Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

27 Hulyo 2018

Christian Full Movie 2018 | "Anak, Umuwi Ka Na!" | Amazing Grace of God (Tagalog Dubbed)


Isang mag-aaral ng senior high school si Li Xinguang. Isa siyang makatwiran at matinong bata simula pa noong maliit siya. Paborito siya ng kanyang mga magulang at guro. Nang tumuntong na siya sa middle school, nahumaling siya sa mga internet computer game. Madalas siyang lumiliban sa klase upang makapunta sa internet cafe. Ginawa ng kanyang mga magulang ang lahat upang makalaya siya sa adiksyon ng internet. Sa kasamaang palad, lumala nang lumala ang adiksyon ni Li Xinguang. Nawalan siya ng gana at dahan-dahang naging delinkwente. ... Nang malapit nang mawalan ng pag-asa ang mga magulang ni Li Xinguang, nalaman nilang kayang iligtas ng Diyos ang mga tao, kayang tulungang makalaya sa kanilang adiksyon sa internet at makawala sa paninira ni Satanas. Dahil dito, nagpasya silang maniwala sa Diyos at hinangad na maliligtas ng Diyos ang kanilang anak. Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan nila ang pinagmumulan ng kasiraan at kabuktutan ng sangkatauhan. Nakita nila ang katotohanan sa likod ng kasamaan at kadiliman ng tao at naunawaan na tanging Diyos lang ang makapagliligtas sa tao at makapagpapalaya mula sa paninira at pagpapahirap ni Satanas. Kailangan lamang maniwala ni Xinguang sa Diyos at maunawaan ang katotohanan, at magagawa niyang lumaya sa kanyang adiksyon sa internet. Dahil dito, ipinalaganap nila ang ebanghelyo kay Xinguang at ginabayan si Xinguang basahin ang mga salita ng Diyos. Nagdasal sila sa Diyos at hiningi sa Kanyang iligtas ang kanilang anak at tulungan siyang makalaya sa kanyang adiksyon sa internet. ... Pagkatapos ng isang laban, nagsimulang magdasal at magtiwala sa Diyos si Xinguang. Sa ilalim ng gabay ng mga salita ng Diyos, nagawa niyang makawala sa wakas sa kanyang adiksyon sa internet at pinalaya ang sarili mula sa paninira at pagpapahirap ni Satanas. Ang anak na dating wala nang pag-asa dahil sa mga internet game at internet cafe ay umuwi na sa wakas! 

22 Hulyo 2018

Tagalog Christian Music Video 2018 | "Ganap na Inilalagay ng Diyos ang Kanyang Pag-asa sa Tao"


I
Mula sa simula hanggang ngayon,
tanging tao lamang ang maaaring makipag-usap sa Diyos.
Iyon ay, tanging tao ang maaaring makipag-usap sa Diyos,
sa lahat ng nabubuhay na bagay at kung ano ang nilikha Niya.
Tao ay may mga tainga upang makarinig,
at mga mata upang makakita;
may mga kaisipan, at wika,
pati na ang kanyang malayang kalooban.
Ang tao ay may lahat ng mga kakayahan na kinakailangan
upang marinig ang Diyos na nagsasalita
at nauunawaan ang kalooban ng Diyos,
at tanggapin ang komisyon ng Diyos,
at tanggapin ang komisyon na mula sa Diyos,
at sa gayon ay inilalagay ng Diyos
ang lahat ng pag-asa Niya sa tao.

13 Hunyo 2018

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya


Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Sa mga panahong nakaraan, maraming nagpatuloy sa ambisyon at mga paniwala ng tao at alang-alang sa mga pag-asa ng tao. Ang mga bagay na ito ay hindi tatalakayin ngayon. Ang susi ay upang maghanap ng isang paraan ng pagsasagawa na magbibigay-daan sa bawat isa sa inyo upang mapanatili ang isang karaniwang kalagayan sa harap ng Diyos at upang unti-unting makawala sa mga kadena ng impluwensya ni Satanas, upang kayo ay maaaring makamit ng Diyos, at isabuhay sa mundo kung ano ang hinihiling sa inyo ng Diyos. Tanging ito ang maaaring makatupad sa hangad ng Diyos."

Rekomendasyon:

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

29 Marso 2018

Tagalog Christian Gospel Movie | "Saan Ang Aking Tahanan" (Buong pelikula)

Kristianong video | "Saan Ang Aking Tahanan" (Buong pelikula)


Naghiwalay ang mga magulang ni Wenya nang siya ay dalawang taong gulang at pagkatapos ay tumira siya sa kanyang Itay at kanyang madrasta. Ayaw sa kanya ng kanyang madrasta at palagi itong nakikipagtalo sa kanyang Itay. Walang nagawa ang kanyang Itay—kinailangan niyang ibalik si Wenya sa bahay ng kanyang Ina, ngunit nakatuon ang kanyang Ina sa pamamahala sa kanyang negosyo at wala siyang panahon para alagaan si Wenya, kung kaya madalas siyang nagpalipat-lipat sa bahay ng mga kamag-anak at kaibigan para maalagaan. Pagkatapos ng maraming taon na pinangangalagaan ng ibang tao, nakaramdam ng lungkot si Wenya at kawalan ng pag-asa, at pinananabikan ang init ng isang tahanan.  Nakabalik lamang siya sa piling ng kanyang Itay noong nagdiborsyo ang kanyang Itay at madrasta at magmula noon nagkaroon na siya ng tahanan, sa hirap o ginhawa. 

13 Marso 2018

Tagalog na Cristianong Kanta | Ang Kaharian ni Cristo ay Natatanto sa mga Tao


Ang Kaharian ni Cristo ay Natatanto sa mga Tao


I
Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao
ang nagpapakita sa mga huling araw sa Silangan,
tulad ng matuwid na araw na sumisilay; 
nakita ng sangkatauhang lumitaw ang tunay na liwanag.
Ang matuwid at marilag, mapagmahal at maawaing Diyos
mapagkumbabang nagkakanlong sa mga tao,
naghahayag ng katotohanan, nagsasalita at gumagawa.
Kaharap natin ang Makapangyarihang Diyos.
Ang Diyos na ikinauhaw mo, ang Diyos na hinintay ko,
nagpapakita sa atin ngayon sa totoo.
Hinanap natin ang katotohanan, hinangad natin ang pagkamatuwid;
dumating ang katotohanan at pagkamatuwid sa mga tao.
Mahal mo ang Diyos, mahal ko ang Diyos;
ang sangkatauhan ay umaapaw sa panibagong pag-asa.
Sumusunod ang mga tao, sumasamba ang mga bansa
sa totoong Diyos na nagkatawang-tao.

06 Marso 2018

Cristianong Kanta | "Kung 'Di Ako Iniligtas ng D'yos" | Binigyan Ako ng Diyos ng Bagong Buhay


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Cristianong Kanta | “Kung ‘Di Ako Iniligtas ng D’yos” | Binigyan Ako ng Diyos ng Bagong Buhay



I
Kung 'di ako iniligtas ng Diyos, palaboy pa rin hanggang ngayon,
naghihirap, nagkakasala; bawa't araw walang pag-asa.
Kung 'di ako iniligtas ng Diyos, niyuyurakan pa rin ng d'yablo,
nabitag sa sala't layaw nito, mangmang sa kahihinatnan ng buhay ko.
Makapangyarihang Diyos ang nagliligtas sa akin, salita N'ya'y dinadalisay ako.
Sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, tiwaling disposisyon ko'y nabago.
Lahat ng katotohanang binibigkas ng Diyos bigay sa 'ki'y bagong buhay.
Diyos nakita ko nang harapan, tunay N'yang pag-ibig naranasan.

22 Enero 2018

Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (6) – Pagbabalik


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (6) – Pagbabalik


    Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kapag ikaw ay nanghihina at kapag ikaw ay nagsimula nang makaramdam ng kapanglawan ng mundong ito, huwag nang maguluhan, huwag kang umiyak. Ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat, ang Tagabantay, ay tatanggap sa iyong pagdating anumang oras. Nagbabantay Siya sa iyong tabi, naghihintay para sa iyong pagbabalik. Siya ay naghihintay para sa araw ng pagbabalik ng iyong gunita …” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Katulad ni Xiaozhen na naiwang pasa-pasa at bugbog ng mundong ito at nawalan ng pag-asa, nadama niya ang pagmamahal ng Makapangyarihang Diyos at napukaw ang kanyang puso …
Rekomendasyon:
Ang ikalawang pagdating ni Jesus
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

09 Enero 2018

Kuwento ni Xiaozhen | Drama-musikal


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kuwento ni Xiaozhen | Drama-musikal



Si Xiaozhen ay dating isang wagas at mabait na Kristiyano, na laging taos-pusong makipagkaibigan. Gayunman, nang makikinabang sila, naging kaaway niya ang dati niyang mga kaibigan. Matapos masaktan sa trahedyang ito, napilitan si Xiaozhen na talikuran ang kanyang tunay na niloloob at mga prinsipyo. Nagsimula siyang magtaksil sa sarili niyang mabuting konsiyensya at kalooban, at nagumon sa burak ng masamang mundo. … Nang magkasala siya at magpakasama, tinapak-tapakan siya ng mundo at tinadtad siya ng mga peklat at pasa. Wala na siyang masulingan, at nang mawalan na siya ng pag-asa, sa huli ay napukaw ng taos-pusong panawagan ng Makapangyarihang Diyos ang puso't diwa ni Xiaozhen …

19 Disyembre 2017

Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Kapag ang Mga Dahong Nanlalaglag ay Bumalik sa Kanilang Mga Ugat Pagsisisihan Mo ang Lahat ng Kasamaang Iyong Nagawa

Kayong lahat ay personal na nakasaksi sa gawaing nagáwâ Ko sa kalagitnaan ninyo, kayo mismo ang nakarinig sa mga salitang Aking winika, at nalalaman ninyo ang Aking saloobin tungo sa inyo, kaya dapat ay nalalaman ninyo kung bakit Ko ginagawa ang gawaing ito sa inyo. Sasabihin Ko sa inyo ang katotohanan—kayo ay walang iba kundi mga kasangkapan para sa Aking gawain ng paglupig sa mga huling araw; kayo ay mga kagamitan para sa pagpapalawak ng Aking gawain sa kalagitnaan ng mga bansang Gentil. Ako ay nagsasalita sa pamamagitan ng inyong di-pagkamatuwid, inyong karumihan, inyong paglaban at inyong pagka-masuwail upang mas madaling mapalawak ang Aking gawain para ang Aking pangalan ay lumaganap sa kalagitnaan ng mga bansang Gentil, iyan ay, upang lumaganap sa gitna ng alinmang mga bansa sa labas ng Israel. Ito ay upang ang Aking pangalan, Aking mga pagkilos, at Aking tinig ay maaring kumalat sa kabuuan ng mga bansang Gentil, sa gayon lahat ng mga bansang yaon na hindi sa Israel ay maaaring malupig Ko at maaaring sambahin Ako, magiging Aking mga banal na lupain sa labas ng mga lupain ng Israel at Egipto. Ang pagpapalawak ng Aking gawain sa katunayan ay pagpapalawak ng Aking gawain ng paglupig, pagpapalawak ng Aking banal na lupain. Ito ay pagpapalawak ng Aking mapanghahawakan sa lupa. Dapat kayong maging malinaw na kayo ay mga nilalang lamang sa gitna ng mga bansang Gentil na Aking nilulupig. Kayo sa orihinal ay walang estado ni anumang halagang mapapakinabangan, walang paggagamitang anuman. Ito ay dahil lamang sa iniangat Ko ang mga uod ng langaw mula sa bunton ng dumi ng hayop upang maging mga halimbawa para sa Aking paglupig sa mundo, upang maging tanging mga “sangguniang mga materyales” para sa Aking paglupig sa mundo. Sa pamamagitan lamang nito kaya kayo ay naging mapalad upang makaugnay Ako, at magtipong kasama Ko ngayon. Dahil sa inyong mababang estado kaya napili Ko kayo na maging mga halimbawa, mga huwaran para sa Aking gawain ng paglupig. Sa kadahilanang ito lamang kaya Ako ay gumagawa at nagsasalita sa kalagitnaan ninyo, at kaya Ako ay namumuhay at nananahang kasama ninyo. Dapat ninyong malaman na dahil lamang sa Aking pamamahala at sa Aking sukdulang pagkamuhi sa mga uod ng langaw na ito sa bunton ng dumi ng hayop kaya Ako ay nagsasalita sa kalagitnaan ninyo, at ito ay hanggang sa punto na Ako ay galit na galit. Ang Aking paggawa sa kalagitnaan ninyo ay hindi kailanman katulad ng paggawa ni Jehova sa Israel, at sa partikular ay hindi katulad ng paggawa ni Jesus sa Judea. Kalakip ang matinding pagpaparaya na Ako ay nagsasalita at gumagawa, at may galit pati na rin paghatol na Aking nilulupig ang mga kulang-kulang na ito. Hindi ito kagaya ng pangunguna ni Jehova sa Kanyang bayan sa Israel. Ang Kanyang gawain sa Israel ay pagkakaloob ng pagkain at ng buháy na tubig, at Siya ay puspos ng kahabagan at pag-ibig para sa Kanyang bayan sa Kanyang pagkakaloob ng mga iyon. Ang gawain ngayon ay ginagawa sa isang bansang hindi hinirang, na isinumpa.nWalang masaganang pagkain, ni mayroong pagpapainom ng buháy na tubig para sa uhaw. Higit pa, walang tustos ng sapat na materyal na mga bagay; mayroon lamang sapat na paghatol, sumpa, at pagkastigo. Ang mga uod ng langaw na ito sa bunton ng dumi ng hayop ay walang-pasubaling hindi-karapat-dapat sa pagkakamit ng mga burol ng baka at tupa, ang malaking kayamanan, at ng pinakamagagandang mga bata sa buong lupain na ipinagkaloob Ko sa Israel. Ang makabagong Israel ay nag-aalay ng baka at tupa at ginto at pilak na mga bagay na itinutustos Ko sa kanila sa dambana, hinigitan pa ang ikapu na kinakailangan ni Jehova sa ilalim ng batas, kaya nabibigyan Ko sila ng higit pa, mahigit sa isandaang ulit niyaong nakamit ng Israel sa ilalim ng batas. Ang ipinagkakaloob Ko sa Israel ay hinihigitan pa yaong nakamit kapwa nina Abraham at Isaac. Tutulutan Ko ang pamilya ni Israel na maging mabunga at dumami, at Aking tutulutan ang Aking bayang Israel na kumalat sa buong mundo. Yaong Aking pinagpapala at kinakalinga ay ang hinirang na bayang Israel pa rin, iyan ay, ang bayan na nag-aalay ng lahat ng bagay sa Akin, na nagtatamo ng lahat ng bagay mula sa Akin. Ito ay sa dahilang pinananatili nila Ako sa isipan na isinasakripisyo nila ang kanilang mga bagong-silang na mga bisiro at mga tupa sa Aking banal na dambana at iniaalay ang lahat ng mayroon sila sa harap Ko, kahit hanggang sa punto ng pag-aalay ng kanilang bagong-silang na panganay na mga anak na lalaki bilang pag-asa sa Aking pagbabalik. At paano naman kayo? Ginagalit ninyo Ako, humihingi kayo sa Akin, ninanakaw ninyo ang mga sakripisyo niyaong mga nag-aalay sa Akin ng mga bagay-bagay at hindi ninyo nalalaman na sinasaktan ninyo ang damdamin Ko, sa gayon ang inyong nakakamit ay pagtangis at parusa sa kadiliman. Napupukaw ninyo ang Aking galit nang maraming ulit at nagpapaulan Ako ng Aking nagbabagang mga apoy, at mayroon pa yaong mga nakatagpo ng isang “malagim na wakas”, na ang masasayang mga tahanan ay naging malungkot na mga libingan. Lahat ng mayroon Ako para sa mga uod ng langaw na ito ay walang-katapusang galit, at wala Akong hangarin ng mga pagpapala. Ito’y alang-alang lamang sa Aking gawain kaya Ako ay gumawa ng isang pagbubukod at iniangat kayo, at kaya Ako ay nagtitiis ng matinding kahihiyan upang gumawa sa kalagitnaan ninyo. Kung hindi lamang para sa kalooban ng Aking Ama, paano Ako mabubuhay sa parehong bahay kasama ng mga uod ng langaw na umiikot sa paligid ng bunton ng dumi ng hayop? Nakadarama Ako ng sukdulang pagkamuhi sa lahat ng inyong mga pagkilos at mga salita, at sa paanuman, sapagka’t may kaunti Akong “interes” sa inyong karumihan at pagka-masuwail; ito ay naging “kinalabasan” ng Aking mga salita. Kung hindi Ako ay walang-pasubaling hindi na mananatili sa inyong kalagitnaan nang napakatagal. Kaya, dapat ninyong malaman na ang Aking saloobin tungo sa inyo ay isa lamang na pagdamay at awa, at na walang pag-ibig, tanging pagpaparaya lamang para sa inyo, sapagka’t ginagawa Ko lamang ito para sa Aking gawain. At inyong nakikita ang Aking mga gawa dahil lamang sa napipili Ko ang karumihan at pagka-masuwail bilang “mga kagamitang panangkap”. Kung hindi walang-pasubaling hindi Ko ibubunyag ang Aking mga gawa sa mga uod ng langaw na ito; Ako ay gumagawa lamang sa inyo nang may pag-aatubili; hindi ito gaya ng kahandaan at pagpayag sa Aking gawain sa Israel. Ako ay nag-aatubiling nagsasalita sa gitna ninyo, taglay ang Aking galit. Kung hindi lamang para sa Aking mas malaking gawain, paano Ako maaaring magparaya sa patuloy na pagtingin sa gayong mga uod ng langaw? Kung hindi lamang alang-alang sa Aking pangalan matagal na sana Akong umakyat sa pinakamataas na kaitaasan at ganap na sinunog ang mga uod langaw na ito at ang bunton ng dumi ng hayop! Kung hindi lamang alang-alang sa Aking kaluwalhatian, paano Ko mapahihintulutan ang masasamang mga demonyong ito na lantarang labanan Ako na umiiling-iling ang kanilang mga ulo sa harap ng Aking mga mata? Kung hindi lamang para maisakatuparan nang maayos ang Aking gawain na walang ni katiting na hadlang, paano Kong maaaring mapahihintulutan ang mga tila-uod ng mga langaw na mga taong ito na walang-pakundangan sa pag-abuso sa Akin? Kung ang isandaang tao sa isang nayon sa Israel ay tumayo upang labanan Ako na gaya nito, kahit na sila ay gumawa ng mga sakripisyo sa Akin buburahin Ko pa rin sila sa ilalim ng mga bitak sa lupa nang sa gayon ang mga tao sa ibang mga lungsod ay hindi na magrebelde. Ako ay isang tumutupok na apoy at hindi Ko kinukunsinti ang pagkakamali sapagka’t ang mga tao ay nilikha Kong lahat. Anuman ang Aking sinasabi at ginagawa, dapat sundin ng mga tao at hindi maaring magrebelde laban dito. Ang mga tao ay walang karapatang makialam sa Aking gawain, at sila sa partikular ay walang kakayahang suriin kung ano ang tama o mali sa Aking gawain at Aking mga salita. Ako ang Panginoon ng sangnilikha, at ang mga nilalang ay dapat na makamit ang lahat ng bagay na kailangan Ko na may pusong may paggalang sa Akin; sila ay hindi dapat mangatwiran sa Akin at sila ay lalong hindi dapat lumaban. Ginagamit Ko ang Aking awtoridad upang maghari sa Aking bayan, at lahat niyaong mga bahagi ng Aking sangnilikha ay dapat na sundin ang Aking awtoridad. Bagaman ngayon kayo ay matapang at mapangahas sa harap Ko, sinusuway ninyo ang mga salita na itinuturo Ko sa inyo, at hindi kayo marunong matakot, kinakatagpo Ko lamang ang inyong pagka-masuwail nang may pagpaparaya. Hindi Ako mawawalan ng pagtitimpi at maaapektuhan ang Aking gawain dahil ang maliliit na mga uod ng langaw ay ibinalikwas ang dumi sa bunton ng dumi ng hayop. Kinakaya Ko ang patuloy na pag-iral ng lahat ng Aking kinasusuklaman at mga bagay na Aking kinapopootan alang-alang sa kalooban ng Aking Ama, hanggang mabuo ang Aking mga pagbigkas, hanggang sa pinakahuli Kong sandali. Huwag mag-alala! Hindi Ako maaring lumubog sa parehong antas ng isang di-kilalang uod ng langaw, at hindi Ko ikukumpara ang antas ng “kakayahan” sa iyo. Namumuhi Ako sa iyo, gayunman nakakaya Kong tiisin. Sinusuway mo Ako, gayunma’y hindi ka maaaring makatakas sa araw ng Aking pagkastigo sa iyo na naipangako sa Akin ng Aking Ama. Ang isa bang uod ng langaw na nilalang ay maikukumpara sa Panginoon ng buong sangnilikha? Sa panahon ng taglagas, ang nanlalaglag na mga dahon ay bumabalik sa kanilang mga ugat, ikaw ay bumabalik sa tahanan ng iyong “ama”, at Ako ay bumabalik sa piling ng Aking Ama. Ako ay sinasamahan ng magiliw na pagmamahal ng Aking Ama, at ikaw ay sinusundan ng pagyurak ng iyong ama. Taglay Ko ang kaluwalhatian ng Aking Ama, at taglay mo ang kahihiyan ng iyong ama. Aking ginagamit ang pagkastigo na matagal Ko nang pinipigil upang samahan ka, at kinakatagpo mo ang Aking pagkastigo ng iyong maantang laman na naging tiwali na sa loob ng sampu-sampung libu-libong mga taon. Natapos Ko na ang Aking gawain ng mga salita sa iyo, kasama ang pagpaparaya, at nakapagsimula kang tuparin ang papel ng pagdurusa ng kapahamakan mula sa Aking mga salita. Ako ay lubos na nagagalak at gumagawa sa Israel; ikaw ay tumatangis at nagngangalit ang iyong mga ngipin at umiiral at namamatay sa putikan. Akin nang nababawi ang Aking orihinal na anyô at hindi na Ako nananatili sa dumi kasama mo, samantalang nabawi mo na ang iyong orihinal na kapangitan at ikaw ay naglulungga pa rin sa paligid ng bunton ng dumi ng hayop. Kapag ang Aking gawain at mga salita ay natapos na, ito ay magiging araw ng kagalakan para sa Akin. Kapag ang iyong paglaban at pagka-masuwail ay natapos na, ito ay magiging araw ng iyong pagtangis. Ako ay hindi magkakaroon ng kahabagan para sa iyo, at hindi mo na Ako makikitang muli. Hindi na Ako magkakaroon ng “pakikipag-usap” sa iyo, at hindi mo na Ako makakatagpo. Aking kamumuhian ang iyong pagka-masuwail, at ikaw ay mangungulila sa Aking pagiging kaibig-ibig. Pababagsakin kita, at mangungulila ka sa Akin. Masaya Akong lilisan mula sa iyo, at mamamalayan mo ang iyong pagkakautang sa Akin. Kailanman ay hindi na kita makikitang muli, nguni’t lagi kang aasa sa Akin. Kamumuhian kita sapagka’t nilalabanan mo Ako sa kasalukuyan, at mangungulila ka sa Akin, dahil sa kasalukuyan ay kinakastigo kita. Hindi Ako handang mamuhay sa tabi mo, nguni’t mapait mong hahangarin iyon at tatangis hanggang sa kawalang-hanggan, sapagka’t pagsisisihan mo ang lahat ng bagay na iyong ginagawa sa Akin. Pagsisisihan mo ang iyong pagka-masuwail at iyong paglaban, at isusubsob mo pa ang iyong mukha sa lupa sa pagsisisi, at ikaw ay babagsak sa harapan ko at susumpa na hindi na susuway sa Akin. Subali’t sa iyong puso basta mahal mo Ako at hindi mo na kailanman maririnig ang Aking tinig, dapat Kong gawin kang nahihiya sa iyong sarili.

05 Disyembre 2017

Ang Pag-iral ng Sangkatauha’y Nakasalalay sa Diyos



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pag-iral ng Sangkatauha’y Nakasalalay sa Diyos



Di basta parusa ang huling gawa ng Diyos,
ito'y para hantungan ng tao'y isaayos,
para rin kilalanin ng lahat ang Kanyang ginawa.
Nais Niyang makita ng tao na lahat ng 'to ay tama,
Kung walang D'yos, tao'y maglalaho at sasalutin ng kalamidad;
at pahayag ng likas Niyang disposisyon. luntiang mundo'y 'di na muling makikita,
kung walang Diyos, tao'y magdurusa
pati kagandahan ng araw at buwan. Kung walang Diyos, tao'y 'di susulong; aapakan lang ng lahat ng uring espiritu,
kahit walang nakikinig sa Kanya.

27 Setyembre 2017

The Church of Almighty God | Musical Drama "Xiaozhen's Story" (2) - Fight for Gold


   The Church of Almighty God | Musical Drama "Xiaozhen's Story" (2) - Fight for Gold 

When Xiaozhen found a large piece of gold, she called her friends over to share it. What she didn't realize was that the moment people see gold, the good and evil of human nature comes to light …


16 Setyembre 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan

katotohanan, jesus,  Pag-asa, patotoo, kalooban

Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosDapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan

 Nakágáwâ na Ako ng maraming gawain sa kalagitnaan ninyo, at siyempre, nakágáwâ na rin ng ilang mga pagbigkas. Nguni’t hindi Ko mapigilang maramdaman na hindi pa lubusang natutupad ng mga salita at mga gawain Ko ang layunin ng Aking gawain sa mga huling araw. Dahil, sa mga huling araw, ang gawain Ko ay hindi alang-alang sa isang tao o grupo ng mga tao, kundi upang ipakita ang Aking likas na disposisyon. Gayunman, dahil sa hindi mabilang na kadahilanan—marahil sa kakulangan ng oras o masyadong abala sa trabaho—hindi nagawa ng Aking disposisyon na makilala ako ng tao kahit na katiting. Kaya nagpapatuloy ako sa bago Kong plano, tungo sa pangwakas Kong gawain, para magbuklat ng isang bagong pahina sa Aking gawain upang ang lahat ng makakakita sa Akin ay magsisisuntok sa kanilang dibdib at tatangis at mananaghoy nang walang tigil dahil sa Aking pag-iral. Ito ay dahil dinadala ko ang katapusan ng sangkatauhan sa mundo, at mula sa puntong ito, inilalantad Ko ang Aking buong disposisyon sa harap ng sangkatauhan, upang ang lahat ng nakakakilala sa Akin at lahat ng hindi ay magpiyesta ang kanilang mga mata at makita na totoo ngang nakarating ako sa daigdig ng tao, dumating sa lupa kung saan ang lahat ng bagay ay nagpaparami. Ito ang plano Ko, ito ang tangi Kong “pangungumpisal” mula nang likhain Ko ang sangkatauhan. Ninanais Ko na maibigay sana ninyo ang buo ninyong pansin sa bawa’t galaw Ko, dahil minsan pang lumalapit ang Aking pamalo sa sangkatauhan, sa lahat ng sumasalungat sa Akin.

    Kasama ang mga kalangitan, sinisimulan ko ang gawain na dapat kong gawin. Kaya dumadaan Ako sa gitna ng agos ng mga tao at kumikilos sa pagitan ng langit at lupa, nang walang sinuman kahit kailan ang nakakaramdam ng mga galaw Ko o nakakapansin ng mga salita Ko. Kaya, maayos pa ring sumusulong ang plano ko. Kaya lamang ay naging lubhang manhid ang lahat ng pakiramdam ninyo kaya hindi ninyo alam ni bahagya ang mga hakbang ng gawain Ko. Pero siguradong darating ang araw na matatanto ninyo ang intensyon Ko. Ngayon, naninirahan Akong kasama ninyo at nagdurusang kasama ninyo. Matagal ko nang naunawaan ang saloobin ng tao sa Akin. Hindi ko nais na linawin pa nang higit, lalo na ang magbigay ng higit pang mga pagkakataon ng masakit na paksa para hiyain kayo. Ang tanging nais ko ay panatilihin ninyo ang lahat ng nagawa ninyo sa inyong mga puso upang makapagkuwenta tayo sa araw ng muli nating pagkikita. Hindi ko nais na paratangan nang mali ang sinuman sa inyo, dahil palagi akong kumikilos nang makatarungan, walang kinikilingan, at may dangal. Siyempre, nais Ko ring kayo ay maging bukas at magkaroon ng magandang kalooban at huwag gumawa ng anumang laban sa langit at lupa at sa inyong konsensya. Ito lamang ang bagay na hinihingi Ko sa inyo. Maraming tao ang hindi mapalagay at naiilang dahil nakagawa sila ng mga nakakapangilabot na kamalian, at marami ang nahihiya sa kanilang sarili dahil hindi sila kailanman nakaganap ng isang mabuting gawa. Nguni’t marami rin ang hindi man lamang nahihiya sa kanilang mga kasalanan, palala nang palala, at ganap nang nagtanggal ng maskarang nagtatakip sa kanilang napakapangit na mga katangian—na hindi pa lubusang nalalantad—para subukin ang Aking disposisyon. Hindi ko pinapansin, o binubusisi, ang mga kilos ng sinumang tao. Sa halip, ginagawa Ko ang gawaing dapat kong gawin, iyon man ay pag-iipon ng impormasyon, o paglilibot sa lupain, o paggawa ng isang bagay na gusto Ko. Sa mahahalagang pagkakataon, ipagpapatuloy ko ang gawain Ko sa gitna ng mga tao tulad ng orihinal na nakaplano, hindi nahuhuli o napapaaga ng isa mang segundo, at nang kapwa madali at mabilis. Gayunman, sa bawa’t hakbang ng gawain Ko may ilang taong naiwaksi, dahil kinamumuhian ko ang kanilang mga pambobola at pakunwaring pagsunod. Tiyak na iiwanan ang mga kasuklam-suklam sa Akin, sinasadya man o hindi. Sa madaling salita, gusto Kong malayo sa Akin ang lahat ng kinasusuklaman Ko. Sabihin pa, hindi ko palalampasin ang masasamang natitira sa tahanan Ko. Dahil nalalapit na ang araw ng kaparusahan ng tao, hindi ako nagmamadali na itapon ang lahat ng mga kasuklam-suklam na kaluluwa, sapagka’t may sarili Akong plano.

    Ngayon ang panahon na Aking inaalam ang katapusan ng bawa’t tao, hindi ang yugto na sinimulan Kong hubugin ang tao. Sinusulat Ko sa Aking talaang libro, isa-isa, ang mga salita at kilos ng bawa’t tao, maging ang kanilang daan sa pagsunod sa Akin, ang kanilang likas na mga katangian, at ang kanilang huling paggawa. Sa ganitong paraan, walang uri ng tao ang makakatakas sa kamay Ko at lahat ay makakasama ng kanilang kauri ayon sa itinalaga Ko. Ako ang nagpapasya sa hantungan ng bawa’t tao hindi batay sa edad, katandaan, laki ng paghihirap, at lalong hindi, ayon sa tindi ng kanilang pagiging kaawa-awa, kundi ayon sa kung may angkin silang katotohanan. Walang ibang mapipili kundi ito. Dapat mong matanto na lahat ng hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos ay parurusahan. Ito ay hindi nababagong katotohanan. Samakatuwid, lahat niyaong pinarusahan ay pinarusahan nang gayon dahil sa pagkamatuwid ng Diyos at bilang ganti sa kanilang maraming masasamang gawa. Wala Akong nagawang isa mang pagbabago sa plano Ko mula noong sinimulan ito. Kaya lamang, pagdating sa tao, yaong mga sinasabihan Ko ng mga salita Ko ay tila nababawasan ang bilang, gaya rin ng mga tunay Kong kinasisiyahan. Gayunman, sinasabi ko na ang plano Ko ay hindi kailanman nagbago; sa halip, ang pananampalataya at pag-ibig ng tao ang laging nagbabago, laging nababawasan, hanggang sa punto na posible para sa bawa’t tao na mapunta mula sa pagsunud-sunod sa Akin tungo sa pagiging malamig sa Akin o maging pagwawaksi sa Akin. Hindi Ako magiging mainit o malamig sa inyo, hanggang sa masuklam at mapoot Ako, at sa katapusan ay magpataw ng kaparusahan. Gayunman, sa araw ng inyong kaparusahan, makikita Ko pa rin kayo, pero hindi na ninyo Ako makikita. Dahil ang pakikisama sa inyo ay naging nakakapagod at nakakabagot sa Akin, kaya, sabihin pa, pumili ako ng iba’t ibang kapaligiran na titirahan, mas mabuti para iwasan ang sakit ng inyong malisyosong mga pananalita at iwasan ang inyong labis na maruming ugali, upang hindi na ninyo ako maloko o tratuhin nang basta-basta lamang. Bago Ko kayo iwan, hinihikayat ko kayong tumigil sa paggawa niyaong hindi ayon sa katotohanan. Sa halip, dapat ninyong gawin yaong nakakalugod sa lahat, na nagdadala ng benepisyo sa lahat ng tao, at yaong may pakinabang sa sarili mong patutunguhan, kung hindi ang magdurusa sa gitna ng kapahamakan ay walang iba kundi ikaw.

    Ang Aking awa ay nahahayag sa mga nagmamahal sa Akin at nagtatakwil ng kanilang mga sarili. At ang kaparusahang sumapit sa masama ay tiyak na patunay ng Aking matuwid na disposisyon at, higit pa, patotoo sa Aking poot. Kapag dumarating ang sakuna, taggutom at salot ang sasapitin ng lahat niyaong sumasalungat sa Akin at sila ay tatangis. Silang nakagawa na ng lahat ng paraan ng kasamaan, subali’t nakasunod sa Akin ng maraming taon, ay hindi makakatakas sa pagsasakdal; sila man, nahuhulog sa sakuna, na ang katulad ay bihirang makita sa lahat ng panahon, ay darating sa pamumuhay sa palagiang katayuan ng sindak at takot. At yaon lamang Aking mga tagasunod na nakapagpakita ng katapatan sa Akin ang magagalak at magpupuri sa Aking kapangyarihan. Mararanasan nila ang di-mailarawang kapanatagan at mabubuhay sa isang kagalakan na kailanman ay hindi Ko pa naipagkaloob sa sangkatauhan. Dahil itinuturing Kong kayamanan ang mabubuting gawa ng mga tao at kinasusuklaman ang kanilang masasamang gawa. Mula nang una Kong sinimulang pangunahan ang sangkatauhan, umaasa Ako nang husto na makakamit ng isang grupo ng mga taong may kaisipang katulad ng sa Akin. Hindi ko kailanman nalilimutan yaong mga hindi ko kaisa sa pag-iisip; nasusuklam ako sa kanila sa Aking puso, naghihintay lamang ng pagkakataon para gantihan Ko sila, at ikatutuwa Kong makita iyon. Ang araw Ko ay dumating na ngayon sa wakas, at hindi Ko na kailangan pang maghintay!

    Ang huling gawain ko ay hindi lamang para parusahan ang tao kundi para din sa kapakanan ng pagsasaayos ng hantungan ng tao. Higit pa rito, ito ay para sa kapakanan ng pagtanggap ng pagkilala mula sa lahat para sa lahat ng nagawa Ko. Nais Kong makita ng bawa’t isang tao na ang lahat ng nagawa Ko ay tama, at ang lahat ng nagawa Ko ay kapahayagan ng Aking disposisyon; hindi ito gawain ng tao, lalong hindi ng kalikasan, na nagbunga ng sangkatauhan. Bagkus, Ako ang nag-alaga sa lahat ng nabubuhay na nilalang sa sangnilikha. Kung wala Ako, mapapahamak lamang ang sangkatauhan at sasailalim sa hampas ng kalamidad. Walang taong makakakitang muli kahit kailan ng magandang araw at buwan o ng luntiang mundo; ang mararanasan lamang ng sangkatauhan ay ang maginaw na gabi at hindi natitinag na lambak ng anino ng kamatayan. Ako lamang ang kaligtasan ng sangkatauhan. Ako lamang ang tanging pag-asa ng sangkatauhan at, lalo na, Ako ang Siyang dahilan kung bakit umiiral ang sangkatauhan. Kung wala Ako, ang sangkatauhan ay agad na darating sa ganap na pagtigil. Kung wala Ako, ang sangkatauhan ay daranas ng malawakang kapahamakan at tatapakan ng lahat ng uri ng mga multo, kahit na walang nakikinig sa Akin. Nakagawa Ako ng gawaing walang sinuman ang makagagawa, ang tangi Kong pag-asa ay mababayaran Ako ng tao ng ilang mabubuting gawa. Kahit na yaong makakabayad sa Akin ay napakaunti, tatapusin Ko pa rin ang Aking paglalakbay sa mundo ng tao at uumpisahan ang susunod na hakbang ng Aking gawaing nalalantad, dahil lahat ng Aking pagmamadaling pagparoo’t parito sa gitna ng tao nitong maraming taon ay naging mabunga, at lubos Akong nasisiyahan. Ang Aking iniintindi ay hindi ang bilang ng mga tao bagkus ang kanilang mabubuting gawa. Gayon pa man, umaasa Ako na naghahanda kayo ng sapat na mabubuting gawa para sa inyong patutunguhan. Saka Ako masisiyahan; kung hindi, wala sa inyo ang makatatakas sa sakunang darating sa inyo. Ang sakuna ay nagmumula sa Akin at mangyari pa ay isinasaayos Ko. Kung hindi kayo makapagpapakita bilang mabuti sa Aking mga mata, kung gayon hindi ninyo matatakasan ang paghihirap ng sakuna. Sa gitna ng kapighatian, ang inyong mga pagkilos at mga gawa ay hindi itinuring na lubusang karapat-dapat, dahil ang inyong pananampalataya at pag-ibig ay hungkag, at ipinakita lamang ninyo ang inyong mga sarili na alinman sa duwag o matigas. Tungkol dito, gagawa lamang Ako ng paghatol ng mabuti o masama. Ang Aking patuloy na pinahahalagahan ay ang paraan kung saan bawa’t isa sa inyo ay kumikilos at inihahayag ang kanyang sarili, ang batayan kung saan pagpapasyahan Ko ang inyong wakas. Datapwa’t, kailangang gawin Ko itong malinaw: hindi na Ako magbibigay ng awa sa mga hindi nagbigay sa Akin kahit katiting na katapatan sa mga panahon ng kapighatian, sapagka’t ang awa Ko ay hanggang doon lamang. Bukod diyan, wala Akong pagkagusto kaninuman na minsan na Akong naipagkanulo, lalong hindi Ko gusto na makisama roon sa mga nagkakanulo ng mga hinahangad ng kanilang mga kaibigan. Ito ang disposiyon Ko, sinuman ang taong iyan. Kailangang sabihin Ko ito sa inyo: Sinumang dumudurog sa Aking puso ay hindi tatanggap ng kaawaan mula sa Akin sa ikalawang pagkakataon, at sinumang naging matapat sa Akin ay mananatili sa puso Ko magpakailanman.
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Rekomendasyon: 
Ang Kidlat ng Silanganan, ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos! Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.