Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

26 Hunyo 2019

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos -Punong Salita

Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman ang mga tao ay alam na alam ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain.

22 Hunyo 2019

Tagalog Christian Songs - "Ang Ugat ng Pagkalaban at Pagsuway ng Tao sa Diyos"

  

Tagalog Christian Songs-Ang Ugat ng Pagkalaban at Pagsuway ng Tao sa Diyos

I
Ang pagka-Diyos ni Cristo ay higit kaysa lahat ng tao.
S'yang pinakamataas na awtoridad sa lahat ng likhang nilalang.
Ito ang pagka-Diyos Niya, disposisyon at katauhan Niya.
Ang mga ito ang nagpapasiya tungkol sa pagkakakilanlan Niya.
Normal ang pagkatao Niya, iba't iba ang papel Niya,
at lubusan Niyang sinusunod ang Diyos, 
gayunman walang duda, Diyos pa rin Siya.

30 Mayo 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo-Kapag Namamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus ay Magiging Kung Kailan Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa

Inaasam mo bang makita si Jesus? Inaasam mo bang mabuhay kasama si Jesus? Inaasam mo bang marinig ang mga salitang sinasambit ni Jesus? Kung gayon, paano mo naman sasalubungin ang pagbabalik ni Jesus? Handang-handa ka na ba? Sa anong paraan mo sasalubungin ang pagbabalik ni Jesus? Sa palagay Ko bawa’t kapatid na lalaki at babae na sumusunod kay Jesus ay gugustuhing malugod na salubungin si Jesus.

28 Mayo 2019

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos-Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan

Ang nagkatawang-taong Diyos ay tinatawag na Cristo, at si Cristo ay ang katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos. Ang laman na ito ay hindi katulad ng kahit sinong taong galing sa laman. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay may kapwa normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos.

29 Abril 2019

Tagalog Christian Songs | "Ang mga Taong Natamo ng Diyos ay Nagtataglay ng Realidad"




Tagalog Christian Songs-Ang mga Taong Natamo ng Diyos ay Nagtataglay ng Realidad

I Ang Diyos ay praktikal na Diyos. Lahat ng Kanyang gawain, Kanyang bawat salita, mga katotohanang Kanyang ipinahayag ay praktikal. Lahat ng iba pa'y hungkag at hindi tama. Gagabay sa tao Banal na Espiritu tungo sa mga salita ng Diyos. Para makapasok sa realidad, kailangan ng taong hanapin, alamin, at maranasan ito. Sila na taglay at alam ang realidad ay ang mga natamo ng Diyos. Alam nila ang Kanyang mga gawain sa pamamagitan ng pagdanas sa realidad. Mas nakikipagtulungan ka sa Diyos at lalo mong dinidisiplina ang iyong laman, lalong gagawa ang Diyos at magliliwanag sa iyo, at iyong matatamo ang realidad at malalaman ang mga gawain ng Diyos. II Siya na mas nakakaalam ng realidad ay kayang makita kung kaninong mga salita ang totoo, at mas kaunti ang mga akala. Mas maraming karanasan, mas lalong malalaman ng tao ang mga gawain ng Diyos at iwawaksi ang kanilang mga kasamaan. Mas marami silang taglay na realidad, mas makikilala nila ang Diyos, kamumuhian ang laman at mamahalin ang katotohanan, mas malapit sa mga pamantayan ng Diyos. Sila na taglay at alam ang realidad ay ang mga natamo ng Diyos. Alam nila ang Kanyang mga gawain sa pamamagitan ng pagdanas sa realidad. Mas nakikipagtulungan ka sa Diyos at lalo mong dinidisiplina ang iyong laman, lalong gagawa ang Diyos at magliliwanag sa iyo, at iyong matatamo ang realidad at malalaman ang mga gawain ng Diyos. III Mamuhay sa liwanag ng Diyos ngayon, lilinaw ang iyong landas ng pagsasagawa. Mapapalaya mo ang iyong sarili sa dating gawain at lumang relihiyosong pag-iisip. Ngayon ang pansin ay sa realidad. Kapag mas taglay ito ng tao, mas malinaw ang kanilang kaalaman sa katotohanan at pag-unawa sa kalooban ng Diyos. Sila na taglay at alam ang realidad ay ang mga natamo ng Diyos. Alam nila ang Kanyang mga gawain sa pamamagitan ng pagdanas sa realidad. Mas nakikipagtulungan ka sa Diyos at lalo mong dinidisiplina ang iyong laman, lalong gagawa ang Diyos at magliliwanag sa iyo, at iyong matatamo ang realidad at malalaman ang mga gawain ng Diyos. mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin


21 Pebrero 2019

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Tatlong Paalaala"



Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Tatlong Paalaala"

        Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Bilang isang nananampalataya sa Diyos, dapat kang maging tapat sa Kanya lamang sa lahat ng mga bagay at makayang umayon sa Kanyang kalooban sa lahat ng mga bagay.