.•*¨*•.¸¸♬ .•*¨*•.¸¸ ♪.•*¨*•.¸¸♬.•*¨*•.¸¸♪.•*¨*•.¸¸ ♪.•*¨*•.¸¸♬.•*¨*•.¸¸♪
I
Ang landas ng buhay ay bagay na di-taglay ng sinuman;
bagay na di madaling kunin ng kahit na sino.
Dahil buhay ay sa Diyos lang nagmumula,
Diyos lang ang may diwa ng buhay,
Diyos lang ang may landas ng buhay.
Kaya Diyos lang pinagmumulan ng buhay,
at ang laging dumadaloy na bukal ng buhay na tubig ng buhay.
Mula sa paglikha ng mundo, maraming gawaing nagawa ang Diyos
na kasama ang sigla, na nagbibigay ng buhay sa tao;
Nagbayad Siya nang mahal upang tao'y makatamo ng buhay.
Dahil ang Diyos Mismo ang walang hanggang buhay;
Siya ang daan upang tao'y muling mabuhay.
II
Kailanma'y Diyos di-nawalay sa puso ng tao,
Siya'y laging kasama nila.
Siya ang pwersa ng kanilang pamumuhay,
at ang pundasyon ng kanilang pag-iral;
Siya'y masaganang deposito para tao'y mabuhay.
Siya'ng dahilan na tao'y muling ipanganak,
at pinapalakas silang ipamuhay ang tungkulin.
Diyos lang Mismo ang may diwa ng buhay,
Diyos lang ang may landas ng buhay.
Kaya Diyos lang pinagmumulan ng buhay,
at ang laging dumadaloy na bukal ng buhay na tubig ng buhay.
Dahil sa kapangyarihan at di nabibigong pwersa ng buhay Niya,
tao'y nabuhay ng sali't salinlahi.
III
Kapangyarihan ng buhay ng Diyos, suporta sa tao'y patuloy;
Nagbayad ang Diyos ng halaga na kailanman tao'y di-naibigay.
Pwersa ng buhay ng Diyos ay nananaig sa lahat;
at nangingibabaw ito sa lahat ng kapangyarihan.
Buhay Niya'y walang-hanggan, kapangyarihan Niya'y di-pangkaraniwan.
Walang nilalang o kaaway ang dadaig sa Kanyang pwersa ng buhay,
na umiiral at nagliliwanag
sa anumang oras at lugar.
Diyos lang Mismo ang may diwa ng buhay,
Diyos lang ang may landas ng buhay.
Kaya Diyos lang pinagmumulan ng buhay,
at ang laging dumadaloy na bukal ng buhay na tubig ng buhay.
Langit at lupa ma'y magbagong lubos, kailanma'y hindi ang buhay ng Diyos.
Lahat ma'y mawawala, buhay ng Diyos mananatili,
dahil ang Diyos ang puno at ugat ng pag-iral ng lahat ng bagay,
dahil ang Diyos Mismo ang walang-hanggang buhay.
IV
Buhay ng tao sa Diyos nagmumula, umiiral ang langit dahil sa Diyos,
at lupa'y umiiral dahil sa kapangyarihan ng buhay ng Diyos.
Walang nabubuhay ang makakadaig sa kapangyarihan ng Diyos,
at walang lakas ang makatatakas sa sakop ng kapamahalaan ng Diyos.
Diyos lang ang may diwa ng buhay,
Diyos lang Mismo ang may landas ng buhay.
Kaya Diyos lang ang pinagmumulan ng buhay,
at ang laging dumadaloy na bukal ng buhay na tubig ng buhay.
Dahil dito, maging sinuman sila,
sangkatauha'y dapat magpasakop sa dominyon ng Diyos,
mabuhay sa ilalim ng utos Niya.
Walang makakatakas, walang makakatakas, makakatakas sa kontrol Niya.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang Diyos Mismo, at ang buhay, at ang katotohanan, at ang Kanyang buhay at katotohanan ay sabay na umiiral. Silang mga walang kakayahang makamtan ang katotohanan ay di-kailanman makakamtan ang buhay. Kung wala ang patnubay, tulong, at pagtustos ng katotohanan, ang makakamtan mo lang ay mga salita, mga doktrina, at, bukod diyan, kamatayan. Ang buhay ng Diyos ay laging naririyan, at ang Kanyang katotohanan at buhay ay umiiral nang sabay. Kung hindi mo mahanap ang pinagmulan ng katotohanan, sa gayon hindi mo makakamtan ang sustansiya ng buhay; kung hindi mo makakamtan ang sustento ng buhay, sa gayon tiyak na hindi ka talagang magkakaroon ng katotohanan, at sa gayon bukod sa mga imahinasyon at mga pagkaintindi, ang kabuuan ng iyong katawan ay magiging walang iba kundi laman lang, ang iyong umaalingasaw na laman. Alamin mo na ang mga salita ng mga aklat ay hindi itinuturing na buhay, ang mga talaan ng kasaysayan ay hindi maaaring ipagdiwang na katotohanan, at ang mga doktrina ng mga nakalipas na panahon ay hindi maaaring magsilbing paglalarawan ng sinambit ng Diyos sa kasalukuyan. Ang tanging mga inihayag ng Diyos nang Siya ay nagtungo sa lupa at namuhay kasama ng mga tao ay ang katotohanan, buhay, kalooban ng Diyos, at Kanyang kasalukuyang paraan ng paggawa. Kapag iyong ginamit ang mga itinalang mga salita na binigkas ng Diyos noong mga sinaunang panahon sa ngayon, sa gayon ikaw ay isang arkeologo, at ang pinakamainam na itawag sa iyo ay isang dalubhasa sa mga minanang kasaysayan. Ito ay dahil sa ikaw ay laging naniniwala sa mga bakas ng mga gawain ng Diyos noong unang panahon, pinaniniwalaan lang ang aninong iniwan ng Diyos noong dati Siyang gumawa kasama ng mga tao, at pinaniniwalaan lang ang mga paraan na ibinigay ng Diyos sa Kanyang mga tagasunod noong lumipas na panahon. Hindi ka naniniwala sa direksiyon ng gawain ng Diyos ngayon, hindi naniniwala sa maluwalhating anyo ng Diyos ngayon, at hindi naniniwala sa daan ng katotohanan na inihayag ng Diyos ngayon. Sa gayon ikaw ay hindi maipagkakaila na isang nangangarap nang gising na lubos na malayo sa pagkatotoo. Kapag ngayon ikaw ay nananatiling nakakapit sa mga salitang walang kakayahang magbigay buhay sa tao, gayon ikaw ay tulad ng isang walang buhay at walang pag-asa,[a] dahil ikaw ay masyadong makaluma, masyadong suwail, masyadong hindi naaapektuhan ng pangangatuwiran!"
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento