Bawa’t isa sa inyo ay dapat magsuring muli ng inyong buhay-pananampalataya sa Diyos para makita kung, sa paghahabol sa Diyos, ay tunay na naunawaan mo, tunay na naintindihan, at tunay na nakilala mo ang Diyos, kung tunay na alam mo kung anong saloobin ang tinitiis ng Diyos sa iba’t ibang uri ng tao, at kung tunay na nauunawaan mo kung ano ang ginagawa ng Diyos sa iyo at ano ang pakahulugan ng Diyos sa bawa’t kilos mo.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kristiyano. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kristiyano. Ipakita ang lahat ng mga post
31 Disyembre 2018
New Tagalog Christian Crosstalk | "Pagtakas sa Hawla" | A Christian's Testimony of Faith
New Tagalog Christian Crosstalk | "Pagtakas sa Hawla" | A Christian's Testimony of Faith
Ang crosstalk na Pagtakas sa Hawla ay isang kwento tungkol sa kung paano pinahirapan at isang buwang ikinulong ang Kristiyanong si Xiaolan sa kanyang tahanan ng kanyang ama na isang opisyal ng Partido Komunista, kung saan hindi niya nagampanan ang buhay-iglesia, at ang kanyang karanasan ng pagtakas sa kanyang tahanan at paglayo. Nawasak ang isang pamilya na minsang naging masaya, iniwan ng isang anak na babae ang kanyang ina, at nagtanim ng matinding galit sa kanya ang kanyang ama. Sino ang utak ng lahat ng ito? At sino ang nagbigay ng pananampalataya at lakas kay Xiaolan, at tumulong sa kanya para makatakas sa kulungan at makatahak sa tamang landas ng buhay?
08 Agosto 2018
Tagalog Christian Gospel Video | "Ang Iglesia ng Three-Self Ang Aking Payong" (Tagalog Dubbed)
Isang araw, nadakip ng Komunistang pamahalaan ng China ang maraming Kristiyano ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos mula sa isang partikular na lokasyon sa kalaliman ng gabi. Ang bagay na ito ay nagdulot ng kaguluhan sa lokal na lugar. Nagpasimula ito ng mga talakayan sa pagitan ng mga miyembro ng Iglesia ng Three-Self. Ilang tao ang naniwala na ang Kidlat sa Silanganan ay nagdusa sa malupit na pagsupil at pag-uusig ng Komunistang pamahalaan ng China. Napakamapanganib na maniwala sa Kidlat ng Silanganan, at pinakaligtas na maniwala sa Iglesia ng Three-Self. Hindi sila magdurusa ng paghihirap at magagawa nilang pumasok sa kaharian ng langit. Naniwala ang ibang mga tao na ang Kidlat ng Silanganan ang siyang tunay na daan, ngunit masyadong mabagsik ang kinakaharap nitong pag-uusig at aresto. Kung maniniwala sila, inisip nila na mas mabuting maniwala nang palihim. Sa sandaling matutumba ang Komunistang pamahalaan ng China, malaya na silang maniniwala sa Makapangyarihang Diyos. Inimbestigahan ng ilang tao ang Kidlat ng Silanganan ngunit naniwala sila na ikinakalat ng Kidlat ng Silanganan ang ebanghelyo at sumasaksi sa Panginoon nang walang pagsasaalang-alang sa buhay o kamatayan at na sila ay pinupuri ng Diyos. Inisip nila na ang mga taong nagtatago sa loob ng Iglesia ng Three-Self ay mga taong duwag na inaanod sa buhay nang walang layunin at na hindi sila karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit. … Pagkatapos ng mainit na talakayang ito, nalaman ba ng lahat kung anong uri ng mga tao ang pinupuri ng Panginoon at kung ang mga natatakot ba ay makakapasok sa kaharian ng langit?
04 Hulyo 2018
Tagalog Christian Musical Drama 2018 "Sinasamba ng Bawat Bansa Ang Makapangyarihang Diyos" (Trailer)
Sa ilalim ng isang maningning, tahimik, at mapayapang gabi ng kalangitan, isang grupo ng mga Kristiyano na masigasig na naghihintay sa pagbabalik ng Tagapagligtas ang nagkakantahan at nagsasayawan sa masayang tugtugin. Noong narinig nila ang masayang balita “Nagbalik na ang Diyos” at “Nagbigkas ang Diyos ng mga bagong salita”, nagulat sila at nasabik. Iniisip nila: “Nagbalik na ang Diyos? Nagpakita na ba Siya?!” Taglay ang pagkamausisa at kawalang-katiyakan, isa-isang, humakbang sila papunta sa paglalakbay tungo sa paghahanap sa mga bagong salita ng Diyos. Sa kanilang nakakapagod na paghahanap, ilang mga tao ang nagtatanong samantalang basta na lamang tinanggap ito ng iba. Tinitingnan lamang ito ng ilang tao nang walang imik, samantalang nagbibigay ng suhestiyon ang iba at naghahanap ng mga sagot sa Biblia—naghahanap sila ngunit sa huli, wala itong bunga …. Kung kailan pinanghihinaan sila ng loob, isang saksi ang nagdadala sa kanila ng isang kopya ng Biblia ng Kapanahunan ng Kaharian, at malalim silang nahumaling sa mga salita sa aklat. Anong uring aklat talaga ito? Nakita na ba talaga nila ang mga bagong salita na binigkas ng Diyos sa aklat na iyon? Tinanggap na ba nila ang pagpapakita ng Diyos?
Rekomendasyon:
Paano Dapat Unawain ang Kristiyanismo?
31 Mayo 2018
Magkakaroon Lamang ng Magandang Kapalaran ang Tao Kung Sila’y Sasamba sa Tunay na Diyos
Diyos ang may likha ng mundo at ng tao.
Unang kultura ng Griyego at sibilisasyon ng tao'y gawa Niya.
Diyos lang ang umaaliw, umaaliw sa tao.
Diyos lang ang umaaruga sa tao araw at gabi.
Pag unlad ng tao'y
di-mahiwalay sa kapangyarihan ng Diyos.
Ang nakaraan at kinabukasan ng tao'y
di-mahiwalay sa mga disenyo ng Diyos, ang disenyo ng Diyos.
17 Mayo 2018
Tagalog Christian Movie 2018 | “Red Re-Education sa Bahay” | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (4
Sabi ng Panginoong Jesus, “Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal” (Marcos 16:15). Ang pagkakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos ay isang mabuti at matuwid na gawa ng mga Kristiyano. Ngunit malupit na inaaresto at pinahihirapan ng Chinese Communist Party ang mga Kristiyano, na humantong sa pagkasira ng maraming pamilya, ang ilan ay wala nang tahanang maaaring balikan, at maraming naaresto at nakulong. Ang ilan ay pinahirapan pa hanggang sa mamatay, pero patuloy na binaligtad ng CCP ang katotohanan, na sinasabi na nasira ang kanilang pamilya dahil sa kanilang pananalig sa Diyos. sino ang tunay na salarin sa pagkasira ng napakaraming pamilyang mga Kristiyano?
Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
16 Mayo 2018
Tagalog Christian Movie 2018 | “Red Re-Education sa Bahay” | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (3)
Mula nang hibang na pahirapan ng CCP ang mga Kristiyano at kailangan pa nilang makita kung pupuksain ito ng Diyos, maraming hindi naniwala na ang pagkalaban sa Diyos ay hahantong sa paghihiganti o parusa, at lalong hindi sila naniniwala na mayroong Diyos o na Siya ang namamahala. May batayan ba sa katotohanan ang pananaw na ito? Naaayon ba ito sa mga tunay na pangyayari sa gawain ng Diyos?
✼••┈┈┈┈•✼••✼•┈┈┈┈••✼•┈┈┈┈•✼••✼•┈┈┈┈•✼••✼•┈┈┈┈••✼
Rekomendasyon:
Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
20 Abril 2018
Ebangheliyong pelikula | The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (2)
The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (2)
Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga patakarang nakatutok sa “Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han” ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China …
Rekomendasyon:
Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
21 Enero 2018
Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (5) – Buhay sa Sayawa
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (5) – Buhay sa Sayawan
Nabubuhay sa kanyang balatkayo, unti-unting naging bahagi at nilamon si Xiaozhen ng mundong ito. Nawalan siya ng dangal sa gitna ng kasamaan ng masamang mundo …
16 Enero 2018
Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (3) - Pagtalikod sa Kabutihan at Pagsunod sa Kasamaan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (3) - Pagtalikod sa Kabutihan at Pagsunod sa Kasamaan
Sa mundong ito ng ng masasamang loob kung saan pera ang hari, anong mga pagpapasiya ang ginagawa ng tunay na dalisay at mabuting si Xiaozhen, para sa buhay at kaligtasan …
14 Enero 2018
Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (2) - Agawan sa Ginto
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (2) - Agawan sa Ginto
Nang makakita si Xiaozhen ng isang malaking pirasong ginto, tinawag niya ang kanyang mga kaibigan para ipakita ito. Ang hindi niya alam ay kapag nakakita ng ginto ang mga tao, lumilitaw ang likas na kabutihan at kasamaan ng tao …
11 Enero 2018
Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (1) - Bato, Bato, Pick
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (1) - Bato, Bato, Pick
Isang grupo ng masisigla at kaibig-ibig na mga kabataan ang walang-malay na naglalaro nang itanong nila nang diretsahan, nang hindi nag-iisip, na: "Saan nanggaling ang sangkatauhan?" Alam mo ba ang sagot sa tanong na ito?
09 Enero 2018
Kuwento ni Xiaozhen | Drama-musikal
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kuwento ni Xiaozhen | Drama-musikal
Si Xiaozhen ay dating isang wagas at mabait na Kristiyano, na laging taos-pusong makipagkaibigan. Gayunman, nang makikinabang sila, naging kaaway niya ang dati niyang mga kaibigan. Matapos masaktan sa trahedyang ito, napilitan si Xiaozhen na talikuran ang kanyang tunay na niloloob at mga prinsipyo. Nagsimula siyang magtaksil sa sarili niyang mabuting konsiyensya at kalooban, at nagumon sa burak ng masamang mundo. … Nang magkasala siya at magpakasama, tinapak-tapakan siya ng mundo at tinadtad siya ng mga peklat at pasa. Wala na siyang masulingan, at nang mawalan na siya ng pag-asa, sa huli ay napukaw ng taos-pusong panawagan ng Makapangyarihang Diyos ang puso't diwa ni Xiaozhen …
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)