Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

29 Agosto 2018

Tagalog Christian Music Video | "Ipapanumbalik ng Diyos ang Kahulugan ng Kanyang Paglikha ng Tao"


Tagalog Christian Music Video | "Ipapanumbalik ng Diyos ang Kahulugan ng Kanyang Paglikha ng Tao"  


I
Sangkatauha'y nilikha ng Diyos,
nilagay sa lupa't pinangunahan hanggang kasalukuyan.
Nagsilbi S'yang handog sa kasalanan
at dahil dito niligtas N'ya ang tao.
Sa huli'y dapat pa rin N'yang lupigin,
ipanumbalik sa dating kalagayan ang tao. 
Mula sa simula ito ang gawaing ginagawa Niya.
Kaharian N'ya'y Kanyang itatatag,
ipanunumbalik awtoridad N'ya sa lupa
pati kalagayan ng tao.
Ipanunumbalik N'ya awtoridad N'ya
sa lahat ng nilalang N'ya. 

23 Agosto 2018

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Ikalabindalawang Pagbigkas

sakuna, Kaharian, Diyos, Landas, langit,


    Kapag ang kidlat ay lumabas mula sa Silangan—na siyang tiyak ding sandali ng Aking pagbigkas—sa sandaling ang kidlat ay dumating, ang buong kalangitan ay magliliwanag, at ang lahat ng mga bituin ay nagsisimulang mag ibang anyo. Ito ay tila bang ang buong sangkatauhan ay sumailalim sa isang angkop na paglilinis at paghihiwalay. Sa ilalim ng liwanag nitong katawan ng ilaw mula sa Silangan, ang buong sangkatauhan ay nabunyag sa kanilang totoong anyo, ang mga mata ay nasilaw, natigil sa pagkalito; iilan pa rin sa mga ito ang makapagtatago ng kanilang pangit na mga katangian. Muli, sila ay tulad ng mga hayop na tumatakas mula sa Aking liwanag upang kumubli sa mga kuweba ng kabundukan; ngunit, wala kahit isa sa mga ito ang maaaring mapawi mula sa loob ng Aking liwanag. Ang lahat ng tao’y napapaloob sa mahigpit na pagkakahawak ng takot at pagka-alarma, ang lahat ay naghihintay, ang lahat ay nanonood; sa pagdating ng Aking liwanag, ang lahat ay nagalak sa araw ng kanilang pagsilang, at gayon din ang lahat ay isinusumpa ang araw ng kanilang kapanganakan. Ang mga magkahalong damdamin ay imposibleng masabi; ang mga luha ng pagpaparusa sa sarili ay bumubuo ng ilog, at dinadala palayo sa malawak na dagsa ng tubig, nawawala nang walang bakas sa isang kislap. Muli, ang Aking araw ay lumalapit na sa sangkatauhan, at muling pinupukaw ang sangkatauhan, na nagbibigay sa mga tao ng isang punto mula sa kung saan bubuo ng bagong simulain. Ang puso Ko ay tumitibok at, sumusunod sa mga indayog ng Aking tibok ng puso, ang mga bundok ay lumulundag sa kagalakan, ang mga tubig ay sumayaw sa kagalakan, at ang mga alon, sumusunod sa oras, humahampas sa batuhan. Mahirap ipahayag kung ano ang nasa Aking puso. Nais Kong sunugin ang lahat ng maruruming mga bagay hanggang maging abo sa ilalim ng Aking mga titig, Nais Ko na lahat ng mga anak ng pagsuway ay mawala mula sa Aking harapan, hindi na kailanman pa bumalik sa pag-iral. Hindi lamang Ako gumawa ng isang bagong panimula sa tirahan ng malaking pulang dragon, ako rin ay pumasok sa bagong gawain sa sansinukob. 'Di magtatagal ang mga kaharian sa lupa ay magiging Aking kaharian; 'di magtatagal ang mga kaharian sa lupa ay magpakailanmang titigil sa pag-iral dahil sa Aking kaharian, dahil Aking nakamit ang tagumpay, sapagka’t Ako ay bumalik nang matagumpay. Inubos ng malaking pulang dragon ang bawat maiisip na paraan upang sirain ang Aking plano, umaasang mabura ang Aking gawa sa ibabaw ng lupa, ngunit maaari ba Akong mawalan ng pag-asa dahil sa kanyang mga pandaraya? Dapat ba Akong matakot sa pagkawala ng tiwala sa pamamagitan ng mga banta nito? Kailanman walang kahit isang nilalang saan man sa langit o sa lupa ang hindi Ko hawak sa Aking palad; gaano pa higit na totoo ito sa malaking pulang dragon, itong kagamitang ito na nagsisilbi bilang pagkakaiba sa Akin? Ito ba ay hindi rin isang bagay na pinapatakbo ng Aking mga kamay?

22 Agosto 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kanta ng Papuri | Diyos Lamang ang May Landas ng Buhay

   🔹🔹🔹🔹🔹✝️✝️ 🔹🔹🔹🔹🔹



.•*¨*•.¸¸♬ .•*¨*•.¸¸ ♪.•*¨*•.¸¸♬.•*¨*•.¸¸♪.•*¨*•.¸¸ ♪.•*¨*•.¸¸♬.•*¨*•.¸¸♪


I
Ang landas ng buhay ay bagay na di-taglay ng sinuman;
bagay na di madaling kunin ng kahit na sino.
Dahil buhay ay sa Diyos lang nagmumula,
Diyos lang ang may diwa ng buhay,
Diyos lang ang may landas ng buhay.
Kaya Diyos lang pinagmumulan ng buhay,
at ang laging dumadaloy na bukal ng buhay na tubig ng buhay.
Mula sa paglikha ng mundo, maraming gawaing nagawa ang Diyos
na kasama ang sigla, na nagbibigay ng buhay sa tao;
Nagbayad Siya nang mahal upang tao'y makatamo ng buhay.
Dahil ang Diyos Mismo ang walang hanggang buhay;
Siya ang daan upang tao'y muling mabuhay.

17 Hunyo 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (3)

 Espiritu, Jesus, landas, Langit, Kaharian

      Kapag ipinatutupad ng Diyos ang Kanyang gawain, Siya ay dumarating hindi upang makibahagi sa anumang pagtatayo o mga pagkilos; Siya ay dumarating upang tuparin ang kanyang ministeryo. Sa bawat pagkakataon na Siya ay nagiging katawang-tao, ito ay para lamang maisakatuparan ang isang yugto ng gawain at magbukas ng isang bagong kapanahunan. Ngayon ay Kapanahunan ng Kaharian, at ang tao ay pumasok sa pagsasanay ng kaharian. Ang yugtong ito ng gawain ay hindi gawain ng tao o para gawing ganap ang tao sa isang partikular na antas; ito ay para buuin ang isang bahagi ng gawain ng Diyos. Ang Kanyang gawain ay hindi ang gawain ng tao at hindi upang gawing ganap ang tao sa isang partikular na antas bago Niya lisanin ang lupa; ito ay upang lubos na tuparin ang Kanyang ministeryo at tapusin ang gawain na kailangan Niyang gawin, na gumawa ng angkop na pagsasaayos para sa Kanyang gawain sa lupa, sa gayon ay magiging maluwalhati. Ang gawain ng nagkatawang-tao na Diyos ay hindi tulad ng mga ginamit ng Banal na Espiritu. Kapag ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa lupa, ang pananagutan Niya lamang ay sa katuparan ng Kanyang ministeryo. Patungkol naman sa lahat ng iba pang mga bagay na walang kinalaman sa Kanyang ministeryo, sadyang hindi Siya nakikibahagi, maging hanggang sa puntong nagwawalang-bahala siya. Isinasagawa lamang Niya ang gawaing dapat Niyang gawin, at pinakahuli sa Kanyang pananagutan ay ang tungkol sa gawaing dapat gawin ng tao. Ang gawain na ginagawa Niya ay kaugnay lamang sa kapanahunang kinapapalooban Niya at ang ministeryo na dapat Niyang tuparin, na para bagang ang iba pang bagay ay hindi Niya tungkulin. Hindi Niya binibigyan ang Kanyang sarili ng mas maraming payak na kaalaman sa pamumuhay bilang tao, at hindi Niya inaaral ang ibang kasanayang pakikipagkapwa o ano man na naiintindihan ng tao. Hindi Siya nagpapakita ng pag-aalala sa lahat ng dapat ibigay sa tao at ang tanging ginagawa ay ang gawain na Kanyang tungkulin. At kaya, sa paningin ng tao, ang nagkatawang-tao na Diyos ay lubhang “kulang”, na maging hanggang sa puntong pinagwawalang-bahala Niya ang maraming bagay na dapat mayroon ang tao, at wala Siyang pang-unawa sa mga ganitong bagay. Ang mga bagay tulad ng pangkalahatang kaalaman sa buhay, pati na rin ang mga prinsipyo ng pag-uugali at pakikipag-ugnayan sa iba ay nagmumukhang hindi mahalaga para sa Kanya. Sa kabila nito, hindi mo mararamdaman mula sa nagkatawang-tao na Diyos ang kahit na kaunting di normal na pag-uugali. Ibig sabihin, pinananatili lamang ng Kanyang pagkatao ang Kanyang buhay bilang isang karaniwang tao na may karaniwang pangangatwiran ng Kanyang pag-iisip, na nagbibigay sa Kanya ng kakayahang kumilala ng kaibahan ng tama at mali. Gayunman, hindi Siya binigyan ng anumang bagay, na para sa tao (mga nilikhang tao) lamang. Ang Diyos ay naging tao lamang upang matupad ang Kanyang ministeryo. Ang Kanyang gawain ay nakadirekta para sa isang buong kapanahunan at hindi sa anumang partikular na tao o lugar. Ang Kanyang gawain ay nakadirekta para sa buong sansinukob. Ito ang direksyon ng Kanyang gawain at sa pamamagitan ng prinsipyong ito Siya ay gumagawa. Walang makakapagpabago nito, at hindi maaaring makibahagi ang tao. Sa bawat pagkakataong ang Diyos ay nagiging katawang-tao, dinadala Niya sa Kanya ang gawain ng gayong kapanahunan, at hindi ang layunin na mamuhay kasama ng tao sa loob ng dalawampu, tatlumpu, apatnapu, o kahit pitumpu, walumpu upang mas mahusay nilang maunawaan at makamit ang kabatiran sa Kanya. Walang pangangailangan para sa ganyan! Gawin man iyon hindi nito mapapalalim ang kaalamang taglay ng tao ukol sa likas na disposisyon ng Diyos; sa halip, makakadagdag lang ito sa kanilang mga paniwala at gagawing makaluma ang mga paniwala at mga saloobin ng tao. At dapat ninyong maintindihang lahat kung ano talaga ang gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Posible kaya na hindi ninyo nauunawaan ang Aking mga salita: “Ako ay dumating hindi upang maranasan ang buhay ng isang karaniwang tao”? Nalimutan ba ninyo ang mga salitang: “Ang Diyos ay dumating sa lupa hindi upang isabuhay ang buhay ng isang karaniwang tao”? Hindi ninyo nauunawaan ang layunin ng Diyos sa pagiging tao, ni nalalaman ninyo ang kahulugan ng “Paanong ang Diyos ay dumating sa lupa sa layuning maranasan ang buhay ng isang nilalang”? Dumating ang Diyos sa mundo para ganapin lamang ang Kanyang gawain, at kaya ang Kanyang gawain sa mundo ay hindi nagtagal. Dumating Siya sa mundo na walang layunin na linangin ng Espiritu ng Diyos ang Kanyang laman tungo sa isang pambihirang lider ng iglesia. Kapag dumating ang Diyos sa mundo, ito ay ang Salita na naging tao; gayunman, ang tao, ay hindi nakakakilala ng Kanyang gawain at ipinipilit ang nasabing layunin sa Kanya. Ngunit dapat ninyong maunawaang lahat na ang Diyos ay ang Salita na nagkatawang- tao, hindi laman na nilinang ng Espiritu ng Diyos upang pansamantalang panindigan ang tungkulin ng Diyos. Ang Diyos Mismo ay hindi nilinang, ngunit ang Salita na nagkatawang-tao, at ngayon opisyal Niyang isinasagawa ang Kanyang gawain sa inyong lahat. Nalalaman ninyong lahat at kinikilala na ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay isang katotohanan, ngunit nagkukunwari kayo sa isang pagkaunawa na sa totoo lang ay hindi ninyo taglay. Hindi ninyo lahat pinahahalagahan ang gawain ng nagkatawang-taong Diyos o ang kahalagahan at ang katuturan ng kanyang pagiging katawang-tao, at basta na lamang ninyo binibigkas ang mga salitang sinasabi ng iba. Naniniwala ka ba na ang nagkatawang-taong Diyos ay gaya ng iyong inaakala?

09 Hunyo 2018

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (2)

Jesus, krus, Espiritu, landas, Diyos


Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (2)

Sa panahong iyon, nang si Jesus ay gumawa sa Judea, gumawa Siya nang lantaran, ngunit ngayon, gumagawa Ako at nagsasalita sa inyo nang lihim. Ganap na hindi ito alam ng mga hindi mananampalataya. Ang Aking gawain sa inyo ay hiwalay sa iba. Ang mga salitang ito, ang mga pagkastigong ito at mga paghatol, ay hayag lamang sa inyong lahat at wala nang iba. Lahat ng mga gawaing ito ay isinasagawa sa inyo at binuksan lamang sa inyo; wala sa mga hindi mananampalataya ang nakakaalam nito, dahil hindi pa dumarating ang oras. Malapit nang maging ganap ang mga taong ito matapos na tiisin ang mga pagkastigo, ngunit walang alam ang mga nasa labas tungkol dito. Masyadong nakatago ang gawaing ito! Para sa kanila, malihim ang pagkakatawang-tao ng Diyos, ngunit sa mga nasa daluyang ito, maaari Siyang ituring na hindi lihim. Kahit na ang lahat ay bukas sa Diyos, naihahayag ang lahat at inilalabas ang lahat, totoo lamang ito sa mga taong naniniwala sa Kanya, at walang ipinaaalam sa mga hindi mananampalataya. Ang gawaing isinasagawa dito ngayon ay mahigpit na nakahiwalay upang hindi nila malaman. Kung malaman man nila, paghatol at pag-uusig lamang ang naghihintay. Hindi sila maniniwala. Ang gumawa sa bansa ng malaking pulang dragon, ang pinakapaurong na lugar, ay hindi madaling gawain. Kung ang gawaing ito ay ihahayag, samakatwid magiging imposibleng magpatuloy. Ang yugtong ito ng gawain ay hindi basta maaaring sumulong sa lugar na ito. Paano nila pahihintulutan ito kung ang ganitong gawain ay natupad nang lantaran? Hindi ba ito magdadala ng mas malaking panganib? Kung hindi naitago ang gawaing ito, at sa halip ay ipinagpatuloy tulad sa panahon ni Jesus nang kamangha-mangha Siyang nagpagaling ng maysakit at nagpalayas ng mga demonyo, kung ganoon hindi ba matagal na sana itong “sinunggaban” ng mga demonyo? Kaya ba nilang tiisin ang pag-iral ng Diyos? Kung papasok Ako ngayon sa mga bulwagan upang mangaral at magbigay ng panayam sa tao, hindi ba matagal na sana Akong nagkadurug-durog? At kung gayon, paanong patuloy na matutupad ang Aking gawain? Ang dahilan kung bakit ang mga tanda at kababalaghan ay hindi nahahayag nang lantaran ay para sa kapakanan ng pagkatago. Upang ang Aking gawain ay hindi makita, makilala o matuklasan ng mga hindi mananampalataya. Kung ang yugtong ito ng gawain ay gagawin sa parehong paraan tulad ng kay Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi ito magiging matatag. Kaya, ang gawain na itatago sa paraang ito ay may benepisyo sa inyo at sa lahat ng gawain. Kapag ang gawain ng Diyos sa lupa ay dumating na sa katapusan, iyon ay, kapag ang lihim na gawaing ito ay natapos, ang yugtong ito ng gawain ay mahahayag. Malalaman ng lahat na may mga grupo ng mga mananagumpay sa Tsina; malalaman ng lahat na nasa Tsina ang Diyos na nagkatawang-tao at dumating na sa pagtatapos ang Kanyang gawain. Doon lamang ito magliliwanag sa tao: Bakit hindi pa nagpapakita ang Tsina ng paghina o pagbagsak? Lumalabas na ang Diyos ay personal na nagsasagawa ng Kanyang gawain sa Tsina at ginawang ganap ang isang grupo ng mga tao bilang mga mananagumpay.

Inihahayag lamang ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang sarili sa ilang mga tao na sumusunod sa Kanya habang personal Niyang isinasagawa ang Kanyang gawain, at hindi sa lahat ng nilalang. Naging katawang-tao lamang Siya upang makumpleto ang isang yugto ng gawain, hindi upang ipakita sa tao ang Kanyang larawan. Gayunpaman, dapat na tuparin Niya mismo ang Kanyang gawain, kaya kinakailangan Niya itong gawin sa katawang-tao. Kapag natapos ang gawaing ito, aalis Siya mula sa daigdig; hindi Siya maaaring manatili sa mahabang panahon sa sangkatauhan dahil sa takot na maharangan ang darating na gawain. Ang inihahayag Niya sa karamihan ay ang Kanya lamang matuwid na disposisyon at ang lahat ng Kanyang mga gawa, at hindi ang larawan ng Kanyang katawan nang dalawang beses Siyang naging katawang-tao, dahil ang larawan ng Diyos ay maaari lamang na makita sa Kanyang disposisyon, at hindi pinalitan ng larawan ng Kanyang naging-taong katawan. Ipinapakita lamang sa limitadong bilang ng mga tao ang larawan ng Kanyang katawang-tao, tanging sa mga taong sumusunod sa Kanya habang gumagawa Siya sa katawang-tao. Ito ang dahilan kung bakit ang gawaing ipinapatupad ngayon ay ginagawa nang lihim. Tulad ni Jesus na ipinakita lamang ang Kanyang sarili sa mga Hudyo noong ginawa Niya ang Kanyang gawain, at hindi kailanman hayagan na ipinakita sa ibang bansa. Kaya, sa sandaling nakumpleto Niya ang Kanyang gawain, kaagad Niyang nilisan ang tao at hindi nanatili; sa sumunod na panahon, hindi Niya ipinahayag ang larawan ng Kanyang sarili sa tao, ngunit sa halip ang gawain ay isinakatuparan nang direkta ng Banal na Espiritu. Kapag ganap nang natapos ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, umaalis na Siya mula sa mortal na mundo, at hindi na kailanman pang muling gagawa ng gawain na katulad ng Kanyang ginawa noong panahong Siya ay nagkatawang-tao. Ang gawain na sumunod ay direktang ginagawa lahat ng Banal na Espiritu. Sa panahong ito, mahirap makita ng tao ang Kanyang larawan sa katawang-tao; hindi Niya ipinapakita ang Kanyang sarili sa tao sa anumang paraan, at nananatiling nakatago magpakailanman. May limitadong oras para sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, na dapat matupad sa isang tiyak na kapanahunan, oras, bansa at sa mga partikular na tao. Ang ganitong gawain ay kumakatawan lamang sa gawain sa panahong ang Diyos ay nagkatawang-tao, at ito ay partikular sa kapanahunan, na kumakatawan sa gawain ng Espiritu ng Diyos sa isang partikular na kapanahunan, at hindi ang kabuuan ng Kanyang gawain. Samakatuwid, hindi ipapakita sa lahat ng mga tao ang imahe ng Diyos na nagkatawang-tao. Ang ipinapakita sa karamihan ay ang pagkamatuwid ng Diyos at ang Kanyang disposisyon sa kabuuan nito, sa halip na ang Kanyang larawan nang dalawang beses Siyang naging tao. Hindi ito ang nag-iisang larawan na ipinapakita sa tao, o ang dalawang imaheng pinagsama. Samakatuwid, kinakailangang umalis ang katawan ng naging-taong Diyos sa daigdig kapag nakumpleto ang gawain na kailangan Niyang gawin, sapagkat dumarating lamang Siya upang gawin ang gawain na dapat Niyang gawin, at hindi upang ipakita sa mga tao ang Kanyang larawan. Kahit na ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ay natupad na ng Diyos nang dalawang beses na maging tao, hindi pa rin Niya lantarang ipapakilala ang Kanyang sarili sa anumang bansa na kailanman ay hindi pa Siya nakita. Hindi na kailanman muling ipapakita ni Jesus ang Kanyang Sarili sa mga Judio bilang Araw ng katuwiran, ni aakyatin Niya ang Bundok ng mga Olibo at magpapakita sa lahat ng mga tao; nakikita ng lahat ng mga Judio ang Kanyang larawan sa Kanyang panahon sa Judea. Sapagkat ang gawain ni Jesus na nagkatawang-tao ay matagal nang natapos dalawang libong taon na ang nakakaraan; hindi Siya babalik sa Judea sa Kanyang dating anyo, lalong hindi ipapakita ang kanyang anyo sa panahong iyon sa alinmang mga bansa ng Gentil, sapagkat ang anyo ni Jesus na nagkatawang-tao ay ang anyo lamang ng isang Judio, at hindi ang anyo ng Anak ng tao na nakita ni Juan. Bagamat ipinangako ni Jesus sa Kanyang mga tagasunod na Siya ay muling darating, hindi Niya basta ipapakita ang Kanyang Sarili sa anyo ng isang Judio sa lahat niyaong nasa mga bansa ng Gentil. Dapat ninyong malaman na ang gawain ng Diyos na naging tao ay para magbukas ng bagong kapanahunan. Ang gawaing ito ay limitado sa iilang mga taon, at hindi Niya matutupad ang lahat ng gawain ng Espiritu ng Diyos. Ito ay kapareho ng kung paano ang larawan ni Jesus bilang Judio ay maaaring kumatawan lamang sa larawan ng Diyos habang gumagawa Siya sa Judea, at ang maaari lamang Niyang gawin ay ang gawain ng pagpapako sa krus. Noong panahon na si Jesus ay nagkatawang-tao, hindi Niya maaaring gawin ang gawain ng paghahatid ng kapanahunan sa isang katapusan o pagsira ng sangkatauhan. Samakatwid, pagkatapos na Siya ay ipinako sa krus at natapos ang Kanyang gawain, umakyat Siya sa itaas at magpakailanmang ikinubli ng Kanyang sarili mula sa tao. Mula noon, ang mga tapat na mananampalataya sa mga bansang Hentil ay maaaring makita lamang ang larawan Niya na inilagay nila sa mga pader, at hindi ang pagpapakita ng Panginoong Jesus. Ang larawan na ito ay isa lamang guhit ng tao, at hindi ang larawan na ipinakita ng Diyos Mismo sa tao. Hindi lantarang magpapakita ng Sarili ang Diyos sa maraming tao sa larawang mula nang Siya’y dalawang beses na nagkatawang-tao. Ang gawaing ginagawa Niya sa sangkatauhan ay upang hayaan silang maunawaan ang Kanyang disposisyon. Itong lahat ay tinupad sa pamamagitan ng pagpapakita sa tao sa pamamagitan ng gawain ng iba’t ibang kapanahunan, pati na rin ang disposisyon na ipinakilala Niya at ang gawaing Kanyang ginawa, sa halip na sa pamamagitan ng pagpapakita ni Jesus. Ibig sabihin, ang larawan ng Diyos ay hindi ipinakilala sa tao sa pamamagitan ng nagkatawang-taong larawan, ngunit sa halip ay sa pamamagitan ng gawain na natupad ng Diyos na nagkatawang-tao sa larawan at anyo; at sa pamamagitan ng Kanyang gawain, ang Kanyang larawan ay ipinapakita at ang Kanyang disposisyon ay ipinapaalam. Ito ang kahalagahan ng gawain na nais Niyang gawin sa katawang-tao.

Sa sandaling ang gawain nang Siya’y dalawang beses na naging tao ay dumating sa katapusan, magsisimula Siyang magpakita ng Kanyang matuwid na disposisyon sa ibayong mga bansang Hentil, na magpapahintulot sa maraming tao na makita ang Kanyang larawan. Nais Niyang ipahayag ang Kanyang disposisyon, at sa pamamagitan nito ay gawing malinaw ang katapusan ng iba’t ibang uri ng tao, dahil doon madadala ang lumang kapanahunan sa ganap na katapusan. Ang Kanyang gawain sa katawang-tao ay hindi umaabot sa napakalaking kalawakan (gaya ng paggawa lamang ni Jesus sa Judea, at ngayon ay gumagawa lamang Ako kasama ninyo) dahil ang Kanyang gawain sa katawang-tao ay may mga hangganan at limitasyon. Isinasagawa lamang Niya ang isang maikling panahon ng gawain sa larawan ng isang karaniwan at normal na katawang-tao, sa halip na gawin ang gawain ng walang-hanggan o gawin ang gawain ng pagpapakita sa lahat ng tao ng mga bansang Henti sa pamamagitan nitong naging-tao na katawan. Itong gawain sa katawang-tao ay dapat na limitado sa saklaw (gaya ng paggawa lamang sa Judea o sa inyo lamang), pagkatapos ay pinalaki sa pamamagitan ng gawain na natupad sa loob ng mga hangganan na ito. Siyempre, ang gawain ng ganitong pagpapalawak ay direktang tinutupad ng Kanyang Espiritu at hindi magiging gawain ng Kanyang katawang-tao. Sapagkat ang gawain sa katawang-tao ay may mga hangganan at hindi abot sa lahat ng mga sulok ng sandaigdig. Ito, hindi ito maaaring magawa. Sa pamamagitan ng gawain sa katawang-tao, tinutupad ng Kanyang Espiritu ang gawaing sumusunod. Kaya, ang gawain na ginawa sa katawang-tao ay isa sa simulaing ipinatupad sa loob ng mga hangganan; ang Kanyang Espiritu sa dakong huli ang magpapatuloy sa gawaing ito, at magpapalawak nito.

Dumarating ang Diyos dito sa mundo para gawin lamang ang gawain ng pamumuno sa kapanahunan; para magbukas ng isang bagong kapanahunan at dalhin ang luma sa katapusan. Hindi Siya naparito upang isabuhay ang kurso ng buhay ng tao sa lupa, upang maranasan Niya mismo ang mga kasiyahan at kalungkutan ng buhay bilang isang tao, o upang gawing perpekto ang isang tao sa pamamagitan ng Kanyang kamay o personal na panoorin ang isang tao habang siya ay lumalaki. Hindi Niya ito gawain; ang Kanyang gawain lamang ay buksan ang bagong kapanahunan at tapusin ang luma. Iyon ay, magbubukas Siya ng isang kapanahunan, dadalhin ang isa sa katapusan, at tatalunin si Satanas sa pamamagitan ng personal na pagtupad ng gawain. Tuwing tinutupad Niya ang gawain nang personal, tila inilalagay Niya ang isang paa sa lugar ng digmaan. Sa katawang-tao, uunahin muna Niyang talunin ang sanglibutan at magwawagi laban kay Satanas; tinatamo Niya ang lahat ng kaluwalhatian at itinataas ang mga kurtina sa gawain ng lahat ng dalawang libong taon, at ito’y nagbibigay sa lahat ng tao sa mundo ng tamang landas na susundin, at isang buhay na payapa at masaya. Subalit, ang Diyos ay hindi maaaring makipamuhay kasama ang tao sa mundo nang matagal, dahil ang Diyos ay Diyos, at hindi tulad ng tao matapos ang lahat. Hindi Niya maaaring isabuhay ang habang-buhay ng normal na tao, iyon ay, hindi Siya maaaring tumira sa mundo bilang isang taong hindi ordinaryo, dahil mayroon lamang Siyang napakaliit na bahagi ng normal na pagkatao ng mga ordinaryong tao para ipagpatuloy ang Kanyang buhay nang ganoon. Sa madaling salita, paano makakapagsimula ang Diyos ng pamilya at magpapalaki ng mga anak sa mundo? Hindi ba ito magiging isang kahihiyan? Siya’y nagtataglay ng normal na pagkatao para lamang sa layunin na isakatuparan ang gawain sa isang normal na paraan, hindi upang pahintulutan Siyang magsimula ng isang pamilya tulad ng ginagawa ng isang karaniwang tao. Ang Kanyang normal na katinuan, normal na pag-iisip, at ang normal na pagpapakain at gayak ng Kanyang katawang-tao ay sapat upang patunayang mayroon Siyang normal na pagkatao; hindi na Niya kailangang magsimula ng pamilya upang patunayang Siya’y pinagkalooban ng normal na pagkatao. Ito ay ganap na hindi kinakailangan! Ang Diyos ay dumarating sa lupa, ibig sabihin ang Salita ay nagiging tao; pinahihintulutan lamang Niya ang tao na maintindihan ang Kanyang salita at makita ang Kanyang salita, iyon ay, pinapahintulutan ang tao na makita ang gawaing tinupad sa pamamagitan ng katawang-tao. Ang Kanyang layunin ay hindi para tratuhin ng mga tao ang Kanyang katawang-tao sa isang tiyak na paraan, kundi para lamang ang tao ay maging masunurin hanggang sa katapusan, iyon ay, upang sundin ang lahat ng salita na lumalabas mula sa Kanyang bibig, at para magpasakop sa lahat ng gawain na Kanyang ginagawa. Siya lamang ay gumagawa sa katawang-tao, hindi sadyang humihingi sa tao na purihin ang kadakilaan at kabanalan ng Kanyang katawang-tao. Ipinapakita lamang Niya sa tao ang karunungan ng Kanyang gawain at lahat ng kapangyarihan na Kanyang hawak. Samakatuwid, kahit na Siya ay may katangi-tanging pagkatao, hindi Siya gumagawa ng mga anunsyo, at nakatuon lamang sa gawain na dapat niyang gawin. Dapat ninyong malaman kung bakit ang Diyos ay naging tao subalit hindi ipinagyayabang o pinapatunayan ang Kanyang normal na pagkatao, at sa halip ay ipinapatupad lamang ang gawain na nais Niyang gawin. Ito ang dahilan kung bakit ang nakikita lamang ninyo ay ang persona na pagka-Diyos sa Diyos na naging tao, dahil sa simpleng kadahilanan na hindi Niya inihahayag ang Kanyang persona na pagkatao upang tularan ng tao. Tanging kapag pinamumunuan ng tao ang tao saka siya nagsasalita tungkol sa kanyang pagkatao, upang makamit niya ang pamumuno sa iba sa pamamagitan ng pagpapakitang-gilas at pagkumbinsi sa kanila. Sa kabaligtaran, nilulupig ng Diyos ang tao sa pamamagitan lamang ng Kanyang gawain (iyon ay, gawaing hindi natatamo ng tao). Hindi niya pinahahanga ang tao o pinasasamba ang lahat ng sangkatauhan sa Kanya, ngunit itinatanim lamang sa tao ang damdamin ng paggalang sa Kanya o ipinapaalam sa tao ang Kanyang kahiwagaan. Hindi na kailangan ng Diyos na magpahanga sa tao. Ang kailangan lang Niya ay ang gumalang ka sa Kanya kapag nasaksihan mo ang Kanyang disposisyon. Ang gawain na ginagawa ng Diyos ay sariling Kanya; hindi ito maaaring gawin ng tao kahalili Niya, ni hindi ito maisasakatuparan ng tao. Tanging ang Diyos Mismo ang makakagawa ng Kanyang sariling gawain at maghahatid sa isang bagong kapanahunan upang pangunahan ang tao sa bagong mga buhay. Ang gawain na Kanyangg inagawa ay upang magawang tanggapin ng tao ang isang bagong buhay at pumasok sa isang bagong kapanahunan. Ang lahat ng iba pang gawain ay ipinasa sa mga lalaki na mayroong normal na pagkatao at mga hinahangaan ng iba pa. Kung gayon, sa Kapanahunan ng Biyaya, tinapos Niya ang dalawang libong taon na gawain sa loob lamang ng tatlo at kalahating taon sa Kanyang tatlumpu’t tatlong taon na nasa katawang-tao. Nang ang Diyos ay dumating sa lupa na ipinatutupad ang anyang gawain, palagi Niyang tinatapos ang dalawang libong taon na gawain o ang isang kabuuang kapanahunan sa loob ng ilang maigsing mga taon.

Hindi Siya nagsasayang ng oras, at hindi Siya nagpapaliban; pinaiikli lamang Niya ang gawain ng maraming mga taon upang ito ay matapos sa loob lamang ng ilang maigsing mga taon. Ito ay dahil sa ang gawain na Kanyang personal na ginagawa ay upang buksan lamang ang isang daan palabas at upang pangunahan ang bagong kapanahunan.

04 Hunyo 2018

Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus | Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)

Espiritu, Iglesia, Jesus, langit, Diyos

Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)


Sa Kapanahunan ng Biyaya, inihanda ni Juan ang daan para kay Jesus. Hindi Niya kayang gawin ang gawain ng Diyos Mismo at tinupad lamang ang katungkulan ng tao. Kahit si Juan ang tanda ng Panginoon, hindi niya maaaring katawanin ang Diyos; isa lamang siyang tao na ginamit ng Banal na Espiritu.

31 Mayo 2018

Magkakaroon Lamang ng Magandang Kapalaran ang Tao Kung Sila’y Sasamba sa Tunay na Diyos



Diyos ang may likha ng mundo at ng tao.
Unang kultura ng Griyego at sibilisasyon ng tao'y gawa Niya.
Diyos lang ang umaaliw, umaaliw sa tao.
Diyos lang ang umaaruga sa tao araw at gabi.
Pag unlad ng tao'y
di-mahiwalay sa kapangyarihan ng Diyos.
Ang nakaraan at kinabukasan ng tao'y
di-mahiwalay sa mga disenyo ng Diyos, ang disenyo ng Diyos.

26 Mayo 2018

Buhay musika | Ang Paghihinagpis ng Makapangyarihan


Nakikita ng Makapangyarihan sa lahat
ang pag-iyak at kawalanghiyaan ng mga nagdurusa't nasaktan,
dama ang takot at hina ng taong nawalan ng kaligtasan.
Tumatanggi sila sa kalinga Niya, sa sariling landas dumaraan,
iniiwasan mga mata Niyang naghahanap.
Mas gusto nilang danasin mga pasakit ng dagat,
kasama ang kaaway.
Ang paghihinagpis ng Makapangyarihan sa lahat
ay di na maririnig ninuman.
Mga kamay ng Makapangyarihan sa lahat ayaw nang abutin,
ayaw na Niyang hipuin ang miserableng sangkatauhan.


08 Mayo 2018

🍀🍀Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa🍀🍀


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pagbalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga tao na kayang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga tao na hindi kayang tanggapin ang katotohanan, ito’y tanda ng paghuhusga. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at itakwil ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging isang mangmang at mayabang na tao, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang. Pinapayuhan Ko kayo na tahakin nang maingat ang landas ng paniniwala sa Diyos. Huwag kayong magsalita nang tapos; bukod pa rito, huwag maging mapagwalang-bahala at walang-ingat sa inyong paniniwala sa Diyos. Dapat man lang ninyong malaman na yaong mga naniniwala sa Diyos ay dapat maging mapagpakumbaba at mapitagan. Yaong mga nakarinig sa katotohanan subalit minaliit ito ay mga hangal at mangmang. Yaong mga nakarinig sa katotohanan subalit walang-ingat na nagsasalita nang tapos o hinuhusgahan ito ay puno ng kayabangan. Walang sinumang naniniwala kay Jesus ang may karapatang sumpain o husgahan ang kapwa. Kayong lahat ay dapat maging isang taong makatuwiran at tumatanggap sa katotohanan."

🍀Rekomendasyon:🍀

Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan