Sa mismong mata lang ng tao, lumilitaw na tila walang pagbabago sa mga pagbigkas ng Diyos sa panahong ito, na dahil hindi kayang maunawaan ng mga tao ang mga tuntunin kung saan nagsasalita ang Diyos, at hindi nauunawaan ang nilalaman ng Kanyang mga salita. Pagkabasa ng mga
salita ng Diyos, hindi naniniwala ang mga tao na may anumang bagong mga hiwaga sa mga salitang ito; kaya, hindi nila kayang mamuhay ng mga buhay na di-pangkaraniwang sariwa, at sa halip namumuhay ng mga buhay na walang pag-unlad at walang buhay. Pero sa mga pagbigkas ng Diyos, nakikita natin na may mas malalim na antas ng kahulugan, isa na kapwa di-maarok at di-maabot ng tao. Ngayon, para maging sapat na mapalad ang tao upang mabasa ang gayong mga salita ng Diyos ay ang pinaka-dakila sa lahat ng mga pagpapala. Kung walang magbabasa ng mga salitang ito, mananatiling mapagmataas kailanman ang tao, matuwid-sa-sarili, di-kilala ang sarili niya, at di-batid kung gaano karami na ang mga kamaliang mayroon siya. Pagkabasa ng malalim, di-maarok na mga salita ng Diyos, lihim na humahanga ang mga tao sa mga ito, at mayroong totoong pananalig sa kanilang mga puso, walang bahid ng kabulaanan; nagiging tunay na kalakal ang kanilang mga puso, hindi mga pekeng paninda. Ito talaga ang nangyayari sa mga puso ng mga tao. Lahat ay mayroong kanilang sariling salaysay sa kanilang puso. Parang sinasabi nila sa kanilang sarili: Mas malamang sinabi ito ng Diyos Mismo—kung hindi ang Diyos, sino pa ang makabibigkas ng gayong mga salita? Bakit hindi ko masabi ang mga ito? Bakit hindi ko kayang makagawa ng gayong gawain? Waring ang nagkatawang-taong Diyos na totoong sinasabi ng Diyos ay tunay, at ang Diyos Mismo! Hindi na ako magdududa. Kung hindi, malamang na kapag dumating ang kamay ng Diyos, magiging huli na ang lahat para sa pagsisisi! … Ito ang iniisip ng karamihan ng mga tao sa kanilang mga puso. Makatarungan sabihin na, mula kung kailan nagumpisang magsalita ang Diyos hanggang ngayon, magtatalikwas ang lahat ng tao nang walang suporta ng salita ng Diyos. Bakit sinasabi na gawa ng Diyos Mismo ang lahat ng gawaing ito, at hindi ng tao? Kung hindi gumamit ang Diyos ng mga salita upang suportahan ang buhay ng iglesia, mawawala lahat na parang bula. Hindi ba ito ang kapangyarihan ng Diyos? Ito ba’y talagang kahusayang magsalita ng tao? Ito ba’y mga pambihirang talento ng tao? Siguradong hindi! Kung walang pagsusuri, walang makakaalam kung ano’ng uri ng dugo ang nananalaytay sa kanilang mga ugat, hindi nila mababatid gaano karaming puso mayroon sila, o gaano karaming utak, at mag-iisip ang lahat na kilala nila ang Diyos. Hindi ba nila alam na may pagsalungat pa ring nakapaloob sa kanilang kaalaman? Hindi nga kataka-taka na sinasabi ng Diyos, “Ang bawat tao sa sangkatauhan ay dapat tanggapin ang pagmamasid ng Aking Espiritu, dapat siyasating mabuti ang kanilang bawat salita at gawa, at, higit pa rito, ay dapat tumingin sa Aking nakakamanghang gawa.” Makikita mula rito na hindi walang layon at walang basehan ang mga salita. Hindi kailanman pinakitunguhan ng Diyos ang sinuman nang di-makatarungan; maging si Job, na may buong pananampalatay niya, ay hindi pinakawalan—siya rin ay sinuri, at iniwang walang mapagtaguan mula sa kanyang kahihiyan. At iyan ay hindi na kailangang banggitin ang mga tao ngayon. Kaya, kaagad nagtatanong ang Diyos: “Ano ang inyong pakiramdam sa oras ng pagdating ng kaharian sa lupa?” Hindi gaanong mahalaga ang tanong ng Diyos, pero nangatitilihan ang mga tao: Ano ang nararamdaman namin? Hindi pa rin namin alam kung kailan darating ang kaharian, kaya paano kami makapagusap tungkol sa mga damdamin? Higit pa, wala kaming pahiwatig. Kung may mararamdaman akong anuman, magiging “nagilalas,” at wala nang iba pa. Sa katunayan, hindi layon ng mga salita ng Diyos ang tanong na ito. Higit sa lahat, “Nang umagos ang Aking mga anak at tao sa Aking trono, pormal Kong sinisimulan ang paghatol sa harap ng malaking puting trono,” binubuod ng nag-iisang pangungusap na ito ang mga pagsulong ng buong espirituwal na kaharian. Walang nakaaalam kung ano ang gustong gawin ng Diyos sa espirituwal na kaharian sa panahon ngayon, at matapos lang binibigkas ng Diyos ang mga salitang ito nagkakaroon ng isang katiting na pagpukaw sa mga tao. Dahil may iba’t ibang hakbang sa gawain ng Diyos, nagkakaiba-iba rin ang gawain ng Diyos sa buong sansinukob. Sa panahong ito, pangunahing inililigtas ng Diyos ang mga anak at ang bayan ng Diyos, na ang ibig sabihin ay, pinagpapastulan ng mga anghel, nagsisimulang tanggapin ng mga anak at ng bayan ng Diyos ang pagiging pinakikitunguhan at binasag, opisyal nilang sinisimulang pawiin ang kanilang mga kaisipan at pagkaintindi, at nagpapaalam sa mga pamamaraan ng mundo; sa ibang salita, ang “paghatol sa harap ng malaking puting trono” na binanggit ng Diyos ay opisyal na nagsisimula. Dahil paghatol ito ng Diyos, dapat bumigkas ng Kanyang tinig ang Diyos—at kahit na nagkakaiba-iba ang nilalaman, palaging pareho ang layon. Ngayon, batay sa tono kung saan nagsasalita ang Diyos, tila nakatuon ang Kanyang mga salita sa isang partikular na grupo ng mga tao. Sa katunayan, higit sa lahat, nakapatungkol ang mga salitang ito sa kalikasan ng buong sanglibutan. Direkta nitong ginugutay ang gulugod ng tao, hindi nagpipigil ang mga itona makasakit ng damdamin ng tao, at ibinubunyag ng mga ito ang kabuuan ng kanyang pinakadiwa, walang itinitira, hindi hinahayaang makalusot ang anuman. Simula ngayon, opisyal na ibinubunyag ng Diyos ang totoong mukha ng tao, at kaya “pinakakawalan ang tinig ng Aking Espiritu sa buong sansinukob.” Ang epektong sukdulang natatamo ay “Sa pamamagitan ng Aking mga salita, lilinisin Ko ang lahat ng mga tao at mga bagay kasamang lahat ng nasa langit at sa lupa, upang ang lupain ay hindi na marumi at may kahalayan, ngunit isang banal na kaharian.” Ihinaharap ng mga salitang ito ang hinaharap ng kaharian, na buong-buong kaharian ni Cristo, tulad ng sinabi ng Diyos, “Mabuting bunga ang lahat, masisigasig na magbubukid ang lahat.” Siyempre, magaganap ito sa buong sansinukob, at hindi lang limitado sa Tsina.