Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

24 Oktubre 2019

Ang mga Salita ng Banal na Espiritu sa mga Iglesia | "Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-siyam na Pagbigkas (Sipi I)"


Ang mga Salita ng Banal na Espiritu sa mga Iglesia | "Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-siyam na Pagbigkas (Sipi I)"


Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Rekomendasyon: Tagalog Christian Movie | "Kumakatok sa Pintuan" God Knocks at the Door of My Heart (Tagalog Dubbed)

02 Oktubre 2019

Paraan Upang Dinggin ng Diyos ang Ating Panalangin sa Araw-araw

Gawa ni Guoshi

Mga kapatid:

Sumainyo ang kapayapaan ng Panginoon! Ngayong araw, ang ating paksa sa pagbabahagi ay “ang tatlong problemang dapat nating lutasin sa panalangin.” Gabayan nawa ng Panginoon ang ating pagbabahagi. Alam nating magkakapatid na ang panalangin ang daan para sa pagtatatag ng isang normal na relasyon sa Diyos. Umaasa tayong lahat na diringgin at tatanggapin ang mga panalangin natin, pero maraming mga kapatid ngayon ang nababagabag sa katotohanang hindi dinirinig o tinatanggap ang kanilang mga panalangin. Kaya, pa’no tayo magdadasal nang naaayon sa kalooban ng Diyos, at ano’ng mga problema ang dapat nating lutasin sa mga panalangin natin para pakinggan ‘yon ng Panginoon?


1. Dapat Nating Lutasin ang Problema ng Mapagkunwaring Pagsasalita, Hindi Praktikal, at Pagiging Mapanlinlang Pag Nananalangin Tayo

Sa araw-araw nating buhay, pag nagdarasal tayo sa Panginoon, lagi tayong nagsasalita ng mga maling bagay, pinalabis, o walang kabuluhan, kaya tinatago ng Panginoon ang Kanyang mukha at hindi Siya nakikinig. Halimbawa, lagi nating sinasabi sa ating mga panalangin, “Panginoon, alam kong marumi ang lahat ng bagay sa mundo, at mga panauhin at estranghero lang kami sa mundong ito. Gusto Kitang mahalin at pasayahin.” Gayon pa man, sa mga buhay natin, hindi pa rin natin mabitawan ang mga makamundong bagay gaya ng yaman, reputasyon, at estado, at aktibo pa nating hinahanap ‘yon. Minsan nagdarasal tayo sa Panginoon at sinasabing, “Diyos ko, gusto kong maging isang tapat na tagapaglingkod, at paglingkuran Ka nang buong puso, isip, at lakas.” Pero sa gawain natin, pag nakakatagpo tayo ng mga paghihirap na hindi natin alam kung pa’no lutasin, nagrereklamo tayo dahil sa hirap at pagtitiis. Madalas din nating sabihin sa mga panalangin natin, “Panginoon, gusto kong buhatin ang krus at sumunod sa Iyo.” Pero pag dumating sa ‘tin ang malalaking pagsubok, gaya ng sakit o pagkakakulong, nabubuo ang mga reklamo sa ating mga puso, at sinisisi natin ang Panginoon sa hindi Niya pagprotekta sa kaligtasan natin. Hindi praktikal ang mga gano’ng panalangin. Hindi ‘yon mga salitang galing sa ‘ting puso, kaya hindi ‘yon tinatanggap ng Panginoon. Sinabi ng Panginoong Jesus: “Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya’y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan” (Juan 4:24). Mula rito, makikita natin na hinihingi ng Panginoon na maging mga tapat na tao tayo at makipag-usap tayo nang praktikal at taimtim sa Panginoon. Hindi tayo dapat maging mapagkunwari o magsalita ng mga hindi totoong bagay, kung hindi ay nililinlang natin ang Panginoon at kamumuhian Niya tayo. Kaya, pag nagdadasal tayo, sanayin nating makipag-usap sa Panginoon nang mula sa puso, makatotohanan, at talikuran ang mga mali at mapagpaimbabaw na salita. Hindi natin dapat isipin kung ga’no karami ang ating sasabihin o kung ga’no ‘yon kagandang pakinggan, ang dapat nating isipin ay kung taos-puso ba ang pananalangin natin sa Panginoon. Halimbawa, habang gumagawa tayo para sa Panginoon, maaari rin tayong maghangad ng mga makamundong bagay at yaman sa ating puso, kaya dapat tayong maging tapat sa pakikipag-usap sa Panginoon at hilingin sa Kanyang gabayan at tulungan tayong tapat na gumugol sa Kanya. Pag nakaranas tayo ng mga hirap, dapat tayong maging tapat sa Panginoon, “Diyos ko, dumadanas ako ng mga paghihirap ngayon, mahina ako, gusto Kitang mahalin pero hindi ko magawa, kaya hinihiling kong pukawin Mo ang puso ko at huwag hayaang pahinain ako ng mga paghihirap ko.” Matapos ‘yon, dapat aktibo tayong makipagtulungan sa Diyos at tapat na umasa sa Diyos. Pag nakagawa tayo ng maling nakakasakit sa Panginoon o pag hindi natin nauunawaan ang Diyos sa gitna ng mga pagsubok, lalong dapat nating tapat na ipaliwanag ang kasamang nilalantad natin, ang tunay nating mga iniisip, at ang ating mga paghihirap sa Panginoon, at iba pa. Dapat tapat at totoo ang sinasabi natin pag nagdadasal tayo sa Panginoon, dahil pag gano’n, lagi tayong magiging malapit sa Diyos, at diringgin Niya ang ating mga panalangin. Sa ganitong paraan, mas lalalim ang kaalaman natin sa Diyos, at patuloy tayong uunlad sa buhay.

2. Dapat Lutasin Natin ang Problema ng Pagdaan sa mga Proseso, Paggawa Nang Walang Sigasig, at Hindi Paglapit Nang Tahimik Sa Diyos Kapag Tayo’y Nagdarasal

Ngayon, marami sa ‘ting mga kapatid ang nakatuon lang sa panlabas na proseso pag nagdarasal, at hindi nananalangin sa pamamagitan ng tahimik na paglapit sa Diyos. Ipagpalagay na kapag abala ka sa trabaho at takot kang mahuli sa trabaho sa umaga, sa pagtatangkang magkaro’n ng mas maraming oras, maaaring bumulong ka ng isang walang sigasig na panalangin sa Diyos. Ang mga gano’ng panalangin ay isang paraan para makaraos, gumagawa nang walang sa puso. O kaya, pag nagdarasal tayo sa mga pagpupulong at makarinig tayo ng ibang tao na nagdarasal nang matagal o maraming sinasabi, habang tayo ay walang gaanong sinasabi, nangangamba tayong hahamakin tayo kapag mas kaunti ang dasal natin kesa sa iba, kaya kapag tayo na ang mananalangin, gagayahin natin yung tao at maraming sasabihin, minsan uulitin pa natin yung mga bagay na sinabi nung tao. Yung mga gano’ng panalangin ay ginagawa lang para makita ng ibang tao, hindi ‘yon mga panalangin na tahimik na sinasambit sa Diyos. Sinabi sa ‘tin ng Panginoong Diyos, “Datapuwa’t ikaw, pagka ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at kung mailapat mo na ang iyong pinto, ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka” (Mateo 6:6). Sinasabi sa ‘tin ng salita ng Panginoon na dapat tayong magkaro’n ng mahinahon at tahimik na puso pag nananalangin sa Diyos, at wala tayo dapat sa impluwensya ng kahit sino, ano mang bagay, o dahilan. Halimbawa, maaaring nagmamadali tayong pumasok sa trabaho sa umaga, pero habang naghihintay tayo ng bus, maaari nating pakalmahin ang ating puso at tahimik na lumapit sa Panginoon. Magagawa rin natin ito sa ating mga puso habang nakasakay tayo sa bus o nakaupo sa opisina. Hindi hinihiling ng ganitong pagdarasal na sumunod tayo sa ano mang tuntunin, hinihiling lang nito sa ‘tin na maging malapit sa Panginoon at makamit ang bunga ng hindi paglayo sa Kanya. At saka, pag nagdarasal tayo sa mga pagpupulong, hindi natin dapat subukan na tingalain tayo ng iba pag nagdarasal, dapat hangarin lang natin na tahimik na lumapit sa Diyos at buksan ang ating mga puso sa Kanya at tanggapin ang pagkilos ng Banal na Espiritu. Pag ginawa natin ‘yon, hindi lang tayo basta gumagawa nang wala sa puso, at diringgin tayo ng Diyos.

3. Dapat Nating Lutasin ang Problema ng Pagkakaro’n ng Maluluhong Pagnanais at Laging Paghahangad Para sa Ating Sarili Pag Nananalangin Tayo

Bilang mga Kristiyano, alam nating lahat na hindi tayo maaaring magkaro’n ng maluluhong kahilingan sa Diyos, pero dahil meron tayong layunin na magkamit ng mga biyaya, madalas tayong humihingi sa Diyos na hindi ‘yon napapansin, gumagawa ng maluluhong kahilingan para masiyahan ang lahat ng uri ng pagnanais. Halimbawa, para maipasok ang anak natin sa mas magandang eskwelahan, maaari tayong magdasal ng, “Diyos ko, ilang araw na lang pagsusulit na ng anak ko. Ipinagkakatiwala ko sa ‘Yo ang anak ko, hinihiling kong bigyan Mo siya ng katalinuhan at karunungan para makakuha siya ng magandang mga resulta sa pagsusulit at maging matagumpay sa hinaharap.” Ang mga nagnenegosyo ay maaaring magdasal ng, “Diyos ko, ipinagkakatiwala ko sa ‘Yo ang negosyo ko, hinihingi ko ang ‘Yong proteksyon at pangangalaga, hinihiling kong pagpalain Mo at gawing matagumpay ang negosyo ko at ipakita sa mga Hentil ang mga himalang kaya Mong gawin, na siya ring magpapalaya sa akin sa kakulangang materyal.” Ang mga gumagawa at naglalaan sa iglesia ay maaaring magdasal ng, “Panginoon, ako ngayon ay naglilingkod at naglalaan para sa ‘Yo, hinihiling kong pagpalain Mo ang pamilya ko ng isang matagumpay na negosyo, para hindi sila magkulang ng pagkain o damit.” Ang mga ganitong panalangin ay nagtataglay lahat ng sarili nating maluluhong pagnanais. Hinihiling ng lahat ng ‘yon na gawin ng Diyos ‘yon ayon sa mga gusto natin. Tayo ay mga nilikhang tao, at kailangan nating makipag-usap sa Maylikha. Dapat tayong magkaro’n ng pusong may takot sa Diyos, at huwag hilinging kumilos ang Diyos ayon sa ‘ting mga kagustuhan. At sinabi rin sa ‘tin ng Panginoong Jesus, “Kaya huwag kayong mangabalisa, na mangagsabi, Ano ang aming kakanin? o, Ano ang aming iinumin? o, Ano ang aming daramtin? Sapagka’t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pinaghahanap ng mga Gentil; yamang talastas ng inyong Ama sa kalangitan na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito. Datapuwa’t hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo” (Mateo 6:31-33). Tinuro sa ‘tin ng Panginoong Jesus na hindi natin dapat isipin kung ano’ng ating kakainin o isusuot. Hindi natin dapat hanapin sa Panginoon ang mga bagay na ito, dahil ihahanda at isasaayos ng Panginoon ang lahat ng kailangan nating pang-materyal. Hinihingi ito sa atiin ng Panginoon: “Datapuwa’t hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.” Ito ay upang sabihin na dapat muna tayong manalangin para sa kaharian at katuwiran ng Diyos, dahil tinatanggap ng Diyos ang ganitong uri ng panalangin. Ipagpalagay na alam nating lahat na nabubuhay tayo sa mga huling araw, at alam nating sinasabi ng mga propesiya na darating Siyang muli, kaya dapat mas magdasal tayo para dumating na sa lupa ang kaharian ng Diyos, dahil gaya ng sinasabi nito, “Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa” (Mateo 6:10). Dapat tayong manalangin na gabayan tayo ng Diyos na maging matatalinong birhen, at para masalubong ang Panginoon pag nabalitaan natin ang Kanyang pagbabalik. Dapat din tayong manalangin na matakasan ang ating kasamaan at para sa pagdadalisay. Ang mga ganitong dalangin, para magkamit ng katotohanan at buhay, ay diringging lahat ng Panginoon.

Sa huli, gusto kong ibahagi sa lahat ang dalawang siping nabasa ko sa isang gospel website. “Ano ang ibig sabihin ng manalangin nang tunay? Nangangahulugan ito ng pagsasabi ng mga salita sa loob ng iyong puso sa Diyos, at pakikipagniig sa Diyos na mayroong pagkaunawa sa Kanyang kalooban at batay sa Kanyang mga salita; nangangahulugan ito ng pakiramdam na talagang malapit sa Diyos, pakiramdam na Siya ay nasa harap mo, at na mayroon kang isang bagay na gustong sabihin sa Kanya; at nangangahulugan ito ng pagiging talagang masigla sa loob ng iyong puso, at damdamin na ang Diyos ay sadyang kaibig-ibig. Madarama na ikaw ay sadyang pinukaw, at pagkatapos marinig ang iyong mga salita ang iyong mga kapatid ay malulugod, madadama nila na ang mga salita na iyong sinabi ay ang mga salita sa loob ng kanilang mga puso, mga salitang gusto nilang sabihin, at kinakatawan ng iyong sinasabi kung ano ang gusto nilang sabihin. Ito ang ibig sabihin ng nananalangin nang tunay. Pagkatapos mong manalangin nang tunay, ang iyong puso ay mapapayapa, at malulugod; ang lakas para ibigin ang Diyos ay tataas, at madadama mo na walang anumang bagay sa kabuuan ng iyong buhay ang higit na karapat-dapat o mahalaga kaysa sa pag-ibig sa Diyos—at mapatutunayan nitong lahat na ang iyong mga panalangin ay naging mabisa.” “Habang nananalangin, ang iyong puso ay dapat payapa sa harap ng Diyos, at ito ay dapat maging tapat. Ikaw ay tunay na nakikipagniig at nananalangin sa Diyos; hindi mo dapat linlangin ang Diyos gamit ang mga salita na magandang pakinggan. Ang panalangin ay nakasentro doon sa gustong maging ganap ng Diyos sa kasalukuyan. Hilingin sa Diyos na dalhan ka ng mas dakilang pagliliwanag at pagpapalinaw, at dalhin ang iyong totoong katayuan at mga kaligaligan sa harap ng Diyos upang manalangin, at gumawa ng pagpapasya sa harap ng Diyos. Ang panalangin ay hindi ang pagsunod sa proseso, ngunit ang paghahangad sa Diyos gamit ang iyong tunay na puso. Hilingin sa Diyos na ingatan ang iyong puso, gawin itong madalas na nagagawang maging payapa sa harap ng Diyos, gawin kang nagagawang kilalanin ang iyong sarili, at laitin ang iyong sarili, at balewalain ang iyong sarili sa kapaligirang itinakda ng Diyos para sa iyo, sa gayon ay tutulutan kang magkaroon ng isang normal na ugnayan sa Diyos at gagawin kang isang taong tunay na iniibig ang Diyos” (“Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin”).

Salamat sa Panginoon. Ang mga panalangin ang ating ispiritwal na tulay ng komunikasyon sa Diyos, at hangga’t nagdarasal tayo sa Panginoon na may tunay at tapat na puso, at nananalangin para mapasiya ang kalooban ng Diyos, tatanggapin at diringgin ng Panginoon ang ating mga panalangin. Salamat sa Panginoon at nagawa kong ibahagi ito ngayon sa inyong lahat. Amen!


30 Setyembre 2019

Tagalog Christian Movie Clips | "Pananabik" Alam Mo Ba ang Misteryo ng Pagpapakita ng Diyos?


Tagalog Christian Movie Clips | "Pananabik" Alam Mo Ba ang Misteryo ng Pagpapakita ng Diyos?


Naniniwala ang maraming nananalig sa Panginoon na babalik ang Panginoon sa kaluwalhatian, bababa sakay ng ulap at magpapakita sa lahat ng tao, kaya lagi silang nakatingala sa mga ulap sa kalangitan, naghihintay na bumaba ang Panginoon sakay ng ulap, at madala sa kalangitan at masalubong Siya. Naaayon ba ang paniniwalang ito sa katotohanan? Paano dapat maunawaan ng isang tao ang pagpapakita at gawain ng Diyos? Anong klaseng mga hiwaga ang nilalaman ng pagpapakita ng Diyos?

28 Hulyo 2019

Pagpuntirya nang Direkta sa mga Tsismis-July 22-24 —Disclose the inside truth of the CCP's transnational persecution of Christians!


      Recently, the human rights magazine "Bitter Winter" reported a piece of major news: a new round of false spontaneous demonstrations led by Korean pro-Communist O Myung-ok is scheduled to be held from July 22 to July 24. 
The Chinese government not only illegally persecutes Christians in China but also repeatedly extends its evil hands to South Korea, forcing Christians' relatives to be the bait and using pro-Communist O Myung-ok to hold false demonstrations in South Korea in order to mislead Korean government by such mean tricks to stop sheltering these Chinese Christians. 
The CCP's such an evil behavior of trampling on human rights is irritating. May more righteous people pay attention to this matter and support Chinese Christians in South Korea! 

This article is from: Bitter Winter/Massimo Introvigne

20 Abril 2019

Tagalog Christian Movies-Uusig sa Relihiyon sa China | "Kaligtasan Mula sa Panganib"



Tagalog Christian Movies-Uusig sa Relihiyon sa China | "Kaligtasan Mula sa Panganib"


      Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan.

26 Marso 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay-Ang Paghatol Ay Liwanag

Zhao Xia Lalawigan ng Shandong

Ang pangalan ko ay Zhao Xia. Isinilang ako sa isang pangkaraniwang pamilya. Dahil sa impluwensiya ng mga salawikain tulad ng “Ang ligaw na gansa ay nag-iiwan ng tinig; ang tao ay nag-iiwan ng reputasyon,” at “Nabubuhay ang puno sa balakbak nito; nabubuhay ang tao sa kanyang mukha,” naging partikular na mahalaga sa akin ang reputasyon at mukha.

10 Pebrero 2019

Tagalog Christian Song | "Ang Katotohanan ang Pinakamataas sa Lahat ng Talinghaga ng Buhay"



Tagalog Christian Song | "Ang Katotohanan ang Pinakamataas sa Lahat ng Talinghaga ng Buhay"

I
Ang ''Katotohanan'' ay ang pinaka-tunay
sa mga talinghaga ng buhay,
at pinakamataas ito sa buong sangkatauhan.
Tinatawag itong "talinghaga ng buhay",
ito ang hinihingi ng Diyos sa tao
at ginagawa Niyang personal,
hinihingi ng Diyos sa tao at ginagawa Niya nang personal.

27 Enero 2019

Filipino Variety Show | "Mga Pakana ng mga Pulis"



Tagalog Christian Skit | "Mga Pakana ng mga Pulis" | The CCP's New Tricks for Persecuting Christians


Para maalis ang mga paniniwala sa relihiyon, madalas magsagawa ang ateistang gobyerno ng CCP ng mga hakbang para bantayan ang mga Kristiyano gaya ng pagmamanman at pagsunod sa kanila sa tangka nitong malinis at maalis ang mga ito.

07 Enero 2019

Tagalog Christian Worship Song | "Tinunaw ng Pag ibig ng Diyos ang Aking Puso"

Tagalog Christian Worship Song | "Tinunaw ng Pag ibig ng Diyos ang Aking Puso"


Naririnig ko ang Iyong mabait na tawag,

bumabalik ako sa Iyong harapan.

Sa Iyong mga salita naliliwanagan,

nakikita ko ang aking katiwalian.

05 Enero 2019

Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao

Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao


Noo'y 'di malinaw sa layon ng buhay, ngayo'y alam ko na.

Hinanap ko'y estado at kasikatan.

Mag-isang tinahak ang pansariling landas, nabuhay para sa 'kin lamang.

Sa dasal sambit dati'y magagandang salita,

pero ang buhay ko ay hindi akma.

30 Disyembre 2018

Sinabi ng Panginoong Jesus na Siya ay babalik, at ano ang paraan ng Kanyang pagbabalik?

Ang Sagot mula sa Salita ng Diyos:

  Sa loob ng libong mga taon, inasam ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Inasam ng tao na makita si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, sa Kanyang pagkatao, sa mga taong nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libong mga taon. 

29 Disyembre 2018

Tagalog praise and worship songs with lyrics playlist

Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao

I
Ang Pag-ibig ng Diyos sa tao
Nakakamangha at kahanga-hanga
Unang naipakita sa Bibliya
Sa istorya ni Adan at Eba
Nakaka-antig at madamdamin
Ang Pag-ibig ng Diyos sa tao

28 Disyembre 2018

The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (4)


  Mula noong naluklok ito sa kapangyarihan sa kalakhang lupain ng China noong 1949, walang-humpay na ang Chinese Communist Party sa pang-uusig nito sa pananampalatayang panrelihiyon. Parang baliw nitong inaresto at pinatay ang mga Kristiyano, pinatalsik at inabuso ang mga misyonerong nagtatrabaho sa China, kinumpiska at sinira ang hindi mabilang na mga kopya ng Biblia, ipinasara at sinira ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang lipulin ang lahat ng tahanang iglesia.

27 Disyembre 2018

The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (3)


  Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Ipinapakita sa dokumentaryong ito ang biglaan at di-inaasahang pagkamatay ng Kristiyanong Chinese na si Song Xiaolan-isang pagkamatay na binigyan ng CCP police ng paiba-iba at magkakasalungat na paliwanag. Matapos imbestigahan, natuklasan ng pamilya Song na noon pa pala nagsisinungaling ang mga pulis. Nalaman ng isang kamag-anak ng pamilya mula sa isang kakilala sa Public Security Bureau na lihim na sinubaybayan ng CCP police si Xiaolan dahil sa kanyang pananalig sa Diyos at pagtupad sa kanyang mga tungkulin. Nang arestuhin siya ng mga pulis, binugbog siya ng mga ito hanggang sa mamatay. Para hindi masisi, pinagtakpan ng pulisya ang katotohanan sa pag-iimbento ng tagpo ng pagkamatay ni Song Xiaolan….

26 Agosto 2018

Ang mga Bunga ng Pagpapatahimik sa Iyong Puso sa Harap ng Diyos





Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang mga Bunga ng Pagpapatahimik sa Iyong Puso sa Harap ng Diyos



I
Ang pusong tunay na tahimik sa harap ng Diyos
ay di magagambala ng anuman sa mundo,
kahit ng tao, pangyayari o bagay;
maging tahimik sa harap ng Diyos.
Lahat ng negatibo'y nawawala,
ito ma’y pagkaintindi o masamang isip,
pilosopiya, maling ugnayan sa tao;
pumayapa sa harap ng Diyos.

22 Agosto 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kanta ng Papuri | Diyos Lamang ang May Landas ng Buhay

   🔹🔹🔹🔹🔹✝️✝️ 🔹🔹🔹🔹🔹



.•*¨*•.¸¸♬ .•*¨*•.¸¸ ♪.•*¨*•.¸¸♬.•*¨*•.¸¸♪.•*¨*•.¸¸ ♪.•*¨*•.¸¸♬.•*¨*•.¸¸♪


I
Ang landas ng buhay ay bagay na di-taglay ng sinuman;
bagay na di madaling kunin ng kahit na sino.
Dahil buhay ay sa Diyos lang nagmumula,
Diyos lang ang may diwa ng buhay,
Diyos lang ang may landas ng buhay.
Kaya Diyos lang pinagmumulan ng buhay,
at ang laging dumadaloy na bukal ng buhay na tubig ng buhay.
Mula sa paglikha ng mundo, maraming gawaing nagawa ang Diyos
na kasama ang sigla, na nagbibigay ng buhay sa tao;
Nagbayad Siya nang mahal upang tao'y makatamo ng buhay.
Dahil ang Diyos Mismo ang walang hanggang buhay;
Siya ang daan upang tao'y muling mabuhay.

19 Agosto 2018

Kristianong video | Mapanganib ang Landas Papunta sa Kaharian ng Langit (Trailer)

Si Zhong Xin ay pastor sa isang bahay-iglesia sa Chinese mainland. Matagal na siyang nananalig sa Panginoon at palaging naaaresto at pinahihirapan ng CCP.Napakatindi ng galit niya sa CCP, at matagal na niyang naliwanan na napakasama ng rehimen ng CCP na kumakalaban sa Diyos. Nitong nakaraang mga taon, nakita niya ang matinding pagtuligsa, pag-aresto at pagpapahirap ng gobyernong CCP at ng mga relihiyoso sa iglesia ng Kidlat ng Silanganan.


Gayunman, ang nakita niyang di-kapani-paniwala ay na hindi lang hindi natalo ang Kidlat ng Silanganan, kundi mas lalo pa itong lumago, kaya muling nag-isip-isip si Zhong Xin: Ang Kidlat ng Silanganan ba ang pagpapakita at gawain ng Panginoon? Natuklasan din niya na lahat ng salitang ginamit ng CCP at mga relihiyoso para tuligsain ang Kidlat ng Silanganan ay mga tsismis at kasinungalingan kaya, para malaman ang katotohanan, siniyasat nila ng kanyang mga kapatid ang Kidlat ng Silanganan. Sa pakikinig sa mga paliwanag ng mga nagpapatotoo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, napagtibay ng karamihan na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, na ang mga salitang ito ang tinig ng Diyos at na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Ngunit sa harap ng malupit na panunupil at pagpapahirap ng gobyernong CCP sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, gayundin sa mabangis na pagsuway at pagtuligsa ng mga pastor at elder ng mga relihiyon, nagtaka ang ilan: Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ang tunay na daan, kaya bakit ito mabangis na sinusuway at tinutuligsa ng mga makapangyarihan sa pulitika at mga relihiyon? Sa pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at pakikinig sa mga paliwanag ng mga nagpapatotoo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nauunawaan ng mga kapatid ang tunay na dahilan ng pagsuway ng sangkatauhan sa Diyos, malinaw nilang nakikita kung bakit lubhang mapanganib ang daan patungo sa langit, at naunawaan nila ang tunay na dahilan ng pagkamuhi sa katotohanan at pagkontra sa Diyos ng napakasamang rehimen ng CCP at mga pinuno ng relihiyon. Matatag na iwinaksi ng mga taong katulad ni Zhong Xin ang mga pagbabawal at paghihigpit ng impluwensya ni Satanas, tinanggap na nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at talagang nagbalik na sila sa harap ng luklukan ng Diyos.

15 Agosto 2018

Latest Tagalog Christian Music Video | "Sa Pagkatakot Lang sa Diyos na Malalayuan ang Kasamaan"



I
Ang disposisyon ng Diyos ay kamahalan at poot.
'Di Siya tupa na kakatayin lang ng kahit sino.
Hindi Siya manika, pinaglaruan ng kahit sino.
Ni 'di S'ya hangin, inuutusan lang ng tao.
Kung naniniwala ka sa pag-iral ng Diyos,
dapat puso mo'y may takot sa Kanya.
Alam mo dapat ang diwa ng Diyos ay 'di naaagrabyado.
Ang paglabag ay marahil dulot ng salita,
kaisipan, kaalaman o masamang gawain.
Maaaring dulot ito ng isang malumanay na kilos
na katanggap-tanggap ng moralidad.
Pero pag ginalit mo ang Diyos,
nawala mo na ang pagkakataong maligtas,
at ang mga huling araw mo'y malapit nang dumating.
Ito'y talagang nakakatakot.

12 Agosto 2018

Himno ng Karanasan ng Kristiyano | "Ang Langit Dito'y Bughaw na Bughaw" (Tagalog Subtitles)


I
Ay … Narito ang 'sang langit, 
Oh .... Isang langit na talagang ibang-iba!

Isang marikit na halimuyak ang pumupuspos sa buong lupain, 
at hangi'y malinis.
Nagkatawang-tao ang Makapangyarihang Diyos
at nabubuhay kapiling natin,
Nagpapahayag ng katotohanan
at sinisimulan ang paghatol ng mga huling araw.
Inilantad ng mga salita ng Diyos
ang katotohanan ng ating kasamaan,
nalinis tayo at naperpekto
ng bawat uri ng pagsubok at pagdadalisay.
Magpaalam na tayo sa masama nating buhay 
at baguhin ang dating itsura para sa bagong mukha.

09 Agosto 2018

Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus | "Paano Maglingkod Ayon sa Kalooban ng Diyos"



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung nais ninyong maglingkod sa kalooban ng Diyos, dapat muna ninyong maunawaan kung anong uri ng mga tao ang minamahal ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang kinamumuhian ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang ginagawang perpekto ng Diyos, at kung anong uri ng mga tao ang karapat-dapat maglingkod sa Diyos. Ito man lang ang dapat na mayroon kayo. Dagdag pa rito, dapat ninyong malaman ang mga hangarin ng gawa ng Diyos, at ang gawa ng Diyos na gagawin dito at ngayon. Matapos unawain ito, at sa pamamagitan ng paggabay ng mga  mga mga salita ng Diyos, kailangan muna ninyong pumasok, at unang tumanggap ng komisyon ng Diyos. Kapag aktwal kayong dumanas batay sa mga salita ng Diyos, at kapag tunay ninyong alam ang gawa ng Diyos, kayo ay magiging karapat-dapat sa paglilingkod sa Diyos. At kapag kayo ay naglilingkod sa Kanya, iminumulat ng Diyos ang inyong mga mata, at nagpapahintulot sa inyo na magkaroon ng isang mas higit na pang-unawa ng Kanyang gawa at mas malinaw itong makikita. Kapag pumasok ka sa katotohanan, ang iyong mga karanasan ay mas magiging malalim at tunay, at ang lahat sa inyo nagkaroon ng ganoong karanasan ay maaaring maglakad kabilang ang mga iglesia at maglaan sa inyong mga kapatid, ang bawat isa ay pinagmumulan ng lakas ng iba upang punan ang inyong sariling kakulangan, at nagkakaroon ng isang mas mayamang kaalaman sa inyong mga espiritu. Matapos makamit ang epektong ito, saka lamang kayo maaaring maglingkod sa kalooban ng Diyos at gawing perpekto ng Diyos sa kurso ng inyong serbisyo."