Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

30 Agosto 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayahang Kumatawan sa Diyos


Mga Pagbigkas ni Cristo | Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayahang Kumatawan sa Diyos


Ang tao ay nabubuhay sa ilalim ng pagkabalot sa impluwensya ng kadiliman, nakagapos sa impluwensya ni Satanas nang walang matatakasan. At ang disposisyon ng tao, pagkatapos nitong napasailalim na sa pagpoproseso ni Satanas, ay nagiging lalo pang tiwali. Masasabi ng isa na ang tao ay noon pa namumuhay kasama ang kanyang tiwali at malasatanas na disposisyon, walang kakayahang tunay na ibigin ang Diyos. Yamang ganito, kung nais ng tao na ibigin ang Diyos, kailangan niyang mahubaran ng kanyang pagmamagaling, labis na pagpapahalaga sa sarili, pagmamataas, pagkamakasarili, at mga gaya nito, na kabilang lahat sa disposisyon ni Satanas.

12 Pebrero 2019

Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan (Unang bahagi)



Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan" (Unang Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kinatawan ni Jesus ang Espiritu ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos na direktang gumagawa. Ginawa Niya ang gawain sa bagong panahon, ang gawain na walang pang nakagagawa. Nagbukas Siya ng bagong daan, kinatawan Niya si Jehova, at kinatawan Niya ang Diyos Mismo. Samantalang sina Pedro, Pablo at David, anuman ang tawag sa kanila, kinatawan lang nila ang pagkakakilanlan ng nilalang ng Diyos, o ipinadala ni Jesus o Jehova.

20 Enero 2019

Isang Planong "Mangisda"



Tagalog Gospel Crosstalk | Isang Planong "Mangisda" | CCP's Persecution of Christians by Evil Means

    Si Zhou Zhiyong ay isang Kristiyanong inaresto ng pulisyang CCP dahil sa pangangaral ng ebanghelyo. Pagkaraan ng kalahating buwan ng malupit na pagpapahirap na walang ibinunga ang kanilang interogasyon, bigla siyang pinalaya ng gobyernong CCP. Lihim na natuwa si Zhou Zhiyong na makaalis sa masamang lugar na iyon. Pero nang naghahanda na siyang makipagkita sa kanyang mga kapatid, nagkasunud-sunod ang mga kakatwang pangyayari…. Sa huli isang araw ay muli siyang inaresto ng mga pulis at noon lang niya lubos na naunawaan ang katotohanan. Ginamit pala siyang pain ng CCP sa isang napakahabang pisi para hulihin ang malaking isda! Sa tatlong taong sentensya kay Zhou Zhiyong, mas naunawaan niya ang kasamaan ng CCP sa pagkalaban sa Diyos, at natutuhan niya na talagang kamuhian iyon. Nauhaw siya sa katotohanan at mas naghangad pa ng liwanag at nagpasiya: Gaano man kahirap ang daranasin ko, susundan ko ang Diyos hanggang wakas!

19 Enero 2019

2. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nagbalik na Jesus.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Nagkatawang-tao ang Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, na ang tawag ng mga kababayan sa Hong Kong at Taiwan ay panloob-na-lupain. Nang dumating ang Diyos mula sa itaas tungo sa lupa, walang sinuman sa langit at lupa ang nakaalam tungkol dito, sapagka’t ito ang tunay na kahulugan ng pagbabalik ng Diyos sa isang lingid na paraan. Mahabang panahon na Siyang gumagawa at namumuhay sa katawang-tao, datapwa’t walang sinuman ang nakaalam nito. Hanggang sa araw na ito, walang sinuman ang nakakakilala rito.

09 Enero 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo

  Pagkatapos lamang na nagkatotoo na si Jesus ay nagiging katawang-tao saka napagtanto ito ng tao: Hindi lamang ang Ama sa langit, kundi ang Anak din, at maging ang Espiritu. Ito ang karaniwang paniwala ng tao, na mayroong ganitong Diyos sa langit: isang Trinidad na yaon ay ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu, lahat nasa isa. Ang lahat ng sangkatauhan ay may ganitong mga paniwala: Ang Diyos ay isang Diyos, nguni’t binubuo ng tatlong mga bahagi, na ipinalalagay ng lahat niyaong mga matinding nataniman ng kalakarang mga paniwala na ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu.

08 Enero 2019

Ang Kabuluhan ng Pagpapakita ng Diyos

Ang Kabuluhan ng Pagpapakita ng Diyos

I

Ang pagpapakita ng Diyos ay nangangahulugang

Siya'y gumagawa sa lupa sa Kanyang sarili.

Taglay ang Kanyang pagkakilanlan, disposisyon at sa sarili Niyang paraan,

sa tao Siya’y bumaba upang simulan at tapusin ang isang kapanahunan.

07 Enero 2019

Tagalog Christian Worship Song | "Tinunaw ng Pag ibig ng Diyos ang Aking Puso"

Tagalog Christian Worship Song | "Tinunaw ng Pag ibig ng Diyos ang Aking Puso"


Naririnig ko ang Iyong mabait na tawag,

bumabalik ako sa Iyong harapan.

Sa Iyong mga salita naliliwanagan,

nakikita ko ang aking katiwalian.

06 Enero 2019

Ang Kaligayahan sa Mabuting Lupain ng Canaan

Ang Kaligayahan sa Mabuting Lupain ng Canaan


Balik sa pamilya ng Diyos, sabik at masaya.

Makilala Ka'y karangalan ko, puso ko'y alay sa 'Yo tunay na Diyos,

ibinigay ko ang aking puso sa Iyo.

Lambak ng Luhang ma'y dinaanan, rikit ng Diyos kita.

Pag-ibig sa Diyos lumalago, galak ko'y galing Sa 'Yo.

Ganda ng Diyos, at likha Niya, puso'y kapit sa Kanya.

Pag-ibig ko sa Diyos di-sapat, awit sa puso ko'y umigkas.

05 Enero 2019

Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao

Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao


Noo'y 'di malinaw sa layon ng buhay, ngayo'y alam ko na.

Hinanap ko'y estado at kasikatan.

Mag-isang tinahak ang pansariling landas, nabuhay para sa 'kin lamang.

Sa dasal sambit dati'y magagandang salita,

pero ang buhay ko ay hindi akma.

03 Enero 2019

Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

  Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sino lang, ni hindi rin ito madaling makamtan ng lahat. Dahil ito sa ang buhay ay maaari lang magmula sa Diyos, na ibig sabihin, ang Diyos Mismo lang ang may taglay ng sangkap ng buhay, walang ibang daan ng buhay kung wala ang Diyos Mismo, sa gayon ang Diyos lang ang pinanggagalingan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng buhay na tubig ng buhay.

Tinuturing ng Diyos ang Tao Bilang Kanyang Pinakamamahal


Ang Himno ng Salita ng Diyos
Tinuturing ng Diyos ang Tao Bilang Kanyang Pinakamamahal
I
Nilikha ng Diyos ang tao;
naging masama man ito o sumunod man sa Kanya,
Itinatanging nilikha,
pinakamamahal pa rin ng Diyos.

Ang tao'y 'di laruan para sa Kanya.

02 Enero 2019

Ang Gawain ng Diyos ay Patuloy sa Pagsulong



Ang Himno ng Salita ng Diyos
Ang Gawain ng Diyos ay Patuloy sa Pagsulong
I
Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong;
bagamat di nagbabago ang layunin,
paraan ng paggawa Niya'y patuloy sa pagbago,
at gayun din ang mga sumusunod sa Kanya.
Habang mas maraming gawain ang Diyos
mas maraming tao sa Kanya'y ganap na nakakakilala,
mas nababago ang disposisyon ng tao
kasama na ang Kanyang gawain.
Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong;
Kailanma'y gawain Niya'y di-luma, laging bago.

01 Enero 2019

45. Ano ang mga pangako ng Diyos sa mga naligtas at nagawang perpekto?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

  Lumalakad Ako ngayon sa kalagitnaan ng Aking bayan, naninirahan Ako sa kalagitnaan ng aking bayan. Ngayon, yaong may tunay na pag-ibig sa Akin, ang taong gaya nito ay mapalad; mapalad yaong mga nagpapasakop sa Akin, sila ay tiyak na mananatili sa Aking kaharian; mapalad yaong mga nakakakilala sa Akin, sila ay tiyak na hahawak ng kapangyarihan sa Aking kaharian; mapalad ang mga yaong naghahangad sa Akin, tiyak na makaliligtas sila mula sa mga gapos ni Satanas at matatamasa nila ang pagpapala sa Akin; mapalad ang mga yaong kayang talikuran ang kanilang mga sarili, tiyak na papasok sila sa Aking pag-aari, at mamanahin ang gantimpala ng Aking kaharian.

Paano Makikilala ang Diyos na Nasa Lupa

  Lahat kayo ay nagagalak na tumanggap ng mga gantimpala sa harap ng Diyos at maging layon ng Kanyang pabor sa Kanyang mga mata. Ito ang inaasam ng bawa’t isa pagkatapos niyang magsimulang manampalataya sa Diyos, sapagka’t ang tao ay buong-pusong nagsisikap para sa mas mataas na mga bagay at walang sinuman ang handang mapag-iwanan ng iba. Ito ang pamamaraan ng tao. Dahil dito mismo, marami sa inyo ang palaging sinusubukan na makamit ang pabor ng Diyos na nasa langit, nguni’t sa katotohanan, ang inyong katapatan at pagiging-lantad sa Diyos ay malayung-malayo sa inyong katapatan at pagiging-lantad sa sarili. 

30 Disyembre 2018

Sinabi ng Panginoong Jesus na Siya ay babalik, at ano ang paraan ng Kanyang pagbabalik?

Ang Sagot mula sa Salita ng Diyos:

  Sa loob ng libong mga taon, inasam ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Inasam ng tao na makita si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, sa Kanyang pagkatao, sa mga taong nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libong mga taon. 

27 Disyembre 2018

The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (3)


  Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Ipinapakita sa dokumentaryong ito ang biglaan at di-inaasahang pagkamatay ng Kristiyanong Chinese na si Song Xiaolan-isang pagkamatay na binigyan ng CCP police ng paiba-iba at magkakasalungat na paliwanag. Matapos imbestigahan, natuklasan ng pamilya Song na noon pa pala nagsisinungaling ang mga pulis. Nalaman ng isang kamag-anak ng pamilya mula sa isang kakilala sa Public Security Bureau na lihim na sinubaybayan ng CCP police si Xiaolan dahil sa kanyang pananalig sa Diyos at pagtupad sa kanyang mga tungkulin. Nang arestuhin siya ng mga pulis, binugbog siya ng mga ito hanggang sa mamatay. Para hindi masisi, pinagtakpan ng pulisya ang katotohanan sa pag-iimbento ng tagpo ng pagkamatay ni Song Xiaolan….

25 Disyembre 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo! (Trailer)


Tagalog Christian Movie 2018 | Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo! (Trailer)

  Si Lee Chungmin ay elder sa isang iglesia sa Seoul, South Korea. Sa loob ng mahigit dalawampung taon, masigasig siyang naglingkod sa Panginoon, na lubos na nakatuon sa pag-aaral ng Biblia. Sa pagsunod sa halimbawa ng mga pinuno ng kanilang relihiyon, inakala niya na ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, at na ang pagsampalataya sa Biblia ay kaparehong-kapareho ng pagsampalataya sa Panginoon.

26 Agosto 2018

Ang mga Bunga ng Pagpapatahimik sa Iyong Puso sa Harap ng Diyos





Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang mga Bunga ng Pagpapatahimik sa Iyong Puso sa Harap ng Diyos



I
Ang pusong tunay na tahimik sa harap ng Diyos
ay di magagambala ng anuman sa mundo,
kahit ng tao, pangyayari o bagay;
maging tahimik sa harap ng Diyos.
Lahat ng negatibo'y nawawala,
ito ma’y pagkaintindi o masamang isip,
pilosopiya, maling ugnayan sa tao;
pumayapa sa harap ng Diyos.

24 Agosto 2018

Cristianong Papuring Kanta | "Ang Resulta ng Pagkakakilala sa Diyos" (Tagalog Dubbed)


I

Isang araw, madarama mong ang Maylalang ay 'di palaisipan,

S'ya ay di itinago, 'di tinakpan ang mukha sa iyo;

S'ya ay 'di naging malayo sa iyo;

Di na S'ya ang 'yong hangad araw at gabi

ngunit 'di maabot ng damdamin mo.

S'yang tunay mong tagapagbantay sa iyong tabi,

buhay mo'y tinustustusan, at hawak ang 'yong kapalaran.

S'ya'y wala sa malayong abot-tanaw, at 'di nakatago sa ulap.

S'ya'y sa tabi mo, naghahari sa lahat sa'yo.

Siya ay 'yong lahat at 'yong nag-iisa.


23 Agosto 2018

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Ikalabindalawang Pagbigkas

sakuna, Kaharian, Diyos, Landas, langit,


    Kapag ang kidlat ay lumabas mula sa Silangan—na siyang tiyak ding sandali ng Aking pagbigkas—sa sandaling ang kidlat ay dumating, ang buong kalangitan ay magliliwanag, at ang lahat ng mga bituin ay nagsisimulang mag ibang anyo. Ito ay tila bang ang buong sangkatauhan ay sumailalim sa isang angkop na paglilinis at paghihiwalay. Sa ilalim ng liwanag nitong katawan ng ilaw mula sa Silangan, ang buong sangkatauhan ay nabunyag sa kanilang totoong anyo, ang mga mata ay nasilaw, natigil sa pagkalito; iilan pa rin sa mga ito ang makapagtatago ng kanilang pangit na mga katangian. Muli, sila ay tulad ng mga hayop na tumatakas mula sa Aking liwanag upang kumubli sa mga kuweba ng kabundukan; ngunit, wala kahit isa sa mga ito ang maaaring mapawi mula sa loob ng Aking liwanag. Ang lahat ng tao’y napapaloob sa mahigpit na pagkakahawak ng takot at pagka-alarma, ang lahat ay naghihintay, ang lahat ay nanonood; sa pagdating ng Aking liwanag, ang lahat ay nagalak sa araw ng kanilang pagsilang, at gayon din ang lahat ay isinusumpa ang araw ng kanilang kapanganakan. Ang mga magkahalong damdamin ay imposibleng masabi; ang mga luha ng pagpaparusa sa sarili ay bumubuo ng ilog, at dinadala palayo sa malawak na dagsa ng tubig, nawawala nang walang bakas sa isang kislap. Muli, ang Aking araw ay lumalapit na sa sangkatauhan, at muling pinupukaw ang sangkatauhan, na nagbibigay sa mga tao ng isang punto mula sa kung saan bubuo ng bagong simulain. Ang puso Ko ay tumitibok at, sumusunod sa mga indayog ng Aking tibok ng puso, ang mga bundok ay lumulundag sa kagalakan, ang mga tubig ay sumayaw sa kagalakan, at ang mga alon, sumusunod sa oras, humahampas sa batuhan. Mahirap ipahayag kung ano ang nasa Aking puso. Nais Kong sunugin ang lahat ng maruruming mga bagay hanggang maging abo sa ilalim ng Aking mga titig, Nais Ko na lahat ng mga anak ng pagsuway ay mawala mula sa Aking harapan, hindi na kailanman pa bumalik sa pag-iral. Hindi lamang Ako gumawa ng isang bagong panimula sa tirahan ng malaking pulang dragon, ako rin ay pumasok sa bagong gawain sa sansinukob. 'Di magtatagal ang mga kaharian sa lupa ay magiging Aking kaharian; 'di magtatagal ang mga kaharian sa lupa ay magpakailanmang titigil sa pag-iral dahil sa Aking kaharian, dahil Aking nakamit ang tagumpay, sapagka’t Ako ay bumalik nang matagumpay. Inubos ng malaking pulang dragon ang bawat maiisip na paraan upang sirain ang Aking plano, umaasang mabura ang Aking gawa sa ibabaw ng lupa, ngunit maaari ba Akong mawalan ng pag-asa dahil sa kanyang mga pandaraya? Dapat ba Akong matakot sa pagkawala ng tiwala sa pamamagitan ng mga banta nito? Kailanman walang kahit isang nilalang saan man sa langit o sa lupa ang hindi Ko hawak sa Aking palad; gaano pa higit na totoo ito sa malaking pulang dragon, itong kagamitang ito na nagsisilbi bilang pagkakaiba sa Akin? Ito ba ay hindi rin isang bagay na pinapatakbo ng Aking mga kamay?