Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

07 Setyembre 2019

Salita ng Diyos | Yaong mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos

Salita ng Diyos | Yaong mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos

Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagbabago bawat araw, pataas nang pataas sa bawat hakbang; ang pahayag ng bukas ay mas mataas pa kaysa sa ngayon, isa-isang hakbang ay umaakyat nang lalo pang mataas. Ganyan ang gawain kung saan ay ginagawang perpekto ng Diyos ang tao. Kung hindi makakasabay ang tao, siya ay maaaring maiwan sa anumang sandali. Kung ang tao ay hindi nagtataglay ng masunuring puso, hindi siya makakasunod hanggang katapusan. Ang dating kapanahunan ay nakalipas na; ito ay isang bagong kapanahunan.

01 Hunyo 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo-Marami ang mga Tinatawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahihirang

Marami Akong nahahanap sa lupa upang maging Aking mga tagasunod. Kabilang sa lahat nitong mga tagasunod, mayroon yaong mga nagsisilbing mga pari, yaong mga namumuno, yaong mga bumubuo sa mga lalaking-anak, yaong bumubuo sa mga tao, at yaong mga gumagawa ng serbisyo.

31 Mayo 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo-Yaong Mga Hindi Katugma ni Cristo ay Tiyak na Mga Kalaban ng Diyos

Inaasam ng lahat ng mga tao na makita ang totoong mukha ni Jesus at lahat ay nagnanasang makapiling Niya. Ako ay naniniwala na wala ni isa sa mga kapatiran ang magsasabi na hindi siya sang-ayon na makita o makapiling si Jesus. Bago ninyo nakita si Jesus, iyan ay, bago ninyo nakita ang nagkatawang-taong Diyos, malámáng na binibigyang-pagkakataon ninyo ang lahat ng mga uri ng mga ideya, halimbawa, tungkol sa pagpapakita ni Jesus, sa Kanyang paraan ng pagsasalita, sa Kanyang paraan ng pamumuhay, at iba pa.

28 Mayo 2019

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos-Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan

Ang nagkatawang-taong Diyos ay tinatawag na Cristo, at si Cristo ay ang katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos. Ang laman na ito ay hindi katulad ng kahit sinong taong galing sa laman. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay may kapwa normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos.

05 Marso 2019

Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao




Tagalog Christian Songs
Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao

I
Noo'y 'di malinaw sa layon ng buhay, ngayo'y alam ko na.
Hinanap ko'y estado at kasikatan.
Mag-isang tinahak ang pansariling landas, nabuhay para sa 'kin lamang.
Sa dasal sambit dati'y magagandang salita,
pero ang buhay ko ay hindi akma.

23 Pebrero 2019

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Ikalimang Bahagi)



Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Ikalimang Bahagi)

    Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:

17 Pebrero 2019

Sa Pagsunod Lamang sa Gawain ng Banal na Espiritu Makasusunod Hanggang Wakas



Tagalog Christian Music Video | "Sa Pagsunod Lamang sa Gawain ng Banal na Espiritu Makasusunod Hanggang Wakas"

I
Ang gawain ng Banal na Espiritu'y araw-araw nagbabago,
mas mataas sa bawat hakbang
nang may mas maraming pagbubunyag.
Ganito gumagawa ang Diyos
upang maperpekto ang sangkatauhan.

08 Pebrero 2019

Tagalog Christian Song | "Sundan Bagong Gawain ng Banal na Espiritu Para Papuri ng Diyos Matamo"


Tagalog Christian Song | "Sundan Bagong Gawain ng Banal na Espiritu Para Papuri ng Diyos Matamo"

I
Wow ... wow … wow …
Pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu'y
ibig sabihi'y nauunawaan kalooban ng Diyos sa kasalukuyan,
kumikilos ayon sa utos Niya, sinusunod ang Diyos ng ngayon,
sinusunod ang kasalukuyan Niyang atas at tumutuloy
sa pamamagitan ng pinakabago Niyang pagbigkas.

22 Hulyo 2018

Tagalog Christian Music Video 2018 | "Ganap na Inilalagay ng Diyos ang Kanyang Pag-asa sa Tao"


I
Mula sa simula hanggang ngayon,
tanging tao lamang ang maaaring makipag-usap sa Diyos.
Iyon ay, tanging tao ang maaaring makipag-usap sa Diyos,
sa lahat ng nabubuhay na bagay at kung ano ang nilikha Niya.
Tao ay may mga tainga upang makarinig,
at mga mata upang makakita;
may mga kaisipan, at wika,
pati na ang kanyang malayang kalooban.
Ang tao ay may lahat ng mga kakayahan na kinakailangan
upang marinig ang Diyos na nagsasalita
at nauunawaan ang kalooban ng Diyos,
at tanggapin ang komisyon ng Diyos,
at tanggapin ang komisyon na mula sa Diyos,
at sa gayon ay inilalagay ng Diyos
ang lahat ng pag-asa Niya sa tao.