, ang panloob na mundo niya ay katulad ng maliwanag na buwan sa tubig. Hindi Ako nakikipaglaro sa tao, ni hindi basta nakikisabay lang sa kanya; wala lang talagang kakayahan ang tao na panagutan ang kanyang sarili, at dahil dito palaging ubod ng sama ang buong sangkatauhan, at kahit ngayon nananatili siyang walang kakayahang lumaya mula sa naturang kasamaan. Kaawa-awa, kalunus-lunos na sangkatauhan! Bakit nga ba mahal Ako ng tao, ngunit hindi niya kayang sundin ang mga layunin ng Aking Espiritu? Talaga bang hindi Ko ibinunyag ang Aking Sarili sa sangkatauhan? Talaga bang hindi nakita kailanman ng sangkatauhan ang Aking mukha? Maaari kayang masyadong maliit ang awa na Aking ipinakita sa sangkatauhan? O ang mga rebelde ng buong sangkatauhan! Dapat silang mawasak sa ilalim ng Aking talampakan, dapat silang maglaho sa gitna ng Aking pagkastigo, at dapat, sa araw ng pagkakumpleto ng Aking dakilang plano, ay maitataboy sila mula sa kalagitnaan ng sangkatauhan, upang makita ng buong sangkatauhan ang pangit nilang pagmumukha. Bihirang makita ng tao ang Aking mukha o bihira niyang marinig ang Aking tinig dahil masyadong nakalilito ang buong mundo, at masyadong malakas ang ingay nito, at dahil dito naging masyadong tamad ang tao na hanapin ang Aking mukha at subukang unawain ang Aking puso. Hindi ba ito ang dahilan ng katiwalian ng tao? Hindi ba dahil dito kaya nangangailangan ang tao? Ang buong sangkatauhan ay palaging nasa gitna ng Aking pagtustos; kung di gayon, kung hindi Ako maawain, sino ang mabubuhay hanggang ngayon? Ang mga kayamanan na nasa Akin ay walang kapantay, ngunit ang lahat ng mga kalamidad ay nandito rin sa Aking mga kamay—at sino ang makaliligtas mula sa kalamidad kung kailan nila gusto? Ang mga panalangin ba ng tao ang magpapahintulot sa kanya upang gawin ito? O ang mga luha sa puso ng tao? Hindi kailanman tunay na nanalangin ang tao sa Akin, at dahil dito walang kahit isa sa buong sangkatauhan ang ganap na namuhay sa gitna ng liwanag ng katotohanan, at namuhay lamang ang mga tao sa gitna ng pasumpung-sumpong na paglitaw ng liwanag. Ito nga ang nagdulot sa pangangailangan ng sangkatauhan ngayon.

15 Enero 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikadalawampung Pagbigkas



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikadalawampung Pagbigkas

      Hindi masukat at hindi maarok ang kayamanan ng Aking sambahayan, gayunma’y hindi kailanman lumapit sa Akin ang tao upang tamasahin ang mga iyon. Wala siyang kakayahang tamasahin ang mga iyon sa kanyang sarili, ni protektahan ang sarili niya gamit ang sarili niyang mga pagsisikap; sa halip, palagi niyang nailalagay sa iba ang kanyang pagtitiwala. Sa lahat ng mga yaong tinitingnan Ko, wala kahit isa ang kailanma’y kusa at direktang naghanap sa Akin. Lumalapit silang lahat sa harap Ko sa panghihikayat ng iba, sumusunod sa karamihan, at ayaw nilang bayaran ang halaga o gumugol ng oras para pagyamanin ang kanilang mga buhay. Samakatuwid, walang sinuman sa gitna ng tao ang namuhay kailanman sa katotohanan, at namumuhay ang lahat ng mga tao ng mga buhay na walang kahulugan. Dahil sa mga gawi at kaugalian ng tao na matagal nang umiiral, umalingasaw ang amoy ng lupa sa mga katawan ng lahat ng mga tao. Bilang resulta, naging manhid ang tao, walang pandama sa kalagiman ng mundo, at sa halip ay nagpapakaabala siya sa gawain ng pagtatamasa sa sarili sa malamig na mundong ito. Walang kahit kaunting init ang buhay ng tao, at walang kahit anong pantaong lasa o liwanag—gayunma’y sinanay niya ang kanyang sarili dito, nanatili siya sa habambuhay na kawalan ng halaga kung saan nagmamadali siyang gumagawa nang walang anumang napapala. Sa isang kisapmata, lumalapit ang araw ng kamatayan, at namamatay ang tao ng isang mapait na kamatayan. Kailanman, wala siyang natupad na anuman, o napalang anuman sa mundong ito—nagmamadali lamang siyang dumarating, at nagmamadaling umaalis. Sa Aking paningin wala sa mga yaon ang nakapagdala kailanman ng anuman, o nakakuha ng anuman, kung kaya nararamdaman ng tao na hindi patas ang mundo. Gayunman walang may gustong magmadali. Hinihintay lamang nila ang araw kung kailan ang Aking pangako mula sa langit ay biglang darating sa gitna ng tao, magpapahintulot sa kanila, sa panahon kung kailan sila ay naligaw, na minsan pa ay makita ang daan ng walang-hanggang buhay. Kaya, nakatutok ang tao sa bawat gawa at kilos Ko upang tingnan kung talagang natupad Ko ang pangako Ko sa kanya. Kapag siya ay nasa kalagitnaan ng hirap, o sa matinding sakit, o pinalilibutan ng mga pagsubok at malapit nang mahulog, isinusumpa ng tao ang araw ng kanyang kapanganakan upang mas mabilis niyang matakasan ang mga problema niya at makalipat sa mas magandang lugar. Ngunit kapag lumipas na ang mga pagsubok, napupuno ng kagalakan ang tao. Ipinagdiriwang niya ang araw ng kapanganakan niya sa mundo at hinihiling na pagpalain Ko ang araw ng kanyang kapanganakan; sa panahong ito, hindi na binabanggit ng tao ang mga pangako ng nakaraan, malalim ang takot niya na sa ikalawang pagkakataon darating muli sa kanya ang kamatayan. Kapag itinataas ng mga kamay Ko ang mundo, sumasayaw sa kagalakan ang mga tao, hindi na sila nalulungkot, at umaasa silang lahat sa Akin. Kapag tinatakpan Ko ng Aking mga kamay ang Aking mukha, at itinutulak ang mga tao sa ilalim ng lupa, agad silang nahihirapan sa paghinga, at bahagya na silang makapanatiling buhay. Lahat sila ay sumisigaw sa Akin, takot na lilipulin Ko sila, sapagka’t gusto nilang lahat na makita ang araw kung kailan Ako ay maluluwalhati. Itinuturing ng tao ang araw Ko bilang pangunahin ng kanyang pag-iral, at ito ay dahil lamang sa mahigpit na pagnanais ng mga tao para sa araw kung kailan ang Aking kaluwalhatian ay darating kaya nakapanatiling buhay ang sangkatauhan hanggang ngayon. Ang pagpapalang ipinahayag ng Aking bibig ay na yaong mga ipinanganganak sa panahon ng mga huling araw ay napakapalad na makita ang buo Kong kaluwalhatian.

12 Enero 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas

Ang Iglesia ng  Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas


      Ito ay marapat na pinagkakaabalahan ng sangkatauhan  na kunin ang mga salita Ko bilang ang batayan ng kanyang pananatiling buhay. Dapat itatag ng tao ang indibidwal niyang kabahagi sa bawat isang bahagi ng mga salita Ko; ang hindi paggawa nito ay paghingi ng suliranin, paghahanap ng sarili niyang pagkawasak. Hindi Ako kilala ng sangkatauhan, at dahil dito, sa halip na dalhin niya ang kanyang buhay sa Akin upang ihandog bilang kapalit, ang tanging ginagawa niya ay pumarada sa harapan Ko na mayroong basura sa kanyang mga kamay, sinusubukang sa pamamagitan niyaon ay bigyan Ako ng kasiyahan. Ngunit, malayo sa pagkakaroon ng kasiyahan sa mga bagay na tulad ng mga ito, patuloy Ako sa paghingi sa sangkatauhan. Gusto Ko ang handog ng tao, nguni’t kinapopootan Ko ang kaniyang mga panghuhuthot. Ang puso ng lahat ng mga tao ay puno ng kasakiman; parang inalipin ng diyablo ang puso ng tao, at hindi makalaya ang tao at maihandog ang kanyang puso sa Akin. Kapag nagsasalita Ako, nakikinig ang tao sa Aking tinig nang may pamimitagan; nguni’t kapag tumigil Ako sa pagsasalita, nagsisimula siyang muli sa sarili niyang “pakikipagsapalaran” at ganap na humihinto sa pag-intindi sa mga salita Ko, na parang pandagdag lamang ang mga salita Ko sa kanyang pakikipagsapalaran. Kailanman hindi ako naging maluwag sa sangkatauhan, at gayunman naging lubhang-matiisin din ako at may magandang kalooban sa sangkatauhan. At sa gayon, dahil sa Aking pagiging mapagpahinuhod, naging napakahambog ang mga tao, walang kakayahang kilalanin ang sarili at magmuni-muni, at sinasamantala nila ang Aking pagkamatiisin upang linlangin Ako. Walang kahit isa sa kanila ang taos-pusong nagmamalasakit sa Akin, at wala ni isa man ang tunay na nagpapahalaga sa Akin bilang isang bagay na sinisinta ng kanyang puso; ibinibigay lamang nila sa Akin ang pilit nilang pagpansin tuwing wala silang ginagawa. Ang pagsisikap na ginugol Ko sa tao ay wala nang kapantay. Ginawa Ko na sa tao ang kauna-unahang uri ng gawain, at bukod dito, ibinigay Ko sa kanya ang isang karagdagang pasanin, upang sa ganoon, mula sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako, maaaring matuto ang tao at magbago. Hindi Ko hinihingi na maging isang tagagamit lamang ang tao, nguni’t hinihingi sa kanya na maging tagagawa na may kakayahang talunin si Satanas. Kahit na maaaring wala akong hinihinging kahit ano sa tao, gayunman may mga pamantayan Ako para sa mga kahilingan Ko, sapagka’t may layunin Ako sa ginagawa Ko, at may mga prinsipyong alinsunod sa hakbang Ko: Hindi Ako, gaya ng naguguni-guni ng mga tao, padaskul-daskol na naglalaro, at hindi Ko rin, sa sinasadyang pagbabagu-bago, nilikha ang mga kalangitan at lupa at ang napakaraming mga bagay na nilikha. Sa Aking paggawa, dapat may bagay na makikita ang tao, bagay na matatamo. Hindi niya dapat aksayahin ang tagsibol na kapanahunan ng kanyang kabataan, o tratuhin ang sarili niyang buhay na parang kasuotang basta hinayaang mapuno ng alikabok; sa halip, dapat bantayan niya nang mahigpit ang kanyang sarili, kumukuha mula sa Aking pagpapala upang matustusan ang sarili niyang kasiyahan, hanggang, para sa Aking kapakanan, hindi na siya makababalik tungo kay Satanas, at para sa Aking kapakanan maglulunsad siya ng isang pag-atake laban kay Satanas. Hindi ba napakadaling gaya nito ang hinihiling Ko sa tao?

11 Enero 2018

Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (1) - Bato, Bato, Pick





Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (1) - Bato, Bato, Pick




Isang grupo ng masisigla at kaibig-ibig na mga kabataan ang walang-malay na naglalaro nang itanong nila nang diretsahan, nang hindi nag-iisip, na: "Saan nanggaling ang sangkatauhan?" Alam mo ba ang sagot sa tanong na ito?