Tangi lang kapag nagumpisang magsalita at kumilos ang Diyos na nagkakaroon ang mga tao ng kaunting kaalaman sa Kanya sa kanilang mga pagkaintindi. Sa pasimula, umiiral lang ang kaalamang ito sa kanilang mga pagkaintindi, pero sa paglipas ng panahon, naguumpisang maramdaman ng mga tao na ang kanilang sariling mga kaisipan ay lalo nang nawawalan ng saysay at di-angkop; kaya, napaniniwala sila ng lahat ng sinasabi ng Diyos, hanggang sa puntong sila’y “lumilikha ng isang lugar para sa praktikal na Diyos sa kanilang kamalayan.” Nasa kanilang kamalayan lang na may lugar ang mga tao para sa praktikal ng Diyos. Sa katunayan, gayunman, hindi nila kilala ang Diyos, at walang masabi kundi mga hungkag na salita. Pero kung ihahambing sa nakalipas, nakagawa sila ng malaking pagsulong—bagaman napakalayo pa rin nila mula sa praktikal na Diyos Mismo. Bakit laging sinasabi ng Diyos, “Sa bawat araw ay naglalakad Ako sa gitna nang walang tigil na daloy ng mga tao, at sa bawat araw ay kumikilos Ako sa loob ng bawat tao”? Mas madalas sinasabi ng Diyos ang mga gayong bagay, mas maihahambing ng mga tao ang mga ito sa mga pagkilos ng praktikal na Diyos Mismo ng kasalukuyan, kaya nga mas makikilala nila ang praktikal na Diyos sa realidad. Dahil binabanggit ang mga salita ng Diyos mula sa pananaw ng katawang-tao, at binigkas ginagamit ang wika ng sangkatauhan, nakakayang pahalagahan ng mga tao ang mga salita ng Diyos sa pagsukat sa kanila kahambing ang mga materyal na bagay, at sa gayon isang mas malaking epekto ang natatamo. Dagdag pa, paulit-ulit na sinasabi ng Diyos ang imahe ng “Ako” sa puso ng mga tao at ng “Ako” sa realidad, na nagagawang mas pumapayag ang mga tao na pawiin ang imahe ng Diyos sa kanilang mga puso, at kaya pumapayag na makilala at makipag-ugnayan sa praktikal ng Diyos Mismo. Ito ang karunungan ng mga salita ng Diyos. Mas sinasabi ng Diyos ang gayong mga bagay, mas higit ang kapakinabangan sa kaalaman ng mga tao sa Diyos, at kaya sinasabi ng Diyos, “Kung hindi Ako naging katawang-tao, hindi Ako kailanman makikila ng mga tao, at kahit na makikilala niya Ako, hindi ba’t ang naturang kaalaman ay isa pa ring pagkaintindi?” Tunay nga, kung hiningi sa mga tao na makilala ang Diyos ayon sa kanilang sariling mga pagkaintindi, magiging madali ito para sa kanila, makapagpapahinga sila at masisiyahan, at kaya magiging malabo kailanman ang Diyos, at hindi praktikal sa mga puso ng mga tao, na magpapatunay na si Satanas which would prove that Satan, at hindi ang Diyos, ang nagtataglay ng dominyon sa buong sansinukob; kaya, ang mga salita ng Diyos na “Nabawi Ko na ang Aking kapangyarihan” ay mananatiling hungkag kailanman.
Kapag nag-umpisang kumilos nang tuwiran ang pagka-Diyos ay ang panahon din na opisyal na bumababa ang kaharian sa mundo ng tao. Pero ang sinasabi rito ay na bumababa ang kaharian sa gitna ng tao, hindi na nag-aanyo ang kaharian sa gitna ng tao—at kaya ang sinasabi ngayon ay ang pagtatayo ng kaharian, at hindi paano ito nag-aanyo. Bakit palaging sinasabi ng Diyos na “Tumatahimik lahat ng bagay”? Maaari kaya na tumigil nang walang tinag ang lahat ng bagay? Maaari kayang talagang tumahimik ang malalaking bundok? Pero bakit walang nadarama ang mga tao rito? Maaari kayang mali ang salita ng Diyos? O nagpapalabis ang Diyos? Dahil isinasakatuparan lahat ng ginagawa ng Diyos sa loob ng isang partikukar na kapaligiran, walang nakababatid nito, o kayang mawari ito sa sariling mga mata, at lahat lang na magagawa ng mga tao ay makinig sa pagsasalita ng Diyos. Dahil sa kamahalan na ipinangkikilos ng Diyos, kapag dumarating ang Diyos, para bang nagkaroon ng napakalaking pagbabago sa langit at sa daigdig; at sa Diyos, tila nagmamasid ang lahat sa sandaling ito. Ngayon, parating pa ang mga katunayan. Natuto lang ng kaunti ang mga tao mula sa bahagi ng literal na kahulugan ng salita ng Diyos. Naghihintay ang tunay na kahulugan ng panahon kapag inalis nila sa sarili nila ang kanilang mga pagkaintindi; saka lang sila magkakaroon ng kabatiran sa kung ano ang ginagawa sa daigdig at sa langit ngayon ng nagkatawang-taong Diyos. Sa bayan ng Diyos sa Tsina hindi lang naroon ang kamandag ng malaking pulang dragon. Gayundin, naman, higit na naihahayag nang sagana, at mas malinaw, ang kalikasan ng malaking pulang dragon, sa kanila. Pero hindi nagsasalita ang Diyos nang tuwiran dito, binabanggit lang ang kaunti tungkol sa kamandag ng malaking pulang dragon. Sa ganiton paraan, hindi Niya inilalantad nang tuwiran ang mga pilat ng tao, na mas kapaki-pakinabang sa pag-unlad ng tao. Ayaw patawag sa harap ng iba ang mga bunga ng malaking pulang dragon na mga inapo ng malaking pulang dragon. Na para bang ang mga salitang “malaking pulang dragongreat red dragon” ay nagdadala ng kahihiyan sa kanila; wala sa kanila ang nahahandang magsalita tungkol sa mga salitang ito, at kaya sinasabi lang ng Diyos, “ang yugtong ito ng Aking gawa ay pangunahing nakatutok sa inyo, at ito ay isang aspeto ng kabuluhan ng Aking pagkakatawang-tao sa Tsina.” Mas may katumpakan, pangunahing nakarating ang Diyos para sakupin ang halimbawa ng mga kinatawan ng bunga ng malaking pulang dragon, na ito ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa Tsina.
“Kapag Ako ay personal na dumating sa mga tao, ang mga anghel ay sabay na sinisimulang gawin ang pagpapastol.” Sa katunayan, hindi inuunawa nang literal na dumarating lang ang Espiritu ng Diyos sa mundo ng tao kapag nag-uumpisa ng kanilang gawain ang mga anghel sa gitna ng mga tao. Sa halip, ang dalawang piraso ng gawain—gawain ng pagka-Diyos at ng pagpapastol ng mga anghel—sabay-sabay na isinasakatuparan. Kasunod, nakikipag-usap ang Diyos nang kaunti tungkol sa pagpapastol ng mga anghel. Kapag sinasabi Niya na “ang lahat ng mga anak at bayan ay hindi lamang makatatanggap ng mga pagsubok at pagpapastol, ngunit maaari rin mamasdan, sa kanilang sariling mga mata, ang pangyayari ng lahat ng uri ng mga pangitain,” may masaganang pagguni-guni ang karamihan sa mga tao tungkol sa salitang “mga pangitain.” Tinutukoy ng mga pangitain ang mga di-pangkaraniwang mga pangyayari sa mga guni-guni ng mga tao. Pero nananatiling ang kaalaman sa praktikal na Diyos Mismo ang nilalaman ng gawain. Ang mga pangitain ang mga paraan kung saan gumagawa ang mga anghel. Maaaring bigyan ng mga ito ang mga tao ng mga damdamin at mga panaginip, hinahayaang silang mawari ang pag-iral ng mga anghel. Pero nananatiling di-nakikita ng tao ang mga anghel. Ang paraan kung saan gumagawa sila sa gitna ng mga anak at bayan ng Diyos ay tuwirang liwanagan at paliwanagin sila, dagdag dito ang pakikitungo at pagbasag sa kanila. Madalang silang magbigay ng mga sermon. Siyempre, ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga tao ang eksepsiyon; ito ang nangyayari sa mga bayan sa labas ng Tsina. Nakapaloob sa mga salita ng Diyos ang pahayag ng mga buhay na situwasyon ng buong sanglibutan—siyempre, pangunahing nakatuon ito sa bunga ng malaking pulang dragon. Sa iba’t ibang espirituwal na kalagayan ng buong sanglibutan, pinipili ng Diyos yaong kinatawan upang magsilbing mga huwaran. Kaya, hinuhubaran ang mga tao ng mga salita ng Diyos, at wala silang kahihiyan, o kaya walang panahong magtago mula sa nagniningning na liwanag, at ginagamit ang kanilang sariling paraan para talunin sila. Ang maraming paggawi ng tao ay isang labis-labis na mga imahe, na naiguhit ng Diyos mula sa sinaunang panahon hanggang ngayon, at na iguguhit Niya mula ngayon hanggang bukas. Lahat na iginuguhit Niya ay ang kapangitan ng tao: Tumatangis ang ilan sa karimlan, tila namimighati sa kawalan ng paningin mula sa kanilang mga mata, tumatawa ang ilan, hinahampas ang ilan ng malalaking alon, naglalakad ang ilan sa mga alun-along daan sa bundok, naghahanap ang ilan sa gitna ng malawak na ilang, nanginginig sa takot, tulad nang nahihintakutan sa situwasyon ngayon dahil sa nakaraang karanasan, lubhang natatakot na makain ng mababangis na hayop sa kabundukan. Sa mga kamay ng Diyos, itong maraming pangit na paggawi ay nagiging nakakaantig, parang buhay na pagsasalarawan, nakapanghihilakbot tingnan ang karamihan sa mga ito, o kaya sapat upang makapanindig-balahibo sa mga tao at maguluhan at malito. Sa mga mata ng Diyos, walang iba kundi kapangitan ang lahat na naipapakita sa tao, at bagaman maaring mag-udyok ito ng kahabagan, kapangitan pa rin ito. Ang posisyon ng kaibahan ng tao mula sa Diyos ay na ang kahinaan ng tao ay nasa kanyang pagkahilig na magpakita ng kabaitan tungo sa iba. Ang Diyos, gayunman, ay hindi nagbabago sa tao, na nangangahulugan na Siya ay laging may katulad na saloobin. Hindi Siya laging may kabaitan gaya ng akala ng mga tao, tulad ng inang may karanasan na ang mga anak ay laging nangunguna sa kanyang isip. Sa katunayan, kung ayaw ng Diyos na gumamit ng isang hanay ng pamamaraan upang lupigin ang malaking pulang dragon, walang paraan para magpasakop Siya sa gayong paghamak, hinahayaan ang Sarili Niya na mapasailalim sa mga limitasyon ng tao. Ayon sa kalikasan ng Diyos, pumupukaw ng poot ng Diyos ang lahat na ginagawa at sinasabi ng mga tao, at dapat silang kastiguhin. Sa mga mata ng Diyos, wala kahit isa sa kanila ang nakaabot sa pamantayan, at puntirya ng pagsalakay ng Diyos ang bawat isa. Dahil sa mga prinsipiyo ng gawain ng Diyos sa Tsina, at, bukod diyan, dahil sa kalikasan ng malaking pulang dragon, dagdag pa ang katunayan na ang Tsina ang bayan ng malaking pulang dragon, at ang lupain kung saan naninirahan ang Diyos na nagkatawang-tao, kailangang magdusa nang tahimik ang Diyos at lupiging lahat ng bunga ng malaking pulang dragon; pero lagi Niyang kasusuklaman ang bunga ng malaking pulang dragon, iyan ay, lagi Siyang masusuklam sa lahat na nanggagaling mula sa malaking pulang dragon—at hindi ito kailanman mababago.
Walang sinuman ang nakabatid kailanman ng anuman sa mga pagkilos ng Diyos, ni napagmasdan kailanman ang Kanyang pagkilos ng anumang bagay. Nang bumalik ang Diyos sa Sion, halimbawa, sino ang nabatid ito? Kaya, ang mga salita tulad ng “Tahimik Akong dumarating sa tao, at dahan-dahang lumilisan. Mayroon bang nakakita na sa Akin?” ay ipinapakita na talagang kulang ang tao ng mga kakayahang tanggapin ang mga pangyayari sa espirituwal na kaharian. Noon, sinabi ng Diyos na “maapoy ang araw, makinang ang buwan” sa Kanyang pagbalik sa Sion. Dahil abala pa rin ang mga tao sa pagbalik ng Diyos sa Sion—dahil hindi pa nila ito mapakawalan—tuwirang binibigkas ng Diyos ang mga salitang “maapoy ang araw, at makinang ang buwan” upang umayon sa mga pagkaintindi ng mga tao. Bilang resulta, kapag hinampas ng mga salita ng Diyos ang mga pagkaintindi ng mga tao, minamasdan nila na kamangha-mangha ang mga pagkilos, at nakikita na malalim at di-maarok ang Kanyang mga salita, at di-maaring-maunawaan ng lahat; kaya, ganap nilang isinantabi ang usaping ito, at nakakaramdam ng kaunting kalinawan sa kanilang mga espiritu, na parang nakabalik na sa Sion ang Diyos, kung kaya hindi nagbibigay ng malaking pansin ang mga tao sa usaping ito. Mula noon, tinatanggap nila ang mga salita ng Diyos na may isang puso at isang isip, at hindi na nababalisa na sasapit ang kapahamakan matapos bumalik ang Diyos sa Sion. Noon lang naging madali sa mga tao na tanggapin ang mga salita ng Diyos, itinutuon ang kabuuan ng kanilang pansin sa mga salita ng Diyos, nawawalan ng pagnanais na may iba pang pag-iisipan.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento