Mula noong naluklok ito sa kapangyarihan sa kalakhang lupain ng China noong 1949, walang-humpay na ang Chinese Communist Party sa pang-uusig nito sa pananampalatayang panrelihiyon. Parang baliw nitong inaresto at pinatay ang mga Kristiyano, pinatalsik at inabuso ang mga misyonerong nagtatrabaho sa China, kinumpiska at sinira ang hindi mabilang na mga kopya ng Biblia, ipinasara at sinira ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang lipulin ang lahat ng tahanang iglesia.
Ikinukuwento ng dokumentaryong pelikulang ito ang kuwento ni Gao Yufeng, isang Kristiyano sa kalakhang lupain ng China, na inaresto ng mga pulis ng CCP at isinailalim sa lahat ng uri ng hindi makataong pagpapahirap na sa bandang huli ay humantong sa kanyang pagpapakamatay sa kampo ng paggawa dahil sa paniniwala sa Diyos at pagsasagawa ng kanyang tungkulin. Tunay na sinasalamin ng pelikula ang mga napakabigat na pang-aabuso at hindi makataong pang-uusig na tinamo ng mga Kristiyano sa pagkakabilanggo matapos maaresto sa ilalim ng masamang pamahalaan ng CCP, inilalantad ang mala-demonyong diwa ng pagkamuhi ng CCP sa Diyos at pagpatay sa mga Kristiyano.
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. alagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos
Espesyal na pahayag: Ginawa ang video production na ito bilang isang proyektong hindi pangkalakal ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ang mga aktor na lumilitaw sa produksyong ito ay gumaganap sa isang hindi pangkalakal na basehan, at hindi binayaran sa anumang paraan. Hindi maaaring ipamahagi ang video na ito bilang pangkalakal sa anumang ikatlong partido, at umaasa kaming ibabahagi at ikakalat ito ng lahat nang walang bayad. Kapag ipinamahagi ninyo ito, mangyaring tandaan ang pinagmulan. Nang walang pahintulot ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, walang organisasyon, panlipunang grupo, o indibidwal ang maaaring pakialaman o katawanan nang mali ang mga nilalaman ng video na ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento