Mga Pagbigkas ni Cristo | Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayahang Kumatawan sa Diyos
Ang tao ay nabubuhay sa ilalim ng pagkabalot sa impluwensya ng kadiliman, nakagapos sa impluwensya ni Satanas nang walang matatakasan. At ang disposisyon ng tao, pagkatapos nitong napasailalim na sa pagpoproseso ni Satanas, ay nagiging lalo pang tiwali. Masasabi ng isa na ang tao ay noon pa namumuhay kasama ang kanyang tiwali at malasatanas na disposisyon, walang kakayahang tunay na ibigin ang Diyos. Yamang ganito, kung nais ng tao na ibigin ang Diyos, kailangan niyang mahubaran ng kanyang pagmamagaling, labis na pagpapahalaga sa sarili, pagmamataas, pagkamakasarili, at mga gaya nito, na kabilang lahat sa disposisyon ni Satanas. Kung hindi, ang pag-ibig ng tao ay isang maruming pag-ibig, isang pag-ibig kay Satanas, at isa na siguradong hindi makakatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos. Kung hindi nagiging direktang ginagawang perpekto, pinakikitunguhan, binabasag, tinatabas, dinidisiplina, kinakastigo, o pinipino ng Banal na Espiritu, walang sinuman ang tunay na nakakaibig sa Diyos. Kung sinasabi mo na ang isang bahagi ng iyong disposisyon ay kumakatawan sa Diyos at dahil dito ay kaya mong ibigin ng tunay ang Diyos, sa gayon ay isa ka na nangungusap ng mga salita ng kayabangan at isang taong salungat sa katuwiran. At ang mga taong katulad nito ay ang arkanghel! Ang sadyang kalikasan ng tao ay hindi kayang direktang kumatawan sa Diyos. Kailangang alisin ng tao ang sadyang kalikasan niya sa pamamagitan ng pagperpekto ng Diyos at pagkatapos, sa pamamagitan lamang ng pagmamalasakit sa kalooban ng Diyos, pagtupad sa kalooban ng Diyos at higit pang pagpapasailalim sa gawain ng Banal na Espiritu, na masasang-ayunan ng Diyos ang kanyang pagsasabuhay. Walang sinuman na nabubuhay sa laman ang kayang direktang kumatawan sa Diyos, maliban kung siya ay isang tao na ginagamit ng Banal na Espiritu. Gayunman, kahit sa taong katulad nito, ang kanyang disposisyon at kung ano ang kanyang isinasabuhay ay hindi masasabi na ganap na kumakatawan sa Diyos; masasabi lamang ng isang tao na ang kanyang isinasabuhay ay ginagabayan ng Banal na Espiritu. Ang disposisyon ng gayong tao ay hindi kayang kumatawan sa Diyos.
Kahit na ang disposisyon ng isang tao ay itinatalaga ng Diyos—ito ay walang-alinlangan at maituturing na isang positibong bagay—ito ay naproseso na ni Satanas. Samakatuwid, ang buong disposisyon ng tao ay disposisyon ni Satanas. Maaaring sabihin ng isa na ang Diyos, sa disposisyon, ay tuwiran sa paggawa ng mga bagay-bagay, at siya rin ay kumikilos sa ganitong paraan, siya rin ay may ganitong uri ng karakter, at kaya, sinasabi niya, na itong kanyang disposisyon ay kumakatawan sa Diyos. Anong klaseng tao ito? Kaya bang katawanin ng tiwali at malasatanas na disposisyon ang Diyos? Sinupamang nagpapahayag na ang kanyang disposisyon ay kumakatawan sa Diyos, ang taong iyan ay lumalapastangan sa Diyos at iniinsulto ang Banal na Espiritu! Mula sa pananaw sa paraan kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu, ang gawain na ginagawa ng Diyos sa lupa ay tanging upang manlupig. Ito ang dahilan kung bakit ang malaking bahagi sa tiwaling malasatanas na disposisyon ng tao ay hindi pa nalilinis at kung bakit ang isinasabuhay pa rin ng tao ay ang larawan ni Satanas. Ito ang pinaniniwalaan ng tao na mabuti at kumakatawan ito sa mga pagkilos ng laman ng tao, o, para maging mas tumpak, ito ay kumakatawan kay Satanas at walang-pasubali na hindi kayang kumatawan sa Diyos. Kahit na ang isang tao ay umiibig na sa Diyos hanggang sa lawak na natatamasa na niya ang buhay ng langit sa lupa, kayang makapagbitaw ng mga pahayag na tulad ng: “O Diyos! Hindi Kita maiibig nang sapat,” at narating na ang pinakamataas na katayuan, hindi mo pa rin masasabi na isinasabuhay niya ang Diyos o kumakatawan sa Diyos, dahil ang diwa ng tao ay hindi katulad ng sa Diyos. Hindi kailanman maisasabuhay ng tao ang Diyos, mas lalo na ang maging Diyos. Ang nasabi na ng Banal na Espiritu sa tao na isabuhay ay alinsunod lamang sa kung ano ang hinihingi ng Diyos sa tao.
Ang lahat ng kilos at mga gawa ni Satanas ay nakikita sa tao. Ngayon ang lahat ng kilos at mga gawa ng tao ay pagpapahayag ni Satanas at samakatuwid ay hindi kayang kumatawan sa Diyos. Ang tao ang pagsasakatawan ni Satanas, at ang disposisyon ng tao ay hindi kayang kumatawan sa disposisyon ng Diyos. Ang ilang tao ay may mabuting karakter; ang Diyos ay maaaring gumawa ng ilang gawain sa pamamagitan ng naturang karakter ng mga tao at ang gawain na kanilang ginagawa ay ginagabayan ng Banal na Espiritu. Nguni’t ang kanilang disposisyon ay hindi kayang kumatawan sa Diyos. Ang gawain na ginagawa ng Diyos sa kanila ay paggawa lamang at pagpapalawak sa kung ano na ang umiiral sa loob. Mga propeta man o mga taong ginamit ng Diyos mula sa mga nakaraang kapanahunan, walang sinuman ang kayang direktang kumatawan sa Kanya. Ang lahat ng tao ay umiibig lamang sa Diyos dahil sa pamimilit ng mga pangyayari, at wala ni isa ang kusang nagsisikap upang makipagtulungan. Ano ang mga positibong bagay? Ang lahat ng direktang nanggagaling sa Diyos ay positibo. Gayunman, ang disposisyon ng tao ay naproseso na ni Satanas at hindi kayang kumatawan sa Diyos. Tanging ang nagkatawang-taong Diyos—ang Kanyang pag-ibig, ang Kanyang kahandaan na magdusa, ang Kanyang pagkamatuwid, pagpapasakop, at pagpapakumbaba at pagkatago—ang lahat nito ay direktang kumakatawan sa Diyos. Ito ay dahil noong Siya ay pumarito, Siya ay walang makasalanang kalikasan at direktang dumating mula sa Diyos, nang hindi naproseso ni Satanas. Naging katulad lamang si Jesus ng makasalanang laman at hindi kumakatawan ng kasalanan; samakatuwid, ang Kanyang mga kilos, gawa, at salita, hanggang sa panahon bago ang Kanyang pagtupad ng gawain sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus (kabilang ang sandali ng Kanyang pagpapapako sa krus), ay direktang kumakatawan lahat sa Diyos. Ang halimbawa ni Jesus ay sapat na upang patunayan na ang sinumang tao na may makasalanang kalikasan ay hindi kayang kumatawan sa Diyos, at ang kasalanan ng tao ay kumakatawan kay Satanas. Ang ibig sabihin nito, ang kasalanan ay hindi kumakatawan sa Diyos at ang Diyos ay walang kasalanan. Kahit ang gawaing ginawa sa tao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay maituturing lamang na nagabayan ng Banal na Espiritu at hindi masasabi na ginawa ng tao sa ngalan ng Diyos. Nguni’t para sa tao, ang kanyang kasalanan man o ang kanyang disposisyon ay hindi kumakatawan sa Diyos. Mula sa pananaw ng gawaing ginawa sa tao ng Banal na Espiritu sa ngayon at mula noon sa nakaraan, karamihan ay ginampanan sa tao ng Banal na Espiritu. Dahil dito taglay ng tao ang kung ano ang kanyang isinasabuhay. Gayunman, ito ay nasa isang panig lamang, at napakakaunti ang nakakagawang isabuhay ang katotohanan matapos ang pakikitungo at pagdidisiplina ng Banal na Espiritu. Ang ibig sabihin nito, tanging ang gawain ng Banal na Espiritu ang naroroon at ang kooperasyon sa panig ng tao ay wala. Malinaw mo ba itong nakikita ngayon? Yamang ganito, ano ang dapat mong gawin upang ibigay ang pinakamahusay mo sa paggawa na kasama Niya habang ang Banal na Espiritu ay gumagawa at sa gayon ay tinutupad mo ang iyong tungkulin?
Magrekomenda nang higit pa:Tagalog Christian Songs
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento