Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

09 Agosto 2019

Mga pagbabasa at pagsasalaysay ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos| "Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo"



Mga pagbabasa at pagsasalaysay ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo"

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring makaalam sa lahat ng ating iniisip, o maunawaan ang ating kalikasan at diwa, o hatulan ang pagiging mapaghimagsik at katiwalian ng sangkatauhan, o kausapin tayo at gumawa sa ating kalagitnaan sa ngalan ng Diyos ng langit.

30 Hulyo 2019

Pagkilala kay Cristo-Paano uunawain na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay?


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Ito rin nang pasimula’y sumasa Dios” (Juan 1:1-2).

“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).

Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6).

Ang espiritu nga ang bumubuhay; sa laman ay walang anomang pinakikinabang: ang mga salitang sinalita ko sa inyo ay pawang espiritu, at pawang buhay” (Juan 6:63).

14 Hunyo 2019

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos -Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos



Bawa’t isa ay nakadarama na ang pamamahala ng Diyos ay kakaiba, dahil sa palagay ng tao ang pamamahala ng Diyos ay ganap na walang kaugnayan sa tao. Palagay nila ang pamamahalang ito ay gawain lamang ng Diyos nang mag-isa, ay sariling tungkulin ng Diyos, at sa gayon ang sangkatauhan ay walang malasakit sa pamamahala ng Diyos.

03 Hunyo 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo-Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan


Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos, sapagka’t ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay nakárátíng na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo.

01 Hunyo 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo-Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo

Marami na Akong natapos na gawain kasama ng mga tao, at ang mga salitang Aking naipahayag sa mga oras na ito ay marami na rin. Ang mga salitang ito ay para sa kaligtasan ng tao, at ipinahayag nang sa gayon ang tao ay maaaring maging kaayon sa Akin.

Mga Pagbigkas ni Cristo-Marami ang mga Tinatawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahihirang

Marami Akong nahahanap sa lupa upang maging Aking mga tagasunod. Kabilang sa lahat nitong mga tagasunod, mayroon yaong mga nagsisilbing mga pari, yaong mga namumuno, yaong mga bumubuo sa mga lalaking-anak, yaong bumubuo sa mga tao, at yaong mga gumagawa ng serbisyo.

16 Marso 2019

Ang Kaligtasan ay Maaari Lamang Makamtan sa Pamamagitan ng Pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Nang si Jesus ay naparito sa mundo ng tao, dinala Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahon ng mga huling araw, ang Diyos ay muling naging katawang-tao, at nang Siya’s naging katawang-tao sa panahong ito, tinapos Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at dinala ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang lahat ng mga tumatanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay madadala tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at personal na makakatanggap ng paggabay ng Diyos.

09 Enero 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo

  Pagkatapos lamang na nagkatotoo na si Jesus ay nagiging katawang-tao saka napagtanto ito ng tao: Hindi lamang ang Ama sa langit, kundi ang Anak din, at maging ang Espiritu. Ito ang karaniwang paniwala ng tao, na mayroong ganitong Diyos sa langit: isang Trinidad na yaon ay ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu, lahat nasa isa. Ang lahat ng sangkatauhan ay may ganitong mga paniwala: Ang Diyos ay isang Diyos, nguni’t binubuo ng tatlong mga bahagi, na ipinalalagay ng lahat niyaong mga matinding nataniman ng kalakarang mga paniwala na ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu.

07 Enero 2019

Tagalog Christian Worship Song | "Tinunaw ng Pag ibig ng Diyos ang Aking Puso"

Tagalog Christian Worship Song | "Tinunaw ng Pag ibig ng Diyos ang Aking Puso"


Naririnig ko ang Iyong mabait na tawag,

bumabalik ako sa Iyong harapan.

Sa Iyong mga salita naliliwanagan,

nakikita ko ang aking katiwalian.

05 Enero 2019

Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao

Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao


Noo'y 'di malinaw sa layon ng buhay, ngayo'y alam ko na.

Hinanap ko'y estado at kasikatan.

Mag-isang tinahak ang pansariling landas, nabuhay para sa 'kin lamang.

Sa dasal sambit dati'y magagandang salita,

pero ang buhay ko ay hindi akma.

03 Enero 2019

Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

  Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sino lang, ni hindi rin ito madaling makamtan ng lahat. Dahil ito sa ang buhay ay maaari lang magmula sa Diyos, na ibig sabihin, ang Diyos Mismo lang ang may taglay ng sangkap ng buhay, walang ibang daan ng buhay kung wala ang Diyos Mismo, sa gayon ang Diyos lang ang pinanggagalingan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng buhay na tubig ng buhay.

01 Enero 2019

45. Ano ang mga pangako ng Diyos sa mga naligtas at nagawang perpekto?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

  Lumalakad Ako ngayon sa kalagitnaan ng Aking bayan, naninirahan Ako sa kalagitnaan ng aking bayan. Ngayon, yaong may tunay na pag-ibig sa Akin, ang taong gaya nito ay mapalad; mapalad yaong mga nagpapasakop sa Akin, sila ay tiyak na mananatili sa Aking kaharian; mapalad yaong mga nakakakilala sa Akin, sila ay tiyak na hahawak ng kapangyarihan sa Aking kaharian; mapalad ang mga yaong naghahangad sa Akin, tiyak na makaliligtas sila mula sa mga gapos ni Satanas at matatamasa nila ang pagpapala sa Akin; mapalad ang mga yaong kayang talikuran ang kanilang mga sarili, tiyak na papasok sila sa Aking pag-aari, at mamanahin ang gantimpala ng Aking kaharian.

25 Disyembre 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo! (Trailer)


Tagalog Christian Movie 2018 | Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo! (Trailer)

  Si Lee Chungmin ay elder sa isang iglesia sa Seoul, South Korea. Sa loob ng mahigit dalawampung taon, masigasig siyang naglingkod sa Panginoon, na lubos na nakatuon sa pag-aaral ng Biblia. Sa pagsunod sa halimbawa ng mga pinuno ng kanilang relihiyon, inakala niya na ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, at na ang pagsampalataya sa Biblia ay kaparehong-kapareho ng pagsampalataya sa Panginoon.