“Karamihan sa mga tao ay naguguluhan lamang; nasusugatan sila sa mga mata at nasusubsob sila sa putik sa pamamagitan ng liwanag.” Dahil sumasalungat sila sa kalooban ng Diyos (iyan ay, nilalabanan nila ang Diyos), nagdurusa ng pagkastigo ang ganyang uri ng tao dahil sa kanilang pagka-mapanghimagsik kapag dumarating ang salita ng Diyos; kaya nga sinasabi na nasusugatan sila sa mga mata sa pamamagitan ng liwanag. Naipagkaloob na kay Satanas ang ganitong uri ng tao, kaya sa pagpasok sa bagong gawain wala silang anumang kaliwanagan o pagpapalinaw. Natatahanan na ni Satanas ang lahat na wala ang gawain ng Banal na Espiritu, at walang puwang para sa Diyos sa kalaliman ng kanilang mga puso, kaya nga sinasabi na sila ay “nasusubsob sila sa putik.” Yaong mga nasa ganitong kondisyon ay lahat nasa magulong kalagayan. Hindi sila makapasok sa tamang landasin, hindi nila kayang ibalik ang pagka-normal, lahat taliwas ang iniisip nila sa kanilang mga isip. Napasama ni Satanas sa sukdulan ang lahat ng tao sa daigdig. Wala silang sigla at puno sila ng amoy ng mga bangkay. Nananatiling buhay ang lahat ng tao sa daigdig sa gitna ng isang salot ng mga mikrobiyo at walang sinumang makakatakas dito. Hindi nila nais na nananatiling buhay sa daigdig, pero palagi nilang pakiramdam na may mangyayaring isang bagay na nakahihigit upang makita ito ng mga tao sa mga sarili nila, kaya pinipilit ng mga tao ang kanilang mga sarili na patuloy na mabuhay. Matagal nang wala ng lakas ang mga tao sa kanilang mga puso, ginagamit lang nila ang kanilang di-nakikitang mga pag-asa bilang isang espirituwal na haligi, kaya inaangat lang nila ang kanilang sariling mga ulo gumagawing gaya ng tao, nakakaraos sa kanilang mga araw sa daigdig. Para bang mga anak ng demonyong nagkatawang-tao ang lahat ng tao. Kaya nga sinabi ng Diyos: “natatalukbungan sa ilalim ng kaguluhan ang daigdig, gumagawa ng nakalulungkot na tanawing hindi makayanang tingnan na, kung sinusuri nang malapitan, sinasalakay ang isang tao ng napakatinding kalungkutan.” Dahil sa pagpapakita ng ganitong kalagayan inumpisahan ng Diyos na “isinasabog ng Aking mga kamay ang mga binhi ng Aking Espiritu” tungo sa buong sansinukob, at sinimulang isakatuparan ang Kanyang gawain ng pagliligtas sa buong daigdig. Dahil ito sa pagsulong ng ganitong gawain na sinimulan ng Diyos na magpaulan ng lahat ng uri ng mga sakuna, kaya naman naililigtas ang mga taong matitigas ang mga puso. Sa mga yugto ng gawain ng Diyos, sa pamamagitan pa rin ng mga ibat ibang uri ng mga sakuna ang paraan ng pagliligtas at hindi matatakasan ang mga ito ng lahat niyaong napabilang. Sa wakas lang magkakaroon ng kalagayan na “kasing-payapa ng ikatlong langit: Ang nabubuhay dito malaki man o maliit ay sama-samang umiiral nang magkaayon, at hindi kailanman nasasangkot sa ‘mga pagtatalo ng bibig at dila’” makakayang magpakita sa daigdig. Ang malupig ang buong sangkatauhan at makamtan ang mga taong hinirang sa pamamagitan ng Kanyang mga salita ang isang aspeto ng gawain ng Diyos. Ang malupig ang lahat ng mga anak ng paghihimagsik sa pamamagitan ng ibat ibang mga sakuna ang isa pang aspeto. Isang bahagi ito ng malawakang gawain ng Diyos. Sa paraan lang ito maaaring lubusang matatamo ang kaharian sa daigdig na nais ng Diyos, at ito ang bahagi ng gawain ng Diyos na tulad ng dalisay nag into.
Palaging hinihingi ng Diyos na maunawaan ng mga tao ang dinamika ng langit. Talaga bang makakamtan nila iyon? Ang realidad ay na, batay sa kasalukuyang aktuwal na mga kalagayan ng mga tao, dahil napasama na ni Satanas sa mahigit na 5,900 taon, hindi sila maihahambing kay Pedro at kaya hindi nila basta magagawa ito. Isa ito sa mga pamamaraan ng gawain ng Diyos. Hindi Niya basta paghihintayin lang ang mga tao, pero aktibo silang paghahanapin Niya. Tanging sa paraang ito lang magkakaroon ng pagkakataon ang Diyos na gumawa sa mga tao. Mainam na mas higit pang ipaliwanag ito, kung hindi magkakaroon lang ang mga tao ng mababaw na pagkakaunawa. Pagkatapos likhain ng Diyos ang sangkatauhan at binigyan sila ng mga espiritu, iniutos Niya sa kanila na kung hindi sila tatawag sa Diyos, kung gayon hindi sila makakapag-ugnayan sa Kanyang Espiritu at kaya hindi matatanggap sa daigdig ang “telebisyong satelayt” mula sa langit. Kapag wala na ang Diyos sa mga espiritu ng mga tao mayroong isang walang-lamang upuan ang naiiwang bukas para sa ibang bagay, at iyan ang kung paano sinasamantala ni Satanas ang pagkakataon na makapasok. Kapag nakikipag-ugnayan ang mga tao sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga puso, kaagad na natataranta si Satanas at nagmamadali upang tumakas. Sa pamamagitan ng mga pagsamo ng sangkatauhan ay ipinagkakaloob sa kanila ng Diyos ang kanilang pangangailangan, pero hindi Siya “naninirahan” sa loob nila sa simula. Palagi Niyang ipinagkakaloob sa kanila ang tulong dahil sa kanilang mga pagsamo at nakakamtan ng mga tao ang tibay mula sa kalakasang panloob kaya hindi nangangahas si Satanas na pumunta rito para “maglaro” ayon sa gusto nito. Sa ganitong paraan, kung palaging nakikipag-ugnayan ang mga tao sa Espiritu ng Diyos, hindi nangangahas si Satanas na manggambala. Nang walang panggagambala ni Satanas, normal ang mga buhay ng lahat ng mga tao at may pagkakataon ang Diyos na gumawa sa loob nila nang walang anumang mga paghahadlang. Sa ganitong paraan, maisasakatuparan kung ano ang nais gawin ng Diyos sa pamamagitan ng mga tao. Mula rito’y malalaman na laging hinihingi ng Diyos sa mga tao na pag-ibayuhin ang kanilang pananampalataya, at nasabi rin: “Gumagawa Ako ng mga angkop na pangangailangan batay sa tayog ng tao sa mundo. Hindi Ko kailanman inilagay ang sinuman sa mga paghihirap, ni hiniling kaninuman na “pigain ang kanyang dugo” para sa Aking kaluguran.” Palaisipan pa rin sa napakaraming tao ang mga kinakailangan ng Diyos, sinasabing, dahil wala ng ganoong kakayahan ang mga tao at di-mapanauling napasama na sila ni Satanas, bakit patuloy na hinihingi ng Diyos ang mga kinakailangan sa kanila? Hindi ba inilalagay ng Diyos ang mga tao sa isang mahirap na posisyon? Nakikita ang pormal na mga mukha ng mga tao, at saka nakikita ang kanilang hitsura ng pagiging napaka-asiwa, hindi mo mapigil na tumawa. Pinaka-nakakatawa ang iba-ibang kapangitan ng mga tao— kung minsan ay para silang isang bata na mahilig maglaro, at kung minsan sila’y tulad ng maliit na batang babaeng nagkukunwaring “nanay.” Kung minsan para silang isang asong kumakain ng isang daga. Sadyang katawa-tawang katatawanan ang lahat ng kanilang mga pangit na katayuan, at madalas mas higit na hindi nauunawaan ng mga tao ang kalooban ng Diyos, higit na malamang mapahamak sila. Kaya nga makikita ito sa mga salita ng Diyos, “Ako ba ang Diyos na nagpapataw lamang ng katahimikan sa sangnilikha?” napakahangal ng mga tao, at ipinapakita nito na walang tao ang makauunawa sa kalooban ng Diyos. Kahit na magsalita Siya kung ano ang kalooban Niya, hindi sila nagiging mapagsaalang-alang dito. Ginagawa lang nila ang gawain ng Diyos batay sa kalooban ng tao, kaya paano nilang mauunawaan ang kalooban Niya nang gayon? “Naglalakad-lakad Ako sa lupa, nagsasabog ng Aking bango sa lahat ng dako, at iniiwan ang Aking anyo sa bawat lugar. Umaalingawngaw sa bawat lugar ang tunog ng Aking tinig. Ang mga tao sa lahat ng dako ay nananatiling ginugunita ang magagandang tanawin ng kahapon, dahil inaalala ng buong sangkatauhan ang nakalipas …” Ito ang magiging kalagayan kapag naitatatag ang kaharian. Sa katunayan, naihula na ng Diyos sa iba-ibang bahagi ang kagandahan ng pagkatanto sa kaharianin, at kung pinagsasama-sama ang lahat ng mga ito, isa itong ganap na larawan ng kaharian. Pero hindi ito pinapansin ng mga tao—pinapanood lang nila ito na parang isang cartoon.
Dahil sa maraming libong taon ng katiwalian ni Satanas, laging nabubuhay ang mga tao sa kadiliman, kaya hindi sila nababagabag ng kadiliman ni nananabik sa liwanag. Ito ang nagdala sa ganito nang nakarating ang liwanag ngayon: “tutol silang lahat sa Aking pagdating, itinaboy nilang lahat ang liwanag sa pagdating nito, na parang kaaway Ako ng tao sa kalangitan. Binabati Ako ng tao nang may pagsanggalang na liwanag sa kanyang mga mata.” Kahit na nagmamahal sa Diyos nang taimtim ang puso ang karamihan sa mga tao, hindi pa rin Siya napapalugod at kinokondena pa rin ang sangkatauhan. Nakakalito ito para sa mga tao. Dahil nakatira ang mga tao sa karimlan, ginagawa pa rin ang kanilang paglilingkod sa Diyos sa parehong paraan gaya sa kalagayang nagkukulang sa liwanag. Iyan ay, naglilingkod sa Diyos lahat ng mga tao ginagamit ang sarili nilang mga pagkaunawa, at kapag dumarating ang Diyos nasa loob ng ganitong uri ng katayuan ang lahat ng mga tao at hindi nila kayang maglingkod sa Diyos sa pamamagitan ng pagtanggap ng bagong liwanag, pero ginagamit nila ang lahat ng kanilang sariling karanasan para maglingkod sa Kanya. Hindi nagtatamasa ng kasiyahan ang Diyos mula sa “katapatan,” ng sangkatauhan, kaya hindi mapupuri ng sangkatauhan ang liwanag sa kadiliman. Kaya nga sinabi ng Diyos ito—hindi talaga taliwas sa katunayan, at hindi ito pagmaltrato ng Diyos sa sangkatauhan, ni hindi ito paggawa Niya ng mali sa kanila. Mula sa paglikha ng mundo hanggang ngayon, wala isa mang tao ang talagang nalasap ang init ng Diyos—mapagbantay sila tungo sa Diyos, malalim na natatakot na pababagsakin sila ng Diyos, na lilipulin Niya sila. Kaya sa mahigit na anim na libong taong ito palaging nagagamit ng Diyos ang init kapalit ng kataimtiman ng mga tao, at palaging matiyagang nagagabayan sila saanmang dako. Dahil ito sa napakahina ng mga tao, at hindi nila lubusang nalalaman ang kalooban ng Diyos, at hindi nila namamahal Siya nang buong-puso, dahil hindi nila mapigil na hindi mapailalim sa pagpapatakbo ni Satanas. Pero kahit ganito ang kalagayan, mapagpahinuhod pa rin ang Diyos, at kapag nagpaparaya Siya hanggang sa isang partikular na araw, iyan ay, kapag pinaninibago Niya ang mundo, hindi na Niya kakalingain ang mga tao tulad ng isang ina. Sa halip, ibibigay Niya sa sangkatauhan ang kanilang nararapat na kagantihan kaya nga matapos ito ay magkakaroon ng: “Tinatangay ang mga bangkay sa ibabaw ng karagatan,” samantala “Ngunit sa mga lugar na walang tubig, nagtatamasa pa rin ang ibang mga tao, sa gitna ng tawanan at awitan, sa mga pangakong Aking pinayagan.” Ito ang paghahambing sa pagitan ng mga hantungan ng mga ginagantimpalaan at ang mga pinarurusahan. “Sa ibabaw ng karagatan” ay tumutukoy sa walang hanggang kalaliman ng pagkastigo ng sanglibutan na sinasabi ng Diyos. Ito ang huling hantungan ni Satanas, at ito ang“dakong kapahingahan” na naihanda para sa lahat na tumututol sa Kaya. Palaging ninanais ng Diyos ang tunay na pag-ibig ng sangkatauhan, pero nang hindi nalalaman ito, ginagawa pa rin ng mga tao ang kanilang sariling gawain. Kaya nga, sa lahat ng Kanyang mga salita, palaging nakagagawa ng mga kahilingan ang Diyos sa mga tao at natatawag-pansin Niya ang kanilang mga pagkukulang gayundin ang kanilang landas para sa pagsasagawa, upang makapagsagawa sila ayon sa mga salitang ito. Nagbibigay-liwanag din ang Diyos sa Kanyang sariling saloobin sa mga tao: “Ngunit kailanman wala Akong bale-wala lamang na kinuhang buhay ng tao upang paglaruan na parang isang laruan ito. Minamatyagan Ko ang dugo sa puso ng tao, at nalalaman Ko ang halaga na kanyang binayaran. Habang nakatayo siya sa harap Ko, hindi Ko hinahangad na pagsamantalahan ang kawalang kakayahan ng tao na ipagtanggol ang kanyang sarili upang parusahan siya, ni ipagkaloob sa kanya ang mga di-kanais-nais na bagay. Sa halip, natustusan Ko lang ang tao, at nakapagbigay sa kanya, sa buong panahong ito.” Kapag binabasa ng mga tao ang mga salitang itong galing sa Diyos, kaagad nilang nararamdaman ang Kanyang init: Sa katunayan, gumugol ako para sa Diyos sa nakaraan pero naituturing ko rin Siya nang di-interesado, at kung minsan nakapagreklamo ako sa Kanya. Palaging nagagabayan ako ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga salita at masyado Siyang nagbibigay-pansin sa aking buhay, pero kung minsan pinaglalaruan ko ito na parang isang laruan. Talagang di-makatuwiran ito. Sobrang minamahal ako ng Diyos, kaya bakit hindi ako makapagsumikap nang maigi? Kapag naiisip nila ito, talagang gusto ng mga taong sampalin ang kanilang sariling mga mukha, o, sa kalagayan ng ilang tao, kumikislot pa nga ang kanilang mga ilong at humihiyaw sila nang malakas. Nauunawaan ng Diyos ang mga puso ng mga tao at nagsasalita alinsunod dito, at ang ilang salitang ito na hindi matigas ni malambot ay pumupukaw ng pag-ibig sa Diyos sa mga tao. Sa wakas, inihula ng Diyos ang pagbabago sa Kanyang gawain sa panahong itinatatag ang kaharian sa daigdig: Kapag narito sa daigdig ang Diyos, makakayang makawala ang mga tao mula sa mga sakuna at mga kalamidad at makakayang magpasarap sa biyaya, pero kapag sinisimulan Niya ang paghatol ng dakilang araw, ito ang kung kailan nagpapakita Siya sa gitna ng mga tao, at lubusang magiging ganap ang buong gawain Niya sa daigdig. Sa panahong iyon, dahil nakarating na ang araw na iyan, magiging tulad nang pagkasabi sa Biblia: “Ang liko, ay magpakaliko pa: at ang marumi, ay magpakarumi pa: at ang matuwid, ay magpakatuwid pa: at ang banal, ay magpakabanal pa.” Babalik ang di-matuwid sa pagkastigo, at babalik ang banal sa harap ng trono. Wala isa mang tao ang makakamtan ang Kanyang kaluwagan, kahit pa nga ang mga anak at mga tao ng kaharian. Magiging katuwiran ng Diyos ang lahat, at magiging paghahayag ng Kanyang disposiyon. Hindi Siya magpapakita ng paglingap sa mga kahinaan ng sangkatauhan sa pangalawang pagkakataon.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento