Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

01 Disyembre 2019

Clip ng Pelikulang Ang Misteryo ng Kabanalan (3/6) | "Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao ng Diyos"


Clip ng Pelikulang Ang Misteryo ng Kabanalan (3/6) | "Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao ng Diyos"

Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos ay nagkatawang-tao at naging ang Panginoong Jesus na pumarito upang tubusin ang sangkatauhan, at sinabi ng mga Judiong Fariseo na ang Panginoong Jesus ay isang tao lamang. Sa mga huling araw, ang Diyos ay nagkatawang-tao at naging Makapangyarihang Diyos na naparito para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol, at ang mga pastor at mga elder ng daigdig ng relihiyon ay nagsasabi rin na ang Makapangyarihang Diyos ay isang tao lamang, kaya ano ang problema rito? Mula sa labas, ang Diyos na nagkatawang-tao ay mukhang isang karaniwang, normal na tao. Ngunit sa Kanyang kalooban ay doon nakatahan ang Espiritu ng Diyos; kaya Niyang ipahayag ang katotohanan, ipahayag ang tinig ng Diyos at gawin ang gawain ng Diyos, kung gayon ang Diyos ba na nagkatawang-tao ay isang tao, o Diyos?

19 Enero 2019

2. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nagbalik na Jesus.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Nagkatawang-tao ang Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, na ang tawag ng mga kababayan sa Hong Kong at Taiwan ay panloob-na-lupain. Nang dumating ang Diyos mula sa itaas tungo sa lupa, walang sinuman sa langit at lupa ang nakaalam tungkol dito, sapagka’t ito ang tunay na kahulugan ng pagbabalik ng Diyos sa isang lingid na paraan. Mahabang panahon na Siyang gumagawa at namumuhay sa katawang-tao, datapwa’t walang sinuman ang nakaalam nito. Hanggang sa araw na ito, walang sinuman ang nakakakilala rito.

03 Enero 2019

Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

  Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sino lang, ni hindi rin ito madaling makamtan ng lahat. Dahil ito sa ang buhay ay maaari lang magmula sa Diyos, na ibig sabihin, ang Diyos Mismo lang ang may taglay ng sangkap ng buhay, walang ibang daan ng buhay kung wala ang Diyos Mismo, sa gayon ang Diyos lang ang pinanggagalingan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng buhay na tubig ng buhay.

02 Enero 2019

3. Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos ng Paghatol at Pagkastigo.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

  Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos, sapagka’t ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay nakárátíng na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo. 

01 Enero 2019

Paano Makikilala ang Diyos na Nasa Lupa

  Lahat kayo ay nagagalak na tumanggap ng mga gantimpala sa harap ng Diyos at maging layon ng Kanyang pabor sa Kanyang mga mata. Ito ang inaasam ng bawa’t isa pagkatapos niyang magsimulang manampalataya sa Diyos, sapagka’t ang tao ay buong-pusong nagsisikap para sa mas mataas na mga bagay at walang sinuman ang handang mapag-iwanan ng iba. Ito ang pamamaraan ng tao. Dahil dito mismo, marami sa inyo ang palaging sinusubukan na makamit ang pabor ng Diyos na nasa langit, nguni’t sa katotohanan, ang inyong katapatan at pagiging-lantad sa Diyos ay malayung-malayo sa inyong katapatan at pagiging-lantad sa sarili. 

24 Agosto 2018

Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | "Paano Nakilala ni Pedro si Jesus" (Tagalog Dubbed)


Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | "Paano Nakilala ni Pedro si Jesus" (Tagalog Dubbed)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa loob ng panahong sinundan niya si Jesus, pinagmasdan at isinapuso ni Pedro ang lahat ng bagay tungkol sa Kanyang buhay: Ang Kanyang mga kilos, mga salita, mga galaw, at mga pagpapahayag. Natamo niya ang isang malalim na pagkaunawa na si Jesus ay hindi katulad ng mga karaniwang tao. Bagaman ang Kanyang itsura ay lubhang karaniwan, lipos Siya ng pag-ibig, malasakit, at pagpapaubaya sa tao. Lahat ng bagay na ginawa o sinabi Niya ay malaking tulong sa iba, at sa Kanyang tabi nakita at natuto ng mga bagay-bagay si Pedro na kailanman hindi pa niya nakita o nakamtan noong una. ... Hindi alintana kung paano man kumilos si Jesus, lumago ang walang-hangganang pag-ibig at paggalang ni Pedro para sa Kanya. Ang pagtawa ni Jesus ay nagdulot sa kanya ng labis na kaligayahan, ang Kanyang kalungkutan ay nagsadlak sa kanya sa pighati, ang Kanyang galit ay tumakot sa kanya, habang ang Kanyang habag, pagpapatawad, at pagiging-mahigpit ay nagsanhing mahalin niyang tunay si Jesus, nagkaroon ng totoong paggalang at pananabik sa Kanya. Siyempre, unti-unting natanto lamang ni Pedro ang lahat ng ito nang namuhay siyang kasama ni Jesus sa loob ng ilang taon."

21 Agosto 2018

Ang Tunay na Pananalig Ay Nagmumula Lamang sa Pagkilala sa mga Gawa ng Diyos (Tagalog Songs)


Tagalog Christian Songs | "Ang Tunay na Pananalig Ay Nagmumula Lamang sa Pagkilala sa mga Gawa ng Diyos" (Tagalog Dubbed)


I
Ang gawain ng Diyos ngayon ay magsalita,
walang mga palatandaan, ni mga kababalaghan.
Hindi ito Kapanahunan ng Biyaya.
Ang Diyos ay normal at totoo.

Tungkulin ng Tao ang Sumaksi para sa Diyos

Mga Himno,MP3,




Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Tungkulin ng Tao ang Sumaksi para sa Diyos


I
Yaong ipinagkakaloob sa'yo ng Diyos ngayon
lumalampas kay Moises
at mas mahigit pa kaysa kay David,
kaya naman hinihiling Niya na
ang iyong patotoo ay malampasan ang kay Moises
at ang iyong mga salita ay higit sa kay David.

12 Agosto 2018

Himno ng Karanasan ng Kristiyano | "Ang Langit Dito'y Bughaw na Bughaw" (Tagalog Subtitles)


I
Ay … Narito ang 'sang langit, 
Oh .... Isang langit na talagang ibang-iba!

Isang marikit na halimuyak ang pumupuspos sa buong lupain, 
at hangi'y malinis.
Nagkatawang-tao ang Makapangyarihang Diyos
at nabubuhay kapiling natin,
Nagpapahayag ng katotohanan
at sinisimulan ang paghatol ng mga huling araw.
Inilantad ng mga salita ng Diyos
ang katotohanan ng ating kasamaan,
nalinis tayo at naperpekto
ng bawat uri ng pagsubok at pagdadalisay.
Magpaalam na tayo sa masama nating buhay 
at baguhin ang dating itsura para sa bagong mukha.

29 Hulyo 2018

Mga Pagbigkas ni Cristo ng Mga Huling Araw | "Ikaw ba ay Totoong Mananampalataya sa Diyos?"



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kayo ay humahanga at takot lamang sa di-nakikitang Diyos sa langit at walang pagsasaalang-alang sa buhay na Cristo sa lupa. Hindi ba ito rin ang inyong di-pananampalataya? Hinahangad lamang ninyo ang Diyos na gumawa sa nakaraan ngunit ayaw harapin ang Cristo ng panahong ito. Ito parati ang “pananampalatayang” humalo sa inyong mga puso na hindi nananampalataya sa Cristo ng panahong ito. Hindi Ko kayo minamaliit, sapagkat napakaraming di-pananampalataya sa inyong kaloob-looban, halos ang kabuuan ninyo ay marumi at dapat na masuri. Ang mga karumihang ito ay tanda na kayo ay walang anumang pananampalataya; ito ay marka ng inyong pagtatakwil kay Cristo at tinatatakan kayo bilang taksil kay Cristo. Ang mga ito ay mga talukbong na nagtatakip sa inyong kaalaman tungkol kay Cristo, isang hadlang sa pagkamit ninyo kay Cristo, isang balakid na pumipigil sa inyong pagiging-kaayon kay Cristo, at patunay na kayo ay hindi sinasang-ayunan ni Cristo."

18 Hulyo 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Diyos Lamang ang Nagmamahal sa Tao Nang Higit"


I
Ang Diyos ay nagiging katawang tao sa mga huling araw
upang iligtas ang tao dahil mahal Niya ang tao.
Hinimok ng Kanyang pag-ibig,
ginagawa Niya ang gawain ngayon.
Ito'y nasa ilalim ng pundasyon ng pag-ibig.å
Ang Diyos ay nagkatawang-tao at nagdurusa sa kahihiyan
upang iligtas ang mga nabahiran at durog.
Tinitiis Niya ang gayong sakit.
Sapagkat muli at muli,
ipinakikita N'ya ang Kanyang 'di masukat na pagmamahal.
'Di nais ng Diyos na ang sinumang kaluluwa'y mawala.
Walang pakialam ang tao kung ano ang kanyang hinaharap.
'Di alam ng tao kung paano mahalin ang kanyang buhay.
Ngunit ang Diyos, oo. Siya lamang ang nagmamahal sa tao.

07 Hulyo 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | "Paghihintay" Sasalubungin ng mga Matatalinong Birhen ang Panginoon


Pastor si Hou'en sa isang bahay na iglesia sa Tsina. Kasama ang kanyang ama na si Yang Shoudao, naghintay sila na bumaba ang Panginoong Jesus mula sa mga ulap at dalhin sila sa kaharian ng langit. Dahil dito, masigasig silang nagtrabaho para sa Panginoon, pinanghawakan ang Kanyang pangalan, at naniwala na ang sinumang bumaba mula sa mga ulap na hindi ang Panginoong Jesus ay bulaang Cristo. At kaya, nang mabalitaan nila ang pangalawang pagbabalik ng Panginoon, hindi nila ito pinakinggan o tinanggap. Sa tingin nila ay mas mabuti ang magmasid at maghintay.... Habang sila’y naghihintay, tinanggap ng pinsan ni Yang Hou'en na si Li Jiayin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at ibinahagi ang ebanghelyo sa kanila. Matapos ang ilang matitinding talakayan, sa wakas ay naintindihan ni Yang Hou'en ang tunay na kahulugan ng “magmasid at maghintay,” at nakita na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, ang daan, ang buhay, at ang mga ito ay ang tinig ng Panginoon, at ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagbabalik ng Panginoong Jesus na kanilang hinintay sa loob ng maraming taon....

03 Hunyo 2018

Ebangheliyong pelikula | Saan Mismo Naroon ang Kaharian sa Langit?


       Ang pinakadakilang pangarap natin na nananalig sa Panginoon ay sumalubong sa pagbalik ng Panginoon, madala sa kaharian sa langit, at matanggap ang pangako at mga pagpapala ng Diyos. Naniniwala ang karamihan sa mga tao na pagbalik ng Panginoon, itataas tayo sa hangin para salubungin ang Panginoon. Pero sa Biblia, sinasabi na ang Bagong Jerusalem ay bababa mula sa langit. “Ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao,” “Ang mga kaharian ng mundong ito ay nagiging mga kaharian ng ating Panginoon, at ng Kanyang Cristo.” Nasa alapaap ba o nasa lupa ang kaharian sa langit? Paano dadalhin ng Panginoon ang mga banal patungo sa kaharian sa langit pagbalik Niya?
Rekomendasyon:
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

21 Mayo 2018

Tagalog Christian Movie | "Red Re-Education sa Bahay" (Clips 7/7)



Tagalog Christian Movie | "Red Re-Education sa Bahay" (Clips 7/7) Ang Totoong Motibo sa Paninirang-puri at Paghatol ng CCP sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Alam ng lahat ng nananalig sa Panginoon na kung hindi sa pagpapakita at gawain ng Panginoong Jesus, walang mananalig o sumusunod sa Panginoon. Bukod pa rito, hindi sana nagkaroon ng Kristiyanismo—gaano man katalino ang mga apostol, hindi maaaring sila ang lumikha sa iglesia. Gayundin, nabuo ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil lang sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw. Dahil iyan sa nagpahayag ng maraming katotohanan ang Makapangyarihang Diyos at nagsibalik ang mga tao sa Diyos matapos marinig ang Kanyang tinig kaya nabuo ang iglesia. Pero sinisiraan ng gobyernong Chinese Communist ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at sinasabi na organisasyon ito ng tao. Ano ang kanilang masamang motibo?
Rekomendasyon:
 Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

20 Mayo 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | "Red Re-Education sa Bahay" | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (6)


Nang maging tao ang Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, mukha siyang tao sa tingin, pero ginawa Niya ang gawain ng maipako sa krus at tubusin ang buong sangkatauhan. Sa mga huling araw, ipinahayag na ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan para dalisayin at iligtas ang sangkatauhan at nagawa ang paghatol simula sa tahanan ng Diyos. ipinapakita nito ma amg Panginoong Jesus at ang Makapangyarihang Diyos ay parehong si Cristo sa katawang-tao, at ang Diyos Mismo. Kaya bakit inilalarawan ng CCP ang Panginoong Jesus at ang Makapangyarihang Diyos na karaniwang tao at tinatanggihan ang kabanalan ni Cristo? Hindi ba nakakatawa at nahihibang ang CCP?


*゚゚* 🍀*゚゚* 🍀*゚゚* 🍀*゚゚* 🍀*゚゚* 🍀*゚゚* 🍀*゚゚* 🍀*゚゚*🍀*゚゚* 🍀*゚゚* 🍀*゚゚*
Rekomendasyon:

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan


18 Mayo 2018

🍀 Tagalog Christian Movie 2018 | "Red Re-Education sa Bahay" | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (5) 🍀


Ang karaniwang kaalaman na ang Kristiyanismo, Katolisismo, at Eastern Orthodox Church ay pawang mga relihiyon na nananalig sa Panginoong Jesucristo. Nabuo ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Cristo ng mga huling araw. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang iglesia ni Cristo sa Kapanahunan ng Kaharian, at bahagi rin ng Kristiyanismo. Kaya bakit ikinakaila ng Chinese Communist Party na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay isang iglesiang Kristiyano? Ano ba talaga ang Kristiyanismo?

💎Rekomendasyon:💎

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

07 Mayo 2018


❤️Tagalog na Cristianong Kanta | Disidido Akong Sundin ang Diyos ❤️




Tinangan nang matagal ang pananalig, nakita ngayon ang liwanag. Dumanas ng tagumpay, kabiguan, pag-uusig at kahirapan. Tinanggihan ng mundo; nilayuan ng mga mahal ko. Maraming gabing nanatiling gising at nanalangin? Ligaya at kalungkutan, damit na basa ng luha. Naglilibot araw-araw, walang lugar na pahingahan. Kalayaan, isa lang paimbabaw, karapatang pantao’y di umiiral? Matinding galit kay Satanas! Inaasam ang pagkuha ni Cristo ng kapangyarihan! Itong mundo, madilim at masama, mas ninanais ko ang liwanag ng buhay. Si Cristo ang katotohanan, daan, at buhay. Nagpasya ako na sundin Siya. Itong mundo, madilim at masama, mas ninanais ko ang liwanag ng buhay. Si Cristo ang katotohanan, daan, at buhay. Nagpasya ako na sundin Siya.

05 Mayo 2018

Tagalog Christian Movie | Ang Misteryo ng Kabanalan (Trailer)


Si Lin Bo’en ay isang elder noon sa isang bahay na iglesia sa China. Sa lahat ng kanyang mga taon bilang isang mananampalataya, ikinarangal niya ang magdusa para sa Panginoon, at pinahalagahan ang kaalaman at pagkakamit ng Panginoong Jesucristo nang higit sa anupaman sa mundo. Isang nakatadhanang araw, lumabas siya upang mangaral at may narinig na nakabibiglang balita: Ang Panginoong Jesus ay nagbalik na sa katawang-tao, at Siya ang Cristo ng mga huling araw—Makapangyarihang Diyos! Naguluhan si Lin Bo’en. Sa pagbabalik ng Panginoon, Siya ay dapat bumaba sa mga ulap, kaya bakit Siya magkakatawang-tao Mismo at lihim na gagawin ang Kanyang gawain? Anong mga hiwaga ang nakatago sa likod ng pagkakatawang-tao ng Diyos? Kung totoong nagbalik na ang Panginoon, bakit hindi pa tayo dinala? … Nagkaroon ng isang matinding debate sa pagitan ni Lin Bo’en at ng kanyang mga kasamahang manggagawa at mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos … Mauunawaan ba nila sa wakas na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao?

Rekomendasyon:

Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan



04 Mayo 2018

Ebangheliyong musika | Ang Diwa ni Cristo ay Nalalaman sa Gawa’t Pagpapahayag Niya


Ang diwa ni Cristo ay nalalaman sa
gawa't pagpapahayag Niya.
May isang pusong totoo, ginaganap Niya 'yong pinagkatiwala,
sinasamba ang Diyos sa langit
at hinahanap ang kalooban ng Ama.
Nalalaman 'to sa diwa't natural na pagbubunyag Niya.
Natural na pagpapahayag Niya'y hindi panggagaya,
Ang mga ito'y hindi natututunan, bagkus ito'y likas.
o mula sa mga taong pag-aaral ng tao.
Ang mga ito'y hindi natututunan, bagkus ito'y likas.