Tagalog Christian Movie | "Red Re-Education sa Bahay" (Clips 7/7) Ang Totoong Motibo sa Paninirang-puri at Paghatol ng CCP sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Alam ng lahat ng nananalig sa Panginoon na kung hindi sa pagpapakita at gawain ng Panginoong Jesus, walang mananalig o sumusunod sa Panginoon. Bukod pa rito, hindi sana nagkaroon ng Kristiyanismo—gaano man katalino ang mga apostol, hindi maaaring sila ang lumikha sa iglesia. Gayundin, nabuo ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil lang sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw. Dahil iyan sa nagpahayag ng maraming katotohanan ang Makapangyarihang Diyos at nagsibalik ang mga tao sa Diyos matapos marinig ang Kanyang tinig kaya nabuo ang iglesia. Pero sinisiraan ng gobyernong Chinese Communist ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at sinasabi na organisasyon ito ng tao. Ano ang kanilang masamang motibo?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento