Tila sa imahinasyon ng mga tao, napakatayog at di-maarok ang Diyos. Para bang hindi naninirahan ang Diyos kasama ang mga tao, para bang hinahamak Niya ang mga tao dahil napakatayog Niya. Ang Diyos, gayunman, ay dinudurog ang mga pagkaunawa ng mga tao at inaalis ang lahat ng mga ito, ibinabaon ang lahat ng kanilang mga pagkaunawa sa loob ng “mga libingan” kung saan nagiging abo ang mga ito. Ang saloobin ng Diyos tungo sa mga pagkaunawa ng mga tao ay kahalintulad ng Kanyang saloobin tungo sa mga patay, binibigyang-kahulugan ang mga ito ayon sa kagustuhan. Para bang walang mga pagtugon mula sa mga pagkaunawa. Kaya mula sa pagkalikha ng mundo hanggang ngayon, nagsasagawa ang Diyos ng ganitong gawain at hindi kailanman tumigil. Dahil sa laman, pinasasama ni Satanas ang mga tao, at dahil sa mga pagkilos ni Satanas sa daigdig, binubuo ng mga tao ang lahat ng uri ng pagkaunawa sa pamamagitan ng kanilang mga naging karanasan. Tinatawag itong “likas na pamumuo.” Ang yugtong ito ng gawain ang huling bahagi ng gawain ng Diyos sa daigdig, kaya ang paraan ng gawain ng Diyos ay nakarating nga sa taluktok nito, at pinag-iibayo Niya ang Kanyang pagsasanay sa mga tao upang maaari silang maging ganap sa Kanyang huling gawain, at sa wakas mabibigyang-kasiyahan ang kalooban ng Diyos. Dati, mayroon lang kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu sa gitna ng mga tao, pero walang mga salitang sinabi ang Diyos Mismo. Nang nagsalita ang Diyos sa sarili Niyang tinig, nagulantang ang lahat, at ngayon higit pa ngang kataka-taka ang mga salita Niya. Mas mahirap pang maunawaan ang kahulugan ng Kanyang mga salita, at parang nasa kalagayang manghang-mangha ang mga tao, dahil limampung porsiyento ng Kanyang mga salita ay dumarating sa pagitan ng mga tandang panipi. “Kapag nagsasalita Ako, nakikinig ang tao sa Aking tinig nang may pamimitagan; nguni’t kapag tumigil Ako sa pagsasalita, nagsisimula siyang muli sa sarili niyang “pakikipagsapalaran”. Mayroong isang salita sa talatang iyan sa mga panipi. Mas nakakatawa ang mga salita ng Diyos, mas maaari nitong mapalapit ang mga tao para basahin ang mga ito. Na kayang tanggapin ng mga tao na pakitunguhan kapag namamahinga sila ang isang aspeto. Ang pangunahing aspeto ay upang pigilin ang mas maraming tao mula sa pinanghihinaan ng loob o nadidismaya dahil hindi nila nauunawaan ang mga salita ng Diyos. Isang taktika ito sa pakikidigma ng Diyos kay Satanas. Tanging sa paraang ito magiging interesado ang mga tao sa mga salita ng Diyos at magbibigay-pansin pa rin sa mga ito kahit naguguluminahan sila. Pero mayroon ding kabigha-bighani sa lahat ng mga salitang hindi napapaligiran ng mga panipi, at kaya mas kapansin-pansin ang mga ito at nagagawang mahalin ng mga tao ang mga salita ng Diyos nang higit pa, hinahayaan silang madama ang katamisan ng Kanyang mga salita sa kanilang sariling puso. Habang dumarating ang mga salita ng Diyos sa napakaraming uri ng mga anyo at mayaman at iba-iba, at dahil walang pag-uulit ng mga pangngalan sa gitna ng maraming salita ng Diyos, sa ikatlong diwa ng mga ito, naniniwala lahat ang mga tao na ang Diyos ay laging bago at hindi kailanman luma. Halimbawa: “Hindi Ko hinihingi na maging isang tagagamit lamang ang tao, nguni’t hinihingi sa kanya na maging tagagawa na may kakayahang talunin si Satanas.” Ang mga salitang words “tagagamit” at “tagagawa” sa pangungusap na iyan ay may mga parehong kahulugan sa ilang salitang nasabi sa nakaraang mga panahon, pero hindi mahigpit ang Diyos. Sa halip, pinababatid Niya sa tao ang Kanyang kasariwaan, at kaya pinahahalagahan ang pag-ibig ng Diyos. Ang pagkamapagpatawa sa pananalita ng Diyos ay naglalaman ng Kanyang paghatol at Kanyang mga hinihingi sa tao. Yamang may layuning lahat ang mga salita ng Diyos, may kahulugang lahat, hindi basta pampagaan ng kalagayan o para magtawanan ang mga tao, o basta mapahinga ang kanilang mga kalamnan ang Kanyang pagkamapagpatawa. Sa halip, layon ng pagkamapagpatawa ng Diyos ang palayain ang tao mula sa limang libong taong pagkaalipin at hindi na kailanman maaliping muli, upang higit silang may kakayahang matanggap ang mga salita ng Diyos. Ang paraan ng Diyos ay “nakakatulong ang isang kutsarang asukal para lunukin ang gamot”; hindi Niya pinipilit ipalunok ang mapait na gamot sa lalamunan ng mga tao. May kapaitang napapaloob sa matamis, at may katamisang napapaloob sa mapait.
“Kapag nag-umpisang lumitaw ang banaag ng liwanag sa Silangan, sa panahong iyan itutuon ng lahat ng mga tao sa sansinukob ang kanilang pansin sa nabanggit na pangyayari tungo sa liwanag sa Silangan. Sa pagkakahimasmas mula sa pagkaidlip, pagmamasdan ng sangkatauhan ang pinagmumulan ng liwanag sa silangan, nguni’t dahil sa mga limitasyon ng kapangyarihan ng tao, walang sinuman ang makakakita sa lugar na pinagmumulan ng liwanag.” Ito ang nangyayari sa lahat ng dako sa sansinukob, hindi lang sa gitna ng mga anak at bayan ng Diyos. Nararanasan ng lahat ng mga relihiyosong pangkat at mga di-mananampalataya ang pagtugon na ito. Sa sandaling yaon nang sumikat ang liwanag ng Diyos, unti-unting nagbabago ang puso ng lahat, at nagsisimula silang matuklasan nang di-sinasadya na walang kuwenta ang pamumuhay, na walang halaga ang buhay ng tao. Hindi itinataguyod ng mga tao ang isang hinaharap, nag-iisip para bukas, o nababahala tungkol sa kinabukasan, pero sa halip pinanghahawakan ang ideya na dapat silang higit pang kumain at uminon habang sila pa rin ay “bata,” na magiging sulit lahat ito, at hindi magiging walang saysay kapag dumating ang huling araw. Walang pagnanais ang tao na ilagay sa ayos ang mundo. Ninakaw lahat ang lakas ng pag-ibig ng sangkatauhan para sa mundo ng “demonyo,” pero walang sinuman ang nakakaalam kung ano ang ugat nito, at ang tanging magagawa nila ay pumaroo’t parito nagbabalitaan sa isa’t isa, dahil hindi pa dumating ang araw ng Diyos. Isang araw, makikita ng lahat ang mga kasagutan sa lahat ng mga di-maaarok ng mga hiwaga. Ito ang tunay na kahulugan ng mga salita ng Diyos na “babangon ang tao mula sa pagtulog at pananaginip, at doon lamang niya mapapagtanto na unti-unti nang dumarating sa sanglibutan ang Aking araw.” Kapag dumating ang panahong iyan, matutulad sa mga dahong luntian ang lahat ng mga taong napapabilang sa Diyos “naghihintay upang ialay sa Akin ang indibidwal nilang bahagi sa panahong nasa lupa Ako.” Bumabalik pa rin sa dati ang napakarami sa bayan ng Diyos sa Tsina pagkatapos binibigkas ng Diyos ang Kanyang tinig, at kaya sinasabi ng Diyos, “nguni’t, walang kapangyarihan upang baguhin ang katotohanan, kundi maghintay lamang sa Akin upang ipahayag ang kaparusahan.” Mayroon pa rin ilang sa gitna nila ang maaalis—hindi lahat mananatiling di-nagbabago. Sa halip, maaari lang maging ayon sa pamantayan ang mga tao matapos sumasailalim ng pagsubok, at sa gayon ay mabibigyan ng “mga katibayan ng katangian”; kung hindi magiging dumi sila sa bunton ng basura. Palaging tinatawag-pansin ng Diyos ang tunay na kalagayan ng tao, kaya lalong nadarama ng tao ang pagiging mahiwaga ng Diyos. “Kung hindi Siya ang Diyos, paano Niya magagawang malamang napakaigi ang tunay nating kalagayan?” Pero dahil sa kahinaan ng mga tao, “Sa puso ng mga tao, wala Ako sa itaas, o sa ibaba. Para sa mga tao, hindi mahalaga kung totoo man Ako o hindi.” Hindi ba ito mismo ang kalagayan ng lahat ng tao na pinaka-umaangkop sa katunayan? Para sa mga tao, umiiral ang Diyos kapag hinahanap nila Siya at hindi umiiral kapag hindi nila Siya hinahanap. Sa madaling salita, umiiral ang Diyos kaagad sa mga puso ng mga tao kapag kailangan nila ang tulong Niya, pero kapag hindi na nila kailangan Siya, hindi na Siya umiiral. Ito ang napapaloob sa mga puso ng mga tao. Sa katunayan, ganito nag-iisip ang lahat sa daigdig, kasali ang lahat ng ateista, na malabo at mahirap maunawaan din ang palagay sa Diyos.
“Samakatuwid, nagiging mga hangganan ang mga bundok sa pagitan ng mga bansa sa lupain, nagiging mga haramg ang mga tubig upang panatilihing hiwalay ang mga tao sa pagitan ng mga lupain, at ang hangin ay nagiging siyang bagay na dumadaloy sa pagitan ng mga tao sa kalawakan sa lupa.” Ito ang gawaing ginawa ng Diyos habang nililikha ang mundo. Nakakagulo ng isip ng mga tao ang pagbanggit nito rito: Maaari kaya na nais ng Diyos na lumikha ng ibang mundo? Makatuwiran na sabihin ito: Tuwing nagsasalita ang Diyos, naglalaman ang Kanyang mga salita ng paglikha, pamamahala, at pagwasak sa mundo; kung minsan nga lang malinaw ito, at kung minsan malabo ito. Nakapaloob sa Kanyang mga salita ang lahat ng pamamahala ng Diyos; ang problema lang ay hindi nakikilala ng mga tao ang mga ito. Ang pagpapala ng Diyos sa mga tao ay nagagawang palaguin ang kanilang pananampalataya nang isandaang ulit. Mula sa labas, tila baga gumagawa ng pangako ang Diyos sa tao, pero sa pinakadiwa isang sukatan ito ng mga hinihingi ng Diyos sa mga tao sa Kanyang kaharian. Iingatan Niya yaong mga sumusunod, at lululunin sa kapahamakang inihagis mula sa langit yaong mga hindi sumusunod. “Ang tao ay pababagsakin ng dumadagundong na kulog sa kalangitan; tatabunan siya sa pagbagsak ng mga matataas na bundok; kakainin siya ng mga gutom na mababangis na hayop; at lulunurin siya ng dumadaluyong na mga karagatan. Sa pakikibahagi ng sangkatauhan sa gusot ng pagpapatayan ng mga magkakapatid, hahanapin ng lahat ng mga tao ang kanilang sariling pagkawasak sa mga kalamidad na lilitaw sa kalagitnaan ng sangkatauhan.” Ito ang “pantanging atensiyon” na ipapataw sa mga hindi nakaabot sa mga pamantayan, na hindi maliligtas sa kaharian ng Diyos pagkatapos. Mas sinasabi ng Diyos ang mga bagay tulad ng, “Sa ilalim ng paggabay ng Aking liwanag, tiyak na makakawala kayo mula sa pagkasakal ng mga puwersa ng kadiliman. Sa gitna ng kadiliman, tiyak na hindi ninyo maiwawala ang ilaw na gumagabay sa inyo,” mas mababatid ng mga tao ang kanilang sariling pagkakagalang-galang, at kaya mayroon silang higit na pananampalatayang maghanap ng bagong buhay. Tinutustusan ng Diyos ang mga tao kapag humihingi sa Kanya. Kapag inilalantad sila ng Diyos sa isang partikular na antas, binabago Niya ang Kanyang paraan ng pananalita, at gumagamit ng isang tono ng pagpapala para makakuha ng pinakamagagaling na resulta. Nagbubunga ng mas mga praktikal na resulta ang paggawa ng mga kahilingan sa tao sa ganitong paraan. Dahil pumapayag ang lahat ng tao na makipag-usap ng kalakalan sa kanilang mga katapat—eksperto silang lahat sa kalakalan—ganitong-ganito nga mismo ang isinusulong ng Diyos sa pagsasabit nito. Kaya ano ang “Sinim”? Hindi ang kaharian sa daigdig na pinasasama ni Satanas ang kahulugan ng Diyos dito, pero sa halip ay isang pagtitipon ng lahat ng mga anghel na nanggaling mula sa Diyos. Ang mga salitang “matatag at matibay” ay ipinahihiwatig na makaalpas ang mga anghel sa lahat ng mga puwersa ni Satanas at kaya itatatag ang Sinim sa buong sansinukob. Kaya ang tunay na kahulugan ng Sinim ay isang pagtitipon ng lahat ng mga anghel sa daigdig; yaong mga nasa daigdig ang tinutukoy dito. Kaya ang kaharian na iiral kalaunan sa daigdig ay tatawaging “Sinim,” at hindi ang “kaharian.” Wala talagang kahulugan ang “kaharian” sa daigdig, at sa pinakadiwa ito ay Sinim. Kaya tangi lang sa pag-uugnay nito sa kahulugan ng Sinim matutunan ninuman ang tunay na kahulugan ng mga salitang “mamanahin ninyo ang pagpapalang nagmumula sa Akin, at tiyak na sisinagan ng Aking kaluwalhatian ang loob ng buong sansinukob.” Itinatanghal nito ang pagmamarka sa lahat ng tao sa hinaharap. Magiging hari lahat ng mga tao ng Simin pinamumunuan ang lahat ng mga tao sa daigdig pagkatapos silang nakapagdurusa ng pagkastigo. Isasagawa nang pangkaraniwan ang lahat sa daigdig dahil as pamamamahala ng mga tao ng Sinim. Walang iba kundi isang krokis ng situwasyon ito. Mananatili sa loob ng kaharian ng Diyos ang lahat ng mga tao, nangangahulugan na maiiwan sila sa loob ng Sinim. Makakayang makipagtalastasan ng mga tao sa daigdig sa mga anghel. Kaya, magkakaugnay ang langit at ang daigdig, o sa madaling salita, magpapasakop sa at mamahalin ang Diyos ng mga tao sa daigdig katulad ng ginagawa ng mga anghel sa langit. Sa panahong iyon, hayagang magpapakita ang Diyos sa lahat ng tao sa daigdig at hahayaang makita nila ang Kanyang tunay na mukha sa sarili nilang mga mata, at magpapakita Siya sa mga tao sa anumang panahon.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Manood ng higit pa:
Himno ng Karanasan ng Kristiyano | "Ang Langit Dito'y Bughaw na Bughaw" (Tagalog Subtitles)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento