Kidlat ng Silanganan—Pagbigkas ng Diyos | Ang mga Pangako sa mga Nagawang Perpekto
Ano ang landas kung saan ginagawang perpekto ng Diyos ang tao? Aling mga aspeto ang kasama? Ikaw ba ay pumapayag na gawing perpekto ng Diyos? Ikaw ba ay pumapayag na tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos? Ano ang alam mo tungkol sa mga katanungang ito? Kung hindi mo kayang banggitin ang naturang kaalaman, kung ganon lumalabas na hindi mo pa rin alam ang gawain ng Diyos at hindi pa talaga naliwanagan ng Banal na Espiritu. Ang ganitong uri ng tao ay hindi magiging perpekto.
Maaari lamang silang tumanggap ng isang maliit na sukat ng biyaya upang matamasa nang panandalian at hindi ito maaaring manatiling pangmatagalan. Kung nasisiyahan lamang siya sa biyaya ng Diyos, hindi siya magagawang perpekto ng Diyos. Ang ilan ay maaaring malugod sa kapayapaan at kasiyahan ng laman, ng isang maalwang buhay na walang paghihirap o kasawian, namumuhay sa kapayapaan sa kanilang pamilya nang walang mga away o mga alitan. Maaari pa nga silang maniwala na ito ay pagpapala ng Diyos, ngunit sa katotohanan, isa lamang itong biyaya ng Diyos. Hindi kayo maaaring masiyahan lamang sa pagtamasa ng biyaya ng Diyos. Ang ganitong uri ng pag-iisip ay masyadong masagwa. Kahit na araw-araw mong basahin ang salita ng Diyos, manalangin araw-araw, at ang iyong espiritu ay nakakaramdam ng partikular na kasiyahan at kapayapaan, gayon pa man sa katapusan ay hindi mo maaaring masabi ang anumang kaalaman sa Diyos at sa Kanyang gawain o walang karanasan sa mga gayon, at kahit na gaano karami ang salita ng Diyos na iyong nakain na at nainom, kung nakadarama ka lamang ng kapayapaan at kasiyahan sa iyong espiritu at ang salita ng Diyos ay walang katulad ang katamisan, na parang hindi mo maaaring sapat na tamasahin ang mga ito, ngunit wala kang tunay na karanasan at walang realidad sa salita ng Diyos, ano ngayon ang matatanggap ninyo mula sa naturang paraan ng pananampalataya sa Diyos? Kung hindi mo maaaring isabuhay ang diwa ng salita ng Diyos, ang iyong pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos at mga panalangin ay lubusang hinggil sa relihiyon. Kung gayon ang ganitong uri ng tao ay hindi magiging perpekto at hindi makakamit ng Diyos. Ang lahat ng nakamit ng Diyos ay ang mga taong naghahangad ng katotohanan. Ang nakakamit ng Diyos ay hindi ang laman ng tao ni ang kanyang mga ari-arian, kundi ang bahagi ng kanyang kalooban na nauukol sa Diyos. Kung gayon, ang Diyos ay ginagawang perpekto hindi ang laman ng tao kundi ang kanyang puso, upang ang puso ng tao ay maaaring makamit ng Diyos. Sa madaling salita, ang diwa na nagsasabing ginagawang perpekto ng Diyos ang tao ay na ginagawang perpekto ng Diyos ang puso ng tao upang ito ay maaaring magbalik-loob sa Diyos at ibigin Siya.
Ang tao ay lahat laman. Walang dahilan ang Diyos sa pagkamit sa laman ng tao, dahil ito ay hindi maaaring hindi nabubulok. Hindi ito maaaring makatanggap ng pamana ng Diyos o ng mga biyaya Niya. Kung makakamtan lamang ng Diyos ang laman ng tao at pinapanatili ang laman ng tao sa ganitong daloy, pangalan lamang ng tao ang mapupunta sa daloy na ito, ngunit ang puso ng tao ay magiging pag-aari ni Satanas. Kung gayon hindi lamang hindi magagawang maging pagpapahayag ng Diyos ang tao, sa halip siya ay magiging Kanyang pasanin. Samakatuwid ang pagpili ng Diyos sa tao ay magiging walang kahulugan. Yaong gagawing perpekto ng Diyos ay silang tatanggap ng mga pagpapala ng Diyos at ng Kanyang pamana. Iyon ay, tinatanggap nila kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, upang mabuo kung anong mayroon sila sa loob; isinagawa sa kanila ang lahat ng salita ng Diyos; anuman ang kabuuan ng Diyos, nagagawa ninyong ganap na tanggapin ang lahat bilang gayon, kaya naisasabuhay ang katotohanan. Ito ang uri ng tao na ginawang perpekto ng Diyos at nakamit ng Diyos. Ang ganitong uri lamang ng tao ang nararapat na magmana ng mga pagpapalang ito na ipinagkaloob ng Diyos:
1. Tinatanggap nang buo ang pag-ibig ng Diyos.
2. Kumikilos alinsunod sa kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay.
3. Tinatanggap ang gabay ng Diyos, namumuhay sa ilalim ng liwanag ng Diyos, at pagiging nililiwanagan ng Diyos.
4. Pagsasabuhay sa larawan na mahal ng Diyos sa mundo; minamahal nang tunay ang Diyos gaya ng ginawa ni Pedro, na napako sa krus para sa Diyos at karapat-dapat na mamatay bilang kabayaran sa pagmamahal sa Diyos; ang pagkakaroon ng kaluwalhatian gaya ni Pedro.
5. Ang pagiging minamahal, iginagalang, at hinahangaan ng lahat sa lupa.
6. Napagtatagumpayan ang lahat ng pagkaalipin ng kamatayan at ng Hades, hindi binibigyang pagkakataon ang gawain ni Satanas, naaangkin ng Diyos, namumuhay sa loob ng isang bago at masiglang espiritu, at hindi nakararamdam ng kapaguran.
7. Ang pagkakaroon ng isang hindi mailarawang pakiramdam ng pagkalugod at kagalakan sa lahat ng oras sa buong buhay, na para bang nakita na niya ang araw ng pagdating ng kaluwalhatian ng Diyos.
8. Tumatanggap ng kaluwalhatiang kasama ng Diyos, at ang pagkakaroon ng isang anyo na gaya ng mga banal na minamahal ng Diyos.
9. Pagiging yaong iniibig ng Diyos sa lupa, samakatuwid, ang pinakamamahal na anak na lalaki ng Diyos.
10. Ang pagbabagong-anyo at pag-akyat kasama ang Diyos sa ikatlong langit, nalalampasan ang laman.
Tanging ang mga taong nagagawang manahin ang mga pagpapala ng Diyos ay ang mga nagawang perpekto ng Diyos at nakamit ng Diyos. May nakamit ka na bang anuman? Hanggang saan ka nagawang perpekto na ng Diyos? Hindi ginagawang perpekto ng Diyos ang tao nang padalus-dalos. May mga kondisyon at maliliwanag na resulta na maaaring makita ng tao. Hindi ito tulad ng pinaniniwalaan ng tao, na hangga’t siya ay may pananampalataya sa Diyos, siya ay maaaring maging perpekto at makakamit ng Diyos, at makakatanggap sa lupa ng mga pagpapala at pamana ng Diyos. Ang mga ganitong bagay ay lubhang napakahirap, lalo na kapag ang mga ito ay tungkol sa pagbabagong-anyo. Sa kasalukuyan, kung saan ang dapat ninyong pangunahing hanapin ay ang gawin kayong perpekto ng Diyos sa lahat ng bagay, at gawin kayong perpekto ng Diyos sa pamamagitan ng lahat ng tao, usapin, at mga bagay na inyong hinaharap, upang magiging bahagi ninyo ang higit pa sa kung ano ang Diyos. Kailangan ninyo munang tanggapin ang pamana ng Diyos sa lupa bago kayo maging nararapat na magmana ng higit pa at mas malalaking pagpapala mula sa Diyos. Ang lahat ng naturang bagay ang dapat ninyong hanapin at unawain muna. Mas hinahanap mo na gawin kang perpekto ng Diyos sa lahat ng bagay, mas makikita mo ang kamay ng Diyos sa lahat ng bagay, samakatuwid, aktibong hinahanap na pumasok sa kabuuan ng salita ng Diyos at ang realidad ng Kanyang salita sa pamamagitan ng iba’t ibang pananaw at iba’t ibang bagay. Hindi ka maaaring maging kuntento sa mga naturang negatibong kalagayan tulad ng basta hindi nagkakasala, o walang mga pagkaintindi, walang pilosopiya sa buhay, at walang pantaong kalooban. Ginagawang perpekto ng Diyos ang tao sa iba’t ibang paraan, at bilang resulta, posibleng magawa kang perpekto sa lahat ng usapin. Hindi ka lamang magiging perpekto pagdating sa positibo, kundi pati sa negatibo, samakatuwid pinagyayaman kung ano ang nakakamit mo. Araw-araw ay may mga pagkakataon na magawang perpekto at oras na makamtan ng Diyos. Matapos ang panahon ng naturang karanasan, lubos kang magbabago. Natural na ngayon sa iyo ang magkaroon ng kaalaman sa maraming bagay na dati mong hindi naunawaan; na di-kailangan ang iba upang turuan ka, na hindi namamalayan, liliwanagan ka ng Diyos, upang magkaroon ka ng kaliwanagan sa lahat ng bagay at ang lahat ng iyong karanasan ay madedetalye. Gagabayan ka ng Diyos nang hindi ka mapaling sa magkabilang panig. Ilalagay ka Niya pagkatapos sa landas ng pagkaperpekto.
Ang paggawang perpekto ng Diyos ay hindi malilimitahan sa pagkaperpekto sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos. Ang paraan ng karanasang ito ay masyadong naka-isang-panig at hindi sumasaklaw nang sapat; nililimitahan lamang nito ang tao sa isang napakaliit na saklaw. Sa kalagayang ito, nagkukulang ang tao sa higit na kailangang espirituwal na pagkain. Kung nais ninyong gawin kayong perpekto ng Diyos, dapat ninyong matutuhan na danasin ang lahat ng bagay at maliwanagan sa lahat ng inyong hinaharap. Sa tuwing ikaw ay nahaharap sa isang bagay, maging ito ay mabuti o masama, dapat kang makinabang mula sa mga ito at hindi ito dapat maging dahilan ng iyong pagsasawalang-kibo. Kahit anupaman, dapat magawa mong isaalang-alang ito sa pamamagitan ng paninindigan sa Diyos, at hindi suriin o aralin ito mula sa pananaw ng tao (isang paglihis ito sa iyong karanasan). Kung ito ang usapin ng iyong karanasan, pangingibabawan kung gayon ang iyong puso ng kabigatan ng buhay; palagi kang maninirahan sa liwanag ng anyo ng Diyos at hindi madaling malilihis ng landas sa iyong pagsasagawa. Ang ganitong uri ng tao ay may malalaking hinaharap. Napakaraming pagkakataon na magawang perpekto ng Diyos. Nakasalalay ang lahat ng ito kung kayo man ay totoong nagmamahal sa Diyos at kung mayroon kayong pagpapasya upang gawing perpekto ng Diyos, makamit ng Diyos, at tumanggap ng Kanyang mga biyaya at pamana. Hindi sapat na kayo ay mayroong kapasiyahan lamang. Dapat ay mayroon kayong malawak na kaalaman, kundi lagi kayong lilihis sa inyong pagsasagawa. Handang gawing perpekto ng Diyos ang bawat isa sa inyo. At tulad ng kalagayan ngayon, bagaman karamihan ay nakatanggap na sa gawain ng Diyos nang matagal ng panahon, nilimitahan na nila ang kanilang mga sarili sa basta pagbababad sa biyaya ng Diyos at handa lamang tumanggap ng ilang kaginhawahan ng laman mula sa Kanya. Hindi sila handang tumanggap ng higit pa at mas mataas na mga pahayag, na nagpapakita na ang puso ng tao ay lagi pa ring nasa labas. Kahit na ang gawain ng tao, ang kanyang paglilingkod, at ang kanyang puso ng pagmamahal para sa Diyos ay may mas kaunting karumihan, pagdating sa kalooban ng diwa ng tao at sa kanyang di-naliwanagang pag-iisip ang pinag-uusapan, palaging hinahanap ng tao ang kapayapaan at kasiyahan ng laman, at walang malasakit sa kung ano ang mga kondisyon at mga layunin ng Diyos sa pagperpekto Niya sa tao. Kung kaya ang mga buhay ng karamihan ay mahalay pa rin at imoral, na halos walang katiting na pagbabago. Hindi nila talaga tinitingnan na ang pananampalataya sa Diyos ay isang mahalagang bagay. Kung baga, may pananampalataya lamang sila para sa kapakanan ng iba, kumikilos nang walang kasigasigan o pagtatalaga, at nagkakasya lamang sa pinakamababang kasapatan, natatangay ng agos sa isang walang pakay na pag-iral. Kaunti lamang ang mga naghahanap na pumasok sa salita ng Diyos sa lahat ng bagay, ang nagkakaroon ng mas maraming masaganang bagay, ang pagiging isang taong higit na mayaman sa tahanan ng Diyos ngayon, at tumatanggap ng higit pang mga pagpapala ng Diyos. Kung hinahanap mo na gawin kang perpekto ng Diyos sa lahat ng bagay at nakakayang makapagmana ng mga pangako ng Diyos sa lupa; kung hinahanap mong maliwanagan sa pamamagitan ng Diyos sa lahat ng bagay at hindi hinahayaan ang mga taon na lumipas nang walang nagagawa, ito ang tamang-tamang landas upang aktibong pumasok. Sa ganitong paraan ka lamang karapat-dapat at nararapat na gawing perpekto ng Diyos. Ikaw ba ay isang totoong naghahanap na gawing perpekto ng Diyos? Ikaw ba ay isang totoong masigasig sa lahat ng bagay? Mayroon ka bang kaparehong espiritu ng pag-ibig para sa Diyos tulad ng kay Pedro? Mayroon ka bang kaloobang mahalin ang Diyos tulad nang ginawa ni Jesus? Ikaw ay nagkaroon na ng pananampalataya para kay Jesus sa maraming taon; nakita mo na ba kung paano minahal ni Jesus ang Diyos? Si Jesus ba ang talagang iyong pinaniniwalaan? Naniniwala ka sa praktikal na Diyos sa panahon ngayon; nakita mo na ba kung paano mahalin ng praktikal na Diyos sa katawang-tao ang Diyos na nasa langit? Mayroon kang pananampalataya sa Panginoong Jesucristo; dahil ito sa pagkapako sa krus ni Jesus upang tubusin ang sangkatauhan at ang mga himalang Kanyang ginawa sa pangkalahatan ay tinatanggap na mga katotohanan. Gayunpaman, ang pananampalataya ng tao ay hindi mula sa kaalaman at tunay na pagka-unawa kay Jesucristo. Naniniwala ka lamang sa pangalan ni Jesus ngunit walang pananampalataya sa Kanyang Espiritu, dahil sa ipinapakita mong walang pagsasaalang-alang kung paano minahal ni Jesus ang Diyos. Ang iyong pananampalataya sa Diyos ay masyado pang musmos. Kahit na nagkaroon ka na ng pananampalataya kay Jesus sa maraming taon, hindi mo alam kung paano umibig sa Diyos. Hindi ka ba nito pinagmumukhang pinakahangal sa mundo? Ipinapakita nito na nakain mo na sa maraming taon ang pagkain ng Panginoong Jesucristo nang walang kabuluhan. Hindi Ko lamang kinamumuhian ang naturang uri ng tao, naniniwala Akong pati na rin ang Panginoong Jesucristo, na iyong sinasamba. Paano magagawang perpekto ang naturang uri ng tao? Hindi ba namumula ang iyong mukha? Hindi ka ba nakakaramdam ng kahihiyan? May lakas ka pa ba ng loob na harapin ang Panginoong Jesucristo? Nauunawaan ba ninyong lahat ang kahulugan ng Aking mga salita?
Pinagmumulan:https://tl.kingdomsalvation.org/promises-to-those-who-have-been-perfected.html
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento