Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang mga Bunga ng Pagpapatahimik sa Iyong Puso sa Harap ng Diyos
I
Ang pusong tunay na tahimik sa harap ng Diyos
ay di magagambala ng anuman sa mundo,
kahit ng tao, pangyayari o bagay;
maging tahimik sa harap ng Diyos.
Lahat ng negatibo'y nawawala,
ito ma’y pagkaintindi o masamang isip,
pilosopiya, maling ugnayan sa tao;
pumayapa sa harap ng Diyos.
Tumahimik sa harap Niya, namnamin ang Kanyang salita,
umawit ng himno at purihin ang Kanyang pangalan.
Bigyan mo Siya ng pagkakataong gumawa sa'yo;
gusto Niya'y maperpekto ka.
Sumunod sa gabay ng Banal na Espiritu
at mamuhay sa harap ng Diyos,
sa gayon mabibigyang-kaluguran mo Siya.
Maging tahimik sa harap Niya.
II
Yamang ikaw ay laging nagninilay sa salita ng Diyos,
ang iyong puso'y lumalapit sa Kanya,
pinupuno ka nito ng lahat ng Kanyang tunay na Salita.
Ang mga positibong bagay ay hindi nagbibigay ng puwang
para sa mga lumang pag-iisip at ginagawa.
Huwag ng magtuon ng pansin sa negatibo;
hindi na kailangang magpakahirap at kontrolin ang mga ito.
Mamuhay sa Kanyang salita at mas makipagtalastasan sa Kanya.
Maliwanagan at pagliwanagin ka ng Kanyang Espiritu.
Habang ito'y iyong ginagawa,
ang iyong paniwala at pagmamataas ay mawawala.
At malalaman mo kung paano ibigay ang lahat,
magmahal at bigyang-kaluguran ang Diyos,
hindi namamalayang nakakalimutan ang lahat ng bagay
na labas sa Kanya.
Tumahimik sa harap Niya, namnamin ang Kanyang mga salita,
umawit ng himno at purihin ang Kanyang pangalan.
Bigyan mo Siya ng pagkakataong gumawa sa'yo;
gusto Niya'y maperpekto ka.
Ang gusto Niya'y mapasa-Kanya ang 'yong puso;
inaantig ng Kanyang Espiritu ang iyong puso.
Sumunod sa gabay ng Banal na Espiritu
at mamuhay sa harap ng Diyos,
sa gayon mabibigyang-kaluguran mo Siya.
Maging tahimik sa harap Niya.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento