✿▄─▄❀▄─▄✿▄─▄❀▄─▄✿▄─▄❀▄─▄✿▄─▄❀▄─▄✿
════════════❀.❋.❀═════════════
Nauugnay sa pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos
Kabilang sa kaalaman sa praktikal na Diyos ang pag-kilala at pagdanas ng Kanyang mga salita, at pagunawa sa mga patakaran at prinsipyo ng gawa ng Banal na Espiritu, at kung paano gumagawa ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao. Samakatuwid, pati, kabilang ba rito ang pagkilala sa bawa't pagkilos ng Diyos sa katawang-tao ay pinamumunuan ng Espiritu, at ang mga salita na Kanyang binibigkas ay direktang pahayag ng Espiritu. Kaya, kung nais mong makilala ang praktikal na Diyos, una mo dapat malaman kung paano gumagawa ang Diyos sa pagka-tao at sa pagka-Diyos; dito, naman, patungkol sa mga pahayag ng Espiritu, na pinagkakaabalahan ng lahat.
mula sa “Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pagkilala sa tunay na mga pagkilos ng Diyos, ang pagkilala sa realidad ng Diyos at Kanyang pagiging makapangyarihan, ang pagkilala sa tunay na pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, ang pagkilala sa kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, ang pagkilala sa lahat ng Kanyang ipinakita sa gitna ng lahat ng mga bagay-ang mga ito ay napakahalaga sa bawat isang tao na naghahanap ng kaalaman ukol sa Diyos. Ang mga ito ay hindi maihihiwalay sa bawat buhay ng tao, mula sa bawat praktikal na buhay ng tao ng paghahanap sa katotohanan. Kung iyong lilimitahan ang iyong pagkaunawa sa Diyos sa mga salita lamang, kung lilimitahan mo ito sa iyong sariling konting mga karanasan, sa mga biyaya ng Diyos na iyong binibilang, o sa iyong konting mga pagpapatotoo sa Diyos, kung gayon sasabihin ko na ang iyong Diyos ay tiyak na hindi ang tunay na Diyos. Tiyak na hindi Siya ang tunay na Diyos Mismo, at maaari ding sabihin na ang Diyos na pinaniniwalaan mo ay hindi Diyos. Ito ay dahil sa ang Diyos na Aking tinutukoy ay ang Siyang namumuno sa lahat, na lumalakad sa gitna ng lahat, na namamahala sa lahat. Siya ang Siyang humahawak sa kapalaran ng buong sangkatauhan-ang Siyang humahawak sa kapalaran ng lahat. Ang mga gawain at mga pagkilos ng Diyos na aking sinasabi ay hindi limitado lamang sa maliit na bahagi ng mga tao. Iyon ay, hindi ito limitado lamang sa mga tao na sumusunod sa Kanya sa kasalukuyan. Ang Kanyang mga pagkilos ay nakikita sa lahat ng mga bagay, sa kakayahang mabuhay ng lahat ng mga bagay, at sa mga kautusang ng pagbabago sa lahat ng mga bagay. Kung hindi mo nakikita o kinikilala ang alinman sa mga pagkilos ng Diyos sa gitna ng lahat ng mga bagay, kung gayon hindi ka maaaring sumaksi sa alinman sa Kanyang mga pagkilos. Kung hindi ka maaaring sumaksi para sa Diyos, kapag nagpatuloy kang nagsalita tungkol sa maliit na kung tawagi'y Diyos na kilala mo, ang Diyos na iyon na limitado sa iyong sariling mga palagay, at nasa loob ng iyong makitid na pag-iisip, kapag nagpatuloy kang nagsalita sa gayong uri ng Diyos, kung gayon hindi kailanman pupurihin ng Diyos ang iyong pananampalataya. Kapag sumaksi ka para sa Diyos, kung gagamitin mo lamang kung paano mo tinatamasa ang biyaya ng Diyos, tanggapin ang disiplina ng Diyos at Kanyang pagtutuwid, at tanggapin ang Kanyang mga biyaya sa iyong pagsasaksi para sa Kanya, iyon ay lubhang hindi sapat, at malayo sa pagbibigay ng kasiyahan sa Kanya. Kung gusto mong sumaksi para sa Diyos sa paraan na nakaayon sa Kanyang kalooban, sumaksi para sa tunay na Diyos Mismo, kung gayon kailangan mong makita kung anong mayroon ang at kung anong mayroon at kung ano ang Diyos sa Kanyang mga pagkilos. Kailangan mong makita ang awtoridad ng Diyos sa Kanyang pamamahala sa lahat, at makita ang katotohanan kung paano Siya naglalaan para sa buong sangkatauhan. Kung kinikilala mo lamang na ang iyong pang-araw-araw na pagkain at inumin at ang iyong pangangailangan sa buhay ay nagmumula sa Diyos, ngunit hindi mo nakikita ang Diyos ang naglalaan para sa buong sangkatauhan sa pamamagitan ng lahat ng mga bagay, na pinangungunahan Niya ang buong sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang pamamahala sa lahat ng mga bagay, kung gayon hindi mo kailanman magagawang sumasaksi para sa Diyos.
mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX” sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang kulang ngayon sa lahat ng tao ay ang kaalaman sa gawa ng Diyos. Hindi ganap na nauunawaan ni naiintindihan ng tao kung ano ang bumubuo sa mga gawa ng Diyos sa tao, ang lahat ng gawa ng Diyos, at ang kalooban ng Diyos simula nang likhain ang mundo. Ang ganitong kakulangan ay hindi lamang nakikita saan mang dako ng relihiyosong mundo, kundi higit pa, sa lahat ng mananampalataya ng Diyos. Kapag dumating ang araw na tunay ngang mamasdan mo ang Diyos, at maunawaan ang karunungan ng Diyos; kapag namasdan mo ang lahat ng gawa ng Diyos at nakilala kung ano ang Diyos at ang kung ano ang mayroon Siya; kapag namasdan mo ang Kanyang kasaganaan, karunungan, himala, at lahat ng Kanyang mga gawa sa tao, ay saka mo makakamit ang matagumpay na pananampalataya sa Diyos. Nang sabihin na ang Diyos ay pumapaligid at lubhang masagana, ano ang ibig sabihin ng pumapaligid? Ano ang ibig sabihin ng kasaganaan? Kung hindi mo ito naunawaan, hindi ka maaaring ipalagay na mananampalataya ng Diyos.
mula sa “Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kahit na gaano pa kalawak ang pagkaunawa ng tao sa Biblia, nananatili itong mga salita lamang, dahil hindi nauunawaan ng tao ang sangkap ng Biblia. Kapag ang tao ay nagbabasa ng Biblia, maaaring makatanggap siya ng ilang katotohanan, makapagpaliwanag ng ilang mga salita o makapaghimay ng ilang tanyag na mga talata at mga sipi, nguni't hindi kailanman niya makukuha ang kahulugang nakapaloob sa mga salitang iyon, dahil lahat ng nakikita ng tao ay mga salitang walang buhay, hindi ang mga eksena ng gawain ni Jehova at ni Jesus, at hindi kayang lutasin ng tao ang hiwaga ng nasabing gawain. Samakatuwid, ang hiwaga ng anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay ang pinakamalaking hiwaga, ang siyang pinaka-natatago at lubusang hindi maiisip ng tao. Walang sinumang direktang makakaunawa sa kalooban ng Diyos, maliban kung Siya Mismo ang nagpapaliwanag at nagbubukas sa tao, kung hindi, mananatili ang mga yaong palaisipan sa tao magpakailanman at mananatiling mga hiwagang selyado magpakailanman. Huwag pansinin ang mga nasa relihiyosong mundo; kung hindi kayo nasabihan ngayon, hindi rin kayo makakaunawa.
mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Maraming tao ang naniniwala na ang pag-unawa at magawang ipaliwanag ang Biblia ay katulad ng paghahanap ng tunay na landas—ngunit sa katunayan, ganoon ba kadali ang mga bagay? Walang kahit isa ang nakakakilala sa katotohanan ng Biblia: na hindi hihigit pa sa makasaysayang tala ng gawain ng Diyos, at isang testamento sa nakaraang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, at hindi nagbibigay sa iyo ng pag-unawa sa mga layunin ng gawain ng Diyos. Ang bawat isa na nakapagbasa ng Biblia ay alam na ito ay nagtatala sa dalawang yugto ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang Lumang Tipan ay nagsasalaysay sa kasaysayan ng Israel at ang gawain ni Jehova mula sa oras ng paglikha hanggang sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan. Ang Bagong Tipan ay nagtatala ng gawain ni Jesus sa lupa, na kung saan ay nasa Apat na Ebanghelyo, pati na rin ang gawain ni Pablo; hindi ba sila mga tala ng kaysayan? Ang pagpapalitaw sa mga bagay ng nakaraan sa panahon ngayon ay ginagawa silang kasaysayan, at hindi mahalaga kung gaano katotoo o tunay ang mga ito, ang mga ito ay kasaysayan pa rin—at ang kasaysayan ay hindi maaaring makatugon sa kasalukuyan. Sapagka’t ang Diyos ay hindi tumitingin pabalik sa kasaysayan! At kaya, kung iyo lamang nauunawaan ang Biblia, at walang naiintindihan sa gawain na nilaan na gawin ngayon ng Diyos, at kung naniniwala kayo sa Diyos ngunit hindi hinahanap ang gawain ng Banal na Espiritu, sa gayon ay hindi ninyo nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng paghahanap sa Diyos. Kung binabasa ninyo ang Biblia upang pag-aralan ang kasaysayan ng Israel, upang saliksikin ang kasaysayan ng paglikha ng Diyos sa lahat ng mga kalangitan at kalupaan, sa gayon ay hindi kayo naniniwala sa Diyos. Ngunit ngayon, dahil naniniwala kayo sa Diyos, at nagpapatuloy sa buhay, dahil kayo ay nagpapatuloy sa pagkakilala sa Diyos, at hindi ipinagpapatuloy ang mga patay na liham at doktrina, o ang pag-unawa ng kasaysayan, dapat ninyong hanapin ang kalooban ng Diyos ngayon, at dapat ninyong hanapin ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu. Kung kayo ay isang arkeologo maaari ninyong mabasa ang Biblia—ngunit kayo ay hindi, kayo ay isang naniniwala sa Diyos, at mabuting hanapin ninyo ang kalooban ng Diyos sa ngayon.
mula sa “Tungkol sa Biblia (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mayroong ilan na nagsasabing sila ay kaayon sa Akin, ngunit sila lahat ay sumasamba sa mga malabong diyus-diyosan. Bagaman kinikilala nila ang Aking pangalan bilang banal, sila ay tumatahak sa landas na taliwas sa Akin, ang kanilang mga salita ay puno ng kayabangan at pagmamalaki, dahil, sa pinag-ugatan, silang lahat ay laban sa Akin, at lahat ay hindi kaayon sa Akin. Naghahanap sila araw-araw ng Aking mga bakas sa Biblia, at walang layong naghahanap ng kahit na anong mga "angkop" na sipi na binabasa nila nang walang katapusan, at kanilang binibigkas bilang "mga kasulatan." Hindi nila alam kung paano maging kaayon sa Akin, hindi nila alam ang ibig sabihin ng pakikipag-alit sa Akin, at basta lamang nagbabasa ng mga "kasulatan" nang walang taros. Pinipilit nila sa Biblia ang malabong Diyos na hindi nila kailanman nakita, at walang kakayahang makita, at saka lamang nila tinitingnan kapag sila ay may libreng oras. Sila ay naniniwala sa Aking pag-iral ngunit sa loob lamang ng nasasaklaw ng Biblia. Para sa kanila, Ako ay katulad ng Biblia; kung wala ang Biblia wala rin Ako, at kung Ako'y wala, wala ring Biblia. Hindi nila binibigyang pansin ang aking pag-iral o mga pagkilos, sa halip ay naglalaan ng sobra at natatanging pansin sa bawat isang salita ng Kasulatan, at marami pa nga sa kanila ay naniniwala na hindi Ko dapat gawin ang anumang bagay na nais Kong gawin maliban na lamang kung ito ay ipinagpaunang sinabi ng Kasulatan. Naglalakip sila ng labis na pagpapahalaga sa Kasulatan. Maaaring sabihin na nakikita nila ang mga salita at pahayag bilang lubhang mahalaga, hanggang sa ginagamit nila ang mga talata mula sa Biblia upang sukatin ang bawat salitang Aking sinasabi, at upang sumpain Ako. Ang kanilang hinahanap ay hindi ang paraan ng pagiging kaayon sa Akin, o ang paraan ng pagiging kaayon sa katotohanan, ngunit ang paraan ng pagiging kaayon sa mga salita ng Biblia, at naniniwala sila na ang anumang hindi sumusunod sa Biblia ay, nang walang itinatangi, hindi Ko gawa. Hindi ba ang mga gayong mga tao ay ang masunuring inapo ng mga Pariseo? Ginamit ng mga Hudyong Pariseo ang mga batas ni Moises upang batikusin si Jesus. Hindi nila hinanap na maging kaayon kay Jesus noong panahong iyon, subalit masikap nilang sinunod ang mga batas nang buong sikap, hanggang sa ipinako nila sa krus ang inosenteng si Jesus, pinagbintangan Siyang hindi sumusunod sa batas ng Lumang Tipan at hindi ang pagiging Mesias. Ano ang kanilang kakanyahan? Hindi ba't dahil hindi nila hinanap ang paraan ng pagiging kaayon sa katotohanan? Nahumaling sila sa bawat salita ng Kasulatan, habang hindi inuunawa ang Aking kalooban at ang mga hakbang at paraan ng Aking gawain. Hindi sila ang mga taong naghangad ng katotohanan, ngunit mga taong maigting na sumusunod sa mga salita ng Kasulatan; hindi sila ang mga taong naniniwala sa Diyos, ngunit mga taong naniniwala sa Biblia. Sa kalikasan, sila ang tagapagbantay ng Biblia. Upang mapangalagaan ang kapakanan ng Biblia, at pagtibayin ang dignidad ng Biblia, at panatilihin ang reputasyon ng Biblia, ipinako nila ang mahabaging si Jesus sa krus. Ito ay ginawa lamang nila para sa kapakanan ng pagtatanggol sa Biblia, at para sa kapakanan ng pagpapanatili sa katayuan ng bawat salita ng Biblia sa puso ng mga tao. Kaya mas pinili nilang talikuran ang kanilang kinabukasan at ang alay para sa kasalanan upang isumpa si Jesus, na hindi tumalima sa doktrina ng Kasulatan, hanggang sa kamatayan. Hindi ba sila tila mga tagasunod sa bawat isang salita ng Kasulatan?
At ano naman ang mga tao ngayon? Dumating si Kristo upang pakawalan ang katotohanan, ngunit mas pipiliin nilang paalisin Siya sa gitna ng mga tao upang makapasok sa langit at makatanggap ng biyaya. Mas pipiliin nilang lubusang itanggi ang pagdating ng katotohanan upang kanilang maprotektahan ang interes ng Biblia, at mas pipiliin nilang ipako sa krus ang Kristong nagbabalik sa katawang-tao upang matiyak ang walang hanggang na pag-iral ng Biblia. … Naghahangad ang tao ng pagiging kaayon sa mga salita, sa Biblia, ngunit wala ni isang tao ang lumapit sa Akin upang hanapin ang paraan ng pagiging kaayon sa katotohanan. Tinitingala Ako ng tao sa langit, at naglalaan ng partikular na pag-alala sa Aking pag-iral sa langit, subalit walang may pakialam sa Akin sa katawang-tao, dahil Ako na namumuhay kasama ng mga tao ay masyadong walang halaga. Ang mga naghahanap lamang ng pagiging kaayon sa mga salita sa Biblia, at naghahanap lamang ng pagiging kaayon sa malabong Diyos, ay kahabag-habag sa Aking paningin. Iyon ay dahil ang kanilang sinasamba ay mga patay na salita, at isang Diyos na may kakayahang magkaloob ng pagkalaki-laking kayamanan. Ang kanilang sinasamba ay isang Diyos na inilalagay ang sarili sa awa ng tao, at hindi umiiral. Ano, kung gayon, ang matatamo ng gayong mga tao sa Akin? Ang tao ay sadyang mababa para sa mga salita. Silang mga laban sa Akin, silang humihingi ng walang katapusang pabor sa Akin, mga walang pagmamahal sa katotohanan, mga suwail sa Akin—paano sila magiging kaayon sa Akin?
mula sa “Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Kristo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang mga umiintindi lamang sa mga salita ng Biblia, ang mga walang pakialam sa katotohanan o paghahangad sa Aking mga yapak-sila ay laban sa Akin, dahil nililimitahan nila Ako nang naaayon sa Biblia, at Ako'y kanilang pinipilit sa loob ng Biblia, gayundin ang mga lubhang lapastangan sa Akin. Paano nakalalapit ang gayong mga tao sa Akin? Sila ay hindi nagbibigay ng pag-intindi sa Aking mga gawa o sa Aking kalooban, o sa katotohanan, sa halip sila ay nahuhumaling sa mga salita, salitang nakamamatay. Paano magiging kaayon sa Akin ang mga gayong tao?
mula sa “Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Kristo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-ta
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento