Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao
I
Ang Pag-ibig ng Diyos sa tao
Nakakamangha at kahanga-hanga
Unang naipakita sa Bibliya
Sa istorya ni Adan at Eba
Nakaka-antig at madamdamin
Ang Pag-ibig ng Diyos sa tao
II
Ang umaapaw na pag-ibig ng Diyos malayang ibinigay sa tao.
Inosente at puro, hindi nababagabag,
puno ng biyaya sa buhay.
Alaga siya ng Diyos, at laging sakop ng Kanyang pakpak.
Lahat ng ating salita't gawa,
ay kaugnay ng Diyos at di mai-wawalay.
III
Mula nang unang likhain ang sangkatauhan,
nasa isip ng Diyos, protektahan at laging bantayan
Nais Niyang manalig ang tao sa Kanya (ang tao sa Kanya).
At sundin ang Kanyang Salita,
ito ang inasahan ng Diyos sa Sangkatauhan.
IV
Dala ang pag-asang ito, sinabi ng Diyos:
''Bawat puno sa hardin, Malaya kang kumain,
maliban lang sa puno ng kaalaman ng mabuti't masama (mabuti't masama).
'Pagkat sa araw na kinain mo 'yon,
tiyak kang mamamatay.''
Mga simpleng salita, sumasagisag ng nais Niya,
nagpapakita ng malasakit ng Diyos para sa atin.
V
Sa mga simpleng salita, laman ng puso Niya'y nakita.
May pag-ibig ba? Malasakit at Kalinga?
Ito ay nadarama, pag-ibig Niya at alaga.
Ng taong may konsensya at may pagkatao,
may kasiyahang dala ng Kanyang biyaya.
VI
Dahil sa 'yong nadarama(nadarama), ano ngayon ang tugon mo sa Diyos?
Kakapit ka ba sa Kanya?
Mapitagang pag-ibig lalago sa puso?
At sa Diyos ay mas lalapit pa?
Mahalaga ang pag-ibig ng Diyos,
ngunit mas mahalaga na dama't unawa ng tao.
Mahalaga ang pag-ibig ng Diyos,
ngunit mas mahalaga na dama't unawa ng tao.
mula sa Pagpapatuloy ng ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mga Simbolo ng Tagumpay ng Diyos
I
Naibalik ang tao sa dati niyang anyo.
Tungkuli'y matutupad, lugar nila'y hawak,
ayos ng Diyos ay masusunod.
May grupo na ang Diyos na sa lupa Siya'y sasambahin.
Siya ay magtatayo ng kahariang sasamba sa Kanya sa lupa.
Siya ay magtatayo ng kahariang sasamba sa Kanya sa lupa.
II
Tagumpay Niya'y magpakailanman sa lupa.
Kaaway Niya'y magpakailanman masisira.
Ibabalik nito ang plano nang tao'y lalangin.
Ibabalik nito ang plano nang lahat ay lalangin,
at ibabalik kapangyarihan Niya sa lupa,
Kapangyarihan Niya sa lahat at sa mga kaaway Niya.
Ito'y mga simbolo ng tagumpay, ng ganap Niyang tagumpay.
Ito'y mga simbolo ng tagumpay, ng ganap Niyang tagumpay.
III
Mula ngayon tao'y papasok sa kapahingahan,
papasok sa buhay na may tamang landas.
Papasok rin ang Diyos kasama ng sangkatauhan,
papasok sa walang hanggang buhay kasama ng tao.
Wala na ang pagkasala't pag-alsa.
Panaghoy sa lupa mawawala, lahat ay mawawala.
Ang mga lumalaban sa Diyos wala na sa lupa.
Diyos lang at mga taong naligtas ang mananatili.
Kanyang mga likha'y mananatili.
Kanyang mga likha'y mananatili.
Kanyang mga likha'y mananatili.
Kanyang mga likha'y mananatili.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Epektong Makakamit ng Paghatol ng Diyos
I
Ang paghatol ng Diyos ay di lang, sa iilang salita,
sa paglinaw sa katangian ng tao,
bagkus ay pagbunyag, pakikitungo sa paglipas ng panahon.
Tratong di matumbasan ng karaniwang salita,
katotohanang di saklaw ng tao
Tanging gawang tunay na paghatol;
tanging paghatol na gabay ng pagsunod natin sa Diyos
sa puso't salita, sa isip o gawa,
siya'y tunay na makilala.
II
Dulot ay kamalayan sa wangis ng Panginoon,
at katotohanang di natin pagtalima.
"Ituturo hangari't layon ng Kanyang gawa"
at ng misteryong di saklaw ng tao.
Upang malaman ang katiwalian
at ang kapangitan sa sarili.
Tanging gawang tunay na paghatol;
tanging paghatol na gabay ng pagsunod natin sa Diyos
sa puso't salita, sa isip o gawa
siya'y tunay na makilala.
III
Ito'y epekto ng gawa ng Diyos
epekto na dulot ng paghatol.
Buod nito ay ang mabuksan ang daan, katotohanan, at ang buhay ng Diyos
sa yaong sa Kanya'y tiwala.
Ito'y gawa ng Diyos sa paghatol.
Tanging gawang tunay na paghatol;
tanging paghatol na gabay ng pagsunod natin sa Diyos
sa puso't salita, sa isip o gawa
siya'y tunay na makilala.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento