Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

08 Oktubre 2019

Tagalog Christian Movie Clips 2018 | Pananabik "Nasa Langit ba ang Kaharian ng Langit o nasa Lupa?"


Tagalog Christian Movie Clips 2018 | Pananabik "Nasa Langit ba ang Kaharian ng Langit o nasa Lupa?"


Maraming sumasampalataya sa Panginoon ang naniniwala na ang kaharian ng langit ay nasa langit. Totoo ba ito? Sabi sa Panalangin ng Panginoon: "Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa" (Mateo 6:9-10). Sabi sa Aklat ng Pahayag, "Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo" (Pahayag 11:15). "Ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, … ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao" (Pahayag 21:2-3). Kaya, nasa langit ba ang kaharian ng langit o nasa lupa?

06 Oktubre 2019

Tagalog Christian Movie Clips | "Pananabik" | Sino ang Unang Madadala Pagdating ng Panginoon?


Tagalog Christian Movie Clips | "Pananabik" | Sino ang Unang Madadala Pagdating ng Panginoon?


Marami sa mga nananalig sa Panginoon ang naniniwala na basta’t sila ay nagsasakripisyo, nagpapakahirap, at nagsusumikap, siguradong mauuna silang madala. Pero may batayan ba ito sa mga salita ng Panginoon? Sabi ng Panginoong Jesus, "Datapuwa’t maraming mga una na mangahuhuli; at mga huli na mangauuna" (Mateo 19:30). "Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig" (Juan 10:27). Malinaw na ang nagpapasiya kung mara-rapture ang isang tao o hindi ay kung naririnig nila ang tinig ng Panginoon.

28 Setyembre 2019

Tagalog Christian Movie | "Pananabik" (Clips 1/5) Ganito Pala ang Pagbalik ng Panginoon


Tagalog Christian Movie | "Pananabik" (Clips 1/5) Ganito Pala ang Pagbalik ng Panginoon


Nabasa na ng maraming nananalig sa Panginoon ang sumusunod na propesiya sa Biblia: "Mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian" (Mateo 24:30). Naniniwala sila na pagbalik ng Panginoon, siguradong bababa Siya sakay ng ulap, pero may iba pang mga propesiya sa Biblia na nagsasabing: "Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw" (Pahayag 16:15). "Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake!

22 Hulyo 2019

Makapapasok ba Tayo sa Kaharian ng Langit Ngayong ang Ating mga Kasalanan ay Pinatawad na?

He Jun, Sichuan

Linggo Agosto 5, 2018. Makulimlim.
Pagkatapos ng pulong sa araw na ito, dumating ang isang kapatid na lalaki na naghahanap sa akin, ang kanyang mukha ay puno ng pangamba. Sinabi niya na hinihiling ng Diyos na magpakabanal ang mga tao, ngunit madalas siyang nagkakasala nang hindi sinasadya, at kung palagi siyang mabubuhay sa kasalanan ng ganito, kung gayon makapapasok ba siya sa kaharain ng langit pagdating ng Panginoon?

06 Hunyo 2019

Filipino Variety Show | "Nangangarap nang Gising" (Maikling Dula 2019)




Filipino Variety Show | "Nangangarap nang Gising" (Maikling Dula 2019)

Li Mingdao is a preacher at a house church. He has believed in the Lord for many years, and has always followed Paul's example, focusing on preaching, work, suffering, and paying a price. He believes that "as long as one labors and works, one can enter the kingdom of heaven, be rewarded, and gain a crown." But, at a meeting with his coworkers, Brother Zhang raises doubts about this view.

14 Marso 2019

Tagalog Christian Movies | "Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit" (Tagalog Dubbed)



Tagalog Christian Movies | "Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit" (Tagalog Dubbed)


Si Song Ruiming ay pastor ng isang iglesia sa South Korea. Bilang isang tapat na alagad ng Panginoon sa loob ng maraming taon, masigla siyang sumasampalataya at naglilingkod sa Panginoon habang naghihintay na maitaas sa kaharian sa langit pagbalik ng Panginoon. Nitong nakaraang mga taon, litung-lito siya at nawawalan ng lakas kapag nakikita na wala sa iglesia ang gawain ng Banal na Espiritu at nagiging lubhang malungkot.

23 Agosto 2018

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Ikalabindalawang Pagbigkas

sakuna, Kaharian, Diyos, Landas, langit,


    Kapag ang kidlat ay lumabas mula sa Silangan—na siyang tiyak ding sandali ng Aking pagbigkas—sa sandaling ang kidlat ay dumating, ang buong kalangitan ay magliliwanag, at ang lahat ng mga bituin ay nagsisimulang mag ibang anyo. Ito ay tila bang ang buong sangkatauhan ay sumailalim sa isang angkop na paglilinis at paghihiwalay. Sa ilalim ng liwanag nitong katawan ng ilaw mula sa Silangan, ang buong sangkatauhan ay nabunyag sa kanilang totoong anyo, ang mga mata ay nasilaw, natigil sa pagkalito; iilan pa rin sa mga ito ang makapagtatago ng kanilang pangit na mga katangian. Muli, sila ay tulad ng mga hayop na tumatakas mula sa Aking liwanag upang kumubli sa mga kuweba ng kabundukan; ngunit, wala kahit isa sa mga ito ang maaaring mapawi mula sa loob ng Aking liwanag. Ang lahat ng tao’y napapaloob sa mahigpit na pagkakahawak ng takot at pagka-alarma, ang lahat ay naghihintay, ang lahat ay nanonood; sa pagdating ng Aking liwanag, ang lahat ay nagalak sa araw ng kanilang pagsilang, at gayon din ang lahat ay isinusumpa ang araw ng kanilang kapanganakan. Ang mga magkahalong damdamin ay imposibleng masabi; ang mga luha ng pagpaparusa sa sarili ay bumubuo ng ilog, at dinadala palayo sa malawak na dagsa ng tubig, nawawala nang walang bakas sa isang kislap. Muli, ang Aking araw ay lumalapit na sa sangkatauhan, at muling pinupukaw ang sangkatauhan, na nagbibigay sa mga tao ng isang punto mula sa kung saan bubuo ng bagong simulain. Ang puso Ko ay tumitibok at, sumusunod sa mga indayog ng Aking tibok ng puso, ang mga bundok ay lumulundag sa kagalakan, ang mga tubig ay sumayaw sa kagalakan, at ang mga alon, sumusunod sa oras, humahampas sa batuhan. Mahirap ipahayag kung ano ang nasa Aking puso. Nais Kong sunugin ang lahat ng maruruming mga bagay hanggang maging abo sa ilalim ng Aking mga titig, Nais Ko na lahat ng mga anak ng pagsuway ay mawala mula sa Aking harapan, hindi na kailanman pa bumalik sa pag-iral. Hindi lamang Ako gumawa ng isang bagong panimula sa tirahan ng malaking pulang dragon, ako rin ay pumasok sa bagong gawain sa sansinukob. 'Di magtatagal ang mga kaharian sa lupa ay magiging Aking kaharian; 'di magtatagal ang mga kaharian sa lupa ay magpakailanmang titigil sa pag-iral dahil sa Aking kaharian, dahil Aking nakamit ang tagumpay, sapagka’t Ako ay bumalik nang matagumpay. Inubos ng malaking pulang dragon ang bawat maiisip na paraan upang sirain ang Aking plano, umaasang mabura ang Aking gawa sa ibabaw ng lupa, ngunit maaari ba Akong mawalan ng pag-asa dahil sa kanyang mga pandaraya? Dapat ba Akong matakot sa pagkawala ng tiwala sa pamamagitan ng mga banta nito? Kailanman walang kahit isang nilalang saan man sa langit o sa lupa ang hindi Ko hawak sa Aking palad; gaano pa higit na totoo ito sa malaking pulang dragon, itong kagamitang ito na nagsisilbi bilang pagkakaiba sa Akin? Ito ba ay hindi rin isang bagay na pinapatakbo ng Aking mga kamay?

16 Agosto 2018

Ang tinig ng Diyos | Pakahulugan sa Ikalabing-siyam na Pagbigkas

      Tila sa imahinasyon ng mga tao, napakatayog at di-maarok ang Diyos. Para bang hindi naninirahan ang Diyos kasama ang mga tao, para bang hinahamak Niya ang mga tao dahil napakatayog Niya. Ang Diyos, gayunman, ay dinudurog ang mga pagkaunawa ng mga tao at inaalis ang lahat ng mga ito, ibinabaon ang lahat ng kanilang mga pagkaunawa sa loob ng “mga libingan” kung saan nagiging abo ang mga ito. Ang saloobin ng Diyos tungo sa mga pagkaunawa ng mga tao ay kahalintulad ng Kanyang saloobin tungo sa mga patay, binibigyang-kahulugan ang mga ito ayon sa kagustuhan. Para bang walang mga pagtugon mula sa mga pagkaunawa. Kaya mula sa pagkalikha ng mundo hanggang ngayon, nagsasagawa ang Diyos ng ganitong gawain at hindi kailanman tumigil. Dahil sa laman, pinasasama ni Satanas ang mga tao, at dahil sa mga pagkilos ni Satanas sa daigdig, binubuo ng mga tao ang lahat ng uri ng pagkaunawa sa pamamagitan ng kanilang mga naging karanasan. Tinatawag itong “likas na pamumuo.” Ang yugtong ito ng gawain ang huling bahagi ng gawain ng Diyos sa daigdig, kaya ang paraan ng gawain ng Diyos ay nakarating nga sa taluktok nito, at pinag-iibayo Niya ang Kanyang pagsasanay sa mga tao upang maaari silang maging ganap sa Kanyang huling gawain, at sa wakas mabibigyang-kasiyahan ang kalooban ng Diyos. Dati, mayroon lang kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu sa gitna ng mga tao, pero walang mga salitang sinabi ang Diyos Mismo. Nang nagsalita ang Diyos sa sarili Niyang tinig, nagulantang ang lahat, at ngayon higit pa ngang kataka-taka ang mga salita Niya. Mas mahirap pang maunawaan ang kahulugan ng Kanyang mga salita, at parang nasa kalagayang manghang-mangha ang mga tao, dahil limampung porsiyento ng Kanyang mga salita ay dumarating sa pagitan ng mga tandang panipi. “Kapag nagsasalita Ako, nakikinig ang tao sa Aking tinig nang may pamimitagan; nguni’t kapag tumigil Ako sa pagsasalita, nagsisimula siyang muli sa sarili niyang “pakikipagsapalaran”. Mayroong isang salita sa talatang iyan sa mga panipi. Mas nakakatawa ang mga salita ng Diyos, mas maaari nitong mapalapit ang mga tao para basahin ang mga ito. Na kayang tanggapin ng mga tao na pakitunguhan kapag namamahinga sila ang isang aspeto. Ang pangunahing aspeto ay upang pigilin ang mas maraming tao mula sa pinanghihinaan ng loob o nadidismaya dahil hindi nila nauunawaan ang mga salita ng Diyos. Isang taktika ito sa pakikidigma ng Diyos kay Satanas. Tanging sa paraang ito magiging interesado ang mga tao sa mga salita ng Diyos at magbibigay-pansin pa rin sa mga ito kahit naguguluminahan sila. Pero mayroon ding kabigha-bighani sa lahat ng mga salitang hindi napapaligiran ng mga panipi, at kaya mas kapansin-pansin ang mga ito at nagagawang mahalin ng mga tao ang mga salita ng Diyos nang higit pa, hinahayaan silang madama ang katamisan ng Kanyang mga salita sa kanilang sariling puso. Habang dumarating ang mga salita ng Diyos sa napakaraming uri ng mga anyo at mayaman at iba-iba, at dahil walang pag-uulit ng mga pangngalan sa gitna ng maraming salita ng Diyos, sa ikatlong diwa ng mga ito, naniniwala lahat ang mga tao na ang Diyos ay laging bago at hindi kailanman luma. Halimbawa: “Hindi Ko hinihingi na maging isang tagagamit lamang ang tao, nguni’t hinihingi sa kanya na maging tagagawa na may kakayahang talunin si Satanas.” Ang mga salitang words “tagagamit” at “tagagawa” sa pangungusap na iyan ay may mga parehong kahulugan sa ilang salitang nasabi sa nakaraang mga panahon, pero hindi mahigpit ang Diyos. Sa halip, pinababatid Niya sa tao ang Kanyang kasariwaan, at kaya pinahahalagahan ang pag-ibig ng Diyos. Ang pagkamapagpatawa sa pananalita ng Diyos ay naglalaman ng Kanyang paghatol at Kanyang mga hinihingi sa tao. Yamang may layuning lahat ang mga salita ng Diyos, may kahulugang lahat, hindi basta pampagaan ng kalagayan o para magtawanan ang mga tao, o basta mapahinga ang kanilang mga kalamnan ang Kanyang pagkamapagpatawa. Sa halip, layon ng pagkamapagpatawa ng Diyos ang palayain ang tao mula sa limang libong taong pagkaalipin at hindi na kailanman maaliping muli, upang higit silang may kakayahang matanggap ang mga salita ng Diyos. Ang paraan ng Diyos ay “nakakatulong ang isang kutsarang asukal para lunukin ang gamot”; hindi Niya pinipilit ipalunok ang mapait na gamot sa lalamunan ng mga tao. May kapaitang napapaloob sa matamis, at may katamisang napapaloob sa mapait.

13 Agosto 2018

Ang tinig ng Diyos | Pakahulugan ng Ikalabing-walong Pagbigkas

       Naglalaman ng isang bahagi ng Kanyang disposisyon ang lahat ng salita ng Diyos; hindi lubusang maihahayag sa mga salita ang Kanyang disposiyon, kaya ipinakikita nito kung gaano ang kasaganaan na nasa Kanya. Kung ano ang maaaring makita at mahipo ng mga tao ay, tutal, limitado, gaya ng kakayahan ng mga tao. Bagaman malinaw ang mga salita ng Diyos, hindi kayang lubusang nauunawaan ng mga tao. Katulad ng mga salitang ito: “Sa isang siklab ng kidlat, naibubunyag ang bawat hayop sa tunay na anyo nito. Gayundin naman, dahil sa paglilinaw ng Aking liwanag, nabawi ng sangkatauhan ang kabanalang dati minsan nilang tinaglay. O, na sa wakas ang tiwaling mundo ng nakaraan ay nabuwal tungo sa maruming tubig at, habang lumulubog pailalim, naglaho sa putikan!” Naglalaman ng Kanyang pagiging Diyos ang lahat ng mga salita ng Diyos, at kahit na batid lahat ng mga tao ang mga salitang ito, hindi nila kailanman nalalaman ang mga kahulugan nito. Sa mga mata ng Diyos, lahat yaong mga lumalaban sa Kanya ang kaaway Niya, iyan ay, mga hayop ang mga nabibilang sa masasamang espiritu. Mamamasdan mula rito ang aktuwal na situwasyon ng iglesia. Nang hindi sumasailalim sa mga pangangaral o pagkastigo ng mga tao, nang hindi dumaraan sa tuwirang pagtitiwalag o isang bahagi ng mga pamamaraan ng tao o itinatawag-pansin ng mga tao, sinusuri ng lahat ng tao ang kanilang mga sarili sa ilalim ng pagpapalinaw ng mga salita ng Diyos, at napakalinaw na nakikita sa ilalim ng pangmalas ng isang “mikroskopyo” gaano kalala ang sakit na talagang nasa loob nila. Sa mga salita ng Diyos, pinag-uri-uri ang bawat uri ng espiritu at ibinubunyag ang orihinal na anyo ng bawat espiritu. Nagiging higit at higit na napalinawan at naliwanagan ang mga espiritu ng anghel, kaya ang sinabi ng Diyos, na silang “nabawi ng sangkatauhan ang kabanalang dati minsan nilang tinaglay have regained the sanctity they once possessed,” ay nakabatay sa mga pinakahuling resulta na natamo ng Diyos. Siyempre pa ngayon hindi pa ito lubusang matatamo—isang patikim lang ito. Nakikita ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan nito at ipinapakita nito na babagsak sa mga salita ng Diyos ang isang malaking bahagi ng tao at tatalunin sa pamamaraan ng unti-unting pagiging banal ng lahat ng tao. Ang “naglaho sa putikan” na binanggit dito ay hindi nagkakasalungat sa pagwasak ng Diyos sa mundo ng apoy, at ang “kidlat” ay tumutukoy sa poot ng Diyos. Kapag inilalabas ng Diyos ang Kanyang malaking poot, mararanasan ng buong mundo ang lahat ng uri ng sakuna bunga nito, tulad ng pagputok ng isang bulkan. Nakatayo sa ibabaw ng himpapawid, makikita na sa daigdig papalapit na ang lahat ng uri ng kapahamakan sa buong sangkatauhan, araw-araw. Pinagmamasdan mula sa itaas, parang isang sari-saring mga tanawin ang daigdig bago ang isang lindol. Rumaragasa sa lahat ng dako ang nag-aapoy na tubig, umaagos ang kumukulong putik sa lahat ng paligid, lumilipat ang mga bundok, at kumikislap sa lahat ng dako ang malamig na liwanag. Napapasadlak sa apoy ang buong mundo. Ito ang tanawin na inilalabas ng Diyos ang Kanyang poot, at ito ang panahon ng Kanyang paghatol. Hindi makakatakas ang lahat ng mga nasa laman. Kaya hindi kakailanganin ang mga digmaan sa pagitan ng mga bayan at mga alitan sa pagitan ng mga tao para wasakin ang buong mundo, pero “may kamalayang matatamasa” nito ang duyan ng pagkastigo ng Diyos. Walang sinumang makakatakas dito at daraan silang paisa-isa rito. Pagkatapos niyon muling manginginang sa banal na kaningningan ang buong sansinukob at magsisimula muli ng isang bagong buhay ang buong sangkatauhan. At magiging nasa kapahingahan ang Diyos sa ibabaw ng sansinukob at pagpapalain ang buong sangkatauhan bawat araw. Hindi magiging di-nakakayanang mapanglaw ang langit, pero mapapanumbalik ang sigla na hindi ito nagkaroon simula noong paglikha ng mundo, at ang “ikaanim na araw” ay kung kailan magsisimula ng isang bagong buhay ang Diyos. Ang Diyos at tao ay lahat papasok sa kapahingahan at hindi na magiging mabaho o marumi ang sansinukob, pero matatamo nito ang pagpapanibago. Kaya nga sinabi ng Diyos: “Hindi na payapa at tahimik ang mundo, hindi na mapanglaw at malungkot ang langit.” Hindi kailanman nagkaroon ng di-pagkamatuwid o mga damdamin ng tao sa kaharian ng langit, o anuman sa mga masasamang disposisyon ng sangkatauhan dahil wala ang panggugulo ni Satanas. Kayang maunawaan lahat ng mga tao ang mga salita ng Diyos, at isang buhay na puno ng kaligayahan ang buhay sa langit. May karunungan at ang dignidad ng Diyos ang lahat yaong nasa langit. Dahil sa mga pagkakaiba sa pagitan ng langit at daigdig, hindi tinatawag ang mga mamamayan ng langit na “mga tao,” pero tinatawag silang “mga espiritu” ng Diyos. Mayroong mga pangunahing pagkakaiba ang dalawang salitang ito, at ngayon ang mga tinutukoy na “mga tao” ay lahat napasama ni Satanas, habang ang “mga espiritu” ay hindi. Sa katapusan, babaguhin ng Diyos ang lahat ng mga tao sa daigdig para magkaroon ng mga katangian ng mga espiritu sa langit at hindi na pasasailalim sa panggugulo ni Satanas. Ito ang tunay na kahulugan ng mga salitang “ang Aking kabanalan ay umabot sa buong sansinukob My holiness has gone abroad throughout the universe.” “Ang mundo sa una nitong kalagayan ay kabilang sa langit, at nakaugnay ang langit sa lupa. Ang tao ang nag-uugnay sa langit at lupa, at salamat sa kanyang kabanalan, salamat sa kanyang pagpapanibago, hindi na lingid sa lupa ang langit, at hindi na nananatiling tahimik ang lupa sa langit.” Ito ang sinasabi sa pagtukoy sa mga taong mayroong mga espiritu ng anghel, at sa pagkakataong iyon muling makakayang magkakasamang mamumuhay nang mapayapa ang mga anghel at mapanunumbalik ang kanilang orihinal na katayuan, at hindi na mahahati sa pagitan ng dalawang kaharian ng langit at daigdig dahil sa katawang-tao. Makakayang makipagtalastasan ng mga anghel sa daigdig sa mga anghel sa langit, malalaman ng mga tao sa daigdig ang mga hiwaga ng langit, at malalaman ng mga anghel sa langit ang mga lihim ng mundo ng tao. Magkakaisa ang langit at daigdig na walang agwat sa pagitan ng mga ito. Ito ang kagandahan ng pagsasakatuparan ng kaharian. Ito ang nais ng Diyos na gawing ganap, at ito rin ang isang bagay na inaasam ng lahat ng mga tao at mga espiritu. Pero walang alam dito ang mga nasa relihiyosong mundo. Naghihintay lang sila kay Jesus na Tagapagligtas sa isang puting ulap upang kunin ang kanilang mga kaluluwa, iniiwan ang “basura” sa lahat ng dako sa daigdig (mga bangkay ang tinutukoy na basura). Hindi ba ito isang pagkaunawa ng lahat ng mga tao? Kaya nga sinabi ng Diyos: “Ang mundong relihiyoso—paano ito hindi wawasakin ng Aking awtoridad sa lupa?” Dahil sa pagiging ganap ng bayan ng Diyos sa daigdig babaligtarin ang relihiyosong mundo. Ito ang tunay na kahulugan ng “awtoridad” na sinabi ng Diyos. Sinabi ng Diyos: “Sa Aking panahon, mayroon bang nagbibigay ng kahihiyan sa pangalan Ko? Nakatuon sa Akin ang magalang na pagtingin ng buong sangkatauhan, at lihim silang tumatawag sa Akin sa kanilang mga puso.” Ito ang Kanyang sinabi tungkol sa kahihinatnan ng pagwasak sa relihiyosong mundo, na magpapasakop lahat sa harap ng trono ng Diyos dahil sa Kanyang mga salita at hindi na maghihintay para bumaba ang puting ulap o panoorin ang kalangitan, pero malulupig sa harap ng trono ng Diyos. Kaya, “lihim silang tumatawag sa Akin sa kanilang mga puso”—ito ang kalalabasan ng relihiyosong mundo, na malulupig lahat ng Diyos, at ito lang ang tinatawag na pagka-makapangyarihan ng Diyos—pinababagsak ang mga relihiyosong mga tao, ang pinaka-mapanghimagsik sa sangkatauhan, upang hindi na sila kailanman manghawak sa kanilang sariling mga pagkaunawa, pero makikilala nila ang Diyos.

02 Agosto 2018

Christian Songs | Ang Awtoridad at Kapangyarihan na Ipinapakita ng Diyos Nang Nagkatawang-tao


I
D’yos ay dumating sa lupa upang katunaya’y tuparin,
katunayan ng “pagkakatawang-tao ng Salita.”
Ang mga salita ng D’yos nagmumula sa katawang-tao
(di tulad Sa Lumang Tipan,
tuwirang nagsalita ang D’yos mula langit).
Lahat sila’y matutupad sa Milenyong Kaharian
upang maging katunayang nakikita ng tao,
para katupara’y tiyak na makita ng lahat.
Ito ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ng D’yos.
Naganap ang gawain ng Espiritu
sa pamamagitan ng katawang-tao at salita.
Ito ang kahulugan ng “Salitang nagkatawang-tao,
ang pagpapakita ng Salita sa katawang-tao.”

29 Hulyo 2018

Mga Pagbigkas ni Cristo ng Mga Huling Araw | "Ikaw ba ay Totoong Mananampalataya sa Diyos?"



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kayo ay humahanga at takot lamang sa di-nakikitang Diyos sa langit at walang pagsasaalang-alang sa buhay na Cristo sa lupa. Hindi ba ito rin ang inyong di-pananampalataya? Hinahangad lamang ninyo ang Diyos na gumawa sa nakaraan ngunit ayaw harapin ang Cristo ng panahong ito. Ito parati ang “pananampalatayang” humalo sa inyong mga puso na hindi nananampalataya sa Cristo ng panahong ito. Hindi Ko kayo minamaliit, sapagkat napakaraming di-pananampalataya sa inyong kaloob-looban, halos ang kabuuan ninyo ay marumi at dapat na masuri. Ang mga karumihang ito ay tanda na kayo ay walang anumang pananampalataya; ito ay marka ng inyong pagtatakwil kay Cristo at tinatatakan kayo bilang taksil kay Cristo. Ang mga ito ay mga talukbong na nagtatakip sa inyong kaalaman tungkol kay Cristo, isang hadlang sa pagkamit ninyo kay Cristo, isang balakid na pumipigil sa inyong pagiging-kaayon kay Cristo, at patunay na kayo ay hindi sinasang-ayunan ni Cristo."

22 Hulyo 2018

ANG BUMALIK NA MGA SALITA NG PANGINOONG JESUS | Pagsasagawa (3)

      Dapat kayong magkaroon ng kakayahan na mabuhay nang mag-isa, nagagawang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos sa inyong mga sarili, upang maranasan ang mga salita ng Diyos nang sarilinan, at upang mamuhay ng isang normal na buhay espirituwal nang walang pangunguna ng iba; dapat ninyong magawang umasa sa mga salita ng Diyos sa kasalukuyan upang mabuhay, makapasok sa tunay na karanasan, at tunay na pagkakita. Sa gayon pa lamang kayo makapaninindigan. Sa kasalukuyan, marami sa mga tao ang hindi ganap na nauunawaan ang hinaharap na mga kapighatian at mga pagsubok. Sa hinaharap, ang ilang mga tao ay makakaranas ng mga kapighatian, at ang ilan ay makakaranas ng kaparusahan. Ang kaparusahang ito ay magiging lalong matindi; ito ay magiging ang pagdating ng mga katotohanan. Sa kasalukuyan, ang lahat ng iyong nararanasan, ginagawa, at ipinahahayag ay inilalatag ang saligan para sa mga pagsubok sa hinaharap, at kahit papaano, dapat mong magawa na mabuhay nang mag-isa. Ngayon, ang sitwasyon tungkol sa marami sa iglesia sa pangkalahatan ay ang mga sumusunod: Kung may mga manggagawa na gagawa ng gawain ng iglesia,[a] sila ay masaya, at kung sila ay hindi, sila ay hindi masaya; at hindi nila pinagtutuunan ng pansin ang gawain sa iglesia, ni hindi sa kanilang sariling pagkain at pag-inom, at wala ni kakatiting na pasan—sila ay kagaya ng ardilya na sumisigaw sa lamig.[b] Sa tapat na pagsasalita, sa maraming mga tao ang gawain na Aking ginawa ay gawain lamang ng paglupig, sapagkat marami ang pangunahin nang hindi karapat-dapat na gawing perpekto. Isang maliit na bahagi lamang ng mga tao ang maaaring gawing perpekto. Kung, sa pagkarinig sa mga salitang ito, naniniwala ka na ang gawain na ginagawa ng Diyos ay para lamang lupigin ang mga tao, at kaya susunod ka na lamang nang walang interes, papaano magiging katanggap-tanggap ang gayong ugali? Kung ikaw ay tunay na nagtataglay ng konsiyensya, kung gayon kailangan mong magkaroon ng isang pasan, at isang pagkadama ng pananagutan. Dapat mong sabihin: Hindi ko alintana kung ako man ay lulupigin o gagawing perpekto, ngunit dapat kong taglayin nang maayos ang hakbang na ito ng patotoo. Bilang isang nilikha ng Diyos, ang isa ay maaring ganap na lupigin ng Diyos, at sa huli, nagagawa nilang mapalugod ang Diyos, tinutumbasan ang pag-ibig ng Diyos ng pag-ibig sa kanilang puso at sa ganap na paglalaan ng kanilang mga sarili sa Diyos. Ito ang pananagutan ng tao, ito ang tungkulin na dapat gampanan ng tao, at ang pasan na dapat batahin ng tao, at dapat matapos ng tao ang komisyon na ito. Sa gayon lamang sila tunay na naniniwala sa Diyos. Sa kasalukuyan, ang ginagawa mo ba sa iglesia ay ang katuparan ng iyong pananagutan? Ito ay nakasalalay sa kung ikaw ay nabibigatan, at sa sarili mong kaalaman. Sa pagdanas sa gawaing ito, kung ang tao ay nilupig at mayroong tunay na kaalaman, kung gayon may kakayahan ka sa pagsunod maging anuman ang iyong sariling mga inaasahan o kapalaran. Sa ganitong paraan, ang dakilang gawain ng Diyos ay magkakatotoo sa kabuuan nito, sapagkat ang mga taong ito ay may kakayahang hindi hihigit dito, at hindi magagawang matupad ang anumang mas mataas na mga pangangailangan. Gayunman sa hinaharap, ang ilang mga tao ay gagawing perpekto. Ang kanilang kakayahan ay mapapabuti, sa kanilang espiritu sila ay magkakaroon ng isang mas malalim na pagkaunawa, ang kanilang mga buhay ay lalago…. Ngunit ang ilan ay ganap na walang kakayahan na makamit ito, at kaya hindi maliligtas. Mayroong isang dahilan kung bakit sinasabi Kong hindi sila maliligtas. Sa hinaharap, ang ilan ay lulupigin, ang ilan ay aalisin, ang ilan ay gagawing perpekto, at ang ilan ay kakasangkapanin—at kaya ang ilan ay makakaranas ng mga kapighatian, ang ilan ay makakaranas ng kaparusahan (kapwa ng mga natural na kalamidad at mga kasawiang gawa ng tao), ang ilan ay maaalis, at ang ilan ay makaliligtas. Sa ganito, ang bawat isa ay pagbubukud-bukurin ayon sa uri, na ang bawat grupo ay kakatawan sa isang uri ng tao. Hindi lahat ng tao ay aalisin, ni ang lahat ng tao ay gagawing perpekto. Ito ay dahil ang kakayahan ng mga taong Tsino ay napakababa, at mayroon lamang maliit na bilang sa kanila ang nagtataglay ng uri ng kamalayang pansarili na mayroon si Pablo. Sa mga taong ito, kaunti ang mayroong pagpapasya na ibigin ang Diyos katulad ni Pedro, o kagaya ng uri ng pananampalataya ni Job. Halos wala sa sinuman sa kanila ang mayroong katulad na antas ng paggalang para kay Jehovah, o kaparehong antas ng katapatan sa paglilingkod kay Jehovah kagaya ng kay David. Kahabag-habag kayo!

01 Hulyo 2018

Latest Christian Full Movie HD 2018 | "Pananabik" Lord Jesus Has Come Again (Tagalog Dubbed)

🍀*゚゚* 🍀*゚゚* 🍀*゚゚* 🍀*゚゚* 🍀*゚゚* 🍀*゚゚* 🍀🍀*゚゚* 🍀*゚゚* 🍀*゚゚* 🍀*゚゚* 🍀*゚゚* 🍀*゚゚* 🍀



🍀*゚゚* 🍀*゚゚* 🍀*゚゚* 🍀*゚゚* 🍀*゚゚* 🍀*゚゚* 🍀🍀*゚゚* 🍀*゚゚* 🍀*゚゚* 🍀*゚゚* 🍀*゚゚* 🍀*゚゚* 🍀


Dalawang libong taon na ang nakararaan, ipinangako ng Panginoong Jesus sa Kanyang mga alagad: "Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon" (Juan 14:2-3). Dahil dito, patuloy na lubhang inasam at ipinagdasal ng mga henerasyon ng mga nananalig ang katuparan ng pangako ng Panginoon, at inasam at ipinagdasal na madala sila sa kalangitan para salubungin ang Panginoon at pumasok sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon. Inilalarawan din nito ang bida sa pelikula na si Chen Xiangguang. Masigasig siyang naghahanap, nangangaral ng ebanghelyo, at nagpapatotoo sa Panginoon para makasalubong sa pagdating ng Panginoon. Kahit natanggal sa trabaho sa paaralan at hindi siya naunawaan ng kanyang mga kapamilya, hindi siya nawawalan ng pag-asa sa kanyang puso kailanman. Isang araw habang nasa isang pagtitipon, inaresto si Chen Xiangguang at ibinilanggo ng gobyernong Chinese Communist. Sa ilalim ng nakamamanghang pamamahala ng Diyos at pakikipag-ayos, nakilala niya si Zhao Zhiming, isang Kristiyano mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nagpatotoo sa kanya si Zhao Zhiming tungkol sa pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw, na nakalutas sa maraming taon niyang paniwala at imahinasyon sa pag-asam at pagdarasal para sa pagbalik ng Panginoon. Nang makalaya sa bilangguan, hinikayat ni Chen Xiangguang ang kanyang mga kapatid na pag-aralan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa wakas ay naunawaan ng lahat kung ano ang madala sa kaharian ng langit, kung nasa lupa ba o sa langit ang kaharian, at kung paano dapat salubungin ng mga tao ang pagbalik ng Panginoon ...

20 Hunyo 2018

Full Tagalog Christian Movie 2018 | “Huwag Kang Makialam” | God With Us (Tagalog Dubbed)



Si Li Qingxin ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia sa China na naging tapat sa Panginoon nang maraming taon. Palagi niyang masiglang ginagawa ang gawain ng Panginoon na ipangaral ang ebanghelyo, maingat niyang hinihintay ang pagdating ng Panginoon para dalhin siya sa kaharian sa langit. Nitong huling mga taon, nakita ni Li Qingxin na naging mas mapanglaw ang iba’t ibang sekta at iglesia. Gayunman, ang Kidlat ng Silanganan ay naging mas masigla, sa kabila ng galit na galit na pagtuligsa at pagpapahirap ng gobyernong Chinese Communist government at iba’t ibang relihiyon. Parami nang parami ang mabubuting tupa at namumunong tupa ng iba’t ibang denominasyon at sekta na tumanggap na sa Kidlat ng Silanganan. Dahil dito, nag-isip-isip si Li Qingxin. Lalo na, nakita niya na hindi nag-aatubili ang mga pastor at elder ng iba’t ibang relihiyon na mag-imbento ng mga tsismis at walang-kabuluhang mga bagay para tuligsain at sirain ang pangalan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nakikipag-ugnayan pa sila sa gobyernong Chinese Communist para arestuhin ang mga mangangaral ng Kidlat ng Silanganan. Dama niya na ang mga gawa at kilos ng pastor at elder ay lihis sa paraan ng Panginoon, at alam niya na mabangis na kinakalaban at tinutuligsa ng Chinese Communist Party at iba’t ibang relihiyon ay maaaring ang tunay na daan, at ang pagpapakita at gawain ng Panginoon. Noon din ay nagpasiya sila ng ilang katrabaho niya na hanapin at siyasatin ang Kidlat ng Silanganan, pero naharap sila sa lahat ng uwi ng sagabal at problema mula sa pastor at elder. Sa pamamagitan ng pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pakikinig sa patotoo ng mga mangangaral ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nahiwatigan ni Li Qingxin at ng iba pa ang mga tsismis at kamalian ng pastor at elder. Dahil dito ay naunawaan nila ang napakasamang layunin at lalang sa kanilang mga alagad na humahadlang sa pagsusuri sa tunay na daan, at malinaw nilang nakita ang talagang mapagpaimbabaw ang pastor at elder. Malakas na sinabi ni Li Qingxin at ng iba sa pastor at elder ng relihiyon, “Wala n’yo kaming pakialaman!” Sa huli ay lubos silang nakaalis sa pambibitag at pang-aalipin ng pastor at elder, at nagbalik sa harapan ng luklukan ng Diyos.

Rekomendasyon:

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

17 Hunyo 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (3)

 Espiritu, Jesus, landas, Langit, Kaharian

      Kapag ipinatutupad ng Diyos ang Kanyang gawain, Siya ay dumarating hindi upang makibahagi sa anumang pagtatayo o mga pagkilos; Siya ay dumarating upang tuparin ang kanyang ministeryo. Sa bawat pagkakataon na Siya ay nagiging katawang-tao, ito ay para lamang maisakatuparan ang isang yugto ng gawain at magbukas ng isang bagong kapanahunan. Ngayon ay Kapanahunan ng Kaharian, at ang tao ay pumasok sa pagsasanay ng kaharian. Ang yugtong ito ng gawain ay hindi gawain ng tao o para gawing ganap ang tao sa isang partikular na antas; ito ay para buuin ang isang bahagi ng gawain ng Diyos. Ang Kanyang gawain ay hindi ang gawain ng tao at hindi upang gawing ganap ang tao sa isang partikular na antas bago Niya lisanin ang lupa; ito ay upang lubos na tuparin ang Kanyang ministeryo at tapusin ang gawain na kailangan Niyang gawin, na gumawa ng angkop na pagsasaayos para sa Kanyang gawain sa lupa, sa gayon ay magiging maluwalhati. Ang gawain ng nagkatawang-tao na Diyos ay hindi tulad ng mga ginamit ng Banal na Espiritu. Kapag ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa lupa, ang pananagutan Niya lamang ay sa katuparan ng Kanyang ministeryo. Patungkol naman sa lahat ng iba pang mga bagay na walang kinalaman sa Kanyang ministeryo, sadyang hindi Siya nakikibahagi, maging hanggang sa puntong nagwawalang-bahala siya. Isinasagawa lamang Niya ang gawaing dapat Niyang gawin, at pinakahuli sa Kanyang pananagutan ay ang tungkol sa gawaing dapat gawin ng tao. Ang gawain na ginagawa Niya ay kaugnay lamang sa kapanahunang kinapapalooban Niya at ang ministeryo na dapat Niyang tuparin, na para bagang ang iba pang bagay ay hindi Niya tungkulin. Hindi Niya binibigyan ang Kanyang sarili ng mas maraming payak na kaalaman sa pamumuhay bilang tao, at hindi Niya inaaral ang ibang kasanayang pakikipagkapwa o ano man na naiintindihan ng tao. Hindi Siya nagpapakita ng pag-aalala sa lahat ng dapat ibigay sa tao at ang tanging ginagawa ay ang gawain na Kanyang tungkulin. At kaya, sa paningin ng tao, ang nagkatawang-tao na Diyos ay lubhang “kulang”, na maging hanggang sa puntong pinagwawalang-bahala Niya ang maraming bagay na dapat mayroon ang tao, at wala Siyang pang-unawa sa mga ganitong bagay. Ang mga bagay tulad ng pangkalahatang kaalaman sa buhay, pati na rin ang mga prinsipyo ng pag-uugali at pakikipag-ugnayan sa iba ay nagmumukhang hindi mahalaga para sa Kanya. Sa kabila nito, hindi mo mararamdaman mula sa nagkatawang-tao na Diyos ang kahit na kaunting di normal na pag-uugali. Ibig sabihin, pinananatili lamang ng Kanyang pagkatao ang Kanyang buhay bilang isang karaniwang tao na may karaniwang pangangatwiran ng Kanyang pag-iisip, na nagbibigay sa Kanya ng kakayahang kumilala ng kaibahan ng tama at mali. Gayunman, hindi Siya binigyan ng anumang bagay, na para sa tao (mga nilikhang tao) lamang. Ang Diyos ay naging tao lamang upang matupad ang Kanyang ministeryo. Ang Kanyang gawain ay nakadirekta para sa isang buong kapanahunan at hindi sa anumang partikular na tao o lugar. Ang Kanyang gawain ay nakadirekta para sa buong sansinukob. Ito ang direksyon ng Kanyang gawain at sa pamamagitan ng prinsipyong ito Siya ay gumagawa. Walang makakapagpabago nito, at hindi maaaring makibahagi ang tao. Sa bawat pagkakataong ang Diyos ay nagiging katawang-tao, dinadala Niya sa Kanya ang gawain ng gayong kapanahunan, at hindi ang layunin na mamuhay kasama ng tao sa loob ng dalawampu, tatlumpu, apatnapu, o kahit pitumpu, walumpu upang mas mahusay nilang maunawaan at makamit ang kabatiran sa Kanya. Walang pangangailangan para sa ganyan! Gawin man iyon hindi nito mapapalalim ang kaalamang taglay ng tao ukol sa likas na disposisyon ng Diyos; sa halip, makakadagdag lang ito sa kanilang mga paniwala at gagawing makaluma ang mga paniwala at mga saloobin ng tao. At dapat ninyong maintindihang lahat kung ano talaga ang gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Posible kaya na hindi ninyo nauunawaan ang Aking mga salita: “Ako ay dumating hindi upang maranasan ang buhay ng isang karaniwang tao”? Nalimutan ba ninyo ang mga salitang: “Ang Diyos ay dumating sa lupa hindi upang isabuhay ang buhay ng isang karaniwang tao”? Hindi ninyo nauunawaan ang layunin ng Diyos sa pagiging tao, ni nalalaman ninyo ang kahulugan ng “Paanong ang Diyos ay dumating sa lupa sa layuning maranasan ang buhay ng isang nilalang”? Dumating ang Diyos sa mundo para ganapin lamang ang Kanyang gawain, at kaya ang Kanyang gawain sa mundo ay hindi nagtagal. Dumating Siya sa mundo na walang layunin na linangin ng Espiritu ng Diyos ang Kanyang laman tungo sa isang pambihirang lider ng iglesia. Kapag dumating ang Diyos sa mundo, ito ay ang Salita na naging tao; gayunman, ang tao, ay hindi nakakakilala ng Kanyang gawain at ipinipilit ang nasabing layunin sa Kanya. Ngunit dapat ninyong maunawaang lahat na ang Diyos ay ang Salita na nagkatawang- tao, hindi laman na nilinang ng Espiritu ng Diyos upang pansamantalang panindigan ang tungkulin ng Diyos. Ang Diyos Mismo ay hindi nilinang, ngunit ang Salita na nagkatawang-tao, at ngayon opisyal Niyang isinasagawa ang Kanyang gawain sa inyong lahat. Nalalaman ninyong lahat at kinikilala na ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay isang katotohanan, ngunit nagkukunwari kayo sa isang pagkaunawa na sa totoo lang ay hindi ninyo taglay. Hindi ninyo lahat pinahahalagahan ang gawain ng nagkatawang-taong Diyos o ang kahalagahan at ang katuturan ng kanyang pagiging katawang-tao, at basta na lamang ninyo binibigkas ang mga salitang sinasabi ng iba. Naniniwala ka ba na ang nagkatawang-taong Diyos ay gaya ng iyong inaakala?

10 Hunyo 2018

Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus | Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kailangan ninyong makita na ang kalooban at ang gawa ng Diyos ay hindi payak katulad ng paglikha sa langit  at lupa at sa lahat ng bagay. Dahil ang gawain sa kasalukuyan ay ang baguhin ang mga ginawang tiwali at nadungisan, ang naging labis na manhid, at dalisayin ang mga nilikha ng Diyos na ginamit ni Satanas, hindi para likhain si Adan o si Eba, hindi rin upang gawin ang liwanag o likhain ang lahat ng halaman at hayop. Ang Kanyang gawain ngayon ay gawing dalisay ang lahat ng ginawang tiwali ni Satanas upang sila ay Kanyang mabawi bilang Kanyang pag-aari at maging Kanyang kaluwalhatian. Ang ganoong gawain ay hindi payak tulad nang inaakala ng iba, at hindi rin ito tulad ng pagsumpa kay Satanas sa hukay na walang hanggan tulad ng inaakala ng iba. Sa halip, ito ay upang mabago ang tao, upang ang negatibo ay maging positibo at upang makamit ang Kanyang pag-aari na hindi naman sa Kanya. Ito ang kuwentong napapaloob sa yugtong ito ng gawain ng Diyos."

Ang pinagmulan:
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

24 Mayo 2018

BEST CHRISTIAN MOVIE 2018 | “HUWAG KANG MAKIALAM” TRAILER (TAGALOG DUBBED)


Si Li Qingxin ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia sa China na naging tapat sa Panginoon nang maraming taon. Palagi niyang masiglang ginagawa ang gawain ng Panginoon na ipangaral ang ebanghelyo, maingat niyang hinihintay ang pagdating ng Panginoon para dalhin siya sa kaharian sa langit. Nitong huling mga taon, nakita ni Li Qingxin na naging mas mapanglaw ang iba’t ibang sekta at iglesia. Gayunman, ang Kidlat ng Silanganan ay naging mas masigla, sa kabila ng galit na galit na pagtuligsa at pagpapahirap ng gobyernong Chinese Communist government at iba’t ibang relihiyon. Parami nang parami ang mabubuting tupa at namumunong tupa ng iba’t ibang denominasyon at sekta na tumanggap na sa Kidlat ng Silanganan. Dahil dito, nag-isip-isip si Li Qingxin. Lalo na, nakita niya na hindi nag-aatubili ang mga pastor at elder ng iba’t ibang relihiyon na mag-imbento ng mga tsismis at walang-kabuluhang mga bagay para tuligsain at sirain ang pangalan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nakikipag-ugnayan pa sila sa gobyernong Chinese Communist para arestuhin ang mga mangangaral ng Kidlat ng Silanganan. Dama niya na ang mga gawa at kilos ng pastor at elder ay lihis sa paraan ng Panginoon, at alam niya na mabangis na kinakalaban at tinutuligsa ng Chinese Communist Party at iba’t ibang relihiyon ay maaaring ang tunay na daan, at ang pagpapakita at gawain ng Panginoon. Noon din ay nagpasiya sila ng ilang katrabaho niya na hanapin at siyasatin ang Kidlat ng Silanganan, pero naharap sila sa lahat ng uwi ng sagabal at problema mula sa pastor at elder. Sa pamamagitan ng pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pakikinig sa patotoo ng mga mangangaral ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nahiwatigan ni Li Qingxin at ng iba pa ang mga tsismis at kamalian ng pastor at elder. Dahil dito ay naunawaan nila ang napakasamang layunin at lalang sa kanilang mga alagad na humahadlang sa pagsusuri sa tunay na daan, at malinaw nilang nakita ang talagang mapagpaimbabaw ang pastor at elder. Malakas na sinabi ni Li Qingxin at ng iba sa pastor at elder ng relihiyon, “Wala n’yo kaming pakialaman!” Sa huli ay lubos silang nakaalis sa pambibitag at pang-aalipin ng pastor at elder, at nagbalik sa harapan ng luklukan ng Diyos.
❀*¨*•.¸¸✿ .•*¨*•.¸¸ ❀*¨*•.¸¸✿ .•*¨*•.¸¸ ✿❀*¨*•.¸¸✿ .•*¨*•.¸¸ ✿
Rekomendasyon:

22 Abril 2018

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Umiiral ba ang Trinidad? (Ikalawang bahagi)




Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang konseptong ito ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu ay masyadong katawa-tawa! Pinagpira-piraso nito ang Diyos at pinagbaha-bahagi sa tatlong persona, bawat isa ay may kalagayan at Espiritu; paano kung gayon na Siya ay isang Diyos at isang Espiritu pa rin? Sabihin ninyo sa Akin, ang  langit at lupa, at ang lahat ng mga bagay na nakapaloob dito ay nilikha ba ng Ama, ng Anak, o ng Banal na Espiritu? Sinasabi ng ilan na nilikha Nila ito nang magkakasama. Kung gayon sino ang tumubos sa sangkatauhan? Ito ba ang Banal na Espiritu, ang Anak, o ang Ama? Sinasabi ng ilan na ang Anak ang tumubos sa sangkatauhan. Kung gayon ay sino ang Anak sa kaanyuan? Hindi ba Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos? Tinatawag ng nagkatawang-tao ang Diyos sa langit sa pangalang Ama mula sa pananaw ng isang taong nilikha. Hindi mo ba alam na si Jesus ay ipinanganak mula sa paglilihi ng Banal na Espiritu? Sa loob Niya ay ang Banal na Espiritu; anuman ang iyong sabihin, Siya ay kaisa ng Diyos sa langit, sapagkat Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos. Ang ideyang ito tungkol sa Anak ay tunay na hindi totoo. Ito ay ang isang Espiritu na ipinatutupad ang lahat ng gawain; tanging ang Diyos Mismo, iyon ay, ang Espiritu ng Diyos ang nagpapatupad ng Kanyang gawain."

Ang pinagmulan:

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos



17 Abril 2018

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Umiiral ba ang Trinidad? (Unang Bahagi)



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang konseptong ito ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu ay masyadong katawa-tawa! Pinagpira-piraso nito ang Diyos at pinagbaha-bahagi sa tatlong persona, bawat isa ay may kalagayan at Espiritu; paano kung gayon na Siya ay isang Diyos at isang Espiritu pa rin? Sabihin ninyo sa Akin, ang langit at lupa, at ang lahat ng mga bagay na nakapaloob dito ay nilikha ba ng Ama, ng Anak, o ng Banal na Espiritu? Sinasabi ng ilan na nilikha Nila ito nang magkakasama. Kung gayon sino ang tumubos sa sangkatauhan? Ito ba ang Banal na Espiritu, ang Anak, o ang Ama? Sinasabi ng ilan na ang Anak ang tumubos sa sangkatauhan. Kung gayon ay sino ang Anak sa kaanyuan? Hindi ba Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos? Tinatawag ng nagkatawang-tao ang Diyos sa langit sa pangalang Ama mula sa pananaw ng isang taong nilikha. Hindi mo ba alam na si Jesus ay ipinanganak mula sa paglilihi ng Banal na Espiritu? Sa loob Niya ay ang Banal na Espiritu; anuman ang iyong sabihin, Siya ay kaisa ng Diyos sa langit, sapagkat Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos. Ang ideyang ito tungkol sa Anak ay tunay na hindi totoo. Ito ay ang isang Espiritu na ipinatutupad ang lahat ng gawain; tanging ang Diyos Mismo, iyon ay, ang Espiritu ng Diyos ang nagpapatupad ng Kanyang gawain.”
Rekomendasyon:
Ang Kidlat ng Silanganan — Ang Liwanag ng Kaligtasan

12 Abril 2018

Mga Movie Clip (4) | Ang Pananampalataya ba sa Biblia ay Katumbas ng Pananampalataya sa Panginoon? | Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Mga Movie Clip (4) | Ang Pananampalataya ba sa Biblia ay Katumbas ng Pananampalataya sa Panginoon

Naniniwala ang karamihan sa mga pastor at elder ng relihiyosong mundo na kinakatawan ng Biblia ang Panginoon, at ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, at ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Panginoon. Naniniwala sila na kung aalis ang isa mula sa Biblia, hindi siya matatawag na mananampalayata kung gayon, at maaaring maligtas at makapasok ang isang tao sa kaharian ng langit hangga’t kumakapit siya sa Biblia. Kaya ba talagang katawanin ng Biblia ang Panginoon? Ano ba talaga ang relasyon sa pagitan ng Biblia at ng Panginoon? Sabi ng Panginoong Jesus, “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39-40). Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Matapos ang lahat, alin ang mas dakila: Ang Diyos o ang Biblia? Bakit kailangan ang gawain ng Diyos ay kaayon sa Biblia? Maaari kayana ang Diyos ay walang karapatan na higitan ang Biblia? Hindi ba maaaaringlisanin ng Diyos ang Biblia at gumawa ng iba pang gawain? Bakit si Jesus at ang Kanyang mga alagad ay hindi sumusunod sa Araw ng Pamamahinga? … Dapat mong malaman kung alin ang nauna, ang Diyos o ang Biblia! Dahil Panginoong ng Araw ng Pamamahinga, Siya ba’y maaaring ding maging Diyos ng Biblia?” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).